Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.09UNLIKELY
Disgust
0.08UNLIKELY
Fear
0.12UNLIKELY
Joy
0.58LIKELY
Sadness
0.54LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.04UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.06UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.41UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.18UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Issue: Dinaragdagan si Cristo na para bang may kulang pa (2:4, 8, 16-19).
Pagkatapos ng isang buwan na break natin sa series ng overview ng mga sulat ni apostle Paul, magreresume tayo ngayon at pag-aaralan ang Colossians.
Bakit nga ba natin ginagawa ang ganitong overview sermons?
Yung ilang verses nga mahirap nang pag-aralan, paano pa kung isang buong letter ni Paul! Una, para ma-encourage kayo na basahin n’yo ang Bible.
Salita ‘yan ng Diyos!
Ikalawa, para matulungan kayo at masanay kung paano babasahin at iintindihan yung mga letters ni Paul.
Mahalaga kasi alam ninyo ang historical background nito, yung konteksto nito, at yung orihinal na mensahe nito para sa sinulatan niya.
Sa ganung paraan, mas maririnig nating mabuti kung ano ang mensahe ng Diyos para sa atin ngayon.
Yun kasing mga issues na kinahaharap natin ngayon ay similar din (hindi man siyempre eksaktong-eksakto) sa mga issues na kinahaharap nila noon.
Although may mga specific situations na ina-address si Paul sa mga letters niya, pero intended din ito na maging “circular” letter, o yung basahin din sa ibang churches.
Sabi ni Paul sa dulo ng sulat niya, “Pagkabasa ninyo ng sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya sa Laodicea.
Basahin din ninyo ang sulat kong manggagaling doon” (Col.
4:16 MBB).
Bilang pastor ninyo, babasahin ko ang sulat na ito at ituturo sa inyo.
Basahin din ninyo, pag-aralang mabuti kung ano ang gustong sabihin ng Diyos sa atin dito, at ituro ito sa iba.
Bilang isang church, we disciple one another with the word of God.
“Ang salita ni Cristo’y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso.
Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan” (3:16 MBB).
Kaya nag-aaral tayo ng Heidelberg Catechism bago ang worship service, at ang mga bata naman ay New City Catechism.
Kaya meron tayong public reading of the Scripture.
Kaya inaawit natin ang salita ng Diyos sa isa’t isa.
Kaya ang mga elders ay nagpe-pray na saturated ng Word of God.
Kaya pag-uusapan natin ang salita ng Diyos sa loob ng bahay, sa mga discipleship groups, sa mga grace community gatherings.“Let the word of Christ dwell in you richly.”
Kailangang ma-saturate ng salita ng Diyos ang church natin.
Sobrang exposed tayo sa mga iba’t ibang teachings na nakakalat na hindi consistent sa gospel.
Sa social media ang daming ganyan!
Kung hindi tayo maingat, madali tayong mapapaniwala.
Tulad ng issue dito sa Colossae, isang maliit na church sa isang maliit na bayan lang na matatagpuan sa present-day Turkey (although wala na yang lugar na ‘yan ngayon).
Hindi pa naman nakakarating dito si Paul.
Pero si Epaphras malamang ang nagdala ng gospel dito at siya namang nagbalita kay Paul ng tungkol sa kanila, kasama itong mga issues na kinahaharap nila.
Kaya sumulat si Paul sa kanila, habang nakakulong din siya marahil sa Rome 60 AD (4:10, 18).
Dito rin niya isinulat ang Ephesians at Philippians.
Ano’ng issue naman dito sa Colossians?
Hindi natin alam eksakto, pero may mga clues na makikita tayo sa chapter 2.
“Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ninuman sa pamamagitan ng mga mapang-akit na pananalita” (2:4).
Posible na meron silang mga naririnig na katuruan na magandang pakinggan at attractive sa kanila.
“Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhang karunungan at pandaraya na ayon sa mga tradisyon ng mga tao at mga alituntunin ng mundong ito, at ang mga ito ay hindi ayon kay Cristo” (2:8).
Kung pakikinggan mo, parang tama naman, parang wais.
Pero sabi ni Paul, “walang kabuluhan at pandaraya.”
Hindi ayon sa salita ng Diyos.
Pero ayon lang sa tradisyon ng tao.
“Kaya’t huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga (Sabbath).
Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito.
Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel.
Ipinagmamalaki nilang sila'y nakakahigit sa inyo dahil sa kanilang mga pangitain.
Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman.
Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan.
Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid.
Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos” (3:16-19).
We are not exactly sure sa nature ng false teachings dito.
Merong impluwensiya ng false “wisdom” ng mga Greeks at meron ding galing sa Jewish influence tungkol sa mga rituals and ceremonies.
Di man natin lubos na maunawaan kung ano ang problema nila, mahalaga na makita natin na ang ugat ng problemang ito ay dahil ito ay “hindi ayon kay Cristo” (2:8).
Hindi man itinatanggi si Cristo, pero parang dinaragdagan si Cristo na para bang kulang pa si Cristo at ang ginawa niya sa krus para sa atin.
Bakit ka nga magfofocus sa “anino” kung si Cristo na ang “katuparan ng lahat ng ito” (2:17).
Hindi mapapabuti ang Kristiyano at isang church kung nakahiwalay kay Cristo, isang katawan na “not holding fast the head” (2:19).
Kung hiwalay kasi kay Cristo, para tayong sanga na nakahiwalay sa puno.
Sabi nga ni Cristo, “Apart from me you can do nothing” (John 15:5).
Walang bunga, o yung akala nating bunga hindi pala, pero hindi naman pala “paglagong mula sa Diyos” (2:19 ASD).
Hindi yung busy lang tayo, masaya lang tayo, parang okay naman tayo.
Pero lumalago ba talaga tayo kay Cristo?
Nagiging katulad ni Cristo?
At ipinamumuhay ang buhay natin para kay Cristo?
Hindi pwede sa buhay Kristiyano na nakahiwalay kay Cristo.
Hindi rin pwede na nakakonekta ka nga kay Cristo pero dinadagdagan mo pa si Cristo ng kung anu-ano na para bang kulang pa si Cristo.
Sa ganitong isyu sa Colosas, paano ito in-address ni Pablo?
At ano ang matututunan natin sa approach niya in dealing with similar problems sa church natin ngayon?
Pastoral Approach: The Ministry of the Gospel (1:3-12; 1:24-2:5)
1. Pasasalamat
Typical sa mga sulat ni Pablo ang meron thanksgiving and prayer section sa simula tulad dito sa Colossians 1:3-12.
Sa 1:3-8 ay yung kanyang pasasalamat sa Diyos sa mga naririnig niya kay Epaphras tungkol sa kanila (v.
8).
Yes, merong problema na kailangang i-address.
Merong mga needs na kailangang ipagpray.
Pero kapag nagpapasalamat tayo, we recognized na yung gospel (“the word of the truth,” v. 5; “the grace of God in truth,” v. 6) ay merong bunga (“bearing fruit and increasing,” v. 6) sa buhay ng mga church members.
Ano yung bunga na ipinagpapasalamat ni Pablo sa kanila?
“Your faith in Christ Jesus and of the love that you have for all the saints” (v.
4); “your love in the Spirit” (v.
8).
Pwede akong mag-rant o magreklamo nang magreklamo kung puro problema ang nakikita ko sa church, at kung magfofocus ako sa mga nawawala sa church.
Pero kung nakikita ko ang bunga ang gospel preaching and gospel ministry sa church, nag-uumapaw ang puso ko sa kagalakan at pasasalamat sa Diyos.
Yung pananampalataya n’yo sa kabila ng marami n’yong napagdaanan at pinagdadaanan ngayon.
Yung love ninyo para sa church, yung overflow of generosity sa giving, yung concern sa mga members na nangangailangan, yung time and effort na ineexert ninyo to reach out sa mga nawawala at nanghihina.
I really thank the Lord for you.
2. Panalangin
Ang ikalawa naman ay prayer na siyang habit ni Paul para sa kanila, “Tuwing ipinapanalangin namin kayo” (v.
3); “we have not ceased to pray for you” (v.
9).
Ano ang ipinagpepray niya para sa kanila?
And this is also the prayer of your elders for you.
Una, mas malalim na pagkakilala sa Diyos na magdudulot ng mabuting gawa.
Kaya't mula nang araw na aming marinig ito, hindi kami tumigil ng pananalangin para sa inyo at sa paghiling na kayo'y punuin ng kaalaman ng kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal, upang kayo'y lumakad nang nararapat sa Panginoon, na lubos na nakakalugod sa kanya, namumunga sa bawat gawang mabuti, at lumalago sa pagkakilala sa Diyos.
(vv.
9-10 AB)
Ikalawa, kalakasan para sa pagtitiis.
“Nawa'y palakasin kayo sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kanyang kaluwalhatian, para sa lahat ng katatagan at pagtitiyaga na may galak” (v.
11 AB).
Ikatlo, nagpapasalamat sa kabila ng hirap na pinagdaraanan.
“...na nagpapasalamat sa Ama, na ginawa niya tayong karapat-dapat na makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan” (v. 12 AB).
Ito yung reason bakit mga elders ang nagli-lead ng mga prayers sa Sunday worship natin.
Ito yung commitment rin naming mga elders to pray for every member of this church tulad ng prayers ni Paul.
Hindi dapat mapabayaan ang prayer.
Ganito rin ang ginagawa ni Epaphras na marahil ay isa sa mga pastor nila, “na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos” (4:12 AB).
Ganito rin ang commitment ng mga apostol, “We will devote ourselves to prayer and to the ministry of the word” (Acts 6:4).
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9