Part 8 - Abraham's Hospitality and Intercession

Abraham: Faith in God's Promises  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 131 views
Notes
Transcript

Introduction

It is amazing kung ano ang magagawa ng social media tulad ng Facebook to keep us connected. Kahit hindi mo kasama physically pwede mo pa ring makita at makausap. Pero ang problema, kahit na ilang oras ka nakababad sa social media (media obese ayon kay Tony Reinke, Competing Spectacles: Treasuring Christ in the Media Age), hindi pa rin tayo nagiging mas masaya, nagiging mas malungkot at mas depressed pa nga. Totoong may positive benefits ang social media, pero pinatutunayan lang din yung mga limitations nito. Sa dinami-dami ng mga friends mo sa FB (thousands!), iilan lang sa kanila ang maituturing mo na real friends. Nandun yung longing natin for close friendships. Kaya nga hindi natin maduduplicate ang community ng church sa social media. Kailangan natin ng mga kaibigan na makikita, makakausap, mapapakinggan, mahahawakan—para maramdaman nating we belong, we are accepted, we are cared for and loved.
Yan ang church. At prayer natin na magkaroon tayo ng mga totoo at malalapit na kaibigan dito sa church. Meron mang pagkukulang ang iba, meron mang limitations sa pakikipagkaibigan natin ngayon, tandaan natin na bago yung horizontal friendship (with fellow human beings), merong mas mahalaga—yung vertical friendship (with God). Wala nang hihigit sa pakikipagkaibigan na meron tayo kay Cristo. Bilang mga tagasunod niya, yes we are servants or slaves kasi siya yung Master natin—kung ang pag-uusapan ay kung sino ang in-charge at kung paano tayo dapat magsubmit sa kanya. Pero kung closeness or intimate relationship ang pag-uusapan, itinuturing niya tayong mga kaibigan. Sabi ng Panginoong Jesus sa mga disciples niya,
Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama (John 15:15).
Ganyan din ang tawag kay Abraham: “kaibigan ng Diyos,” “a friend of God” (Jas. 2:23; tingnan din ang 2 Chr. 20:7; Isa. 41:8). Sa pagsubaybay natin sa kuwento ng buhay ni Abraham, makikita nating ito talaga ay tungkol sa relasyon niya sa Diyos. Hindi ito primarily tungkol sa pagkakaroon ng anak, ng lupa, ng kayamanan, o tanyag na pangalan. Kitang-kita natin ang malapit na relasyon niya sa Diyos—kinakausap siya ng Diyos, nagpapakita sa kanya ang Diyos, gumagawa ang Diyos ng paraan para maayos yung mga palpak na desisyon at hakbang ni Abraham. Naniwala siya sa pangako ng Diyos. Sumunod siya sa utos ng Diyos. Sumamba siya sa Diyos. Oo, may mga panahong nag-aalinlangan siya, natawa siya sa pangako ng Diyos, dinaan sa sariling diskarte o paraan. Pero dahil sa biyaya ng Diyos, nanatiling malapit na kaibigan ang turing ng Diyos sa kanya.
Biyaya lang ng Diyos kaya ngayon tayo ay may malapit na relasyon sa kanya, kung paanong natanggap din natin ang pagpapala ng Diyos as part of his covenant people dahil sa ginawa ni Cristo. Yung covenant ng Diyos kay Abraham na napag-aralan natin last week sa Genesis 17 ay gracious initiative ng Diyos, puno ng gracious promises ng Diyos, at titiyakin ng Diyos na matutupad dahil sa biyaya at kapangyarihan niya. Nabanggit ko rin last week na wala nang mas mainam pa, wala nang mas malaking pribilehiyo kaysa sa mapabilang sa covenant people ng Panginoon. Sa kabilang banda naman, wala ring mas masaklap na kalagayan kaysa manatiling nasa labas ng covenant na yun.
Sa susunod na dalawang chapters, Genesis 18-19, makikita natin ang magkaibang larawan nung dalawang realidad na yun. Pamilyar tayo sa kwento kung paano winasak ng Diyos ang Sodom at Gomorrah dahil sa tindi ng kasalanan nila. Pero bago natin tingnan next week yung bagsik ng galit ng Diyos laban sa kanyang mga kaaway, tingnan muna natin ang tamis ng pag-ibig ng Diyos sa sinumang itinuturing niyang kaibigan. So for this Sunday and the next, dapat lang na sagutin mo ang tanong na ‘to: Ikaw ba ay kaaway na maituturing ng Diyos tulad ng Sodom at Gomorrah, o kaibigan ng Diyos tulad ni Abraham? This is a more important question kesa sa tanong na may covid ka ba o wala, may vaccine ka na ba o wala.
Bilang kaibigan ng Diyos, makikita natin dito sa Genesis 18 na siya’y dinalaw ng Diyos (vv. 1-8), kinausap at pinangakuan ng Diyos (vv. 9-15), kinausap at sinabihan ng sikreto o plano ng Diyos (vv. 16-19), at sinagot ang kahilingan ni Abraham sa kanya (vv. 20-33).

Visitation and Hospitality (Gen. 18:1-8)

Unahin natin ang pagdalaw ng Diyos kay Abraham. Yun naman ang bungad ng eksenang ito, “Nagpakita si Yahweh kay Abraham” (v. 1). Tulad din ito sa chapter 17, kung saan nagpakita ang Diyos sa kanya (v. 1), at umalis pagkatapos nung pakikipag-usap niya (v. 22). Pagbalik ng Diyos, nandun si Abraham “sa may tabi ng mga sagradong puno ni Mamre.” Mainit noon at nakatambay sa may pintuan ng tolda niya (18:1). Dun pa rin siya nakatira sa Hebron (13:18). Twenty-four years na ang lumipas. Wala pang sariling lupa, wala pang permanenteng tirahan. Pero hindi yun ang pinakamahalaga sa lahat. Yung relasyon niya sa Diyos ang pinakaimportante. Aanhin mo nga naman ang lahat ng kayamanan sa mundo kung malalayo ka naman sa Diyos at mapapahamak ang iyong kaluluwa (Mark 8:36)!
Habang nakatambay si Abraham, merong surprise visitors. Parang yung dinalaw namin nitong mga nakaraang araw. Nagugulat kasi surprise. Kay Abraham tatlong lalaki ang naging bisita niya. Hindi man niya lubos na kilala yung tatlo, pero malamang ay narealize niya na meron siyang mga bisita na VIP. Kaya nga sinalubong niya agad yung mga bisita niya at “yumuko nang halos sayad sa lupa ang mukha” (v. 2). Nagpapakita ito ng humility sa part ni Abraham at paggalang naman sa mga bisita niya. Sino yung tatlong ito? Base sa v. 1 at sa kung sino ang kakausap sa kanya, yung isa ay si Yawheh (na nag-anyong tao, kaya sinasabi nung iba na ito raw ay Christophany, o isang Old Testament appearance ng Son of God), at yung dalawa naman ay mga anghel (kung titingnan ang Gen. 19:1).
Sabi ni Abraham, “Panginoon ko...” (v. 3 Ang Biblia, sa MBB, “Mga ginoo...”) Posibleng sa simula ay hindi pa niya nakilala agad na si Yahweh yun, pero appropriate naman yung mga responses niya (NET Bible study notes). Hindi man nakaschedule o nakakalendaryo sa kanya, hindi niya pwedeng palampasin yung divine appointment na yun. Kaya nga hiniling niya na huwag muna silang umalis, at tumuloy muna kina Abraham, kahit wala pa naman siyang bahay (v. 3)! At yun naman talaga ang intensyon ng Diyos.
Ang pagbisitang iyon ng Diyos ay opportunity kay Abraham para ipakita ang hospitality. Kaya sabi niya, “Diyan muna kayo lumilim sa puno, dadalhan ko kayo ng panghugas ng paa, ipaggagayak ko kayo ng pagkain, pagsisilbihan ko kayo” (vv. 4-5). Sagot naman nila, hindi “wag ka nang mag-abala,” kundi, “Sure!”
Kaya dali-daling sinabihan ni Abraham si Sarah na kumuha ng tatlong takal (22 liters!) ng harina at mag-bake ng tinapay para sa kanila. Nagkatay din si Abraham ng isang baka at ginawang roast beef sa tauhan niya, na tinernohan ng keso at gatas (vv. 6-8). Napakarami namang inihain para sa tatlong tao! Tapos si Abraham pinapanood lang sila habang kumakain. Parang piyesta para sa mga mahahalagang tao: “a banquet for royalty” (NET Bible study notes). Kitang-kita yung generosity at excitement niya sa hospitality. Tatlong beses ginamit yung “quick”: pumasok siya sa tent “quickly” (v. 6); sabi niya sa asawa niya, “quick” (v. 6); niluto ng servant niya yung baka “quickly” (v. 7).
Napakagandang halimbawa para sa atin as we show love to people important to us. Maaaring hindi naman dadalaw ang Diyos sa bahay natin tulad ni Abraham, pero may privilege tayo na paglingkuran yung mga kapatid natin kay Cristo sa ganitong paraan. Kasi importante rin sila sa atin.
Hebrews 13:1–2 CSB
Let brotherly love continue. Don’t neglect to show hospitality, for by doing this some have welcomed angels as guests without knowing it.
So, ugaliin natin ang dumalaw sa mga kapatid. Patuluyin ang mga kapatid na dumadalaw sa atin. Mag-imbita ng mga kapatid. Oo, inconvenient ‘yan. Kasi maggagayak ka pa. Paglalaanan mo ng oras. Risky din kasi meron pang pandemic. Pero meron tayong mas malaking problema—yung pride, na nagsasabing, “I am more important. My time is too important for others. You are not that important to me.” Nakakalimutan natin na dumarating din ang presensiya ng Diyos sa pamamagitan ng kapatid nating pinatuloy natin sa bahay natin. At ikaw rin ay nagsisilbing presensiya ng Diyos para sa kanila. Tandaan mong tayo rin naman ay mga dayuhan pero pinatuloy sa bahay ng Panginoon dahil sa ginawa ni Cristo. “Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos” (Rom 15:7). Welcoming others—like yung mga ushers natin—is not a burden but a privilege. You are not just blessing others, but you are also being blessed.

Promise and Unbelief (Gen. 18:9-15)

Pero siyempre, hindi naman tayo bibisita para lang magpakita o magparamdam o makikain o makipagkuwentuhan lang ng kung anu-ano. Bumibisita tayo to speak words of encouragement. At wala nang mas encouraging kaysa sa mga salita ng Diyos na dala natin para sa mga kapatid natin. Ganun din sa pagbisita ng Diyos. May sadya siya. Tinanong nila kung nasaan si Sarah, at sinabi naman ni Abraham na nasa loob ng tent (v. 9). Malamang alam naman nila kung nasaan, at malamang na gusto talaga ng Diyos na marinig ni Sarah ang sasabihin niya kay Abraham.
Sabi ng isa sa kanila, obviously Diyos yung nagsasalita dito (kaya yun ang translation sa ESV, “The LORD said…,” bagamat sa v. 13 lang talaga na-identify na si Yahweh ang nagsasalita), “Babalik ako sa isang taon, sa ganito ring panahon, at pagbalik ko’y may anak na siya” (v. 10). Naririnig din ito ni Sarah. Very specific ang promise ng Panginoon. Hindi lang tulad dati na magkakaroon sila ng anak, heto specific na yung petsa (isang taon eksakto). We don’t usually make promises na ganito ka-specific, maliban na lang kung may pipirmahang kontrata. Pero ito ay nagpapakita ng sovereign power ng Diyos na magagawa niya ang gusto niyang gawin sa panahong itinakda niya at sa paraang itinakda niya.
Obviously, kapag dadalaw tayo sa mga kapatid nating hindi pa magkaanak hindi tayo pwedeng magbitaw ng ganitong garantiya in our attempt to encourage them. “Wag kayong malungkot. Next year, bibigyan na kayo ni Lord ng anak.” Ha? Positive, wishful thinking na wala namang basehan. We don’t know the future. We don’t hold the future. We cannot make the impossible possible. Imposible kasi matanda na sina Abraham (99) at Sarah (89). Sobrang lagpas na sa menopause na si Sarah (v. 11). Sinabi na rin ito ng Diyos kay Abraham sa last chapter (17:16). Pero dito meron nang timetable. At dahil obviously impossible, natawa si Abraham noon. Dito si Sarah natawa rin. Palihim pa siyang natawa at sinabi sa sarili, “Matanda na ako. Matanda ang asawa ko. Magkakaanak pa ba kami? Masisiyahan pa ba kami sa pakikipagtalik” (v. 12)?
Pero meron bang malilihim sa Diyos? Wala. Kaya sabi ng Diyos kay Abraham, “Bakit natawa si Sarah” (v. 13)? He’s not looking for explanation or justification. This is a question of rebuke dahil sa hina ng pagtitiwala niya sa Diyos. Hindi niya nakikita si Sarah, pero alam niya ang reaksyon ni Sarah. Ito, ayon kay Wenham (Genesis 16-50), ay nagpapatunay nang kanyang pagiging Diyos at gumagarantiya na mangyayari ang sinabi niyang mensahe. Na inulit niya para marinig ulit ni Sarah for the second time, “Tulad ng sinabi ko, babalik ako sa isang taon at pagbalik ko’y may anak na siya” (v. 14). Ibig sabihin, in three months, magsisiping ang mag-asawa, mabubuntis na si Sarah, at pagkaraan ng siyam na buwan ay manganganak. Natural na napakaimposible nitong mangyari. At ganyan naman ang pangako ng Diyos in the gospel, parang imposible na magawan ng paraan para tayo maibalik sa tamang relasyon sa Diyos.
Sa tao, oo. Pero sa Diyos, walang imposible! Sa kanya na sa isang salita lang ay nalikha ang lahat ay kaya ring sa isang salita lang niya ay magkaroon ng anak si Sarah. Kaya nga sabi ng Panginoon, confronting them, “Mayroon bang mahirap para kay Yahweh” (v. 14)? “Is anything too hard for the LORD?” Galing ito sa salitang pele: “wonder, miraclee, act of God” ang ibig sabihin. Ang himala o kamangha-manghang bagay ay hindi kayang gawin ng tao. It is an act of God. Prayer ni Jeremiah, “Panginoong Yahweh, nilikha mo ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan. Walang bagay na mahirap para sa iyo” (Jer. 32:17). Sagot ng Diyos, “Ako si Yahweh, ang Diyos ng lahat ng tao; walang bagay na mahirap para sa akin” (v. 27).
“Is anything too hard for the LORD?” That is the question around which this confrontation revolves. It is an open question, one that waits for an answer. It is the question which surfaces everywhere in the Bible. We must say it is the fundamental question every human person must answer. And how it is answered determines everything else.
If the question of the Lord is answered, “Yes, some things are too hard, impossible for God,” then God is not yet confessed as God. We have not conceded radical freedom to God. We have determined to live in a closed universe where things are stable, reliable, and hopeless. If, on the other hand, the question is answered, “No, nothing is impossible for God,” that is an answer which so accepts God’s freedom that the self and the world are fully entrusted to God and to no other. The question must not be given this answer lightly or easily. The way the story hopes we will answer is to yield utterly to this gracious one, to let the initiative for our lives flow from our hands (Bruegemann, Genesis).
Naniniwala ka ba na walang imposible sa Diyos? Sa takdang panahon, ipinanganak si Isaac (Gen. 21:1-7). Sa takdang panahon, dumating si Cristo para iligtas tayo (Gal. 4:4). Sa takdang panahon, ibinukas ng Diyos ang mata natin nang marinig natin ang ebanghelyo para makita natin ang kaningningan ng kagandahan ni Cristo (2 Cor. 4:4, 6). Hindi man natin alam kung anong petsa eksaktong babalik si Jesus para ayusin ang lahat, pero meron tayong katiyakan na tutuparin ng Diyos ang lahat ng kanyang pangako sa panahon at paraang itinakda niya. “Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, o magbabago ng kanyang isip. Nagsasabi ba siya ng hindi niya ginagawa? Nangangako ba siya ng hindi niya tinutupad” (Num. 23:19 ASD)?
Hindi katulad ni Sarah, na dahil sa takot ay nagsinungaling, “Hindi po ako tumawa.” Ngunit sabi ng Diyos, “Tumawa ka talaga” (v. 15 ASD). This is a mild rebuke. Totoong rebuke, pero gentle rebuke. Alam naman ng Diyos na hindi buo ang tiwala natin sa kanya. Alam ng Diyos ang mga kahinaan natin. Pero wala tayong dapat ikatakot. Walang dapat ikatakot si Sarah, ang asawa niya ay kaibigan ng Diyos!
Kumusta ka na? Parang imposible bang magbago ang sitwasyon mo ngayon kaya nagdududa ka na sa kapangyarihan at kabutihan ng Diyos? Meron bang mahirap sa Diyos? Imposible bang maligtas ang mga kapamilya mo na hanggang ngayon ay malayo sa Diyos. “With man this is impossible. But with God all things are possible” (Matt. 19:26). At kung may dumalaw man sa bahay n’yo at mangumusta, wag mo lang isagot, “Mabuti naman. God is good.” Aminin mo kung ano ang pinagdadaanan mo. Don’t deny. Don’t lie. Wala kang dapat ikatakot sa mga kapatid mo kay Cristo. Okay?

Revelation and Response (Gen. 18:16-19)

Ang Diyos nga, kahit yung mga lihim na plano niya hindi niya ipinagkait kay Abraham na sabihin, kahit wala naman siyang obligasyong sabihin yun. Ganun ang mga itinuturing ng Diyos na kaibigan. Umalis na yung mga lalaking bisita ni Abraham (malamang yung dalawa lang, hindi tulad sa salin ng MBB at ASD na tatlong lalaki ang umalis, kasi naiwan pa si Yahweh at nakipag-usap pa kay Abraham), ito yung dalawang anghel na pupunta sa Sodom (19:1). Heto ang sabi ng Diyos, na malamang ay para marinig ni Abraham,
“Ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin; yamang si Abraham ay magiging isang dakila at makapangyarihang bansa, at ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain sa pamamagitan niya? Hindi, sapagkat siya'y aking pinili upang kanyang tagubilinan ang kanyang mga anak at sambahayan pagkamatay niya, na maingatan ang daan ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng kabanalan at kahatulan; upang maibigay ng Panginoon kay Abraham ang ipinangako niya sa kanya.” (vv. 17-19 Ang Biblia)
Hindi lahat ng balak mo ay sinasabi mo sa lahat ng tao, hindi lahat pinopost sa social media. Merong mga bagay tungkol sa ‘yo na close friends mo lang ang sinasabihan mo. Ganyan kalapit ang relasyon ng Diyos kay Abraham. Ganyan din ang turing ng Diyos sa mga lingkod niyang propeta, gaya ng sinasabi sa Amos 3:7. Hindi rin lahat ay nakarinig ng “special revelation” ng Panginoon. Tinanggap ito ni Abraham dahil pinili siya ng Diyos (Gen. 18:19). “Chosen,” pero literally ay “known,” at tulad ng pagkagamit nito sa Amos 3:2, tumutukoy ito sa katayuan ni Abraham na merong special covenant relationship with Yahweh (NET). Ang pagpili ng Diyos kay Abraham ay dahil lang sa biyaya ng Diyos, tulad ng pagkapili din sa atin ng Diyos, dahil lang sa sovereign grace ng Panginoon (Eph. 1:3-5).
At may layunin ang Diyos kung bakit niya ipinahayag sa atin ang mga plano niya, “making known to us the mystery of his will, according to his purpose, which he set forth in Christ as a plan for the fullness of time” (Eph. 1:9-10). Tulad din ng kay Abraham, ayon sa v. 19, para maturuan ang kanyang mga anak at sinuman sa kanyang pamilya na sumunod sa Panginoon, “by doing righteousness and justice.” Ito yung relihiyon na hindi lang puro salita, hindi lang pasimba-simba at Bible study palagi. Ito yung relihiyon na may gawa, may aksyon para matulungan ang ibang tao na maayos ang relasyon sa Diyos at sa kapwa-tao.
In a sense, sinasabi ng Diyos dito sa v. 19 na conditional ang katuparan ng pangako ng Diyos sa pagsunod ni Abraham in response to his promise. Nakita rin natin ‘yan sa chapter 17. Pero hindi ito nag-iindicate na ang kaligtasan natin ay nakasalalay sa paggawa natin ng mabuti. Ito ay nagtuturo rin sa atin na dahil sa ginawa ni Cristo, na siyang tumupad sa kautusan para sa atin, tinanggap natin ang mga pangako ng Diyos. At hindi lang ito para sa atin. Kundi para rin sa pamilya natin. Paalala ito sa ating mga tatay, especially ngayong Father’s Day. May tungkulin tayo bilang mga kaibigan ng Diyos na ilapit ang mga anak natin sa Panginoon. Huwag nating ipaubaya lang ito sa mga nanay. Fathers, let us take charge in teaching our children about the ways of God. Huwag lang din natin itong ipaubaya sa Children’s Ministry. Tumutulong sila, but they cannot replace the crucial role of fathers sa pagdidisciple sa mga anak.
Ganyan din ang gagawin ng bawat isa sa atin as we disciple one another sa church. Kung ano ang napakinggan natin sa Diyos—sa Bible reading, sa mga books, sa mga sermons—ibabahagi din natin sa iba. Pinagpala ka ng salita at presensiya ng Diyos. Nais din ng Diyos na maging pagpapala ka sa iba—ibahagi mo ang salita ng Diyos at ipadama mo sa pamamagitan ng buhay mo ang presensiya ng Diyos. Sabi nga ng kaibigan kong si Pastor Franco Ferrer about discipleship, “Share the gospel. Share your life.”
Pinagpala ng Diyos si Abraham para siya rin ay maging pagpapala sa iba. Pangako niya ‘yan sa Gen. 12:2-3. Sinabi ng Diyos na matutupad ‘yan dito sa 18:18, “seeing that Abraham shall surely become a great and mighty nation, and all the nations of the earth shall be blessed in him.” Hindi lang para maging pagpapala sa sarili niyang pamilya, sa magiging sariling niyang lahi o bansa. But all the nations of the earth!
Kung ganun, paano kaya siya tutugon sa sasabihin ng Diyos na plano niyang gawin sa Sodom at Gomorrah?

Justice and Intercession (Gen. 18:20-33)

“Katakut-takot na ang sumbong sa akin laban sa Sodoma at Gomorra, at napakalaki ng kanilang kasalanan. Kaya't bababâ ako roon at aalamin ko kung totoo o hindi ang paratang laban sa kanila” (vv. 20-21). Itong kalagayan ng Sodom at Gomorrah ay nagkaroon na ng preview sa Gen. 13:13, “Now the men of Sodom were wicked, great sinners against the LORD.” Pwede bang palampasin ng Diyos ang kasalanan nila? Makikita natin sa chapter 19 ang sasapitin nila sa bigat ng hatol ng Diyos. Kung tutuusin, hindi na naman kailangang may magsumbong sa Diyos tungkol sa kasalanan nila. Alam naman yun ng Diyos. Hindi naman kailangang mag-imbistiga pa dun ang Diyos o ipadala ang mga anghel niya para mangalap ng ebidensiya. Bagamat pinauna na ng Diyos ang dalawang anghel papunta sa Sodom (v. 22). Alam naman yun ng Diyos. Pero itong mga talatang ito ay nagpapakita na matuwid ang Diyos kung humatol. Maingat ang Diyos bago maggawad ng sintensya.
Alam naman natin ang biyaya ng Diyos. Bagamat makasalanan tayo, naranasan natin ang yaman ng awa ng Diyos dahil kay Cristo. Yes, we rejoice and celebrate because of that. Pero alam din natin ang sasapitin ng mga taong hanggang ngayon ay wala kay Cristo. Ang poot ng Diyos ay nanatili sa kanila (John 3:36). Anong gagawin mo? Hindi pwedeng wala. That is why we share the gospel. That is why we pray for them.
Tulad ng tamang response ni Abraham na siyang dapat din nating tularan. Nanalangin siya. Namagitan siya para sa mga taga-Sodom. Hindi lang para kay Lot at sa pamilya niya na nakatira dun. Hindi naman niya binanggit yun sa prayer niya. He was concerned for the whole city (Wenham, Genesis 16-50). Umapela siya sa hustisya ng Diyos:
Lilipulin po ba ninyo ang lahat ng tao, ang mabubuti kasama ng masasama? Sakali pong may limampung mabubuting tao sa lunsod, wawasakin pa rin ba ninyo iyon? Hindi po ba ninyo patatawarin ang lunsod alang-alang sa limampung iyon? Naniniwala po akong hindi ninyo idaramay ang mabubuti. Hindi ninyo gagawin iyon sapagkat kung ganito ang mangyayari, parehong magdurusa ang masama at ang mabuti. Hindi ninyo magagawa iyon! Makatarungan ang Hukom ng buong daigdig (vv. 23-25)!
Batay sa katangian ng Diyos as righteous judge ang panalangin ni Abraham.
Deuteronomy 32:4 ESV
“The Rock, his work is perfect, for all his ways are justice. A God of faithfulness and without iniquity, just and upright is he.
Sumagot naman ang Diyos sa hiling ni Abraham. “Sige, alang-alang sa 50 matuwid, hindi ko wawasakin ang lungsod” (v. 26). Take note, this is not just justice, this is also mercy! Hindi sinabi ng Diyos na, “Sige, yung 50 ililigtas ko, pero yung natitira papatayin ko.” Sabi niya, maliligtas ang lahat for the sake of the righteous! Kaya naman sinabi ni Abraham na “mapangahas” yung prayer niya (v. 27). Yes, merong boldness, pero meron ding humility, “ako’y isang hamak na tao lamang” (ESV, “I am but dust and ashes”). Binaba na ni Abraham yung bilang, baka nga naman kapusin! Paano kung 45? Ganun din sagot ng Diyos (v. 28). Paano kung 40? Ganun din (v. 29). E kung 30 lang? O kung 20? O kung 10? Ganun pa rin ang sagot ng Diyos. For the sake of righteous, maliligtas ang lahat (vv. 30-32). Dun na natapos ang usapan ng Diyos at ng kaibigan niyang si Abraham (v. 33).
Sa susunod na chapter titingnan natin kung meron bang sampung matuwid, o kahit isa man lang! At kung paano tumugon ang Diyos sa prayer ni Abraham. Pero at this point, kita natin kung gaano kalapit ang relasyon ng Diyos sa kanya. Nagpapakita, bumibisita, nangangako, sumasagot sa kahilingan. Matuwid siya, makatarungan siya, maawain siya. Isipin mo, hindi tayo pinarusahan ng Diyos. Naligtas tayo hindi dahil isa tayo sa mga matuwid, but because we belong to Jesus the Righteous One. At dahil diyan kaya tayo nananalangin din, hindi lang para sa sarili nating pamilya o sa church natin na iligtas tayo sa covid o anumang sakit o anumang kapahamakan. That is why we pray for our nation and for the nations—para mailigtas sila sa paparating na parusa, na higit pa sa pandemic. At tayong mga tatay at mga kalalakihan ang dapat manguna sa panalanging ito. We are to be the most prayerful intercessors sa church (1 Tim. 2:8).
Dahil kung nauunawaan natin at nararanasan natin na ang Diyos ay lumalapit sa atin at nagpapakilala sa atin as promise-keeper and righteous judge, hindi ba’t dapat tumugon tayo ng may pagpapakumbaba, pagtitiwala sa Diyos, at pag-ibig sa ibang tao? Hindi ba’t mas maipapakita natin yun kapag ibinabahagi natin ang salita ng Diyos sa iba at ipinapanalangin silang makilala si Jesus na nag-iisang Tagapagligtas? Oo nga’t tumanggap na tayo ng pagpapala ng Diyos dahil kay Cristo, pero para sa napakarami pang hiwalay kay Cristo, a terrible day of judgment is coming. At ‘yan ang pag-aaralan natin next week sa Genesis 19.
Related Media
See more
Related Sermons
See more