Part 6 - I Trust in Your Word
Psalm 119 (Prayer Focus Week) • Sermon • Submitted
0 ratings
· 483 viewsNotes
Transcript
Prayer Focus Week
Prayer Focus Week
Ito ang huling araw ng Prayer Focus Week natin sa church na nagsimula last Sunday. Again, we plan to do this every year. Para ano? Para ma-refocus tayo sa kung ano ang pinakamahalagang spiritual disciplines ng isang Cristiano - ang pakikinig sa Diyos through attentive Bible reading at ang pakikipag-usap sa Diyos through intimate prayer. That is why we encourage you to use a Bible reading plan. Sa three-year plan natin, ang nakaschedule last week ay 2 Chronicles 1-9. This week naman ay chapters 10-18. Pakinggan natin kung ano ang sinasabi sa atin ng Panginoon, at tumugon tayo sa pamamagitan ng panalangin na naayon din sa mga salita ng Diyos sa atin.
But we don’t do these spiritual disciplines na mag-isa lang. Siyempre we must have individual time with God, dapat bantayan natin yun, dapat walang iistorbo, dapat walang distractions. But we also read the Bible together sa family, dito sa mga church gatherings natin, and we also pray together. We encourage you to pray using our members prayer calendar, na ginagawa din natin this week sa mga daily prayer meetings natin, to increase our care for one another by praying for one another. At kaming mga elders ng church ay nakikipag-set up ng one-on-one appointment with you para makumusta ang spiritual life ninyo at malaman namin kung paano pa namin kayo maipapagpray at matutulungan sa paglagong espirituwal.
“Deeply Rooted”
“Deeply Rooted”
Next week ay magkakaroon ng planning ang mga leaders ng church para magpray at magplano kung paano mas mapapangalagaan ang church. I will share a vision na prayer and hope ko for the church this year: “Deeply Rooted.” Na maging malalim ang pagkakaugat natin na kahit ano ang mangyari sa paligid natin, kahit tumindi pa ang mga sufferings sa buhay natin, kahit anu-anong unbiblical teachings ang kumalat, hindi tayo matatangay, hindi tayo matitinag, at magpapatuloy na sumagana ang bunga bilang mga Cristiano, dahil nga malalim ang pagkakaugat natin.
Nakaugat saan? Sa salita ng Diyos. Kaya nga as we continue yung pinag-aaralan natin sa Psalm 119, talaga namang kitang-kita at damang-dama natin ang sumulat nito (sa pangunguna ng Banal na Espiritu) na malalim ang pagkakaugat sa salita ng Diyos. Hindi sure kung sino ang sumulat nito. Baka si King David, though we are not sure. Sinabi ko na last week na ito ay acrostic psalm, ibig sabihin, meron itong 22 sections na may 8 verses each (total of 176 verses) at bawat verse sa bawat section ay pare-parehong simula ng letra sa Hebrew. Last week ay ה He (every verse sa vv. 33-40 ay nagsisimula sa letrang ‘yan). Ngayon naman ay ו Waw (vv. 41-48). This whole psalm is a celebration of the Word of God sa buhay ng isang anak ng Diyos. Bawat verse sa section na ‘to (tulad din sa ibang sections) ay may references sa word of God—your promise (v. 41), your word (v. 42), the word of truth…your rules (judgments) (v. 43), your law (v. 44), your precepts (v. 45), your testimonies (decrees, v. 46), your commandments (v. 47, v. 48), your statutes (v. 48).
Sa dami-dami nang mga salita na naririnig natin araw-araw, sa ibang tao, sa mga balita, sa social media, kaya ang daling matabunan ang salita ng Diyos sa isip at puso natin. Kaya mahalaga ‘yang ganyang paulit-ulit na ipinapakita sa atin kung gaano kahalaga ang salita ng Diyos. Kasi kung hindi natin makikita yung value ng word of God, we easily let the words of other people define us and direct our lives. Or boses ni Satanas tulad ng kina Adan at Eba. Hinayaan nila, at hinahayaan natin na hindi salita ng Diyos ang magsabi sa atin kung sino tayo at kung ano ang dapat nating paniwalaan at gawin.
So ang resulta, kapag may mga tao na hindi nagsalita nang maganda tungkol sa atin, napapahiya tayo, o gumaganti rin ng masamang salita sa kanila. Pero paano ba tayo dapat magrespond? Ano ba ang dapat nating sabihin? Nakasulat sa salita ng Diyos! O kung makita natin ang buhay ng ibang tao na para bang malayang-malaya silang gawin kung ano ang gusto nila, without somebody telling them kung ano ang gagawin nila, napapaniwala tayo na killjoy ang Diyos at ang mga salita niya ay limiting our freedom. pero ano nga ba ang totoong kalayaan? Yung nakaayon sa salita ng Diyos. So we must not let the words of others define and direct us. Yun ang prayer ko na makita natin ngayon as we walk thru this section sa Psalm 119.
Tulad last week, na may tiningnan tayong eight prayers ng psalmist connected to the word of God, dito rin may makikita pa tayong dalawang prayers o paghingi niya ng tulong sa Diyos sa vv. 41-43, at pagkatapos naman ay expression of commitment about the Word sa vv. 44-48. Bakit mahalaga pareho ‘yan—prayer and commitment? Hindi kasi pwedeng pray ka lang ng pray na baguhin ng Diyos ang puso mo about the Word of God, pero wala ka namang willingness o determinasyon na gawin ang dapat gawin na iayon ang buhay mo sa salita ng Diyos. Hindi rin naman pwedeng self-effort mo lang as if kaya mo without the help of God. So, prayer and commitment, parehong mahalaga.
Prayers about the Word (Psa. 119:41-43)
Prayers about the Word (Psa. 119:41-43)
Prayer #1: Pray for the Gospel in Your Heart (vv. 41-42)
Prayer #1: Pray for the Gospel in Your Heart (vv. 41-42)
Unahin natin yung dalawang prayers niya sa vv. 41-43. Yung una ay nasa v. 41, “Let your steadfast love come to me, O LORD, your salvation according to your promise” (ESV); “Sa akin ay ipadama ang dakilang pag-ibig mo, ayon sa pangako, Yahweh, iligtas mo ako” (MBB). Loaded ng covenant language yung prayer na ‘to. Una yung pangalang Yahweh o LORD, ‘yan ang pangalan ng Diyos na ipinahayag sa Israel to emphasize yung kanyang personal covenantal relationship with them, isang espesyal na relasyon na hindi nararanasan ng ibang bansa maliban na lang kung kikilalanin din nilang Diyos si Yahweh. Ang pagliligtas ng Diyos sa Israel ay mapapasaatin din ayon sa kanyang pangako. And Yahweh is also our God because of Jesus. We are inside God’s covenant people dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin. That is the gospel. So when we pray also this prayer, na ipadama ng Diyos ang pag-ibig niya sa atin, it is a prayer for God to continue to be faithful to us. Yung word kasi na hesed ay yung covenant faithfulness ng Panginoon. Sa CSB, “faithful love.” We pray for more of the gospel in our hearts, na mas maranasan pa natin ang laki, lalim at lawak ng pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Cristo.
Ano ang kinalaman nito sa Bible reading? Di ba last week nakita natin yung prayer sa vv. 33-34, “Teach me…Give me understanding.” Siyempre kailangan nating maunawaan ang salita ng Diyos kaya ganyan ang prayer natin. Pero hindi tayo dapat makuntento na maintindihan lang ang mga chapters at verses sa Bible, kundi pakanaisin na maranasan ang awa, pag-ibig at pagliligtas ng Diyos (CH Spurgeon, The Treasury of David). The goal of Bible reading is not more information, but deeper devotion to God. Kaya nga kung magbabasa tayo, alalahanin natin palagi ang gospel, at ipagpray na itong gospel na ‘to ay ibaon ng Diyos nang malalim sa puso natin.
At kung sagutin ng Diyos yung prayer natin na yun, ano ang magiging resulta? Verse 42, “then shall I have an answer for him who taunts me, for I trust in your word” (ESV); “upang yaong nanlalait sa akin ay masagot ko, yamang ako'y may tiwala sa lahat ng salita mo” (MBB). Kung ang ibang tao ay magsalita ng masama laban sa ‘yo, natural sa atin na masama din ang iganti nating salita, o kung hindi man sabihin ay masama ang naiisip natin. Kung may nag-criticize sa akin, lalo na kung feeling ko ay wala namang sapat na basehan, paano ako magrerespond? Depende kung ano ang nasa puso ko. Kung mas pinahahalagahan ko ang sarili kong reputasyon, ang mapatunayang tama ako, at mas maging maganda ang tingin sa akin ng ibang tao, pwede akong maging defensive, o magalit, o gumanti, o magsabi ng masasakit na salita.
Pero kung ang gospel of the love of God ang nasa puso ko, ano ang lalabas? Gospel-words, life-giving, loving words will flow. Sabi nga ng Panginoong Jesus, “Out of the abundance of the heart the mouth speaks” (Matt. 12:34; Luke 6:45). Kung ano ang sinasabi natin sa mga tao ay nagpapakita kung nasaan ang tiwala ng puso natin. Kaya sabi sa second line ng v. 42, “for I trust in your word.” Ang mga salita ba natin sa mga taong nakakasakit sa atin ay nagpapakita na nagtitiwala tayo sa Diyos o mas nagtitiwala tayo sa salita ng mga tao para mas maganda na ang sasabihin nila sa atin? Hinahayaan mo ba ang salita ng Diyos ang magdefine sa ‘yo? Araw-araw na pakikipaglaban ito sa puso natin, kung saan natin ilalagak ang tiwala ng puso natin. That is why we need to read the Word na nakasentro sa gospel and pray, “Satisfy us in the morning with your steadfast love, that we may rejoice and be glad all our days” (Psa 90:14).
Prayer #2: Pray for the Gospel Out of Your Mouth (v. 43)
Prayer #2: Pray for the Gospel Out of Your Mouth (v. 43)
We don’t just pray for the gospel to go deeper into our hearts, we also pray na itong nakabaon sa puso natin, itong pag-ibig ng Diyos sa puso natin ay umapaw sa pagsasalita natin sa ibang tao, tulad ng nakita natin sa v. 42. Kung nakita at natikman natin ang kabutihan ng Diyos in the gospel (Psa. 34:8), ipagpepray din natin na makapagsalita tayo sa mga unbelievers at masabi, “Tingnan n’yo, tikman n’yo kung gaano kabuti ang Diyos!” Kaya yung prayer ng psalmist sa v. 43 ng text natin ay ito, “And [kadugtong ‘yan ng naunang prayer!] take not the word of truth utterly out of my mouth, for my hope is in your rules” (ESV); “Tulungan nʼyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga kautusan.”
Itong sinabi niya sa second line—“for my hope is in your rules”—ay nagpapakita ulit na ang mga lumalabas sa bibig natin ay nagpapakita ng hangarin ng puso natin na siya namang nagpapakita rin kung nasaan ang tiwala o pag-asa natin. Nasa salita ba at gawa ng tao o nasa salita at gawa ng Diyos? Ang how many times we fail to speak rightly, to speak truthfully, to speak the good news of the gospel sa ibang tao—lalo na sa mga taong nagsasalita ng masama laban sa atin? That is why we need to pray, kasi our heart is prone to wander, our mouth is also prone to wander. Kung sa una-una siguro kakayanin mo pa na magsalita ng magagandang salita, nakokontrol mo pa ang sarili mo. Pero kapag paulit-ulit na ang mga masasakit na sinasabi sa ‘yo, sobrang sakit na, masusubok ka talaga. So we pray hard. “Lord, tulungan mo pong hindi galit ang mabunot ko sa puso ko, kundi ang awa at pag-ibig na nanggagaling sa ‘yo ang lumabas sa mga bibig ko.” It is hard. Pero makakaya natin dahil sa panalangin at pagkilos ng Espiritu na nasa puso natin. If you are filled with the Spirit, your mouth will also be guided by the Spirit.
So, ano ang kailangan nating ipagpray para sa sarili natin at para sa mga kasama natin sa church as we pray using our prayer calendar? Pray for your heart—na bumaon nang malalim ang gospel sa puso mo. Pray for your mouth—na gospel-driven din ang mga salitang lumabas sa bibig mo.
Commitment to the Word (Psa. 119:44-48)
Commitment to the Word (Psa. 119:44-48)
Eight prayers ang pinag-aralan natin last week. Plus two prayers ngayon. Lahat may kinalaman sa Salita ng Diyos, at paglalapat ng salita ng Diyos sa buhay natin. At itong mga prayers na ‘to ay sinusundan ng four resolutions sa vv. 44-48, “I will…I will…I will…I will...”—four expressions of commitment sa salita ng Diyos. Again, tulad ng sinabi ko sa simula, hindi pwedeng paghiwalayin ang panalangin o expression ng pagtitiwala sa gagawin ng Panginoon at commitment o expression ng pagsunod sa nais ng Diyos na gawin natin. Kung nananalangin tayo na ilapat ng Diyos ang salita niya sa puso natin, determinado dapat tayo na gawin ang lahat ng dapat gawin nang naaayon sa salita niya.
Commitment #1: Obeying God’s Word (vv. 44-45)
Commitment #1: Obeying God’s Word (vv. 44-45)
Heto yung una: “I will keep you law continually, forever and ever” (v. 44 ESV); “Lagi kong susundin ang inyong kautusan habang akoʼy nabubuhay” (ASD). Hawig din ito sa nakita natin last week sa v. 33, sabi niya, “I will keep it to the end.” Ang panalangin at pagsunod ay hindi pwedeng paghiwalayin. At ang pagsunod na tinutukoy dito ay hindi yung pagsunod na mainit lang sa simula. Nagpapatuloy na pagsunod. Yes, we cannot obey perfectly dahil makasalanan pa rin tayo, pero nagpapatuloy tayo sa repentance and obedience. Sa CSB, “always.” Araw-araw, at tinatanaw pa niya yung hanggang sa dulo, “forever and ever.” Yun ang perfect obedience na, wala nang kasalanan, wala nang pagsuway, kapag dumating na ang Panginoong Jesus. But that obedience starts now for the children of God. There is not a moment that disobedience is excusable. Wag nating sabihin, “Pandemic naman, maiintindihan naman ni Lord kung medyo napapabayaan ko ang relasyon ko sa kanya.” “Nai-stress lang, sobrang pagod sa trabaho o sa ministy, okay lang naman sigurong pasiyahin ko ang sarili ko paminsan-minsan.” Hindi okay kahit kailan ang pagsuway sa utos ng Diyos. Ang damdamin ng puso natin ay dapat maging katulad ng psalmist, sinabi niya sa second line ng v. 45, “dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin.” Kagustuhan ng Diyos ang palagi nating hinahanap-hanap, hindi ang sarili nating kagustuhan.
At ano daw ang magiging resulta kung meron tayong commitment na sumunod sa Diyos palagi? Yun ang nakasulat sa first line ng v. 45, “Mamumuhay akong may kalayaan” (ASD); “I will walk freely in an open place” (CSB). Literally, “I shall walk in a wide place.” Picture yung contrast ng isang masikip na bahay, di ba’t ang hirap gumalaw? O ng isang daraanang iskinita, di ba’t ang sikip dumaan? Ikumpara n’yo ‘yan sa naglalakad kayo sa isang park na napakaluwang. Oh! what freedom! what joy! what peace! Ganyan ang larawan ng may commitment sumunod sa Diyos. Akala kasi natin God is restricting our freedom dahil sa mga utos niya. Akala natin ang kalayaan ay yung kalayaan na gawin natin ang lahat ng gusto nating gawin. But that is not freedom! That is slavery! Di ba kapag sumuway ka sa utos ng Diyos, because of conscience, and the Spirit convicting you, parang naninikip ang dibdib mo. Nagtatago ka, para hindi mahuli. Malaya ba yun? Hindi! Ang tunay na kalayaan ay matatagpuan sa kalayaan ng pagsunod sa salita ng Diyos. So, choose freedom, choose obedience. The Lord will help us.
Commitment #2: Proclaiming God’s Word (vv. 46-47)
Commitment #2: Proclaiming God’s Word (vv. 46-47)
At isa sa nais ng Diyos para sa atin ay to give witness to the gospel. Sabihin natin sa iba kung ano ang ginawa ni Cristo. Kaya nga yun ang second prayer ng psalmist na nakita natin sa v. 43, at dito sa v. 46 makikita natin yung commitment niya to proclaim the Word of God. “I will also speak of your testimonies before kings and shall not be put to shame” (ESV); “Hindi ko ikakahiyang sabihin ang inyong mga turo sa harapan ng mga hari” (ASD). So, as we pray na tulungan tayo ng Diyos na magsalita tungkol sa salita niya, nandun din yung commitment natin to act accordingly. Pero may mga hindrances siyempre. Kung si King David ang sumulat nito baka sabihin natin siyempre madali lang sa kanya ‘yan na magsalita “sa harapan ng mga hari.” Not really. Kasi pwede pa rin siyang mapahiya. Pwede pa ring maprovoke ang mga hari ay makipag-away sa kanya.
Lalo naman tayong mga ordinaryong mamamayan. Magaling lang mga tao ngayon sa social media mag-criticize sa presidente. But what if face to face with him? What will you say? You can criticize yes, and hopefully makinig siya. But isn’t it better to speak God’s Word to him? Mahirap right? Kasi siya ay someone in higher authority sa atin. Pero ano ba ang promise ni Cristo sa mga disciples niya? Na kapag persecuted na sila sa faith nila, at iharap sa mga awtoridad, wag daw matakot kung ano ang sasabihin. Bakit? “Sapagkat ipagkakaloob sa inyo sa oras na iyon ang inyong sasabihin. Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo” (Matt. 10:19-20 MBB). God speaking through you. Pero ang dami nating mga sinasabi ngayon na galing lang talaga sa damdamin natin, not God speaking through us.
So why fear? We are ambassadors of the King of the Universe, we have higher authority if we speak his words. Natatakot din tayo dahil sa expected results kapag nagsalita tayo. Baka mapahiya, baka i-reject. Pero nananatili ang commitment ng psalmist na anuman ang mangyari, he will not let that define him, “I...shall not be put to shame.” So if our commitment is to let the Word direct and define us, we will not fear anuman yung maging resulta. Hindi mawawalan ng kabuluhan ang salita ng Diyos (Isa 55:10-11). But we have to commit to speak God’s word hindi para maging sikat o popular tayo, kundi para ipakilala ang Diyos at para sa kaligtasan ng marami.
Again, tulad ng dalawang beses na nating nakita sa text natin, what we speak about tells of the condition of our hearts, the treasures that is in the heart. If we speak of God, yun ay dahil we find satisfaction in his word. Verse 47, “for I find my delight in your commandments, which I love.” What will most satisfy you? What do you love most? Yun ang magiging bukambibig mo. Is it possible na kaya hindi lumalabas sa bibig mo ang mga salita ng Diyos ay dahil wala sa puso mo ang mga salita ng Diyos? So pray for your heart to overflow, for out of the abundance of the heart the mouth speaks.
Commitment #3: Treasuring God’s Word (v. 48a)
Commitment #3: Treasuring God’s Word (v. 48a)
So, commit in your heart na wala nang ibang mas mahalagang salita kaysa sa salita ng Diyos. First line ng v. 48, “I will lift up my hands toward your commandments, which I love” (v. 48a). Kapag itinataas natin ang kamay natin tungo sa salita ng Diyos, ibig sabihin mataas din ang pagpahalaga natin sa salita ng Diyos sa puso natin. Kaya nga may kasunod na “which I love.” Paulit-ulit ‘yan dito sa Psalm 119. “I have stored up your word in my heart” (v. 11). “In the way of your testimonies I delight” (v. 14). “I will delight in your statutes” (v. 16). “My soul is consumed with longing for your rules at all times” (v. 20). “Your testimonies are my delight” (v. 24). “I delight in [your commandments]” (v. 35). “I long for your precepts” (v. 40). “I find my delight in your commandments” (v. 47). So translated sa Tagalog itong figure of speech na “lift up my hands” na “iginagalang ko ang inyong mga utos” (ASD). Ganito ba kataas ang pagpapahalaga natin sa Salita ng Diyos? Ganito ba ang nakikita sa oras at atensyon na inilalaan natin sa Salita ng Diyos? Dahil hindi naman magiging mataas ang pagpapahalaga natin sa salita ng Diyos kung hindi natin ito pagbubulayan.
Commitment #4: Meditating on God’s Word (v. 48b)
Commitment #4: Meditating on God’s Word (v. 48b)
Ito yung second line ng v. 48, “and I will meditate on your statutes” (ESV); “at pinagbubulay-bulayan ko ang inyong mga tuntunin” (ASD). Sinabi na rin niya ‘yan sa v. 15, “I will meditate on your precepts and fix my eyes on your ways.” Ano ang ibig sabihin ng meditate? Hindi yung binasa mo lang ang salita ng Diyos, tapos “Check! Tapos ko na ang pinapabasa ni pastor!” Madali lang naman ‘yang basahin nang isang pasada.
Pero pag pinagbubulayan, ibig sabihin tatambay ka sa ilang mga verses, pag-iisipan mong mabuti (in light of the context of the passage and the whole of redemptive history) kung ano ang itinuturo ng Diyos tungkol sa karakter niya, paano ‘yan sumasalamin sa kundisyon ng puso mo, paano ‘yan nagtuturo sa pagliligtas sa ‘yo ni Cristo, at ano ang nais ng Diyos na gawin mo in response. Kung baga, ninanamnam ang sarap ng salita ng Diyos. Oo mapait sa simula, pero nalalasan mong mabuti pala para sa puso mo ang salita ng Diyos.
Parang kape, hindi pwedeng mabilisan ang pag-inom, baka mapaso ka! Ninanamnam bawat higop. Sarap! Tulad ng pagkain din, minsan mabilisan na lang ang kain kasi sobrang busy, hindi mo na nalalasahang mabuti. Pero pag “meditate” nginunguya nang dahan-dahan, hindi nilulunok agad, baka mabilaukan ka. You enjoy and take pleasure in the Word of God. Paano mo igagalang ang salita ng Diyos kung hindi mo pinagbubulayan? Paano mo pahahalagahan? Paano mo sasabihin sa iba?
Daily, Not Occasionally
Daily, Not Occasionally
I hope itong nakita natin sa Psalm 119:41-48 na dalawang prayers—for the gospel to go deeper sa puso natin at for the gospel to overflow para masabi natin ito sa iba—ang maging prayers din natin. At itong four commitments—in obeying, proclaiming, treasuring and meditating on God’s Word—ang maging commitments din natin. Not just occasionally, hindi lang pang-Prayer Focus Week lang, but daily. At hindi lang five minutes a day, but “day and night”:
This Book of the Law shall not depart from your mouth, but you shall meditate on it day and night, so that you may be careful to do according to all that is written in it. For then you will make your way prosperous, and then you will have good success.
Blessed is the man who walks not in the counsel of the wicked, nor stands in the way of sinners, nor sits in the seat of scoffers; but his delight is in the law of the Lord, and on his law he meditates day and night.
Salita ng Diyos ang palaging nasa isip natin, ang tinitibok ng puso natin, ang nagtutulak sa mga sasabihin natin, at ang gabay sa pamumuhay natin. Dahil wala nang ibang mas mahalagang salita kaysa sa salita na nanggagaling sa Diyos. Let the Word of God—hindi yung mga salita ng tao—ang mag-define at mag-direct ng buhay natin.