Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.08UNLIKELY
Disgust
0.07UNLIKELY
Fear
0.07UNLIKELY
Joy
0.46UNLIKELY
Sadness
0.51LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.06UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.41UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.17UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
The necessity of confessing Christ rightly
Tinatawag natin ang sarili natin na mga Christians, believers, disciples or followers of Christ.
Bihira naman ang mga tao ngayon na outrightly ay magde-deny kay Cristo at sasabihing, “Ayoko sa kanya.
I hate him.”
Marami siyang “admirers” or “fans” ngayon.
At tayong mga Christians ay sinasabing nating tayo ay “followers” of Christ.
Naniniwala tayo sa kanya, nagtitiwala tayo sa kanya, sumusunod tayo sa kanya.
Madaling sabihin ‘yan.
Marami naman kasing “nominal Christians” lang, Cristiano sa nguso, Cristiano kuno.
It is one thing to confess Christ, another thing to confess the right Christ.
Pwede mong sabihing naniniwala ka kay Cristo, pero sinong Cristo ang pinaniniwalaan mo? Yun ang mahalagang tanong.
Kaya mahalaga ang “confession” ng Apostles’ Creed.
‘Pag sinabing confess, usually naiisip natin yung pag-confess ng kasalanan natin (1 John 1:9).
Ang binibigkas natin ay pagsang-ayon sa sinasabi ng Diyos hindi lang sa kasalanan natin, kundi sa Tagapagligtas natin sa kasalanan.
“Ang hindi kumikilala sa Anak ay hindi rin kumikilala sa Ama.
Ang kumikilala (confesses) sa Anak ay kumikilala rin sa Ama” (2:23).
“Ito ang palatandaan na ang Espiritu ng Diyos nga ang nasa kanila: kung ipinapahayag (confesses) nila na si Jesu-Cristo ay dumating bilang tao.
Kung hindi gayon ang kanilang ipinapahayag (confesses) tungkol kay Jesus, hindi mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila” (4:2-3).
“Ang nagpapahayag (confesses) na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananatili sa kanya” (4:15).
Kaya mahalaga ang theology.
Kaya mahalaga ang Apostles’ Creed na hindi lang natin ipinapahayag kundi inuunawang mabuti.
Makikita natin dito ang suma ng “Christian theology” na ayon kay Daniel Treier ay merong “trinitarian” at “narrative” na structure.
Ito yung “drama of redemption,” o yung tinatawag nating “The Story of God” na kinapapalooban ng “four glorious unions.”
Una na nating napag-aralan yung tungkol sa Trinity—one God in three persons.
Ikalawa, yung last week, yung “the incarnation”—o yung dalawang natures ni Cristo, pagiging Diyos at pagiging tao sa iisang Son of God.
Ikatlo, yung pag-aaralan natin ngayon, yung “the atonement”—yung reconciliation between sinners and God; at ikaapat, “the covenant—the communion of the saints with God,” diyan patungo ang buong istoryang ito, and also the goal of our theology (Introducing Evangelical Theology, “Introduction”).
So, sa pag-aaral natin ng Christology ng Apostles’ Creed, tingnan natin sa context nitong larger perspective.
Nauna na nating pag-aralan two weeks ago ang tungkol sa kung sino si Cristo (“Jesus Christ, His only Son, our Lord”), at last ay yung tungkol sa kanyang incarnation o pagkakatawang-tao (“conceived by the Holy Spirit, born of the virgin Mary”).
At simula ngayon ay yung tungkol sa kanyang ginawa para sa ating kaligtasan.
Sabi ni Joel Beeke, "The person and work of Christ are the core of the gospel (1 Cor.
2:2).
Just as the person of the incarnate Lord is the foundation of our salvation, so his work is the accomplishment and application of our salvation" (Reformed Systematic Theology, 2:869).
Inadequate approaches to the work of Christ
So kung yung “work” ng Panginoong Jesus ay may kinalaman sa “accomplishment and application of our salvation,” napakahalaga talaga na maintindihan natin yun.
Kasi merong iba’t ibang pananaw ang mga tao ngayon tungkol dyan.
Nagbanggit si Joel Beeke ng ilang mga “inadequate approaches to the work of Christ” (2:870-873):
Yung iba ang tingin kay Cristo ay bilang isang wise teacher.
Totoo naman.
Pero naparito si Jesus hindi lang basta magturo ng magagandang aral na dapat nating pakinggan, paniwalaan at sundin.
Ang pagparito niya ay hindi lang tungkol sa mga itinuro niya, kundi sa ginawa niya.
Yung iba naman ang tingin sa kanya ay isang terrifying king.
Bilang hari, hahatulan niya ang mga nagrerebelde sa kanya, kaya nakakatakot ang pagbabalik niya sa mga unrepentant.
Totoo naman, pero he is also “gentle and lowly,” na nag-aanyaya sa mga tao na lumapit sa kanya.
Yung iba naman ang tingin sa kanya ay isang crucified sacrifice.
Yung image na nangingibabaw ay yung katawan ni Cristo na nakabayubay sa krus ng kalbaryo.
Totoo namang “sacrifice” ang ginawa niya.
Pero hindi lang siya parang isang hero o martyr na nag-iinspire sa mga followers siya.
Kailangang maintindahan natin ang essence ng crucifixion ni Jesus.
Yung iba naman ang tingin sa kanya ay isang spiritual power.
Hindi mahalaga yung historical event, basta “Christ is inside you.”
Siya ang nag-eempower sa ‘yo, nagpapalakas sa ‘yo.
May katotohanan siyempre, pero nagiging very subjective ang approach sa Christianity.
Yung iba naman very romantic ang approach kay Cristo, na parang isang mystical lover.
Pero nagiging emotional lang, based lang sa feelings.
Yung iba ang tingin sa kanya ay isang sympathetic sufferer.
Naiintindihan niya ang mga dinaranas mong paghihirap.
Totoo.
Pero his sufferings were more than that.
Hindi lang para maka-identify sa afflictions natin, but to rescue us from eternal suffering.
Yung iba naman napopolitika na ang image ni Christ, na para siyang social activitist o isang revolutionary liberator.
Para raw palayain ang bansa natin, lalo na ang mga mahihirap at naaapi, mula sa mga injustices and oppression ng mga abusadong namumuno.
Pero yun nga ba ang primary reason kung bakit naparito ang Anak ng Diyos?
These images may communicate some truths about who Christ is and what he has done.
Pero karaniwang nagiging “one-sided.”
Marami naman ang nakakaalam kung sino si Jesus, anu-ano ang ginawa niya, anu-ano ang mga itinuro niya, kung paano siya namatay, at yung historical event ng resurrection niya.
Pero ano ang ibig sabihin nun?
Ano yung na-accomplish niya sa mga ginawa niya?
Kaya mahalagang pag-aralan yung susunod na linya sa confession of our faith sa Apostles’ Creed: “He suffered under Pontius Pilate, was crucified, died and was buried”; “Nagdusa sa ilaliim ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay, at inilibing”; “passus sub Pontio Pilato, crucifixus, mortuus, et sepultus.”
Isa-isahin natin yung meaning and significance ng bawat termino dyan.
“Suffered”
Maraming nagtataka kung bakit nilaktawan ng Creed yun tungkol sa buhay at ministeryo ng Panginoong Jesus, at diretso agad sa kamatayan niya.
Marami siyempreng nakasulat sa Gospels—Matthew, Mark, Luke and John—tungkol diyan.
Tandaan natin na itong Creed ay summary, at nagsisilbing “rule of faith” para magabayan tayo sa pagbabasa ng record tungkol sa buhay ni Jesus.
So, read the Gospels para mas makilala mo ang Panginoong Jesus.
At matutulungan tayo ng Creed para makita at maalala kung ano yung layunin bakit siya naparito.
Hindi lang para magturo, magpagaling, at gumawa ng mga himala.
Naparito siya para hanapin at iligtas ang mga naliligaw (Luke 19:10).
At paano mangyayari yun?
Naparito siya hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami (Mark 10:45).
He was born to die.
So, yung goal ng incarnation niya ay yung crucifixion.
Pero, hindi rin naman tama na sabihin nating nilaktawan ng Creed ang buong buhay ni Jesus.
Implied kasi yun sa “suffered under Pontius Pilate.”
Hindi lang ‘yan tungkol sa suffering niya sa dulo ng buhay niya, kundi sa suffering na naranasan niya sa buong buhay niya—mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan niya.
Mahalagang ipaalala dahil, ayon kay Albert Mohler, nakakalimutan nating mga Christians na si Jesus ay hindi lang namatay para sa atin, siya rin ay nagdusa at naghirap para sa atin.
Kaya yung bungad sa sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 37 tungkol sa “suffering” ng Panginoong Jesus, “Sa lahat ng panahong namuhay Siya sa daigdig, at mas lalo na noong bandang huli...” Hindi lang sa dulo, kundi buong buhay niya dito sa mundo ay puno ng pagdurusa.
Tandaan mo ‘yan, lalo na sa panahong dumaranas ka ng matinding paghihirap.
Your Savior was a sufferer.
Nagbigay si Zacharias Ursinus, main author ng Heidelberg Catechism, ng pitong paraan kung paanong nagdusa si Cristo:
Iniwan niya ang mga kagalakan ng langit.
Naranasan niya ang mga kahirapang nararanasan ng mga tao tulad ng pagkagutom, pagkauhaw, kalungkutan, pagtangis, at marami pang iba.
Naranasan niya ang kawalan at ang kahirapan, ni wala siyang sariling tirahan.
Pinagtiisan niya ang mga pang-iinsulto, pagtatraydor, paninirang-puri, paglapastangan, pagtatakwil, at masamang pagtrato ng mga tao sa kanya.
Hinarap niya ang mga tukso ng Diyablo.
Ang kamatayang sinapit niya ay isang kahiya-hiya at napakasakit na kamatayan.
Naranasan niya ang matinding paghihirap ng kalooban niya bilang isang isinumpa at tinalikuran ng kanyang Ama sa langit.
Basahin mo yung Gospel accounts tungkol sa buhay ni Jesus at marerealize mo na siya yung Suffering Servant na tinutukoy ni Isaiah.
“Hinamak siya at itinakwil ng mga tao.
Dumanas siya ng mga sakit at hirap.
Tinalikuran natin siya, hinamak, at hindi pinahalagahan.
Ang totoo, tiniis niya ang mga sakit at mga kalungkutang dapat sanaʼy tayo ang dumanas.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9