Part 11 - Isaac and Ishmael

Abraham: Faith in God's Promises  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 100 views
Notes
Transcript

Introduction

Kung tayo ang masusunod, meron tayong mga preferences, mga mas gustong mangyari, at mga gustong iwasan. Ayaw natin ang maghintay. Kung makukuha nang madalian bakit pagtatagalin pa? Mas gusto natin yung masaya, ayaw natin ng lungkot, sakit, at hirap. Pwede ba lagi na lang masaya? Gusto natin maayos ang lahat, ayaw natin ng conflicts, kahit meron we deny na meron, act as if everything is okay. Pero hindi maiiwasan. Kahit sa loob ng church.
We live in a world na hindi preferences o script natin ang nasusunod. We are in God’s theater, we follow his script. Drama, hindi lang comedy, merong tragedy. Hindi aksidente, not because he is not in control, but in his sovereignty, kasama sa istorya. It is tempting for us to revise the script. Do you trust him, that what he is writing in history is the most beautiful story—for his glory, and for the good of his people? How about your story—do you trust him that he knows what’s best? Na hindi lang yung good portions ang isinulat niya, pati yung mga ugly, kumplikado, masalimuot, madilim, masakit sa puso, even tragic parts are also part of his providential dealing with his children?
Historic Creeds and Confessions (Question 27)
Question 27 What do you understand by the providence of God? The almighty and everywhere present power of God; whereby, as it were by his hand, he upholds and governs heaven, earth, and all creatures; so that herbs and grass, rain and drought, fruitful and barren years, meat and drink, health and sickness, riches and poverty, yea, and all things come, not by chance, but be his fatherly hand.
Tulad ng naging tagtuyot sa Gen. 12, at sa response ni Abraham, kapag hindi mo kinilala yung providence ni God, may tendency tayo to trust yung sarili nating pamamaraan. At simula pa sa kuwento ni Abraham, tagtuyot din sa sinapupunan ni Sarah.
Genesis 11:30 ESV
Now Sarai was barren; she had no child.
25 years na ang nakalipas. Ang daming nangyari. Kahit ilang ulit na sinabi ni Lord na tutuparin niya yung pangako niya, may mga times na ang nasusunod yung plano nilang mag-asawa. Naiinip. Dinadaan sa sariling diskarte. Ayun, after 10 years, nagkaroon ng anak si Abraham hindi kay Sarah kundi kay Hagar na Egyptian slave nila. Dalawang beses pang nalagay sa peligro itong si Sarah. Una sa Egypt. Ikalawa sa Gerar, sa lupain ng mga Philistines, tulad ng nakita natin last week. Pero palaging nag-iintervene ang Diyos, to rescue them sa sitwasyon na kagagawan nila, to make sure his plan will be accomplished. He is sovereign, in control, hindi mapupurnada ang balak niya. Kahit ang kasalanan natin, ang kapalpakan natin, kahinaan natin, hindi sapat para itumba ang magandang plano ng Diyos. Katunayan, gagamitin pa ng Diyos to accomplish his purposes. Siya ang Bida. Hindi ikaw. Kaya huwag tayong kontra-bida.
So, sa loob ng 25 years na pagsubaybay natin sa kwento nina Abraham at Sarah, she was barren all thoughout. But…that is about to change. Hindi dahil sa swerte, o galing ni Abraham, o sa medical technology, “All things come, not by chance, but by his fatherly hand” (HC Q27). Sa Tagalog, “sa katunayan, ang lahat ng bagay, ay hindi dumarating ng ayon sa sapalaran kundi sa pamamagitan ng Kanyang mapagpalang kamay bilang Ama.”

God and Sarah

Hindi tulad ng ibang ama, hindi niya iniiwanan, hindi niya kinakalimutan, ang kanyang mga anak. One year ago, dinalaw ng Diyos si Abraham. Sinabi niya, “One year from now, babalikan kita, at ang asawa mong si Sarah ay magkakaroon na ng anak” (Gen. 18:10). Bumalik nga siya, eksakto sa kalendaryo niya, hindi nahuli, hindi napaaga, he’s always on time. This time naman, si Sarah ang sinadya niyang dalawin, “Dinalaw ng Panginoon si Sara ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kanyang pangako” (21:1 Ang Biblia). Nabuntis si Sarah. Si Abraham ang ama, hindi si Abimelech (tulad ng napag-aralan natin sa story last week). 90 years old na si Sarah, si Abraham naman ay 100! Imposible, but with God all things are possible. Nanganak siya ng isang lalaki, ang ipinangalan ni Abraham ay “Isaac,” gaya ng sinabi ng Diyos (17:19). After 8 days, tinuli siya ni Abraham, bilang pagsunod sa sinabi ng Diyos na yun ang sign of the covenant (17:9-13).
Bakit “Isaac” ang ipinangalan sa bata? Ang ibig sabihin nito ay “he laughs” o “tumawa siya.” Sino ang tumawa? Si Abraham, matapos sabihin ng Diyos na magkakaanak pa sila ni Sarah kahit matanda na sila (17:17). Si Sarah din, nung inulit ng Diyos yung promise niya na magkakaanak sila (18:12). So, ito ang ipinangalan sa anak nila hindi lang para ipaalala sa kanila yung naging response nila—na bagamat nandun yung faith ay imperfect pa rin at may halong unbelief—kundi para rin magsilbing paalala ng katapatan at kapangyarihan ng Diyos sa pagtupad sa kanyang pangako. Hindi mababali ang kanyang salita. At kapag tinupad niya ang sinabi niyang gagawin niya, it is a cause for great rejoicing. Kaya puro “tawa” ang nakasulat sa first seven verses ng Genesis 21. Itong yugto sa buhay ng pamilya ni Abraham, yung pagdalaw ng Diyos, ay nagdulot ng malaking pagbabago, nababalot ng nag-uumapaw na kagalakan.
Sinabi ni Sara, “Nakakatawa ang ginawang ito sa akin ng Diyos at sinumang makarinig nito'y tiyak na matatawa rin.” At sinabi pa niya, “Sa edad na iyon ni Abraham, sinong makakapagsabi sa kanyang ako'y mag-aalaga pa ng bata? Gayunman, nabigyan ko pa rin siya ng anak kahit siya'y matanda na” (vv. 6-7).
Nakakatawa, hindi parang joke, kundi isang joyous occasion dahil sa amazement sa ginawa ng Diyos. Libu-libong sanggol ang ipinapanganak bawat araw. Karaniwan yun. Pero itong kay Sarah, pambihira. Ganun din kay Rebeccah na asawa ni Isaac, Rachel na asawa ni Jacob, Hannah na asawa ni Elkanah. Meron ba kayong naiisip na istorya ng kapanganakan na pinaka-pambihira sa lahat? Sa takdang panahon sa plano ng Diyos, bilang katuparan sa pangako niya na daan-daang taon ang hinintay, ipinanganak ang Panginoong Jesus sa Bethlehem. At sa pamamagitan ng isang birhen! Miraculous din! Hindi lang joy para sa isang pamilya ang dulot niya, kundi “good news of great joy for all the peoples.” Si Cristo ang patunay na merong Diyos na tumutupad sa kanyang salita. Eksakto sa petsa. Hindi nahuhuli. Hindi napapaaga. He is faithful, covenant-making, covenant-keeping God.
Tayo na tumanggap ng good news na ‘yan ay merong dahilan para magdiwang, great joy to us! Kahit hindi ka pa rin magkaanak hanggang ngayon, you are part of this Story. Tama lang na magcelebrate tayo every Sunday when we worship God, every time na mag-gather tayo as one family, at magpasalamat sa Diyos hindi lang sa mga blessings na natatanggap natin kundi maging sa mga blessings na dumarating sa mga kapamilya natin sa church.
So, tama lang that we celebrate dahil sa Diyos na promise-keeper. Pero hindi lang yun, ang pagsunod ay tama at nararapat na tugon din sa pagtupad niya sa kanyang mga pangako sa atin. Sumunod si Abraham sa pagpangalan at pagtutuli kay Isaac. Covenant obedience yun. Ganun din kapag nagpabaptize tayo at nagpamember sa church—merong pledge of commitment na sumunod kay Cristo at mag-submit sa church na katawan ni Cristo. Pero ang pledge na ito ay only as a proper response to God’s commitment to keep his promises for us. Pangako ng Diyos ang nangingibabaw, hindi ang pangako natin na sumunod sa kanya.
And if we are faithful covenant member, masaya, merong cause for celebration, pero lagi lang bang masaya? Meron tayong member, after nabaptize, nadawit sa isang aksidente na ikinamatay ng isang kabataan, at siya pa ang nakulong ng ilang araw kahit hindi niya kasalanan. Meron din tayong member, mag-asawa sila, matanda na pareho. Bagong baptized pa lang at members, after a few months namatay ang asawa dahil sa cancer. At yung iba, after magpledge ng commitment kay Christ, inaaway ng pamilya.

God and Abraham’s Two Sons

Dito sa Genesis 21, yung first eight verses lang yung puro kasiyahan. Two or three years din siguro yun. Kasi nung ganung edad na si Isaac, inawat na siya, tapos nagpapiyesta si Abraham (v. 8). E kasi noon, mataas ang infant mortality rate, so kapag tumuntong sa ganitong edad, cause for celebration kasi siguradong mabubuhay na ang bata. Ang sarap makita ng ganitong eksena, buong pamilya masaya, nagkakainan, nagtatawanan, pinagkukuwentuhan yung mga memories nila. Tapos may panira sa eksena. Ito kasing anak ni Hagar na Egyptian slave nila, na anak din naman ni Abraham, si Ishmael, pero ni hindi binanggit ang pangalan niya sa kuwento for a significant reason. Marahil ay para i-highlight si Isaac na siyang tagapagmana ng covenant promises ng Diyos, at hindi si Ishmael.
Bagamat tinuli din si Ishmael, sa attitude na ipinakita niya, pinatunayan niyang ayaw niyang maging bahagi ng covenant na ‘to ng Diyos kay Abraham. Nakita siya ni Sarah na tumatawa (ESV, “laughing”). Yun naman ang motif ng celebration, kasi yun ang pangalan ni Isaac. Posible na yung ginagawa dito ni Ishmael ay nakikipaglaro sa batang si Isaac, at siya ay 15 or 16 na siguro during this time. Yun, “nakikipaglaro,” ang salin ng MBB at Ang Biblia. Positive naman kung ganun at lalabas naman na OA ang reaksyon ni Sarah na palayasin ang mag-ina (v. 10). Pero malamang na negative ang dating nito, tulad ng “tinutukso” na salin ng ASD. Yung tumatawa na hindi nakikitawa, kundi pinagtatawanan si Isaac. Nilalait, minamaliit. Matimbang yung ganung interpretation kasi ginamit ni Paul yung story na ‘to as illustration ng point niya sa Galatians. “Kung noong una, ang ipinanganak ayon sa Espiritu (Isaac) ay inuusig (referring to this scene sa Gen. 21) ng ipinanganak ayon sa kagustuhan ng tao (Ishmael), gayundin naman ngayon” (Gal. 4:29 MBB).
Given that perspective, medyo maiintindihan natin yung sinabi ni Sarah kay Abraham, “Palayasin mo ang aliping iyan at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng aliping iyan ay hindi dapat makibahagi sa mamanahin ng anak kong si Isaac” (v. 10 MBB)! Aba, mukhang malupit naman yata yun. Kawawa naman ang mag-ina, paano na sila. Saka di ba’t si Sarah nga nagsuggest kay Abraham na anakan si Hagar! Saka bakit niya uutusan si Abraham? Baligtad ah, si Abraham pa ang magpapasakop sa kanya? Pero hindi ba’t ginawang model of submission ni Peter si Sarah sa 1 Peter 3:5-6? Saka anak din naman ni Abraham si Ishmael di ba? Kaya nga sobrang nalungkot siya nang sabihin ito sa kanya ni Sarah (Gen. 21:11). Pero pwede naman niyang ipaglaban ang mag-ina kung alam niyang ito ang dapat gawin at mali si Sarah. So, posible na hirap tayong intindihin ang bahaging ito ng kuwento kasi madali tayong magpadala sa mga sensibilities or feelings natin.
Pero once we think in terms of covenant perspective, mauunawaan mo kung bakit sumang-ayon ang Diyos ngayon kay Sarah, na ito pala ay ayon din sa kalooban niya. Sabi ng Diyos kay Abraham,
Huwag kang mag-alala tungkol sa mag-ina. Sundin mo na ang gusto ni Sara, sapagkat kay Isaac magmumula ang lahing sinabi ko sa iyo. Ngunit ang anak mong iyan kay Hagar ay magkakaanak din ng marami, at sila'y magiging isang bansa, dahil anak mo rin naman si Ismael (vv. 12-13 MBB).
Kapag hindi papalayasin ni Abraham ang mag-ina, hindi na si Sarah ang sinusuway ni Abraham, kundi ang Diyos na. Kung tayo ang nasa kalagayan ni Abraham, siyempre mahirap sundin yun. Madali sa atin ang mag-justify sa mga actions natin, para palabasin na tama naman yung gusto nating mangyari. Kawawa naman sila kung papalayasin. O kung may boyfriend ka na non-Christian, mahirap naman hiwalayan kahit yun ang gusto ng Diyos. “E may nangyari na sa amin, kailangang pakasalan niya ko!” Karaniwan ang mga desisyon natin ay batay sa gusto natin, o sa cultural expectations, at hindi sa Salita ng Diyos. “E pag kinasal na kami, dadalin ko naman siya kay Lord.” Yun ba ang paraan na sinabi ng Diyos para dalhin ang isang outsider sa covenant para maging insider sa covenant?
So we have this part of the story para magpaalala sa mga Israelita na humiwalay sa mga tao na hindi kumikilala sa Diyos. Mahalaga kasi sa Diyos yung distinction sa covenant—kung sino ang kabilang at kung sino ang hindi. Kaya pinahahalagahan din natin ang church membership. Hindi komo nakakasama natin sa isang bubong sa mga worship gatherings natin, automatic covenant member na. Sino ba ang kabilang sa church? Sino ba ang nag-eexpress at nakapagpapatunay sa buhay nila na sila nga ay tagasunod ni Cristo? That is why we also practice church discipline, to remove from membership yung mga kasama natin na hindi na nagpapakita ng pagmamahal nila kay Cristo at sa kanyang iglesya sa klase ng pamumuhay na ipinapakita nila. So itong membership at discipline ay pwedeng maging offensive sa iba. Kaya kailangan nating gawin na may paliwanag at katiyagaan at kahinahunan ng loob. Pero in the end, hindi feelings ng ibang tao ang pinakamahalaga, kundi kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos.
Ang pinag-isa ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao, right? Pero ang gustong ibukod ng Diyos ay hindi naman din dapat pagsamahin ng tao! Totoo sa pag-aasawa, totoo rin sa church membership. Ibig sabihin ba nun wala na tayong pakialam sa mga nasa labas ng church? No, kaya nga may evangelism, church planting at missions. Gusto ng Diyos na ipakilala natin siya sa iba para sila din ay maging bahagi ng pamilya niya, pero ayon sa paraan niya, hindi sa paraan natin. Ganun din dito kina Hagar at Ishmael. Oo, papalayasin sila sa household ni Abraham. Pero hindi ibig sabihing wala nang pakialam ang Diyos sa kanila. Kaya sabi niya sa v. 13, na alang-alang kay Abraham, may plano din ang Diyos kay Ishmael. Ang plano ng Diyos kasi hindi lang sa pamilya ni Abraham, kundi all families of the earth ang kasama (12:3).

God and Hagar

So, ano ang naging response ni Abraham? Maagang-maaga siyang bumangon, at baka hindi rin nakatulog mabuti, kumuha ng tinapay at inumin na ipapabaon kay Hagar at sa anak niya, at pinaalis na sila. Pero sa haba ng paglalakbay, kulang yun. Tiyak magugutom sila, mauuhaw, kasi malaking disyerto ang dadaanan. Ilang araw pa lang siguro ang nakalipas, naubos na ang tubig, wala na silang pagkain. Siyempre pagod na pagod na, hinang-hina na. Iniwan na ni Hagar yung anak niya sa ilalim ng puno, dumistansiya nang halos 100 metro ang layo. Sabi niya sa sarili niya, “Di ko matitiis na makitang mamatay ang anak ko.” Pagkatapos, humiyaw siya sa iyak (vv. 14-16). Walang sinabi sa kuwento na umiyak din ang anak ni Hagar, pero yung iyak ng anak niya ang narinig ng Diyos, ayon sa v. 17, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos.
O di ba’t concern din ang Diyos sa kanila? Hindi hahayaan ng Diyos na mamatay si Ishmael. Hindi pwede, kasi masisira ang salita ng Diyos kay Abraham. May plano rin ang Diyos sa kanya, kahit at this point ay outsider na siya sa covenant. Pero bakit kaya pinarating pa ng Diyos sa punto na halos mamatay na sila? Maybe, kasi natural sa atin na nakakalimot sa Diyos at hindi kumikilala sa kanya sa panahon ng kaginhawahan. Pero kapag hirap na hirap na, wala nang matatakbuhan, ipinapakita ng Diyos na siya lang talaga ang kailangan natin. You will only realize Christ is all you need when Christ is all you have, sabi ni Tim Keller. Kapag wala na ang lahat-lahat sa ‘yo.
Kaya sabi ng Diyos (ng anghel ng Diyos) kay Hagar, “Ano ang bumabagabag sa ‘yo, Hagar? Wag kang matakot, kasi narinig ng Diyos ang anak mo. Tumayo ka, alalayan mong tumayo ang bata, dahil gagawin kong isang dakilang bansa ang kanyang lahi” (vv. 17-18). May pangako din ang Diyos sa kanya. Kaso, kapag sa panahon ng matinding kahirapan, nabubulagan tayo sa biyaya ng Diyos, ang nakikita lang natin ay yung hirap ng buhay. Kaya binuksan ng Diyos ang mata ni Hagar, ipinakita sa kanya na meron palang isang balon—a well of water!—sa malapit sa kanya. Ayun, sumalok siya ng tubig at pinainom ang anak niya (v. 19). May promise ang Diyos. May provision ang Diyos. Hindi lang yun. “God was with the boy, and he grew up” (v. 20). Nanirahan siya sa wilderness ng Paran at naging isang archer. Hindi siya pinabayaan ng Diyos, sinubaybayan siya hanggang matupad rin ang pangako niya sa kanya.
Promise of God, provision of God, presence of God. Hindi na siya bahagi ng Abrahamic covenant, pero ang biyaya ng Diyos nasa kanya pa rin. Pero hindi ito nagpapahiwatig na kinikilala niya ang biyayang iyon ng Diyos. Yung ikinuha siya ng nanay niya ng asawa mula sa Egypt ay isang senyales na talagang he doesn’t belong to the people of God. Alam naman nating negatibo ang connotation ng Egypt at this point of biblical history—hindi palapit sa Diyos, kundi palayo.
Dalawang anak ni Abraham ang nakita natin sa kuwentong ito. Dalawa pero magkaibang pamamaraan. Yun ang paliwanag dito ni Paul sa Galatians 4. Yung isa ay “the son of the slave…born according to the flesh” (dahil sa gawa ng tao), yung isa ay “the son of the free woman…born through promise” (gawa ng Diyos) (v. 23). Sino ka sa dalawa? Yung nagtitiwala sa gawa ng tao o yung nagtitiwala sa pangako ng Diyos na nakay Cristo? Ipinalalagay mo pa rin ba na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan (that’s slavery) o pagtitiwala sa natapos nang ginawa ni Cristo sa krus (that’s freedom)?
Galatians 4:28–31 ESV
Now you, brothers, like Isaac, are children of promise. But just as at that time he who was born according to the flesh persecuted him who was born according to the Spirit, so also it is now. But what does the Scripture say? “Cast out the slave woman and her son, for the son of the slave woman shall not inherit with the son of the free woman.” So, brothers, we are not children of the slave but of the free woman.
So, kung ikaw ay kabilang kay Cristo, makakaasa ka na kahit anong hirap ang nararanasan mo---tagtuyot man, nasa disyerto ka man—God is not against you but for you. Kung yung promise niya, provision niya, at presence niya naranasan din nina Hagar at Ishmael, how much more for God’s people? Tutuparin niya ang pangako niya sa ‘yo, ibibigay niya ang lahat ng kailangan mo, sasamahan ka niya.
But this confidence doesn’t give us any right para tratuhin ang mga non-believers (those outside the covenant) nang basta-basta lang. The way we treat unbelievers should reflect God’s character dito sa story. Sa panahon ng paghihirap nila, pagkakataon yun para hindi lang dalhan natin sila ng tinapay at inumin, kundi para sa pamamagitan natin ay maramdaman nila ang pagsama ng Diyos, at para iparating sa kanila ang pangako ng Diyos, his provision in Christ.
Pero paano kung sila na mismo ang may atraso sa atin? May utang siguro, o nanloko sa atin, o nagsalita ng masama laban sa atin. Imposible? Sa ‘yo, oo. Pero sa Diyos na nasa ‘yo, hindi!

Abraham and Abimelech

Kaya bumalik na naman yung kwento kina Abraham at Abimelech. Silang dalawa yung highlight sa Genesis 20. Si Abraham pa nga yung may kasalanan sa kanya, pero sa huli siya pa ang biniyayaan ng Diyos sa pamamagitan ni Abimelech. During this time, pinuntahan siya ni Abimelech kasama ang kumander ng kanyang army na si Phicol. Kinilala niya na ang presensiya ng Diyos ay nakay Abraham, “God is with you in all that you do” (v. 22). Inalok na niya na magkaroon sila ng kasunduan (a covenant!) na kung paanong maganda ang pagtrato niya kay Abraham ay ganun din ang gagawin ni Abraham sa kanya at sa kanyang pamilya. Sumang-ayon naman si Abraham. Napakagandang larawan kung paanong yung covenant niya sa Diyos at yung covenant faithfulness ng Diyos sa kanya (hesed in v. 23) ay nasasalamin sa sa relasyon sa ibang tao. Ganun din sa mga kasunduan natin sa loob ng bahay o sa mga business transactions.
E paano kung merong sumira ng usapan? Meron kasing balon o well of water na nakay Abraham, and that is very important for survival, na kinuha ng mga tauhan ni Abimelech (v. 25). So, kinumpronta niya si Abimelech, pero ang sagot sa kanya, “Wala akong alam diyan, at bakit mo lang ngayon sinabi?” Pwedeng inosente nga siya, o nagdadahilan lang, pero whatever the case, napansin n’yo bang nabaligtad yung sitwasyon kesa noong una na si Abraham naman ang may atraso sa kanya? Ngayon naman si Abraham ang kumuha ng mga hayop para iregalo kay Abimelech, “and the two men made a covenant” (v. 28). Nagbigay pa si Abraham ng pitong tupa to serve as witness sa covenant. Kaya tinawag ang lugar na yun na Beersheba, na ang ibig sabihin ay maaaring “well of seven” o “well of the oath” (vv. 30-31). So dun sa Beersheba, “they made a covenant” (v. 32), pagkatapos ay umalis na si Abimelech at si Phicol at umuwi na.
Similar language ito sa covenant making na ginawa ng Diyos kay Abraham sa Genesis 17. And this is a more beautiful reflection of that covenant. Bakit? Madali namang makipagkasundo sa isang tao kung maayos siyang kausap, kung meron kang nakukuhang benepisyo dun sa kasunduan. Pero kung may atraso pa sa ‘yo, mahirap yun. At ganun ang Diyos sa atin. Ang dami nating atraso sa kanya, pero ibinigay niya hindi lang hayop kundi ang sarili niyang Anak para maipagkasundo tayo sa kanya. Nahihirapan tayong makipagkasundo sa mga taong nakaatraso sa atin kasi dun sa kasalanan ng iba tayo nakafocus at nakakalimutan natin ang napakalaking atraso natin sa Diyos, na pinatawad niya, at sa kabila noon ay nakipagkasundo sa atin at biniyayaan pa tayo ng limpak-limpak na pagpapala dahil kay Cristo.
Our failure to reconcile is a gospel-forgetfulness. Nitong isang araw lang, merong tsismis na nakarating sa akin (magandang tsismis!) na meron tayong dalawang kapatid na matagal nang magkaaway at hindi nagpapansinan pero nagkabati na, humingi ng tawad sa isa’t isa at nagkasundo. What a beautiful picture of the gospel! Gawa ng Espiritu, hindi gawa ng tao.
Pero paano kung nagkaatraso na naman? Nag-away na naman? Posibleng mangyari kasi madali sa atin ang sumira sa kasunduan. Pagdating sa Genesis 26, itong anak ni Abraham na si Isaac at anak ni Abimelech na Abimelech din ang pangalan ang magkakaroon na naman ng isyu. Kasi yung mga tauhan niya tinabunan yung well ni Abraham! Haay…mahabang lakbayin pa ang tatakbuhin (o lalakarin, matanda na kasi!) ni Abraham. Matagal rin siyang mamalagi sa lugar ng mga Philistines (Gen. 21:34). Marami pang hirap. Marami pang conflicts. Marami pang tukso, pighati, at sakit sa puso ang mararanasan niya—wait til Genesis 22!

The Everlasting God

At sa mga panahong ganyan sa buhay natin, madali sa atin ang kumalimot sa ginawa ng Diyos. Kaya kailangan natin ng palatandaan. Tulad ng ginawa ni Abraham, nagtanim ng puno (hindi dahil environmentalist siya o plantito!) sa Beersheba at tumawag sa pangalan ng Diyos, sumamba sa Diyos (v. 33). Sinong Diyos? “The everlasting God.” O the eternal God. El Olam. Diyos na walang hanggan, walang hangganan, hindi sakop ng oras o panahon ng tao. Hindi malilimitahan ng gawa at kapalpakan ng tao. He is in full control of history.
Ang tagal-tagal na, naiinip ka sa sagot sa prayers mo. He is the Everlasting God. Hindi mo alam kung ano ang kinalaman ng naging problema n’yong mag-asawa, o ng nagawa mong kasalanan, sa redemptive purposes ng Panginoon. He is the Everlasting God. Hindi mo alam kung magsu-survive ka sa pandemic, o nag-aalala ka sa epekto nito sa pamilya mo o sa church. He is the Everlasting God. Nakakalimutan mo? Alalahanin mo na itong Everlasting God, pumasok sa panahon ng tao, nilimitahan ang sarili niya sa paglipas ng oras, ng taon, naging tao, namatay sa edad na tatlumpu’t tatlo, ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw para ipagkaloob sa lahat ng sasampalataya sa kanya ang buhay na walang hanggan, everlasting life.
Meron tayong palatandaan para hindi natin malimutan ang mga katotohanang ‘yan. In our singing, in our preaching, in our prayers, in baptism, in the Lord’s Supper, every time we gather as God’s people, separate from the world. So, the way we worship, the way we treat each other dito sa church, the way we reach out sa mga unbelievers ay magpapakita at dapat magpakita na meron tayong covenant-making, promise-keeping, at peace-making God.
Related Media
See more
Related Sermons
See more