Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.08UNLIKELY
Disgust
0.08UNLIKELY
Fear
0.11UNLIKELY
Joy
0.53LIKELY
Sadness
0.55LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.04UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.35UNLIKELY
Agreeableness
0.63LIKELY
Emotional Range
0.16UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
Mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo.
Dito nakasalalay ang buhay mo.
Malaki ang epekto nito sa buhay mo.
Kaya natin pinag-aarala ang Apostles’ Creed.
Halimbawa, magse-share ka ng gospel sa kapitbahay mo, paano ka makakasigurado na siya na spiritually dead ay sasampalataya kay Jesus kung marinig niya ang gospel sa ‘yo?
E patay nga ‘yan, di ba? Sa pagdidisciple natin sa mga members ng church na gusto nating matulungan na mapagtagumpayan ang pakikipaglaban nila sa kasalanan, nasaan ang kumpiyansa natin na sila ay magpapatuloy sa pananampalataya hanggang wakas?
Ganun din sa sarili nating mga struggles sa kasalanan, saan manggagaling ang lakas na kailangan natin para magbago at maging tulad ni Cristo?
Sa mga sufferings na nararanasan mo ngayon, paano ka makatitiyak na lahat ‘yan ay gagamitin ng Diyos para sa ikabubuti mo, tulad ng pangako ng Diyos?
Sa kamatayan, paano ka makatitiyak na merong buhay pagkatapos nito?
Ang sagot sa mga tanong na ‘yan ay nakakabit kay Cristo at sa kanyang gawa.
Kaya napakahalaga ng pinag-aaralan natin sa Christology ng Creed.
Natapos na natin yung tungkol sa kung sino siya—the person of Christ: “And in Jesus Christ, his only begotten Son, our Lord.”
Then, nasimulan na rin nating pag-aralan yung tungkol sa bahagi ng kanyang gawa—the work of Christ—na may kinalaman sa kanyang “humiliation” o pagpapakababa: “Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary; suffered under Pontius Pilate; was crucified, dead and buried.”
Nagpakababa siya, sa kanyang pagiging tao, sa kanyang pagiging anyong alipin, sa kanyang kamatayan sa krus at sa paglilibing sa kanya, para bigyan tayo ng buhay at ng kaligtasan.
Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos,
at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.
At nang siya'y maging tao,
nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
(Phil.
2:6-8 MBB)
O sa sagot ng Question 49 ng Westminster Larger Catechism (“How did Christ humble himself in his death?”):
"Christ humbled himself in his death, in that having been betrayed by Judas, forsaken by his disciples, scorned and rejected by the world, condemned by Pilate, and tormented by his persecutors: having also conflicted with the terrors of death, and the powers of darkness, felt and borne the weight of God’s wrath, he laid down his life an offering for sin, enduring the painful, shameful, and cursed death of the cross.
Alalahanin mo palagi kung ano ang hirap na dinanas niya para iligtas ka.
Ngayon naman, titingnan natin ang bahagi ng Creed na siyang dulo o pinakamababa sa kanyang pagpapakababa, at yung pasimula naman ng pagtataas sa kanya ng Diyos: “He descended into hell; on the third day he rose again from the dead.”
Sa Tagalog, “Bumaba siya sa impiyerno; sa ikatlong araw ay muling nabuhay mula sa mga patay.”
Sa Latin, “Descendit ad inferna; tertia die resurrexit a mortuis.”
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Sa gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon,
sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
(Phil.
2:9-11)
‘Yan naman ang ultimate goal ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo—para sambahin natin siya, para i-confess natin, “Jesus is Lord,” para maparangalan ang pangalan ng Diyos ng lahat ng kanyang nilikha, kasama ka, kasama ako, kasama tayong lahat.
Mas magiging matayog ang pagsamba natin sa kanya kung mas maiintindihan natin yung sakit at dusa na dinanas niya nang siya ay mamatay.
Yun ang ine-express ng controversial line na ito sa Creed: “he descended into hell.”
Jesus’ “descent to hell”
Itong phrase na ‘to ay hindi kasama sa mga older versions ng Creed, pero pagkatapos nung 5th century ay matatagpuan na sa mga Latin creeds, gaya ng sabi ni Rufinus na maaaring simula pa AD 390 (Philip Schaff, The Creeds of Cristendom, 2:45).
Wala rin ito sa Nicene Creed (AD 325, 381) na nakabased at expanded version ng Apostles’ Creed: “He suffered and was buried; and the third day He rose again, according to the Scriptures.”
Pero nandun na sa 5th century Athanasian Creed: “Who suffered for our salvation, descended into hell, rose again the third day from the dead.”
Isa lang ‘yan sa mga reasons kaya controversial ‘to.
Kaya yung ibang grupo, tinatanggal yung line na ‘to sa version nila ng Creed.
Pero dahan-dahan tayo bago gawin yun, kasi for the last 1,500 years kasali ‘to sa confession ng maraming mga Christian churches.
So dapat intindihin natin kung bakit.
Yung iba naman mino-modify.
Kasi ‘pag sinabing “hell” ang agad naiisip natin ay yung lugar kung saan paparusahan ang lahat ng mga demonyo at mga unbelievers.
Yun ay Gehenna sa Greek.
Common din sa misinterpretation kasi kapag sinabing “bumaba sa impiyerno,” akala ngayon ng iba yung impiyerno nasa ilalim ng lupa!
Pero hindi ito physical o geographic description.
Yung “hell” dito ay galing sa Greek na Hades o sa Hebrew ay Sheol, na meron apat na range of meanings ayon kay Francis Turretin (Institutes 2:362):
Maaari itong tumukoy sa libingan o grave.
Sa Psalm 16:10, “Sheol” o “lugar ng mga patay” (ASD).
Sa Psalm 49:15, “Sheol” o “kamatayan”
O sa literal na lugar ng impiyerno para sa mga paparusahan ng Diyos.
Sa Luke 16:23, yung rich man “in Hades, being in torment,” “habang nagdurusa siya sa lugar ng mga patay” (ASD).
O sa pinakamatinding paghihirap sa buhay.
Sa Psalm 18:5, “the cords of Sheol entangled me,” “ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin” (ASD).
Sa Psalm 116:3, “Noong ako'y mahuhulog sa bingit ng kamatayan, nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan (Sheol); lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan” (MBB).
O sa tindi ng humiliations.
Sa Isaiah 14:15, “Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay (Sheol)?
Sa kalalimang walang hanggan” (MBB)?
So, yung word na “hell” ay hindi natin pwedeng limitahan lang sa common na naiisip natin.
Merong range of meanings, depende sa context.
So dahil dito, ayon kay Joel Beeke, merong anim na iba’t ibang interpretations itong “descended into hell” (Reformed Systematic Theology, 2:912-925)
Rescuing the ancient fathers from limbo.
Isa si Thomas Aquinas sa nagturo ng ganito.
Meron daw kasing five regions yung afterlife.
Bukod sa heaven, merong hell proper.
Sa atin, we believe na ‘yang dalawa lang.
Pero aside from heaven and hell, meron pa raw limbo para sa mga batang namatay na hindi nabinyagan, meron ring purgatoryo, para sa paghahanda sa kaluluwa na malinis sa kasalanan bago makapunta sa langit, at yung limbo para sa mga Old Testament saints or believers.
Kaya lang, walang biblical support itong paniniwala na ‘to, at yung ginawa raw ni Jesus after niyang mamatay na dun siya sa limbo bumaba para i-rescue yung mga OT fathers.
Giving the unconverted dead a second chance.
Parang ang ginawa ni Jesus ay evangelism sa mga namatay na, para bigyan sila ng second chance.
Posible raw ito ayon kay Clement of Alexandria at Augustine, pero kulang rin sa biblical support.
Yung statement sa 1 Peter 3:19 na “nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo” at sa 1 Peter 4:6 na “ipinangaral din ang Magandang Balita sa mga patay” ay “too ambiguous” para magbigay suportang sa paniniwalang ito.
Kung magtuturo man tayo ng doktrina na dapat paniwalaan paniwalaan ng mga Cristiano, dapat nakabatay ito sa mas malinaw na mga teksto.
Suffering in hell for our sins.
Ganito ang paniwala ng Roman Catholic theologians na sina Nicholas de Cusa (1401-1464) at Hans Urs von Balthasar (1905-1988), pati na ng mga kilalang Word of Faith teachers tulad nina Kenneth Copeland at Joyce Meyer.
Pero, contrary sa paniwalang ito, sapat na ang ginawa ni Cristo sa kanyang kamatayan sa krus bilang handog na kabayaran sa mga kasalanan natin (Heb.
10:10, 14).
Conquering Satan after dying on the cross.
Ganito ang nakasaad sa Lutheran Formula of Concord: “The entire person [of Christ], God and human being, descended into hell after his burial, conquered the devil, destroyed the power of hell, and took from the devil all his power.”
Pero medyo speculative ‘yan.
Ang kamatayan ni Cristo ang gumapi sa kapangyarihan ni Satanas (Col.
2:14-15; Heb.
2:14).
Suffering spiritual anguish on the cross.
So, yung “hell” ay metaphorical sa tindi ng suffering na dinanas ni Cristo.
Ganito ang paliwanag nina Luther, Calvin, at Ursinus na main author ng Heidelberg Catechism.
Kaya yung sagot sa Question 44 (Bakit idinagdag ang katagang, "nanaog siya sa impiyerno"?) ay ganito: “Upang sa gitna ng aking matinding pighati at mga tuksong hinaharap, ako ay makatiyak at maaliw sa katotohanang ang aking Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng Kanyang hindi maisalarawang hapis, sakit, takot, at paghihirap na kanyang tiniis sa lahat ng kanyang pagdurusa at mas higit pa noong siya ay nasa krus, ay iniligtas na niya ako mula sa hapis at pagdurusa ng impiyerno.”
Dying and dwelling in the state of death.
Ito naman ang interpretasyon ng iba pang mga Reformed theologians at yung ilang mga books ngayon na isinulat tungkol sa Apostles Creed (Michael Bird, JI Packer, etc.).
Kasi nga raw yung “hell” ay hindi Gehenna kundi Hades o Sheol.
So si Cristo ay namatay, inilibing, at nanatili sa kalagayan ng kamatayan nang ilang araw bago siya muling nabuhay.
Ganito naman ang sagot ng Westminster Larger Catechism sa Question 50 (“Wherein consisted Christ’s humiliation after his death?”):
“Christ’s humiliation after his death consisted in his being buried, and continuing in the state of the dead, and under the power of death till the third day; which hath been otherwise expressed in these words, He descended into hell.”
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9