Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.1UNLIKELY
Disgust
0.09UNLIKELY
Fear
0.13UNLIKELY
Joy
0.54LIKELY
Sadness
0.55LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.04UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.32UNLIKELY
Agreeableness
0.64LIKELY
Emotional Range
0.17UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
Sinabi ko last week sa dulo ng sermon na wala nang mas mahalaga pa kaysa ang makilala si Cristo.
At na-affirm yun sa paulit-ulit na references sa “knowledge of God” sa Bible reading natin this week sa 2 Peter.
Actually, yung simula at dulo ay nagpapakita sa atin na kailangan natin lumago sa pagkakilala sa Diyos.
Paano raw mag-uumapay ang biyaya at kapayapaan sa buhay natin?
"Through the knowledge of God and of Jesus our Lord" (2 Pet.
1:2 CSB).
Paano raw natin mababantayan ang sarili natin sa maling aral at baluktot na pamumuhay?
"Grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ" (3:18).
So, napakahalaga ng theology, at particularly yung Christology.
Hindi mo pwedeng sabihing hindi natin ‘yan kailangan, para mo na rin sinasabing ayaw mong makilala si Cristo.
Christology matters for eternal life, godliness, and enjoying life with God.
Get this wrong at your own peril.
So my conviction as your pastor is to preach Christ to you, kasi yun ang kailangan nating lahat.
Tulad ni Pablo, “I decided to know nothing among you except Christ and him crucified” (1 Cor.
2:2 ESV).
That is why we are spending a lot of time sa pag-aaral ng bawat isang article na nakasulat sa The Apostles’ Creed.
At nandito na tayo ngayon, simula last week, sa bahagi ng confession natin tungkol sa pinaniniwalaan natin tungkol kay Cristo na Anak ng Diyos at ating Tagapagligtas.
Our Need of a Redeemer
At mas lalaki ang pagkakakilala natin sa kanya kung makikita natin ang laki ng pangangailangan natin sa isang Tagapagligtas.
Walang explicit na line sa Creed tungkol sa kasalanan natin, and our need of a Mediator.
Pero implied yun sa bandang dulo, “the forgiveness of sins,” kailangan nating lahat yun.
At yung tungkol sa pagbabalik ni Cristo, he will come to judge the living and the dead.
Kailangan nating malaman kung paano makakaligtas sa paghuhukom at pagpaparusa ng Diyos.
At yung tungkol sa kamatayan ni Jesus, implied na kailangang may magbayad ng parusa ng kamatayan dahil sa kasalanan ng tao.
Makasalanan tayo.
We need a Redeemer.
Simula nang magkasala si Adan, lahat ng mga tao ay nagmana ng kasalanan niya (Rom.
5:12), mula pa sa sinapupunan ng ating ina makasalanan na tayo (Psa.
51:5).
Lahat tayo ay nagkasala at nararapat lang parusahan ng Diyos.
Dahil makatarungan siya, hindi niya ito pwedeng palampasin (HC Q10).
Oo nga’t maawain ang Diyos, pero hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang nagawa nating mga kasalanan laban sa kataas-taasang Diyos ay maparusahan din ng pinakamatindi at walang hanggang pagpaparusa (Q11).
Makakatakas lang tayo sa parusang ito kung babayaran natin ito o ng iba (Q12).
Kaya ba nating bayaran ang pagkakautang na ito?
Hinding-hindi, araw-araw pa ngang lumalaki ang pagkakautang natin sa Diyos (Q13).
Meron bang ibang tao na makapagbabayad nito para sa atin?
Wala, dahil wala namang sinuman ang kakayaning akuin ang tindi ng galit ng Diyos sa kasalanan (Q14).
Ano ngayong uri ng Tagapamagitan at Tagapagligtas ang kailangan natin at dapat nating hanapin?
Tunay na tao, tunay na matuwid, at higit na makapangyarihan sa lahat ng nilalang, kaya dapat ay tunay na Diyos din (Q15).
Bakit kailangang tunay na tao ang Tagapagligtas?
Dahil tao ang nagkasala kaya tao rin ang dapat magbayad.
Bakit kailangang tunay na matuwid?
Dahil kung may kasalanan din, hindi niya kayang bayaran ang kasalanan ng iba dahil siya mismo ay kailangan rin ng Tagapagligtas (Q16).
Bakit kailangang tunay na Diyos?
Dahil ang walang-hanggang Diyos lang ang may sapat na kapangyarihan para maako ang walang-hanggang parusa ng Diyos at makapagbigay sa atin ng buhay na walang-hanggan (Q17).
Para baligtarin ang sumpang dulot ng kasalanan ni Adan sa sangkatauhan at sangnilikha, kailangang dumating ang ipinangako ng Diyos na anak ng babae na dudurog sa ulo ng ahas (Gen.
3:15).
Hindi si Noah.
Hindi si Abraham.
Hindi si Jose.
Hindi si Moses.
Hindi si Joshua.
Hindi si Saul.
Hindi si David.
Hindi si Solomon.
Hindi ang sinumang dakilang hari, o punong pari, o magiting na propeta sa kasaysayan ng Israel.
Sino ang tagapamagitang ito na tunay na Diyos at tunay na taong matuwid?
“Ang ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang ginawa ng Diyos na maging ating karunungan, katuwiran, kabanalan, at katubusan (1 Cor.
1:30)” (HC Q18).
O sa New City Catechism Q20, “Sino ang Manunubos na ito?
Ang tanging Manunubos ay ang Panginoong Jesu-Cristo, ang walang hanggang Anak ng Diyos, na sa Kanyang katauhan ay naging Tao ang Diyos at inako ang kabayaran ng kasalanan sa Kanyang sarili.”
The Christmas Story and the Incarnation
Kaya mahalaga yung ika-apat na artikulo sa Creed, o ikalawa sa section ng Christology nito.
Last week, pinag-aralan natin yung una about Jesus, “Jesus Christ, his only begotten Son, our Lord.”
Marami na tayong natutunan tungkol sa kanya, pero mas makikilala pa natin siya nang lubusan sa sumunod na linya, “Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary.”
Sa Tagalog, “Siyang ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.”
Sa Latin, “qui conceptus est de Spiritu Sancto, natus ex Maria virgine.”
Alam naman natin ang kuwento ng kapanganakan ni Jesus, lalo na kapag magpapasko.
Ipinanganak si Jesus bilang katuparan ng pangako at plano ng Diyos sa Old Testament sa Israel, siya si “Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham” (Matt.
1:1).
Mahalagang ma-establish na birhen si Maria nang ipagbuntis niya si Jesus dahil yun ay fulfillment ng prophecy sa Isaiah 7:14, “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki,
at tatawagin itong Emmanuel (ang kahulugan nito'y ‘Kasama natin ang Diyos)” (Matt.
1:23).
Dito pa lang, ipinapakita na na si Jesus ay Diyos din.
Hindi pa kasal si Maria at Jose nung nagbuntis si Maria, pero hindi si Jose ang ama, at hindi rin ibang lalaki (vv.
18-19).
Siyempre mahirap yung para kay Jose, kaya nagpakita ang anghel sa kanya, at ang sabi, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo” (v.
21).
So doon galing yung line sa Creed, “conceived by the Holy Spirit.”
Maraming mahimalang pagbubuntis sa Old Testament—si Sarah, si Rebekah, si Rachel, si Hannah.
Pero walang mas pambihira pa sa kapanganakan ni Jesus.
Merong human mother, para matiyak na tao ang ipapanganak, pero walang human father, para ma-preserve ang kabanalan ng sanggol at hindi maipasa ang “original sin.”
Bago ito, nagpakita rin ang anghel kay Maria, at sinabihan siya kung paano mangyayaring magbubuntis siya na wala namang ama.
“Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos.
Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos” (Luke 1:35).
Mahalaga na paniwalaan natin yung historical account na ito ng virgin birth.
Yung iba kasing liberal theologians hindi naniniwala dito, sobrang miraculous at imposible daw.
But that is the point!
Kasi kung hindi mo ‘to paniniwalaan, hindi mo rin pinaniniwalaan ang Salita ng Diyos tungkol dito, at sinasabi mo pang sinungaling ang Diyos.
At kailangang mangyari itong virgin birth para masigurado na tunay na tao, tunay na matuwid, at tunay na Diyos ang ipapanganak.
Dito nakasalalay ang kaligtasan natin.
Imposible sa tao, yes.
Kaya sinabi ng anghel, “...sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos” (v.
37).
Sabi ng theologian na si Wayne Grudem, "The virgin birth of Christ is an unmistakable reminder that salvation can never come through human effort, but must be the work of God himself" (Wayne Grudem).
Sabi ni Albert Mohler, kung hindi ka naniniwala sa virgin birth, delikado ka, dahil ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang Cristo na itinuturo ng Salita ng Diyos.
“The Apostles’ Creed, therefore, has included the virgin birth for good reason—it is true, it is essential, and it is glorious” (Mohler, 42).
Dito nakasalalay ang kaligtasan natin.
Kaya sabi sa Nicene Creed about Christ, “Who, for us men for our salvation, came down from heaven, and was incarnate by the Holy Spirit of the virgin Mary, and was made man.”
Ang salitang “incarnate” ay tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak, galing sa Latin na incarno, sounds carne, meaning, “to be made flesh.”
“Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos...Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin” (John 1:1, 14).
Hindi ibig sabihing nagtransform yung divine nature at naging tao, kundi idinagdag sa pagka-Diyos ng Anak ang kalikasan ng tao.
Hindi binawas ang pagka-Diyos ng Anak para maging tao.
“Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao” (Phil.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9