Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.08UNLIKELY
Disgust
0.06UNLIKELY
Fear
0.1UNLIKELY
Joy
0.56LIKELY
Sadness
0.54LIKELY
Language Tone
Analytical
0.04UNLIKELY
Confident
0.73LIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.04UNLIKELY
Conscientiousness
0.14UNLIKELY
Extraversion
0.34UNLIKELY
Agreeableness
0.66LIKELY
Emotional Range
0.25UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Forgetting Jesus during the Christmas Season
Nagtitipon tayo ngayon not because it’s Christmas Day.
Nagkataon lang na Pasko ngayon sa kalendaryo at maraming tao ang abalang-abala sa iba’t ibang klase ng pagdiriwang nila ng Pasko.
But today is the Lord’s Day.
This is the primary reason why we gather today.
Araw para tayo na mga nakay Cristo ay magtitipun-tipon, as a church family, para sambahin ang Panginoon sa pamamagitan ng pag-awit sa kanya, pananalangin sa kanya, at pakikinig ng kanyang mga Salita.
Mahalaga ang araw na ito para ma-refocus ang paningin, ang isip at puso natin.
Kasi naman, we are easily distracted kung ano nga ba talaga ang pinakamahalaga sa buhay natin—Jesus.
“For by him all things were created...all things were created through him and for him” (Col.
1:16).
Buong buhay natin para sa kanya.
All these celebrations dapat para sa kanya rin.
Sinasabi pa nating he is “the reason for the season” pero nagiging nice-sounding slogan lang siya na “hollow” ang meaning kung sa sobrang kaabalahan natin, yung isip at puso natin ay hindi na nakatuon sa kanya.
Malaki ang implications nito, hindi lang during this holiday season.
Everyday kasi, nahaharap tayo sa temptations na mananatili ba tayong faithful kay Cristo o babaling tayo sa ibang mga bagay, babalik sa dati nating buhay, magtitiwala sa mga bagay at mga tao sa mundong ito na para bang sila ang “saviors” natin.
Ito ang temptation na kinakaharap ng mga Jewish Christians na malamang na primary readers ng Hebrews.
Although hindi tayo sigurado kung sino talaga ang author nito, alam natin na ito ay salita ng Diyos na nagbibigay ng paalala (at warnings din) sa kanila.
Tempted kasi sila, dahil sa mga persecutions na kinahaharap nila, na bumalik sa dati nilang relihiyon na malamang ay mas kumportable sa kanila.
Sabi sa kanila ng author, “…you endured a hard struggle with sufferings…you have need of endurance...” (Heb.
10:32, 36).
Sa buong letter, nandun yung call to enduring faithfulness sa gitna ng mga persecutions at temptations to fall away.
Ano ang ginagawa ng author ng Hebrews to accomplish that purpose?
By presenting the supremacy of Christ over all—na wala na, as in wala nang hihigit pa kay Cristo.
Sa simula pa lang, sinabi na niya na si Jesus ang Anak ng Diyos, at nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan niya (1:2).
Siya mismo ay Diyos dahil lahat ay nalikha sa pamamagitan niya (1:2), “He is the radiance of the glory of God and the exact imprint of his nature, and he upholds the universe by the word of his power” (1:3).
Meron pa bang hihigit sa kanya kung siya ang may hawak ng lahat ng bagay?
Higit siya sa mga anghel, kaya nararapat siyang sambahin (1:6).
Siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao.
Yun ang tinatawag nating “incarnation.”
Siya lang tunay na Diyos at tunay na tao ang makapagliligtas sa atin.
“Since therefore the children share in flesh and blood, he himself likewise partook of the same things…he had to be made like his brothers in every respect, so that he might become a merciful and faithful high priest in the service of God, to make propitiation for the sins of the people” (2:14, 17).
Dahil si Jesus ay tunay na Diyos at tunay na tao, he is all the help we need.
Kung ganun naman pala, at alam naman natin yun, bakit mo nga naman kakalimutan at isasantabi si Jesus—Pasko man ‘yan o anumang panahon?
Kaya sa simula ng chapter 3, the author of Hebrews exhorted us to “consider Jesus”:
Christians, Consider Jesus (3:1)
Throughout this passage, meron lang isang utos sa atin na dapat gawin, “Consider Jesus” (v. 1).
Mahalagang alam natin kung ano ang ibig sabihin niyan, at kung paano natin gagawin ‘yan.
Pero bago yun, tingnan muna natin kung bakit mahalaga ang utos na ‘to.
Nagsimula ang passage sa “Therefore…,” ibig sabihin, dahil sa mga nauna na niyang sinabi—the supremacy of Christ over all things, as God’s final revelation, his supremacy over all the heavenly beings—so we must “consider Jesus.”
Kailangan natin si Jesus.
Nagkatawang tao ang Diyos, nagdusa, namatay para sa ating mga kasalanan, muling nabuhay, at ngayo’y nasa kanan ng Diyos sa langit interceding for all of us.
“He is able to help those who are being tempted” (2:18).
Hindi lang ito yung paminsan-minsang temptation na kinakaharap natin, kundi yung great temptation to walk away from the faith.
Kung gusto nating magpatuloy sa pananampalataya, “consider Jesus.”
At sinu-sino ang sinasabihan niya nito?
Hindi yung mga non-Christians.
Of course, we share the gospel sa kanila para maimbitahan sila na sumampalataya kay Cristo.
At kung magcelebrate sila ng Christmas ngayon na walang pakialam kay Cristo, expected naman yun kasi hindi naman sila totoong Christians.
Pero yung command to “consider Jesus,” sinabi sa mga totoong Christians na nahaharap sa tukso na ibaling ang paningan sa iba at palayo kay Cristo.
“Therefore, holy brothers, you who share in a heavenly calling” (v. 1).
Ipinapaalala dito kung sino tayo bilang God’s people—“holy brothers.”
Hindi ibig sabihin perfectly holy.
Nagkakasala pa rin tayo.
Pero dahil sa ginawa ni Cristo, “he who sanctifies” (2:11), tayo ngayon ay “sanctified” na, na ang ibig sabihin ay ibinukod mula sa mundong ito.
Merong distinct identity.
Yung identity na nakatali kay Cristo.
At kung nakatali kay Cristo na ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa langit (1:3), we “share in a heavenly calling” (3:1).
Doon sa langit ang citizenship natin, at hindi dapat nakatali ang paningin natin sa mga bagay sa mundong ito na pansamantala lang at puno ng mga taong nagrerebelde sa Diyos.
So, dahil lahat ng tulong na kailangan natin ay nakay Jesus, at dahil ang identity natin ay nakatali sa kanya, “consider Jesus.”
Hindi ibig sabihin na bigyan mo siya ng kunsiderasyon na para bang yung estudyante mo na mahina sa math, kailangang maipasa kasi nakakaawa naman.
O yung isang bata na nakikisali sa laro ninyong magkakaibigan, i-consider mo naman, pagbigyan mo na.
No, not like that!
We consider Jesus as someone na napakaimportante na kung hindi mo papansinin, kung kakalimutan mo, kung hindi mo pagtitiwalaan, kung hindi mo kikilalanin, you will be in great danger!
So, ibig sabihin ng “consider” ay “give careful consideration” o “contemplate.”
Ipako mo ang paningin mo, ang isip mo, at ang puso mo kay Jesus, “kung sino siya sa sarili niya at kung sino siya para sa ‘yo” (John Owen, Hebrews).
Nakadepende ang kahulugang ng “consider” depende kung sino ang object ng “consideration” na yun.
Kung si Cristo, ganito ang ibig sabihin:
The call is to consider this same Jesus when we are tempted to desert him, to consider him who considered us from eternity, who considered us in his life of perfect obedience, who considered us while paying the debt of our sin on the cross, who considered us in his resurrection from the dead, and who even now in his heavenly high priestly work still considers us.
(McWilliams, Hebrews, 94)
Dahil nga sa excellency at supremacy ni Jesus, napakarami (infinite!)
ang bagay na pwede nating i-consider tungkol sa kanya.
Dito sa passage natin, nagfocus lang sa iilan, at yung lahat ng yun ay in comparison with Moses, dahil nga itong mga Jewish Christians ay natutukso na bumalik sa dati nilang pinagtitiwalaan.
Kaya sabi sa kanila, “Consider Jesus.”
Bakit?
Because Jesus is infinitely greater than Moses.
Bibigyan niya ito ng stress sa tatlong bahagi ng teksto natin.
Consider Jesus—he was faithful to his calling (3:1-2)
Una, sa verses 1-2, consider Jesus—he was faithful to his calling.
“Therefore, holy brothers, you who share in a heavenly calling, consider Jesus, the apostle and high priest of our confession, who was faithful to him who appointed him, just as Moses also was faithful in all God’s house.”
Dito ay tinawag si Jesus na “the apostle and high priest of our confession.”
Kapag apostol, usually ang naiisip natin ay yung Twelve apostles ni Christ.
Pero ang salitang apostol ang ibig sabihin ay “sent out one,” ipinadala, merong nagpadala o nagsugo sa kanya.
Ang mga apostol ipinadala ni Cristo.
Si Cristo, ipinadala ng Ama.
“As the Father has sent (apostello) me, even so I am sending you” (John 20:21).
O sa Isaiah 61:1, “He has sent me.”
Madalas sa Gospels ganyan naman ang pakilala niya sa sarili niya, “the one whom God has sent” (John 3:34).
Yung pagiging “high priest” naman niya ay nabanggit na sa Hebrews 2:7 (“a merciful and faithful high priest in the service of God, to make propitiation for the sins of the people”).
So, ipinadala siya ng Diyos (“apostle”) para maging “high priest” na iaaalay ang sarili niya para tubusin tayo sa ating mga kasalanan.
Nagawa ba niya yung calling niya na yun?
Yes!
He “was faithful to him who appointed him” (3:2).
Iisa, at hindi dalawa, ang kalooban ng Diyos Ama at Diyos Anak.
Isang layunin, isang misyon na isagawa ang kaligtasan natin.
Mula sa pagsilang ni Jesus hanggang sa kanyang kamatayan sa krus, kahit gaano kahirap—kahit maraming temptations mula sa kaaway na abandunahin na niya ang misyong bigay sa kanya ng Diyos at ipagpalit sa kayamanan, katanyagan, at kaginhawaan—hindi siya bumitiw, hindi niya ibinaling ang paningin niya sa Diyos Ama na nagsugo sa kanya.
Sabi niya sa John 8:29, “And he who sent me is with me.
He has not left me alone, for I always do the things that are pleasing to him.”
Jesus was faithful to his calling.
At ikinumpara yung faithfulness ni Jesus sa faithfulness ni Moses, “just as Moses was also faithful in all God’s house” (3:2).
Inulit ‘yan sa verse 5, “Now Moses was faithful in all God’s house...” Totoo namang “faithful” si Moses.
Hindi ang mga Jews ang nagsabi niyan.
Ang Diyos mismo ang nagsabi niyan sa Numbers 12:7 nung si Aaron at Miriam, mga kapatid ni Moses, ay naiingit sa honor na binibigay ng Diyos kay Moses.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9