Part 7 - Abraham and the Covenant of Circumcision

Abraham: Faith in God's Promises  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 39 views
Notes
Transcript

Introduction

Magkakaroon tayo mamaya ng members meeting, quarterly natin ‘yan ginagawa. Posible na marami pa ring mga members ng church natin ang hindi makadalo. Ang tagal na rin nating hindi nagagather ang majority ng members natin dahil sa pandemic. Mamaya magkakaroon din kayo ng kopya ng ating bagong membership directory. Nandun ang lahat ng mga members ng church, pati mga anak ng members ng church. Nakapaloob diyan yung members covenant natin at ilang instructions how to pray for the church. We encourage you to use that to pray for one another, to increase how we intentionally care for every member of the church.
Kapag may bagong nadagdag sa members natin (o kaya ay nabawas!), we will revise that at mag-iissue ng bagong kopya. Merong nawawala sa mga members natin, hindi pa bumabalik sa church. Meron din namang ilang na nag-express ng desire to be members of the church. Kaya magkakaroon tayo ng new members class ngayong June probably. Pwedeng umattend yung mga magpapabaptize na—hindi pa natin ‘yan nagawa ulit since last year—at kahit members na pwede pa rin umattend para mas matutunan natin ano ang kahalagahan ng church membership.
Ang problema kasi, we don’t take our covenant membership seriously. Yung baptism nga natin noon saka yung significance nito bihira nating alalahanin, as if walang kinalaman yun sa buhay natin ngayon. Yung iba naman nagpabaptize dati, feeling nila it’s all about their personal relationship with God, at tila walang koneksyon yung baptism sa church membership. Para rin ‘yang sa marriage as a covenant. We pledged to be faithful to each other. Pero we failed in our commitments. Naging unfaithful tayo sa asawa natin. But at least, yung iba kahit naging unfaithful, nagpapatuloy pa rin na gawin yung kanilang mga domestic responsibilities. Pero sa church, maraming tao na nagsasabing Christian sila, nagpapatuloy na matagal na walang pakialam sa church—pinapabayaan ang attendance, ang pagbibigay, ang pag-care sa ibang members, ang involvement sa ministries.
Bakit kaya ganun? Posibleng isang dahilan ay dahil hindi natin lubos na nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng covenant. Hindi nga natin usually ginagamit yung salitang ‘yan ngayon. Yung “contract,” yan ang madalas na gamitin natin. Pero napakalaki ng kaibahan ng covenant. Heto yung definition diyan ni Tom Schreiner, “a covenant is a chosen relationship in which two parties make binding promises to each other” (Covenant and God’s Purpose for the World). Meron daw itong tatlong characteristics.
A covenant is a relationship. Hindi tulad ng contracts na impersonal at non-relational.
A covenant is a chosen or elected relationship. Tulad ng marriage, ikaw ang pumili kung sino ang makakasama mo para maging asawa, at may pangako kayong binitawan sa isa’t isa. Pero iba yung relasyon ng magulang sa mga anak. Hindi naman chosen relationship yun, unless siguro yung adoption. Kaya kahit hindi mag-child dedication, kahit wala kayong bitawang pangako sa mga anak n’yo, o sa magulang n’yo, meron pa rin kayong responsibilities sa kanila.
A covenant relationship includes binding promises and obligations. Mutual yun.
Merong iba’t ibang klaseng covenants. Merong covenant sa pagitan ng dalawang tao o grupo ng tao. Meron ding mga ganyang examples sa Bible. Merong covenant sa pagitan ng dalawang partido na hindi equal ang authority, tulad ng isang hari sa mga tao na kanyang nasasakupan. Lalo naman kung ang pag-uusapan natin ay ang covenant sa pagitan ng Diyos at ng tao, pinakamataas na level na yun. Sa pag-aaral natin ngayon ng Genesis 17, makikita nating paulit-ulit na binabanggit itong “covenant” (Heb. berith), 17 times. Obviously ang tema nito ay tungkol sa covenant, pero as we will see later on meron pang nakakonektang tema dito, yung circumcision na 11 times naman na ginamit sa chapter na ‘to.
Hindi ito yung unang beses na nakipagtipan ang Diyos sa tao. Sabi ng iba, may covenant din ang Diyos kay Adan, bagamat hindi ginamit yung word na yun. Pero first time ginamit itong covenant kay Noah, “I will establish my covenant with you” (6:18; also 9:9, 11-17). At hindi rin dito sa chapter 17 unang nakipagtipan ang Diyos kay Abraham. Sa chapter 12 pa lang may binitiwan nang pangako ang Diyos sa kanya. At sa chapter 15, during the first ten years niya sa Canaan, nagkaroon ng mas formal covenant, “On that day the Lord made a covenant with Abram...” (15:18). Paglipas ng sampung taon, wala pa yung promise ng Diyos, dinaan na nina Abram at Sarai sa sarili nilang diskarte para magkaanak sila. Nakita natin ‘yan sa chapter 16, kung saan nagkaanak si Abram sa alipin ni Sarai na si Hagar, na pinangalanan Ishmael.
Thirteen years ang lumipas mula sa dulo ng chapter 16 (“Abram was eighty-six years old...”) at sa simula ng chapter 17 (“When Abram was ninety-nine years old…). Mahabang panahon yun. Binata na si Ishmael. Hindi natin alam ang nangyari during that time. Ano kaya ang lagay na ni Abram? Ano kaya ang ginagawa ng Diyos? Hindi man natin alam yung ganung mga details, pero ang alam natin, sa eksaktong kailangang-kailangan ni Abram ang assurance ng presensiya at salita ng Panginoon, dumating yun.

Sino ang nag-initiate ng covenant na ‘to?

Dalawang partido, si Yahweh at si Abraham. Pero hindi ito human initiative, but divine initiative. Ang Diyos ang pumili kay Abraham (Jos. 24:3; Acts 7:2). Malinaw ‘yan sa Genesis 17. It is all about God. Ang Diyos ang nag-initiate ng pakikipagtagpo kay Abraham: “Nagpakita sa kanya si Yahweh” (v. 1). Ang Diyos ang nag-initiate ng pakikipag-usap kay Abraham: “Sinabi pa sa kanya ng Diyos...” (vv. 3-8); “Sinabi pa ng Diyos kay Abraham...” (vv. 9-14); “Kaya't sumagot ang Diyos...” (vv. 19-21). “Pagkasabi nito, nilisan ng Diyos si Abraham” (v. 22).
Although ngayon tinatawag natin itong Abrahamic Covenant, pero mas tumpak yung God’s Covenant with Abraham. Dito paulit-ulit yung emphasis sa covenant na ‘to na sinasabi ng Diyos na “my covenant”: “…that I may make my covenant between me and you...” (v. 2); “…I will establish my covenant between me and you and your offspring after you...” (v. 7); “As for you, you shall keep my covenant, you and your offspring after you throughout their generations” (v. 9). “This is my covenant” (v. 10).
Kung ito ay initiative ng Diyos, siya ang nagsimula, ibig sabihin kumpiyansa tayo na sa kanya rin nakasalalay ang katuparan nito. Bagamat may obligasyong nakapaloob dito, yung bungad ng pagpapakilala ng Diyos ay kapansin-pansin: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay” (v. 1). Kita natin ang obedience ni Abraham sa kuwentong ito. Pero alam din natin yung mga moments na he failed in obedience. Pero sabi ng Diyos, and this is our confidence, in who God is, “Ako ang Makapangyarihang Diyos, I am God Almighty.” El Shaddai. “Evokes the idea that God is able to make the barren fertile and to fulfill his promises” (Wenham, Genesis 16-50, 20). “The covenant would be fulfilled through the power of God” (Schreiner, The King in His Beauty, 19). Parang sinasabi ng Diyos, “Abraham, hindi mo kailangang panghinaan ng loob dahil matanda ka na, hindi mo kailangang ma-depressed, hindi mo kailangang daanin sa sarili mong diskarte. Everything—all your life, all your future—lies in this: I am God Almighty” (cited in Kent Hughes, Genesis, 246).

Anu-ano ang nakapaloob sa covenant na ‘to na mga pangako ng Diyos kay Abraham?

Angkan. “Ako'y makikipagtipan sa iyo at lubhang pararamihin ko ang iyong lahi” (v. 2). Hindi lang niya ipinangako na magkakaroon siya ng isang anak, although doon siyempre magsisimula yun. His promises was far greater. “I will make of you a great nation” (12:2). Sinabi na niya previously na magiging sindami ng mga alikabok sa lupa at bituin sa langit ang lahi niya (13:16; 15:5). At dito sa chapter 17, ang intention ng Diyos “that I...may multiply you greatly” (v. 2). Kung kay Adan at kay Noah inutos ng Diyos, “Be fruitful and multiply” (1:28; 9:7), kay Abraham naman ipinangako yun ng Diyos (Waltke, Genesis). Pero hindi lang dami ang emphasis, kundi kung sino ang manggagaling sa kanya. Hindi lang great nation in terms of number, pero yung greatness in terms of the superiority ng manggagaling sa kanya. “Pararamihin ko nga ang iyong lahi at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila” (v. 6). Ang haring ‘yan ay manggagaling sa tribe ni Judah (49:10), masisimulang matupad sa pamamagitan ni King David, at malulubos sa pagdating ng Panginoong Jesus, “the son of David, the son of Abraham” (Matt. 1:1).
Lupain. “Ibibigay ko sa iyo at sa iyong magiging lahi ang lupaing ito ng Canaan na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ito ang magiging pag-aari nila sa habang panahon, at ako ang kanilang magiging Diyos” (Gen. 17:8). Sa simula pa lang pinangako na ‘yan ng Diyos (12:7). Hindi siya ang magkakaroon ng sariling lupa, kundi ang lahi niya. At sa panahon pa ni Joshua ang magiging katuparan niyan.
Pagpapala. Sa Gen. 12:2-3, limang beses binanggit ang salitang “bless,” na nag-iindicate na sa pamamagitan ni Abraham ay magkakaroon ng reversal yung curses na dulot ng kasalanan ni Adan. At ang pagpapalang ito ay hindi lang para kay Abraham at sa Israel, ito ay para sa lahat ng lahi sa buong mundo. “In you all the families of the earth shall be blessed” (v. 3). Dito sa chap. 17, binigyang-diin ito sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan ni Abram. “Ito ang aking tipan sa iyo: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa. Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ngayo'y ginagawa kitang ama ng maraming bansa” (vv. 4-5). Ibig sabihin ng Abram, “exalted father,” na maaaring tumukoy sa angkan na pinanggalingan niya. Yung Abraham naman ay “father of a multitude of nations” na siyang indication naman ng kanyang magiging future. Ganun din ang pagpapalit sa pangalan ni Sarai, “Hindi na Sarai ang itatawag mo sa iyong asawa kundi Sara sapagkat siya'y pagpapalain ko. Magkakaanak ka sa kanya at siya'y magiging ina ng maraming bansa; may magiging hari mula sa kanyang mga salinlahi” (vv. 15-16). Naiba lang ng konti ang spelling, pero parehong “princess” ang ibig sabihin. Yung Sarai maaaring tumutukoy sa kanyang “noble descent,” yung Sarah naman ay sa kanyang tinatanaw na “noble descendants” (Waltke, Genesis).
Bakit significant itong pagpapalit ng pangalan sa pangako ng Diyos kay Abraham? It is for constant remembrance. When we are faced with a lot of difficulties sa nangyayari sa buhay natin, hindi ba’t kailangan natin ng constant reminder ng pangako ng Diyos to bolster our faith? Kung tawagin si Abraham na “Abraham” at paulit-ulit niya itong marinig, ganun din si Sarah, anumang hirap ng paghihintay na dinaranas nila maaalala nila ang mga pangako sa kanila ni Yahweh El Shaddai (insight from Kent Hughes, Genesis, 247).

Ano ang pinaka-layunin o ultimate goal ng covenant na ‘to?

Hindi lang ito para magkaroon sila ng big family at malaking real state property. Sa maraming tao kasi hanggang dun lang ang pangarap. Parang malaking pangarap, pero mababaw. That’s not the ultimate goal. Yung covenant promises ni God ay tungkol sa relationship and communion with God: “God’s people in God’s place under God’s rule” (Graeme Goldsworthy, According to Plan).
Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi habang panahon, at ako'y magiging Diyos ninyo. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong magiging lahi ang lupaing ito ng Canaan na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ito ang magiging pag-aari nila sa habang panahon, at ako ang kanilang magiging Diyos (vv. 7-8).
Ito ang layunin ng pagkakalikha sa atin ng Diyos. Dahil sa kasalanan pinalayas sina Adan sa presensiya ng Diyos. Sa pamamagitan ni Abraham, ibabalik tayo sa relasyon sa Diyos. This is God’s ultimate goal in redemption—our communion with him. Ito ang purpose ng covenant ng Diyos sa Israel (“I will dwell among the people of Israel and will be their God,” Exod. 29:45), kay David (“I will be to him a father and he shall be to me a son,” 2 Sam. 7:14), at sa New Covenant (“And they shall be my people and I will be their God,” Jer. 32:38). And in Christ, that is who we are now as a church: “a people for his own possession…Once you are not a people, but now you are God’s people” (1 Pet. 2:9-10). Yan ang pinaka-layunin kung bakit namatay si Cristo—hindi para bigyan ka ng isang masayang pamilya, o magandang trabaho, o maraming kayamanan o tanyag na pangalan, “that he might bring us to God.” ‘Yan ang pinaka-layunin ng Abrahamic Covenant.
By now, I hope it is clear na this is a gracious covenant, hindi deserving si Abraham, hindi deserving ang bawat isa sa atin na tumanggap nitong mga covenant blessings. Gracious initiative ng Diyos. Gracious promises ang nakapaloob dito. Gracious yung ultimate goal nito. Mahalagang ipaalala ito sa atin before we talk about the next set of questions. Hindi lang kasi pangako ng Diyos ang nakapaloob dito, meron ding obligasyon sa parte ni Abraham. Pero hindi yun paraan to make him deserving of those blessings, but as a faith response to God’s grace.

Ano ang mga nakapaloob na obligasyon sa covenant na ‘to?

“I am God Almighty; walk before me, and be blameless, that I may make my covenant between me and you” (vv. 1-2). Sounds conditional? In a sense, it is, katulad ng nabanggit ko na kanina. Hindi tulad nung sa chapter 15 na unconditional at unilateral ang covenant. Pero dito, may nakapaloob na kundisyon o obligasyon. There is a sense na conditional ang fulfillment ng covenant sa obedience ni Abraham, pero mangyayari lang ito dahil sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan ng kanyang divine gracious enablement. “The focus upon God’s grace does not cancel out the reality of Abraham’s obedience” (Schreiner, 16). Ano ang dapat gawin? “Walk before me, and be blameless,” sabi ng Diyos. Mataas ang standard kasi siya yung bagong head of a new people of God. Total obedience ang kailangan. To walk before God, ang ibig sabihin ay nakatuon ang buong buhay sa presensiya ng Diyos, pangako ng Diyos, kalooban ng Diyos. Blameless, yung Hebrew word dito ay nagsi-signify ng “wholeness of relationship and integrity” (Waltke, Genesis).
So, yung obligasyon dito ni Abraham ay para sa buong buhay niya, not just a one time act. Pero at this point, sa simula, meron siyang kailangang gawin—at yung mga lahi niya sa susunod na henerasyon—to demonstrate commitment and obedience. Sabi ng Diyos, “You shall keep my covenant...” (v. 9). Iingatan, hindi pababayaan, kasi napakahalaga nito. Wala nang mas mahalaga pa kesa sa relasyon natin sa Diyos. So, ano ang kailangang gawin? Yun ang sasagutin natin sa susunod.

Ano ang senyales, palatandaan, o marka ng covenant na ‘to?

Yung covenant ng Diyos kay Noah, pangako niya sa lahat ng tao, ang marka ay yung rainbow—nagsisilbing paalala na hindi na wawasakin ng Diyos ang buong mundo sa pamamagitan ng isang baha tulad ng ginawa niya sa panahon ni Noah. Dito naman sa covenant kay Abraham, ang marka ay ang pagtutuli o circumcision.
Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin, at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan. Lahat ng lalaki na isisilang sa inyong lahi ay tutuliin pagsapit ng ikawalong araw, kasama rito ang mga aliping isinilang sa inyong sambahayan, gayundin ang mga aliping binili sa dayuhan. Ang palatandaang ito sa inyong katawan ang magiging katibayan ng ating walang katapusang kasunduan (vv. 10-13).
May mga cultures na hindi nagpa-practice ng circumcision. Meron din naman na nagpa-practice, like our culture, pero ang pagtutuli ay ginagawa sa mga lalaki na nasa o malapit na sa puberty stage. Kahit naman sa panahon ni Abraham, may ibang culture rin na nagpa-practice nun, pero dito sa covenant ng Diyos sa kanya, nagkaroon ng changes. Pagsilang pa lang ng lalaking sanggol, eight days old, tutuliin na. At siyempre mga lalaki lang din ang tutuliin pero yung mga kasama nilang babae sa bahay—asawa, anak, kapatid, pati alipin—ay konektado na rin sa kanila as one household.
So, ito yung covenant marker, “palatandaan sa inyong katawan” (v. 13). Ibig sabihin, kung ikaw ay tuli, o kung babae ka na ang household head mo ay tuli, you belong to God’s covenant people. Kung hindi, you don’t belong to God’s people. So, separation marker din ito kung sino ang nasa loob at sino ang nasa labas. But aside from being a marker, magseserve din ito bilang isang reminder. Appropriate na nasa reproductive organ ng lalaki ang marker, dahil ang pangako ng Diyos na pagkakaroon ng anak ay may kinalaman sa buhay, that God is our life-giver—hindi lang physical life, but also spiritual, eternal life.
So this chapter is not just about covenant. Tungkol din ito sa circumcision (paulit-ulit ding binanggit) as covenant marker, palantandaan ng covenant membership.

Gaano kahaba ang bisa o validity ng covenant na ‘to?

Kapag kontrata ang pinag-uusapan, merong expiration. O license, o passport, na valid hanggang ganitong petsa. Kahit naman marriage contract, hanggang mamatay ang isa. Pero isang significance ng marker ng covenant kay Abraham na pagtutuli ay to signify permanent validity. Ito ang “magiging katibayan ng ating walang katapusang kasunduan” (v. 13). Everlasting covenant (ESV). Kung paanong ang pagtutuli ay permanente, cannot be undone, God’s covenant with Abraham cannot be nullified. Sa verse 7, tinawag din itong “everlasting covenant.” Yung lupain ng Canaan ibibigay sa kanila “for an everlasting possession” (v. 8). Paulit-ulit din yung “throughout their generations,” to indicate na magpapatuloy ito sa mahabang panahon. Nung sabihin ng Diyos kay Abraham na magkakaroon siya ng anak kay Sarah, at tatawaging Isaac, sinabi ng Diyos na, “I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him” (v. 19).
This is good news para sa atin. Kasi ibig sabihin, even now, maaari tayong maging bahagi ng covenant na ‘to. Not by circumcision, but by being baptized into Christ, the true and better Son of Abraham.
Si Cristo mismo ang inyong isinuot na parang damit nang kayo'y nabautismuhan sa inyong pakikipag-isa sa kanya...At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y mga anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos (Gal. 3:27, 29).
Napakalaking pagpapala ang mapabilang sa covenant na ‘to. Paano naman kung hindi ka kabilang?

Ano ang kahihinatnan ng mga taong hindi covenant member?

“Ang sinumang lalaking hindi tuli ay ititiwalag sa iyong lahi sapagkat hindi siya tumupad sa ating kasunduan,” “shall be cut off from his people; he has broken my covenant” (Gen. 17:14). This is a solemn warning. Ibig sabihin, that person is outside God’s covenant, hindi tatanggap ng mana ng Diyos, hindi tatanggap ng pagpapala ng Diyos, mananatiling nasa ilalim ng sumpa ng kasalanan at forever cut off from God.
How about Ishmael? Oo, nangako ang Diyos sa kanya na pagpapalain din siya, pararamihin din ang lahi niya, at magiging isang malaking bansa (v. 20). Oo, tinuli din siya (vv. 23, 26). Pero sa mga later parts ng story makikita na ayaw niya talagang mapabilang sa covenant na ‘to. It is not just about circumcision, it is about faith in God and his promises. Yun ang point.

Paano tayo dapat ngayon tumugon sa covenant na ‘to?

Tulad din ni Abraham sa story. Pagkarinig niya nung unang sinabi ng Diyos sa kanya, heto ang response niya, “Pagkarinig nito'y nagpatirapa si Abram” (v. 3), bilang paggalang at pagsamba sa Diyos. Sumasamba tayo sa Diyos dahil tayo ay recipients of God’s promises, hindi para makuha yung sagot sa mga panalangin natin, kundi dahil ibinigay na ng Diyos sa atin ang katuparan ng pangako niya kay Cristo.
Nung sinabi ng Diyos na siya at si Sarah ay magkakaroon ng anak,
Muling nagpatirapa si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya'y matanda na. Nasabi niya sa sarili, “Magkakaanak pa ba ang isang lalaki na sandaang taóng gulang na? At si Sara! Maglilihi pa ba siya gayong siya'y siyamnapung taon na” (v. 17)?
Nagpatirapa ulit si Abraham nilang paggalang at pagsampalataya sa Diyos. Pero natawa siya. Kaya Isaac ang pangalan ng anak nila, ibig sabihin ay “tawa.” Sabi ng iba itong pagtawa niya ay laughter of unbelief. Sabi naman ng iba, laughter of joy. Probably unbelief nga, kasi sa sumunod na bahagi ay sinabi niya sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin” (v. 18)? Pero hindi ibig sabihin na nawalan na siya ng tiwala sa Diyos. Hindi perpekto ang faith niya, pero ayon kay Paul, “he did not weaken in faith,” unwavering yung faith niya, “he grew strong in his faith as he gave glory to God, fully convinced that God was able to do what he has promised” (Rom. 4:19-21). Pruweba? Yung sumunod niyang ginawa pagkatapos na umalis na ang Diyos. Sumunod siya sa utos ng Diyos bilang bunga ng kanyang pananampalataya sa Diyos, sa kanyang pangako, at sa kapangyarihan ng Diyos na tuparin ang kanyang pangako.
Nang araw ring iyon, ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham si Ismael at lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging ang aliping ipinanganak doon o binili. Si Abraham ay siyamnapu't siyam na taon na nang tuliin, si Ismael naman ay labingtatlo. Tinuli sila sa parehong araw, at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin (vv. 23-27).
Masakit ang pagtutuli lalo na kung wala namang anesthesia noon! Hindi madali, hindi pain-free ang pagsunod sa utos ng Diyos. It is not easy to express your commitment as a covenant member. Kapag mahirap ang pagsunod, you can say “no,” o kaya, “wait lang.” Pero si Abraham? “Nang araw ring iyon...” (v. 23); “…noon ding araw na iyon...” (v. 27). Ito ang pagsunod na inuudyukan ng pagtitiwala sa Diyos, walang pag-aalinlangan, walang pag-aatubili, sunod agad. At hindi lang si Abraham, kundi pati ang kanyang buong pamilya.
At isa ito sa naging problema ng mga Israelita sa panahon ni Moses. Hindi nila sineryoso, at napabayaan na nila ang pagtutuli as a sign of covenant membership. Si Moses, pinabayaan niya na hindi matuli ang kanyang anak (Exod. 4:25). Buong henerasyon ng mga lumaki sa disyerto sa panahon ni Moses hindi rin na-circumcised (Josh. 5:7). At yung future generation naman ng mga Judio ginagawa nga ang pagtutuli pero sa tingin nila yung physical sign na ang pinakamahalaga at akala nilang anak na sila ni Abraham at hindi mapapahamak kung circumcised sila. Pero sabi ni Paul, “Circumcision is a matter of the heart” (Rom. 2:28-29); “not all are children of Abraham” (Rom. 9:7).
Hindi ba’t yun na nga ang sabi ng Diyos sa kanila noon pa, bago pa sila pumasok sa promised land, “Circumcise the foreskin of your heart” (Deut. 10:16). Pero siyempre hindi naman nila kayang magbago ng puso sa sarili lang nila. Kaya ang pangako ng Diyos, the God Almighty!, “The Lord your God will circumcise your heart and the heart of your offspring” (Deut. 30:6). Hindi ba’t yun ang pangako niya sa New Covenant, “I will give you a new heart” (Ezek. 36:26). Hindi ba’t yun ang dulot ng ginawa ni Cristo sa krus para sa atin, he was cut off para makapasok tayo, para makalapit tayo sa Diyos, para magkaroon tayo ng bagong puso sa pamamagitan ng Espiritu.
And how do we respond? Tulad ni Abraham, by faith in God’s promises in Christ. Tulad ni Abraham, sumunod at ipahayag ang pananampalataya at kagustuhan na maging bahagi nitong covenant membership sa pamamagitan ng ano? Not by circumcision. Wala nang halaga yun sa atin ngayon. Kundi sa pamamagitan ng baptism.
Dahil sa pakikipag-isa nʼyo kay Cristo, tinuli na kayo. Ang pagtutuli na ito ay hindi pisikal kundi espiritwal – ang pag-aalis ng masasamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa kanya. Noong una, itinuring kayong mga patay ng Dios dahil sa mga kasalanan ninyo. Pero ngayon, binuhay kayo ng Dios kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang lahat ng kasalanan natin. May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan (Col. 2:11-14 ASD).
Ang baptism ay para sa lahat ng lalaki at babae na sumasampalataya kay Cristo. In baptism, we hear God’s affirming words, “Ako ay sa ‘yo. Ikaw ay sa akin.” Yung iba binabaptize din ang mga infants na anak ng mga believers tulad sa circumcision. But we believe na merong kaibahan yung pagiging bahagi ng covenant natin kay Cristo. Not by physical birth, but by spiritual birth, by faith in Christ. So, wag n’yong isipin na “child dedication” ang katumbas ng baptism. No. Mas mahalaga pa rin ang baptism, kasi yun ang inutos ng Panginoon sa atin (Matt. 28:19). So, parents, make it a goal to raise your children, teach them the gospel, pray for them, model to them what it means to be part of God’s people, and look forward to that day that your children will come to faith in Christ and be baptized.
At kung ikaw mismo ay hindi pa baptized, ano pa ang hinihintay mo? Talk to the elders of this church. Pag-usapan natin. Kung hindi ka pa member ng church, attend our membership class. Wag nating paghiwalayin ang baptism at church membership. Member ka na, pero are you a participating covenant member? O hindi? Nakalimutan mo na ba kung ano ang kahulugan ng baptism? Bagong buhay kay Cristo, you belong to God and his family. Ang buhay Cristiano ay hindi lang about communion with God, but also communion with his people. Yan ang dahilan kung bakit nagtitipon tayo to worship God. Yan ang dahilan why we take the Lord’s Supper together. Yan ang dahilan kung bakit hindi pwedeng palitan ng online meetings ang physical gathering of the church. Yan ang dahilan bakit sineseryoso at dapat natin seryosohin ang church membership.
Related Media
See more
Related Sermons
See more