Ang Tunay na Templo
Bayan ng Diyos • Sermon • Submitted
0 ratings
· 234 viewsNotes
Transcript
Bayan ng Diyos
While the serye on OPM tinalakay ang mga kaugalian at mindset ng ating kultura---
Pagkarelihiyoso g Pilipino
Pagkatutok sa isang lugar na pagsamba… “Sacred Places”
Saan nagsimula..
Sa Bibliya sa bundok, sa bahay, sa aplaya, sa sinagoga..
Ang mga “sacred places” daw ay continuation daw ng pagsamba sa sinagoga na hinaluan ng elemento ng pagsamba sa “templo” or temple worship..
Ang Temple worship ay isang bagay na makikita natin sa Old Testament ==> Ito ang pinamamahayanan ng “ark of the Covenant.. mula sa tabernacle ni Moises, sa tabernacle ni David — at da pagtayo ng templo ni Haring Solomon..
Isaias 66:1
Ito ang sabi ni Yahweh:
“Ang aking trono ay ang kalangitan,
at ang daigdig ang aking tuntungan.
Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin?
Anong klaseng lugar ang aking titirhan?
Even with our newly constructed house - we have to be mindful.
Ano ang tunay na Templo?
1. May pinangakong mas dakilang Templo.
Haggai - Fiesta
(Hagai 2:7-9)
Yayanigin ko ang mga bansa at dadalhin ko dito ang kanilang mga kayamanan. Ang Templong ito ay mapupuno ng kanilang mga kayamanan 8sapagkat ang lahat ng pilak at ginto sa buong daigdig ay akin. 9Dahil dito, ang bagong Templo ay magiging higit na maganda kaysa doon sa nauna, at sa bagong Templong ito ay mahahayag ang kasaganaan at katiwasayang ipagkakaloob ko sa aking sambayanan.” Ganito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Ezekiel
2. Tinupad ni Hesus ang Pangako ng mas dakilang Templo
Someone greater than the Temple is here...
“Sinasabi ko sa inyo, may isang naririto na higit na dakila kaysa Templo.” (Mateo 12:6)
At one point, Jesus tied the temple with His own body...
Juan 2:19-21
Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.”
20Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?”
21Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan. 22Kaya't nang siya'y muling mabuhay, naalala ng kanyang mga alagad na sinabi niya ito, at lalo silang naniwala sa kasulatan at sa mga itinuro ni Jesus.
Someone greater than the temple is here.
Saan ang Templo sa time natin?
3. Ang pangkasalukuyang Templo ay kung saan nananahan ang Diyos.
Our body is the temple of the Holy Spirit
1 Mga Taga-Corinto 6:19
“Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo?”
Ang Espiritu ay nananahan sa Iglesya:
“21Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. 22Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.” (1 Mga Taga-Efeso 2:21-22)
Ang Iglesya ay hindi building, hindi lugar.
Dadalhin natin ang Iglesya ng Diyos sa mataong lugar na yon
We still need to tithe and partner with the work.. partisipasyon.. ownership.
4. Wala ng Templo sa darating na Kaharian ng Diyos
Revelation 21.
Mga Pahayag 21:22
“22Napansin ko na walang templo sa lunsod sapagkat ang nagsisilbing templo roon ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.”
Explain, wala ng pangangailangan ng patuloy na sakripisyo
Hebrews 10:11-14.
1Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. 12Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos. 13Ngayo'y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. 14Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga pinaging-banal ng Diyos. (Hebreo 10:11-14)
It is finished.
Worship
Dakilang Komisyon