Pamumuhay na Karapat-dapat bilang Kristiyano Part 1 - 5/31/26

Sermon  •  Submitted   •  Presented
0 ratings
· 1 view
Notes
Transcript

Introduction:

Tamang paniniwala ay dapat mag dulot ng tamang pamumuhay. Kung talagang naunawaan natin yung biyayang natangap natin sa Diyos, yung biyayang ‘yon ang magbibigay din satin ng kapangyarihan para mamuhay ng naayon para sa Diyos.
Anong silbe ng isang mekaniko kung alam lang nya kung ano ang tawag sa mga tools n’ya pang ayos ng sasakyan pero hindi n’ya alam kung paano gamitin yung mga bagay na yon?
Ganon din po sa Theology, sa pagaaral natin sa salita ng Diyos, hindi po sapat na alam lang natin ito, kasi wala po itong mabuting maidudulot satin kung hindi natin i a-apply yung sinasabi ng Diyos sa pang-araw araw nating buhay.
Ang kalusugan po ng isang Iglesia ay hindi lang nakikita sa kalinisan ng doktrina na ating pinaniniwalaan, ang lubos na paglago ng Iglesia ay mas nakikita sa pagsasabuhay ng mga miyembro ng mga doktrina na kanilang natutunan.
Kaya po si Pablo, hindi lang niya tayo binigyan ng theology sa chapter 1-4, pero dito sa verses 25 moving forward, tinuro din ni Pablo sa mga mananampalataya sa Ephesians kung paano nila ito maisasagawa at maisasabuhay yung bagong buhay na ibinigay na sa kanila ng Diyos.
At eto po yung pinaka puso ng passage na aaralin natin ngayon, na yung Gospel, hindi lang po neto binago yung mga pinaniniwalaan natin, higit pa don, binago neto yung buong pagkatao natin, radikal na binago neto kung paano tayo mamuhay at kung bakit tayo namumuhay ng ganito bilang Kristiano.
And I want us to understand na yung mga commands dito is flowing sa katotohanan kung ano muna yung ginawa satin ng Diyos. In Chapter 1 He lavishes his spiritual blessings on us, in chapter 2, iniligtas N’ya tayo sa kanyang poot at pinagkaisa N’ya tayo sa Kanyang Sarili at sa bawat mananampalataya sa pamamagitan ni Jesus, ginawa N’ya tayong bagong tao na may bagong bayan, bagong pamilya at bagong templo. Sa Chapter 3 isinama N’ya tayo sa Kanyang Church kung saan sa pamamagitan ng Church yung kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos ay lubusang makikita.
Sa Chapter 4, tinatawag tayo ni Pablo na mamuhay tayo ng karapatdapat bilang tugon natin sa mabuting balita na ginawa ng Diyos. Na panatilihin natin ang pagkakaisang ginawa N’ya sa Kanyang Iglesia at lubusan tayong lumago at maging kasing kawangis pa si Kristo.
At para pangyari yun, dinescribe satin ni Paul yung dati nating pamumuhay, at tinatawag n’ya tayo na wag na tayo mamuhay gaya ng dati nung wala pa tayo kay Kristo. Itakwil na natin yung lumang pagkatao natin.
At tinatawag N’ya tayo na mamuhay ng naayon sa ating pagkakatawag dahil natutunan natin si Kristo, na born again na tayo, tinangal na ng Diyos yung dati nating pagkatao, at binigyan n’ya tayo ng tamang kaisipan at bagong pagnanais na naayon sa bago nating pagkatao na gawa sa imahe ng Diyos, na may katuwiran at kabanalan na naayon sa katotohanan.
So bago po magbigay si Pablo ng mga dapat nating gawin bilang Kristiano, sinabi po muna ni Paul kung ano na yung ginawa satin ng Diyos, na tayo ay mga bago ng nilalang, at bilang tugon, gagawin natin yung mga command sa verses 25 onwards hindi lang para sumunod, pero gagawin natin ito ng may lubos na pasasalamat, taos pusong kagalakan sa lahat ng biyaya at mabubuting bagay na ginawa na satin ang Diyos.
So I invite everyone to stand as we read the Word of God in Ephesians 4:25–32 “Therefore, laying aside falsehood, speak truth each one of you with his neighbor, for we are members of one another. Be angry, and yet do not sin; do not let the sun go down on your anger, and do not give the devil an opportunity. He who steals must steal no longer, but rather he must labor, performing with his own hands what is good, so that he will have something to share with one who has need. Let no unwholesome word proceed from your mouth, but only such a word as is good for building up what is needed, so that it will give grace to those who hear. And do not grieve the Holy Spirit of God, by whom you were sealed for the day of redemption. Let all bitterness and anger and wrath and shouting and slander be put away from you, along with all malice. Instead, be kind to one another, tender-hearted, graciously forgiving each other, just as God in Christ also has graciously forgiven you.”
Prayer: Our Heavenly Father, help us to become doers of Your word, and not merely hearers who delude ourselves. Sanctify us by the truth; Your word is truth. Search us, O God, and know our hearts; Try us and know our anxious thoughts; And see if there be any hurtful way in each one of us, And lead us in the everlasting way. Lead us to Your Beloved Son, who is the Way the Truth and the Life. May Your Spirit lead us to Your Truth. May the meditation of our hearts and the words of my mouth be pleasing to You, our Rock and our Redeemer. This we pray in the name of Jesus. Amen.
Main Point: The Gospel does not only change what we believe, but radically transforms how we live and why we live.
Bago po tayo pumunta sa unang points natin, tignan po muna natin yung general observation sa passage natin nagyon:
Exalting Jesus in Ephesians How to Live out Your New Identity (Ephesians 4:25–32)

First

Ngayon po tignan natin kung paano tayo binabago ng Evanghelyo kung paano tayo magsalita.

I. The Gospel transforms the way we talk.

Ephesians 4:25 “Therefore, laying aside falsehood, speak truth each one of you with his neighbor, for we are members of one another.”
Ang Ebanghelyo ay nagbubunga ng katapatan sa pananalita sa halip na kasinungalingan (v.25)
Ephesians 4:25 “Therefore, Dahil we have learned the Gospel, we have learned Christ, we are a new creation, created sa katuwiran at kabanalan ng naayon sa katotohanan, nararapat lang na gawin natin yung sinasabi ni Pablo dito bilang tugon natin, pasasalamat natin sa ginawa satin ng Diyos.
Again hindi natin iyo gagawin para maligtas tayo, para mahalin tayo ng Diyos, para i bless tayo ng Diyos. Gagawin natin to dahil iniligtas na tayo ng Diyos at ginawa na N’ya tayong bagong tao, bagong nilalang sa pamamagitan ni Kristo.
Ang pagbabago ay hindi lang posible, pero eto ay ine-expect sa mga taong binago na ni Kristo.
Dahil bagong nilalang ka na, dapat bago nadin kung paano ka magsalita. Ayun yung unang exhortation ni Paul dito sa mga Christian sa Ephesus.
Isa sa unang subpoint natin ay ang kasinungalingan ay nag di-divide sa Iglesia.

A. Falsehood Divides the Body. laying aside falsehood,

Ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng dibisyon sa Iglesia. Ilang beses po binigyan diin ni Pablo sa Ephesians kung gaano ka importante na ma maintain natin yung pagkakaisa na ibinigay satin ng Diyos.
At mahihirapan po tayong pangalagaan yun kung magsisinungaling po tayo sa bawat isa. Falsehood divides the body. Ang hindi po pagsasabi ng totoo ay isa sa mga nag hihinder kung bakit hindi tayo lumalago at lumulusog bilang Iglesia.
At tinatawag tayo ni Pablo na itakwil, itigil na natin yung pagsisinungaling kasi hindi na yan naayon, hindi na yan ankop sa bagong pagkatao natin na naayon sa katotohanan. Hindi po yan ang characteristic ng pagiging matuwid at banal.
Ang unang kasalanan ng tao ay resulta ng pagsisinungaling ni satanas. Dahil don, ang mundo ay ganito ngayon ng dahil sa pag sisinungaling.
Kung titignan po natin ang mundo natin ngayon, sa social media, lalo na sa gobyerno, yung false narrative para manipulahin yung mga tao, it create division even sa mga unbelievers.
Simula ng nahulog ang tao sa kasalanan, ang pagsisinungaling ay naging normal sa mga taong patay sa kasalanan. Normal po ito sa mga taong wala kay Kristo.
Psalm 116:11 “I said in my alarm, “All men are liars.”
Hindi naman ibig sabihin nito na lahat ng tao ay nagsisinungaling sa lahat ng oras. May kakayahan din naman tayong magsabi ng totoo. Ang problema ay kapag kailangan nating magtiwala sa sinasabi ng isang tao, hindi natin tiyak kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
Ang pag sisingingaling ay hindi lang pagsasabi ng hindi totoo. Sa kultura natin ngayon, makikita natin ang pagsisinungaling sa iba’t ibang anyo.
Una na dito ang Pangloloko o manipulation (distorted truth)- Lies distort reality and accompany every other form of wrongdoing. Yung nakakatakot po sa deception ay gumagamit po ito ng ilang katotohanan para mapaikot ka sa narrative na gusto nilang sabihin.
Nakikita natin ito sa trabaho, sa gobyerno, sa social media, and even sa church ay nakakapasok ito, gaya na lamang po ng mga false teachers na mangangaral para kilitiin yung tenga ng mga tao at i feed sila ng gusto nilang marinig.
Ginagamit nila yung mga bible verse para manupulahin, kontrolin, perahan ang mga tao. Ang nakakatakot po dito, yung mga taong hindi nila alam yung Bible nila ay madaling mahulog sa sinasabi ng kanilang ministro.
Tignan nyo na lamang yung iba pang mga kulto at peking religion, gumagamit sila ng bible verse, pero babaluktutin nila ito para makuwa nila yung gusto nila.
At eto yung ginagamit ni satanas para linlangin ang sangkatauhan. Ang nakakatakot po ay yung katotohanan ay nahahaluan ng kasingungalingan.
Gaya ng mga statement na, “God loves you and He will not send anyone to hell.” Napaka delikado po ng ganitong statement.
Pangalawa ay pagdagdag ng higit pa sa katotohanan o tinatawag natin na exaggeration - ang exaggeration po ay isang figure of speech at ginagamit po ito ng mga guro para mag make ng point, pero nagiging masama po ito kapag ginagamit natin ito para yung istorya natin mag tunog maganda, yung ginagawa natin mas maging kamangha mangha, o ginagamit ito para mas maliitin yung tao at kamuhian sila. By exaggeration we distort reality just to gain advantage.
Pangatlo ay pagsasabi ng puting kasinungalingan, - Eto po ay pagsasabi ng kasinungalingan para hindi ka makasakit. Isa po sa mga example neto ay.… Sabi po nung babae, What else have you said that you love that you hate? What else have you lied about?" Even though his intention was good, not speaking the truth ultimately turned into something far more harmful. Magsasabi ka ng hindi totoo para makuwa mo yung gusto mo.
Pang-apat ay plagiarism - pag-aangkin ng idea na hindi naman sayo.
Pang-lima ay pagpapangap o hypocrisy - ang pagsisinungaling po ay hindi lamang sa mga salitang sinasabi natin, nakikita din po ito sa mga bagay na ginagawa natin. Isa po sa mga halimbawa, we put something on the social media something that we are not, we pretend to be someone, so that people will think highly of us, nag papangap ka na mayaman, masaya parang walang problema sa buhay para validate ka at para makakuwa ka ng likes. Yung iba naman ang mga pino post godly quotes para ma perceive na someone na spiritual, someone na mature, sasabihin pa all glory to God pero maya’t maya yung mino monitor kung gaano na kadami yung nag likes sayo.
Pang anim ay nangangako pero hindi tinutupad ang sinasabi and worse nag ma make pa ng excuse- madalas din po itong nangyayari sa trabaho, nag sabi ka sa client na babalikan mo sila ng ganitong oras, pero hindi ka na bumalik. O kaya naman may lakad kayo, ang usapan 10am dadating ka na ng 1pm. Yung otw mo, gina justify mo pa na on the water. Sabi mo hindi ka na ma la late pero na la-late ka parin. Sabi mo in 10 mins na gagawin mo na pero hindi mo parin ginagawa. Tawag po don pagsisinungaling. Nangangako tayo hangang sa mapako na lang lahat ng sinabi natin. Sabi mo mag BS ka na and kung hindi ka man pumunta mag papaalam ka ng maayos sa GC, pero hindi parin natin ginagawa.
Pang pito ay pagtitikom ng bibig kahit alam mo yung katotohanan - eto naman po ay sa kontexto na kung saan kailangan mo magsabi ng katotohanan, may investigation for example, pero dahil natatakot ka sa possible consequences ng pagsasabi mo ng katotohanan, hindi ka na lang magsasalita. O nanahimik ka kasi ikaw din ay nakikinabang sa kasinungalingan ng iba.
Minsan jina justify pa na “hindi naman ako nag sinungaling” “hindi lang ako nag salita”. Ang katahimikan sa kontexto na kailangan mo mag sabi ng katotohanan ay nagiging kasinungalingan kung hindi ka magsasabi ng katotohanan.
Pang walo ay blame shifting - I submitted the report late because of the internet connection (pero yung totoo, nakalimutan mong tapusin yung report on time.)
Pang siyam ay yung mga statement at paniniwala na oppose sa sinasabi sa Bible:
Isaiah 5:20 “Woe to those who call evil good and good evil, Who substitute darkness for light and light for darkness, Who substitute bitter for sweet and sweet for bitter!”
Kagaya ng mga woke ideology na pwede mong baguhin/pumili ng kasarian mo, your body your choice, pwede kang mag identify na kahit anong uri ng hayop depende sa trip mo. O kaya naman mas better ka kasi sa ganitong bansa ka sinilang o dahil ganito yung kulay ng balat mo. O lahat ng religion ay pare parehas naman. O yung idea ng swerte o malas, believe in the power of the universe, zodiac sign, believe in yourself, lahat po yan ay pawang kasinungalingan at salungat sa sinasabi ng Biblia.
Kung patuloy po ang isang tao sa pagsisinungaling, pinapahina po neto yung konsensya nya, pinapatigas neto yung puso nya, at pag patuloy sya sa ganito at hindi mag re repent, darating yung panahon na yung conviction ay hindi n’ya mararamdaman. At eto po ay totoo sa mga taong wala kay Kristo, kung tayo po ay nakay Kristo, mahulog man tayo sa pagsisinungaling, tayo po ay magsisi at tatalikod sa pagsisinungaling.
Ano nga po ba yung mga kadahilanan kung bakit tayo nag sisinungaling?
Fear of Men - We fear men more than God. We are afraid of what people will think of us. Ayaw natin maka offend.
Fear of Consequences - We are afraid of what people might do to us if we tell the complete truth. Baka lumayo sila, baka hindi na nila tayo kausapin, baka hindi na natin makuwa yung mga benefits na nakukuwa natin.
Self preservation, because of the pressure we say things that are not completely true to misdirect people para hindi ka magmukang masama.
Greed - We want to take advantage of someone, gusto natin makuwa yung gusto natin, that’s why we over promise, yet fail to deliver what we promised. You want to be in control, you want power, that’s why you want to control the situation and get as much as you can sa situation. We want to get our desire the wrong way. We love the pleasure it gives.
Kung isa summarize po natin lahat yan, we come up with the word selfishness. Ang puso kung bakit po nagsisinungaling ang mga tao dahil sarili lang po nila ang iniisip nila.
Ilan lang po ito sa mga anyo at kadahilanan kung bakit nagsisinungaling ang mga tao. At pag etong kasinungalingan na ito ay pumasok sa Iglesia, ito’y nagdudulot ng dibisyon at pagkakasira ng mga relasyon.
Napaka simple ng command pero inulit ulit ‘to sa Bible para ipakita satin kung gaano tayo ka prone/kadalas na mahulog sa pagsisinungaling. At yung mga ganitong uri ng Pagsisinungaling ay hindi karapat dapat sa bago nating pagkatao.
Natutunan natin sa Bible na galit at ayaw ng Diyos sa pagsisingungaling.
Proverbs 12:22a “Lying lips are an abomination to Yahweh” Nagbigay din ng babala si Kristo patungkol dito sa Matthew 5:33 ““Again, you have heard that the ancients were told, ‘You shall not make false vows, but shall fulfill your vows to the Lord.’” Lahat ng pinangako natin, ultimately sa Diyos natin yun pinangako, pati yung naka cross finger ka pa. At pinag uutos din ni Pablo itakwil na natin yung pagsisinungaling dahil inalis na ng Diyos yung dati nating pagkatao. Colossians 3:9 “Do not lie to one another, since you put off the old man with its evil practices,”
Even sa early church, ang pagsisinungaling po ay nag dudulot ng malaking kapahamakan, isa na dito ay ang kamatayan, nung hindi po nagsabi ng totoo si Annaias and Saphira, sila po ay pinatay ng Banal na Espirito. Ang pagsisinungaling po ay nakakamatay.
Nag bigay ng matinding babala ang mga author sa Scripture na ang kakahantungan ng mga taong namumuhay at nagpapatuloy sa kasinungalingan ay hindi makakasama sa kaharian ng Diyos at itatapos sa impyerno. (Rev. 21:8; cf. 1 Cor. 6:9).
At wala po tayong maitatagong kasinungalingan sa Diyos, sabi ni Jesus in Matthew 12:36 ““But I tell you that every careless (lying) word that people speak, they shall give an accounting for it in the day of judgment.”
Ang taong patuloy sa kanyang pagsisinungaling ay pinapakita nya na s’ya ay anak ni satanas ang Ama ng Kasinungalingan.

The lie is the idiom of Satan’s language. Lies are the evil one’s common currency of speech. He, above all else, is “the father of lies” (

Ang pagsisinungaling sa Iglesia ay nakakasira ng relasyon natin sa iba at tayo din po mismo ay sinasaktan natin ang ating sarili dahil bahagi tayo ng iisang katawan.
Pag sinabi po ng mata sa kamay na hindi mainit yung plansya, at hinawakan ito ng kamay, mapapaso yung kamay. At dahil tayo po ay iisang katawan, ang pagsasabi po ng hindi totoo ay mag dudulot ng pinsala sa bawat isa.
Kaya wag po natin isipin na pag nag sinungaling ka wala kang naapektuhang ibang tao. Sa loob ng Iglesia, ang pagsisinungaling kagaya ng iba pang kasalanan ay nakaka apekto sa kalusugan ng Church.
Sabi po ni John Mackay “A lie is a stab into the very vitals of the Body of Christ.” Ang pagsisinungaling ay pagsaksak sa Katawan ni Kristo, pag saksak sa bawat miyembro ng Iglesia.
Ang pag sisinungaling po ay nakakasira ng tiwala, at nagdudulot ng division sa Iglesia.
If Falsehood divides the Body, then Truthfulness Unites the Body.

B. Truthfulness Unites the Body.

speak truth each one of you with his neighbor, for we are members of one another.”
For Christians truth is not a choice/options; it is a necessity.
This does not mean that we have to tell all the truth to everyone we meet. Privacy is a legitimate and necessary part of life. People do not have the right to know everything. That position overemphasizes community and ignores the boundaries of the individual. We are required not to lie; we are not required na sabihin lahat ng nalalaman natin sa lahat ng taong makikita natin. What we communicate must be truth, pero yung dami ng information na sasabihin natin ay naka depende sa kausap natin at kung makakadulot ba ito ng kabutihan sa kanila.
Going back po sa sinasabi ni Paul, yung word na neighbor is referring to the Christians, yes we must speak the truth to all people at all times, but here there’s a special reason why we must speak the truth to every believers, because we are the body of Christ.
Yung phrase na speak truth each one of you with his neighbor ay nangaling sa Zechariah 8:16 “‘These are the things which you should do: speak the truth to one another; judge with truth and judgment for peace in your gates.”
This is a prophetic text kung saan yung mga remnant ng Israel is babalik sa Bayan nila para i rebuild, kung saan ni re-require sila ng Diyos na mag sabi na ng katotohanan, one of the reason why they are exiled in the first place ay dahil lumakad sila sa kasinungalingan, at ngayong nakabalik na sila, dapat hindi na sila mamuhay sa kasinungalingan, at dapat mag sabi na sila ng katotohanan sa bawat isa. But we see that after the remnant return, they still failed, they believe lies and they tell lies. That’s why the ultimate fulfilment of this passage is the Lord Jesus Christ, He is the one who truly speak the truth to His neighbor, even if it’s painful, even if it’s uncomfortable, Jesus speak the truth about His Father, about Himself, about the Holy Spirit, about our hopeless condition apart from Him, about Faith and Repentance, about surrender and submission, about Heaven and Hell, He did not watered-down the truth for the sake of accommodating kung anong gustong marinig ng mga tao, but Jesus spoke the truth in love, True love always rejoices in the Truth. And since we are in Christ, Paul applied that passage sa Church. God’s people are to be truth-tellers. Just like God desired for Jerusalem to be a city of truth in the context of Zechariah, He longs for the church to be the same. Where both Jews and Gentiles will speak truth to each other as application of Ephesians 2:11-22. Dahil iisang bayan tayo, bayan ng Diyos, at iisang pamilya na tayo, pamilya ng Diyos, wala ng lugar ang pagsisinungaling at pangloloko sa bawat isa at nararapat lang na ang bawat isa satin ay magsalita ng katotohanan.
The Truth is not relative (na it’s up to you or it’s up to me), the Truth is not subjective (na ngayon totoo tapos bukas hindi na), it is not mere opinion, or suggestion. the Truth is absolute (hindi po ito nagbabago/napapalitan), the Truth is objective (may standard). The Truth is kung ano talaga yung reality, kung ano talaga yung totoo, and God alone defines kung ano yung reality, not our hearts that deceives us, not our emotions and feelings that fluctuate and change from time to time, not even the culture or yung kinalakihan nating tradition or kung ano yung sinasabi ng nakakarami. God alone is the Source of Truth, He is the God of Truth, He is the Author of Truth, He is the Judge and Arbitrator of all truth. Truth is whatever God says anything is and anything that oppose to who God is and what God has revealed in His Word is falsehood.
The command to refrain from lying and to speak the truth reflects God’s character, for as Numbers 23:19 ““God is not a man, that He should lie, Nor a son of man, that He should repent; Has He said, and will He not do it? Or has He spoken, and will He not establish it?” Paul ​characterizes God in Titus 1:2 “in the hope of eternal life, which the God who cannot lie promised from all eternity,”.
Galit ang Diyos sa kasinungalingan kasi S’ya ay Diyos ng katotohanan.
And since we are created in the image of God, tayo pong mga pinili at tinubos ng Diyos ay dapat mag sabi ng katotohanan sa ating mga labi at sating mga buhay. We must speak what the Scripture speaks, we must confess its truth and proclaim its truth.
The professing Christian na patuloy namumuhay sa kasinungalingan ay contradiction of terms. Ang Kristiano po ay maaring makapag commit ng pagsisinungaling, pero tatalikod po sya dito at mag sasabi ng totoo.
Isipin po natin ito: Paano po magkakaroon ng totoong fellowship (samahan) pag meron pong kasinungalingan? Hindi po ba yun yung kabaliktaran ng totoong samahan? Ano po ba yung bumubuo sa totoong fellowship? Hindi po ba tiwala, may tiwala tayo sa isa’t isa, na pwede kong sabihin yung mga gusto kong sabihin kasi makakapag katiwalaan kita, at ganon kadin sakin, na hindi natin lolokohin yung isa’t isa at ipapahamak yung isa’t isa. Ang isang Healthy Church ay hindi po mag e-exist kung wala ang katotohanan.
The moment na pumasok yung kasalanan sa isang fellowship, masisira po at magkakawatak watak yung samahan, hindi ka na malaya magsabi ng mga bagay na gusto mong sabihin, hindi mo na alam kung hangang saan yung paniniwalaan mo o kung ano pa yung paniniwalaan mo dahil hindi mo na alam kung hanggang saan mo pa kayang pagkatiwalaan yung nagsinungaling sayo. Dahil pag nasira ang tiwala, mahirap po itong ibalik.
Bibigyan ko po kayo ng isang kwento para makita po natin kung gaano nakakawasak ang pagsisinungaling
There once was a shepherd boy who was bored as he sat on the hillside watching the village sheep. To amuse himself, he cried out, “Wolf! Wolf! A wolf is chasing the sheep!”
The villagers ran up the hill to help him, only to find no wolf. The boy laughed.
Later, he did it again—“Wolf! Wolf!”—and again the villagers rushed up, only to find nothing. This time they were angry and warned him, “Don’t cry ‘wolf’ when there is no wolf!”
But one day, a real wolf came. The boy cried out for help—but this time, no one came. They thought he was lying again. And the sheep were scattered.
At sunset, the boy wept. An old man said to him, “Nobody believes a liar—even when he is telling the truth.”
That is the damaging effect of lying, kahit nag sasabi ka na ng totoo, hindi ka na paniniwalaan. Dahil sa mata ng tao, sinungaling ka, wala kang credibility, hindi ka katiwa tiwala.
According to the Scripture lahat tayo palyado kagaya ng shepherd boy.
Romans 3:10–14 “as it is written, “There is none righteous, not even one; There is none who understands, There is none who seeks for God; All have turned aside, together they have become worthless; There is none who does good, There is not even one.” “Their throat is an open tomb, With their tongues they keep deceiving,” “The poison of asps is under their lips”; “Whose mouth is full of cursing and bitterness”;”
Mga kapatid, lahat po tayo dito at one point in our life nagsinungaling, at ang kabayaran po ng ating mga kasinungalingan ay kamatayan, hindi tayo makakasama sa kaharian ng Diyos at nararapat lang na itapon tayo sa dagat dagatang apoy ng impyerno. Sa walang hanggang kamatayan at kaparusan magpakailanman.
Ano nga po ba ang pag-asa na meron ang mga sinungaling na tao?
Unlike the shepherd boy who lied and make fun and manipulated the people that resulted to the death of his sheep, and unlike us whose mouth is full ng kasinungalungan at pangloloko, we have a great shepherd who is the Truth, as we study Ephesians, we see na yung katotohanan ay hindi lang idea o prinsipyo, ang katotohanan ay Persona, we see this truth is in Jesus. And this Shepherd lay down His life for His sheep. It is not the sheep who died but the Shepherd. It is us His people who lied and nagsabi po tayo ng hindi katotohanan in different ways, but our iniquity was counted on Him, so that those who are in Him may no longer tell a lie but speak the truth in love. Jesus did not just die to save us from the consequences of the falsehood that we commited, He also live the truthful life so that in Him through His Spirit we will become a people of Truth.
Paano pa po ba natin ito ma i a-apply satin Church? God’s Truth revealed in His Word demands a response sa atin. At ano po yung dapat natin maging tugon?
When we are going through something, let’s not jump kung ano yung mga tinuturo ng mga self help guru, but let us go to the source of Truth, let us encourage and speak to one another the Truth of the Scripture. Let us use the Word of God to exhort one another, to build up one another, to edify one another, to strengthen one another, and even to correct one another, rebuke one another.
Colossians 3:16 “Let the word of Christ (Truth) dwell in you richly, with all wisdom teaching and admonishing one another with psalms and hymns and spiritual songs, singing with gratefulness in your hearts to God.”
Let us meditate on the Truth of the Scripture so we can teaching and admonishing one another.
We cannot be useful in the Kingdom of God kung hindi po natin alam yung katotohanan ba ni reveal satin ng Diyos sa Kanyang Salita. If we will not mediate, read, study the Word of God. What we do not have we cannot give. But on the other hand, when we treasure Christ, His Word, His Truth, we can proclaim it and use it to the people around us.
This is the best way na hindi tayo malilinlang ni Satanas kasama ng mga alipores nya na false teacher. This is the way kung saan patuloy tayong lalago, mag-mamature at magiging malusog bilang mga mananampalataya at bilang Iglesia.
Another way we can cultivate speaking the truth to each other kailangan po natin magsabi ng katotohanan kahit ito po ay masakit. Pero dapat po natin tandaan na sinasabi po natin ang katotohanan sa bawat isa kahit masakit dahil mahal po natin ang bawat isa.
Proverbs 27:6 “Faithful are the wounds of a friend, But deceitful are the kisses of an enemy.”
Ultimately, si Jesus po yung Faithful friend dito na nagsasabi ng masakit na katotohanan, and as His people, we are to imitate Christ.
Makikita po natin ito kung paano ito dinemostate ni Paul sa Galatians. When Peter is not being truthful in the ways of the Gospel, hindi man sya nag sisinungaling sa labi nya pero sa kilos at gawa nya hindi s’ya nagiging totoo, Paul lovingly rebuke Him in front of many. The same Peter that declare the truth of God in Acts 10 na kabilang ang gentiles sa Pinangakong kaligtasan ng Diyos, ay yung same Peter na after makipag fellowship sa Gentiles nung dumating sa Galatians, ay sya din umiwas at naging aloof sa mga gentiles nung may dumating na mga judaiazers at dahil sa actions nya, pati yung ibang mga mananampalataya gumaya sa kanya.
This is not to say na pag may nag sinungaling dapat i rebuke natin publicly, pero sa context nila, yung pagiging hypocrite ni Peter ay nakaka apekto na sa iba at nagdudulot na ito ng dibisyon. So if lies affects others and it causes division in the body of Christ, we must rebuke that person for the sake of the Gospel.
Kaya meron taying process sa church discipline, kung ang pagsisinungaling ng isang kapatid ay nagdudulot na ng pinsala at dibisyon sa Iglesia, hindi natin ito dapat balewalain — kailangan nating lapitan sila ng may pagmamahal at katapatan, para sa ikakabuti ng lahat.
In our terminology today, we say constructive criticism, we correct someone in a gentle way because we want them to improve, we want them to grow. But in the Christian context, we also use that, we tell people kung saan pa sila pwede mag grow, but what separate us from the worldly definition of constructive criticism is we do it our of love towards the person. We have that motivation na yung mga kapatid natin sa pananampalaya at mas maging kawangis pa ni Kristo.
Ang totoong nag mamahal ay nag sasabi ng totoo. Kahit masakit na katotohanan ay pagpapakita po ito ng pagmamahal at pag aaruga kung ito po ay sinabi sa tamang oras at pagkakataon, dahil mas pipiliin pa po natin na sabihin yung masakit na katotohanan para sa ikakabuti nila kesa hayaan natin silang mapahamak at masaktan at lubusang mawalay sa Diyos.
Another way to put this into practice is pag isipan po natin yung mga bagay na pag co commitan natin, let your yes be yes and no be no! Do not promise something na hindi mo kayang i deliver, wag kang mag commit kung hindi mo kayang panindigan. Mean what you say and say what you mean.
Another way para ma i apply ito, pag tinanong po tayo ng mga kapatiran, kung kamusta tayo, magsabi po tayo ng kumpletong katotohanan, yung pagiging honest natin sa bawat isa ay ginagamit ng Diyos para gawin yung simpleng kamustahan na maging makabuluhan at opportunity na makapag extend satin ng malasakit at pag ibig ang mga kapatiran.
And lastly, we must cultivate our integrity, dapat hindi po tayo pakitang tao, what we show in the public places is the manifestation of who we truly are in the private closet of our home. Integrity is who you TRULY are before God when no one is looking. Credibility is how others perceives us, but integrity is how the Lord sees us. Sa madaling salita, wag tayong magpakitang tao, magpakilala talaga tayo bilang tunay na Kristiano.
At ultimately, magsasabi po tayo ng katotohanan dahil ito po ay nakakalugod sa Diyos, dahil ang Diyos ay katotohanan, nararapat lang po na ang mga Anak ng Diyos ay nagsasabi ng katotohanan.
Sa kultura natin na nag pro promote ng kasinungalingan, tayo po ay tinatawag ng Diyos na magsabi ng katotohanan dahil tayo ay bahagi ng Kanyang katawan.
Conclusion
If you are not yet in Christ, I invite to put come to the Lord Jesus Christ, He is the truth and He alone can set you free from your lying lips, and others sins that enslaves you. John 8:36 ““So if the Son makes you free, you will be free indeed.”
If God can change a manipulator, a liar, a cheater like Jacob and break Him and make Him a new man, surely He can do that for you if you will come to the Lord Jesus Christ today.
And if you are in Christ, this is the question for all of us:
Does your walk match your talk as a follower of Christ?
Challenge: Do you recall a recent conversation when you did not speak the truth? If so, confess it now and repent of your sin. Contact the person who heard you so that you can confess your sin and seek that person's forgiveness.
Related Media
See more
Related Sermons
See more
Earn an accredited degree from Redemption Seminary with Logos.