Paglakad sa Karunungan
Notes
Transcript
Handout
Introduction: Nag-iingat ka ba?
Introduction: Nag-iingat ka ba?
Kapag aalis tayo ng bahay at papasok sa eskwelahan, o sa trabaho, o babiyahe ng malayo para mamasyal o mag-abroad, karaniwang naririnig natin sa mga mahal natin sa buhay ang ganito, “Mag-ingat ka ha.” That is an expression of love. Kasi nga alam mo na pwedeng maraming masamang bagay na mangyari. Kung hindi mag-iingat sa pagmamaneho, pwedeng mabangga. At kung maingat naman, pero hindi maingat yung ibang driver, pwede ka pa ring maaksidente. Sinasabi nating, “Mag-ingat ka,” dahil gusto natin silang makarating nang maayos sa pupuntahan nila at makabalik pa sa atin.
Pero siyempre, higit pa sa physical safety, dapat ay mas maging concerned tayo sa spiritual safety ng mahal natin sa buhay. At siyempre, sa sarili rin nating buhay. Aminin natin, may mga pagkakataong hindi tayo nagiging maingat kung paano tayo mamuhay—hindi tayo nagiging maingat sa mga salitang binibitiwan natin, sa mga desisyong ginagawa natin kapag sobrang emotional tayo, sa paggamit ng oras, lakas, at anumang resources na meron tayo. Minsan naka-autopilot yung mode natin, yun bang bahala na kung saan tayo dadalin ng agos ng mundong ito. Nagiging relax-relax lang tayo sa buhay Kristiyano, na iniisip na secured na naman tayo, ligtas na naman tayo, na para bang wala nang consequences yung mga actions natin, na para bang our daily decisions don't matter much.
Kaya mahalaga yung passage na titingnan natin ngayon sa Ephesians 5:15-21. Bungad kasi dito ni Paul, “Look carefully then how you walk…” (Eph 5:15). Sa Tagalog, “Kaya't maging maingat kayo sa inyong paglakad” (AB); sa MBB, “kung paano kayo namumuhay…” Mula pa sa chapter 4, concern si Pablo tungkol sa “paglakad” nating bilang mga Kristiyano, ibig sabihin, sa araw-araw nating pamumuhay hanggang makarating tayo sa dulo ng destinasyon natin. Ito yung paglakad na consistent sa mensahe ng mabuting balita ng kaligtasan at mga pagpapalang tinanggap natin sa pakikipag-isa kay Cristo (Eph. 4:1). Ito yung paglakad na may pagkakaisa, kabanalan, pag-ibig, at ayon sa liwanag (Eph 4:2-5:14).
At ngayon, dahil sa kadiliman ng kasamaang nakapaligid sa atin araw-araw, dahil sa kadiliman ng kasalanang natitira pa sa puso natin, paano ngayon tayo mamumuhay bilang mga Kristiyano? Sabi ni Paul, “Maging maingat kayo…” Ang Christian life ay hindi dapat naka-autopilot mode. Dapat na maingat tayo sa pagmamaneho, make sure tama ang dinadaanan mo, make sure hindi ka naliligaw, make sure hindi ka babalik sa dati, make sure tama ang destinasyon mo, keep on track sa kalooban ng Diyos para sa atin. Yung paraan ng pamumuhay natin ay pag-isipan nating mabuti. Yung salita na “carefully” sa ibang verses ay sinalin na “accurately” (Acts 18:25), “closely” (Lk 1:3), “diligently” (Mt 2:8), “more exactly” (Acts 23:15). Yun bang hindi tayo “mindless” o hindi na pinag-iisipang mabuti ang mga hakbang o desisyon na gagawin. May mga times na ang nagiging driving force natin yung emotions natin o what we think is the right thing to do, or yung mga personal preferences. Pero iniiisip ba natin kung tama o mabuti yung gagawin natin? Kung makakabuti ba ito sa atin? Kung ano ang magiging consequences nito sa buhay natin at sa relasyon natin sa iba?
Hindi tayo nagiging maingat kung paano tayo mamuhay. Nagiging padalus-dalos sa mga desisyon sa buhay. Yun ay dahil kulang tayo sa kaalaman kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung alam ang kalooban ng Diyos, kulang naman tayo sa kakayahan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sabi ni Paul:
Look carefully then how you walk, not as unwise but as wise, making the best use of the time, because the days are evil. Therefore do not be foolish, but understand what the will of the Lord is. And do not get drunk with wine, for that is debauchery, but be filled with the Spirit, addressing one another in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody to the Lord with your heart, giving thanks always and for everything to God the Father in the name of our Lord Jesus Christ, submitting to one another out of reverence for Christ.
Heto ang basic argument ni Paul sa passage na ‘to: Sa kasamaan ng panahong kinalalagyan nating mga Kristiyano ngayon, mas lalo nating kailangang maging wais at hindi foolish, na mangyayari kung inuunawa nating mabuti at maingat na sinusunod ang kalooban ng Panginoon ayon sa pangunguna ng Banal na Espiritu. In short, dapat lang na lumago tayo sa karunungan ng Diyos sa pamamagitan ng pag-unawa sa kalooban ni Cristo at pagpapasakop sa kapangyarihan ng Espiritu. Isa-isahin natin ‘yang sinabi ni Paul kung anu-ano ang dapat nating gawin para maging maingat tayo sa pamumuhay natin.
A. Paglago sa Karunungan ng Diyos (vv. 15-16)
A. Paglago sa Karunungan ng Diyos (vv. 15-16)
Ang una ay ang paglago sa karunungan ng Diyos. Ephesians 5:15–16, “Look carefully then how you walk, not as unwise but as wise, making the best use of the time, because the days are evil.” Makikita natin dito kung ano ang hindi dapat, kung ano ang dapat, at kung bakit dapat.
'Wag maging mangmang (v. 15)
Ano ang hindi dapat na maging paraan ng pamumuhay o paglakad natin bilang mga Kristiyano? ‘Wag maging “mangmang,” ‘yan naman ang salin sa Tagalog ng “unwise.” Pwede ring isalin na “foolish” o “hangal.” Ibig sabihin, ito yung mga taong kulang sa tamang kaalaman o sa discernment kung ano ang masama o mabuti. Sana’y hindi masabi sa atin o sa mga anak natin ang ganito: “Taong mangmang, walang hustong kaalaman, hanggang kailan ka tatagal sa abâ mong kalagayan? Hanggang kailan ka mananatili sa iyong kamangmangan? Kailan mo pa iisiping maghanap ng kaalaman?” (Prov. 1:22 MBB).
Dapat maging marunong (v. 15)
Kaya sa halip na maging mangmang, ano dapat? Dapat maging marunong. Sa MBB, matalino. Wise o wais. Ito yung mga taong hindi lang may tamang kaalaman kung ano ang mabuti at masama, kundi meron ding kakayahan o skill kung paano gagamitin yung kaalamang iyon. Dapat tayong mamuhay nang may karunungan dahil ang purpose ng church sa church ay i-reflect o i-display ang “manifold wisdom of God” (Eph. 3:10). Ito rin ang layunin kung bakit merong wisdom literature sa Bible, tulad ng book of Proverbs: “Sa pamamagitan nito, ang tao'y magtatamo ng karunungan at pang-unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay. Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, katuwiran, katarungan, at katapatan. Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan, at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama. Sa pamamagitan nito, lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman” (Prov. 1:2-5 MBB).
Dapat samantalahin ang bawat pagkakataon (v. 16)
Kasama sa pagiging marunong o sa paglakad ng may karunungan ay dapat nating samantalahin ang bawat pagkakataon, “making the best use of the time” (v. 16). Literally, ito ay “redeeming the time” (KJV). Galing kasi ito sa salitang ginagamit sa pagtubos (redeem) ng isang alipin sa slave market. Ang idea dito ay yung panahon natin ay parang alipin ng kasamaan o kadiliman. So kailangan nating gawin ang lahat ng magagawa natin, o samantalahin ang pagkakataon, para magamit sa mga layunin ng Diyos. “The business of buying time out of its slavery to evil takes place day by day, moment by moment, in the practical decisions of everyday life” (Thielman, Ephesians, 357).
Ito yung paraan kung paano tayo mamumuhay na may karunungan. Hindi lang ito palaging may kinalaman sa “sin issue”: kasalanan ba ito o hindi? May kinalaman din ito sa “best use” ng panahon. Ang panahong tinutukoy rito ay hindi lang yung chronological passing of time (chronos), yung sa pagkakalendaryo ng schedule natin kung ano ang uunahing gawin. Yung salitang ginamit for time ay kairos, appointed time, opportune time. Ito yung panahong nakatakda sa layunin ng Diyos. Ano ba ang layunin ng Diyos? To display the glory of his wisdom (Eph. 3:10), to “make disciples of all nations” (Matt. 28:19), to bring unbelievers to a saving knowledge of Christ, at akayin ang mga fellow believers natin para lumago sa Christlike maturity. So, yung mga gagawin natin araw-araw ay hindi lang a matter of what is sin and what is not sin. Kundi a matter of what is good, what is better, and what is best, na makaka-accomplish ng mga purposes ng Diyos sa buhay natin at sa church.
Halimbawa, sa paggamit ng social media, o pag-allow sa mga bata na magkaroon ng sarili nilang Facebook account, o access sa smartphone. Walang masama kung tutuusin, pero wise ba sa panahon ngayon, o sa edad nila, o kung bibigyan sila ng unrestricted access sa Internet? Makakatulong ba ito sa pagdi-disciple natin sa mga anak natin? O baka mas ma-disciple o mas ma-influence pa sila ng mga makikita at mapapanood nila sa Internet?
O sa pagbili ng kotse, o bahay, o iPhone? Walang masama kung tutuusin, pero wise ba na ganyan kalaki ang gastusin? Wise ba na mag-installment o mangutang? Makakatulong ba ‘to sa pagiging malaya at generous natin sa mga finances natin to help in discipling others o makakahadlang ito sa misyon na bigay sa atin ng Diyos?
Ganun din sa mga desisyon kung magtatrabaho ba si misis sa labas ng bahay? O mag-aabroad si mister? O mag-homeschool o mag-regular school ang mga anak natin? Hindi ‘yan usually a matter of ano ang tama at ano ang mali, pero wise ba, makakatulong ba para matupad ang layunin ng Diyos para sa atin, sa pamilya natin, at sa church natin?
Dahil sa kasamaan ng panahon (v. 16)
Ngayon, bakit dapat tayong maging marunong at bakit dapat nating samantalahiin ang bawat pagkakataon? Dahil sa kasamaan ng panahon: “because the days are evil” (v. 16), “sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon” (MBB). Araw-araw kasi, nakapaligid sa atin ang kasamaan, merong temptations from the enemy, merong kasalanan sa puso natin. Yung pag-iisip ng tao “darkened” (Eph 4:18), ignorante sa mga bagay tungkol sa Diyos, matigas ang puso (v. 18), merong deceitful desires (v. 22), may mga impurities (Eph 5:3), may mga deceptive and empty words (v. 6), merong temptations na makinig sa kanila, na makisama sa kanila (v. 7), na gawin yung mga “unfruitful works of darkness” (v. 11). Na sa halip na maimpluwensiyahan natin ng liwanag ang kadiliman, tayo pa ang maiimpluwensiyahan nito. Kaya kailangang maging maingat. Sa mga nakikita sa social media, sa mga influencers na papakinggan, sa mga kaibigang sasamahan, sa paggamit ng oras na meron tayo, ng lakas na meron tayo, ng pera na meron tayo. Totoong neutral ang mga bagay na ‘yan, pero dahil sa laki ng temptation o potential na magamit sa “gawa ng kadiliman,” dapat maging wais tayong mga Kristiyano kung paano gagamitin ang lahat ng ‘yan for God’s good and holy purposes.
B. Pag-unawa sa Kalooban ni Cristo (v. 17)
B. Pag-unawa sa Kalooban ni Cristo (v. 17)
Ang ikalawa, para maging maingat tayo sa pamumuhay natin, ay ang pag-unawa sa kalooban ni Cristo. Ephesians 5:17, “Therefore do not be foolish, but understand what the will of the Lord is.” Ano ang kaugnayan nito sa nauna? Para tayo’y lumago sa karunungan ng Diyos, kailangang unawain natin ang kalooban ni Cristo. Si Jesus yung “Lord” na tinutukoy rito. Siya yung “Lord” na merong “authority in heaven and on earth” (Matt. 28:18). Hindi ba’t heto ang nakapaloob sa disciplemaking ayon kay Jesus, “teaching them to obey everything I have commanded you” (Matt. 28:19)? Paano tayo makakapamuhay nang may karunungan kung hindi naman natin sinusunod ang mga utos ni Cristo? Paano natin masusunod ang lahat ng iniuutos ni Cristo kung hindi natin alam at hindi natin nauuunawaan kung anu-ano ang mga iyon?
'Wag maging hangal
Kaya sinabi sa verse na ‘to kung ano ang hindi dapat: “Huwag kayong maging hangal” (MBB) o foolish. Itong verse 17 ay nakapailalim sa general exhortation to live wisely, kaya merong “therefore.” Kaya nga halos inulit yung hindi dapat gawin na binanggit, “do not be foolish.” Ibang salita ang ginamit dito, pero hawig din ng “unwise” sa verse 15. Kapag foolish, mangmang o ignorante sa tamang kaalaman, walang good sense o sound judgment sa pagdedesisyon as araw-araw.
Dapat unawain ang kalooban ng Panginoon
Paano tayo magkakaroon ng karunungan sa mga desisyon sa araw-araw? Ano ang kailangang gawin? Dapat unawain ang kalooban ng Panginoon. Ito rin naman ang paraan para lumago tayo sa paglakad sa karunungan. Kailangan natin ang karunungang galing sa Diyos. Kailangang malaman natin kung ano ang mga bagay na kalugud-lugod sa Diyos, “try to discern what is pleasing to the Lord” (Eph 5:10). We are growing in wisdom kapag hindi tayo nagiging self-pleasers o people-pleasers, but God-pleasers.
Kaya nga sabi ni Paul sa Romans 12:2, “Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.” So, bago natin pag-isipan yung mga desisyon na gagawin natin na walang direktang nakasulat sa Bible, mag-focus muna tayo sa kung ano yung malinaw na sinasabi sa Bible tungkol sa kalooban ng Diyos. “Kalooban ng Diyos na kayo'y maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan” (1 Thess 4:3). “Magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo” (5:18). “Sapagkat gayon ang kalooban ng Diyos na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong hangal” (1 Pet 2:15 AB). At bukod diyan, siyempre, ang kalooban ng Diyos ay lahat ng nakasulat sa Bibliya, kung uunawain nating mabuti kung ano ang kailangan nating paniwalaan at sundin. Our minds are renewed kung binababad natin ito sa salita ng Diyos. Paano naman natin malalaman ang kalooban ng Diyos kung hindi natin pinag-aaralan ang salita ng Diyos?
Ayon sa Westminster Confession of Faith (1.6):
Ang buong kalooban ng Diyos (the whole counsel of God), tungkol sa lahat ng bagay na kailangan para sa kanyang kaluwalhatian, kaligtasan ng tao, at sa tamang aral at pamumuhay, ay tuwirang nakasaad sa Kasulatan o maaaring makuha mula rito sa pamamagitan ng mabuti at kinakailangang pagpapakahulugan. Hindi ito dapat dagdagan kailanman, maging ng tinatawag na bagong pahayag mula sa Espiritu o ng mga tradisyon ng tao. Gayunpaman, kinikilala natin na ang panloob na liwanag mula sa Espiritu ng Diyos ay mahalaga upang tunay na maunawaan ang mga bagay na ipinahayag sa Salita. Mayroon ding ilang kalagayan tungkol sa pagsamba sa Diyos at pamamahala ng iglesia na karaniwan sa mga gawain at lipunan ng tao, na dapat ayusin ayon sa liwanag ng kalikasan at Kristiyanong karunungan (Christian prudence), alinsunod sa pangkalahatang mga tuntunin ng Salita, na kailanman ay dapat sundin.
Kaya nga mahalaga na maglaan tayo ng oras araw-araw sa personal na pagbabasa ng Bibliya. Paano ka magiging matalino at marunong kung hindi mo naman pinaglalaanan ng sapat na oras at atensyon at effort ang librong naglalaman ng karunungan ng Diyos?
Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,
pang-unawa’y pilitin mong makita at masumpungan.
Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,
at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,
at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,
sa bibig niya ang kaalaman at unawa’y bumubukal. (Prov. 2:3-6 MBB)
Masipag kang mag-aral sa eskuwelahan. Masipag kang mag-aral para magawa ang trabaho o mapromote sa trabaho. Pero bakit tamad ka sa pag-aaral ng Salita ng Diyos? Ang dami ng oras na inilalaan mo sa panonood sa YouTube o pag-browse sa Facebook o sa iba pang mga libangan, pero bakit hindi mo pinaglalaanan ng oras ang pagsali sa mga equipping classes sa church, o sermon discussion, at mga small group gatherings na pinag-aaralan ang Bibliya?
C. Pagpapasakop sa Kapangyarihan ng Espiritu (vv. 18-21)
C. Pagpapasakop sa Kapangyarihan ng Espiritu (vv. 18-21)
Ang ikatlo, para maging maingat tayo sa pamumuhay natin, ay ang pagpapasakop sa kapangyarihan ng Espiritu. Ephesians 5:18, “And do not get drunk with wine, for that is debauchery, but be filled with the Spirit.” Ano ang kaugnayan nito sa una at pangalawa? Hindi tayo lalago sa karunungan ng Diyos kung nauunawaan nga natin ang kalooban ni Cristo, pero wala naman tayong kakayahang gawin ang kanyang kalooban. Kaya nga we have to make sure na tamang espiritu o kapangyarihan ang nakakaimpluwensiya sa lahat ng gawain at direksyon ng buhay natin.
‘Wag maglalasing (v. 18)
Kaya nga sinabi ni Paul kung ano yung hindi nila dapat gawin: “Huwag kayong maglalasing.” Ito yung mga karagdagang tagubilin sa kung paano mamuhay nang may karunungan, bukod sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos. Ito rin ang isang halimbawa ng pagiging foolish. Hindi ipinagbabawal sa Bibliya ang pag-inom ng alak, ang ipinagbabawal ay ang paglalasing. Pero siyempre, may mga pagkakataon din na it is unwise na uminom ng alak, lalo pa kung hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo. Ayon sa Proverbs 23:29-35:
Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin. Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito’y katakam-takam, sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. Ang makakatulad mo’y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako’y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”
Dahil sa epekto ng alak, nagiging wala tayo sa kontrol. Ang pag-iisip natin at ang mga ginagawa natin ay kontrolado ng espiritu ng alak. Aside sa alak, ganun din ang epekto ng droga, o anumang substance na nakakaadik at hindi na natin makontrol at tayo na ang nakokontrol, tulad ng yosi, porn, mobile games, etc. Kaya nga ang dahilang binanggit ni Paul kung bakit hindi tama ang paglalasing, “for that is debauchery” (v. 18). Sa MBB, “sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay.” Sa Ang Biblia, “ito ay labis na kahalayan.” Tumutukoy ito sa excessive indulgence sa isang bagay. Sobra-sobra na, at anumang sobra ay hindi nakakabuti kundi nakakasira. Ang paglalasing ay sinful foolishness.
Dapat mapuspos ng Espiritu (v. 18)
So, sa halip na mapuspos ng espiritu ng alak, ano ang dapat? “Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu” (v. 18). Sa halip na makontrol ng alak o anupamang bagay, ang dapat na kumontrol sa isip at gawa natin ay ang Espiritu: “be filled with the Spirit.” Ang Espiritu ay naninirahan sa atin. Kapag filled o puno ng Espiritu, ibig sabihin, hindi siya nakapirmi lang sa isang kuwarto sa bahay natin na para bang siya ang masusunod sa kuwarto na yun tapos tayo na ang bahala sa iba. No. He fills every space sa isip, puso, at buhay natin. Siya ang nagdi-direct, siya ang kumokontrol, siya ang nasusunod, siya ang kapangyarihang namamahala sa buhay natin.
Pero hindi ibig sabihing wala na tayong sariling pag-iisip kung ganun. Hindi ito tumutukoy sa gawa ng ibang grupo na nagiging out of control din ang behavior, kasi ano nga naman ang pinagkaiba nun sa paglalasing? Hindi rin ito tumutukoy sa special, extraordinary events na paminsan-minsan lang nangyayari. “Be filled,” present tense 'yan, moment by moment, tuloy-tuloy na dapat na pinangungunahan ng Espiritu ang buhay natin. Hindi rin ito something na nakaprograma o nama-manipulate. “Be filled,” passive voice 'yan, ibig sabihin, we let the Holy Spirit take charge. Pero hindi ibig sabihin na totally passive tayo na wala na tayong gagawin at wala na tayong sariling pag-iisip, na parang robot na lang tayo.
Sabi din ni Paul sa Galatians, “Walk by the Spirit...if you are led by the Spirit...the fruit of the Spirit...live by the Spirit...keep in step with the Spirit...” (Gal 5:16-25), at hindi na yung mga desires ng ating sinful nature ang sinusunod natin. Ibig sabihin, ngayon, ng “filled by the Spirit,” ay yung desires natin ay napapalitan ng mga bagay na kalugud-lugod sa Diyos. Hindi na yung sinful flesh natin ang nagdo-dominate sa atin, nagko-control sa atin, kundi ang kapangyarihan at kalooban na ng Diyos. Kaya nga mahalaga na nagsisimula ito sa pag-iisip nating naka-conform sa salita ng Diyos (tulad sa verse 17). Hindi lang ito basta emotional experience na taliwas naman sa katuruan ng salita ng Diyos. So, yung Spirit na naninirahan sa atin (indwelling Spirit) ay hindi lang bisita na nasa guest room tapos tayo ang may-ari ng bahay na tayo pa rin ang nasusunod. No, he's the owner, he directs, he influences everything in our life. We follow his lead.
Na ang resulta ay:
At ano ang magiging resulta nito kung tayo ay puspos ng Espiritu? What does it look like? Paano mo masasabing ang isang Kristiyano ay filled by the Spirit? Hindi naman natin kailangang maghanap ng mga extraordinary o spectacular evidences. Actually, yung apat na binanggit ni Paul ay very ordinary evidences o results ng pagiging Spirit-filled. They look ordinary, pero dahil ‘yan ay bunga ng Espiritung nasa atin, nagiging extraordinary and supernatural. Ephesians 5:19–21, “addressing one another in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody to the Lord with your heart, giving thanks always and for everything to God the Father in the name of our Lord Jesus Christ, submitting to one another out of reverence for Christ.”
Pagsasalita at pag-awit sa isa’t isa (v. 19)
Ang una ay ang pagsasalita at pag-awit sa isa’t isa: “addressing one another in psalms and hymns and spiritual songs” (v. 19). Kapag puspos tayo ng Espiritu, natututo tayo how to speak the truth in love to one another (4:15). Ibig sabihin, kung nababago yung desires ng heart natin, lumalabas ‘yan sa mga sinasabi natin sa ibang tao. At dito ang lumalabas ay “psalms and hymns and spiritual songs.” Although may pagkakaiba yung tatlong ‘yan, pero nag-ooverlap din naman ang tinutukoy diyan. Ibig sabihin, mga papuri sa Diyos na ayon sa salita ng Diyos. Take note, hindi lang vertical ‘yan, but horizontal. We sing to one another. May application ‘yan sa congregational singing natin. Kaya ‘wag tayong maghe-hesitate o mahihiyang tingnan ang iba habang kumakanta tayo. Hindi tayo sanay, medyo awkward sa simula. Pero bakit mahalaga? Kasi by singing to others, sinasabi natin na ito yung nasa puso natin, ito yung pinaniniwalaan natin, at ito rin yung gusto nating maging laman sa puso ng mga kapatid natin. Kapag Spirit-filled, natututo tayo how to speak the gospel to one another. At mangyayari yun kung ang isip at puso natin ay napupuno rin ng salita ni Cristo. Ayon sa parallel passage nito sa Colossians, “Let the word of Christ dwell in you richly, teaching and admonishing one another in all wisdom” (Col. 3:16).
Pusong umaawit sa Panginoon (v. 19)
Yung ikalawang resulta naman ng pagiging filled by the Spirit ay hawig din sa una: merong pusong umaawit sa Panginoon, “singing and making melody to the Lord in your heart” (v. 19). Ito yung pag-awit sa Panginoon na out of the overflow of our hearts na nandun yung kasiyahan sa Panginoon dahil sa kanyang pagliligtas sa atin at dahil sa lahat ng pagpapalang dulot ng pakikipag-isa natin kay Cristo. Hindi ito basta pag-awit lang na nakikisabay ka lang, at bumubuka lang ang bibig mo. Kahit naman hindi Kristiyano magagawa yun. Pero ito yung awit na nanggagaling sa pusong binuksan ng Espiritu, pusong nagmamahal kay Cristo dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, dahil sa kanyang buhay na ibinigay para sa atin.
Palagiang pagpapasalamat sa Panginoon (v. 20)
Ang ikatlo ay ang palagiang pagpapasalamat sa Panginoon, “giving thanks always and for everything to God the Father in the name of our Lord Jesus Christ” (v. 20). Nabanggit na yung “thanksgiving” sa verse 4. Dito may additional emphasis na ang pagpapasalamat ng pusong puspos ng Espiritu ay “always and for everything.” Madali kasing magpasalamat sa mga blessings na natatanggap natin. Madali rin namang magreklamo sa mga pagsubok at hirap na pinagdadaanan natin. Pero kung ang puso natin ay puspos ng Salita ng Diyos, pinaghahawakan natin ang probidensya ng Panginoon. Na kahit anong pagsubok ang pagdaanan natin, kahit anong sufferings ang maranasan natin, lahat yun ay nasa mabuting kamay ng Diyos na kumikilos para sa ikabubuti natin. So, we give thanks always and for everything. Kaya nga nasabi rin ni Paul 1 Thessalonians 5:18, “Give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you.” Dahil lahat ng blessings sa atin ay dumadaloy because of our union with Christ, kasali yung mga blessings na dulot ng endurance natin sa mga sufferings, kaya yung pasasalamat natin ay “to God the Father in the name of our Lord Jesus Christ.” Ito ay pagkilala sa natatanging role ni Cristo as our mediator to God. Na dahil kay Cristo, we have thousands of reasons para magpasalamat sa Panginoon. Balik na naman tayo sa simula ng Ephesians, “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places” (1:3).
Pagpapasakop sa isa’t isa (v. 21)
Ang ikaapat naman ay ang pagpapasakop sa isa’t isa, “submitting to one another out of reverence for Christ” (v. 21). Hindi natural sa puso natin ang magpasakop sa iba. Pero dahil sa pagkatakot o paggalang o reverence kay Cristo, magagawa natin. Si Cristo nga, nag-submit sa kalooban ng Ama nang tuparin niya ang misyong bigay sa kanya sa pagliligtas sa atin. He even submitted himself to human authorities. Paano pa kaya tayo? Yung submitting to one another dito ay pagkilala sa mga God-ordained order ng authority sa mga human relationships. Tulad ng mga halimbawang babanggitin ni Paul sa mga susunod: husband-wife, father-child, master-slave. Ang babae ang magsa-submit sa authority ng lalaki, hindi pwedeng baligtarin (Eph 5:22-32). Ang anak ang magsa-submit sa authority ng parents, hindi pwedeng baligtarin (Eph 6:1-4). Ang slave ang magsa-submit sa authority ng master, hindi pwedeng baligtarin (Eph 6:5-9). Gayundin sa church, as members submit sa authority ng mga elders (1 Peter 5:1-5), hindi pwedeng pagbaligtarin, although we recognize din yung authority ng buong congregation sa ilang mahahalagang bagay tulad ng membership at discipline (Matt. 18; 1 Cor. 5). Ang mga citizens ay nagsa-submit sa authority ng government, hindi pwedeng baligtarin (Rom 13:1). Ang puso na nagpapasakop sa awtoridad na itinalaga ng Diyos ay ebidensya at resulta ng pagiging puspos ng Espiritu.
So, para tayo ay lumago sa karunungan, kailangan natin ang tulong ng Espiritu para maunawaan ang kalooban ni Cristo at para maisagawa ang kalooban ni Cristo. Kaya kailangang nagpapasakop at pinapatnubayan tayo ng kapangyarihan ng Espiritu. At kapag tayo ay puspos ng Espiritu, meron itong makikitang resulta na tayo nga ay Spirit-filled.
Conclusion: Paano ka magiging maingat?
Conclusion: Paano ka magiging maingat?
All throughout, ang dami na nating mga applications na napag-uusapan. I just want to close with three reminders para maging maingat tayo na mamuhay na lumalago sa karunungan ng Diyos, umuunawa sa kalooban ni Cristo, at nagpapasakop sa kapangyarihan ng Espiritu.
Ibabad mo ang isip at puso mo sa salita ng Diyos.
Una, ibabad mo ang isip at puso mo sa salita ng Diyos. Ang karunungan ay galing sa Diyos at sa kanyang salita. Imposible na makapamuhay tayo nang may karunungan kung very minimal ang exposure natin sa salita ng Diyos. Marami na akong sinabi kanina tungkol dito.
Aktibong makibahagi ka sa pamilya ng Diyos.
Ikalawa, aktibong makibahagi ka sa pamilya ng Diyos. Yung sa verses 19-21 makikita mong lahat yun ay corporate yung results ng pagiging puspos ng Espiritu. Hindi ka makapagpapatuloy in walking in wisdom na filled ng Holy Spirit kung hiwalay ka sa church, kung palagi kang absent sa church. Kailangan mo ang church para may magtuturo sa ‘yo ng Salita ng Diyos, hindi yung sariling interpretations mo lang ang susundin mo. Kailangan mo ang church para may magtatama sa ‘yo kung lumilihis ka sa kalooban ng Diyos. Kailangan mo ang church para masubok ang pasensya mo, para matuto ka kung paano mag-respond sa ugali ng ibang tao na may wisdom ba na galing sa Diyos o padalus-dalos lang. Do you maximize your involvement sa life ng church o hanggang ngayon ay bare minimum pa rin ang pakikbahagi mo? Do you really want to grow in wisdom?
Pag-isipan at ipanalangin mong mabuti ang mga desisyong gagawin mo.
So, ikatlo, pag-isipan at ipanalangin mong mabuti ang mga desisyong gagawin mo. Hindi yung bira tayo nang bira. Yung mabilis magsalita, mabilis kumilos, at padalus-dalos na. May mga bagay siyempre na kailangan ng urgency, at hopefully ay we are wise enough para malaman kung paano magrespond sa mga sitwasyon sa buhay. Pero mainam din kung mag-pause muna tayo, mag-isip-isip bago gumawa lalo na ng isang major decision. At siyempre, kumonsulta sa iba. At higit sa lahat, ipag-pray nating mabuti. Let us all be humble enough to admit na kulang tayo sa karunungan. “Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan” (Jas. 1:5 MBB). Hindi maramot ang Diyos. Sagana siya kung magbigay. Ang patunay nito ay si Cristo na siyang ibinigay na niya sa atin. At kung tayo ay nakay Cristo, si Cristo ang ating “karunungan…at katuwiran at kabanalan, at katubusan” (1 Cor. 1:30).
