The Gospel, the Church, and Membership (GCGC 2nd Anniv)
Notes
Transcript
Introduction
Introduction
Kapag anniversary celebration, merong kakaibang saya. Kasi masarap na kasali ka sa ginawa ng Panginoon sa pagkakatatag at pagpapatuloy ng church na ‘to. O gusto mong makasali sa mga gagawin pa ng Diyos sa church na ito, or through this church. Maybe as a member, maybe a member ng ibang church pero inaalala mo sa prayers ang church na ‘to. Masarap kasi kapag kasali. Gusto natin, at alam nating kailangan nating maramdaman na kasali tayo, that we belong. Mula pa pagkabata, di ba’t ayaw natin yung nakikisali ka sa laro, pero dahil medyo matamlay ka, ayaw kang isali sa team, baka raw matalo sila. Ayaw natin ng etsa-puwera. Nasasaktan tayo kapag ganun, nandun yung feeling na we are not accepted. Merong shame kapag feeling natin out of place tayo. Kaya minsan ang ginagawa natin, gagawin natin ang lahat para maging “in”—kung paano sila manamit, magsalita, umasta, gagayahin natin, basta matanggap lang tayo. Mahalaga kasi sa atin ang kasali tayo at hindi nag-iisa. So, minsan, we are trying hard to blend in. Kahit na masama na ang ginagawa, basta makasali lang.
Pero ang good news of the gospel, hindi na nating kailangang trying hard para makasali. Si Cristo na ang gumawa ng lahat. Because of him, by faith in him, we now belong to God. Because we belong to God, we belong to one another in Christ. At dahil dun, bahagi rin tayo ng ginagawa at nais gawin ng Diyos sa church at sa pamamagitan ng church. Kasali ka. Kung hindi pa, gusto mo bang makasali? Pakinggan n’yo itong sulat ni Paul sa mga Ephesian Christians:
So then you are no longer strangers and aliens, but you are fellow citizens with the saints and members of the household of God, built on the foundation of the apostles and prophets, Christ Jesus himself being the cornerstone, in whom the whole structure, being joined together, grows into a holy temple in the Lord. In him you also are being built together into a dwelling place for God by the Spirit.
Initial Observations
Initial Observations
Para mas maintindihan natin ang punto ni Pablo sa passage na ‘to, dapat makita natin ang konteksto ng sulat niya sa mga Efeso. Dito ay paulit-ulit na binibigyang-diin na kasama ang mga Gentile Christians, kasali ang mga taga-Efeso at tayong mga Filipinos, hindi lang mga Jewish believers, sa yaman ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Yun ang dahilan bakit simula pa lang ng sulat niya ay punung-puno ng papuri sa Diyos dahil tinanggap natin ang “every spiritual blessing” (Eph. 1:3). Ang pagliligtas niya sa atin ay “according to the riches of his grace” (v. 7). Kaya nga ang prayer niya sa kanila ay para magkaroon sila ng enlightenment: “that you may know…what are the riches of his glorious inheritance” (v. 18). At ito naman ang puno’t dulo ng layunin ng Diyos sa salvation history: “so that in the coming ages he might show the immeasurable riches of his grace” (2:7).
Tinatawag ni Paul na isang “mystery” itong katotohanan na ang mga Gentiles ay “fellow heirs…and partakers of the promise in Christ Jesus through the gospel” (3:6). Yun ang dapat nating malaman, kaya ‘yan ang laman ng preaching ni Paul: “to preach to the Gentiles the unsearchable riches of Christ” (3:8). Yun din ang purpose ng church, sa preaching at sa buhay natin ay maipahayag sa lahat ng tao yung “manifold wisdom” ng Diyos (3:10). Magkakaroon lang tayo ng kakayahan na mamuhay para sa ganitong layunin “according to the riches of his glory” (3:16). Kaya nga sa chapters 4-6, itinuro sa kanila ni Paul kung paano mamuhay in light of the riches of the grace we have received from God.
Kung Cristiano ka, kasali ka sa mga tumanggap nitong yaman ng grasya ng Diyos. Pansinin n’yo ang mga salita o ideya o images na paulit-ulit dito sa Ephesians 2:19-22: bahay o gusali (noun) at pagtatayo (verb). Architectural at may kinalaman sa construction yung images na ginagamit ni Paul dito. Ang pinakaugat na salita dito ay oikos na karaniwang tumutukoy sa isang bahay o gusali. Tayo ay “members of the household (oikeios) of God” (v. 19). Ang church ay “built (epoikodemeo) on the foundation...” (v. 20). Sa v. 21, tinukoy ang buong church na “the whole structure” (CSB, “whole building”). Ang ginagawa ng Diyos sa church ay ito: “being built together (synoikodomeo)…into a dwelling place (katoiketerion)” (v. 22). So paulit-ulit yung root words na oikos. Build, build, build. Ganyan din ang project ng gobyerno natin. May mga good projects, merong palpak, merong nakurakot. Pero yung build, build, build ng Diyos na may kinalaman sa church, yun ang the most beautiful, most important building project.
Kasali ka ba sa proyektong ito? Sinu-sino ba ang kasali dito? Unang-una siyempre ang Trinity—the Father, the Son, and the Spirit. Pansinin n’yo ang Trinitarian nature ng passage na ‘to. Ang mga Christians ay kabilang sa “sambahayan ng Diyos” (v. 19 Ang Biblia 2001). Siya ang Ama, tayo ang mga anak, at magkakapatid tayo sa isang pamilyang ito. Si Cristo ang pundasyon na kinatatayuan ng church, siya ang “cornerstone” (v. 20). Paano lumalago ang Diyos para maging “holy temple” (v. 21)? Sa pamamagitan ng Holy Spirit (v. 22).
Ang church natin ay all about God. Sa kanya ang project na ‘to, hindi sa pastor o kung sino man. Pero kasali tayo dito. Ang church ay “household of God,” at kung tayo ay mga anak ng Diyos, members tayo nito. Ang church ay isang “building” at bahagi tayo ng building na ‘to—konkreto, hollow blocks, bakal, bato, atbp. At paano tayo naikabit dito? Sa pamamagitan ni Cristo—through him (v. 18), in whom (v. 21), in the Lord (v. 21), in him (v. 22). Kung ikaw ay hiwalay kay Cristo, hindi ka kasali dito. Pero gusto ka naming makasali at makasama kaya inimbitahan ka rito. I hope magiging malinaw sa mga susunod kung paano.
Kung maiintindihan natin ang sinasabi dito ni Pablo, mas maiintindihan natin kung ano ang church—universal church at local church bilang expression ng universal church. I also encourage you na basahin ang Balik Tayo sa Church. Mas maiintindihan mo rin kung bakit mahalaga ang pagiging member ng church. I want to encourage you to attend membership classes and formalize your commitment as a member.
Reviewhin natin ang definition ng church bilang isang grace community, at makikita natin ang ilang aspeto nito sa passage natin ngayon: “Pamilya ng Diyos, na binubuo ng Kuwento ng Diyos, at nakikibahagi sa misyon ng Diyos.”
Gospel Identity (Eph. 2:19)
Gospel Identity (Eph. 2:19)
Unahin natin yung “pamilya ng Diyos.” Ang church ay pamilya ng Diyos. Kung church member ka, family member ka. Pero dati hindi ganito ang status mo. Kaya sinabi niya sa v. 19, “you are no longer strangers and aliens” (foreigners/sojourners), kasi dati ganito ka, ganito tayo. Walang nakakakilala, tagalabas, hindi citizens, hindi family member. Ganito ang kalagayan ng mga Gentiles apart from Christ. Kaya “uncircumcision” (v. 11) ang tawag sa kanila. Kasi hindi sila covenant member, kasi yung pagtutuli ay sign of the covenant sa promise ng Diyos kay Abraham. Kaya sinabi rin sa v. 12 na “separated from Christ…alienated…strangers...” (v. 12). Pero nung sinabi ni Paul dito sa v. 19 na “no longer” ibig sabihin hindi na ‘yan totoo sa ‘yo ngayon. Meron ka nang bagong status. Past is past. Hindi na maibabalik ang kalagayan mo noon. Bagong-bago na.
Sino na tayo ngayon? Kasali na sa mga kabilang sa sambahayan at kaharian ng Diyos. “But you are fellow citizens with the saints and members of the household of God…” Meron nang mga “saints” na nauna sa atin. Sila yung mga “holy ones,” ibig sabihin dating separated from Christ, ngayon ay separated from the world. “Saints” na rin ang tawag niya sa mga Ephesian Christians, “To the saints who are in Ephesus” (1:1). At ganyan din tayo ngayon by faith in Christ. Dating “foreigner” pero ngayon ay meron nang bagong citizenship. Yes, meron tayong dual citizenship. Mamamayan tayo ng bansang ito. Pero ang pinakamahalagang citizenship na meron tayo ay ang kaharian ng Diyos, kasali ang mga pagpapala at responsibilidad na kaakibat nito.
Meron na tayong bagong identity. Paano nangyari? Yun ang significance ng bungad ng text natin, “So then...” (v. 19). Kinokonekta ito ni Pablo sa mga nauna niyang sinabi. We have a gospel identity. Itong identity na ‘to ay hindi dahil sa anumang ginawa natin, kundi dahil sa ginawa ni Cristo. We are a gospel church. We owe our existence to the gospel of Christ. Looking back sa vv. 13-18 ganito ang makikita natin: “But now in Christ Jesus…by the blood of Christ…through the cross…through him.” Naibalik tayo sa magandang relasyon sa Diyos, nagkaroon ng reconciliation and peace dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin.
Ibig sabihin, merong church dahil sa gospel. Ang church ay kinabibilangan ng mga taong tinubos ni Cristo, nakay Cristo, kabilang kay Cristo, pamilya ng mga anak ng Diyos at magkakapatid kay Cristo. Miyembro ka na ng church—the universal church—kung ikaw ay nakay Cristo. Pero bakit mahalaga ang membership sa local church. You already are a member of God’s family, but you experience more of its reality and significance when you formalize membership sa isang local church. Kapag tinanggap ka na miyembro ng church, yun ay dahil may nakita na ebidesiya na credible ang profession of faith mo. Hindi lang sa salita, merong nakitang bunga sa buhay mo. So, makakatulong ito sa assurance na kailangan mo na you really belong to Christ. At kung naging member ka, meron ka rin namang trabaho na tulungan ang ibang miyembro na bigyang-patunay at bigyang-katiyakan yung gospel identity na meron sila, at tulungan ang bawat isa na mamuhay according to this gospel identity (like yung mga sinasabi ni Paul sa chapters 4-6).
Creature of the Word (Eph. 2:20)
Creature of the Word (Eph. 2:20)
Ang church bilang grace community ay “pamilya ng Diyos na binubuo ng Kuwento ng Diyos...” Ang identity natin ay nakakabit sa Diyos at sa ginawa niya sa pamamagitan ni Cristo. Ito namang “binubuo ng Kuwento ng Diyos” ang binibigyang-diin ay ang kahalagahan na tayo’y nagpapatuloy na nagbabago at nagbubunga sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kaya sa v. 20 ay binanggit ni Pablo kung paano nagsimula ang church, o itong proyektong ito ng Diyos. Ang church daw, household of God, ay “built on the foundation of the apostles and prophets, Christ himself being the cornerstone.”
Mahalaga ang pundasyon sa isang gusali. Kapag tinanggal mo ang pundasyon, guguho. Hindi lang pala mahalaga, napakahalaga. Ano raw yung pundasyon na kinatatayuan ng church? The apostles and prophets. Hindi mga prophets sa OT ang tinutukoy dito (bagamat kasama rin yun), pero yung mga NT prophets, na kasama ng mga apostol ay naghahatid ng salita ng Diyos. Ito yung gospel message na tinanggap nila na binanggit din ni Paul sa Eph. 3:5, “revealed to his holy apostles and prophets.” Ito rin yung unang-una sa listahan ng mga ibinigay ng Diyos sa church, “he gave the apostles, the prophets...” (4:11). Foundational ang role nila. Ibig sabihin, wala nang mga apostles and prophets ngayon—bagamat ganun ang pinaniniwalaan ng iba. Kaya sabi ni Christ kay Peter, representing the apostles at yung teaching ng mga apostles, “On this rock I will build my church” (Matt. 16:18).
In this way, masasabi nating ang church ay apostolic. Binigyang-diin natin ‘yan sa pag-aaral ng Apostles’ Creed. Kaya yung early church ay nagpapatuloy sa turo ng mga apostol (Acts 2:42). Ganun din tayo kung patuloy tayo sa pangangaral, pakikinig, pag-aaral ng salita ng Diyos, kasi ito ang awtoridad natin sa church. Dahil ang turo ng mga apostol ang nagtuturo sa atin kay Cristo. Siya yung “cornerstone” (Eph. 2:20). Dito nakakabit ang lahat. Kapag tatanggalin mo si Cristo sa church, we will cease to exist, guguho ang lahat. Wala nang ibang pundasyon na kailangang ilatag maliban kay Cristo (1 Cor. 3:10-11). On Christ the solid rock I stand, all other ground is sinking sand. Kaya ang isang church na hindi na salita ng Diyos ang papakinggan, hindi na si Cristo ang ipinapangaral, that church cease to be a church.
Ano ang kinalaman nito sa church at sa membership sa church? Kung salita ni Cristo ang pundasyon, tama nga na ang church, tulad ng sabi ng mga nauna sa atin, ay “creature of the Word.” Ipinanganak tayo, nilikha tayo sa pamamagitan ng salita ng Diyos (1 Pet. 1:23). Naging member ka ng church nang marinig mo ang salita ng Diyos, naniwala at sumampalataya kay Cristo. Lumalago ka, at lalago ka lang, at magiging katulad ni Cristo sa pamamagitan ng salita ng Diyos (1 Pet 2:2). Kaya mahalaga ang preaching, ang pag-aaral ng doktrina, ang pagdidisciple gamit ang salita ng Diyos (2 Tim. 3:16-17). Kaya mahalaga ang role ng mga pastor-teacher para sanayin ang church sa work of the ministry (Eph. 4:11-12). So, as a member, magpatuloy ka sa Word of God. Magdisciple ka ng iba at ayain mo sila na samahan kang basahin at pag-aralan ang salita ng Diyos, at pag-usapan yung sermon na napakinggan. Patuloy ka sa pagdalo nang regular and submit sa teaching ng mga pastors/elders ng church. Sama-sama tayo na tulungan ang bawat isa na tumingin palagi kay Cristo.
What happens when we focus on Christ together as a church?
God’s Purposes (Eph. 2:21-22)
God’s Purposes (Eph. 2:21-22)
Or, ano ang layunin at misyon ng Diyos sa church na mangyayari kung patuloy na makikibahagi tayo sa pagtatayo nitong “building project” ng church? At may kinalaman dito yung ikatlong bahagi ng definition natin ng church as grace community, “nakikibahagi sa misyon ng Diyos.” We often think of mission na panlabas, na yung church ay katulad ng sabi ni Mark Dever na “the gospel made visible.” Pero ang focus nitong vv. 21-22 ay yung nangyayari sa loob ng church mismo, na meron naman siyempreng epekto sa mga nasa labas. “…in [Christ] the whole structure, being joined together, grows into a holy temple in the Lord. In him you also are being built together into a dwelling place for God by the Spirit” (Eph 2:21-22).
Kaya ang tanong ko kanina ay, ano ang mangyayari kung tayo ay nananatiling nakakabit, nakatuntong, nakatingin kay Cristo? Kasi nakaugnay kay Cristo lahat ng katuparan ng layunin ng Diyos sa church: “in whom…in the Lord…in him...” Wag na wag nating tatangkaing gawin ang misyon ng Diyos o anumang bagay nang nakahiwalay kay Cristo. Don’t expect success without Christ. Sabi niya, “Apart from me you can do nothing” (John 15:5). Sabi naman niya, “I will build my church” (Matt. 16:18). When we join him in what he is doing, we are being Christ’s co-workers (1 Cor. 3:9).
Sa misyon at layuning ito ng Diyos, lahat ay kasali. “The whole structure” or “the whole building” (Eph. 2:21 CSB). Walang exempted sa gawain ng Panginoon. Kasali ka. Wag mong isiping mga pastor o mga leaders lang ang kasali. Yes, may trabaho kami, pero not to do all the ministry, kundi para sanayin kayo, “for the work of ministry, for building up the body of Christ” (Eph. 4:12). Gagawa kami, gagawa kayo, may trabaho tayong lahat. May trabaho ang pagiging miyembro ng church.
At mangyayari ang layunin ng Diyos sa ating pagkakaisa at pagsasama-sama. “Being joined together” (2:21). Ang bawat bahagi ay nagkakaugnay-ugnay. Paano nga naman mabubuo ang isang gusali kung ang mga bahagi nito ay magkakahiwalay? Ganun din sa church. Kaya mahalaga ang gathering ng church. Buti pa nga ang libu-libong mga tao nagsisiksikan at nagsisigawan para sa kandidatong sinusuportahan nila. Pero hindi ba’t lalong dapat tayong magsiksikan na ipagsigawan si Cristo? Kaya bilang miyembro, wag na wag mong ipagpapaliban ang sama-samang pagsamba. Mas mahalaga ito sa trabaho, sa bakasyon at sa time with your family. Mananatili tayong nakadikit kay Cristo kung nakadikit din tayo sa katawan ni Cristo. Magiging malapit ka ba sa mga kapatid mo, at sa Diyos na ating Ama, kung palagi kang wala sa bahay?
So, ang disenyo ng Diyos para sa buong church na nangyayari kapag tayo ay nagsasama-sama ay ito: the church “grows into a holy temple in the Lord.” Lumalago, kasi hindi tulad ng gusali, ang church ay may buhay. Ibig sabihin din, hindi pa tapos ang building project. Bagamat nasa atin na ang Espiritu (temple of the Spirit), hindi pa tayo perfectly “holy.” Yes, truly holy, kasi set apart na tayo sa mundong ito, pero meron pa ring makamundong hangarin sa puso natin. Hindi pa tayo lubos na tulad ni Cristo. Nakikipaglaban pa rin tayo sa kasalanan. Meron pang mga natitirang idols sa heart natin. Kaya bilang miyembro, nagtutulungan tayo sa paglago sa kabanalan, dinidisciple natin ang bawat isa; kapag nalilihis ng landas, dinidisiplina. Hindi ba’t napakainam maging miyembro? Merong nakikialam sa ‘yo. Dahil kung wala, paano ka na? Sino ang magtuturo sa ‘yo? Sino ang sasaway sa ‘yo? Sino ang magtutuwid sa ‘yo? Sino ang magsasanay sa ‘yo? Kaya napakahalaga na i-maximize mo ang involvement mo sa church. Don’t settle for minimalism sa Christian life, kung gusto mo ang maximum joy, maximum holiness, don’t settle for anything less.
Kung yung kagalakang ito ay nanggagaling sa Diyos, then we strive to get more of God, not less. At yun naman ang layunin ng Diyos bakit niya tayo iniligtas, bakit niya tayo pinagsasama-sama sa church, para ibigay nang lubus-lubos ang sarili niya sa atin. Dahil alam niya na siya, ang buong pagka-Diyos ng Diyos—Ama, Anak, Espiritu—ang kaialngan natin. Gumagawa ang Diyos for our maximum satisfaction. Grabe no, napakabuti niya sa atin. Verse 22, “In him you also are being built together into a dwelling place for God.” Ayan na naman, “in him,” kay Cristo talaga nakatali ang buhay natin, ang church natin, ang katuparan ng layunin ng Diyos. “You also are being built together.” Ayan ulit, hindi pa tapos ang Diyos, present tense ‘yan. May ginagawa pa siya sa atin, sa church natin. “Together,” ayan na naman, hindi pwedeng mag-isa lang, kailangan natin ang isa’t isa, kasali ang lahat sa atin, mahalaga na palagi tayong nagsasama-sama.
Para sa anong layunin? “Into a dwelling place for God”—bahay na titirhan ng Diyos. Kasama tayo. It is all about intimate communion with God. Sa simula pa lang, inilagay na sina Adan at Eba sa garden para makasama nila ang Diyos. Ipinagawa niya ang tabernacle sa mga Israelita pagkatapos na iligtas sila sa Egypt para manirahan ang Diyos kasama nila. May templo sa sentro ng religious life ng Israel para ipaalala sa kanila na ang relasyon nila sa Diyos ang pinakamahalaga sa lahat. Dumating si Cristo, Emmanuel, God with us, para manirahan ang Diyos kasama natin. Iniligay tayo sa church para maranasan natin ang malapit na relasyon sa Diyos. We preach the gospel to the lost, we plant churches, we go to the nations, para ang mga taong malayo sa Diyos ay mapalapit sa kanya. Babalik si Cristo, mananahan ang Diyos sa piling natin for all eternity. Our life, our church, our mission—lahat ‘yan mula sa Diyos at para sa Diyos. Siya ang simula, siya ang katapusan. At siya rin ang titiyak na makakarating tayo sa dulo at matutupad ang layunin ng Diyos for our church. “By the Spirit” or “in the Spirit” (v. 22).
So, as member, tandaan mo na kasali ka, nakikibahagi ka sa misyon ng Diyos sa church para ito ay pabanalin at gawing tulad ni Cristo. At misyon ng Diyos sa mundo through the church, ang punuin ang mundo ng pagkakilala kay Cristo, to make known the riches of the grace of God through Christ.
Conclusion
Conclusion
Yan ang ibig sabihin ng grace community. Pamilya ng Diyos, merong tayong gospel identity, nakakabit kay Cristo at sa ginawa niya para sa atin. Yun din ang dahilan bakit nakasali tayo sa pamilyang ito, at nakakabit sa isa’t isa bilang magkakapatid sa Panginoon. Binubuo ng Kuwento ng Diyos, we are creatures of the Word. Nakatuntong tayo sa mga turo ng Salita ng Diyos, nakasentro kay Cristo. Nakikibahagi sa misyon ng Diyos, na pabanalin ang church, at ipakilala si Cristo sa iba. Dalangin ko na makita mo ngayon kung bakit mahalaga na maging member ng Grace Community Gospel Church. Attend membership classes, commit to be a member, submit to your church leaders, at gawin ang trabaho ng isang miyembro.
At kung member ka naman ng ibang church, dalangin ko na nakatulong ito para mas mag-increase o bumalik ang commitment mo as a member, at tanungin mo ang mga pastors/elders n’yo, “Paano po ako makakatulong sa church?” At kung hanggang ngayon you do not yet belong to Christ, tanungin mo ang sarili mo, bakit ayaw mong makasali sa ganitong klaseng pamilya? Meron pa bang ibang samahan sa mundo na katulad ng pamilya ng Diyos? Meron pa bang lugar na mas mainam kaysa sa loob ng pamilya ng Diyos? Meron pa bang magmamahal, mag-aalaga, at magbibigay ng buhay sa ‘yo maliban kay Cristo? Wala na, di ba? So, magsisi ka sa kasalanan mo, humingi ka ng tawad sa kanya, kilalanin mo si Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Sumali ka sa church, sigurado tatanggapin ka, dahil dito kung ikaw ay nakay Cristo, walang etsa-puwera.