Bible as Foundation for Society
Sermon • Submitted
0 ratings
· 50 viewsNotes
Transcript
Tayong mga evangelicals ay kilala sa pagkakaroon ng very high view of the Bible as the Word of God. Naniniwala tayo sa sola Scriptura—na ang mga salita ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ang ating supreme authority sa buhay. Naniniwala din tayo na makapangyarihan at sapat o powerful and sufficient ang Salita ng Diyos para matupad ang mga layunin ng Diyos sa buhay natin at sa buong kasaysayan.
But we have to honestly ask ourselves this question: matibay nga ba nating pinaniniwalaan ang kapangyarihan at kasapatan ng salita ng Diyos na bumago sa buhay natin, sa pamilya natin, sa iglesya natin at sa bansa natin? Nakikita ba ‘yan in the way we preach and teach the Bible, the way we share the gospel sa iba, the way we use social media, the way we engage sa mga social issues? Do we really trust God’s Word, o tingin natin kulang ito, at tila mas mahalaga pa ang sarili nating mga salita at opinyon?
I assume marami sa inyo ang pamilya na sa story ni prophet Jonah. Sinabihan siya ng Diyos na puntahan ang Nineveh—isang siyudad na hindi kumikilala sa Diyos at itinuturing na kaaway ng Israel—to give them a warning tungkol sa parating na parusa ng Diyos dahil sa matinding kasamaan nila. Pero tumakas si Jonah sa utos ng Diyos. As if matatakbuhan niya palayo ang Diyos, sumakay siya sa barko papuntang Tarshish. Pero nagpadala ang Diyos ng malakas na bagyo, at yung mga kasama ni Jonah sa barko ay inihagis siya sa dagat. Nagpadala naman ang Diyos ng isang dambuhalang isda para iligtas si Jonah. Tatlong araw siya sa tiyan ng isda pagkatapos ay iniluwa na sa tuyong lupa.
The God who saved Jonah from danger—kaya nga nasabi niya na “Salvation belongs to the Lord!” (Jon. 2:9)—is the same God na ang puso ay iligtas ang mga makasalanan sa Nineveh from danger. Alam ni Jonah yun. Alam niya yung great compassion na meron ang Diyos sa mga makasalanan. Kung message of judgment lang siguro hindi naman aatras itong si Jonah.
Then the word of the Lord came to Jonah the second time, saying, “Arise, go to Nineveh, that great city, and call out against it the message that I tell you.”
No one can stop the Word of God to accomplish God’s redemptive purposes. Kahit pa reluctant tayong mga messengers niya katulad ni Jonah. Inulit ulit ng Diyos yung sinabi niya the first time kay Jonah. Pero ang emphasis ay hindi na dun sa kasamaan nila. Ang emphasis na dito ay ang faithfulness sa salita ng Diyos: “the message that I tell you.” Sabihin mo, walang dagdag, walang bawas. Hindi niya pinadali. Hindi niya sinabing, “Ganito na lang, kasi kung ganyan sabihin mo baka pagbabatuhin ka nila.” At yan naman talaga ang duty ng bawat mensahero ng Diyos: to preach the unadulterated word of God. Hindi patamisin, hindi baguhin, hindi bawasan, hindi dagdagan. Our opinion or ideas don’t matter much. Ang mahalaga ay ang malinaw at matapat na naipapangaral ang salita ng Diyos.
Importante kasi sa Diyos ang salita niya, kaya importante na tapat na maiparating ito sa mga taong nais niyang makarinig ng salita niya.
Paano ngayon nagrespond si Jonah sa salita ng Diyos?
So Jonah arose and went to Nineveh, according to the word of the Lord. Now Nineveh was an exceedingly great city, three days’ journey in breadth. Jonah began to go into the city, going a day’s journey. And he called out, “Yet forty days, and Nineveh shall be overthrown!”
Noong una, tumakas siya agad. Ngayon naman, sumunod na. Pumunta siya agad sa Nineveh. Ang pasaway na propeta naging masunurin din sa wakas. Although we know pagdating sa chapter 4 na meron pa ring problema sa puso niya na idi-deal ng Panginoon sa kanya. Kahit na hindi pa 100% pure ang motives ng heart niya, pumunta agad si Jonah sa Nineveh. Short-term missions lang ‘to. Three days lang tapos. Ayon sa verse 3, tatlong araw lang kung lalakarin ang buong Nineveh. May dala siyang megaphone, naglalakad, tapos sumisigaw sa bawat bahay, sa palengke, sa mga government offices, sa mga eskuwelahan ng ganito: “Forty days! You’re dead!” At least that’s the summary of his message.
Ganyan lang kasimple ang sermon niya sa kanila pero malaman niyan. Sa unang dinig parang he’s announcing what will surely happen, bilang parusa sa kanila ng Panginoon. Pero alam ni Jonah na that’s not the case, kaya nga hesitant siyang pumunta dito noong una (which we will see more clearly sa next chapter). May implied na kundisyon ito. Kung susurrender sila sa Diyos within that 40 day ultimatum, God will withhold his judgment. Pero kung hindi, tiyak na tutupukin silang lahat ng galit ng parusa at hustisya ng Diyos, tulad ng naranasan ng Sodom at Gomorrah (Gen. 19).
Kitang-kita sa mensaheng ito na ang Diyos ay matuwid at makatarungan (righteous/just). Seryoso siya sa kasalanan. May tiyak na kaparusahan, hindi lang baka sakali, sa kasamaan ng tao. Hinding-hindi maaaring palampasin ng Diyos ang kasamaan ng tao, ang barbaric violence ng mga taga-Nineveh. May parusa ang Diyos sa mga drug addicts at pushers, sa mga sexually immoral, sa mga unfaithful, sa religious idolaters, sa mga self-righteous. Sa lahat ng tao.
Pero hindi niya agad-agad pinapatay at pinaparusahan. Kitang-kita ang haba ng pasensiya Diyos. Pwede namang magpaulan siya agad ng apoy para tupukin itong Nineveh. Bakit may warning pa? At pagkatapos ng warning, may 40 days pa? God is patient toward you, not wanting all of you to perish but that all should come to repentance (2 Pet. 3:9). Kaya nga di pa bumabalik ang Panginoon. Kaya nga humihinga ka pa, ikaw na malayo ang puso sa Diyos. Dahil may awa ang Diyos sa iyo. He is a merciful God. Hindi natutuwa ang puso ng Diyos kapag meron mang isang makasalanan ang mamamatay – kahit drug pusher pa siya, kahit drug lord pa siya.
At ang awang ito ng Diyos ay kitang-kita sa gawa ni Jesus sa krus. Lahat ng parusang nararapat sa ating mga makasalanan ay inako niya. Tiyak ang parusa ng Diyos sa mga makasalanan. Ang kaibahan lang, kung ikaw ay nakay Cristo, ang parusa niya sa iyo ay inako ni Cristo. Pero kung gusto mo na ikaw ang umako ng parusang iyon, nasa iyo yun.
Ito ang mensaheng dala natin sa mga tao. Pinapaalala natin sa kanila na meron tayong mas malalang problema kesa sa pandemic, corruption sa government, o mga nababalitang patayan araw-araw. We warn them of the coming judgment. We tell them the good news of Jesus. Paano masosolusyunan ang pinakamalalang problema ng lipunan natin kung hindi natin sasabihin sa kanila ang salita ng Diyos, ang mabuting balita ni Cristo?
Pero minsan nadidiscouraged tayo kapag wala masyadong bunga, kapag parang walang nagbabago sa pamilya natin, sa church natin o sa kalagayan ng bansa natin? Nawawalan tayo ngayon ng tiwala sa kapangyarihan at kasapatan ng salita ng Diyos.
Pero ano ba ang nangyari sa Nineveh in response sa preaching ni Jonah?
And the people of Nineveh believed God. They called for a fast and put on sackcloth, from the greatest of them to the least of them.
Naniwala sila sa Diyos. Mula sa pulubi sa kalye hanggang sa presidente. Hindi na ba tayo naniniwala na kayang gawin ito ng Diyos sa panahon natin ngayon?
Malinaw na hindi ito dahil kay Jonah. Hindi ito dahil sa kanyang less-than-one-minute sermon. Ito ay gawa ng Diyos. Kung paanong nangyari iyan sa Nineveh, pwede ring mangyari kahit saang siyudad. Ang pambihirang nangyaring ito ay gawa ng pambihirang Diyos. Pwede niya ring gawin sa bansa natin. Pwede ring mangyari, at sana nga mangyari, sa mga drug users and pushers, sa mga pulis, sa mga kongresista.
Mangyayari kung ipagpepray natin. Mangyayari kung di natin tatakasan ang duty natin to preach the gospel sa kanila, kahit sino sila. Ang trabaho natin ay tulad ni Jonah, na magbuhos ng gaas, the fuel of the gospel, kahit saan, kahit kanino. At isang araw – maaaring mabilisan, maaaring matagal, desisyon ng Diyos iyan – ibubuhos ng Diyos ang apoy ng kanyang Espiritu hindi para tupukin ang mga tao, but to send the fires of revival in the hearts of the people na nakarinig ng gospel. At magkakaroon ng tunay na pagbabago.
Maybe mabagal ang resulta, di tulad ng nangyari sa Nineveh, but take heart (I’m also preaching to myself now!). Kasi di ito nakadepende sa husay ng preacher, o sa ganda ng programa, o sa mga gimmicks to attrack a lot of people, o sa dami ng perang pwede nating gastusin, o sa modern technologies. As long as we have a God who is powerful to change the hearts of the people. We look to him. We trust him to accomplish his sovereign purposes in the preaching of his Word.
“For as the rain and the snow come down from heaven and do not return there but water the earth, making it bring forth and sprout, giving seed to the sower and bread to the eater, so shall my word be that goes out from my mouth; it shall not return to me empty, but it shall accomplish that which I purpose, and shall succeed in the thing for which I sent it.
Tutuparin ng Diyos ang layunin niya. Magtatagumpay siya. Let us persevere in preaching the Word and continue trusting the power and sufficiency of the Word of God.