The Resurrection of the Dead

1 Corinthians  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 2,389 views
Notes
Transcript

Heidelberg Catechism

What does the “resurrection” of Christ profit us?

First, by his resurrection he has overcome death, that he might make us partakers of that righteousness which he had purchased for us by his death;a secondly, we are also by his power raised up to a new life;b and lastly, the resurrection of Christ is a sure pledge of our blessed resurrection.c

45: Paano ba tayo makikinabang sa muling pagkabuhay ni Cristo?
Una, sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay ay nagapi niya ang kamatayan, ng sa gayon ay magawa niya tayong makabahagi sa katuwiran na kanyang tinamo para sa atin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. Pangalawa, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan tayo rin ay ibinangon sa isang bagong buhay. Pangatlo, ang muling pagkabuhay ni Cristo ay isang tiyak na pangako sa atin ng ating maluwalhating muling pagkabuhay.

Question 57

What comfort does the “resurrection of the body” afford thee?

That not only my soul after this life shall be immediately taken up to Christ its head;a but also, that this my body, being raised by the power of Christ, shall be reunited with my soul, and made like unto the glorious body of Christ.b

Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo ng muling pagkabuhay ng katawan?
Hindi lamang ang aking kaluluwa matapos ng buhay na ito ang dadalhin kaagad kay Cristo, na siyang aking ulo kundi pati itong aking katawan, binuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo ay muling pagsasamahin sa aking kaluluwa at gagawing katulad ng niluwalhating katawan ni Cristo.

Introduction

Hindi natin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan. Siguro yung iba talaga natatakot pag-usapan ‘yan. Yung iba siguro feeling irrelevant yan maliban na lang kung maysakit ka na o may namatay sa pamilya n’yo. Yung iba siguro masyado nang nasanay. Lalo pa ngayon may pandemic. 62 million na ang nagkasakit ng Covid-19. 1.45 million ang namatay. Worldwide ‘yan. Sa Pilipinas, Sa 426,000 cases, 8,250 ang namatay. Pero may Covid o wala, marami pa rin ang nagkakasakit at namamatay. And sooner or later we have to face this. Hindi natin maiiwasan, maliban na lang kung bumalik na ang Panginoong Jesus.
Hindi lang basta kailangang pag-usapan. Dapat din tama ang pinaniniwalaan natin tungkol sa kamatayan at sa kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito. Tulad halimbawa, noong namatay yung kapatid ng isang member natin. Tinanong ko siya nun kung ano ang gusto niyang ipagpray ko para sa pamilya niya. Sagot niya, “Pastor, pakipagpray na lang po ang kaluluwa ng kapatid ko.” Merong maling paniniwala na nakagisnan natin sa relihiyong pinanggalingan natin. We don’t pray for the dead. Minsan naman may nagtanong din sa akin tungkol sa cremation, “Pastor, okay lang ba yung cremation para sa mga Christians? E paano yun di ba bubuhayin muli ang mga patay?” So? Mahihirapan ba si Lord na buuin ang katawan ng isang abo na? Hindi ba’t kahit ilibing ang katawan ay mabubulok din ‘yan?”
Kaya mahalaga na pinag-aaralan natin ang Bibliya, ang Salita ng Diyos. Para turuan tayo kung ano ang totoong mangyayari. Para itama yung maling pananaw na nakasanayan natin o kaya ay narinig lang natin sa maraming tao na popular belief at yun na rin ang pinaniniwalaan natin. Dito sa pagpapatuloy ng pinag-aaralan natin sa 1 Corinthians 15, itinatama niya yung paniniwala ng ilan na walang resurrection from the dead tulad ng sinasabi ng iba (v. 12). Sa first 11 verses, ipinaalala niya sa kanila na ang sagot sa isyung ito ay nakatali sa Magandang Balita (the gospel) na tungkol sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Hindi pwedeng naniniwala ka sa resurrection ni Cristo pero hindi ka naniniwala sa future resurrection of the dead. Magkakabit yun. Kaya sa vv. 13-34, napag-usapan natin last week na merong tragic consequences sa life and ministry natin kung hindi pala totoong nabuhay si Cristo. Pero dahil totoong nabuhay siya, merong future glorious consequences at present practical consequences sa ating mga nakay Cristo.
I hope naintindihan n’yo ang lahat ng pinag-aralan natin last week. Kung may mga tanong kayo, pwede naman nating pag-usapan. Wag mahihiyang magtanong! So, dito sa pagpapatuloy ng pag-aaral natin, actually merong inaabangang tanong si Pablo, v. 35:
Subalit may magtatanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging uri ng katawan nila?”
Maaaring ito ay isang real honest question, or anticipated objection sa iba na hindi talaga makapaniwala na merong resurrection from the dead. Take note na karamihan dito sa mga Christians sa Corinth ay influenced ng Greek philosophy na sa tingin nila na ang physical at material world, kasama ang katawan ng tao ay masama at siyang ugat ng iba pang masamang bagay. Kaya kailangang ipaalala sa kanila ni Pablo yung goodness of God’s physical creation, kasama ang mga katawan natin dun, at merong magandang plano ang Diyos para sa katawan natin pagkatapos ng kamatayan.
Maaaring hindi eksaktong tulad ng mga Christians sa Corinth ang pananaw natin sa buhay, sa kamatayan, at sa katawan na meron tayo ngayon. Pero karamihan sa atin kapag pag-uusapan ang kamatayan, pangit ang image na pumapasok sa isip natin. Ni hindi nga makatingin ang iba sa isang patay na nasa kabaong. Kahit maganda ang kabaong, kahit nakabarong yung patay, the sight of death is ugly for us. O kaya ay baka pilit na gusto nating pahabain ang buhay natin kasi feeling natin ang kamatayan ay isang kabiguan o defeat, lalo na yung nakikipaglaban sa sakit na tulad ng terminal cancer o Covid-19 at natuluyan nang namatay.
Dahil pangit ang pagtingin natin sa kamatayan, sa vv. 35-49 ay bibigyan tayo ni Pablo ng magandang larawan ng muling pagkabuhay. Mararanasan natin sa araw na yun ang incomparable glory o karangalang walang kapantay. And then sa vv. 50-57, dahil ang pagtingin natin sa kamatayan ay kabiguan, ipapaalala ni Pablo ang tiyak na tagumpay o inevitable victory na nakalaan sa atin sa muling pagkabuhay dahil kay Cristo. And then, he will close this section sa v. 58 with a word of exhortation in light of the hope we have in our future resurrection.

The incomparable glory of the resurrection (vv. 35-49) - karangalang walang kapantay

Sobrang crucial na maintindihan natin ‘to. Kaya nga ganun na lang ang bungad ni Pablo sa pagsagot sa question tungkol sa kung paanong bubuhayin ang mga patay.
36 Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing itinatanim hangga't hindi iyon namamatay. 37 At ang itinatanim ay hindi halamang malaki na, kundi binhi, tulad ng butil ng trigo, o ng ibang binhi. 38 Ang Diyos ang nagbibigay ng katawan sa binhing iyon, ayon sa kanyang kagustuhan; bawat binhi'y binigyan niya ng angkop na katawan.
“You foolish person!” (v. 36). Hangal! Strong words ‘yan. Pero wag n’yong iisiping grabe namang magsalita si Pablo sa mga taga-Corinto. Sa v. 58, malambing naman siya, “Mga minamahal kong kapatid...” So malamang na ang ina-address dito na Pablo ay hindi lang yung mga ignorante na hindi nakapag-aral ng theology. Yun bang isang tao na sinasabing kilala ang Diyos, naniniwala sa gospel, pero in denial pa rin sa resurrection of the dead, as if merong imposible sa Diyos. Kung ganun, hindi mo talaga kilala ang Panginoon at ang kapangyarihan niya. Kaya sinabi niya sa v. 34, “Ang iba sa inyo'y hindi kilala ang Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo.”
Inihalintulad ito ni Pablo sa isang binhi na itinanim sa lupa. Mawawala na ang binhi, pero may tutubo na halaman. So, kahit ano pang mangyari sa katawan mo ngayon. Maputulan ka man ng kamay o paa. Mabulok man ang katawan mo. Sunugin man ‘yan at maging abo. Malunod ka man sa dagat at kainin ng pating ang katawan mo. Tulad ng binhi, “ang Diyos ang nagbibigay ng katawan.” So, at the day of resurrection, ang Diyos ang magbibigay sa atin ng katawan na much better kaysa sa katawan na meron tayo ngayon.
Is that good news? Yes! Iisipin ninyo, “Ano kaya ang katawan ko sa resurrection? Ano kaya ang itsura ko?” Malamang ganito pa rin. Pero bago na. Ikaw pa rin yun, pero a glorified version of you. Wag mong isiping parang sa clinic ni Belo yun, na pipili ka kung ano ang gusto mong ilong o hugis ng mukha. We don’t get to decide that. Ang Diyos ang magbibigay, ang Diyos ang magpapasya. Kung nung pagkatapos nang creation niya, sinabi niya na everything “was very good” (Gen 1:31), paano pa kaya sa new creation, everything will be very very very good and glorious! That is why yung glory na yun ang tinukoy ni Pablo sa sumunod na bahagi.
39 At hindi pare-pareho ang laman ng mga nilikhang may buhay; iba ang laman ng tao, iba ang laman ng hayop, iba ang sa mga ibon, at iba ang sa mga isda. 40 May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba ang kagandahang panlupa at iba ang kagandahang panlangit. 41 Iba ang liwanag ng araw, iba naman ang liwanag ng buwan, at iba rin ang ningning ng mga bituin, at maging ang mga bituin ay magkakaiba ang ningning.
Lahat ng nilikha ng Diyos ay maganda. Amen? Although siyempre ang dali sa atin na pintasan ang iba, o maging sarili natin. Oo nga’t merong kapangitang dulot ang pagbagsak ng tao sa kasalanan, pero nananatili ang katotohanan na ang lahat ng nilikha ng Diyos, lalo na ang tao na nilikha sa larawan niya ay may taglay na kakaibang kagandahan. Pero dito sa vv. 39-41, bagamat sinabi ni Pablo na merong “kagandahang panlupa,” sinabi niya na iba ang “liwanag” (glory) o “ningning” (glory) ng “kagandahang panlangit.” So, how much more at the resurrection, kapag meron nang new heavens and new earth, at meron na tayong bagong katawan. Gaano man kaganda ang tingin mo sa katawan na meron ka ngayon, there will be greater glory in the resurrection. Magtataglay ka ng pambihirang nagniningning na kagandahan. That’s glory.
Patuloy si Pablo na ipinakita ang malaking pagkakaiba ng katawan natin ngayon sa katawang ibibigay sa atin ng Diyos, sa vv. 42-44:
42 Ganyan din sa muling pagkabuhay ng mga patay. Ang inilibing ay mabubulok, ngunit hindi mabubulok kailanman ang muling binuhay; 43 walang karangalan at mahina nang ilibing, marangal at malakas sa muling pagkabuhay; 44 inilibing na katawang pisikal, muling mabubuhay bilang katawang espirituwal. Kung may katawang pisikal, mayroon ding katawang espirituwal.
Going back sa illustration niya na inihahalintulad ang katawan natin ngayon sa binhing itinanim sa lupa, nagbigay siya ng ilang halimbawa ng pagkakaiba nito sa resurrection body natin para i-highlight pa rin yung greater glory nito:
Yung katawang panlupa ay “mabubulok,” yung glorified body ay “hindi mabubulok” (v. 42). Parang segregation lang ng basura, pero ang glorified body natin ay hindi basura, at yun talaga ang hindi mabubulok. Kahit gaano ka pa kalakas ngayon, kahit gaano pa ka-physically fit, o well-formed ang mga muscles mo, mabubulok din yan.
“Walang karangalan at mahina” ang katawang panlupa, “marangal at malakas” (v. 43) ang glorified body. So, kahit ano pang pagpapaganda o pagpapayaman ang gawin mo, hindi ‘yan maikukumpara sa katawan na inilaan sa ‘yo ng Diyos.
Ang katawang panlupa ay “pisikal,” ang glorified body natin ay “spiritual” (v. 44). Although parang magka-kontra ang katawan at spiritual, gusto lang ipakita dito ni Pablo yung kakaibang nature ng katawang tatanggapin natin in our glorified state.
Hindi lahat ng tao ay makakaasa na ganyan ang future o destiny na naghihintay sa kanila. Depende ‘yan kung kanino ka konektado. Kay Adan ba? O kay Cristo?
45 Ganito ang sinasabi sa kasulatan, “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay” (cited from Gen 2:7); ang huling Adan (si Cristo!) ay espiritung nagbibigay-buhay. 46 Ngunit hindi nauna ang espirituwal; ang pisikal muna bago ang espirituwal. 47 Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit. 48 Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad ng nagmula sa langit. 49 Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit.
Lahat naman ng tao ay konektado at nagmula kay Adan. Lahat tayo ay nilikha at nagmula sa lupa o sa alabok at sa alabok din babalik sa ating kamatayan. Ngunit si Cristo, totoong tao, Diyos na nagkatawang-tao ay higit sa lahat dahil siya ay mula sa langit (Anak ng Diyos!) at siya ang “espiritung nagbibigay-buhay.” Sabi niya sa John 5:21, “Kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay ang mga ito, ganoon din naman, binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang gusto niyang bigyan nito” (ASD). Kung ikaw ay nananatili kay Adan, at hiwalay pa rin kay Cristo, kapag namatay ka, bubuhayin rin ang katawan mo sa pagbabalik ni Cristo. Not in glory, but in judgment. So, whatever comfort or popularity or riches or beauty ang nae-enjoy mo ngayon, nakapangingilabot ang ang walang-hanggang kapahamakang daranasin mo.
Pero kung ikaw ay nakay Cristo, bagamat nasa larawan din ni Adan (Gen. 5:3), pero iniligtas at binabago ng Diyos para maging kawangis ng kanyang Anak (Rom 8:29). At balang araw, makikita natin siya nang mukhaan at magiging katulad natin siya (1 Jn 3:2). Ang walang kapantay na karangalan ng muling pagkabuhay ni Cristo mula sa mga patay ay siya ring walang kapantay na karangalan na mapapasaatin sa muling pagkabuhay (Rom 8:17). Gaano man kasaklap ang buhay mo ngayon kumpara sa ginhawa na tinatamasa ng iba, gaano man kapangit ang kamatayang sapitin mo, yan ay “hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan (glory!) na mapapasaatin balang araw” (Rom 8:18), “an eternal weight of glory beyond all comparison” (2 Cor 4:17).
Pangit ang larawan ng kamatayan para sa maraming tao. Pero kung pagbubulayan itong “incomparable glory” na mapapasaatin balang araw, hindi tayo matatakot na harapin ang kamatayan o suungin ang anumang panganib na maaaring dulot ng paglilingkod natin sa Panginoon, dahil masasabi din natin tulad ni Pablo na “to live is Christ and to die is gain” (Phil 1:21). Dahil kung ikukumpara natin ang buhay natin ngayon sa isang takbuhin o isang labanan, hindi pagkatalo o kabiguan ang pagdating ng araw ng kamatayan natin. So we don’t despair or lose hope. Bakit? Dahil sa tiyak na tagumpay o inevitable victory na meron tayo in the resurrection. ‘Yan naman ang tatalakayin ni Pablo sa huling bahagi ng chapter 15.

The inevitable victory of the resurrection (vv. 50-57) - tiyak na tagumpay

1 Corinthians 15:50–53 ESV
50 I tell you this, brothers: flesh and blood cannot inherit the kingdom of God, nor does the perishable inherit the imperishable. 51 Behold! I tell you a mystery. We shall not all sleep, but we shall all be changed, 52 in a moment, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, and the dead will be raised imperishable, and we shall be changed. 53 For this perishable body must put on the imperishable, and this mortal body must put on immortality.
50 Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang binubuo ng laman at dugo ay hindi maaaring makabahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang nasisira ay hindi maaaring magmana ng hindi nasisira.
51 Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin, 52 sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. 53 Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay.
Kung sa sarili lang naman talaga natin, wala tayong magagawa, kahit anong sikap natin na pahabain ang buhay natin, tatalunin din tayo ng kamatayan. At dahil mahina at mabubulok din ang katawan natin, sabi ni Pablo, “flesh and blood (ibig sabihin, yung natural o likas nating pagkatao) cannot inherit the kingdom of God...” (v. 50). Cannot, unable, wala tayong kakayahan sa sarili natin na baguhin ang kalagayan natin for us to be fit for the kingdom of God. Totoo namang nasa kaharian na tayo ng Diyos ngayon, pero ang tinutukoy dito ni Pablo ay yung future aspect of the kingdom of God. Merong kailangang mangyari para lubos na maranasan natin ang pagiging bahagi ng kaharian ng Diyos. Yun ang sabi ni Pablo sa v. 53, “this perishable body must put on the imperishable, and this mortal body must put on immortality.” “…dapat mapalitan...” (ASD).
At ito nga ang mangyayari! Pakinggan n’yong mabuti, pay attention to this, sabi ni Pablo. “Behold! I tell you a mystery....” (v. 51). Dati nakatago pa ‘to, hindi pa nahayag sa mga unang bahagi ng Kasulatan. Pero heto na ngayon, unveiled for us to see kung ano ang gagawin ng Diyos. Marami ngayon nalilito dahil sa iba’t ibang mga katuruan, maraming magkakasalungat, yung iba kumplikado masyado, tungkol sa kung ano ang mangyayari sa mga huling araw (eschatology). Di mo man maintindihan lahat ng detalye na nakapaloob dito, pero heto ang malinaw na mangyayari, malaki ang pagbabagong mangyayari sa atin, there will be a great reversal, a total transformation. “We shall not all sleep (euphemism ‘yan for death, indicating temporary lang ang kamatayan), but we shall all be changed, in a moment, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, and the dead will be raised imperishable, and we shall be changed” (vv. 51-52).
Ang tagal-tagal nating nagtitiis sa mundong ito. Ang tagal-tagal nating naghihirap. Ang tagal-tagal na hindi natin nakikita ang sagot sa mga injustices sa lipunan natin. Ang tagal-tagal nating nakikipaglaban sa kasalanan. Ang tagal-tagal matapos ng pandemic na ‘to. Ah, ang inaasahan nating pagbabago na mangyayari, “sa isang iglap, sa isang kisap-mata” (ASD), magbabago ang lahat. And this is sure to happen. Ito yung inevitable victory o tiyak na tagumpay na makakamit natin na nakay Cristo. Ang pagtunog ng trumpeta na tinutukoy niya dito ay karaniwang ginagamit sa pagbabalik ni Cristo (Matt 24:31; 1 Thess 4:16). Hudyat ito ng pagdating ng Panginoong Jesus. Ginagamit din ito sa mga military battles, at yung last trumpet ay sound of victory. Announcement ‘yan na hindi lang parating na ang Hari ng mga hari, kundi nandun din yung announcement of total victory.
At ito yung paulit-ulit na sinasabi ni Pablo about the resurrection of the dead, announcement ‘yan ng “victory, victory, victory!” Verses 54-57:
Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!”
55 “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
Dalawang references sa Old Testament ang binanggit niya dito na matutupad sa araw na yun. Yung isa ay galing sa Isaiah 25:8.
Isaiah 25:8 ESV
8 He will swallow up death forever; and the Lord God will wipe away tears from all faces, and the reproach of his people he will take away from all the earth, for the Lord has spoken.
Yung isa naman ay bahagi ng Hosea 13:14.
Hosea 13:14 ESV
14 I shall ransom them from the power of Sheol; I shall redeem them from Death. O Death, where are your plagues? O Sheol, where is your sting? Compassion is hidden from my eyes.
Ipinaliwanag sandali ni Pablo kung bakit may kamandag itong kamatayan na kapag tinuklaw tayo ay wala tayong magagawa sa sarili natin para talunin ito. Verse 56:
56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.
Kasalanan ang kalaban natin. Ito ang nakapaghiwalay sa atin sa Diyos (Rom 3:23). At ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Rom 6:23). Pero bakit niya sinabing “ang kapangyarihan ng kasalanan ay kamatayan” o “the power of sin is the law”? Mabuti ang Kautusan, galing sa Diyos yun (Rom 7:12). Ang problema ay tayo na walang kakayahan na makasunod sa Kautusan, at sa pamamagitan nito ay ipamumukha sa atin ang laki ng mga kasalanan natin sa Diyos (Rom 3:20). At kapag ipinamukha sa atin ang kasalanan natin, nakita natin ang likas na kahinaan natin para talunin ang kasalanan, tatawag tayo sa Diyos, iiyak tayo sa kanya, as a sign of surrender na hindi natin kaya sa sarili natin na hanguin tayo sa ganito kasaklap na kalagayan. Ganyan din ang damdamin ni Pablo sa Rom 7:24-25:
Kay saklap ng aking kalagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito na nagdadala sa akin sa kamatayan? (Sagot?) Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya!
Ganyan din ang sagot niya dito sa 1 Cor 15:57:
Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
Ang larawan ng tagumpay na paulit-ulit niyang tinukoy dito (vv. 54, 55, 57) ay ginagamit sa digmaan:

a successful ending of a struggle or military contest.

Paano raw tayo nagkaroon ng katiyakan ng tagumpay na ‘to? “Through our Lord Jesus Christ.” Siya lang, wala nang iba pang paraan para makamit natin ang tagumpay sa kamatayan. Bakit? Siya ang tumupad ng buong Kautusan ng Diyos, na hindi natin nagawa. Siya ang umako ng parusa sa mga kasalanan natin nang mamatay siya sa krus, na kung tayo ay magbabayad ay aabutin ng bilyung-bilyong taon na pagdurusa sa apoy ng impiyerno. Sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay at idineklara ang tagumpay sa kasalanan at kamatayan. And one day, babalik siya. Para ano? Para tuluyang wasakin, patayin, gapiin ang kamatayan. “The last enemy to be destroyed is death” (1 Cor 15:26).
Sa araw na yun, magkakaroon ng katuparan, a successful ending, ang lahat ng mga pangako, salita at plano ng Diyos. Nakita ni apostle John ang ending na ‘to, “Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay” (Rev 20:14). At ano ang mangyayari? “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa [ating] mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay” (Rev 21:4). At sasabihin niya sa atin, “Pagmasdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng bagay” (Rev 21:5)!

Concluding Exhortation (v. 58)

Tiyak ang tagumpay natin dahil kay Cristo. Walang kapantay ang karangalang nakalaan sa atin dahil kay Cristo. Kung ganito pala kalaki at kahalaga ang ginawa ni Cristo para sa atin. Kung ganito pala kasigurado ang gagawin ng Diyos para sa atin, how then should we respond? Heto yung closing exhortation ni Paul sa chapter 15.
1 Corinthians 15:58 ESV
Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain.
At bilang pastor ninyo, sinasabi ko rin ito sa inyo dahil sa pagmamahal ko sa inyo bilang mga kapatid kay Cristo. “Be steadfast, immovable.” Maging matibay ang paniniwala ninyo tungkol kay Cristo at sa ginawa niya para sa ‘yo. Wag kang patatangay basta-basta sa kung anu-anong maling aral (Eph 4:14) o mga kinagisnang tradition o mga superstitions na kontra sa turo ng Bibliya. Sa panahon ng kahirapan ngayon, magpakatatag ka sa pananampalataya at patuloy na manindigan sa ebanghelyo at panghawakan ang mga pangako ng Diyos na nakay Cristo (1 Cor 15:1-2).
Heto yung paninindigan na hindi lang nakatayo, o passive, o walang ginagawa. May kinalaman ito sa active participation natin sa ministry. “Always abounding in the work of the Lord.” May kinalaman ito sa time and quality of service. Hindi yung paminsan-minsan lang, palagian. Hindi yung, “Saka na lang kapag wala nang pandemic,” kundi yung kahit ano pang sitwasyon sa mundo ngayon, magpapatuloy ako sa paglilingkod sa Panginoon, at ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para sa ministeryo. Gagawin natin ito not for the church, not for your pastor, but primarily for the Lord. After all, this is “the work of the Lord.” Sa kanya ‘to. We preach the gospel kasi gawain niya yun. We make disciples kasi gawain ng Panginoon yun. We plant churches kasi yun ang strategy ng Diyos. We reach the nations kasi yun ang misyon ng Diyos. Hindi tayo hihinto. Wag kang hihinto. Habang hinihintay natin ang pagbabalik ni Cristo at ang muli nating pagkabuhay. Mahirap? Oo. Magsasakripisyo ka? Oo! Pero sulit ang lahat, walang masasayang.
Kung alam mo, pinaniniwalaan mo, kinasasabikan mo ang buhay na nakalaan sa ‘yo. “Knowing that in the Lord your labor is not in vain.” Yun ang motivation natin kahit na mahirap. Ikaw nga, trabaho ka pa rin ng trabaho, aral ka pa rin ng aral, kahit nagrereklamo ka na mahirap pero sige ka pa rin. Bakit? E kasi gusto mong makatapos, e kasi gusto mong makasweldo at mapromote. Kasi kahit anong hirap, alam mo sulit naman. Inaalala mo kung ano ang nakalaan para sa ‘yo. Sa ministry ganun din. Pero hindi monetary ang reward. But a far greater reward. Hindi “in vain” ang pagpapakahirap natin. Yun din ang salitang ginamit niya sa v. 14. Dahil merong resurrection, hindi “in vain” ang preaching natin. Hindi “in vain” ang pananampalataya natin. Hindi “in vain” ang mga paglilingkod na ginagawa natin. Ang buhay na sayang ay yung buhay ng isang tao na hindi sumampalataya kay Cristo, hindi naglingkod kay Cristo, hindi ipinangaral si Cristo sa iba.
Bakit ko sinasabing lahat ito sa inyo? Bakit nagtitiyaga ako (kasama ng iba pang mga elders at iba pang aktibong naglilingkod sa church) na turuan kayo, alagaan kayo, sawayin kayo, pagalitan kayo, ituwid kayo, kahit na mahirap? Para hindi masayang ang buhay ng bawat isa sa atin.
Dahil walang kapantay ang karangalang nakalaan sa atin, dahil tiyak ang tagumpay na makakamit natin sa pagbabalik ni Cristo...
Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
Related Media
See more
Related Sermons
See more