The Gospel According to Malachi

Post-Exilic Prophets  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 463 views
Notes
Transcript

Balik Tayo kay Lord

Beginning last week, nagkaroon tayo ng bagong mini-series sa tatlo sa mga Minor Prophets—Haggai, Zechariah, Malachi. Tig-isang sermon bawat book, tapos four sermons sa Haggai. Nagsimula tayo sa Zechariah last week. And I hope nakita n’yo na kahit pala itong book na ‘to na bihira nating basahin at pag-aralan ay nakapa-“profitable.” Tulad ng sinasabi ni Paul sa 2 Timothy 3:16-17. Like the rest of the Scriptures, tinuturuan tayo, sinasaway, tinutuwid, at sinasanay na mamuhay na matuwid. At isa ‘yan sa mga reasons bakit nagpi-preach ako ng mga “unfamiliar” passages sa Bible. Para makita natin na buong Bibliya ay Salita ng Diyos, “All Scripture is breathed out by God and profitable...” Nami-miss natin yung kapakinabangan ng ibang bahagi ng salita ng Diyos kung dun lang tayo sa mga pamilyar sa atin, paborito natin, o masarap na pakinggan.
Ngayon naman, titingnan natin ang Malachi. Nakapag-preach na ako ng seven sermons dito noong 2015 (https://treasuringchristph.org/sermons/unfailing-love/). Ngayon, overview lang tayo ng four chapters nito.
Siguro, ang pinakasikat sa atin na verse dito ay Malachi 3:10, kasi dati sa church natin o sa pinanggalingan n’yong church, eto ang madalas n’yong naririnig bago mag-offering sa worship service. Kapag kinukuha mo lang ang isang verse sa Bible at hinihiwalay ito sa konteksto nito (out of context), namamali ang interpretasyon: “Required pa ang tithes sa mga Christians ngayon. Kung hindi mag-iikapu, may sumpa. Kung tapat ka sa pagkakaloob, dadaloy ang pagpapala ng Diyos sa buhay mo.” Namamali kasi nawawala yung pagdating ni Jesus, yung gospel, yung new covenant sa interpretation at application. Naabuso tuloy. At nagiging limitado ang pagtingin natin sa Malachi na para bang tungkol lang sa tithes and offerings. Kasali yun, pero yung problema dun ay indication lang ng mas malaki pang problema na may kinalaman sa pagsamba at relasyon nila sa Diyos.
Kaya bago yung passage na may kinalaman sa pagkakaloob, nagpakilala ang Diyos kung sino siya at kung sino siya ang dahilan kung bakit buhay pa rin sila, “Ako si Yahweh. Hindi pa kayo lubusang nalilipol sapagkat hindi ako nagbabago sa aking pangako” (Mal. 3:6 MBB). Hindi nagbabago ang katapatan ng Diyos. Hindi niya kailangang magbago for the better kasi perpekto na siya. Tayo ang kailangang magbago. Bakit? “Subalit tulad ng inyong mga ninuno, tumalikod kayo at sinuway ninyo ang aking mga kautusan” (v. 7). Nagkasala tayo sa kanya, lahat tayo. At lahat ng utos ng Diyos, sinuway natin. Tayo ang dapat na magbago, kaya ito ang panawagan ng Diyos for repentance, “Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo” (v. 7). “Return to me, and I will return to you,” ‘yan din eksakto ang narinig natin last week sa sinabi ng Diyos sa Zechariah 1:3. At kaya rin naman “Balik Tayo kay Lord” ang title at nangingibabaw na tema ng series natin sa post-exilic prophets.
Post-exilic prophets dahil ang ministry nila ay nung panahon na nagbalik na ang mga Judio sa Jerusalem pagkatapos ng 70 taon ng pagkakabihag sa kanila sa Babylon. Pagbalik nila, nasimulan ang pagtatayo ng templong winasak ng mga Babylonians, pero natigil nung pundasyon pa lang ang nailalatag. Halos 17 taon din na natiwangwang ang pagawain sa templo. Dahil sa prophetic ministry nina Haggai at Zechariah, nagresume yung project under the leadership ni Zerubbabel na governor ng Judah that time. After four years natapos yung temple. Ayos na sana, pero hindi nagtagal yung init ng puso ng mga tao sa gawain ng Panginoon. Nanlamig din. Nakatulong si Ezra na bihasa sa pagtuturo ng salita ng Diyos para maturuan sila. Naitayo na rin ang pader na nasira noon, under sa leadership naman ni Nehemiah. Posible itong Malachi na sinulat sa panahon ni Nehemiah or bago siya. Hindi tayo sure exactly kung kelan. Pero ang sigurado tayo, kapag babasahin n’yo yung book na ‘to, malaki ang problema nila sa kanilang puso sa pagsamba. Ang mga priests na dapat na nangunguna sa kanilang pagsamba ay sila pa ang mga corrupt. Ang pagsamba nila nagiging ritwal na lang, paulit-ulit na lang. Dumarami ang hiwalayang mag-asawa. Napapabayaan ang pagtulong sa mga nangangailangan at mga inaapi, pati ang pagbibigay ng mga ikapu.
Kaya kailangan ng repentance. Ano ba ang totoong repentance? Hindi ito yung naiyak ka lang, o nabahala ka kasi merong consequences yung kasalanan. Sabi ni John Calvin, “It is a true turning of our life to follow God and the path which he shows us, a turning produced by a genuine and unfeigned (genuine, sincere) fear of God and consisting in mortification of our flesh and of the old man, and the vivification by the Spirit” (Institutes, 1541 edition, p. 298). Ganito rin ang paliwanag ng Heidelberg Catechism Questions 88-90. Ayon naman sa Westminster Shorter Catechism Question 87, “What is repentance unto life? Repentance unto life is a saving grace, whereby a sinner, out of a true sense of his sin, and apprehension of the mercy of God in Christ, does, with grief and hatred of his sin, turn from it unto God, with full purpose of, and endeavor after, new obedience.”
At tulad ng sinabi ko last week, mangyayari lang ang ganitong repentance kung salita ng Diyos ang maririnig natin—as the Spirit applies God’s Word to our hearts. Hindi salita natin, hindi kung ano ang gusto nating paniwalaan. Yun ang basic meaning ng “repent,” magbago ang pag-iisip. Kaya nga sinabi ni Paul, “be transformed by the renewing of your mind” (Rom. 12:2). Kaya mahalaga yung bungad nitong Malachi, Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh tungkol sa Israel sa pamamagitan ni Propeta Malakias” (Mal. 1:1 MBB). “Messenger” ang ibig sabihin ng pangalan ni Malachi, tamang-tama sa role niya. Hindi salita niya ang mahalaga, kundi ang salita ng Diyos.
Kapansin-pansin na itong Malachi, unlike yung ibang prophetic books, ay hindi poetry ang pagkakasulat. Tuluy-tuloy (prose) na para bang merong pag-uusap, merong punto na sasabihin ang Diyos, ang mga tao naman ay may tanong o kaya ay counterpoint. Tapos sasabihin ng Diyos kung ano ang pruweba sa sinabi niya. Merong anim na disputations dito, parang debate, o kaya ay isang proceeding sa korte. May sasabihin ang Diyos, na siya ring Judge, na kaso laban sa kanila. Bilang defendant, magtatanong sila kung paanong ganun ang naging kaso nila. Tapos magsasabi ang Diyos ng ebidensiya. Ang point dito ay mapatunayang totoo ang sinasabi ng Diyos laban sa kanila, para marealize nila ang kasalanan nila at para ito ay talikuran nila at sila ay magbalik-loob sa kanya. Tingnan natin isa-isa yung six disputations na yun at tingnan natin kung ano naman ang sinasabi ng Diyos sa atin ngayon.

#1 - About love (Mal. 1:2-5)

Ang unang disputation ay may kinalaman sa pag-ibig ng Diyos. Sinabi ng Diyos, “I have loved you” (Mal. 1:2). Minahal sila ng Diyos noon pa. Hindi dahil sa anumang katangian na meron sila, hindi dahil mas nakahihigit sila sa ibang mga bansa. Wala sa kanila ang kundisyon ng pagmamahal ng Diyos, kundi nasa desisyon ng Diyos. “The Lord set his love on you and chose you…because the Lord loves you” (Deut. 7:7-8). Pero lumalabas pa na ang Diyos ang kinakasuhan nila. Madali kasing sabihin na mahal tayo ng Diyos kapag maganda ang nangyayari sa atin. Pero paano kung hindi? Parang hindi natin nakikita at nararamdaman ang pagmamahal ng Diyos. Kaya nagtatanong sila, “Paano mo kami minahal?” (Mal. 1:2). Hindi ito basta pagtatanong lang out of curiosity, meron itong pagdududa.
Hindi naman kailangang depensahan ng Diyos ang sarili niya. Pero nagbigay siya ng pruweba. Historical yung proof niya. Sinabi niya, “Hindi ba’t magkapatid sina Esau at Jacob, ngunit minahal ko si Jacob (pinanggalingan ng bansang Israel) at kinamuhian ko naman si Esau (pinanggalingan ng Edom)” (vv. 2-3). Oo nawasak ang Jerusalem, pero itatayong muli ito ng Diyos. Hindi mananatili ang galit ng Diyos sa kanila, ibabalik sila ng Diyos sa kanya. Hindi tulad nitong Edom, kahit na mag-rebuild sila, “muli kong wawasakin.” Ang itatawag sa kanila ay ito: “a wicked country” at “the people the Lord has cursed forever” (v. 4 CSB).
Ang Israel at Edom ay parehong undeserving ng pag-ibig ng Diyos. Pero minahal ang Israel ng Diyos dahil sa sarili niyang desisyon. Binanggit ni Paul itong “Jacob I loved, but Esau I hated” sa Romans 9:13 para tukuyin ang kalayaan ng Diyos, his sovereign grace, na mahalin ang gusto niyang mahalin. Wala tayong claim sa pag-ibig ng Diyos. Pero tayo na mga nakay Cristo, bagamat hindi tayo mula sa lahi ni Jacob, ay piniling mahalin ng Diyos. At nasasabi rin nating “Great is theLord beyond the border of Israel” (Mal. 1:5), hindi dahil nakita natin kung paano siya magparusa sa mga masasama, kundi dahil nakita natin na si Cristo ang pinarusahan bilang kapalit natin para maranasan natin ang dakilang pagliligtas ng Diyos. Sa krus ipinakita ng Diyos at nakita natin ang dakilang pag-ibig ng Diyos (Rom. 5:8).
Kaya wag na wag mong susukatin ang pag-ibig ng Diyos sa mga circumstances sa buhay mo. Loving si God kapag pinagpapala ka? Hindi na siya loving kapag naghihirap ka? Walang problema sa pag-ibig ng Diyos. Pag-ibig mo sa Diyos ang may problema. Hindi ang Diyos ang kailangang magrepent, “Sorry hindi kita minahal nang nararapat para sa ‘yo.” No, ikaw ang kailangang magrepent.

#2 - About honor (1:6-2:9)

Tayo ang may kaso, hindi ang Diyos. Wag nating baligtarin. Kaya sa ikalawang disputation, pinagsabihan ng Diyos ang mga pari. Sila dapat ang nangunguna sa pagsamba sa Diyos, pero sila pa ang unang lumalabag sa ikatlong utos, sa paglapastangan nila sa pangalan ng Diyos (Mal. 1:6). Ito ang mabigat na kaso nila. Ito ang mabigat na kaso ng mga pastor at mangangaral na dapat ay nagsasalita para sa Diyos, pero ginagamit ang pulpito para sa kanilang agenda, at hindi pinahahalagahan ang salita ng Diyos. Ito ang kaso ng mga Christians na dala-dala ang pangalan ni Cristo pero dinudungisan sa pamamagitan ng kanilang makamundong pamumuhay.
Sa halip na aminin ang kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos, in denial pa tayo. Kaya tanong nila, defensive, “Paano namin nilapastangan ang pangalan n’yo?” (v. 6). Sagot ng Diyos ng Diyos mula verses 7-13 ay may kinalaman sa mga sacrifices nila. Naghahandog nga sila pero hindi naman acceptable sa Panginoon. “Walang halaga” (v. 7), “bulag, pilay, o maysakit” (v. 8), “walang kabuluhang apoy” (v. 10). Dinudungisan nila ang pangalan ng Diyos sa pamamagitan ng mga handog na “walang halaga” at “walang kabuluhan” (v. 12), tulad ng mga handog na “nakaw o pilay” o “maysakit” (v. 13). Ang baba ng tingin nila sa karangalan ng Diyos. God is deserving of highest honor. Hindi siya basta tulad ng isang tao, o ng isang governor, o ng isang president, or even human king. Sabi niya, “My name will be great amoong the nations” (twice sa v. 11). “I am a great King…my name will be feared among the nations” (v. 14). Hindi lang siya personal, or tribal God, but universal. Pinakamataas na karangalan ang nararapat sa kanya.
Ano ang hatol sa mga lumalapastangan sa pangalan ng Diyos? “Sumpain...” (v. 14). Ano ang hatol sa mga lumihis ng landas, nagtulak sa marami para magkasala, at sumira sa sinumpaang tungkulin na maglingkod sa Diyos (2:8)? “Susumpain ko kayo...” (2:2). Guilty ka rin ba ng parehong kaso na isinampa sa kanila? “Guilty as charged, your honor,” aminin mo. Walang genuine repentance kung walang pag-amin ng kasalanan.

#3 - About faithlessness (2:10-16)

Ang ikatlong kaso ay ang pagiging faithless o taksil. Meron lang isang Diyos (2:10), at wala tayong ibang dapat sambahing Diyos maliban sa kanya (unang utos ‘yan). Ang idolatry ay pagtataksil sa Diyos. Pero dito ang kaso nila ay pagtataksil sa isa’t isa, “faithless to one another, profaning the covenant of our fathers” (v. 10). Kapag may kasunduan, tuparin. Sa business man ‘yan, sa finances, lalo na sa marriage covenant. Kaya itong faithlessness sa marriage, adultery (ika-pitong utos) ay may kinalaman din sa idolatry. Hindi pwedeng paghiwalayin ang vertical unfaithfulness sa horizontal unfaithfulness. Ang pagtataksil sa Diyos ay nauuwi sa pagtataksil sa asawa. Ang pagtataksil sa asawa ay pagtataksil din sa Diyos, na siyang ugat nito.
Hindi na sila makapagsalita sa kasong ito. Obvious ang kasalanan nila. Unang pruweba: “Ang mga lalaki’y nag-asawa sa mga babaing sumasamba sa ibang mga diyos” (v. 11), literally ito ay “the daughter of a foreign god” o “anak na babae ng ibang diyos” (Ang Biblia 2001). Kaya nga kung Christian ka, you are a God-worshiper. Ayaw na ayaw ng Diyos na mag-aasawa ka (o makikipag-relasyon man lang) sa mga unbelievers, idol-worshippers, anak ng diyos-diyosan. Kung may asawa ka na na unbeliever, wag mong hiwalayan, be faithful sa covenant (see 1 Cor. 7). Pero kung believer ka nang nag-asawa ka ng unbeliever, humingi ka ng tawad sa Diyos sa paglabag mo sa salita niya. Kaya dapat maintindihan n’yo kapag pinagsabihan kayo kung mag-boyfriend kayo ng non-Christian. Oo, mahal mo, pero sino ang mas mahal mo? Puso mo ba ang susundin mo o ang salita ng Diyos? Mas mainam nang maputol ang relasyon mo sa minamahal mo kaysa naman maputol ang relasyon mo sa Diyos (v. 12).
Heto naman ang pangalawa, hindi nagiging katanggap-tanggap sa Diyos ang pagsamba sa kanya kung hindi ka nagiging tapat sa iyong asawa. Ang pagtataksil sa asawa ay pagtataksil sa Diyos. Ang pagsamba tuwing Linggo ay dapat nakikita rin sa relasyon ng mag-asawa sa buong linggo. Pwede kasing magkasama pa rin kayo, hindi kayo naghiwalay, pero ang puso ninyo ay malayo sa isa’t isa.
Saksi ang Panginoon na nagtaksil kayo sa asawa na inyong pinakasalan noong inyong kabataan. Sinira ninyo ang inyong kasunduan na magiging tapat kayo sa isaʼt isa. 15 Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Dios sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadios. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan. 16 Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, “Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae.” Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa. (vv. 14-16 ASD)
Aminin mo na naging unfaithful ka sa Diyos, sa asawa mo, at sa mga anak mo. Kahit wala kang asawa, nagiging unfaithful ka na kung hindi mo ginagamit nang tama ang katawan at pag-iisip mo. Kung members tayo ng church, naging unfaithful din tayo sa sinumpaan nating tipan sa isa’t isa bilang mga miyembo.

#4 - About divine justice (2:17-3:5)

Ikaapat na kaso: sawang-sawa na ang Diyos sa kanilang mga salita (2:17). Pero tanong nila, “Ano naman ang ikinakasawa niya sa amin?” Sagot: “Sinasabi ninyo na mabuti sa paningin ng Dios ang lahat ng gumagawa ng masama at natutuwa siya sa kanila. Pakutya ninyong sinasabi, ‘Nasaan na ang Dios ng katarungan?’” (v. 17 ASD).
Hindi nangangahulugan na kapag hinahayaan ng Diyos na maghari ang mga masasama sa bansa natin ay boto siya sa mga masasama. Hindi rin ibig sabihin na kapag hindi naparusahan ang mga magnanakaw ay hindi kayang pairalin ng Diyos ang katarungan. Tayo pa nga ang naeentertain sa mga violence at sexual sins sa mga pinapanood natin. Tayo pa nga ang nangangampanya sa mga kandidatong marumi ang record at may mga kasong dapat panagutan. At kung humihingi tayo ng hustisya sa Diyos, mag-ingat tayo, kasi tayo rin ay kasama sa mga nagkasala:
Darating ako upang hatulan kayo. Sasaksi agad ako laban sa mga mangkukulam, sa mga nangangalunya, sa mga sinungaling na saksi, sa mga nandaraya sa sahod ng kanilang mga manggagawa, sa mga nanggigipit sa mga biyuda at mga ulila, at sa mga hindi makatarungan sa mga dayuhan. Gagawin ko ito sa inyo na mga walang takot sa akin. (3:5)
“Where is the God of justice” (Mal. 2:17)? Hindi unjust ang Diyos o passive kapag may injustices. Tayo ang hindi gumagawa para maghari ang katarungan sa ating bansa, kapag wala tayong ginagawa para tulungan ang mga nangangailangan at ipagtanggol ang mga inaapi. Kapag yung mga magnanakaw at sinungaling pa ang ipinagtatanggol natin, at binibigyan ng kapangyarihan para lalong maghari ang mga oppresion at injustices.

#5 - About giving (3:6-12)

Hindi lang naman mga namumuno sa gobyerno ang mga magnanakaw. Ito ang ikalimang kaso nila. Sabi ng Diyos, “Ninanakawan ninyo ako” (3:8 ASD). Parang imposible namang manakawan ang Diyos dahil meron siyang CCTV sa lahat ng dako, at siya ang may-ari ng lahat. Kaya tanong nila, “Paano namin kayo ninanakawan?” (v. 8). Sagot ng Diyos, dahil hindi nila ibinibigay ang mga “tithes and contributions” nila (v. 8). Malinaw sa kautusan yung tungkol sa mga bagay na ito. Ang guilty dito ay hindi lang iilang tao, buong bansa nila ay mga magnanakaw (v. 9). Kung susunod sila, pagpapalain sila ng Diyos (vv. 10-12). Pero dahil hindi, “you are cursed with a curse” (v. 9).
Hindi natin sinasabi na hanggang ngayon ay kailangang 10% pa rin ng income natin ang ibigay natin sa mga offerings sa church. Yes, we are not under the Mosaic Law. Yes, we are under grace, dahil sa ginawa ni Cristo sa atin, wala na ang sumpa sa atin, kundi ang tinanggap natin ay “grace upon grace” (John 1:16) at “every spiritual blessing in the heavenly places” (Eph. 1:3). Pero hindi ibig sabihin na magiging maramot na tayo sa pagbibigay. Kung tutuusin, mas pinagpala pa nga tayo ngayon, so we have all the more reasons to give more, not less. “God loves a cheerful giver” (2 Cor. 9:7), yes. Pero masaya ka ba kung kakaunti lang ang ibinibigay mo? O mas masaya ka kung mas marami? Ano ang sinasabi ng puso mo sa Diyos sa klase ng pagbibigay mo sa mga offerings? So, in this church, we encourage you to start with giving 10% of your income, then give more habang pinagpapala pa ng Diyos ang mga finances mo.
Tandaan mo, hindi lang mga pulitiko ang nagnanakaw sa kabang-yaman ng bansa. Kapag hindi ka nagbabayad ng tamang buwis, kapag hindi ka nagpapasweldo ng tama, nagnanakaw ka rin. Kung hindi ka nagbibigay sa church, at nagiging maramot ka sa mga nangangailangan, o kung gumastos ka puro luho, ninanakawan mo rin ang Diyos. Wag mong sabihing, “Pera ko naman ‘to. Pinaghirapan ko ‘to. Ako ang masusunod kung paano ko ito gamitin.” Hindi ‘yan sa ‘yo. Ipinagkatiwala ‘yan ng Diyos sa ‘yo. Mapagkakatiwalaan ka ba?

#6 - About serving God (3:13-4:3)

Hindi lang naman pera o material possessions ang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Binigyan din tayo ng lakas at mga spiritual gifts para magamit sa ministry. Yung last disputation ay may kinalaman sa paglilingkod sa Diyos. Sabi ng Diyos, “Masakit ang mga salita ninyo laban sa akin” (v. 13). Matinding kaso ‘yan, kaya nagtaka sila, “Paano naman kami nagsalita laban sa ‘yo?” Sabi ng Diyos, eto pala ang sinabi nila, “Walang saysay (ASD, kabuluhan) ang maglingkod sa Diyos” (v. 14). Kasi tulad nila, naiisip rin natin na kapag trabaho tayo nang trabaho, nagiging faithful tayo sa Diyos, pero parang walang nangyayari, o walang blessing na dumarating, o mas lalo pa tayong naghihirap. Tapos yung mga taong walang pakialam sa Diyos parang sila pa ang sumasagana. Pero ang assurance ng Dyios, darating ang araw, “At muling makikita ng mga tao ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, at ang pagkakaiba ng naglilingkod sa akin at ng hindi” (v. 18 ASD).

The Gospel in Malachi

Napakadali para sa atin na pagdudahan ang katapatan ng Diyos, ang pag-ibig ng Diyos, ang biyaya ng Diyos, at ang katarungan ng Diyos. Pero walang problema sa Diyos. Dakila at perpekto ang katapatan, pag-ibig at katarungan ng Diyos. Tayo ang may problema. Hindi tayo naging tapat. Hindi tayo umibig sa Diyos nang buong puso, at sa kapwa natin tulad ng sarili natin. Hindi tayo gumawa para sa katarungan. Naging maramot tayo.
Kaya heto ang huling mga salita sa Malachi, at sa dulo ng Old Testament canon, “Sundin ninyo (literally, alalahanin ninyo) ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel” (Mal. 4:4 ASD). Hindi sila nakasunod, tayo rin naman hindi sumunod sa mga utos ng Diyos. Nararapat tayong lahat na parusahan. Pero heto ang gagawin ng Diyos, pangako niya, “Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan” (vv. 5-6). Literally, itong dulo ay “utter destruction.” Grabe naman ang ending nitong Old Testament. Ibang-iba sa “creation” sa Genesis 1.
Pero hindi “utter destruction” ang huling salita ng Bibliya. Kaya may New Testament. Magkakaroon muna ng 400 silent years. Pero sa Bible natin, isang buklat na lang, New Testament na. Pero sino itong “Elijah” na ipapadala raw ng Diyos? Siya rin yung “my messenger” (Heb. malaki) sa Malachi 3:1, “Behold I send my messenger, and he will prepare the way before me.” Si John the Baptist ang tinutukoy dito, tatlong beses na binanggit yung passage na ‘yan sa Gospels patungkol sa kanya (Matt. 11:10-11; Mark 1:2; Luke 7:27). Siya yung “Elijah” na darating (Luke 1:17; Matt. 11:14). Pero hindi siya ang darating na iaabangan natin. Sabi ng Diyos, “Ako mismo ang darating” (MBB, “upang ihanda ang daraanan ko”). Verse 1 pa rin, “Then the Lord you seek will suddenly come to his temple, the Messenger of the covenant you delight in—see, he is coming” (CSB). Itong “Messenger” ay iba sa “messenger” na nauna. Si Jesus na ang tinutukoy dito, ang Diyos mismo ang dumating, ang Anak ng Diyos nagkatawang tao. Naalala n’yo yung transfiguration? Nagpakita si Moses (representing the Law) at si Elijah (representing the prophets) kay Jesus, na siyang katuparan ng Law and the Prophets.
Si Jesus lang kasi ang nagbigay ng karangalan sa pangalan ng Diyos, ang tumupad sa lahat ng kanyang mga utos, ang pinakamalaking ebidensiya ng pag-ibig ng Diyos, ang naging tapat sa Diyos (covenant faithfulness). Siya yung “priest” na eksakto sa description ng Malachi 2:5-7, may takot sa Diyos, nagturo ng kautusan ng Diyos, walang sinabi, ginawa, o inisip man lang na masama. Pero siya pa ang umako ng sumpa na nararapat sa atin. Yung “utter destruction” na dapat ay sa atin, inako niyang lahat yun nang siya ay mamatay sa krus. At dahil sa kanyang ginawa, “He turned many from iniquity” (v. 6). Hindi na-capture yung sense nito sa Tagalog translations. Pero yung “turn” dito ay pareho ng root word ng “return to me” sa 3:7. Sa pamamagitan ni Jesus na ating High Priest makababalik tayo sa Diyos. Hindi sa sarili nating gawa, kundi sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus. After all, he is “the Way” (John 14:6), ang daan pabalik sa Diyos. “Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo” (2 Cor. 5:19 ASD). Namatay si Cristo sa krus para madala tayo pabalik sa Diyos (1 Pet. 3:18).
Ibig sabihin, walang ibang paraan para makabalik tayo kay Lord maliban sa pamamagitan ni Cristo. Repentance from sin is impossible without faith in Christ. Nagtitiwala ka ba kay Cristo na iligtas ka at baguhin ka? Kung ikaw ay nakay Cristo, sa pamamagitan ng Espiritu, may pagbabago. Ang dating nagdududa sa pag-ibig ng Diyos, ngayon may assurance na, “nothing can separate me from the love of God.” Ang dating lumalapastangan sa pangalan ng Diyos, ngayon ay sumasamba na sa kanya at ipinapahayag ang pangalan ni Cristo sa araw-araw. Ang dating taksil ay nagiging tapat sa Diyos, sa asawa, sa pamilya, sa church. Ang dating walang pakialam at maramot sa iba ay nagiging matulungin at mapagbigay. Ganyan ang buhay na merong malapit na relasyon sa Panginoon. Kapag malayo, imposible.
Related Media
See more
Related Sermons
See more