God’s Word: Its Primacy and Centrality in our Lives (Ang Salita ng Diyos: Pangunahin at Sentro sa ating Buhay)
Sermon • Submitted
0 ratings
· 834 viewsGod’s Word: Its Primacy and Centrality in our Lives
Notes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
I. Affirming the Riches of God’s Word in our Life (Pagkilala sa Kayamanan ng Salita ng Diyos sa ating Buhay)
Isa sa mga naging uliran sa pangangaral ng Salita ng Diyos ay si Billy Graham, na pumanaw noong nakaraang Pebrero 2018. May winika siya tungkol sa kahalagahan na ang Biblia ay mai-demonstrate ng mga mananampalataya, sa ganitong paglalarawan: “We are the Bibles the world is reading; we are the creeds the world is needing; we are the sermons the world is heeding.”
Ngayong National Bible Sunday, layunin ng ating paksa na ang ating buhay ay maging reflection o salamin ng Banal na Kasulatan - sa pamamagitan ng pagkilala sa Biblia bilang isa sa pangunahin at sentro sa ating buhay Cristiano.
Ang buong kabanata ng Awit 119 ay tungkol sa Salita o Kautusan ng Diyos at ang pamumuhay nang may pananampalataya.
Inilarawan ang Awit 119 ng isang Bible scholar sa ganitong pangungusap: “This is a psalm not only of law but also of love, not only of statute but also of spiritual strength, not only of devotion to precept but also of loyalty to the Word of the Lord. The beauty in this psalm resounds from the relationship of the psalmist and his God.”
Ang nilalaman, komposisyon at istraktura ng Awit 119 ay kinikilalang isang “massive achievement” 1 o napakalaking tagumpay. Ginamit ng may akda ang “acrostic pattern” ayon sa alpabetong Hebreo. Ang bawat linya sa stanza ng 119:17-24 ay nagsisimula sa ikatlong letra ng Hebrew alphabet na “Gimel” o letrang “G”, at bawat stanza ay may walong linya. Ang unang talata sa bawat stanza ay nagsisimula sa “salita o kautusan” ng Panginoon.
Sa Awit 119:17-24, ipinahayag ng salmista ang sabwatan ng mga masasamang tao laban sa kanyang buhay, at inaasam niya ang kahangahangang aral ng Kautusan na siyang gagabay sa kanyang buhay.
Sa gitna ng mga hamon at pagsubok sa buhay, ang Salita ng Diyos ay nararapat maging pangunahin at sentro sa ating buhay.
Paano magiging pangunahin at sentro ang Salita ng Diyos sa ating buhay?
Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang mabuhay ako, at sundin ang salita mo. Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko, ang kahanga-hangang mga bagay sa kautusan mo. Awit 119:17-18
Sa talatang 17-18, may dalawang kahilingan ang Salmista sa Panginoon: (a) gawan ng mabuti, at (b) buksan ang mga mata. Ang layunin ng unang dalangin ay upang siya ay makaranas ng tunay na buhay, isang buhay na naaayon sa Salita ng Diyos. Hindi lahat ng tao ay nakararanas ng tunay na buhay, kundi iyon lamang sumusunod sa Salita ng Diyos. Dahil din sa mga panganib na hinaharap ng Salmista, ang kanyang dalangin ay magliligtas sa kanya sa masasamang balak ng mga kaaway.
Sa ikalawang dalangin, ang kahilingan ay “buksan ang mga mata”. Ito ay nangangahulugang nais maunawaan ng Salmista ang kahulugan ng Salita ng Diyos.
Sa mga nag-aaral ng Biblia, ito ay tinatawag na hermeneutics o interpretation. Kung ang Salita ng Diyos ay maipaliliwanag at mauunawaan ayon sa tamang kahulugan nito, masusumpungan ang kahanga-hangang kaugnayan nito sa ating buhay. Sa kabila ng maraming hamon at pagsubok sa buhay, ang wastong kahulugan at aplikasyon ng Salita ng Diyos ay isang makapangyarihang kasangkapan upang magtagumpay.
II. Understanding God’s Will for our Journey (Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos para sa ating Lakbayin)
Ako'y isang dayuhan sa lupain, huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik sa lahat ng panahon sa mga batas mo. Awit 119:19-20
Inilarawan ng Salmista ang kanyang sarili bilang isang dayuhan sa lupain. Ito ay may implikasyon na ang kanyang buhay sa daigdig ay pansamantala lamang. Nakapaloob din sa buhay ng isang dayuhan ang maraming hamon sa buhay. Kaunti lamang ang karapatan ng isang dayuhan, kaya hiniling ng Salmista na higit pang maunawaan ang Salita ng Diyos. Ito ang gagabay sa kanyang lakbayin sa gitna ng maraming hamon sa buhay. Ang kanyang dalangin na “huwag mong ikubli ang mga utos sa akin” ay isang dalangin na maunawaan ang kalooban ng Diyos sa kanyang paglalakbay sa buhay.
Ipinahayag ng Salmista ang kanyang malalim na pananabik sa Salita ng Diyos. Ang wika niya ay “nadudurog sa pananabik” ang kanyang puso sa mga batas ng Panginoon. Ang salitang “batas” sa talatang ito ay may salin sa wikang Ingles na “ordinances, decisions, judgments”. Ibig sabihin, ang hinahangad ng kanyang puso ay maunawaan ang kapasyahan at kalooban ng Diyos sa kanyang buhay. Sa mga panahon na dumaranas ng mga pagsubok at hamon sa buhay, mas lalo nating kailangang maunawaan ang kalooban ng Diyos.
III. Finding Comfort in God’s Word (Matagpuan ang Kaaliwan sa Salita ng Diyos)
Iyong sinasaway ang mga walang galang, ang mga sinumpa na lumalayo sa iyong mga utos. 22 Ang paglibak at pagkutya sa akin ay alisin mo, sapagkat iningatan ko ang iyong mga patotoo. 23 Bagaman ang mga pinuno ay umuupong nagsasabwatan laban sa akin; ang lingkod mo'y magbubulay-bulay sa iyong mga tuntunin. 24Aking kasiyahan ang iyong mga patotoo, ang mga iyon ay aking mga tagapayo. Awit 119:21-24
Sa talatang 21, kinilala ng Salmista ang tulong ng Diyos sa mga panganib at kagipitan sa buhay. Ang Diyos ang sumasaway (rebuke) sa mga “walang galang” o mga taong tumutuya sa Diyos at Kanyang Salita. Sila ang mga umaapi sa kapwa, at nananamantala sa mga mahihina. Dahil sa kanilang kawalan ng galang sa Diyos, ang kanilang buhay ay isang buhay na “sinumpa”.
Naranasan ng Salmista ang mga “paglibak” at “pagkutya” (119:22), na kanyang idinalangin sa Diyos na ito’y “alisin”. Ipinahihiwatig ng talatang ito na ang Salmista ay nabubuhay sa panahong marami ang manlilibak at mang-uusig sa mga sumusunod sa Kautusan ng Diyos. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang umuusig sa mga lingkod ng Diyos. Kung iniingatan natin ang Salita ng Diyos, masusumpungan natin ang Kanyang tulong at makararanas tayo ng Kanyang kaaliwan. May isang nagsabi, “When the world beats you down, open up your Bible.”
Sa talatang 23-24, ang central idea ng buong stanza ay ipinahayag ng Salmista: na ang mga taong nasa kapangyarihan ay nagsasabwatan laban sa kanya, subalit kanyang nasumpungan ang tulong o kaaliwan mula sa Salita ng Diyos. Tinawag niya ang Kautusan ng Diyos na kanyang “mga tagapayo”. Sa gitna ng mga pag-uusig at masasamang layunin ng mga tao sa mga lingkod ng Diyos, ang makapangyarihang lunas ay ang kaaliwan o comfort na nagmumula sa Kanyang Salita.
Pagsasabuhay:
Sa kabila ng mga hamon, pagsubok, suliranin, at pag-uusig na hinaharap natin sa ating bansa, mahalagang kilalanin natin ang pangunahing tulong ng Biblia. Gaya ng wika ni Apostol Pablo, ang Salita ng Diyos ay tabak ng Espiritu (sword of the Spirit, Efeso 6:17) na kasangkapan natin upang pagtagumpayan ang sanlibutan.
Dahil ang Biblia ay pangunahin at sentro sa ating buhay, ang hamon sa atin sa Linggong ito ay: (1) affirm the riches of God's word, (2) understand God's will for our journey, at (3) find comfort in God's word.
Ang kasalukuyang kalagayan ng ating panahon ay maaaring may mababaw nang pagpapahalaga sa Biblia, at ang technology gaya ng internet ay higit pang nagiging kasangkapan sa pamumuhay; subalit, ang tunay na buhay ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagkilala at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos.