Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.07UNLIKELY
Disgust
0.07UNLIKELY
Fear
0.09UNLIKELY
Joy
0.55LIKELY
Sadness
0.5LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0.15UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.4UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.19UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
How’s your personal Bible reading and prayer?
Salita ba ng Diyos ang pumupuno sa isip mo, tinitibok ng puso mo, at kumukuha ng atensyon mo o yung mga balita, alalahanin at atensyon tungkol sa pagdami ulit ng Covid cases.
Binasa ko naman yung Genesis 1-11 this week, pero ang hirap din ialis ng isip ko sa pagmonitor sa mga cases dito sa Baliwag, at sa trend sa buong Pilipinas.
Napa-rapid test tuloy ako kahapon para maging kampante lang kasi magpi-preach ako ngayon.
Akala ko pa naman tuloy-tuloy na na wala na tayong online option pag Sunday, hindi pa pala.
Pero patuloy tayo sa pagsamba sa Diyos, patuloy tayo sa pakikinig ng kanyang salita dahil mas mahalaga na mangibabaw ang good news of the gospel kesa sa mga bad news tungkol sa pandemic na ‘to at tungkol sa iba’t ibang problema pa sa society natin.
Or baka nga nagiging regular na ang Bible reading mo, pero baka nagiging isang spiritual discipline lang na nakafocus na gawin ang mga kailangan mong gawin as a Christian.
Reminder din ito sa akin.
Disiplinado naman ako sa reading and studying the Word of God, pero baka ginagawa ko lang yun dahil pastor ako ng church.
Nae-enjoy ko ba? Nae-enjoy mo ba? Nararanasan mo ba itong Bible reading as a way of enjoying your communion with God? O baka nagiging “habit” na lang na wala na yung joy and delight sa heart mo?
Kahit gaano na tayo ka-mature sa Christian faith natin, we are still prone sa ganitong spiritual condition.
Hindi mo na kailangan ng test kit to prove that.
At ito ang isa sa mga dahilan bakit at the start of the year ay tinitingnan natin ang ilang mga passages sa Psalm 119, ang pinakamahabang bahagi ng Salita ng Diyos, at bawat talata dito ay tungkol sa salita ng Diyos.
Hindi lang ito mga verses about God’s Word.
Ito ay lyrics ng isang awit, a beautiful work of poetry.
Nakadisenyo hindi lang para pag-aralan o pakinggan sa isang sermon, kundi para awitin, para maramdaman at maranasan, para maturuan tayong ipagdiwang ang salita ng Diyos.
Walang puwang dito tungkol sa Bible na drudgery lang o joyless discipline.
Yes, carefully composed itong psalm na ‘to.
Tinatawag itong acrostic psalm, ibig sabihin bawat section nito na may tig-eight verses ay kumakatawan sa bawat letra ng 22-letter Hebrew alphabet.
Last week, yung Zayin sa vv.
49-56, bawat verse sa Hebrew ay nagsisimula sa letrang ‘yan.
Ngayon naman yung Heth section sa vv.
57-64.
Obviously, sobrang engaged yung mind ng sumulat nito, under inspiration ng Holy Spirit, para i-compose itong psalm na ‘to.
Pero hindi ibig sabihin naka-detached yung heart niya habang ginagawa yun.
Kailangan natin ng mind and heart, thinking and feeling, light and heat sa approach natin Bible reading natin.
Obvious ‘yan sa content ng Psalm 119.
Simula pa lang, vv.
1-2, tungkol na sa “blessedness” o happiness in relation to our attitude sa salita ng Diyos.
Walang totoong happiness kung nakahiwalay ang buhay ng tao sa salita ng Diyos.
Kaya nasasabi niya—“In the way of your testimonies I delight” (v.
14); “I will delight in your statutes” (v.
16); “Your testimonies are my delight” (v.
24); “I delight in it” (v.
35);“I long for your precepts” (v.
40); “I find my delight in your commandments, which I love” (v.
47, also v. 48, “which I love”); last week nakita natin, “Your statutes have been my songs” (v.
54).
So, hindi lang ito tungkol sa mga words, hindi lang ito tungkol sa pagbabasa.
Meron naman talaga na mahilig magbasa, tulad ko!, finding so much pleasure in reading.
Yung iba naman ayaw magbasa.
But it is not about reading words.
Yung Bible reading ay isang delight dahil ang Bible ay Word of God.
God is the reason why Bible reading is delightful.
Nagiging drudgery yung Bible reading kung ihihiwalay natin yung Word of God from the God of the Word.
This is why the psalmist opens itong Heth section na ‘to sa v. 57, “The Lord is my portion...” and ends with v. 64, “The earth, O Lord, is full of your steadfast love.”
Ang buhay mo ay tungkol sa Diyos.
Ang Diyos ang lahat-lahat sa buhay natin.
Pati ang buong mundo, it is all about God—ang makilala kung sino ang Diyos at ang maranasan ang laki ng pagmamahal niya sa atin.
Kung ganito ang perspective natin sa Bible reading—it is all about God—malaki ang mababago.
Tatlong bagay ang titingnan natin sa passage natin ngayon.
Una, mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin (vv.
57-58).
Ikalawa, mas makikilala natin ang Diyos na deserving of obedience at ito rin ang mag-uudyok sa atin to increase our commitment to obey him (vv.
59-61).
Ikatlo, makikita natin na karapat-dapat ang Diyos sa pagsamba at ito ang magpapainit sa atin sa pagpupuri sa kanya (vv.
62-64).
God of Grace (Psa.
119:57-58)
Kung ang pagtingin natin sa Word of God ay nakafocus sa God of the Word, ano ang magiging epekto nito sa atin?
Una, dito sa vv.
57-58, mas makikilala natin ang Diyos na God of grace at yung mga salita niya ay gift of his grace para sa atin.
Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi para makamtan natin ang biyaya ng Diyos, o para patunayan natin ang sarili natin na karapat-dapat tayo sa mga pagpapala niya.
No.
The Bible is already God’s gift sa atin.
In giving his Word to us, he give himself.
Kaya nasasabi ng psalmist, “The Lord is my portion; I promise to keep your words” (v.
57 ESV).
Itong “portion” ay tumutukoy sa bahagi ng lupa o pagmamay-ari.
Gusto natin magkaroon tayo ng sariling property, at hindi nangungupahan lang kasi sa tingin natin yun ang magbibigay sa atin ng satisfaction at security.
Kaya maraming mga magkakapatid ang nag-aaway sa hatian ng lupa na ipinamana sa kanila.
Pero hindi natin kailangang makipag-agawan o makipagpaligsahan sa real property kay Manny Villar to get that satisfaction and security.
Kung ikaw ay nakay Cristo, ang Diyos ay sa ‘yo.
“All things are yours, whether...the world or life or death or the present or the future—all are yours, and you are Christ’s” (1 Cor.
3:21-23).
Wala ka mang pag-aari kahit isang paso ng lupa, kung nasayo naman ang Diyos, na siyang may-ari ng buong mundo at lahat ng naririto (Psa.
24:1), masasabi mo rin tulad ng psalmist, “Ikaw lamang, O Yahweh, ang lahat sa aking buhay” (Psa.
119:57 MBB).
Madaling sabihin sa iba, “Ang Diyos ang lahat-lahat sa akin.
Wala na akong kailangan pang iba.”
Pero masasabi ba natin yun honestly and directly sa Diyos mismo na nakakaalam ng mga hangarin ng puso natin?
Yung pangako niya na sumunod sa Diyos sa sumunod na linya, “I promise to keep your words” (v.
57) ay nakakabit dun sa katotohanan na ang Diyos ang lahat-lahat sa kanya.
Hindi ito isang resolution para sagutin ni Lord yung mga prayers niya at para magkaroon siya ng “better” life.
Ang pangako niya na sumunod sa Diyos ay hindi para makuha ang pabor ng Diyos.
Legalism ang tawag dun.
Pero ang gospel, sinasabi sa atin na ang pabor ng Diyos, ang pagtanggap ng Diyos ay nasa atin na dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin.
Dahil nasa atin na ang Diyos, dahil tinupad na niya ang pangako niya na ibibigay ang kanyang sarili para sa atin, kaya naman nangangako tayo na ibibigay din natin ang lahat-lahat sa pagsunod sa kanyang mga salita.
At heto pa ang isang ebidensya ng napakasaganang biyaya ng Diyos sa atin.
Bagamat nasa atin na ang pagpapala ng Diyos dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, nangako siya na ipaparanas pa sa atin ang nag-uumapaw niyang biyaya at pagpapala kung hihingin natin ito sa kanya.
Di ba’t sinabi ni Jesus tungkol sa prayer, “Ask and it shall be given to you”?
Kaya ganito yung prayer ng psalmist sa sumunod na verse, “I entreat your favor with all my heart; be gracious to me according to your promise” (v.
58).
Oo, sabi ko kanina na nasa atin na ang pabor ng Diyos.
Hindi na natin kailangang pagtrabahuhan yun.
Pero gusto nating mas maranasan yung reality nung communion na yun sa araw-araw na buhay natin.
Literally, hinihiling niya dito na gusto niyang makita ang mukha ng Diyos.
Ibig sabihin, yung kaluguran ng Diyos, yung kasiyahan ng Diyos, yung maranasan na ang Diyos ay lahat-lahat para sa ‘yo, that he is for you and not against you.
Masidhi ang hangarin niya para dito, “with all my heart.”
At hinihiling niya ang biyaya at habag ng Diyos hindi dahil sa commitment niya sa pagsunod sa Diyos, kundi ayon sa commitment ng Diyos na tuparin ang mga ipinangako niya sa kanyang salita.
And how can we pray like this, with humility claiming God’s promise, kung hindi natin binabasa at iniintindi kung ano ang mga pangako niya na nakasulat sa kanyang salita?
Marami sa mga biyaya ng Diyos ang hindi natin nararanasan dahil marami ring oras ang sinasayang natin sa ibang bagay sa halip na paglaanan natin ang pagbubulay sa kanyang mga salita at manalangin nang ayon sa kanyang salita.
So, we read the Word because of God and to have more of God.
Ang Diyos ang simula at katapusan ng Bible reading natin.
Mula sa simula, “In the beginning God” (Gen.
1:1), hanggang sa katapusan, “I am coming soon” (Rev.
22:20), hanapin mo ang Diyos, kilalanin mo siya, and pray his promises daily.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9