Ang pananamplataya ay nagiging matibay at matatag kung ito ay may kasamang karunungan, karunungan sa salita ng Panginoon. Ang salita ng Diyos ang ating magiging dahilan kung bakit tayo patuloy na nagtitiwala sa kanya kahit iba o kabaliktaran ang sitwasyong ating nakikita. Dahil sabi nga Niya, hindi tayo mamumuhay sa ating mga pandama ngunit sa pananamplataya sa Kanya. Ipamuhay natin ang libong-libong pangako ng Diyos, ito ay tiyak, may kasiguraduhan at ito´y magaganap.