Part 12 - Abraham and Isaac

Abraham: Faith in God's Promises  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 559 views
Notes
Transcript

Introduction

Itong kuwento ng Genesis 22 tungkol sa paghahandog ni Abraham kay Isaac ang isa sa pinaka-popular na kuwento sa buong Bibliya, at siya namang climax ng life story ni Abraham. Narinig mo na siguro na ginamit yung story na ‘to sa sermon during Fathers’ Day, o sa child dedication, o sa isang topical sermon para i-challenge ang church sa mas radikal na pagsunod at magsakripisyo sa paglilingkod sa Panginoon. Dahil sa sobrang pamilyar ng kuwento, maaaring yung familiarity na yun ang makahadlang sa ‘yo to have a new and fresher encounter with God and his Word. So, I invite you na makinig mabuti. Wag mong sabihing, “Ilang beses ko nang nabasa ‘yan. Alam ko na ‘yan.” Sa pakikinig natin, prayer ko na bigyan tayo ni Lord ng paningin para makita kung ano ang gusto niyang makita natin, hindi kung ano lang ang gusto nating makita.
Tulad ng approach natin sa lahat ng mga sermons natin, I invite you to a gospel-centered reading of this story. Ibig sabihin, hindi dapat man-centered, hindi dapat focused kay Abraham, dapat Diyos ang Bida. Kung si Abraham ang matatanghal—yung extraordinary faith and obedience niya—sa kwentong ito, hindi mo pa talaga naintindihan ang ibig sabihin nito: “The narrative looks not to the praise of a creature, but to the praise of God” (Westermann, Genesis 12–36, 364–65; cited in Greidanus, Preaching Christ from Genesis, 198). Wala na ba itong kinalaman sa buhay natin, kung ganun? Meron naman siyempre, kaya nga natin pag-aaralan. Pero dapat ipaalala sa atin na life, our life, is not about us. Ang pag-aaral ng Bibliya ay hindi para makahugot tayo ng mga moral lessons, yung nakafocus sa kung ano ang dapat nating gawin. Rather, ang focus ay nakay Cristo at sa kung ano ang ginawa niya para sa atin. Ibig sabihin ba wala na tayong gagawin? Meron naman siyempre, dapat may response tayo sa story, pero gospel-driven response dapat—faith-fueled, grace-empowered obedience. At kung meron man tayong mga promises na ike-claim sa story na ‘to, kailangang ipaalala natin sa sarili natin na we don’t claim yung mga promises na hindi naman intended ng Diyos para sa atin, kundi nakakabit lahat yun sa blessings na meron tayo kay Cristo.
I believe na mas maiintindihan lang talaga natin ang kuwentong ito kung nasubaybayan nating mabuti ang mga nakaraang kuwento sa buhay ni Abraham. So, in a sense, lahat ng napag-aralan nating eksena sa kwento ni Abraham for the last eleven sermons ay patungo dito. Kung makikinig kang mabuti, open ang heart and mind mo, receptive sa teaching ng Holy Spirit, mas maaappreciate mo ngayon ang mensahe ng Diyos dito. Na hindi lang ito isang isolated at feel-good story, pero bahagi ito ng kabuuan ng redemptive history, kasali sa dealing ng Diyos sa Israel sa Old Testament, nagtuturo sa culmination nito kay Cristo, at merong significant application sa church ngayon.

God Tested Abraham (Gen. 22:1-2)

Kailangang-kailangan natin ang Salita ng Diyos sa buhay. Ang buhay pa naman natin ay isang mahaba at mahirap na paglalakbay. Kung bata ka pa, hindi mo pa siguro naiisip yun, pero maghintay ka lang ng ilang panahon marerealize mo rin yun. Pero kung matanda ka na, you know what I’m talking about. Sa dami ng hirap na pinagdaanan mo, how you wish life will get easier. Kapag may problema na na-solved, o merong dumating na blessing na matagal mo nang hinihintay, “Praise the Lord!”
Tulad ni Abraham sa bungad ng kuwento sa Genesis 22. “Pagkalipas ng ilang panahon” (v. 1 MBB). Sa last chapter, after 25 years of waiting, maraming iyakan, maraming kapalpakan, maraming mga struggles, nagkaroon din ng anak sina Abraham at Sarah, ayon sa ipinangako ng Diyos. Malungkot lang ang nangyari after 3 years na ipanganak si Isaac kasi pinaalis na si Hagar at ang anak niya dito na si Ishmael. Pero in that period siguro na 12-15 years, mukhang peaceful at maayos lahat sa pamilya nila. Pero meron palang darating na pagsubok na higit pa sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ni Abraham. Sa mga panahon ng pagsubok, sa halip na katakutan natin, dapat tingnan natin na opportunity para ma-reveal ang klase ng pagkakilala natin sa Diyos, kung gaano nga ba katibay ang pananampalataya natin sa mga pangako niya.
Sa buhay ni Abraham, wala nang pagsubok na mas mahirap pa kaysa dito. Alam nating ang ipinagawa sa kanya ng Diyos ay isang pagsubok o testing, “Sinubok ng Diyos si Abraham” (v. 1). Ipinaalam sa atin, pero noon hindi pa alam ni Abraham. Pero hindi man niya alam, sapat para sa kanya yung alma niya, o pagkakilala niya sa Diyos for the last 40 years of walking with God. Meron siyang napakalapit na relasyon sa Diyos. Tinawag siyang “a fried of God,” remember? Pero the closer you get to God, it doesn’t mean na mas magiging madali ang buhay, na mas gagaan ang pagsubok. Baka mas humirap pa nga. God will put to test our relationship with him. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Abraham”; sagot naman ni Abraham, “Narito po ako” (v. 1). Ang Diyos ang nagsasalita, tayo naman ay nakikinig at tumutugon sa sinasabi niya. Hindi pwedeng deadma, hindi pwedeng, “Sorry. I’m busy. Next time ka na lang tumawag.”
We must pay attention kapag may sinasabi siya sa atin, kasi ang susunod niyang sasabihin ay crucial. At yung mga mangyayari sa istoryang ito ay napaka-crucial. Hindi lang para kay Abraham, kundi para sa bansang Israel in the future, at yung redemptive plan ng Diyos through Abraham, “in you all the families of the earth shall be blessed” (Gen. 12:3). Kung ganun pala ka-crucial, mahalagang malaman ang sagot sa tanong na, Will Abraham pass the test?
Hindi ito test na pang-grade one lang. Hindi rin pang-high school. Pang graduate school. Sobrang hirap! Bakit? Ano ba yung test sa kanya? Heto kasi ang sabi ng Diyos sa kanya, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac, at pumunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog.” (v. 2 ASD). May hawig dun sa initial calling niya na iwanan ang mga kamag-anak niya at pumunta sa lugar na sasabihin ng Diyos. Pero ibang level ang difficulty nito. Bakit? Nung palalayasin si Ishmael several years ago, mabigat na mabigat na sa kaloob niya (21:11), paano pa ‘to kung Isaac na ang tagal niyang hinintay? Hindi lang yun, ano bang klaseng relasyon meron sila, at yun pa ang naka-highlight sa sinabi ng Diyos, “kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.” Ibang usapan na matapos yung father-son relationship nila nang ganun lang. Kung pasaway na anak, madali pang palayasin. Pero kung pinakamamahal mo? Makakaya mo bang maiisip na mamamatay ang anak mo? At paano mo naman magagawa na ikaw mismo ang papatay sa anak mo? Mukhang hindi tama. At kung tama man, napakahirap pa rin.
Hindi ito yung paghahandog na nakagawian natin sa child dedication. Napakadali lang nun! Kahit gumastos ka pa ng malaki, no problem! Pero ito “burnt offering”—parang hayop na papatayin at susunugin para ialay sa Diyos sa pagsamba. Teka, hindi ba’t pinagbabawal ng Diyos ang murder, pati yung child sacrifice na tulad ng ginagawa ng mga paganong bansa? Lalabagin ba ng Diyos ang sarili niyang utos? May moral problem yung test na ‘to. At ang mas matindi ay yung may kinalaman sa promise ng Diyos. Ano ba yung promise niya? “I will establish my covenant with him [Isaac] as an everlasting covenant for his offspring after him” (Gen. 17:19). Kung papatayin si Isaac, hindi na ‘to matutupad, kasi di na siya magkakaanak. Sisirain ba ng Diyos ang sarili niyang plano? Sa haba ng biyahe natin sa kuwento ni Abraham, ganun lang magiging ending? Tapos na? We may have a lot of questions about this. Pero hindi natin alam kung ano ang nasa isip ni Abraham. Kahit gaano ka ka-curious na malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya, hindi natin malalaman yun. Pagdating sa langit, tanungin mo siya!
Heto ang pinakamahirap sa mga pagsubok na dinanas ni Abraham. Si Adan at si Eba, bagsak sa test na binigay ng Diyos sa Garden of Eden. E kung tayo? Sure na sure na bagsak din! Yung madali ngang mga pagsubok, ilang beses na tayong nag-fail, e paano pa kung kagaya nitong kay Abraham? But, how about Abraham in this story? Paano siya nagrespond?

Abraham Responds in Obedience (Gen. 22:3-8)

Aba, walang delay. Walang diskusyon sa Diyos, tulad ng apela niya sa Sodom at Gomorrah sa chapter 18. Kinabukasan lang, maagang bumangon si Abraham (v. 3). Tulad ng response niya sa sa last chapter about Ishmael. Yan ang obedience, hindi yung binibilangan ka pa, “Isa, dalawa, tatlo...” Yung pinapagawa ng nanay mo, madali lang naman, kayang-kaya mo. Pero sa case na ‘to, mahirap sumunod. Pero bakit siya sumunod? Kasi, para sa kanya, God is trustworthy kahit di niya naiintindihan lahat ng rason, hindi naman niya alam na pagsubok ito. Hindi rin niya alam exactly ano ang puno’t dulo ng kuwentong ito.
Malamang hindi alam ng asawa niya ang lahat ng detalye. Inaya niya si Isaac at dalawa sa kabataang tauhan niya para pumunta sa bundok na sinasabi ng Diyos para sumamba sa kanya. Nagsibak siya ng kahoy na gagamiting panggatong sa burnt offering. Inihanda niya ang asno, at umalis na (v. 3). Mahabang paglalakbay papuntang Mt. Moriah, baka 130 km. Dahan-dahan lang, tatlong araw ang inabot. Napakabigat na siguro ng puso ni Abraham. Lalo na nung makita niya yung lugar na sinabi ng Diyos (v. 4).
Heto na. Nung nandun na sila sa paanan ng bundok, sinabi ni Abraham sa mga tauhan niya, “Dito na lang muna kayo at bantayan n’yo ang asno. Kami na lang ng anak ko ang aakyat para sumamba sa Diyos. Pagkatapos ay babalikan namin kayo” (v. 5). Nagsinungaling kaya si Abraham? O wishful thinking na baka hindi matuloy na mapatay si Isaac? O baka naniniwala siya na hindi pwedeng masira ang pangako ng Diyos? Kung sakali mang patayin si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Diyos? Eto ang “resurrection faith” na binabanggit ng author ng Hebrews.
Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Dios. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Dios na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay. Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Dios. At ganoon nga ang nangyari—parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan. (Heb. 11:17-19 ASD)
But, we’re getting ahead of the story. Hindi naman spoiler, alam n’yo naman kung ano ang mangyayari! So ang highlight ng story na ‘to ay hindi yung tibay ng pananampalataya ni Abraham, kundi yung tibay ng pangako ng Diyos. Makikita natin ‘yan sa mga sumunod na nangyari. Nagpatuloy na sila sa pag-akyat. Ipinapasan niya kay Isaac ang mga kahoy, mabigat din yun. Pero kay Abraham naman yung mas delikadong gamit, yung sulo at itak (v. 6). Nagtataka na si Isaac, sabi niya sa tatay niya, “Ama ko!” “Narito ako, anak ko, ano ‘yon?” sagot ni Abraham. Tanong sa kanya, “Meron tayong apoy, meron tayong panggatong, pero nasaan ang tupang susunugin natin sa paghahandog” (v. 7). Sagot ni Abraham, “Ang Diyos mismo ang magbibigay sa atin ng tupang susunugin para ihandog” (v. 8).
“God will provide for himself.” Don’t miss this. Ito ang pinakamahalagang theological point sa story. Kung ano ang nire-require ng Diyos para makasamba tayo sa kanya, para makalapit tayong mga makasalanan sa banal niyang presensiya, hindi rin pala sa atin manggagaling, ang Diyos din ang magbibigay. God provides the way for our salvation, God provides for everything necessary para tayo’y mabuhay.
Totoo kayang ganito katibay ang pagtitiwala ni Abraham sa Diyos? At mas mahalagang tanong, totoo kayang maaasahan ang Diyos na magkakaloob ng lahat ng kailangan natin? Ibinigay na nga niya si Isaac, ngayon naman kukuhanin niya? May karapatan siyang gawin yun, kasi all the firstborn, and all life for that matter, belongs to him. Pero makakabuti ba kay Abraham at sa pangako ng Diyos kay Abraham na all nations will be blessed through him kung bata pa lang ay mamamatay na si Isaac?

God Provides a Substitute Offering (Gen. 22:9-14)

Tignan natin ang sumunod na nangyari. Heto na ang pinakaaabangang eksena sa kuwento. Parang naka-slow motion ang effect. Dumating na sila dun sa lugar na sinabi ng Diyos. Gumawa si Abraham ng altar na batong pinagpatung-patong…iniligay niya ang mga kahoy sa ibabaw nito…pinahiga niya si Isaac…walang kaimik-imik…walang protesta…parang tupa na kakatayin…iginapos niya ang anak niya, ihiniga sa ibabaw ng altar…nakahanda na ang sulo na pangsunog…kinuha niya ang itak…itinaas at nakahandang nang itusok sa katawan ng anak niya (vv. 9-10).
Malapit na! Muntik na! Buti na lang eksakto sa oras, tumawag ang anghel ni Yahweh—ang Diyos mismo—mula sa langit, “Abraham! Abraham!” Sa simula ng kuwento, isang beses lang, “Abraham!” Dito, dalawang beses na. Ganun pa rin ang sagot ni Abraham, “Narito po ako” (v. 11). Sinabi ng Diyos, “Huwag mong patayin ang anak mo!” Ito ang nais ng Diyos sa simula’t simula pa. Hindi para patayin si Isaac, kundi para ipakita ng Diyos ang gagawin niya para si Isaac ay mabuhay.
Huh! Buti na lang. Paano kung nahuli ng pagtawag ang Diyos? Paano kung mahina na ang tenga ni Abraham at hindi niya narinig? Pero sa Diyos na siyang scriptwriter at direktor ng kuwentong ito, walang “what-if, what-if.” Lahat sa kanya ay sigurado, walang aksidente, tsamba o baka sakali. Pangako ng Diyos ang nakasalalay dito. Kung mamatay si Isaac agad, hindi na magpapatuloy ang lahi ni Abraham. Wala ang bansang Israel! Sila pa naman yung unang nakarinig ng kwentong ito. Karaniwan sa atin ang point of reference natin ay si Abraham. Pero sila, inaabangan nila kung ano ang mangyayari kay Isaac. Mabubuhay kaya o mamamatay? Dahil buhay din nila ang nakasalalay sa kuwentong ito (Greidanus, Preaching Christ from Genesis, 200).
Nanatiling buhay si Isaac. Pasado si Abraham sa test na bigay sa kanya ng Diyos. Kaya sabi pa ng Diyos sa kanya, “Ngayon, alam ko na na may takot ka sa Diyos dahil hindi mo ipinagkait ang anak mo, ang nag-iisa mong anak, sa akin” (v. 12). Ang ginawang pagsunod ni Abraham sa Diyos ay nagpapatunay na totoo ang pananampalataya niya sa Diyos, hindi sa nguso lang, totoo. Pananampalataya na may bunga ng pagsunod. Kung sa Genesis 15:6 ay itinuring siyang matuwid dahil sa pananampalataya, dito naman ay napatunayang tunay ang pananampalataya niya dahil sa kanyang pagsunod (Jas. 2:21-22). Nanatiling buhay si Isaac, napatunayan ding buhay ang pananampalataya ni Abraham. Alam naman na yun ng Diyos—all-knowing siya—pero yung sinabi niyang nalaman niya ay nagpapakita na sumusubaybay siya kung paanong makikita ng lahat hindi lang yung pambihirang faith ni Abraham, kundi yung amazing faithfulness ng Diyos na tuparin ang kanyang ipinangako.
Abraham trusted God. Bakit? Because God is trustworthy. Sinabi niya kanina sa anak niya, “God will provide for himself the lamb for a burnt offering, my son” (Gen. 21:8). Totoo nga. Sa tabi niya ay may narinig siyang kumakaluskos. Paglingon niya, nakita niya, yun pala merong lalaking tupa na ang sungay ay nasabit sa sanga ng puno at hindi na makaalis. Hindi natuloy ang paghahandog kay Isaac. Pero hindi pwedeng hindi matuloy ang pagsamba sa Diyos. So, kinuha ni Abraham yung lalaking tupa, siyang tinali sa altar, pinatay, sinunog, at inihandog bilang pagsamba sa Diyos. Kapalit ng anak niya. Substitute offering. Nagkataon lang bang merong tupa na nasabit ang sungay sa sanga? Hindi. God will provide. God has provided that lamb. Alam ni Abraham yun. Kaya tinawag niya yung lugar na, “Yahweh Will Provide” (v. 14). Jehovah Jireh. Yahweh Yireh. The Lord is our Provider. Literally, nakikita ng Diyos kung ano ang kailangan natin, at titiyakin niya na maibibigay kung ano ang kailangan para mabuhay!
Mahalaga at this point na maging malinaw kung ano yung “the Lord will provide.” Kasi pwedeng ma-misinterpret at ma-misapply. Totoong kapag kumakain tayo araw-araw, yun ay dahil tumutugon ang Diyos sa prayer natin, “Give us this day our daily bread.” Pero hindi niya ipinangako na yung gusto nating kainin makukuha natin, o hindi natin kailanman mararanasang magutom. Kapag gumaling tayo sa sakit, provision ni Lord yung healing na yun. Pero hindi niya ipinangako na he will provide healing for every Christian all the time. Kung nagiging prosperous man tayo financially, galing sa Diyos yun, pero hindi niya promise na he will provide prosperity for everyone. Hindi ipinangako ng Diyos na magkakabahay ka at hindi na mangungupahan, na magkakakotse ka at hindi na magcocommute, na financial breakthrough is around the corner, only if you will believe in God and obey God katulad ni Abraham. That is to mishandle, abuse, and distort this wonderful story.
Paano ba naririnig ng Israel ang kuwentong ito? “…as it is said to this day, ‘On the mount of the Lord it shall be provided” (v. 14). Sa kuwento ng Bibliya, hindi si Abraham ang unang naghandog ng hayop para sa Diyos, pero siya ang unang naghandog ng hayop as a substitute. Pagdating sa kuwento ng bansang Israel, nandun sila sa Egypt, slaves sila dun, pero nagsabi si Moises sa hari ng Egypt na payagan silang umalis, three-day journey din sa wilderness para sumamba sa bundok na sinasabi ng Diyos (Ex. 3:18; 4:27; 5:3). Hindi sila pinayagan. Nagpadala ang Diyos ng sunud-sunod na salot. Ang huli ay yung pagpatay sa lahat ng panganay (firstborn) sa Egypt—tao at hayop. Pero yung firstborn ng mga Israelita maliligtas kapag dumaan yung angel na papatay sa lahat. Paano mare-redeem yung mga firstborn nila? Kailangan merong substitute na tupa (Ex. 13:12-13), papatayin at ihahandog sa Diyos, ang dugo ay ipapahid sa hamba ng pintuan nila at lalampasan sila ng anghel habang sila ay nasa loob. Yun ang Passover substitute (Ex. 12:12-13) (Waltke, Genesis, 310). Substitution din yung purpose ng mga burnt offerings, ipapatong nila yung kamay nila dun sa hayop, simbolo ng paglilipat ng kasalanan nila, at yun ang mamamatay sa halip na sila ang mamatay (Lev. 1:4). Eventually, dun sa Mt. Moriah itatayo ang templo sa panahon ni Solomon (2 Chr. 3:1). Araw-araw, taon-taon, merong burnt offerings, reenactment ng kuwento ng Genesis 22.
Parang walang katapusan, paulit-ulit, kasi wala naman talagang sasapat na handog—kahit hayop, kahit tao—para magbayad ng laki ng kasalanan natin sa Diyos. Until dumating ang katuparan ng lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus, ang nag-iisa at minamahal na Anak ng Diyos, na naparito para ialay ang kanyang sarili para sa ikatutubos ng marami (Mark 10:45). He is “the lamb of God who takes away the sin of the world” (John 1:29). Naparito siya para tuparin ang kalooban ng Ama, kahit napakahirap, nagpasakop siya, “Not my will but yours be done.” Parang si Isaac, hindi pinilit, fully submissive to the will of his father, kahit parang isang tupa na kakatayin, walang imik (Isa. 53:7). Kung ano ang iniutos ng Diyos kay Abraham at first seems ridiculous, pero nagtuturo ito sa atin kung up to what extent he is willing to go in order to save us. Kamatayan ng nag-iisa at pinakamamahal niyang Anak ang tanging paraan para mailigtas tayo—para maitaguyod ang katarungan niya at maipamala ang awa niya at the same time.
Kung tutuusin, hindi si Isaac ang kumakatawan kay Cristo sa kuwentong ito. Dahil sa bundok ng Kalbaryo, itinali si Jesus sa krus, bilang handog na papatayin, nang ipako ang kanyang kamay at paa sa krus, nang itusok ang espada sa tagiliran niya, walang sumigaw sa langit at pumigil katulad ng nangyari kay Isaac. Tahimik ang kalangitan habang kinakatay ang Tupa na handog para sa atin. Pinakamasakit sa lahat ay yung tumarak sa puso niya nang sumigaw siya, “My God, my God, why have you forsaken me.” Tuluyan na siyang nalagutan ng hininga, at namatay, dahil siya yung Tupa na kapalit para si Isaac—tayong lahat yun—dahil sa pagmamahal ng Diyos sa buong mundo, ibinigay niya ang kanyang nag-iisang Anak, upang ang sinumang sa kanya ay sumampalataya ay hindi mapahamak at mamatay kundi magkaroon ng buhay, buhay na walang hanggan.
Kung hanggang ngayon ay sinasabi mong wala namang kinalaman sa buhay mo ang kuwento ni Isaac, think again. Buhay mo rin ang nakasalalay sa kuwentong ito. Kung mamatay si Isaac, balewala ang pangako at plano ng Diyos, wala sana ang bansang Israel, wala sana ang Tagapagligtas na darating, wala sana tayong buhay hanggang ngayon. Dahil sa kasalanan, tayo’y patay, at tiyak na mamamatay sa walang hanggang kaparusahan sa impiyerno. Pero dahil si Cristo’y namatay at muling nabuhay, tayo naman ay magkakaroon ng buhay.
Baka ang ilan sa inyo ay naghahanap pa rin kung ano ang paraan para maligtas. You cannot provide that for yourself. Hindi ang pagiging relihiyoso mo ang katugunan. Magtiwala ka sa provision na ibinigay na ng Diyos para maligtas ka. Sapat na si Cristo. Wala nang iba. Do you believe that?

God Reaffirms His Promise (Gen. 22:15-19)

If you are a Christian, keep believing that. Maasahan mo ang Diyos na ibibigay ang lahat ng kailangan mo para maligtas, para manatiling ligtas, hanggang sa dulo. E kasi naman, ang dali sa atin na pagduduhan ang pangako ng Diyos to provide sa kung ano ang kailangan natin. Kaya naman, as a result of Abraham passing the test, bilang resulta ng pagsunod ni Abraham na udyok ng pananampalataya niya na nakabatay naman sa pangako ng Diyos, tumanggap pa siya ng pangako ulit na galing sa Diyos. Nagsalita ulit ang anghel ni Yahweh:
“Ito ang sinasabi ng Panginoon: Sumusumpa ako sa sarili ko na pagpapalain kita nang lubos dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak. Bibigyan kita ng mga lahi na kasindami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sasakupin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. At sa pamamagitan ng iyong mga lahi, pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil sumunod ka sa akin” (vv. 15-18 ASD).
Pangako ng Diyos ang dala ni Abraham pag-akyat sa bundok. Pangako pa rin ng Diyos ang bitbit niya pagbaba ng bundok. At tulad ng sinabi niya sa mga tauhan niya na babalik sila ng anak niya, yun nga ang nangyari. Magkakasama silang bumalik sa Beersheba at doon siya patuloy na nanirahan (v. 19).
Yung pangako naman na yun ay parehas din ng mga nauna. Pero nagkaroon din ng pagtaas ng level yung promise ni God. Sabi niya noon, “I will bless you,” ngayon naman, “I will surely bless you.” Sabi niya dati, pararamihin ang lahi niya, parang bituin, parang buhangin sa dami, ngayon naman, “I will surely multiply your offspring...” Yung victory over their enemies added feature din. At yung sinabi niyang, “in you all the families of the earth shall be blessed,” dito naman, “in your offspring shall all the nations of the earth be blessed.” Kapag nangako naman talaga ang Diyos tutuparin niya, pero dito ikinabit ng Diyos ang garantiya ng pangako niya sa ginawang pagsunod ni Abraham: “because you have done this and have not witheld your son, your only son…because you have obeyed my voice.” At hindi lang nangako ang Diyos, sumumpa siya, “By myself I have sworn.” Para ano? Para bigyan tayo ng “strong encouragement” na kailangan natin sa mga panahon na nagdududa tayo (Heb. 6:13-18).
Bumabagsak tayo sa pagsubok. Humihina ang tiwala natin sa Diyos. Sumusuway tayo sa mga utos niya. Paano na ‘yan? The good news is, hindi sa atin nakasalalay ang pangako ng Diyos. Buti na lang nakapasa si Abraham. Hindi pala siya. Buti na lang Jesus passed the test in the wilderness, hindi tulad ng Israel. Buti na lang Jesus passed the test in the Garden, hindi tulad ni Adan. Ang pagsunod ni Jesus sa Ama—hanggang sa kamatayan sa krus—ang naggarantiya na lahat ng mga pangako ng Diyos para sa atin ay tutuparin niya. Dahil inihandog na ni Jesus ang sarili niya para sa atin, makakapitan natin ang mga pangako niya. Sa panahong feeling natin ay walang-wala tayo, at hindi tayo nakukuntento kung ano ang meron tayo, sapat si Jesus para sa atin. God will supply what we need (Phil. 4:19). Hindi natin kailangang kumapit pa sa iba. Sa mga panahong natutukso tayo na magkasala and cling to idols of sex, money and power, mapagkakatiwalaan nating sapat ang provision ng Diyos para sa atin. “He will provide the way of escape” (1 Cor. 10:13). Sa mga panahong nanghihina tayo, at humuhugot ng lakas sa ibang tao, makakaasa tayo na sapat ang biyaya ng Diyos para sa atin. “My grace is sufficient for you,” sabi niya (2 Cor. 12:9).
Hindi na natin kailangang tumingin pa sa iba, at hanapin sa mundo ang sa Diyos lang natin matatagpuan. Mananatili tayong tapat hanggang wakas, makapagsisisi sa ating mga kasalanan, makasusunod gaano man ka-imperfectly. Dahil meron tayong perfect Substitute, sapat ang provision niya, his grace is sufficient for us. “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay” (Rom. 8:32)? Lahat ng bagay na kailangan natin para sa kaligtasan natin hanggang dulo. Hindi lahat ng kagustuhan o pinapangarap natin, lahat ng kailangan.
Related Media
See more
Related Sermons
See more