Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.06UNLIKELY
Disgust
0.05UNLIKELY
Fear
0.08UNLIKELY
Joy
0.57LIKELY
Sadness
0.5UNLIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0.02UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.41UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.2UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
Hindi lang ako, pati rin ang iba sa inyo nagsabi na nakakapagod ang bakasyon.
Lalo na ngayong Christmas at New Year holidays.
Abalang-abala ang mga tao, maingay, at ang daming distractions.
Ang hirap magkaroon ng quiet time, yung tahimik ka lang, tahimik lang sa paligid mo na magbabasa ka ng Bible at magpepray.
Yung papakinggan mo kung ano ang sinasabi ni Lord, at yung kakausapin mo rin siya nang hindi nagmamadali.
Kaya every first week of every year, from first Lord’s Day hanggang second Lord’s Day, nagkakaroon tayo ng Prayer Focus Week.
Para saan yun?
To refocus, para maipaalala sa sarili natin yung priority ng Word and prayer sa Christian life, at kung gaano kahalaga itong means of grace na ginagamit ng Panginoon para sa ating paglago sa relasyon sa kanya lalo na.
Kaya nga sa mga gatherings natin, mahaba ang inilalaan natin sa reading and preaching of the Word of God, pati sa mga elder-led prayers, at yung mga songs na form of prayer din.
At sa Friday, we will have prayer meeting.
Kaya ibibigay rin namin sa inyo every quarter yung preaching schedule, para mabasa na ninyo ahead of time yung mga Scripture texts na pag-aaralan natin, at para maipagpray n’yo ang mga preachers natin.
Mahalaga kasi yung commitment ng bawat isa every Lord’s Day.
Yung morning service natin ang pinakamahalang appointment mo throughout the week.
Learn to say “no” to other invitations na magiging dahilan para mag-absent ka.
Wag mong idahilang minsan ka lang naman mag-aabsent.
Baka masanay ka.
I pray also na yung commitment natin to the Word and prayer sa mga gatherings natin ay magsilbing halimbawa sa inyo, inspiration kumbaga, na maging priority rin ang Word and prayer sa personal time mo sa bahay.
Kaya yung schedule na nareceive n’yo ay meron ding Bible reading plan.
Bagong cycle na ‘to ng three-year reading plan na sinimulan natin ng 2019 at katatapos lang.
Nung magsimula ang pandemic last year, maraming nagpapasalamat sa inyo kasi nagkaroon ng mas mahabang time with the Word of God.
Pero ganun pa kaya ang masasabi natin ngayon?
O balik na naman sa dating gawi?
O ang prayer request mo na ngayon ay ganito, “Sana bigyan ako ni Lord ng mas maraming time.”
Imposible naman yun.
Lahat naman tayo may 24 hours a day.
Dapat matutunan lang natin kung paano i-prioritize yung higit na mahalaga.
Bakit, mas mahalaga ba ang pag-aaral mo, ang trabaho mo, ang social media use mo, kesa sa time with God in prayer?
At hindi mo naman kelangan ng napakahabang oras.
Kung isa o dalawang chapters a day lang, wala pang 10 minutes ‘yan, plus 10 minutes siguro na reflection o journaling, then 10 minutes sa pagpepray sa mga members using our membership directory.
Mahabang oras ba yun?
Hindi naman talaga ka-busyhan ang problema natin.
Kulang tayo sa motivations.
Pinapaalala ko ito sa inyo, at kailangan nating gawin itong mga paalala na ‘to kasi nakakalimot tayo sa Salita ng Diyos.
Sinasabi nating mahalaga ang salita ng Diyos pero yung attitude natin at yung habits natin sa Bible reading and approach natin sa prayer ay nagpapakita na hindi naman pala ganun kahalaga sa atin ang Salita ng Diyos.
Nitong mga nakaraang celebrations ng Christmas at New Year, abalang-abala ang mga tao.
Siguro kailangan nila yun para panandaliang makalimot sa mga masalimuot na hinaharap sa buhay.
May mga sirang relasyon, may mga problema sa pera, may mga struggles sa kasalanan.
Pero haharapin natin ulit yun, hindi naman ‘yan matatakasan, tuloy-tuloy pa rin ‘yan.
Oo, umaasa tayo na magkakaroon ng mga magagandang pagbabago pagdating ng bagong taon.
Pero paano kung yung mga hinihiling natin sa prayers ay hindi pa rin dumating?
Paano kung nandun pa rin yung sakit at yung hirap na dinaranas natin, at hindi nabawasan, at baka madagdagan pa? Saan ka lalapit?
Saan ka hihingi ng tulong?
Psalm 119
Kung ang sagot mo sa tanong na ‘yan ay walang kinalaman sa salita ng Diyos, o hindi sa pamamagitan ng prayer, sinasabi mong merong iba na mas kailangan mo kesa sa Diyos.
Akala mo kasi nakakalimot siya sa mga pangako niya.
Pero ang totoo ikaw ang nakakalimot.
So, kaya bawat simula ng bawat taon, pag-aaralan natin ang Psalm 119.
Merong 176 verses ‘yan, at bawat isang verse ay patungkol sa kahalagahan ng Salita ng Diyos sa buhay ng isang Cristiano.
Hindi lang mahalaga, ipinagdiriwang pa.
Awit ‘yan, beautifully composed poetry, personal prayer ni King David siguro although we are not sure.
Pero ang sigurado tayo, ito rin ang dapat maging damdamin at panalangin ng bawat isang anak ng Diyos patungkol sa kanyang Salita.
Itong Psalm 119 ay may 22 sections na tig-8 verses.
Acrostic poem ‘yan, ibig sabihin bawat section ay kumakatawan sa bawat letra ng Hebrew alphabet, at bawat verse ng bawat section ay nagsisimula sa letrang yun.
Natapos na natin sa mga nakaraang taon hanggang verse 48.
Ngayon naman ay verses 49-56 (zayin), at next week yung verses 57-64 (heth).
Dito sa verses 49-56, siyempre sa English or Tagalog hindi natin makikita na pare-parehas na letra ang simula ng bawat verse.
Pero sa Hebrew, yung verse 49 ang simula ay zakar (remember), sa v. 50 zoth, sa v. 51 zed, sa v. 52 zakar ulit, sa v. 55 zakar ulit.
Dahil tatlong beses inulit, that’s a key word sa section na ‘to.
Yung una ay prayer of request para alalahanin ng Diyos ang mga pangako niya, at yung huling dalawa ay prayer of commitment ng psalmist na kanyang aalalahanin ang Diyos—kung sino siya at kung ano ang ginawa niya.
Remember Your Word (Psalm 119:49-52)
Yung unang occurence ng “remember” (Heb.
zakar) ay nasa verse 49, yung prayer niya, “Remember your word to your servant.”
Bakit ganito ang prayer niya?
Ano ba ang nararanasan niya?
Mabigat ang mga dinadala niya kaya ganito ang prayer niya.
“My affliction” (v.
50), sabi niya.
Merong hirap, merong hapdi sa nararanasan niya.
To be more specific, sabi niya sa verse 51, “The arrogant constantly ridicule me” (v.
51 CSB).
May mga mayayabang na tao na kumakalaban sa kanya.
Pansinin mo kung paano isinsalarawan yung ginagawa sa kanya.
Pwedeng may kinalaman sa intensity, “utterly deride me” (ESV) o “labis akong hinanamak” (MBB), o sa duration, “constantly ridicule me” (CSB) o “palagi akong hinahamak” (ASD), o parehas.
Matindi na nga, wala pang lubay ang mga kaaway niya.
Posible na may naririnig ka ring mga masasakit na salita sa asawa mo o sa kapitbahay mo o sa may utang sa ‘yo.
O posibleng hindi ganito ang hirap na nararanasan mo, pero lahat naman tayo may “afflictions” na dinaranas.
Pwedeng financial problems, pwedeng cancer, pwedeng frustrations sa relasyon sa pamilya.
Kahit ano pa ‘yan, ano dapat ang maging prayer natin?
“Remember your word to your servant” (v.
49).
Maaaring hindi ganito ang madala na prayer natin.
“Lord, bigyan mo ako ng trabaho.
Lord, i-provide n’yo ang pambayad namin.
Lord, patinuin mo na ang asawa at mga anak ko.” Tayo nga ang “servant” at ang Diyos ang “Master,” bakit minsan yung iba kung magpray parang inuutusan pa ang Diyos, “I declare, Lord, na ganito ang mangyayari!” Hindi faith yun, arrogance yun.
We need to humble ourserlves as God’s servant.
Ang prayer natin ay hiling sa Diyos, hindi utos sa kanya.
Siya ang may awtoridad na mag-utos sa atin.
Pero pansinin n’yo, hindi sinabi dito na yung “servant” ang dapat alalahanin ang salita ng amo niya.
Kasi tayo madalas makalimot sa salita ng Diyos, kaya dapat paalalahanan.
Pero dito, ang Diyos ang hinilingan na alalahanin ang sinabi niya.
Hindi naman nakakalimot ang Diyos!
Wala naman siyang memory gap at kahit kailan ay hindi magkaka-amnesia.
Yung “word” na gamit dito ay hindi tumutuloy specifically sa mga utos ng Diyos sa kanyang “servant” kundi sa mga pangako ng Diyos—“your promise” (v.
50).
So yung prayer niya ay paghiling na kumilos ang Diyos nang naaayon sa mga ipinangako niya at hindi ayon lang sa kung ano ang gusto natin, ayon sa plano niya at hindi ayon lang sa sarili nating ambisyon.
Ang panalanging ito ay nagpapakita ng pagtitiwala niya na tapat ang Diyos sa kanyang pangako at tutuparin niya ang itinakdang layunin at plano niya para sa kanyang mga lingkod.
Lalo na’t hindi lang “servant” ang turing sa atin ng Diyos kundi mga anak niya dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo.
So, we also pray, “Our Father in heaven, alalahanin n’yo po ang inyong mga pangako sa akin na inyong anak, at gamitin mo maging itong mga hirap na dinaranas ko para ako ay maging katulad ni Cristo (see Rom. 8:28-29).”
Heto ang halimbawa ng praying according to God’s will, hindi according to my will!
So, bakit nakakabit sa Word of God ang prayer niya?
Unang-una, dahil sa salita ng Diyos nakasalalay ang buhay niya, “Your promise has given me life” (v.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9