Part 10 - Abraham and Abimelech

Abraham: Faith in God's Promises  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 183 views
Notes
Transcript

When You Failed Again…and Again

No matter how long ka na na Christian, nagkakasala ka pa rin. Meron pa nga tayong tinatawag na mga habitual sins. Minsan akala mo nagtagumpay ka na kasi matagal mo nang hindi nagagawa, pero dahil sa pressure o stress, bumalik na naman! Buhay pa pala yung kasalanan na yun sa puso mo.
Akala mo dahil matagal ka nang Christian, marami ka nang sermon na napakinggan, marami nang memorized verses, marami nang karanasan sa buhay Cristiano, marami nang pagsubok na napagdaanan, marami nang promises ng Diyos ang pinanghawakan, marami nang nagawa para sa Panginoon, akala mo okay na. Wag kang kasisiguro (1 Cor 10:12). Minsan kasunod ng spiritual high na experience ang isang pagbagsak naman ng pagtitiwala sa Diyos.
Habang binabasa natin ang story sa Genesis 20, malamang nasa isip mo, “Teka, parang napanood ko na ‘to a?” Kung magkaibang movie, parang ginaya lang ang kuwento, walang originality. Pareho ng characterization. Pareho ng plot. Pareho ng twist. Pareho resolusyon. Pero bahagi ito ng real-life story ni Abraham. Yung isa sa bandang simula ng promise ng Panginoon, Gen. 12:10-20. Ito naman malapit na sa fulfillment ng promise niya na magkakaroon sila ng anak. Nagka-aberya pa.
Almost 25 years na si Abraham sa promised land. Nung simula ng paglipat nila sa lugar na ‘to, nagkaroon ng taggutom. Pumunta si Abraham sa Egypt. Dahil sa takot niya, pinasabi niya kay Sarah na ipakilala siya bilang kapatid at hindi asawa. Ayun, nakunsunudahan tuloy si Sarah ng hari ng Egipto at kinuha siyang dagdag sa mga asawa nito. Pero nagpadala ang Diyos na salot para maibalik si Sarah kay Abraham. Pinagalitan ng hari si Abraham. Wala siyang naisagot. As a result of that, naging mayaman pa si Abraham at pinagpala siya ng Diyos. Not because of what he has done, but in spite of what he has done. Biyaya ng Diyos.
Sa paglipas ng mahabang panahon, bagamat wala pa rin silang anak ni Sarah (pero malapit na! isang chapter na lang!), ilang beses nagpakita ang Diyos kay Abraham, inulit-ulit at kinumpirma ang mga pangako niya, pinatunayan ang kapangyarihan ng Diyos, naranasan ang provision at protection ng Diyos sa kanya. At sa chapter 18, after 24 years of waiting, sinabi na ng Diyos yung timetable kung kelan sila magkakaanak. Exactly one year pagkatapos ng pagbisita ng Diyos sa kanila. Meron lang konting intermission sa story, yung tungkol sa paghatol ng Diyos sa Sodom at Gomorrah at pagliligtas naman kay Lot dahil kay Abraham (chap. 19).

Abraham Messed Up…Again (Gen. 20:1-2)

Pagkatapos masaksihan ni Abraham ang apoy ng galit ng Diyos sa pagwasak sa Sodom, umalis na siya sa matagal nilang tinitirhan sa Mamre sa may Hebron (20:1). Nagpunta siya sa lupain ng Negev, madisyertong lugar ito sa southern part ng Canaan, papuntang Egypt. Dito rin siya dumaan nung nagkaroon ng famine 24 yrs ago. Di nagtagal, nanirahan siya pansamantala sa bayan ng Gerar. Walang sinabing dahilan kung bakit siya lumipat dun.
Pero kahit na may change of scenery, meron pa ring hindi nagbabago sa puso ni Abraham. So wag mong lilinlangin ang sarili mo na komo nagpalit ka na ng trabaho, o nagpalit ka na Facebook profile ay maiiwasan mo na ang kasalanang dati mo pa nilalabanan. Puso natin ang unang kailangang baguhin. Bagamat lumalim na ang pagkakilala ni Abraham sa Diyos, magpapakilala pa ang Diyos sa kanya. Bagamat growing in maturity ang faith ni Abraham, meron pa ring unbelief sa heart niya. Bagamat pambihira yung mga acts of obedience na nasaksihan na natin sa buhay niya, meron pa ring pagkakasala. Bagamat nagiging devoted siya sa pagsamba sa Diyos, meron pa ring natitirang idols sa heart niya. At ganyan na ganyan din ang kalagayan ng bawat isa sa atin, kahit 15 or 50 years ka na sa pananampalataya. Hindi darating ang panahon habang nandito ka sa mundong ito na you are beyond the need of God’s grace, sabi nga ni Jerry Bridges.
Kailangan ni Abraham ang biyaya ng Diyos sa Hebron. Kailangan niya rin ang biyayang iyon pagtuntong niya sa Gerar. Dating gawi, ang sabi na naman niya sa mga tao roon kapag may nakakakita kay Sarah, 89 years old na pero attractive pa rin pwedeng ang physical appearance o personality, “Kapatid ko ‘yan!” (v. 2). Mamaya sa story ipapaliwanag niya na totoo namang kapatid niya si Sarah, half-sister, kapatid sa ama, pero magkaiba ang nanay nila (v. 12). Pero half-truth din yun, kasi asawa niya si Sarah na pinagtakpan niya. Ibig sabihin, kasinungalingan. At hindi lang ito basta nabigla siya o nataranta kaya nakapagsinungaling. Eto na talaga ang napagkasunduan nilang strategy noon pa, “Mahal kong asawa, kung mahal mo rin ako, sabihin mo sa mga magtatanong kahit saan tayo magpunta na magkapatid tayo” (v. 13).
Natakot na naman siya. Hindi na naman siya nagtiwala sa Panginoon. Iniligay na naman niya sa kamay niya ang buhay niya at ng kanyang asawa. Sariling diskarte na naman. Na naman. Paulit-ulit. Brutally honest ang Bible sa presentation ng mga characters nito. Kahit isa si Abraham sa mga heroes of faith, evident din yung kanyang fears and failures. In a way nagse-serve ito na warning para sa atin. Kasi kung ang mga desisyon natin ay out of fear, hindi by faith in God, disregarding his promises to provide for us and to protect us, wag tayong aasa na maganda ang mangyayari. Anong nangyari? Hindi pa ba nadala si Abraham sa Egypt? Dito sa Gerar ganun din, hari na naman ang nagkagusto kay Sarah. Abimelech ang pangalan, ibig sabihin, “my father is king.” Pang-royalty talaga ang beauty nito, “princess” nga ibig sabihin ng pangalan niya. Kinuha si Sarah para idagdag din sa koleksyon ng asawa ng hari, yun kasi ang uso noon sa mga hari.
Warning yan sa consequences ng pagsisinungaling—sa trabaho, sa asawa, o sa mga kasama sa church. Akala mo for your own good, pero ikapapahamak mo pala. Marami ang namamatay sa maling akala. E paano matutupad ang pangako ng Diyos na magkakaanak sila kung mapupunta naman sa kamay ng ibang lalaki ang asawa niya? Pero salita yun ng Diyos, hindi mababali, hindi pwedeng sumira ang Diyos sa covenant niya kay Abraham. “If we are faithless, he remains faithful—for he cannot deny himself” (2 Tim. 2:13). Hallelujah.
So this story is also comforting and encouraging sa lahat sa atin na paulit-ulit na nagkakasala. Nagpromise ka na hindi ka na titingin sa pornographic website, pero after 24 hrs lang, kinain mo ang sarili mong salita. Nanindigan ka na tatapusin mo na ang maling relasyon, pero isa o dalawang buwan lang ang lumipas—nung nalungkot ka at nagkagalit kayo ng asawa mo—balik ka na naman sa kasalanan. Bakit ko nasabing encouraging? Hindi para magpatuloy ka sa kasalanan. Pero para hindi ka mag-give up, at sabihing wala ka nang pag-asang magbago at imposible nang matupad ang layunin ng Diyos para sa ‘yo at sa gawain ng paglilingkod na inihanda niya para sa ‘yo sa church. Hindi pa tapos ang Diyos sa ‘yo at sa pamilya mo. May gagawin siya, may ginagawa siya. Kahit sa mga panahong ayaw mo pang aminin o talikuran ang kasalanan mo. Hindi sisirain ng Diyos ang pangako niya sa ‘yo na nakay Cristo. “For all the promises of God find their Yes in him” (2 Cor. 1:20).
Paano ipinakita o pinatunayang muli ng Diyos yung faithfulness niya?

God confronts Abimelech (Gen. 20:3-7)

Interestingly, hindi si Abraham ang kinausap ng Diyos. Hindi niya sinabi kay Abraham, “Ano ka ba naman? Hindi ka na natuto? Sumasakit na ang ulo ko sa ‘yo!” Instead, si Abimelech ang kinausap ng Diyos. Hindi face to face, pero sa pamamagitan ng isang panaginip. God is sovereign, siya ang nagdedesisyon kung sino ang bibigyan niya ng kanyang special revelation. Heto ang sabi niya sa hari, “You are a dead man! Ang babaeng kinuha mo ay may asawa na” (v. 3). At kung may mangyari sa kanila, adultery yun. Bagamat wala pa yung formal na law about adultery na eventually ay ibibigay ng Diyos sa Ten Commandments, yun ay natural law na. Ibig sabihin, kahit mga lahing hindi nakatanggap ng special revelation, alam na kasalanan yun. At ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Rom. 6:23).
Buti na lang, kahit posibleng ilang araw o ilang buwan na rin ang lumipas, hindi pa nagagalaw ni Abimelech si Sarah (v. 4). Malinaw yun sa story, hindi tulad sa Gen. 12 na hindi klaro kung ginalaw ng hari ng Egypt si Sarah o hindi. Pero at this point importanteng linawin kasi sa chapter 21, mabubuntis na si Sarah at manganganak. Mahalagang malaman na si Abraham ang tatay at walang duda!
Sa warning ng Diyos sa kanya, sumagot si Abimelech, “Panginoon [nandun yung pagkilala niya sa Diyos], papatayin ba ninyo ako at ang aking bayan na wala namang kasalanan? Kapatid ang pakilala ni Abraham kay Sara, at gayundin naman ang pakilala nito kay Abraham. Ginawa ko po ito na malinis ang aking hangarin, kaya wala akong kasalanan” (vv. 4-5 MBB). Ang kasalanan ng pinuno ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa pinamumunuan niya. Alam ni Abimelech yun. Alam din niya na makatarungan ang Diyos at hindi niya paparusahan ang walang kasalanan, tulad ng apela ni Abraham para sa Sodom sa chap. 18, “Shall not the Judge of all the earth do what is just” (18:25)?
Hindi naman ibig sabihin na wala talagang kasalanan si Abimelech at si Abraham ang dapat sisihin, pati na rin si Sarah. Ignorance of the law is not an excuse. Hindi natin pwedeng basta-basta ilipat yung blame sa iba. Wala naman talagang merong malinis na puso—clean hands, pure hearts—na makakalapit sa Diyos (Psa. 24:3-4). Pinatawad ng Diyos ang ginawa niya at hindi siya namatay agad dahil sa biyaya at awa ng Diyos. Kaya ang sagot ng Diyos sa kanya,
Genesis 20:6–7 (ESV)
“Yes, I know that you have done this in the integrity of your heart, and it was I who kept you from sinning against me. Therefore I did not let you touch her. Now then, return the man’s wife, for he is a prophet, so that he will pray for you, and you shall live. But if you do not return her, know that you shall surely die, you and all who are yours.”
Sa mga salitang ito ng Diyos, merong tatlong bagay na ipinahayag ang Diyos sa kanya. Una, tungkol sa kanyang sarili. Bagamat wala ngang kasalanan si Abimelech sa isyung ito, pero wala sa kanya ang credit for that. Sinabi ng Diyos, “It was I who kept you from sinning against me.” Hindi pa niya nagalaw si Sarah dahil sa restraining grace ng Panginoon. Wala tayong maipagmamalaki sa Diyos. Kapag nagkasala tayo, ipinapakita nito na kailangan natin ng biyaya ng Diyos. Kapag nakaiwas naman tayo sa kasalanan, ipinapakita nito ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa buhay natin. Sola gratia, all of grace, for soli Deo gloria, all glory to God alone. Biyaya ng Diyos ang kailangan natin sa paglaban sa kasalanan, hindi sariling pagsisikap o diskarte.
Ikalawa, tungkol naman kay Abraham. “He is a prophet.” First time ginamit ang salitang “prophet” sa Bible. Bagamat hindi naman tulad si Abraham ng mga prophets sa Old Testament, nagpapakita ito ng special appointment na ibinigay ng Diyos sa kanya. Siya ang tumatanggap ng salita ng Diyos, siya rin ang nagdadala ng salitang ito sa iba. Tulad din ng isang priest, meron siyang mediatorial role para makarating ang blessing ng Diyos sa iba. Bagamat hindi blessing ang dinala ni Abraham, nananatili pa rin ang layunin ng Diyos para kay Abraham. Bagamat nagkasala si Abraham kay Abimelech, kailangan pa rin ni Abimelech si Abraham para ipagpray sila para hindi sila mapahamak.
Ikatlo, merong kailangang gawin si Abimelech in response. “Isoli mo ang asawa ni Abraham. Kung hindi, siguradong mamamatay ka, pati ang mga nasasakupan mo.” Kapag nagsalita ang Diyos at talagang nakikinig tayo, hindi pwedeng wala tayong gagawin in response. Narinig natin ang bad news—makasalanan tayo, patay tayo. Narinig din natin ang good news—dahil kay Cristo at sa ginawa niya, mabubuhay tayo. We respond to that revelation—by faith, repentance, and obedience. How are you going to respond to God’s Word? Paano nagrespond si Abimelech?

Abimelech confronts Abraham (Gen. 20:8-13)

Maagang bumangon si Abimelech (v. 8). Hindi tulad ng iba na tanghali na nasa higaan pa, kailangang magtrabaho, kailangang pumunta sa church, ayaw pang bumangon! Si Abimelech, merong prompt obedience, walang delay. Makikita rin natin ‘yan kay Abraham sa Genesis 22. Pero sa story na ‘to, bad example si Abraham, si Abimelech pa ang good example. Sinabi niya sa mga tauhan niya yung sinabi ng Diyos sa kanya. “Labis silang natakot” (v. 8 ASD). Ironic, sila pa ang may takot sa Diyos, at dahil sa takot ay sumunod sa Diyos. Pero si Abraham, dahil sa takot sa tao ay sumuway sa kalooban ng Diyos.
Ipinatawag ni Abimelech si Abraham, saka sinabon, “Bakit mo ginawa ito? Ano bang kasalanan ko at dinalhan mo ng kapahamakang ito ang aking kaharian? Hindi tama ang ginawa mo! Ano bang pumasok diyan sa isip mo at ginawa mo ang bagay na ito” (vv. 9-10 MBB)? Baligtad na naman, si Abraham na siyang “propeta” ng Diyos ang dapat magdala ng salita ng Diyos sa ibang tao, ipakita ang kasalanan nila at kung paano sila mapagpapala ng Diyos. Pero kasinungalingan ang dala niya, kapahamakan ang dala niya. Si Abimelech pa ang parang propeta ng Diyos na nagsabi kay Abraham na hindi tama ang ginawa niya. Sa halip na tayong mga Christians ang maging magandang halimbawa sa mga non-Christians, dinudungisan natin ang testimony natin sa pamamagitan ng masama nating ugali. Minsan meron akong nanay na nakausap tungkol sa anak niya na may nanliligaw na non-Christian. Sabi niya, “Mabait naman siya. Hindi tulad ng ibang lalaki sa church.” Ouch.
Siyempre naman, nagkakasala pa tayo. Hindi pa tayo perfect. Nagagawa pa rin natin yung mga kasalanan tulad ng mga non-Christians. Hindi natin kailangang pagtakpan. Kailangang aminin ang nagawang kasalanan. We don’t give witness to our moral perfections, we give witness to the grace of God forgiving us and transforming us, sa kabila ng mga imperfections, failures and unfaithfulness natin.
Si Abraham may opportunity to confess and ask for forgiveness. Sa harap ng hari ng Egypt sa Gen. 12, walang nakarecord na sinabi niya in response. Dito naman ay may paliwanag siya, but it falls short of true repentance. Meron siyang maling akala sa mga tao doon, “Ang akala ko po'y walang takot sa Diyos ang mga tagarito, at nangangamba akong baka patayin nila ako para makuha ang aking asawa” (20:11 MBB). Mali ang akala niya. Sa Sodom umaasa pa siya na merong matuwid doon, dito sa Gerar sobrang negatibo naman ang inisip niya. Napahiya pa nga siya na para bang mas may takot sa Diyos ang mga tao doon. Natakot siyang baka siya patayin, e siya pa nga ang muntik nang maging dahilan para mamatay ang mga tao doon. Meron pa siyang justification sa kasinungalingan niya, “Ang totoo po'y kapatid ko siya sa ama at napangasawa ko siya” (v. 12). Totoo naman ang sinabi ko sa inyo, hindi ko nga lang sinabi ang buong katotohahan. Sinabi din niya na ganun ang napagkasunduan nilang diskarte noon pa (v. 13). But that is unloving, manipulative, abusive sa authority na meron siya, selfish at higit sa lahat, nagpapakita ng kakulangan ng tiwala niya sa Diyos.
Paulit-ulit sa story ni Abraham na ipinapaalala sa atin na bagamat maituturing siyang isa sa mga heroes of faith, siya pa rin ay imperfect hero of faith. Pinagpala siya ng Diyos, dahil ba deserving siya? No! Deserving rin siya ng judgment ng Panginoon tulad ng nasaksihan niyang parusa ng Diyos sa Sodom. Tayo rin naman, paulit-ulit na nakakagawa ng kasalanan, deserving ng judgment ng Panginoon. At kung wala ka kay Cristo, nakakatakot ang sasapitin mo. Pero kung nakay Cristo ka, parusa at galit ba ng Diyos ang nararanasan mo araw-araw? Totoong may consequences ang kasalanan. Kapag adik ka sa yosi, sakit sa baga. Kapag adultery, masisira ang pamilya mo. Pero ano ang naranasan ni Abraham sa dulo ng kuwento?

Abimelech blessed Abraham (Gen. 20:14-16)

Tulad ng sabi ng Diyos, ibinalik ni Abimelech si Sarah kay Abraham (v. 14). Pwedeng magalit ang hari sa kanya, pwedeng pagbayarin mo ng danyos-perwiso (damages) yung nakaperwisyo sa ‘yo. Pero akalain mo nga naman, binigyan pa niya ng mga tupa, mga baka at mga dagdag na tauhan si Abraham (v. 14)! Inalok pa niya na doon tumira sa kanila, “Kung saan mo gusto,” sabi niya (v. 15). Kay Sarah naman sabi niya, “Bibigyan ko ang kapatid mo (take note, sarcasm) ng 1,000 pirasong pilak bilang katibayan sa lahat ng kasamahan ninyo na hindi kita nagalaw at para hindi sila mag-isip na nakagawa ka ng masama” (v. 16). Generous kay Abraham, protective para kay Sarah. Sa halip na paghigantihan ng masama ang masamang ginawa sa kanya, mabuti ang ginanti niya. Napakagandang reflection at reminder kay Abraham kung gaano kabuti, ka-gracious, at ka-generous ang Diyos sa kanya na undeserving, kahit sa mga panahong siya’y naging unbelieving and unfaithful. At ganyan din natin dapat gantihan ang mga taong nagkakasala sa atin—ganting mabuti, hindi masama.
Yumaman si Abraham, naging prosperous siya. Kahit na dalawang beses niyang ipinamigay ang asawa niya. Gusto mong yumaman? Alam mo na ang gagawin mo! Hindi yun dahil sa ginawa ni Abraham, but in spite of that. Dahil yun sa pangako ng Diyos. Kasama ‘yan sa blessings ng Diyos na ipinangako niya kay Abraham. Itinuturo ba nito sa atin na angkinin din natin ang health and prosperity dahil sa Abrahamic covenant? Pwedeng yayaman ang iba sa inyo. Pwedeng ang iba naman ay hindi, sakto lang. Ang iba naman ay daranas ng paghihirap. Hindi ito nakadepende kung mas faithful ka sa Diyos o hindi. Ito ay dahil sa katapatan ng Panginoon. At hindi naman ibig sabihin na kapag naghirap ka hindi na faithful ang Panginoon, hindi ka na blessed. If you are in Christ, you have received every spiritual blessing in the heavenly places (Eph. 1:3). Biyaya yun ng Diyos, higit pa sa mga kayamanan sa mundong ito.
Paano mo tinanggap? Dahil kay Cristo. Siya ang fulfillment ng Abrahamic Covenant. He is far far greater than Abraham, ang laki ng pagitan. Ni hindi siya nagsinungaling. Lahat ng sinabi niya ay katotohanan, siya mismo ang Katotohanan (John 1:16; 14:6). Hindi niya pababayaan ang asawa niya—the Church—na mapahamak at mawalan ng dignidad tulad ng ginawa ni Abraham para lang maligtas ang buhay niya. “Christ loved the church and gave himself up for her, that he might sanctify her” (Eph. 5:25-26). Ginawa yun ni Abraham kahit alam niyang salungat sa kalooban ng Diyos dahil sa takot na baka siya patayin. Baka, hindi naman siya sure. Pero si Cristo, sure siya na kinabukasan ay papatayin na siya. At talagang pinatay siya. Pero ang prayer niya, “Not my will but yours be done.” Pinagpapala tayo ng Diyos hanggan ngayon kahit sa kabila ng mga kapalpakan natin—hindi bilang kabayaran sa mga ginagawa nating kabutihan o paglilingkod sa Diyos—kundi dahil sa pagsunod at sakripisyo na ginawa ni Cristo para sa atin.
So, how are we going to respond to that grace?

Abraham prays for Abimelech (Gen. 20:17-18)

Pwede namang talikuran mo na ang calling ng Panginoon, “Ayoko na. I messed up again. Bumagsak na naman ako. Hindi na talaga ako pwedeng gamitin ng Panginoon na maging blessing sa iba. Paano kung malaman nila ang mga kalokohang ginawa ko? Aayusin ko muna siguro ang buhay ko, pag deserving na ko magpapagamit na ko kay Lord sa ministry.”
If you feel that way, or something similar to that, very encouraging yung last part ng story dito. Ganito kasi ang nangyari dahil sa pagsisinungaling ni Abraham at pagkuha ni Abimelech sa asawa niya—nagkasakit si Abimelech, sinara ng Panginoon ang bahay-bata (ESV, “The Lord has closed all the wombs...”) ng asawa niya, at ng iba pang babae sa household niya (v. 18). Posible na ilang buwan din ang lumipas para malaman nilang walang nabubuntis sa kanila, o sinabi ito ng Diyos sa panaginip ni Abimelech. Bukod sa patunay na ang kasalanan ng hari, as the ruler representing his people, ay may kapahamakang dulot sa pamilya at sa mga nasasakupan niya, nagpapakita rin ito ng crucial role ni Abraham sa layunin ng Diyos.
Ano ang ginawa ni Abraham? Maaring sinabi sa kanya ni Lord na ipagpray sila Abimelech o si Abimelech ang nagsabi kay Abraham na yun ang sabi ng Diyos sa panaginip niya. In response, hindi naman sinabi ni Abraham, “Naku, hindi na ako deserving niyan. Iba na lang ang magpray.” Parang yun iba sa inyo, takot na takot o hiyang-hiya na magpray, kahit prayer for the food, si pastor na lang! No, si Abaham yung appointed na “prophet” to serve as mediator of God’s blessing sa iba. So, he prayed (v. 17) hindi dahil siya ay deserving, kundi dahil sa calling.
Ganun din sa atin sa church. We bless one another, we bless those who are outside our church, share the gospel sa kanila, pray for them, kahit na maraming beses tayo rin ay nakakagawa ng kasalanan tulad nila, at pinanghihinaan ng loob tulad nila. “We in the church are often sinful and failing, but still we are called to be the intercessors for those who do not receive Jesus Christ” (Waltke, Genesis, 289). Anuman ang kalagayan mo ngayon, anuman ang kasalanang nagawa mo, hindi ‘yan dahilan for you to abandon your calling, hindi ‘yan sapat na hadlang para hindi matupad ang layunin ng Diyos para sa ‘yo. Unfaithful ka, faithful palagi ang Diyos. Malaki at marami ang kasalanan mo, higit na mayaman ang awa ng Diyos. Hindi pa tapos ang Diyos sa ‘yo. Wag mong tuldukan ang gawa niya sa buhay mo.
So yung sagot ni Lord sa prayers ni Abraham ay hindi rin dahil sa kanyang worthiness, kundi dahil sa purposes ng Diyos. Gumaling si Abimelech. Pati mga babae sa sambahayan niya ay nabuksan ulit ang bahay-bata at nagkaanak (v. 17)! Patunay ito ng sovereign power ng Panginoon, nasa mga kamay niya ang buhay at kamatayan. But imagine kung ano ang pwedeng maging epekto nito kina Abraham at Sarah. Nagkaanak na yung ibang mga babae, pero siya hindi pa rin mabuntis! Pwede siyang mainggit, pwede siyang maging bitter, pwedeng sumbatan niya ang Diyos, “Bakit sila nagkaanak na? Ako hindi pa rin?” O sumbatan si Abraham, “Bakit sila pinagpray mo, ako hindi mo pinagpray na magkaanak?”
Pero yun ba ang layunin ng Diyos sa pagsagot sa prayers natin sa ibang tao? Sadista ba ang Diyos na ipamukha sa atin ang magandang nangyayari sa iba sa kabila ng mga di magagandang pangyayari sa buhay natin? Kapag pinagpray mo ba yun ibang tao, tapos nagkaanak sila, nagkatrabaho, naayos ang pamilya, na-save ang asawa, naging successful ang business, dapat bang mainggit ka at maging bitter? Hindi ba’t dapat magdulot yun ng repentance sa puso natin dahil sa impatience at unbelief at idolatry sa puso natin, at magpaalala sa atin na buhay ang Diyos, makapangyarihan siya, sumasagot siya sa panalangin natin kahit na tayo ay undeserving.
Hindi pa tapos ang Diyos sa buhay ko. May ginagawa siya. May gagawin siya. Lahat ng layunin at pangako niya ay isasakatuparan niya. Walang makahahadlang sa kanya. Hindi ba’t yun din ang mensaheng nais ng Diyos kina Abraham, “Kung paanong binuksan ko ang bahay-bata ng mga babae sa lugar na ito, ganoon din ang gagawin ko kay Sarah.” Ganoon nga eksakto ang ginawa ng Diyos sa susunod na bahagi ng kuwento. Hindi pa tapos ang Diyos. Huwag mong tutuldukan.
Related Media
See more
Related Sermons
See more