Part 1 - Exile and Faithfulness
Notes
Transcript
Introduction
Introduction
Magsisimula tayo ng bagong sermon series, entitled “Politics and the Kingdom of God: An Exposition of Daniel 1-6.” Siyempre, this is mainly an exposition of the Word of God. Hindi ito tungkol sa political opinions ng inyong pastor. Instead, titingnan natin kung ano ang itinuturo sa atin ng Diyos sa bahaging ito ng Daniel. Dun muna tayo sa narrative portions, sa first half, yung first six chapters. Yung chapters 7-12 kasi ay apocalyptic, tungkol sa mga propesiya tungkol sa mga huling araw. Lord willing, mapag-aaralan din natin ‘yan sa susunod.
So, bakit “politics”? Yung iba kasi sinasabi na hindi raw natin dapat pinaghahalo ang pulitika at relihiyon. Well, hindi naman talaga natin mapaghihiwalay ‘yan. When we talk of religion o spiritual matters, wag nating isiping ito ay tuwing Linggo lang, o kapag nasa loob ng church. It affects everything we do, including politics. At kung pulitika naman ang pag-uusapan, wag nating isiping ito ay may kinalaman lang sa darating na eleksyon, sa ginagawa ng gobyerno, sa responsibilities natin as Filipino citizens. Pero kasali rin dito yung ibang mga bahagi ng buhay natin na apektado ng mga nangyayari sa politics. And as we will see later on, it is also a worship issue. And in the end, we need to realize na itong usaping pulitika, bagamat mahalaga na magreflect tayo, ay nakapailalim sa “Kingdom of God.” So, the goal of our series sa Daniel 1-6 ay matulungan tayo na magkaroon ng “kingdom perspective” sa lahat ng bahagi ng buhay natin, with specific applications sa political situations sa bansa natin.
Paano makakatulong itong book of Daniel to address that purpose? Yung mga taga-Judah, ang bayang pinili ng Diyos, nasa exile sa Babylon. Yung nakaraang series natin sa Haggai, Zechariah, Malachi o post-exilic prophets ay tungkol sa sitwasyon nila pagkatapos ng exile, yung nakabalik na sila sa Jerusalem. Atras lang tayo ng konti sa history, at tingnan ang mga nangyari nung nasa exile pa sila. Wala sila sa homeland nila. Wala silang hari, wala silang kingdom na tulad ng dati. Under sila kay King Nebuchadnezzar ng Babylonian empire. Pero itong si Daniel, at kasama ang tatlong mga kaibigan niya, nagkaroon ng pagkakataon to serve sa mataas na posisyon sa kaharian. Paano sila magrerespond doon? At yung iba pang mga exiles, ano ang gagawin nila? How will they continue to be faithful sa calling ng Diyos sa kanila? How will they be encouraged and comforted kahit na mahirap ang kalagayan nila?
Hindi ba’t ganyan din ang kalagayan natin bilang mga “exiles,” tulad ng address ni Peter sa mga sinulatan niya: “to those who are elect exiles” (1 Pet. 1:1). Tayo yun. Bagamat Filipino citizens tayo, hindi ito ang permanenteng bayan natin. We are dual citizens. But primarily citizens of the kingdom of God. “Our citizenship is in heaven,” sabi ni Paul (Phil. 3:20). Pero ibig sabihin ba nun na wala na tayong gagawing participation sa mga nangyayaring political at social issues sa bansa natin? Dito na lang tayo sa church at wag na nating pakialaman ang mga nasa labas? Magpepray na lang ba tayo at ipapaubaya na lang sa kalooban ng Diyos ang mga mangyayari? That sounds more spiritual, pero hindi ‘yan ang full biblical response natin. Yung iba naman nasosobrahan. Kailangang Cristiano ang tumakbong presidente, o yung iba sobrang pag-asa ang ikinakabit sa sinumang maluluklok sa pwesto na para bang yun na ang makapagsasalba sa bansang ito sa mga problema natin. Saan tayo dapat lumugar sa mga isyung pulitikal sa bansa natin? Meron bang proper at biblical Christian response sa mga ganitong bagay?
Susubukan ba nating gumawa para magkaroon ng pagbabago sa bansa natin o hahayaan na natin na madala tayo at ang mga anak natin ng agos ng sistema ng lipunan at mga bulok na kalakaran sa gobyerno? I pray na sa pag-aaral natin sa story ng Daniel chapter 1 ay ma-address ang mga ganitong tanong at maiwasan ang mga maling responses o resulta ng mga masama at magulong pangyayari sa political situation sa bansa natin. Nadi-discouraged kasi tayo masyado sa nangyayari sa paligid natin. At dahil dun, madali na sa atin ang magkumpromiso. Nagsisinungaling naman lahat, so okay lang na hindi na tayo magsalita o magsaliksik ng katotohanan. Hindi naman sila nagbabayad ng buwis, so ‘wag na nating seryosohin ang deadline ng filing ng income tax return. What’s the point of honesty? Sobrang talamak na naman ang mga sexual immoralities sa bansa natin, nagiging acceptable na kahit premarital sex, pornography, o adultery. Hindi na rin ba natin seseryosohin ang pursuit of holiness?
Nadidiscourage tayo—na nauuwi sa kumpromiso ng ating pananampalatay—kapag hindi natin nakikita o nakakalimutan natin ang ginagawa ng Diyos sa mga nangyayari sa buhay natin at sa bansa natin. Kung ang approach natin sa story ni Daniel ay mali, we will miss this big theological point tungkol sa ginagawa ng Diyos. May nakita akong libro sa isang Christian bookstore, ang title ay kung paano magkakaroon ng diet na katulad ni Daniel na vegetarian. Yung iba naman, lalo na kung sa mga uso sa pagtuturo sa mga bata sa Sunday School, “Be like Daniel. Dare to be a Daniel, dare to stand alone.” Oh yes, meron tayong matututunan tungkol sa faithfulness ni Daniel na dapat nating gayahin. But that is not primary. Dapat magkaroon tayo ng God-centered perspective sa pagbabasa ng story na ‘to. Be on the lookout especially sa isang phrase na tatlong beses inulit sa first chapter: “The Lord/God gave...” (1:2, 9, 17). O sa Tagalog, “Ayon sa kanyang kalooban...niloob ng Diyos...binigyan ng Diyos...” (ASD). Isang Hebrew word lang ang ginamit diyan, natan, na ang ibig sabihin ay “to give.” Sa pagsubaybay natin sa kuwentong ito, you will be comforted and encouraged to stay faithful to God kung makikita mo kung paano gumagawa ang Diyos sa bawat yugto ng istorya.
Exile and the Two Kingdoms (Dan. 1:1-2)
Exile and the Two Kingdoms (Dan. 1:1-2)
Yung bungad ng istorya sa first two verses ang magbibigay sa atin ng God-centered perspective sa kwentong ito. Paano napunta itong sila Daniel sa Babylon? Noon kasing 605 BC, ikatlong taon ng paghahari ni King Jehoiakim ng Judah, nilusob ni King Nebuchadnezzar ng Babylon ang Jerusalem (Dan. 1:1). First stage of invasion pa lang ‘to. Yung second round ay nung 597 BC, at yung 3rd and last ay nung 586 BC, sa taong yun lubos na nawasak ang templo at ang Jerusalem. Dun sa first invasion pa lang, hindi na nakapalag si Jehoiakim.
From a human perspective, yun ay dahil higit na makapangyarihan ang Babylon. But from a divine perspective, ito ay dahil sa kalooban ng Panginoon: “the Lord gave Jehoiakim king of Judah into his hand...” (v. 2). Parusa ‘yan ng Diyos dahil sa unfaithfulness at idolatry ng Judah. Pero ito rin ay ebidensiya ng faithfulness ng Diyos sa kanyang salita. Sinabi na niya noon pa na ganito ang mangyayari. Nangyari nga ayon sa kanyang salita. Pero hindi lang ito about God’s judgment. God is also at work in bringing about his redemptive purposes for his people. At bahagi ng layunin ng Diyos ay yung ipakilala niya ang sarili niya na siyang nag-iisang tunay na Diyos, at ipakita rin ang essence ng kasalanan—ang ipagpalit ang katotohanan tungkol sa Diyos sa isang kasinungalingan at sambahin at paglingkuran ang nilikha ng Diyos sa halip na ang Diyos na lumikha ng lahat (Rom. 1:25).
So, yung mga taga-Judah ay nalipat sa Babylon dahil sa kanilang failure to worship God. Kaya pati mga kagamitan sa templo o “house of God” (Dan. 1:2) ay sinamsam ng mga Babylonians at dinala sa Babylon, literally, “land of Shinar” na may pahiwatig sa istorya ng Tower of Babel sa Genesis 11 (see. Gen. 11:2). Babel = Babylon. Throughout Scripture, ang Babylon ay nagrerepresent sa sukdulan ng kasamaan at Exhibit A ng pagpaparusa ng Diyos. Babylon represents humanity in rebellion against God. Yung mga kagamitan sa templo inilipat from “the house of God…to the house of his god” (Dan. 1:2). God vs gods. Totoong Diyos laban sa mga diyos-diyosan. Ang digmaan ay hindi lang sa pagitan ng dalawang gobyerno, kundi ito ay battle of gods. And of course, yung totoo lang ang sa bandang huli ay mananalo: “in the end our God wins” (Daniel Akin, Exalting Jesus in Daniel, p. 4).
This teaches us that politics is also a worship issue. Sinabi ni Jonathan Leeman na kung ang puso natin ay “battlegrounds of gods,” ang pulitika rin ay “battleground of gods.” Inaasahan natin ang gobyerno o sinumang pulitiko na maging “savior” natin, o kaya’y paglingkuran o maibigay ang mga dinidiyos natin tulad ng pera o maginhawang buhay. Sabi pa niya, “Our gods, whatever they may be, are always present in the struggle for who gets to rule…Our gods determine our morality, and they determine our politics—unavoidably” (How the Nations Rage, pp. 28-29).
So, for God’s people in Babylon na iba ang diyos na sinasamba, the challenge for them is, Patuloy ba silang sasamba kay Yahweh? Will they commit themselves like in the time of Joshua, “But as for me and my house, we will serve the Lord” (Jos. 24:15). Easier said than done. Nung nandun nga sila sa Judah, guilty na sila ng idolatry, pano pa kung nasa Babylon na sila? How about us? Mahalagang question kung ano at paano dapat ang involvement natin sa politics. Pero merong mas fundamental question, yung nasa ugat ng lahat ng ito: Sino ang sinasamba mo? Nakanino ang allegiance mo? Mas loyal ka ba sa Diyos kaysa sa kaninumang politiko? Sino ang humuhubog ng mga convictions mo? Salita ba ng Diyos o mga pangako ng kandidato?
Opportunity and Temptation (Dan. 1:3-7)
Opportunity and Temptation (Dan. 1:3-7)
Our commitment to worship God doesn’t necessarily mean iiwasan na natin ang pulitika. Sasabihin natin, marumi ang pulitika. Politics is neutral. It can serve God’s good purposes, or in can be use to serve evil purposes, na alam naman nating karaniwang nangyayari. Although generally negative ang “Babylon” sa Scripture, pero wag nating iisipin na it is all about evil and God’s judgment against evil.
Meron ding magandang intensyon ang Diyos sa Babylon. At isang dahilan kung bakit sila dinala dun ay para maging blessing sa lugar na yun. Hindi yung magtatago lang sila sa bahay at wala nang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Ipinasabi nga ng Diyos sa mga exiles through prophet Jeremiah:
Magtayo kayo ng mga bahay at doon kayo tumira. Magtanim kayo at kumain ng inyong ani. Mag-asawa kayo at nang magkaanak kayo. Hayaan din ninyong mag-asawa ang mga anak nʼyo at nang magkaanak din sila para dumami kayo nang dumami. Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin nʼyo ito dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo. (Jer. 29:5-7 ASD)
Hindi natin kailangang maluklok sa isang posisyon sa gobyerno bago tayo magkaroon ng pagkakataon na makagawa ng mabuti para sa bansa natin. Kung teacher ka, paghusayan mo. Kung negosyante ka, pagbutihin mo at maging tapat ka sa pagbabayad ng buwis. Kung may mga anak ka, pagtuunan mo ng pansin ang pagtuturo sa kanila ng mabuting asal. Anumang opportunity meron ka, samantalahin mo, lalo na kung bigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na magkaroon ng mas malaking impluwensiya.
At ‘yan nga ang pagkakataong ibinigay ng Diyos kila Daniel. Nakita marahil nitong si Nebuchadnezzar na meron din siyang mapapakinabangan sa mga bihag na galing sa Judah. Kaya inutusan niya yung pinuno ng kanyang mga tauhan na si Ashpenaz na pumili ng ilang mga Israelita na galing sa “royal family and of the nobility” (v. 3). Eto yung mga elite, pero hindi lang basta mayaman at influential. Dapat yung top of the line din. Merong mataas na physical at intellectual qualifications: “youths without blemish”; “gwapo, malusog, matalino, mabilis kumilos at madaling turuan para maging karapat-dapat maglingkod sa hari” (ASD). Ang pipiliin ay hindi pwedeng basta-basta lang. Sa qualifications na na-set ng hari, kabilang sa mga napili ay sina Daniel, Hananiah, Mishael, at Azariah, lahat galing sa lahi ni Judah (v. 6). Aksidente ba ang pagkakapili sa kanila? No, noon pa man ay ang Diyos na ang nagbigay sa kanila ng ganyang mga katangian at kakayahan to fit them or qualify them to serve the king.
Merong pagkakataong maglingkod kahit na “evil” ang kaharian ng Babylon. May opportunity na dapat samantalahin, hindi naman nila tinanggihan ‘yan. Bago sila mag-serve sa king, three years muna sila na mag-aaral sa Babylon State University. Tuturuan sila ng literature at language ng mga Babylonians (o Chaldeans, v. 4). Libre ‘yan. Pati pagkain libre rin, at hindi lang basta pagkain, “Iniutos din ng hari na mula sa kanyang sariling pagkain at inumin ang ibibigay sa kanila araw-araw” (v. 5). Napakagandang privilege. Pero dapat maging maingat baka ang mga katuruan sa BSU ay salungat sa itinuturo ng salita ng Diyos. Baka madoktrinahan sila at makumpromiso ang kanilang pananampalataya. At bukod dun, binigyan pa sila ng bagong pangalan. Ang ibig sabihin ng Daniel ay “God is my judge,” Hananiah “the Lord is gracious,” Mishael “Who is what God is?,” Azariah “The Lord is a helper.” Pero pinalitan. “Si Daniel ay pinangalanang Belteshazar, si Hanania ay Shadrac, si Mishael ay Meshac, at si Azaria ay Abednego” (v. 7). Hindi na Hebrew names na nakakabit ang identity kay Yahweh. Babylonian names na nakakabit sa paghingi ng tulong sa mga Babylonian gods na sina Marduk, Bel, at Nebo (Iain Duguid, Daniel, p. 8). Ano yung ginagawa sa kanila? Dinodoktrinahan para makalimutan na nila kung sino sila, kung ano ang kasaysayan nila, kung sino ang Diyos nila.
Yes, samantalahin natin ang mga opportunities na binigay sa atin ng Panginoon—na makapag-aral nang maayos, na makapagnegosyo, na makapagtrabaho sa gobyerno—pero dapat maging aware din tayo sa mga temptations and dangers na maaari nating harapin na magiging dahilan para makumpromiso natin ang pananampalataya natin. Baka nga sa trabaho katulad ka na rin ng mundo, o sa eskwelahan kapag LGBTQIA+ ang pag-uusapan, o sa social media discussions about politics, hindi na nalalaman ng mga tao na Cristiano ka pala kasi kapareho ka na rin nila na mag-isip, magsalita at sa pag-uugali.
Pero si Daniel ay iba. Paano siya nagrespond sa opportunies and temptations na ‘to?
Resolution and Testing (Dan. 1:8-14)
Resolution and Testing (Dan. 1:8-14)
Verse 8, “Pero ipinasya ni Daniel na hindi siya kakain ng pagkain ng hari o iinom ng kanyang inumin para hindi siya marumihan” (ASD). Buo ang loob niya sa desiyong ito. Hindi na magbabago yung conviction niya na ito. Pero ang tanong, ano ang isyu ni Daniel sa pagkain na bigay ng hari? Sabi ng iba, ito ay may kinalaman sa mga ipinagbabawal ng Diyos na kainin nila dahil sila’y magiging ceremonially unclean. Sabi naman ng iba, posible raw na itong mga pagkaing ito ay mga pagkain na in-offer sa idols. So hindi lang ceremonial ang issue, kundi idolatry na rin. Sabi naman ni David Helm, kung kakain si Daniel ng mga pagkaing yun, maaaring mag-indicate yun ng “unity” niya sa kasamaan ng hari, so iiwasan niya dahil ayaw niyang ma-identify doon. Sabi naman ni Iain Duguid, ito ay maaaring may kinalaman sa expression of dependence na yung provisions niya ay hindi sa hari ng Babylon manggagaling kundi sa Panginoon.
Well, hindi naman ipinaliwanag kung paanong si Daniel ay marurumihan kapag kinain niya ito. Pero ang point dito ay makita natin na nandun yung faithfulness niya sa Panginoon at sa kanyang salita na hindi niya ikukumpromiso ang pananampalataya niya at pagsunod sa Diyos kahit pa ito ay ikagalit ng hari.
Maaring sabihin natin na maliit o trivial na bagay lang naman yun. Parang OA naman ‘tong si Daniel. ‘Yan ang problema sa atin, we think na ang kumpromiso ay pagdating lang sa mga malalaking bagay. Pero hindi ba’t sa maliliit ‘yan nagsisimula? Alam naman nating kasalanan ang mag-asawa ng unbeliever, so kapag BF-GF relationship pa lang iwasan na. Pagsabihan na natin agad ang mga kabataan. Alam naman nating yung corruption sa government ay nagsisimula rin sa maliit, so sanayin na natin ang sarili natin na maging tapat sa pagbabayad ng buwis o pagbibigay ng offerings sa church, at turuan ang mga bata sa ganyang bagay. Huwag mong intaying lumaki ang apoy bago mo bigyan ng pansin.
Akala natin sobrang ibang-iba si Daniel, na hindi natin magagawa yung ginawa niya. Yun ay dahil ang isip natin ay nakukundisyon ng mundong ito, kung ano ang tama, kung ano ang mali, kung ano ang acceptable, kung ano ang hindi. Pero kung simula pagkabata ay alam na niya ang itinuturo ng salita ng Diyos, hindi imposible. Kaya ang mga bata, ang mga kabataan, tuturuan natin ng Salita ng Diyos, ng tamang doktrina, ng mga utos ng Diyos, para alam nila kung paano harapin ang mga tukso kapag nasa college na sila, o may manliligaw sa kanila, o may makausap silang atheist, o LGBT. Kaya tayo nag-aaral ng creeds and catechism para mabuo ang tibay ng conviction sa bawat miyembro. Kaya mahalaga rin na sama-sama tayong nag-aaral ng Salita ng Diyos. Kaya hinihikayat natin ang bawat isa na huwag aabsent sa mga pagtitipon. Kasi naipapalala sa atin—sa preaching at sa sacraments—kung sino tayo, sino ang Diyos natin, nasaan ang source of security and satisfaction natin.
At maaaring natatakot tayo sa consequences ng mga convictions natin. Halimbawa, binigyan ka ng trabaho ng Linggo. E alam mo na mahalagang-mahalaga itong Lord’s Day gathering natin. Natatakot ka na magpaalam sa boss mo, natatakot ka na mawalan ng trabaho. Hindi kasi tayo aware na itong faithfulness at conviction na meron si Daniel ay hindi nanggagaling sa sarili niyang resolve o willpower kundi sa pagtitiwala na tapat ang Diyos and God will honor and give grace sa mga anak niya na inuuna ang karangalan ng Diyos nang higit sa lahat.
Kaya nagrequest siya na wag siyang bigyan ng pagkaing naka-assign sa kanila (v. 8). Hindi siya takot sa consequences ng conviction niya. Ang takot niya ay nakay Yahweh. Samantalang itong tauhan ng hari ay takot kapag sinunod niya ang request ni Daniel. “Natatakot ako sa hari,” sabi niya, “baka makita niyang lumala ang kalagayan n’yo, at baka ipapatay ako” (v. 10). Pero alam ni Daniel na ang Diyos ang may hawak ng future niya. Kaya sa request niyang ito, “God gave (second time na ‘yan, God gave, yung una sa v. 2) Daniel favor (hesed, faithful love) and compassion...” (v. 9). Faithful kung magmahal ang Diyos. If we are faithful, God will also prove himself faithful to you. Kaya pumayag naman yung tauhan ng hari sa request ni Daniel, kahit delikado para sa kanya, kasi gawa ng Diyos yun. Request ni Daniel na payagan siya at ang tatlo niyang mga kaibigan na i-test muna sila for 10 days. Gulay at tubig lang. At tingnan kung ano ang mangyayari sa kanila (vv. 11-13). Pinayagan sila, at tinest sa loob ng 10 araw (v. 14).
Ano kaya ang mangyayari?
Favor and Blessing (Dan. 1:15-21)
Favor and Blessing (Dan. 1:15-21)
Sa sobrang pag-aalala natin sa mga posibleng mangyari na response ng mga unbelievers sa Christian conviction natin, nakakalimutan natin ang kapangyarihan ng Diyos na maging ang pabor at pagkilala ng mga unbelievers sa atin ay posibleng mangyari. At ganun nga ang nangyari after 10 days. Nakitang sila ay “better”—mas gumwapo at naging mas makisig pa—at “fatter”— mas malusog pa sa halip na mas pumayat dahil wala silang kinakaing karne (v. 15). Kaya hindi na sila ni-require kumain ng iba pa (v. 16). Posible ba ‘yang mangyari sa isang vegetarian diet, and in ten days kitang-kita na ang resulta? No, unless yung nangyari ay hindi natural, but supernatural. Gawa ng Diyos, to give favor and to honor those who remain faithful to him.
Yung evident favor ni God ay hindi lang physically, but also intellectually. “As for these four youths, God gave (pangatlong beses na ng “God gave”) them learning and skill in all literature and wisdom, and Daniel had understanding in all visions and dreams” (v. 17). Consistent honor students, kakaibang talino ang meron sila dahil sa ‘yon ay bigay ng Diyos.
At bukod sa physical and intellectual blessings, meron ding social favor. Maging ang mga taong hindi kumikilala kay Yahweh ay narecognize ang pambihirang talino na meron sila. Pagkatapos nilang grumaduate, after three years sa BSU, iniharap sila sa hari (v. 18). Kinausap sila, at pagsusuri ng hari sa kanila, napatunayang wala ni isa man sa mga kabataan roon ang katulad nila—top of the line, cream of the crop, the best of the best (v. 19). Kumbaga sa honor roll, sila ay top four, at yung panlima ay napakalayo ng agwat sa kanila, “ten times better” sila kung ikukumpara hindi lang sa mga ka-batch nila, kundi maging sa mga alumni at mga veterans “in all his kingdom” (v. 20).
What’s the point? Paano ito nag-eencourage sa atin na namumuhay sa magulong mundong ito ng pulitika na manatiling matatag sa ating convictions as citizens of the kingdom of God? Not that we can expect na ganito rin ang sure na mangyayari when we stay firm sa convictions natin. Kahit nga itong sila Daniel, sa mga susunod na parts ng story, they will pay the price of their faithfulness. The worse is yet to come for them. But we can expect good things to happen—and that is not prosperity gospel— dahil mabuti ang Diyos, makapangyarihan ang Diyos.
The Faithfulness and Conviction of Christ
The Faithfulness and Conviction of Christ
Don’t think na itong nangyari kay Daniel ay isolated case. Parang si Joseph, right? Naitapon din siya sa ibang bansa, sa Egypt naman. Kahit tinukso siya ng asawa ng amo niya, he said no. He paid the price of that conviction. Nakulong siya, but eventually, dahil sa binigyan siya ng Diyos ng kakayahan na mag-interpret ng dreams, tulad din ni Daniel, napromote siya sa top position sa government ng king of Egypt. Pinararangalan ng Diyos ang nagbibigay-karangalan sa kanya at sa kanyang salita.
But, ultimately, the story of Daniel points us to the greatest of all kung faithfulness and conviction lang din ang pag-uusapan—the Lord Jesus Christ. Bagamat taga-Langit, pinadala siya ng Ama dito sa lupa, like an exile. Lumaki siya na nandun yung favor with God and with man (Luke 2:47, 52). Kahit anong tukso ang ibato sa kanya para magkasala siya, he stood his ground. Matibay ang loob to say no to the world, and say yes to God. Walang compromise. He remained undefiled by sin. Na-promote ba siya? Para ngang na-demote, walang honor na ibinigay sa kanya, ni-reject siya, itinuring na marumi, pinatay sa krus. Ibinigay siya ng Diyos sa kamay ni Pilato para patayin. But he remained faithful until the end. Para sa atin na marumi dahil sa mga kasalanan natin at sa mga idols natin—sexual idols, financial idols, political idols. Binuhay siyang muli ng Diyos, “God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name...” (Phil. 2:9). The faithfulness of Jesus is our salvation. Kaya kung hanggang ngayon ay wala ka pa kay Cristo, stop trying to be faithful on your own. Hindi mo kaya. Put your faith first in the Lord Jesus Christ, and you will receive the power of the Holy Spirit. In Christ—only in Christ—we can also, like Daniel, like Christ, remain faithful to the end.
Conclusion
Conclusion
Faithful to the end na katulad ni Daniel. Faithful as a citizen of the kingdom of God. Faithful as an exile sa Babylon. “And Daniel was there until the first year of King Cyrus” (Dan. 1:21). Naabutan pa niya ang ilang taon sa panahong si Cyrus na ang hari, at wala na ang Babylonian Empire. Mula sa kanyang teenage years, hanggang sa kanyang 80s, nanatili siyang tapat. Nag-iba na ang hari, at ang kaharian—proving that trusting in human kingdoms is like standing on sinking sand—nananatili pa rin ang Diyos na gumagabay sa kanyang mga anak. Tapat at makapangyarihan ang Diyos na kumikilos sa atin na mga nakay Cristo, at ito naman ang nag-uudyok sa atin na manatiling tapat sa Diyos at huwag magkumpromiso anuman ang sitwasyon o kalagayan natin.
So, brothers and sisters, be encouraged and be comforted that God is sovereign in history—whatever happens sa political landscape sa bansa natin, or anumang kaguluhan sa buong mundo—in accomplishing his redemptive plan for his people. So, be faithful to your calling, participate sa mga nangyayari sa society natin, but not compromise. Our highest allegiance is to the King of kings, not to any political figures. We are Filipino Christians. Our primary identity is being a Christian, at ang pagiging Filipino ay secondary. Secondary, pero hindi ibig sabihin na hindi na mahalaga.
So, paano ka ngayon kikilos sa paraang totoo or consistent sa identity mo as a Christian at sa number one allegiance mo sa Panginoon sa pang-araw-araw na buhay? Sa social media? Hindi pwedeng tulad ng mundo. Sa pagpili ng iboboto? Hindi pwedeng, a basta! At sa role mo ngayon bilang magulang sa iyong mga anak, o mga bata sa inyong mga magulang, o bilang members ng church, bilang empleyado? Saan ka man iniligay ng Diyos, be faithful to your calling. Huwag na huwag mong ikukumpromiso ang pananampalataya mo. Salita at parangal ng Diyos ang higit na mahalaga, at hindi salita at parangal ng sinumang tao.