The Gospel According to Genesis: An Overview Sermon on Genesis
Bible Overview Sermons • Sermon • Submitted
0 ratings
· 120 viewsNotes
Transcript
Introduction
Introduction
Marami pa tayong hindi alam. Totoo naman yun. Marami pa tayong tanong na hindi nasasagot. Pero sapat ang alam natin sa kalooban ng Diyos na gawin natin bilang mga Cristiano—sa buhay pamilya, sa pagpapalaki sa mga anak, sa pakikitungo sa mga unbelievers, sa paghawak ng pera, sa pagtugon sa injustices, sa ministry natin as a church. Kaso may mga balakid sa lubusang pagsunod at buong pusong pagtitiwala sa Diyos at sa kanyang salita. Maaaring dahil sa takot sa haharapin nating sitwasyon, o kailangang kausaping tao. Maaaring dahil sa pangamba na dulot ng coronavirus. Maaaring dahil sa nananatiling kasalanan sa puso natin.
Ganito ang sitwasyon ng mga Israelita sa panahon ni Moises na papasok sa Canaan, ang lupang ipinangako sa kanila ng Diyos. After 400 years of slavery sa Egypt, pinalaya sila ng Diyos, pero nagpaikot-ikot pa sila nang 40 taong sa disyerto dahil itong mga magulang nila ay sumuway sa utos ng Diyos na pumasok na sa Canaan. Pero pinagharian sila ng takot dahil sa haharapin nilang mga kalaban. Mas gugustuhin pa nilang bumalik sa dati nilang buhay kesa magtiwala sa layunin ng Diyos para sa kanila. So itong second generation, they were faced with a crucial decision. Tutulad ba sila sa mga magulang nila? Susunod ba sila sa Diyos? Magtitiwala ba sila sa Diyos at sa kanyang salita? At tayo rin, nahaharap din sa ganyang mga tanong araw-araw.
Why Genesis
Why Genesis
Sa paglalakbay natin sa buhay ngayon, kailangan natin ang salita ng Diyos hindi lang para sabihin sa atin kung ano ang mga utos niya na dapat nating sundin. Kundi para meron tayong matibay na batong matatayuan, para magbigay ng lakas na kailangan natin para magawa ang kalooban ng Diyos lalo na sa mahirap na kalagayan ng buhay natin ngayon, at para maging salamin din para mas makilala natin kung sino ang Diyos, sino tayo, anong klaseng relasyon ang nais ng Diyos para sa atin, at paano tayo makakabahagi sa pagtupad ng layunin ng Diyos para sa buong mundo.
For that reason, pag-aralan natin ang buong Genesis ngayon. That’s right, 50 chapters, so fasten your seatbelt. Mahaba-habang paglalakbay ‘to mula sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay sa Genesis 1 hanggang sa pagkamatay ni Jose sa Genesis 50. Simulang-simula ng kuwento ng buong Bibliya. Unang aklat sa 66 books of the Bible, entry point na magbibigay sa atin ng lente para mas maging malinaw ang kabuuan ng Bibliya, at lente rin para mas maging malinaw ang pagtanaw natin sa buhay ngayon.
Aside from that, mahalaga din na pag-aralan natin ito to remind us na ang courage at confidence na kailangan natin ay hindi natin matatagpuan sa wishful thinking sa kung ano ang mangyayari in the future. We can find that only in God. Sa Diyos na lumikha sa lahat ng bagay, sa lahat ng tao. Ang Diyos na lumikha sa bansang Israel. Na siyang naging instrumento ng Diyos para ipadala si Cristo na ating Tagapagligtas. May kasabihan nga tayo, Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan. So, para sa Israel, kailangang malaman nila kung sino sila, kung saan sila nagmula, but more importantly, kung sino itong Diyos na si Yahweh na nagligtas at magdadala sa kanila sa lupang pangako. Mapagkakatiwalaan ba siya?
See for yourself. Kaya I hope din na sa pamamagitan ng overview sermon na ‘to ay ma-encourage kayo to read your Bible. Read Genesis. Subukan n’yong dire-diretso, mas maaapreciate n’yo, mas mararamdaman n’yo yung drama ng story dito. Apat na oras kaya n’yong basahin ‘yan. Sulit ‘yan. At hindi lang basahin, I hope na sa pamamagitan ng overview sermon na ‘to, matuto kayo how to read your Bible better. Hindi yung pagbabasa na nakasentro sa tao, na naghahanap lang ng mga tips to a successful life or principles for living. Kundi yung pagbabasa na God-centered (ang Diyos ang Bida!) at gospel-saturated (nagtuturo sa ginawa ni Cristo para iligtas tayo at ibalik palapit sa Diyos).
Prayer ko rin na makatulong itong sermon na ‘to para ihanda tayo sa sermon series natin simula next week sa story ni Abraham sa Genesis 12-25. Para matuto rin tayo na pag-aralan bawat talata sa Bibliya in context. Yung bawat bahagi sa buhay ni Abraham sa kontektso ng buong Genesis, at sa kontektso ng buong Old Testament, at sa konteksto ng buong Bibliya. So after ng series kay Abraham (maybe 12+ sermons!), magbibigay rin ako ng overview sermons sa ibang aklat sa Pentateuch (penta, lima), para makita natin na dugtong-dugtong ‘yan (Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy).
Pero ngayon, Genesis tayo. Meron yang dalawang major sections. Yung una ay Genesis 1-11. Ito yung tinatawag na general or universal history, spanning thousands of years. Merong apat na major events na susubaybayan dito:
Ang paglikha ng Diyos sa lahat, at sa unang tao (Adan at Eba) (Gen. 1-2)
Ang pagkahulog ng tao sa kasalanan at pagkalat nito (Gen. 3-5)
Ang baha (panahon ni Noah) (Gen. 6-9)
Ang tore ng Babel (Gen. 10-11)
Mula Genesis 12, nagkaroon ng major shift sa story, sa pagpili ng Diyos kay Abraham na siyang panggagalingan ng bansang Israel ayon sa pangako ng Diyos sa 12:1-3. Tinatawag itong patriarchal history. Medyo nag-slow down na yung story dito, at nag-zoom in sa isang family line. Hanggang dulo ng Genesis, merong four key characters na susubaybayan natin ang kuwento.
Abraham (Gen. 12-25)
Isaac, na anak ni Abraham (Gen. 25-26)
Jacob, na anak ni Isaac, na siyang pinanggalingan ng 12 lipi/tribo ng Israel (na siyang bagong ipinangalan kay Jacob) (Gen. 27-36)
Joseph, isa sa mga anak ni Jacob (Gen. 37-50)
Pero siyempre ang pinakamahalagang karakter sa Genesis, at sa buong Bibliya, ay ang Diyos. He is the true Hero of every story. Kung sino siya, at kung ano ang ginagawa niya sa bawat pahina ng Genesis, yun ang unang-unang susubaybayan natin. Dapat makita natin ang Genesis na God-centered, ang Diyos ang Bida, at gospel-saturated, mabuting balita ng gawa ng Diyos para iligtas tayong mga makasalanan. That gospel is fully revealed in Jesus, pero masusulyapan na natin ang ilang aspeto nito sa Genesis. Talaga? Oo, di ba’t sabi ni Pablo,
And the Scripture, foreseeing that God would justify the Gentiles by faith, preached the gospel beforehand to Abraham, saying, “In you shall all the nations be blessed.”
Galing yan sa Gen. 12:3. Pero tingnan pa natin ngayon kung paanong some aspects of the gospel ay makikita natin sa buong Genesis.
Genesis 1-11
Genesis 1-11
Unahin natin yung Genesis 1-11.
God revealing his glory.
God revealing his glory.
Simula pa lang, nagpapakilala na ang Diyos, na siyang sa simula’t simula pa (wala siyang simula!) ay Diyos na. Wala pa ang lahat, Diyos na siya. “In the beginning, God...” (1:1). Siya ang lumikha ng lahat. Siya ang nagbigay ng buhay sa ‘yo. Walang kulang sa kanya. All-sufficient siya. “God created the heavens and the earth” (1:1). Sa isang salita lang niya, nalikha ang lahat. Sinabi niya, “Let there be light,” nagkaroon nga ng liwanag (1:3). Makapangyarihan ang salita niya. All powerful, authoritative. Dapat pakinggan. Dapat sundin. Nilikha niya ang tao ayon sa kanyang larawan (1:26-27), para sambahin siya, para magkaroon ng malapit na relasyon sa kanya, para mamahala sa mundong nilikha niya. Sina Adan at Eba kinakausap ng Diyos nang personal. Harapan. Nagpapakilala ang Diyos sa kanila, revealing his glory, revealing his goodness. Lahat ng kailangan nila ibinibigay ng Diyos.
Man rebelling against God.
Man rebelling against God.
Meron lang siyang sinabing isang puno na hindi nila pwedeng kainin ang bunga. Yung Tree of the Knowledge of Good and Evil. Kapag kinain daw nila, “you shall surely die” (2:17). The rest pwede, sa kanilang lahat. Pati nga yung Tree of Life. Pero sa halip na magtiwala sa salita ng Diyos, sa authority ng salita ng Diyos, sa katotohanan ng salita ng Diyos, sa kabutihan ng salita ng Diyos, pinili nilang paniwalaan at sundin ang sinasabi ng ahas, ang dikta ng hangarin ng puso nila. Sumuway sila sa Diyos, naghimagsik sa paghahari ng Diyos, inilagay ang sarili nila sa trono. Dun pumasok ang kasalanan, kahirapan at kamatayan sa buong sangkatauhan. Sabi ni Pablo, as a result of that, “so death spread to all men because all sinned” (Rom. 5:12).
Si Cain, anak nina Adan at Eba, pinagharian ang puso ng kasalanan, ng inggit, ng galit, pinatay ang kapatid niyang si Abel. Nagsinungaling pa sa Diyos (Gen. 4). Si Lamech, ipinagdiriwang pa ang paghihiganti at pagpatay (4:23-24). Sa pagdami ng tao, na siyang gusto ng Diyos na mangyari tulad ng tagubilin niya kina Adan at Eba, kumalat at lumala ang kasalanan ng tao, na siyang kinamumuhian naman ng Diyos.
The Lord saw that the wickedness of man was great in the earth, and that every intention of the thoughts of his heart was only evil continually.
Malungkot sa puso ng Diyos na ganito kabulok ang puso ng tao (6:6).
Now the earth was corrupt in God’s sight, and the earth was filled with wickedness. God saw how corrupt the earth was, for every creature had corrupted its way on the earth.
“The intentions of man’s heart is evil from his youth” (8:21). Oo, si Noah nakita ng Diyos na matuwid, pero hindi siya perfectly pure. Makasalanan din. Lasenggo at walang self-control (9:20). Sa halip na bigyan ng karangalan ang Diyos, at maitanyag ang pangalan niya, ginusto ng tao na mas makilala ang sariling pangalan, “Let us make a name for ourselves,” sabi ng mga nagtayo ng tore ng Babel (11:4).
Malinaw ang ebidensiya sa opening pages ng Bibliya na total and widespread ang depravity at corruption sa puso ng tao. Is humanity better now? Absolutely not. Sinungaling, makasarili, mamamatay-tao, rebelde pa rin ang mga tao sa salita at pamamahala ng Diyos. Sa tingin mo exempted ka? “All have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23).
God responding in righteous judgment.
God responding in righteous judgment.
Pwede bang palampasin ng Diyos ang kasalanan ng tao? No. Banal siya, matuwid, at makatarungan. Ang kasalanan paparusahan ng Diyos. Ito ang naglayo sa atin sa relasyon sa kanya. Pinalayas ng Diyos sina Adan at Eba sa hardin (3:24). Pumasok ang sumpa ng kahirapan at kamatayan na dulot ng kasalanan ng tao (3:17-19). Yung mga genealogies sa Genesis (merong eight genealogies, introduced by “the book of the generations of [sa Heb. toledot, sa Gk. geneseos, Genesis!]) tulad ng Genesis 5, hindi lang talaan ng salinlahi kung gaano katagal sila nabuhay, kundi yung katotohanan na merong kamatayan bilang kabayaran ng kasalanan (Rom. 6:23): “…he died…he died…he died…he died...”)
Ang kamatayan hindi lang natural reality, judgment ito ng Panginoon. Wala tayong karapatang pumatay ng kapwa tao (maliban na lang sa mga binigyan ng Diyos ng ganyang authority). Ang Diyos ang may karapatan sa buhay natin. Ang baha sa panahon ni Noah na pumatay sa lahat ng mga tao maliban sa kanyang pamilya ay ebidensya na humahatol ang Diyos sa kasalanan. Hindi pwedeng palampasin ng Diyos ang kasalanan mo at hindi maparusahan. Hindi pwede. Yung sinabi niyang, “You shall surely die!” (2:17), saka yung “I will destroy them” (6:13), hindi empty threats ‘yan. Totoo ‘yan.
God’s mercy and grace.
God’s mercy and grace.
Makatarungan siya kung humatol. Pero ang Diyos din ay puno ng awa at habag. Hindi naman agad-agad namatay sina Adan at Eba. Binihisan pa sila ng Diyos ng damit na gawa sa balat ng hayop. Merong pinatay (hindi sila!) para matakpan ang kahihiyan ng kahubaran nila. Si Cain, nilagyan pa ng marka ng Diyos as a sign of his protection sa kanya. Hindi lahat pinatay sa baha, iniligtas ng Diyos ang walong katao, si Noah at ang kanyang pamilya. Awa at habag ng Diyos yun, not because they were deserving. At nangako ang Diyos, God’s covenant with Noah, covenant promise niya sa lahat ng tao, gracious promises sa kabila ng nagpapatuloy na kasalanan sa puso ng tao...
When the Lord smelled the pleasing aroma, he said to himself, “I will never again curse the ground because of human beings, even though the inclination of the human heart is evil from youth onward. And I will never again strike down every living thing as I have done. As long as the earth endures, seedtime and harvest, cold and heat, summer and winter, and day and night will not cease.”
Ang pinakaimportanteng gospel promise ng Diyos ay nakapaloob sa sinabi niya sa ahas:
I will put hostility between you and the woman, and between your offspring and her offspring. He will strike your head, and you will strike his heel.
Tinatawag itong protoevangelion o “first gospel.” Na merong isang ipapanganak ang isang babae na babaligtad sa sumpa na dulot ng gawa ng ahas. Bagamat tao ang gagamitin niyang instrumento para sa pagdating nitong “Redeemer,” ang katuparan nito ay hindi nakasalalay sa tao kundi sa Diyos na siyang sovereign over all.
God sovereign over all.
God sovereign over all.
Ibig sabihin, makapangyarihan ang Diyos na namamahala sa lahat ng nilikha niya, sa lahat ng nangyayari sa kasaysayan, at titiyakin niya na ang lahat ng nakaplano niya, at ang ipinangako niyang pagliligtas ay magkakaroon ng katuparan, at walang sinuman o anuman ang makahahadlang o makapipigil nito. Pinatay ni Cain si Abel. Ipinalit ng Diyos si Seth (4:25; 5:3), mula sa lahi niya nanggaling si Noah, na isa sa mga anak ay si Shem, na siyang pinagmulang lahi ni Abraham (11:10-26).
Responding in faith and obedience.
Responding in faith and obedience.
If this is who God is, then wala nang iba pang reasonable at rightful response maliban sa magtiwala at sumunod sa kanyang mga salita. Hindi tulad nina Adan at Eba, kundi tulad ng ginawa ni Noah, “He did everything that God had commanded him” (6:22). Kasi may pananampalataya siya sa Diyos (Heb. 11:7). This is what it means to walk with God (6:9), na siyang relasyon na naeenjoy nina Adan at Eba sa garden, pero nasira (3:8), na siyang paglalarawan din sa relasyon ni Enoch sa Diyos (5:22, 24). Sa halip na mag-ambisyon para matanyag ang sariling pangalan tulad ng mga gumawa ng tore ni Babel, we are “to call upon the name of the Lord” (4:26).
Genesis 12-50
Genesis 12-50
Tulad din ni Abraham (Abram)—pagpasok ng chapter 12 na siyang major turning point sa Genesis, at sa story of the whole Scripture—nagtiwala siya sa salita ng Diyos (15:6), sumunod siya sa sinasabi ng Diyos (12:4), at tumawag siya sa pangalan ng Diyos (12:8). Ang Diyos mismo ang nagsabi sa anak niyang si Isaac ng pambihirang response ng kanyang ama sa salita ng Diyos:
because Abraham obeyed my voice and kept my charge, my commandments, my statutes, and my laws.”
But first, bago mangyari yun, God has to reveal himself to Abraham.
God revealing himself.
God revealing himself.
Ano ang sabi niya?
Now the Lord said to Abram, “Go from your country and your kindred and your father’s house to the land that I will show you. And I will make of you a great nation, and I will bless you and make your name great, so that you will be a blessing. I will bless those who bless you, and him who dishonors you I will curse, and in you all the families of the earth shall be blessed.”
We will explore this in more detail next week. Pero ngayon, gusto ko munang bigyang-diin na merong Diyos na nagpapakita, nagsasalita, at nagpapakilala ng kanyang sarili sa atin. Nangako siya kay Abraham (anak, lupa, pangalan, at pagpapala sa iba), hindi naman niya kailangang gawin, pero ginawa niya. Inulit-ulit pa niya at kinumpirma ang mga pangako niya. Ilang beses na nagpakita ang Diyos kay Abraham (12:7; 15:1; 17:1; 18:1), at nagpapakilala, “I am your shield” (15:1); “I am God Almighty” (El Shaddai, 18:1). Nagpakita rin siya kay Isaac at inulit ang pangako niya kay Abraham (26:2, 24). Pati kay Jacob (28:13; 35:9; 48:3). He is above and beyond us, the everlasting God (21:33), pero bumababa siya para ilapit ang sarili niya sa atin. Dumidinig, tumitingin sa atin (16:13), nagbibigay ng kailangan natin (22:14), he is kind and faithful (24:26). Personal ang relasyon ng Diyos sa atin. He is the God of Abraham, the God of Jacob, the God of Isaac. Siya rin ang Diyos na inilapit at ipinakilala ang sarili niya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesus.
Man rebelling against God.
Man rebelling against God.
Tayo naman ang karaniwang inilalayo ang sarili natin sa Diyos. Kitang-kita ‘yan sa kaso ng mga tao sa Sodom and Gomorrah na walang kinikilalang Diyos.
Then the Lord said, “The outcry against Sodom and Gomorrah is immense, and their sin is extremely serious.
Talamak ang imoralidad. Pati panggagahasa tulad ng ginawa ni Shechem kay Dinah, isa sa mga anak ni Jacob. Walang kinikilalang Diyos. Kaso, pati yung pamilyang pinili ng Diyos, bagamat kilala nila ang Diyos, sariling nasa pa rin ang sinusunod nila. How did they respond sa pag-rape sa kapatid nila? Ginamit pa nila yung covenant sign ng circumcision para lokohin itong mga kababayan ni Shechem, at pagkatapos ay pagpapatayin sila. Massacre ang nangyari. Inilagay nila sa kamay nila ang paghihiganti sa halip na ipagkatiwala ito sa Diyos. Si Abraham din, muntik nang ipamigay ang asawa niyang si Sarah sa iba. Nagsinungaling pa to protect himself, instead of trusting God to protect them (12:13; 20:2, 13). Si Isaac din, like father like son, ganun din halos ang ginawa sa asawa niyang si Rebekah (26:7). Ang mga kapatid ni Jose, nainggit sa kanya, muntik na siyang patayin, ibinenta bilang alipin sa ibang bayan, akala ng tatay niya patay na siya. Mga sinungaling, inggetero, at mamamatay tao itong mga anak ni Jacob. E siya rin naman sinungaling. Kasabwat niya ang nanay niyang si Rebekah para magpanggap na siya si Esau para lokohin si Isaac para makuha yung blessing niya. At itong si Judah, walang isang salita. Guilty sa prostitution. Itong manugang niyang si Tamar nagpanggap na prostitute. May nangyari sa kanila. Incestous relationship yun. Nagbunga pa.
We live in a world na tulad din sa panahon ni Abraham. Violence. Injustice. Oppression. Sexual immorality. Even among God’s people, nandun pa rin ang kasalanan. And we are capable of sinning tulad din ng mga unbelievers around us. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Nakakatakot din dahil hindi palalampasin ng Diyos ang kasalanan.
God responding in righteous judgment.
God responding in righteous judgment.
Tulad ng pagwasak ng Diyos sa mundo sa panahon ni Noah, determinado din siya na wasakin ang Sodom at Gomorrah (Gen. 19:13). Hindi tubig sa lupa ang pumatay sa kanila, kundi apoy mula sa langit ang tumupok sa kanila. God is terrible in judgment. At merong apoy sa impiyerno ang inilaan ng Diyos para sa mga taong nagpapatuloy sa kanilang kasalanan.
God’s mercy and grace.
God’s mercy and grace.
Pero bakit si Lot at ang pamilya niya naligtas? Samantalang nagdadalawang isip nga sila kung aalis sila sa lugar na yun? “The Lord being merciful to him” (19:16). Kinaladkad na sila ng anghel ng Panginoon dahil sa laki ng awa niya sa kanya. Hindi dahil mas mabuti siya kesa sa mga taga Sodoma, pati nga mga anak niya ibibigay niya para gahasahin ng mga tao doon (19:8)! Kundi dahil sa awa ng Diyos, dahil sa pangako ng Diyos kay Abraham, dahil sa intercessory prayer ni Abraham para sa kanya. At yun din ang dahilan kung bakit naranasan ng pamilya ni Abraham ang pagpapala ng Diyos sa halip na pagpaparusa kahit na sa mga matitinding kasalanang ginawa nina Isaac, Jacob at mga anak ni Jacob. Although siyempre nananatili pa rin ang consequences ng kasalanan, pero nangingibabaw ang biyaya ng Diyos sa buhay nila. Pinili ng Diyos si Abraham hindi dahil mas matuwid siya, katunayan galing siya sa pamilya na sumasamba sa ibang diyos (Jos. 24:2-3). Pinili ng Diyos si Isaac na tagapagmana ng pangako ng Diyos, at hindi si Ishmael na unang anak ni Abraham. Pinili ng Diyos si Jacob, at hindi si Esau na panganay. Pinili ng Diyos si Judah na siyang panggagalingan ng mga hari ng Israel (ni David), na siyang eventually ay panggagalingan ng Panginoong Jesu-Cristo, ang Hari ng mga hari.
Lahat yun ay dahil sa biyaya ng Diyos, makapangyarihang biyaya ng Diyos, the sovereign grace of God.
God sovereign over all.
God sovereign over all.
Heto ang definition ng sovereignty ni God na binanggit ko kanina: makapangyarihan ang Diyos na namamahala sa lahat ng nilikha niya, sa lahat ng nangyayari sa kasaysayan, at titiyakin niya na ang lahat ng nakaplano niya, at ang ipinangako niyang pagliligtas ay magkakaroon ng katuparan, at walang sinuman o anuman ang makahahadlang o makapipigil nito. Dito sa second section ng Genesis, mas naging personal itong sovereignty ng Diyos sa buhay ng pamilya ni Abraham.
Permanente yung covenant promise ng Diyos kay Abraham (Gen 17:7-8). Ibig sabihin, naroon ang kamay ng Diyos na kumikilos to overcome anumang balakid para maisakatuparan ito. Hindi ba’t “barren” o imposibleng magkaanak itong sina Sarah na asawa ni Abraham (Gen 11:30), Rebekah na asawa ni Isaac (25:21), at Rachel na asawa ni Jacob (29:31)? Itinakda sa plano ng Diyos na mga baog ang mga asawa ng mga lalaking pinili ng Diyos para patunayan ang kapangyarihan ng Diyos to bring life out of the dead! With God all things are possible! Hindi niya kailangan ang tulong ng tao para maisakatuparan ang plano niya. Gagamitin niyang instrumento o paraan, totoo yan, pero wala ni isa man sa atin ang kailangan ng Diyos. Tayo ang may kailangan sa kanya.
Sa katunayan, maging masasamang balak at gawa ng tao ay sakop ng sovereign will niya. Gagamitin pa niya bilang instrumento para isakatuparan ang plano niya. Napakasama nitong ginawa ng mga kapatid ni Jose sa kanya. Pero ang sabi niya:
And God sent me before you to preserve for you a remnant on earth, and to keep alive for you many survivors. So it was not you who sent me here, but God. He has made me a father to Pharaoh, and lord of all his house and ruler over all the land of Egypt.
Hindi excuse yun at sabihing wala na silang pananagutan kay Jose, pero patunay yun na even our wicked plans and actions cannot thwart God’s purposes. Katunayan, gagamitin pa yun ng Diyos para isulong ang layunin niya ng pagliligtas sa kanyang mga anak, at pagpapala sa sa ibang mga bansa. Hindi natin lubos na mauunawaan ang lawak ng karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Pero sapat yung alam natin para kahit na magdusa tayo tulad ni Jose, malayo sa mahal sa buhay, makulong sa paratang na walang basehan, we find our assurance na merong Diyos na gumagawa (mabuti o masama man ang nangyayari) para sa ikabubuti ng kanyang mga anak (Rom. 8:28). Kaya sabi ni Jose sa mga kapatid niya:
You planned evil against me; God planned it for good to bring about the present result—the survival of many people.
Maraming mag-asawa ang naghihiwalay dahil sa “irreconcilable differences” daw. Pero because God is sovereign, kumikilos siya sa puso ng tao para magkaroon ng reconciliation. Ganyan ang nangyari kay Jacob at Esau, ganyan ang nangyari kina Jose at sa mga kapatid niya. What a beautiful testimony for the gospel kapag makita ‘yan ng mga tao na nangyayari sa loob ng church, how we demonstrate grace and forgiveness to one another, at sa mga taong naka-agrabyado sa atin. Posible dahil sa makapangyarihang biyaya ng Diyos.
Pero baka hindi kasalanang ginawa ng iba ang nakahahadlang sa ‘yo para lubusang sumunod sa Diyos. Baka yung laki at dami ng kasalanang nagawa mo. Look at Judah. Yung kasalanan niya sa manugang niyang si Tamar (Gen. 38). Nagkaanak siya kay Tamar. Malaking kasalanan. Scandalous kung mabalitaan nating may nangyaring ganyan. Nakakahiya kapag mabalitaan ng iba. Gaano man ka-messy, ka-dysfunctional itong family line ni Abraham, sakop pa rin ito ng sovereign hand ng Panginoon to orchestrate and direct history para sa katuparan ng kanyang redemptive purposes. Kay Judah at Tamar nagmula ang lahi ng Panginoong Jesus Cristo:
An account of the genealogy of Jesus Christ, the Son of David, the Son of Abraham: Abraham fathered Isaac, Isaac fathered Jacob, Jacob fathered Judah and his brothers, Judah fathered Perez and Zerah by Tamar, Perez fathered Hezron, Hezron fathered Aram,
We are the People of God—in Christ
We are the People of God—in Christ
Wow. So, Genesis ang pasimula/beginnings ng kwento ng sangnilikha, ng sangkatauhan, ng bansang Israel, ng lahing pinanggalingan ni Cristo. Pero si Cristo walang pasimula. “In the beginning was the Word” (John 1:1). Pero naparito siya, naging tao rin siya. Pero hindi tulad ni Adan, si Cristo na siyang Second Adam ay hindi nagkasala, lubos siyang nagtiwala at sumunod sa salita ng Diyos. Hindi siya nahulog sa tukso ng ahas, siya ang dumating para durugin ang ulo ng ahas. Siya ang anak ni Abraham na naparito para dumaloy ang pagpapala ng Diyos sa lahat ng makikipag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya (Gen. 15:6; cited in Rom 4:3, 9, 22, 23; Gal 3:6; Jas 2:23). Siya ang Hari na nagmula sa lahi ni Judah (Gen. 49:10), the Lion of Judah (Rev. 5:5). Anumang kasamaan ang nangyayari ngayon, magtatagumpay siya. Pinatunayan na niya ‘yan sa kanyang kamatayan sa krus (sa halip na tayo ang mamatay) at sa kanyang muling pagkabuhay (so we can have life in his name).
Dahil kay Cristo, pinagpala din tayo tulad ni Abraham (Eph. 1:3). Ipinagkasundo sa Diyos. Hinango tayo mula sa kamatayan patungo sa buhay na malapit sa Diyos. We now belong to the people of God. Lahat ng mga pangako ng Diyos ay “yes and amen” para sa atin dahil kay Cristo (2 Cor. 1:20). Pinagpala rin tayo para maging pagpapala. Para bilang miyembro ng iglesya, sama-sama, tulong-tulong tayo na abutin ang lahat ng lahi, at punuin ang buong mundo ng kaalaman tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos. Para ipamuhay ang buhay natin hindi para sa sarili natin kundi para sa Diyos na nagbigay ng buhay sa atin—sa paglikha sa atin at sa pagliligtas sa atin.
Nagsimula ang Genesis sa kapangyarihan ng salita ng Diyos (1:1). Nagtapos ito sa pagkamatay ni Jose, nasa isang kabaong sa Egipto (50:26). Walang buhay, patay. Wala sa promised land, nasa Egipto. Dadami sila, oo. Pero mas magiging mahirap ang buhay nila. The future looks bleak for God’s people. Can God be trusted? Can he deliver on his promises? Ang sagot ng Genesis, yes. Pagdating sa Exodus, yes pa rin. Sa buong Old Testament, yes. Sa New Testament, yes. Dahil ito ay salita ng Diyos.
We are confronted with the same question today. Do you trust this God? Do you trust his word? Mahirap ang panahon ngayon. Pwede mong gawing dahilan para matakot ka, para panghinaan ka, and to excuse your disobedience sa pinapagawa niya. Buti na lang hindi sa ‘yo nakasalalay ang katuparan ng layunin ng Diyos. Hindi pa tapos ang Diyos. Ang sinimulan niya, tatapusin niya. Ang ipinangako niya tutuparin niya. He is willing and able to do this. He is our almighty Father.