Part 5 - Turn My Heart to Your Word

Psalm 119 (Payer Focus Week)  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 237 views
Notes
Transcript

Prayer Focus Week 2021

Tuwing simula ng taon, magkakaroon tayo ng Prayer Focus Week simula ngayon hanggang sa susunod na Linggo (Jan. 3-10). We plan to do this every year. Para saan? Para magsilbing focusing time sa atin, lalo na sa dami ng mga distractions sa panahon ngayon, para makapagfocus tayo sa pinakasimple at pinakabasic na discipline and habit na dapat madevelop sa bawat isang Cristiano. Araw-araw na pakikinig sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya, at araw-araw na pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
Para matulungan kayo sa Bible reading, nagbigay ako noong 2019 ng three-year Bible reading plan, para sa loob ng tatlong taon ay mabasa ng isang beses ang Old Testament at dalawang beses ang New Testament. Hindi ko alam kung ilan sa inyo ang nakakasunod dun. Okay lang din naman kung may delays kayo, o may nalaktawan kayo, o mas mabagal ang pacing ninyo sa Bible reading, o baka the Lord has led you to adopt a different reading plan. That is totally fine. Ang mahalaga merong regular at intentional na daily communion with the Lord in Bible reading and prayer.
Pero siyempre, mas maganda, for the unity of the church, and for mutual discipleship na pare-pareho ang binabasa natin, para ito rin ang pwedeng pag-usapan sa bahay, sa small group Bible studies, at kahit sa mga casual conversations. So for the whole month of January, 2 Chronicles ang naka-schedule na basahin, chapters 1-9 this week. At kung medyo hirap ka pa kung paano babasahin yung iba’t ibang portions sa Bible, meron din tayong mga resources available at future trainings na makakatulong sa ‘yo. Just don’t hesitate to ask for help.
So we read the Bible, para mas makilala ang Diyos, mas makita ang laki ng pangangailangan natin sa kanya, para mas matutong ibaling ang paningin natin kay Cristo at sa ginawa niya para sa atin, at para makapamuhay ayon sa kanyang kalooban. At yung binasa natin, yun din ang ipagpepray natin para sa sarili natin, para sa pamilya natin, at para sa ibang tao, especially our church family. Kaya meron din tayong monthly prayer calendar, na ang goal ay maipagpray ang lahat ng members in a month (so mga 5-6 people a day ‘yan), at mas maganda kung magkaroon kayo ng contact sa kanila within the day para masabing ipinagpray n’yo sila. And that has been encouraging sa marami sa atin, lalo na kung ipagpapatuloy natin. To encourage more prayers, magkakaroon din tayo ng daily prayer meetings this week.

Word and Prayer in Psalm 119

Ang Bible reading at prayer sa buhay ng isang Christian ay hindi occasional. Dapat regular at intentional. Hindi rin ito magkahiwalay na spiritual discipline, magkasama at hindi pwedeng paghiwalayin. Sabi nga ni John Owen
Meditate on God with God; that is, when we would undertake thoughts and meditations of God, his excellencies, his properties, his glory, his majesty, his love, his goodness, let it be done in a way of speaking unto God…done in a way of prayer and praise (John Owen, quoted in Beeke, Reformed Systematic Theology, vol. 1, p. 17).
So, we read the Bible prayerfully. And we pray biblically. Kaya nga very appropriate ang Psalm 119 sa ganitong purpose. Tinatawag itong acrostic poem kasi sa 22 sections nito, each section is corresponding to every letter sa Hebrew alphabet, each verse sa bawat section na may tig-8 verses ay nagsisimula sa pare-parehong letra. Napreach ko na noo pang 2010 yung verses 1-8 (א Aleph), 2011 yung verses 9-16 (ב Beth), 2019 yung verses 17-24 (ג Gimel) at verses 25-32 (ד Daleth). Ngayon naman ay vv. 33-40 (ה He) at next week ay vv. 41-48 (ו Waw).
As usual sa bawat section ng Psalm 119 bawat verse ay tungkol sa salita ng Diyos. Dito sa vv. 33-40 - tuntunin (v. 33), kautusan (v. 34), utos (v. 35), turo (v. 36), pangako o pamamaraan (v. 37), ipinangako o salita (v. 38), tuntunin (v. 39), tuntunin (v. 40). At bawat verse din ay merong panalangin na konektado sa salita ng Diyos, at lahat ng panalangin sa section na ‘to ay in the form of request or petition for God to do something for the psalmist, and if we love the Word at nakikita nating salita rin ng Diyos ang kailangan natin, ito rin ang mga panalanging dapat nating ipagpray. And we don’t usually pray these kinds of prayers. Just look at the many prayer requests we receive, karamihan may kinalaman sa kalusugan, maayos na kalagayan sa buhay, sa pamilya, sa trabaho. Nothing wrong with that, pero kung hanggang dun lang, we fall short of a vital and dynamic relationship with God that characterized the spirituality of Psalm 119.
So now, tingnan natin isa-isa yung walong prayers dito na makikita sa bawat verse.

Persevering and Whole-Hearted Obedience (Psa. 119:33-35)

Yung unang tatlo sa vv. 33-35 ay prayers na may kinalaman sa paghingi ng tulong sa Diyos para maunawaan at makasunod sa salita ng Diyos nang buong puso at nagpapatuloy.

Prayer #1

Heto ang una, “Panginoon, ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay itoʼy aking susundin” (Psa. 119:33 ASD). Kailangan nating ipagpray sa Diyos na turuan tayo kasi hindi natin alam kung saan pupunta, at kung alam naman, hindi natin alam kung paano pumunta sa dapat nating puntahan. Ano nga ba ang plano mo this year? Plano ng church this year? O hindi lang this year, kundi plano sa buhay. Saan ang direksyon na dapat puntahan ng church? Ang ibang tao ba ang magsasabi? Ang pastor ba ang magsasabi? Ang kalakaran ba ng mundo ang magdidikta ng plano natin sa buhay? No!
Ganito rin dapat ang prayer natin kasi inaamin nating hindi natin alam kung paano patakbuhin ang buhay natin, at may kumpiyansa tayo na alam ng Diyos. Kaya kung medyo may takot ka o anxious ka sa pagpasok ng bagong taon, with all the uncertainties dahil sa pandemic, take heart. Sabi nga ni Paul Tripp, “Rest is never found in the quest to understand it all. No, rest is found in trusting the One who understands it all and rules it all for his glory and our good” (New Morning Mercies, Jan. 2). At ang alam niya na dapat nating lakaran sa buhay ay nakasulat sa Salita niya, “the way of your statutes” (ESV). Nasa Bibliya ang “daan” (Heb. derek) na dapat nating lakaran. Gustong ituro sa ‘yo ng Diyos. Kung hindi mo alam, humingi ka ng tulong sa kanya, “Lord, ituro n’yo po sa akin.” Tuturuan ka niya, sigurado ‘yan.
Pero hindi pwedeng pray lang tayo ng pray tapos wala namang determinasyon na sundin kung ano ang itinuturo ng Panginoon. Para bang nagtanong ka sa nanay mo, “Ano po ba ang dapat kong gawin?” Tapos sabi niya, “Magtrabaho ka sa bahay.” Tapos sabi mo, “Ayoko. Mahirap. Iba na lang.” O kapag gumamit ka ng Waze o Google Maps para turuan ka kung paano pumunta sa destinasyon mo, tapos tinuro sa ‘yo kung saan ang pinakamadali, tapos hindi mo naman sinunod, sabi mo, “Dito na lang tayo sa kabila, mas okay dun.” Nagtanong ka pa, humingi ka pa ng tulong, hindi ka naman pala susunod! Dapat tulad ng resolution ng psalmist na nakakabit sa prayer niya, “at habang nabubuhay ito’y aking susundin.” Sa ESV, “I will keep it to the end.” Resolution ‘yan hindi lang pang-January, hindi lang hanggang December, kundi panghabambuhay! Merong
Resolution: “at habang nabubuhay itoʼy aking susundin” (ASD), “and I will keep it to the end.” Susundin ko, resolve not just to study the Word, but obey. Kung alam mo ang daan, itinuro sa ‘yo, susundin mo ba? Waze navigation. Pwede magkamali ang Waze, pero ang “ways” ng Diyos hindi magkakamali. So resolve to obey, not just January, not just til December, but all our life. So, yung unang prayer natin, “Lord, ituro n’yo po sa amin ang daan na dapat naming lakaran, at ito ang susundin namin habang buhay.”

Prayer #2

Second prayer, “Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan” (Psa. 119:34). Gusto tayong turuan ng Diyos. Pero siyempre may problema tayo sa pang-unawa. Kaya kailangan natin ng tulong para maunawaan ang salita ng Diyos. Malinaw naman ang salita ng Diyos. Pero may mga parts na mahirap intindihin. Dahil na rin sa ilang mga historical at cultural gaps. Kaya kailangang pag-aralang mabuti. Kailangang humingi ng tulong sa Diyos para maintindihan natin. Sa CSB, “Help me understand your instruction (Heb. torah)” (CSB). Magbabasa ka ng 2 Chronicles this month. Tapos may mga parts na hindi mo maintindihan, parang walang sense sa ‘yo yung mga stories na para bang feeling mo wala namang maituturo sa ‘yo ngayon, parang walang pakinabang. Sumuko ka na agad, naghanap ka na lang ng ibang babasahin. Sa halip na ganun ang maging approach natin sa Bible reading, bakit hindi mo muna ipagpray, “Lord, tulungan mo po akong maintindihan ito.” O tulad ng sa v. 18, “Open my eyes that I may behold wondrous things out of your law” (ESV). Tapos, pag-aralang mabuti, pag-isipang mabuti kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kanya at sa plano niya para sa ‘yo, “for the Lord will give you understanding in everything” (2 Tim. 2:7).
Nagpray ka. Binasa mo ang salita ng Diyos. Pinag-aralan. Naintindihan mo. Hindi man lahat, pero sapat para ituro ng Diyos sa ‘yo ang kalooban niya. May nakakabit na naman na resolution sa prayer niya dito sa Psalm 119:34, “at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan” (ASD). Sa CSB, “and I will obey it and follow it with all my heart” (CSB). Sa ESV, statement of purpose ang translation, “that I may keep your law and observe it with my whole heart.” Pero nagpapakita pa rin ng determinasyon na ang salita ng Diyos ay hindi lang para matutunan o maunawaan kundi para sundin. At hindi lang para sundin na para bang nagawa mo na ang duty mo, o o na-cross mo na ang checklist ng mga responsibilities mo sa Panginoon. “...buong puso kong susundin at iingatan” (ASD). Whole-hearted obedience ‘yan, pagsunod na nanggagaling sa pusong nagmamahal sa Diyos. The Word of God doesn’t just tell us our duties to God, it also fuels our devotion to God.
Nagpapaalala ito sa atin na ang pag-aaral ng salita ng Diyos ay hindi lang for our information, hindi lang academic o intellectual exercise. Though siyempre mahalagang maintindihan natin ang mga katuruan at ang mga doktrina nito. But that is not the end goal. Ang end goal ay obedience, hindi pananadalian lang, but persevering obedience, o ayon kay Eugene Peterson, “a long obedience in the same direction.” Hindi lang basta obedience as a duty, but wholehearted obedience. So we need to read our Bible prayerfully, because our hearts are prone to wander. Kung sa sarili lang natin, maliligaw tayo, malilihis tayo ng landas.

Prayer #3

Heto ang pangatlo, “Pangunahan nʼyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan” (Psa. 119:35). Again, prayer is a recognition na kailangan natin ang tulong ng Diyos. Pag-amin ito na hindi ko kayang maunawaan ang salita ng Diyos sa sarili ko lang. Hindi ko kayang sundin sa sarili ko lang. At kung tulad nitong psalmist, sumusunod naman siya, kaso aminado siya na hindi niya kayang manatili sa daan na dapat niyang lakaran. Kaya nga salin ng CSB, “Help me stay on the path of your commands.” Tayo rin naman, maliligaw tayo kung hindi tayo tutulungan ng Diyos. At kung malihis man tayo ng landas, kailangan natin ang tulong ng Panginoon para makabalik tayo. Ito ang prayer natin para sa sarili natin, para sa mga kasama natin sa church, kahit marami ang walking in faithfulness to God’s Word, na magpatuloy tayong lahat. Ito rin ang prayer natin sa mga kapatid nating nalilihis ang landas ngayon, under discipline ng church dahil sa kasalanang hindi pa rin nila tinatalikuran. Prayer natin na ibalik sila ni Lord sa tamang daan.
Bakit ganito ang prayer ng psalmist? "Dahil ito (salita ng Diyos at pagsunod sa salita ng Diyos) ang aking kasiyahan.” “For I take pleasure in it” (CSB). “Delight” sa ESV. Kaya naman tayo nalilihis ng landas ay dahil nahahatak tayo ng mga pleasures of this world, natutukso tayo, napapaniwala na para bang matatagpuan natin ang kasiyahang hinahanap natin sa mga bagay sa mundong ito tulad ng sex, money and power. We pray these prayers sa vv. 33-35 everyday kasi araw-araw yung labanan, a battle of delight everyday. Saan mo kukuhanin ang kasiyahan mo? Sa Diyos o sa mundo? That is why we pray everyday, we go to the Word everyday. Kaya meron tayong Bible reading plan, para matuto tayo to read the Bible everyday, pray for ourselves and other people everyday.
We, our family, our church are so dependent on God and His Word daily.

Eyes and Heart for the Word (Psa. 119:36-37)

Yung 4th and 5th prayers naman sa vv. 36-37 ay paghiling na tulungan tayo ng Diyos na palaging tumingin sa Salita ng Diyos at ito ang pakanaisin, to have eyes and heart for the Word.

Prayer #4

Heto yung ika-apat, “Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman” (Psa. 119:36 ASD). Literally, “Ikiling mo ang aking puso” (Ang Biblia 2001). Sa ESV, “Incline my heart.” Sa CSB, “Turn my heart.” Bakit mo naman hihilingin sa Diyos na ibaling ang puso mo? Kasi nga ang puso natin ay natural, in our sinful human nature, na nakakiling sa mga bagay sa mundong ito. Especially money. Kaya nga nagbabatian ang mga tao ng “prosperous new year” o “manigong bagong taon.” Masaba ba ang prosperity? Of course not. Pero the way we work, the way we study, shows our priorities. Yes, work hard, study hard. But not for selfish ambitions, not for greed for money or other worldly things. Kaya nga ang prayer niya ay ibaling ang puso niya sa salita ng Diyos, and “not to selfish gain” (ESV), “not to dishonest profit” (CSB). Sa ASD, “Hindi ang pagnanais na yumaman. Walang masamang yumaman. Money is not bad. Love of money is. Kung ang puso mo ay nandun na. Idolatry yun. So, make it a prayer for God to turn your hearts away from love of money.
Dahil makasalanan ang puso natin, kailangan natin ang biyaya ng Diyos, that is why we pray. Sabi nga ni John Calvin sa comment niya sa verse na ‘to:

It remains, therefore, that our hearts are full of sinful thoughts, and wholly rebellious, until God by his grace change them. This confession on the part of the prophet must not be overlooked, That the natural corruption of man is so great, that he seeks for any thing rather than what is right, until he be turned by the power of God to new obedience, and thus begin to be inclined to that which is good.

Kailangan natin ang tulong ng Diyos para matanggal sa isip natin ang illusion na kapag marami kang pera o material possessions ay magiging mas masaya ka. So we pray na ibaling ng Diyos ang puso natin tungo sa kanya at sa kanyang salita. At patutunayan ng Diyos na yung satisfaction, security and significance natin ay sa Diyos lang matatagpuan, sa kanyang Salita, sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Pray for your heart daily.

Prayer #5

Heto ang ika-limang prayer niya, “Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako” (Psa. 119:37 ASD). Actually two prayers yung nandito, pero itong sa second line ay inulit din niya sa v. 40. Mag-focus muna tayo dun sa first line. At makikita natin dito na may koneksyon ang direksyon ng puso natin sa mga bagay na tinitingnan natin. Literally, ang prayer niya dito ay, “Ilayo mo ang aking mga mata sa pagtingin sa mga bagay na walang kabuluhan” (Ang Biblia). Habang tinititigan natin ang isang bagay, kapag paulit-ulit na tinitingnan, mas lalong tumitibok ang puso natin sa bagay na yun. Kung sa pera ka tingin ng tingin at sa kung ano ang mabibili ng maraming pera, mas lalo mo ngayong hinahanap, fueling greed in your heart. Kapag sa malalaswang larawan ka nakatingin, mas lalo mong hinahanap, fueling lust in your heart. Kapag may isang bagay na hindi mo naman kailangan pero lagi mong tinitingnan sa Shopee, lumalakas ang boses ng puso mo na sinasabi, “Gusto ko ‘to. Kailangan ko ‘to. Bibilin ko ‘to,” fueling materialism in your heart. Kapag tingin ka ng tingin sa social media, sa mga reactions at comments sa post mo, the more you feel significant, fueling self-centeredness sa heart mo. Pero sabi ng psalmist sa prayer niya, “worthless things” (ESV) yan! “walang kabuluhan.”
Kailangan natin ang tulong ng Diyos para makita natin yung mga bagay na walang kabuluhan ay wala talagang kabuluhan kung ikukumpara sa inam at ganda ng mga salita ng Diyos. When you look at the Word more, your heart will turn more for the Word. Bakit karaniwang sinasabi ng iba, "Hindi ko naman feel magbasa ng Bible. Boring. Ayoko naman na napipilitan lang.” Sometimes we think na legalism kung gagawin natin yung isang bagay tulad ng Bible reading na walang desire o longing sa heart natin. But what is better: not reading the Word at all, or reading the Word kahit hindi mo feel? Yes, mainam pa rin siyempre na yung heart natin nandun, pero may mga times talaga na hindi mo feel. Pero kaya nga may Bible reading plan tayo, kaya nga we need to develop yung habit at discipline of daily Bible reading. Para sa mga times na hindi mo feel magbasa, magbabasa ka pa rin. And you will see, the Lord will work sa heart mo as you read the Word, as you pray for a heart for the Word. Pero wag kang aasa na bigla na lang ma-eexcite ka sa Word of God kung ilang araw kang hindi nagbabasa. At kung paggising mo sa umaga, mas feel mo na mag-Facebook agad, pray, “Lord, ibaling mo ang mata ko, ibaling mo ang puso ko sa mga salita mo.” Then, get up, make some coffee, pick up your Bible, read and read and read until your heart burns for God.

Life-Giving Promises (Psa. 119:38-40)

We can pray these prayers dahil ito naman ay ayon sa salita niya, ayon sa mga pangako niya. So itong last three prayers sa vv. 38-40 ay may paghiling sa Diyos na tuparin yung kanyang life-giving promises.

Prayer #6

Heto ang ika-anim na prayer, “Tuparin nʼyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na siyang mga ipinangako nʼyo sa mga may takot sa inyo” (Psa. 119:38 ASD). Literally, “Confirm your word,” o “Confirm what you said” (CSB). Prayer ito sa Diyos na tuparin ang mga pangako niya, o patunayang totoo ang mga sinabi niya. Hindi dahil may posibility na sumira ang Diyos sa pangako niya. But this is a prayer expressing a desire to see God’s plans fulfilled. Kung ano ang plano at pangako ng Diyos, hindi yung, “Lord, bless my plans this year.” Hindi tayo sa plano natin nakatingin, hindi tayo sa pangako ng ibang tao o ng gobyerno umaasa. Our prayer is, “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done.” It’s about God’s name, God’s kingdom, God’s will. At yun ang attitude ng isang servant o slave of God, kinikilala at nakapailalim sa authority ng Diyos sa lahat ng bagay.
So, hindi lahat ng mga pangako ng Diyos ay para sa lahat ng klase ng tao. Merong specific promises sa mga “lingkod” ng Diyos, “sa mga may takot” sa Diyos. Ang mga pangakong ito ay hindi para sa mga non-Christians, but only for those in right relationship with God. Yung mga nakay Cristo lang, “For all the promises of God find their Yes in him” (2 Cor. 1:20).
Pero sa ibang salin, itong second line ng Psalm 119:38 ay ganito, “that you may be feared” (ESV), “for it produces reverence for you” (CSB). Hindi yung objects ng promise ang tinutukoy (para kanino?) kundi yung purpose ng promise (para saan?). Ibig sabihin, ang pangako ng Diyos ay hindi lamang para sa mga God-fearing saints. Ito ring pagtupad ng Diyos sa mga pangako niya ay magdudulot sa puso natin ng paggalang at pagkamangha sa Diyos. The more we know God’s power and faithful love for us, the more we adore and worship him and obey him.
Kaya nga I encourage you na yung mga salita mismo ng Diyos ang gagamitin natin sa prayer natin. Tulad nitong Psalm 119. Gamitin natin in praying for ourselves and for others. Magandang resource din, may free PDF available yung Take Words With You: Praying Scripture Promises. Para matuto tayo na manalangin nang hindi ayon sa sarili nating gusto o plano, kundi ayon sa mga pangako ng Diyos.
Heto ang ika-pitong prayer, “Alisin nʼyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil mabuti ang inyong mga tuntunin” (Psa. 119:39 ASD). Dahil pinipili nating sumunod sa mabuting salita ng Diyos, makaka-encounter tayo ng negatibong reaksyon sa mga taong hindi sumusunod sa salita ng Diyos. They might reject us, o magsasalita sila ng mga masama laban sa atin. Maaaring ito yung “kahihiyan na aking kinatatakutan” na binabanggit dito. At very tempting sa atin na gawan natin ng sariling paraan, very tempting to please other people, very tempting yung desire na maging popular, na maaaring maging dahilan na ikumpromiso natin ang pagsunod sa mga salita ng Diyos. In that case, the more we need to pray, at ipaubaya sa Panginoon ang magiging resulta ng faithfulness natin. At magkaroon tayong conviction na hindi anumang salita ng tao ang pahahalagahan natin at magdedefine sa identity natin kundi God’s good word for us, “indeed, your judgments are good” (CSB).

Prayer #8

Dito sa last prayer sa v. 40, isama natin yung nilaktawan ko kanina na second line ng v. 37, “Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako” (Psa. 119:37 ASD). Sa CSB/ESV, “Give me life in your ways.” Heto na naman yung Heb. derek. Daan ng Diyos, pamamaraan ng Diyos. Sa v. 40 ganun din, “Dahil kayo’y matuwid, panatilihin n’yo akong buhay.” Sa NIV, “Preserve my life.” Literally, sa Ang Biblia, “Bigyan mo ako ng buhay sa iyong katuwiran.” “Through your righteousness” (CSB). Pagkilala ito na ang buhay natin ay nakadepende sa Diyos araw-araw. At hindi lang ito physical life. Na para bang yung fears natin sa coronavirus ay masosolusyunan lang kapag may vaccine na. This is about our life with God, yung totoong essence ng buhay, yung buhay na malapit ang relasyon sa Diyos. At mangyayari lang yun hindi sa sarili nating diskarte o pamamaraan, kundi ayon sa salita ng Diyos, ayon sa pamamaraan ng Diyos, ayon sa paraan na binigay ng Diyos para tayo maituring na matuwid sa harap niya, walang iba kundi sa pamamagitan ng mabuting balita ni Cristo. At hindi natin mararanasan ang buhay na yun nang hiwalay sa kanyang mga salita.
Ang buhay natin ay nakasalalay sa salita ng Diyos. There is no life outside of God’s will. Gaano man katindi ang sufferings natin, nandun ang katiyakan na ang buhay natin ay hawak ng Diyos. At ginagamit niyang paraan ay ang salita niya na nagbigay buhay sa atin, nagpapanatili sa buhay natin. Sabi ni apostol Pedro, “Pinanganak na kayong muli (may bagong buhay na!)...sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Dios...At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo...Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espiritwal (the Word of God!), upang lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan” (1 Pet. 1:23, 25; 2:3). Ang tanong, nasasabik ka ba sa salita ng Diyos? Na parang sanggol na iyak nang iyak kasi hinahanap ang gatas ng kanyang ina? Yung sense of longing and desperation na alam mong mamamatay ka kung wala ang salita ng Diyos. Tuald ng psalmist, “Behold, I long for your precepts” (Psa. 119:40 ESV). So we pray, “Lord, give us life through your Word.”

Conclusion

So, ang walong prayers na nakita natin sa Psalm 119:33-40 ay panawagan din sa atin to pray these prayers. At tumawag sa Diyos, “O LORD...” (v. 33). Yahweh. He is our convenant-keeping God. Makakatawag tayo sa kanya dahil sa Panginoong Jesus na guarantor ng new covenant. That is why we pray, “Our Father in heaven…In Jesus’ name. Amen.” Kasi sigurado tayo, may kumpiyansa tayo sa mga salita niya. His Word is trustworthy and sure. Wala naman tayong ibang malalapitan pa. Wala naman tayong ibang maaasahan pa sa panahon ngayon na full of uncertainties. Sa Diyos lang talaga. Sa Salita lang niya talaga. Dalawang beses inulit dito yung, “Give me life…give me life” (vv. 37, 40), kasi nandun yung recognition na may sense of desperation na ang buhay naman talaga natin ay sa Diyos nakasalalay.
We are faced daily with temptations na hanapin ang buhay na ito sa iba, instead of trusting God and his Word. Tulad ng tukso ng diyablo kay Jesus after 40 days siya na hindi kumain. Pero sabi ni Jesus, “Man does not live by bread alone but by every word that comes from the mouth of God.” Salita ng Diyos ang buhay natin. Si Jesus ang buhay natin, the Bread of Life, na siyang daily bread na kailangan natin. Ibinigay na ng Diyos ang kanyang Salita. Ibinibigay na ng Diyos si Jesus na kanyang Anak na siyang makikita, makikilala, at matitikman natin kung paglalaanan natin ng panahon at atensyon ang salita ng Diyos araw-araw.
Related Media
See more
Related Sermons
See more
Earn an accredited degree from Redemption Seminary with Logos.