The Resurrection of Christ

1 Corinthians  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 708 views
Notes
Transcript

Introduction

“Ideas have consequences.” Mahalagang ipaalala ‘yan kasi mahilig tayong mga Filipino ngayon na kanya-kanyang opinyon, kanya-kanyang ideya, kanya-kanyang paniniwala. Eto ang pinaniniwalaan. Kung iba sa pinaniniwalaan mo, galangan na lang tayo. Maraming tao ngayon hindi na pinag-iisapang mabuti ang consequences ng pinaniniwalaan nila. Kaya napapahamak tayo. Akala magandang investment, scam pala. Akala kamag-anak ang ka-chat na nanghihingi ng tulong, nahack na pala. Pati mga fake news, komo magandang pakinggan, o pabor sa political o religious views natin, pinapatulan agad natin. Buti kung pera lang ang mawawala sa atin, buti kung pabor o pagtingin lang ng mga kaibigan natin ang mawawala. Pero paano kung mas malala na ang nakasalalay? May kasabihan nga tayo, “Marami ang namamatay sa maling akala.”
Kaya naman, what we believe about the gospel matters. Yung content and significance ng gospel, ng Mabuting Balita ni Cristo, ang huling pinag-aralan natin sa 1 Corinthians 15:1-11. Yan ang “pinakamahaga sa lahat” (v. 3). Yung pinapangaral ni Pablo, yung pinaniniwalaan natin, yung tinatayuan natin, yung pinanghahawakan natin (vv. 1-2)—yung magandang balita na si Cristo ay namatay para iligtas tayo sa mga kasalanan natin, inilibing siya, sa ikatlong araw ay muling nabuhay (vv. 3-4). Natupad ang plano at pangako ng Diyos, nangyaring lahat ‘yan “ayon sa Kasulatan.” Hindi ‘yan gawa-gawa lang ng mga tsismoso o mga baliw. Marami ang makapagpapatunay na muling nabuhay si Cristo (vv. 5-8). Dyan nakasalalay ang buhay natin. Dyan nakasalalay ang church natin (vv. 10-11). Kapag binigkas mo ang Apostle’s Creed—“I believe…in Jesus Christ…suffered…crucified, dead, and buried…the third day he rose again from the dead...”—hindi ka nagbabaka-sakaling totoo ‘yan, sinasabi mong pinaniniwalaan mo ngang totoo ‘yan!
Ngayon, kung susuriin mo ang iba mo pang pinaniniwalaan sa buhay, kung susuriin mo ang mga ginagawa mo sa buhay mo, masasabi kayang pinaniniwalaan mo ba talaga si Cristo at ang ginawa niya para sa ‘yo in his death and resurrection? Ito kasi ang issue sa church sa Corinth na tinatalakay niya sa chapter 15. Yung first 11 verses, intro pa lang niya yun. Yung issue heto na sa v. 12, “Now if Christ is proclaimed as raised from the dead...” Tulad ng mga nauna niyang sinabi. Yung historical fact ng bodily resurrection ni Cristo ang ipinapangaral niya, pinaniniwalaan nila. Oo, tama naman, pero “how can some of you say that there is no resurrection from the dead”? “Ngayon, kung ipinapangaral naming si Cristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na hindi bubuhaying muli ang mga patay” (MBB)? Hindi mga false teachers ang kalaban nila dito. Pero yung maaaring nagiging common belief sa ilang mga members ng church na wala na daw mangyayaring “resurrection of the dead.” Bilang mabuting pastor, tinuturuan sila ni Pablo hindi lang kung ano ang tamang doktrina, kundi kung ano rin ang kailangang itama sa maling doktrina nila.
Ano ang mali sa paniniwala nila? Hindi naman nila dine-deny yung resurrection ni Christ. Ang dine-deny nila ay yung future physical resurrection natin. Dahil nahahaluan ang paniniwala nila ng mga Greek philosophies na nagtuturo na masama ang katawan ng tao at siyang pinagmumulan ng kasamaan, kaya ang ultimate destiny natin ay ang kalagayang kaluluwa na lang at wala nang katawan (immortality of the soul nga, tama naman, pero disembodied state), na para bang ang disenyo ng Diyos ay lubusang sirain na ang katawan. Pero hindi ‘yan ang biblical doctrine. Mamamatay tayong lahat, yes. Ang kaluluwa natin ay mahihiwalay sa patay na katawan. Kung tayo ay nakay Cristo, we will be in his presence immediately after we die. Yung katawan natin, mabubulok. Pero sa pagbabalik ni Cristo, muling bubuhayin ang katawan, isasama ulit sa kaluluwa. Ang mga kapatid natin kay Cristo na namatay na ay hindi mananatiling mga kaluluwa lang.
Kaso ganoon tayo karaniwang mag-isip ngayon when we talk of the afterlife. Para ba tayong mga kaluluwa na palutang-lutang lang sa langit. Alam naman natin yung mangyayari sa second coming ni Cristo, hindi naman natin dine-deny yung resurrection, pero hindi karaniwang sumasagi sa isip natin. Or when we evangelize, we use yung language na “winning souls.” Oo siyempre mahalaga ang kaluluwa ng tao. Pero mahalaga din ang katawan ng tao. Yan ang pag-aaralan natin ngayon at next week. Ngayon magfocus tayo sa mga consequences ng paniniwala natin sa doktrina ng muling pagkabuhay. Sa vv. 13-19, titingnan natin ang tragic consequences kung walang resurrection of the dead. Sa vv. 20-28 naman ay yung glorious consequences kung totoo ‘yan. Sa vv. 29-34 ay yung practical consequences naman ng doktrinang yan.

Tragic consequences if there is no resurrection from the dead… (vv. 13-19)

Unahin muna natin yung tragic consequences kung walang resurrection. At simula pa lang ay uulit-ulitin ni Pablo na hindi mo pwedeng ihiwalay itong future resurrection natin sa past historical event ng resurrection ni Cristo.

You can’t believe in the resurrection of Christ and deny the eventual resurrection of believers, for resurrection is a single package.

Both-and ‘yan. Hindi either-or. Isang package ‘yan. Hindi pwedeng paghiwalayin. “Kung totoo iyan (na hindi muling bubuhayin ang mga patay), lilitaw na hindi muling binuhay si Cristo” (v. 13). “Kung hindi muling binubuhay ang mga patay, hindi rin muling binuhay si Cristo” (v. 16). We believe in the resurrection of Jesus. Central yan sa gospel message. You cannot deny that and still be a Christian. Now, for the sake of argument, kung hindi pala totoo yung pinaniniwalaan natin, ano ngayon? Dati may narinig ako nagsabi, kung hindi totoo, wala namang mawawala sa atin. Pero mainam nang paniwalaan kasi paano kung totoo? What’s the problem with that kind of thinking? Nagbabaka-sakali. Umaasa na totoo, kahit hindi siguradong totoo. Para kay Pablo, tragic ang consequences kung itong pinaniniwalaan nating good news of the resurrection of Jesus ay hindi naman pala totoo. Tragic ang consequences sa preaching, sa faith, at sa salvation. Isa-isahin natin.

In our preaching

Ano ang consequences sa preaching natin? “At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral” (1 Cor. 15:14). Walang kabuluhan. Sa ESV, “in vain” (ESV). Sa NIV, “useless.” Literally, “empty.” Walang laman. Walang substance. Hindi lang nababawasan ang mensahe. Hindi lang napunit ang isang page sa Bible. Nabalewala lahat. Hindi lang natanggal ang bubong ng bahay. Nasira ang pundasyon kaya gumuho ang lahat. Hindi good news ang gospel kung walang resurrection, kung nanatiling patay si Cristo.
Ang consequences nito ay hindi lang sa message ng gospel, pati na rin sa messenger. “Kung ganoon, lilitaw na kami'y mga sinungaling na saksi ng Diyos dahil pinatotohanan namin na muling binuhay ng Diyos si Cristo ngunit hindi naman pala, kung talagang walang muling pagkabuhay ng mga patay” (1 Cor. 15:16). Sinungaling na saksi sila Pablo at lahat tayo na nagse-share ng gospel sa iba. “Misrepresenting God” (ESV) o literally, “false witnesses.” Kasi sinasabi nating totoo yung isang bagay na hindi naman pala totoo kung walang resurrection. Ang preaching ay pangangaral ng salita na galing sa Diyos (1 Cor. 2:1). So if we claim that what we say is from him, then lalabas na hindi lang tayo ang sinungaling, pati ang Diyos. But God cannot lie. His word is truth.

In our faith

Since our faith is a response to the preaching of the gospel, at kung hindi pala totoo ang narinig natin, hindi rin totoo ang pinaniniwalaan natin. “At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya” (v. 14). “Walang katuturan” pareho lang din ng “walang kabuluhan.” Same word, “in vain,” useless, empty. Naniniwala ka sa wala. Umaasa ka sa wala. Your faith is blind faith, walang basehan. Sinabi niya rin ‘yan sa v. 17, “walang katuturan ang inyong pananampalataya.” Pero different word ang ginamit niya. Parang empty and useless din, pero may implication na “fruitless.” Wala kang mapapala. Yun bang parang namamalimos ka, pero wala kang nakuha kahit isang singko.
Kung walang kabuluhan ang pangangaral ng gospel, walang patutunguhan din kung paniniwalaan mo yung gospel. Ibig sabihin yung inaasahan nating salvation, wala din pala!

In our salvation

So may consequences sa salvation. Kasi naniniwala tayo na by faith alone in Christ alone ang instrument ni God for our salvation. So konektadong lahat yun. Yung gospel walang laman kung walang resurrection. Walang kabuluhan ang preaching. Walang patutunguhan ang pananampalataya natin. Wala ring salvation! Tanggalin mo ang foundation, guguho ang buong gusali. Mas malaking trahedya pa ito kesa sa dulot ni Ulysses. Anong trahedya? “At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y nananatili pa sa inyong mga kasalanan” (v. 17). “You are still in your sins.” Yes namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan (v. 3). Pero kung nanatili siyang patay, wala pang victory over sin. “Siya'y ipinapatay dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo'y mapawalang-sala (for our justification)” (Rom. 4:25). So kung hindi siya muling nabuhay, hindi tayo mapapawalang-sala.
At kung hindi tayo mapapawalang-sala, mapapahamak pa tayo dahil tayo pa rin ang magbabayad ng parusa para sa ating mga kasalanan. “Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng mga namatay na sumampalataya kay Cristo ay napahamak” (v. 18). Hindi pala totoo yung John 3:16 kung ganun. Mapapahamak tayo at hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
At kung walang buhay na walang hanggan, wala pala tayong inaasahan. Ito lamang palang buhay na meron tayo ngayon. Oo maaaring maganda ang buhay natin ngayon bilang mga Christians. We are enjoying God’s blessings, kahit na maraming sufferings, at masasabi talaga nating kung ikukumpara sa mga non-Christians mas masaya at maganda ang kalagayan nating mga Christians ngayon. Pero meron tayong inaasahan na higit pa sa mga bagay sa mundong ito, kaya nga kahit anong hirap ang danasin natin, hindi tayo sumusuko kasi alam natin na the best is yet to come. Pero paano kung wala pa lang “the best is yet to come”? Paano kung ito na pala yun? Sabi ni Pablo, “Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao” (v. 19).

Why so? Most likely because we are living a lie! We have a hope that will turn out to be a false hope, and that on which we set the entire focus of our lives will come to nothing. That would indeed be very sad!

Napakasaklap ng kahihinatnan natin kung hindi pala totoong nabuhay na muli si Cristo. Merong tragic consequences sa preaching natin, sa faith natin, at sa salvation natin. Balewala ang lahat!
Pero lahat ‘yang mga sinabi ni Pablo ay hypothetical scenario lang. Buti na lang! Buti na lang totoo na merong resurrection from the dead. Buti na lang hindi tragic ang sasapitin natin, buti na lang merong vv. 20-28 kung saan ilalahad ni Pablo yung...

Glorious consequences if there is resurrection from the dead… (vv. 20-28)

Buti na lang. Yun ang bungad niya sa v. 20, “Ngunit sa katunayan si Cristo'y muling binuhay...” “But in fact Christ has been raised from the dead...” (ESV). Ito talaga ang totoo. Ibig sabihin, kung ganun, good news talaga ang gospel. May saysay ang preaching natin. Kasi totoo! May kabuluhan ang pananampalataya natin, kasi hindi blind faith, merong basehan. Merong natutuntungan. May maaasahan tayo in our salvation. Buti na lang totoo na muling nabuhay si Cristo. At dahil muli siyang nabuhay, “...at ito'y katibayan na muli ngang bubuhayin ang mga patay.” Yung salitang “katibayan” dito ay literally, “firstfruits” (ESV). Ang salitang ito ay hango sa Old Testament practice na nakasulat sa Lev. 23:15-21, kung saan yung unang bahagi ng ani nila ay ihahandog sa Panginoon. Ito ay pahiwatig na ang natitira pang aanihin ay para rin sa Panginoon. Pauna kumbaga. Garantiya o downpayment kapag may ipapareserve ka na produkto para katibayan na babayaran mo yung buo. In the same way, ang pagkabuhay ni Cristo ay pauna lang o “katibayan” na siguradong kasunod yung ating resurrection from the dead.

In Adam or in Christ?

This is good news, glorious news, for us. Pero hindi para sa lahat. Nakadepende sa location ‘yan, sa pinaglalagyan mo. Kung nasa Baguio ka, ligtas ka kay Ulysses. Pero pag nasa Cagayan ka, yari ka. Location matters. Nasaan ka? Nakay Adan ka pa rin ba? As a representative of the whole human raise, kapahamakan ang idinulot ng kanyang kasalanan. Similar sa sinabi ni Pablo sa Rom. 5:12, sinabi rin niya sa 1 Cor. 15:21-23:
Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao (Adan!), gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao (Jesus!). Sapagkat kung paanong namamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan (in Adam), gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo (in Christ). Ngunit ang bawat isa'y may kanya-kanyang takdang panahon. Si Cristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Cristo (“those who belong to Christ”) sa panahon ng pagparito niya.
In a way lahat naman ng patay bubuhayin. Pero bad news for those who are outside of Christ. But for those in Christ, this is glorious news! Sakop nitong katotohanan ng muling pagkabuhay ni Jesus ang lahat ng bagay. Yung salitang “all” or “every” / “lahat” / Gk. pas ay 12 beses ginamit sa vv. 22-28. And Paul was not exaggerating yung consequences ng resurrection. Ayon kay Kim Riddlebarger,
First Corinthians If the Dead Are Not Raised

God has raised Jesus from the dead, and this changes everything.

Binabago nito ang lahat sa buhay natin. We will look at that later and next week. Pero dito sa section na ‘to ay mas focused si Pablo sa God-centered implications ng resurrection. Kung tutuusin, it is not primarily about us. It is about God and about his kingdom. Yun siguro ang dahilan bakit hindi gaanong sumasagi sa isip natin ang consequences ng resurrection. Kasi masyado tayong nakafocus sa sarili natin. Nakakalimutan natin na nilikha tayo ng Diyos in his image to rule over his creation. Pero sa halip na maging good representatives ng pamamahala ng Diyos, nagrebelde tayo sa kanya. At pinadala niya si Jesus para iligtas tayo, para baguhin ang puso natin, at magkaroon ng ambisyon na hangaring makita na ang lahat ay nagpapasakop sa paghahari ni Cristo. Yun kasi ang puso ng Diyos. Yun ang plano niya na mangyari.

King Jesus will return.

At sa pababalik niya, magkakaroon ng turnover of the kingdom. “At darating ang wakas, kapag naibigay na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, pagkatapos niyang malupig ang lahat ng paghahari, pamahalaan at kapangyarihan” (v. 24). “Every rule and every authority and power.” Lahat. Matatapos na ang pamamahala ni Donald Trump. Si Duterte din may katapusan. Ang kapangyarihan ng China sa buong mundo ay matatapos din. Pero sa pagbabalik ni Cristo, hindi kingdom will never end. Every knee will bow to king Jesus. Every nation will be under his rule. Ibig sabihin ba nun na hindi siya namamahala ngayon? No.

King Jesus is presently reigning.

Naghahari siya. Hindi nga lang ganun ka-visible, o ganun ka-political ang paghahari niya. Pero sa lahat ng nakay Cristo, he is reigning in our hearts. At ang desire and prayer natin sa Diyos Ama, “Your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.” Kasi totoo nga na naghahari na siya ngayon. “Sapagkat si Cristo'y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan” (vv. 25-26. Yung v. 26 ay galing sa Psa. 110:1, ito ang most quoted OT chapter in the NT. Habang naipapangaral ang mabuting balita ni Cristo sa lahat ng dako ng mundo, rebels are turning to Christ in repentance and faith, pledging their allegiance to the King of kings. At sa pagbabalik ni Cristo, lahat ng mga hindi kumikilala sa paghahari niya ipapailalim niya sa kanyang mga paa. Tanggal ang yabang at pagmamataas ng sinumang ayaw kumilala kay Cristo. At that time he will defeat death itself. Papatayin niya ang kamatayan. Yung sinimulan niyang tagumpay laban sa kamatayan nang muli siyang nabuhay ay tatapusin niya sa kanyang pagbabalik, lahat ng mga patay ay muling bubuhayin. Katapusan na ng kamatayan.

God will reign forevermore.

In the beginning, God! In the end, God! Diyos mula sa simula hanggang sa katapusan. Verses 27-28:
Ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan.” (Galing ito sa Psa. 8:6. Ito ang original na intensyon ng Diyos sa tao, at nagkaroon ng higit na katuparan kay Cristo.) Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Anak, ipapailalim naman siya sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, ang Diyos ay mangingibabaw sa lahat.
Hindi ito nangangahulugan na mas inferior ang Diyos Anak sa Diyos Ama. Pareho silang Diyos, pantay sa pagka-Diyos, pero in terms of roles within the Trinity, ang Anak ay nagpapasakop sa Ama. At ito ang napakagandang larawan na masasaksihan natin sa pagbabalik ni Cristo. The Son in beautiful and humble submission to the Father. And the Father gloriously reigning over all, “that God may be all in all” (v. 28).
We don’t usually think about this kasi masyado tayong nakafocus sa here and now. Reflecting on the resurrection of Christ causes our eyes to have eternal perspectives and our affections to be stirred by the glorious purposes of God. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay natin at sa paligid natin at sa buong mundo ngayon, let us pray na buksan ng Diyos ang mata natin para makita natin kung ano ang napakalaking plano niya para sa atin na mga nakay Cristo.
Pero siyempre may implications yan sa here and now. Hindi yung para bang naghihintay na lang tayo na bumalik si Cristo pero wala namang epekto yung ganung perspektibo sa kalagayan natin ngayon. So let us look now at the...

Practical consequences of the doctrine of resurrection (vv. 29-34)

Sabi ni Kim Riddlebarger:
First Corinthians A Bodily Resurrection

And if this life is all there is—to put it bluntly and directly—then it does not matter what we do, or how we live. We are free to sin with impunity, provided we can get away with it. There is no reason to do good, no reason to love our neighbor, and no reason to deny ourselves any sort of pleasure.

May mga ginagawa tayo sa buhay natin, may mga practices tayo sa church natin na walang sense kung walang doctrine of the resurrection (“makes no sense without a doctrine of the resurrection,” EBC, vol. 11, Rom.-Ga, 398). Merong ilang binanggit si Pablo dito sa vv. 29-34.

Ministry practices

Yung una ay may kinalaman sa isang ministry practice nila about baptism. “Kung hindi gayon, ano ang halaga ng pagpapabautismo ng mga tao para sa mga patay? Kung talagang hindi bubuhaying muli ang mga patay, bakit pa nagpapabautismo ang mga tao alang-alang sa kanila” (v. 29)? Baptism on behalf of the dead, ano yun? Hindi ko alam. Dito lang kasi binanggit ‘yan sa Bible. Sabi nila merong 200+ possible interpretations ‘yan! Pero we can never know for sure. Yung iba tingin ito ay may kinalaman sa physical baptism na ginagawa nila na parang proxy baptism. Para raw sa mga kasama nilang believers na namatay agad na hindi nabaptize. Hindi sinabi ni Pablo kung mali ang practice nila na ‘to. Hindi rin sinabing aprubado sa kanya. Ginamit lang niya na halimbawa. Yung iba naman spiritual ang pagtingin dito:

believers are being baptized because they realize they are dead in sin and are being raised to a new life in Christ.

Though we can never know for sure, pero malinaw na ang point ni Pablo ay ikonekta yung isang church practice nila na mawawalan ng sense kung hindi sila naniniwala sa future resurrection: “Yung practice n’yo ngayon sa church nakakabit sa paniniwala n’yo about the resurrection.” Sa church din natin, dapat yung pagtanaw natin sa future or eternity natin with Christ ang humubog sa mga ginagawa natin sa church. Hindi lang sa baptism, kundi pati sa Lord’s Supper, pati sa preaching, pati sa church membership, church discipline, evangelism, and giving our everything sa ministry. Tulad ni Pablo.

Suffering for Christ

Bakit nga naman siya magpapakahirap sa missions kung wala namang resurrection? Sabi niya sa vv. 30-32:
At bakit pa kami nalalagay sa panganib sa lahat ng oras? Walang araw na di ako nabibingit sa kamatayan, mga kapatid! Sinasabi ko ito sapagkat ikinararangal ko kayo alang-alang kay Cristo Jesus na ating Panginoon! Kung ang pakikipaglaban ko sa mababangis na kaaway sa Efeso ay para sa tao lamang, ano ang mapapala ko? Kung hindi rin lamang bubuhaying muli ang mga patay, mabuti pa'y sundin na lamang natin ang kasabihang ito, “Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo'y mamamatay.”
Itong kasabihang binanggit niya ay ginamit din sa Isa. 22:13. Ganyan ang mga tao ngayon. Buhay lang ngayon ang iniisip. Wala namang masamang kumain o uminom. Siyempre basic necessities yun. Pero kung yung satisfaction and pleasure natin dito lang sa mundo, talagang itotodo na natin. Kung wala naman palang future resurrection, wala tayong rason para isakripisyo maging yung basic necessities natin, even risking our life, for others. Pero para kay Pablo, he can deny himself of these pleasures. Handa siyang maghirap: “in danger every hour…I die everyday…fought with beasts...” Yan ang kanyang risk-taking sacrifice in preaching the gospel. Handa siyang mawala ang anumang comfort niya, maging ang buhay niya, kasi alam niyang merong someting better in the next life na naghihintay sa kanya.
Puro tayo reklamo sa mga hirap ng buhay natin ngayon, sa halip na matutong magsakripisyo, kasi ang isip natin ay nakatuon pa sa mundong ito, sa halip na tanawin natin ang buhay natin balang araw na kasama si Cristo. Kaya sa halip na mamuhay bilang mga tagasunod ni Cristo, mas nakikiayon pa tayo sa takbo ng mundong ito. We live in a world na ang pag-asa ay nandito lang sa mundo. Wala kay Cristo. Yes, we do everything, we sacrifice everything to reach them with the gospel. But we also separate from them. Hindi natin sila gagayahin.

Pursuit of Holiness

Ito ang huling tagubilin ni Pablo sa vv. 33-34:
Huwag kayong paloloko. “Ang masasamang kasama ay nakakasira ng mabuting pagkatao.” Magpakatino kayo at talikuran ang pagkakasala. Ang iba sa inyo'y hindi kilala ang Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo.
Kung resurrection of the dead ang dine-deny nitong ilang mga taga-Corinto, ang assessment ni Pablo sa problema nila ay hindi lang pala doctrinal. It is also a moral and spiritual problem. Ang ugat pala nito ay ang kakulangan ng pagkakilala nila sa Diyos (Riddlebarger, First Corinthians, p. 429). At kung yun ang ugat, ang bunga ay ang pamumuhay na taliwas sa kalooban ng Diyos. Kaya sinabihan sila ni Pablo, “Magpakatino kayo!” Literally, para kayong lasing na kailangang mahimasmasan. Itong maling doktrina ninyo ang nagdadala sa inyo para magkasala. Tapos nakikisama pa kayo sa mga taong hindi kumikilala sa Diyos.
Bakit ka nga naman magpapaimpluwensiya sa mga non-Christians? Bakit ka makikipagrelasyon sa kanila in such a way na makukumpromiso ang allegiance mo sa Panginoon? Tapos i-isolate mo pa ang sarili mo sa church family. Pag-isipan nating mabuti ang implications nito sa buhay natin. Kung hanggang ngayon hindi mo kilala ang Diyos, and you are not in relationship with Christ, alam mo ba ang kapahamakang naghihintay sa ‘yo? Kung sinasabi mo namang kilala mo ang Diyos, tapos ang buhay mo naman ay parang walang Diyos, wake up, kapatid! Ipakilala natin sa ibang tao sa salita at sa buhay natin ang pag-asa na meron tayo kay Cristo.

Conclusion

Ideas have consequences. May tragic consequences kung hindi pala totoo ang resurrection. Kung mali ang pinaniniwalaan mo about the gospel, about the resurrection, about eternity, malaking trahedya ang sasapitin mo. Nakakatakot. At dahil totoo ito, kung pinanghahawakan mo ang pag-asa na nakatali sa muling pagkabuhay ni Cristo, glory awaits you in eternity. Nakakasabik. Itong historical fact ng resurrection of Christ at future expectation natin ng resurrection of the body ay may practical consequences sa Christian life natin at church ministry. Yan ang huhubog sa ministry natin sa church, sa klase ng sacrifice na ibibigay natin sa paglilingkod sa Panginoon, at sa pamumuhay nang may kabanalan— testifying to the world the hope we have in Jesus.
Ang tanong sa ‘yo: Ito ba ang pinaniniwalaan mo? Ito ba ang bumabago sa pamumuhay mo?
Related Media
See more
Related Sermons
See more