Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.07UNLIKELY
Disgust
0.08UNLIKELY
Fear
0.11UNLIKELY
Joy
0.47UNLIKELY
Sadness
0.48UNLIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0.01UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.04UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.35UNLIKELY
Agreeableness
0.64LIKELY
Emotional Range
0.22UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Balik Tayo sa Church
May mga dati tayong kasama sa church na hanggang ngayon, simula magpandemic, ay hindi pa rin natin nakakasama ulit ngayon.
Ang iba, lumipat na raw ng church.
Ang iba, sa online lang daw sila.
Ang iba, ginagawang dahilan ang Covid.
Pero ang totoo, nagpapakita ito ng liit ng pagpapahalaga sa church ng ilang mga nagsasabing Cristiano sila.
Hindi naman talaga Covid ang pinaka-problema.
Ineexpose lang nito kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao ngayon tungkol sa church.
Pwede pa lang online lang kahit hindi na makipagkita sa iba?
Pwede pa lang madalas absent?
Pwede pa lang hindi maging committed member?
Essential ba talaga ang church sa buhay Cristiano, o optional lang?
Kaya bawat member binigyan natin ng book na Balik Tayo sa Church.
Totoo kaya yung sinabi ni Collin Hansen sa intro ng book na ‘to na, “Malaking problema sa isang Cristiano kapag wala siyang church”?
Okay, maaaring hindi ka naman kasali dun sa mga unang nabanggit ko.
Kasi andito ka, regular na umaattend sa worship service.
Pero ang problema pa natin, kapag church ang pinag-uusapan, ang naiisip lang natin yung local church natin.
Wala na tayong pakialam sa ibang churches, lalo na yung ibang denominations na iba ang katuruan at mga practices kung ikukumpara sa atin.
At home tayo kasi dito.
We forget we are part of a bigger family—a much bigger family.
At kung aalalahanin natin ‘yan, marerealize natin na hindi lang pala “essential” ang church, “grand and glorious” din pala ang design ng Diyos sa church.
Kaya mahalaga itong pagpapatuloy ng pag-aaral natin sa Apostles’ Creed.
Nandito na tayo sa ika-10 article ng Christian faith natin: “…the holy catholic church; the communion of saints.”
Sa Latin, “sanctam ecclesiam catholicam; sanctorum communionem.”
Hala, bakit may “catholic” dyan?
Hindi tayo Katoliko sasabihin ng iba.
Kaya hindi ginagamit ng ibang mga churches ang Apostles’ Creed dahil dyan.
O kaya gagamitin nga, pero papalitan ng “Christian church.”
Pero pag-uusapan natin mamaya ano ang ibig sabihin ng “catholic” dito.
Hindi ‘yan Roman Catholic Church.
Ibig sabihing, universal o pangkalahatan.
Kaya sa Tagalog, “...sa banal na iglesiang pangkalahatan; sa kapulungan ng mga banal.”
We will miss the essence of that word “catholic” kung tatanggalin o papalitan natin.
Mahalaga ang church.
Napakahalaga ng church.
Pero hindi ibig sabihin na sumasampalataya tayo sa church.
The object of our faith is God—the Father, the Son and the Spirit: “I believe in God the Father…and in Jesus Christ…I believe in the Holy Spirit...” Kasi kung ang pananampalataya natin ay nasa church, madidismaya tayo.
Kaya maraming Christians na-turned off na sa church.
Nasaktan.
Ayaw ng bumalik.
Okay na lang na private Christian siya.
That’s the problem of putting faith in the church.
Imperfect ang church, messy ang church, makasalanan pa rin tayo, at may mga nakahalo sa church na hindi naman genuine ang conversion nila.
But, in spite of that, ang itinuturo sa atin ng Creed ay panghawakan natin na mahalagang bahagi ng pananampalatayang Cristiano ang church.
Anuman ang mga naexperience mo sa church in the past, hindi mo pwedeng sabihing naniniwala ka sa Diyos, naniniwala ka kay Cristo, that you believe the gospel, pero sinasabi mo namang hindi mahalaga ang church.
The Trinity and the Church
Hindi tayo magkakaroon ng biblical na pagkaunawa kung ano ang church kung hindi natin ito titingnan na nakakabit sa katuruan tungkol sa Trinity.
Walang identity ang church apart from the Trinity.
Biblical ecclesiology (doctrine of the church) must be Trinitarian.
Makikita natin sa bungad pa lang ng sulat ni Paul sa Ephesians na ang salvation natin ay Trinitarian work: pinili ng Ama, tinubos ni Cristo, tinatakan ng Espiritu (Eph.
1:3-14).
Iniligtas tayo ng hindi para mag-isa.
Iniligtas tayo ng Diyos para makabahagi sa Trinitarian life—that we might have communion with God.
Meron ding horizontal aspect ‘yan, hindi lang vertical.
Para makabahagi rin tayo sa “communion of saints.”
Kaya nga ginagamit ang images about the church na “family/household of God (the Father)”, “body of Christ,” saka “temple of the Spirit.”
Bawat isang image na ‘to ay nakakabit sa Trinity.
Kaya sinabi kong walang identity ang church apart from the Trinity.
Family of God.
Bago pa likhain ng Diyos ang mundo, pinili na tayo ng Diyos na makaugnay kay Cristo.
Itinuring tayong mga anak niya sa pamamagitan ni Cristo (Eph.
1:4-5).
Bagamat makasalanan tayo at hiwalay sa Diyos, dahil sa ginawa ni Cristo ay naipagkasundo tayo sa Diyos, “kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo” (Eph.
2:13 MBB).
Through Christ, meron na tayong “access…to the Father” (v.
18).
“You are fellow citizens with the saints and members of the household of God” (v.
19).
Kung ikaw ay nakay Cristo, hindi ka lang isa sa mga anak ng Diyos, isa ka ring kapatid ng ibang mga anak ng Diyos.
Meron ka ring kapatid.
Bahagi ka ng napakalaking pamilyang ito ng Diyos.
Hindi mo pwedeng sabihing okay lang na maging Cristiano na mag-isa.
The church is God’s family.
Body of Christ.
Tinubos tayo ni Cristo hindi lang para maghintay ng araw para mapunta tayo sa langit.
Tinubos tayo para maging bahagi ng kanyang katawan, ang iglesya.
The church is the body of Christ.
Dahil si Cristo’y namatay para sa kanyang iglesya at muling nabuhay, umakyat sa langit at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos, “far above all rule and authority and power and dominion, and above every name that is named, not only in this age but also in the one to come.
And he put all things under his feet and gave him as head over all things to the church, which is his body, the fullness of him who fills all in all” (Eph 1:21-23).
Na tayo ay kabilang sa katawan ni Cristo ay maituturing na isang “mystery” o “hiwaga.”
Ang ibig sabihin, dati kasi akala ng Israel ay sila lang ang God’s people, at ang mga non-Jews or Gentiles ay hindi kasama sa plano ng Diyos.
But this “mystery of Christ” (Eph.
3:4) is “that the Gentiles (kasali tayo dun!) are fellow heirs, members of the same body, and partakers of the promise in Christ Jesus through the gospel” (v. 6).
Kung bahagi ka ng katawan ni Cristo, nakakabit ka kay Cristo, nakakabit ka rin sa ibang mga kapatid kay Cristo.
Walang bahagi ng katawan ang magsu-survive na nakahiwalay sa iba pang bahagi ng katawan.
Temple of the Spirit.
Narinig natin ang salita ng Diyos, the gospel message of salvation.
Kumilos ang Espiritu sa puso natin, sumampalataya tayo kay Cristo, tinatakan tayo ng Espiritu, “sealed with the promised Holy Spirit” (Eph.
1:13).
Yun ay marka na tayo’y pagmamay-ari ng Diyos for all eternity.
He belongs to us, we belong to him.
Totoo ngayong hindi natin pwedeng sabihin na itong “church building” natin ay ito ang church.
Pero ang church ay inihahalintulad sa isang napakahalagang gusali.
Hindi lang tayo “sambahayan ng Diyos” (Eph.
2:19).
Tayo rin ay “bahay ng Diyos” o temple ng Diyos, “built on the foundation of the apostles and prophets, Christ Jesus himself being the cornerstone, in whom the whole structure, being joined together, grows into a holy temple in the Lord.
In him you also are being built together into a dwelling place for God by the Spirit” (Eph 2:20-22).
“Built together.”
Magkakasama.
Yes, tinukoy ni Pablo na ang katawan natin, individually as Christians, ay templo ng Espiritu dahil nananahan ang Espiritu sa atin (1 Cor.
6:19).
Pero dapat din nating tingnan na ang buong church ay God’s temple: “Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu” (1 Cor.
3:16)?
Kung naninirahan ang Diyos sa church—and I’m not talking about our church building!—essential
ang church dahil essential ang Diyos.
Hindi lang basta essential ang church, it is also grand, glorious and majestic dahil nakakabit ang identity ng church sa Diyos—the triune God—who is grand, glorious and majestic.
Think about that everytime you think about the church.
Hindi mo pwedeng maliitin, balewalain, lapastanganin ang church.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9