"Ang pagkakaroon ng matibay at malalim na relasyon sa Panginoon ang pinaka-pundasyon ng ating buhay kristiyano. Paano ka magtitiwala sa mga salita niya, kung ang nagsasabi nito ay hindi mo lubusang kakilala? Kaya nga, hinikayat tayo ng Diyos na magsimula sa pagkakaroon na relasyon na malalim at matibay. Ito ang magdadala sa atin sa mataas na antas ng pananamplataya sa kanya. Ito ang ating kasiguraduhan na totoo at matutupad ang mga pangako niya para sa atin. Ipaalala mo ang salita niya, sabihin