Deeper and Wider (Isaiah 12)
Sermon • Submitted
0 ratings
· 54 viewsNotes
Transcript
Tell Kyrie story. Providence & Confidence in God.
CPF Anniversary. 2022 Theme. Ang tamang pagkakilala sa Panginoon ay magbubunga ng tamang pagsunod sa Panginoon"
Disciple: Sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus, ibinibigay ang buhay sa misyon ni Jesus.
Disciplemaking: Pagtulong sa ibang tao na mas makilala si Jesus, mas magtiwala kay Jesus, at mas sumunod kay Jesus.
Connection of knowing Jesus to following Jesus. Theology to Christian living. Ugat at bunga, pundasyon at gusali.
Bago natin masabi I will follow Jesus, I will proclaim Jesus to the world, dapat masabi muna natin, I need Jesus, I need a Savior. Kailangang lumalim ang pagkakilala natin sa Diyos, sa pangangailangan natin dahil sa ating mga kasalanan, at sa kasapatan ng ginawa ni Cristo para sa atin.
The Day of Salvation
The Day of Salvation
Yun din naman ang gustong sabihin ni Prophet Isaiah sa mga taga-Judah more than 700 years bago dumating ang Panginoong Jesus. Chapters 1-3 pa lang sinasabi na niya sa kanila, “Makasalanan kayo. Nagrebelde kayo sa Diyos, tinalikuran n’yo siya. Dapat lang kayong parusahan tulad ng ibang mga bansa. Kailangan n’yo ng Tagapagligtas.”
Hear, O heavens, and give ear, O earth; for the Lord has spoken: “Children have I reared and brought up, but they have rebelled against me. The ox knows its owner, and the donkey its master’s crib, but Israel does not know, my people do not understand.” Ah, sinful nation, a people laden with iniquity, offspring of evildoers, children who deal corruptly! They have forsaken the Lord, they have despised the Holy One of Israel, they are utterly estranged.
Kung hindi sa awa ng Diyos, magiging tulad sila ng Sodom at Gomorrah, dahil ang kasalanan nila ay tulad ng Sodom at Gomorrah (Isa. 1:9). Prideful, idolatrous, unjust,
Naranasan din yun ni Isaiah sa chapter 6 nang makita niya ang isang vision of a holy God. Sabi niya, “Makasalanan ako. Mapapahamak ako.” Pero naranasan niya ang pagpapatawad ng Diyos, ang pagliligtas ng Diyos. Ito ang gusto niyang maranasan din ng mga taga-Jerusalam, mga taga-Judah. Bago siya bigyan ng commission to preach (6:8), God gave him first a vision of his holiness. Kailangang makilala muna niya ang Diyos bago niya maipakilala ang Diyos sa iba.
Yung message niya merong words of judgment. More than 100 years pagkatapos ng prophecy ni Isaiah, sasalakayin sila ng mga Babylonians, maraming papatayin, susunugin ang templo at ang buong Jerusalem, ang mga natira ay dadalhin sa Babylon para maging alipin. Pero sabi ng Diyos, “Babalik kayo. Ililigtas ko kayo” (10:20-21). At kapag dumating ang araw na iyon, that day will truly be special. At tulad ng araw na ito, mapupuno rin ng awit ang kanilang mga puso. “You will say in that day…” (12:1). Or, “You will sing…” (NLT). Sa verse 4 ganun din, “You will say in that day…”
Ang araw na tinutukoy ay higit pa sa araw na sila’y ililigtas mula sa Babylon. Kasali yun. Kaya nga ikinumpara yung mangyayari na yun na parang exodus: Isa 11:16 “And there will be a highway from Assyria for the remnant that remains of his people, as there was for Israel when they came up from the land of Egypt.” Pero it is pointing to much greater salvation. Kung titingnan n’yo ang 11:1, ang araw na ito ay ang araw ng pagdating ng isang tagapagligtas mula sa lahi ni Jesse, ang ama ni David. Verse 2, “The Spirit of the Lord shall rest upon him.” Referring to Jesus! Tumutukoy din ito sa araw na babalik ang Panginoong Jesus; sa araw na iyon, “the earth shall be full of the knowledge of the Lord as the waters cover the sea” (v. 9). Bago ang araw na iyon, titipunin ng Diyos ang bawat lahi sa buong mundo at lalapit sila kay Jesus (v. 10). Pati ang mga Jews na nagkalat sa iba’t ibang bansa ay kikilalaning si Jesus ang Messiah (v. 11). So “that day” is the day of God’s salvation.
My Prayer for You
My Prayer for You
So I pray, kung naririto ka at ang araw na ito ay di pa dumarating sa iyo, today will be your day of salvation. At kung alam mo na nasayo na si Jesus na iyong Tagapagligtas, I pray that this day God will bring you “deeper into the gospel.” Yun ang burden ng Isaiah 12:1-3. And as God brings you deeper, the whole Body of Christ will work together to bring the gospel “wider in the world.” Yun naman ang vv. 4-6.
DEEPER INTO THE GOSPEL (Isaiah 12:1-3)
DEEPER INTO THE GOSPEL (Isaiah 12:1-3)
Bago ang gospel ay marinig na good news sa buong mundo, dapat ito ay talagang good news para sa iyo. This is personal. “You will say…” (v. 1), singular pronoun iyan. Sasabihin mo, aawitin mo. Oo para sa lahat ito sa atin, pero merong emphasis sa personal, individual response: “I will give thanks…comfort me…my salvation; I will trust…my strength…my song…my salvation…” (vv. 1-2). So I pray that this will be the heartbeat of your heart, hindi yung nakikisabay ka lang sa mga kanta, but this is real to you, the gospel is real to you.
Gospel Story (v. 1)
Gospel Story (v. 1)
Verse 1, “I will give thanks to you, O Lord…” Kapag meron tayong mabuting bagay na tinanggap mula sa isang tao o mabuting bagay na ginawa para sa atin, nagpapasalamat tayo. Kayabangan lang ang makahahadlang sa atin para magpasalamat, kung di natin maamin na kailangan natin ang tulong o kabutihang alok ng ibang tao. Giving thanks removes our pride. Dahil inaamin natin na hindi ito tungkol sa gawa natin, o sa kabutihan natin. Ito ay tungkol sa ginawa ng Diyos para sa atin. The gospel is the good news of what God has done for us.
Ang ipagpapasalamat natin ay hindi lang pagkaing natatanggap natin araw-araw, o magandang trabaho, o magandang pamilya, o maayos na kalusugan, o bagong cellphone. More than that, more than everything, we thank God for the gospel. We thank God for a new relationship with him. “…for though you were angry with me, your anger turned away, that you might comfort me.” Naranasan ng mga Judio ang galit ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan. Pinarusahan sila, pinalayas sila sa lupain nila, inalipin sila. Pero ibinalik sila ng Diyos palapit sa kanya. He is slow to anger and rich in love and mercy.
Siya ang tumalikod sa sarili niyang galit. Hindi tayo ang maygawa. Si Jesus na bagamat walang kasalanan, itinuring na makasalanan, inako ang galit ng Diyos sa krus, pinabayaan ng Diyos, itinakwil ng Diyos, para tayo’y makalapit sa Diyos, para mawala ang galit ng Diyos sa atin, “that you might comfort me,” para matanggap natin ang pagmamahal ng Diyos. Hindi na tayo kaaway ng Diyos, kaibigan na. “Reconciliation is not our willingness to have God but God’s willingness to have us” (J. A. Motyer). That’s the gospel story. And when you remember that everyday, and give thanks to God for the greatest blessing of the gospel, namely God himself, you grow deeper into the gospel.
Gospel Identity (v. 2)
Gospel Identity (v. 2)
This gospel also gives you a new identity. Siyempre, hindi ito totoo sa iyo kung hanggang ngayon wala ka pa kay Cristo. “The wrath of God remains on [you]” (John 3:36). Pero kung ikaw ay nakay Cristo, you can sing verse 2, “Behold…” Tingnan mo, pakinggan mo, you now have boldness to declare who God is to you. “…God is my salvation; I will trust, and I will not be afraid; for the LORD GOD is my strength and my song, and he has become my salvation.”
Ang awit na ito ay hawig sa Psalm 118:14, “The Lord is my strength and my song; he has become my salvation.” Ganun din sa Exodus 15:2, “The Lord is my strength and my song, and he has become my salvation,” na siyang inawit ng mga Israelita matapos ang “exodus,” ang paglabas nila mula sa pagkaalipin sa Egipto. Ito ulit ang aawitin nila sa susunod na “exodus” na mararanasan nila matapos silang maalipin sa Babylonia. Ito rin ang awit natin dahil sa “exodus” na naranasan nang tayo’y palayain ng Diyos mula sa pagkakaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ni Jesus na naging alipin na nag-alay ng kanyang buhay para tubusin tayo sa pagkaalipin sa kasalanan (Mark 10:45).
Dahil diyan masasabi na rin natin, “God is my salvation…he has become my salvation.” Sabi ni Matthew Henry tungkol dito sa “God is my salvation”: “not only my Saviour, by whom I am saved, but my salvation, in whom I am safe. I depend upon him as my salvation, for I have found him to be so” (Matthew Henry’s Commentary, 4:61). Hindi lang “my salvation,” “my strength” din. Kailangan natin ang Diyos at ang gawa ni Jesus hindi lang sa unang araw na tayo’y maligtas, kundi sa araw-araw ng buhay natin. Makakatayo lang tayo, makapagpapatuloy sa gitna ng mga pagsubok at suliranin sa buhay dahil kay Jesus na nagpapalakas sa atin (Phil. 4:13). We need Jesus and his gospel everyday for our strength. Not just “my strength,” but also “my song.” Na anuman ang nangyayari sa buhay mo ngayon – bad marriage, bad business, bad health – you have a reason to sing. Siya ang tinitibok ng puso mo, siya ang laman ng awit mo, siya ang nagbibigay kagalakan at pag-asa sa iyo.
May dahilan ka ba para matakot at mag-alala kung ang Diyos ay para sa iyo (Rom. 8:31)? “I will trust, and will not be afraid.” Hindi tulad ni King Ahaz ng Judah nang mabalitaang lulusubin siya ng hari ng Syria at ng Israel. Sabi niya kay Tiglath-pileser na hari ng Assyria, “I am your servant and son. Come up and rescue me…” Hindi natin sasabihin sa asawa natin, o sa pera natin, o trabaho natin, o sa ibang tao, “Come up and rescue me.” Ang sasabihin natin, God is my salvation, my strength, my song. Anuman ang kinatatakutan mo, sa pamilya o kinabukasan ng bansa natin, ang Diyos ang dapat na lapitan mo. “Faith in God is a sovereign remedy against disquieting tormenting fears…If we make God our strength, and put our confidence in him, he will be our strength; if we make him our song, and place our comfort iin him, he will be our song” (Matthew Henry).
We take ownership of that, of our new gospel identity. Because it is God who took ownership of us. Pansinin n’yo ang name na ginamit kay Lord dito, “the LORD GOD,” parehong all-caps. Pag isa lang ang all-caps LORD, tumutukoy sa personal covenant name ng Diyos na Yahweh na nagpapaalala sa mga Israelita sa pangako ng Diyos, “I am your God and you are my people.” I am yours, you are mine. Pero dito may emphasis pa, “Yah Yahweh.” Parang nickname at name. Showing exclusivity, superiority, intimacy. Na as we go deeper into the gospel, masasabi na natin, “Wala na akong ibang kaligtasan maliban sa iyo. Wala na akong ibang kalakasan maliban sa iyo. Wala nang ibang tinitibok ang puso ko maliban sa iyo.”
Gospel Promise (v. 3)
Gospel Promise (v. 3)
Wala na rin tayong ibang kasiyahan maliban sa Diyos. No other being in all the universe will be able to satisfy the deepest needs and the deepest longings of our hearts. Verse 3, “With joy you will draw water from the wells of salvation.” Sa NLT, “With joy you will drink deeply from the fountain of salvation.” Grabe ang pangako ng Diyos na nakakabit dito, grabe yung paanyaya sa atin to go deeper into the gospel.
Try to imagine (close your eyes if it will help you) yung image na ginagamit dito. Ang tubig ay paulit-ulit na tema o motif sa exodus story. Ang tubig sa Red Sea ay hinati ng Diyos at nakatawid ang mga Israelita (Ex. 14). Pagkatapos nito, yucks ang lasa nila sa mga tubig sa Marah (15:22-24). Pero pinatamis ito ng Panginoon para sa kanila (v. 25). At dinala sila ni Lord sa Elim, kung saan merong “twelve springs of water” (v. 27). At nang wala na naman silang mainom, bumalong mula sa isang bato ang tubig para sa milyung-milyong mga Israelita na nasa disyerto (Ex. 17). At ang tubig na iyon ay tumutukoy sa pagdating ng Panginoong Jesus na nagsabi sa isang Samaritana na sasalok sa balon ng tubig, “Meron kang kinakasama ngayon na hindi mo asawa. That water will not satisfy you. Pero ang tubig na ibibigay ko sa iyo, that’s me, will satisfy you for all eternity” (John 4).
Tulad din ng sinabi ng Diyos sa Israel sa Jeremiah 2:13 “for my people have committed two evils: they have forsaken me, the fountain of living waters, and hewed out cisterns for themselves, broken cisterns that can hold no water.” Ganyan din tayo. Pero ang paanyaya ng Diyos sa ating lahat, “Come. Take this water. And drink. And enjoy. And be satisfied.” Drink deeply to your heart’s satisfaction. The need of our heart is so great. Hindi kayang isatisfy ng asawa mo, ng porn, ng materyal na bagay, ng ibang babae o ng ibang lalaki. Only Jesus satisfies.
Deeper into the Gospel Together
Deeper into the Gospel Together
The gospel is so rich. Sapat-sapat ito sa lahat ng kailangan mo. But not just for you. Ang “you” sa verse 3 ay hindi na singular tulad ng sa verse 1. It is now plural, “Iinom kayo…” We don’t grow deeper into the gospel alone. We grow deeper together as one Body. Parepareho tayong uhaw. We have only one pursuit as a church, hindi competition sa bilang ng miyembro, o sa kasikatan ng pangalan ng church. Our goal, our one goal is to grow deeper into the gospel together.
WIDER IN THE WORLD (12:4-6)
WIDER IN THE WORLD (12:4-6)
And as we do, nakikita natin na ang kailangan natin (we need Jesus!) ay siya ring kailangan ng buong mundo (they need Jesus!). So we as one church work together to bring the gospel “wider in the world.” Verse 4, “And you will say in that day…” “You” – plural ulit yan. Sama-sama tayo na ang heartbeat natin ay ipakilala ang Diyos sa buong mundo. Verse 4, “…make known his deeds among the peoples, proclaim that his name is exalted…” Verse 5, “let this be made known in all the earth.” Ipapakilala natin sa kanila kung sino ang Diyos. Ikukuwento natin kung ano ang ginawa niya sa pamamagitan ni Jesus. Bakit?
The gospel demands it.
The gospel demands it.
Verse 4, “And…” Karugtong ng 1-3, hindi pwedeng paghiwalayin. Maraming Christians 12:1-3 Christians lang, hindi 12:4-6. Hindi pwede yun, hindi pwedeng paghiwalayin ang personal benefits ng gospel sa atin, sa demand of the gospel na dalhin ito sa lahat ng lahi. This is God’s plan sa simula’t simula pa. Pinagpala si Abraham para maging pagpapala sa lahat ng lahi (Gen. 12:1-3). Iniligtas ang Israel para makilala ang Diyos ng lahat ng lahi. Itinayo ang templo sa panahon ni Solomon not just house of prayer for Israel, but for all nations. Dumating si Jesus, not just as Messiah for the Jews, but also for the Gentiles. Binigyan niya ng misyon ang church not just to make disciples locally, but also globally, “make disciples of all nations” (Matt. 28:19).
Sabi ni J.D. Greear: “As the gospel grows deeper in believers, it will grow wider in the world.” Hindi pwedeng either/or, dapat both/and. Hangga’t lumalalim tayo sa relasyon sa Diyos, we “give thanks to the Lord, call upon his name” (v. 4), iniisip din natin ang mga taong hindi pa nagpupuri sa Diyos, hindi pa tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi dito sinabi na ikaw ang magpapasalamat sa Diyos (tulad ng v. 1). Ang sinabi dito, ikaw ang magsasabi sa iba, “Give thanks to the Lord.” At hindi lang sa iilang tao. Same verse, di nakahiwalay, “make known his deeds among the peoples, proclaim that his name is exalted.” Habang umaawit tayo sa Panginoon at inaalala ang mga kamangha-mangha niyang gawa, “Sing praises to the Lord, for he has done gloriously” (v. 5), inaalala din natin ang mga taong ni hindi alam kung ano ang ginawa ng Diyos para sa kanila at ni walang makitang dahilan para umawit at magpuri. We preach the gospel (he has done gloriously) and invite people to worship God (sing praises). Same verse, hindi nakahiwalay, “…let this be made known in all the earth.” Ang pinagsama ng Diyos, wag paghiwalayin ng tao! We grow deeper into the gospel AND we go wider in the world.
All nations desperately need it.
All nations desperately need it.
You need Jesus. They also need Jesus. But they don’t know it. The gospel gives new eyes to see the world and everything happening around us. Tulad ng pulitika ngayon. Paramihan ng makukuhang boto ang laban, ng crowds sa rallies. Promotion ng mga kandidato natin: “Siya ang kailangan ng bansa natin.” But do we realize na they also need salvation? Na siya rin ang kailangan niya ay si Jesus. At si Jesus rin ang kailangan ng bansa natin. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang daming tao sa mga rallies, lalo na kung sinusuportahan mo ang kandidato nila. Pero sumasagi ba sa isip natin na daan-daang libong tao yan na kailangan nila si Jesus. Na hindi mga pangako ng kandidato ang unang kailangan nilang marinig kundi ang pangako ng Diyos na nakay Cristo. Our goal is not to convert people to vote for our candidate, but to convert them to turn away from their sins to put their faith in Jesus.
Ang prayer natin ma-addict sila sa gospel. Hindi lang sila. Ang misyon natin ay hindi lang ishare ang gospel sa mga kapitbahay natin, o magplant ng mga churches sa lugar na bawat kanto ay may mga churches na. Verse 4, “…among the peoples.” Verse 5, “…in all the earth.” Ayon sa JoshuaProject.net merong 1.9 billion Muslims (24%), 1.18 billion Hindus (15%), 1 billion non-religious (13%), 503 million Buddhists (6.4%), 730 million ethnic religion (9%), hundreds of millions of nominal Christians na spiritually dead, and makakaranas ng galit ng parusa ng Diyos kung walang magdadala ng mabuting balita sa kanila. Sa bilang na 17,413 people groups, 7,387 ang unreached (42.4%), that’s 3.29 billion out of 7.83 billion (42%) going to hell without any opportunity to hear the gospel of Jesus. Matindi ang pangangailangan. The gospel is enough for all nations.
Our God deserves it.
Our God deserves it.
Pero ang primera sa motivation natin ay hindi ang laki ng pangangailangan ng mundo, kundi ang laki ng Diyos na sapat para sa buong mundo. Sabi ni John Piper, “When the flame of worship burns with the flame of God’s true worth, the light of missions will shine to the darkest peoples on earth…Where passion for God is weak, zeal for missions will be weak.” Why go wider in the world? God!
God is great! “His name is exalted” (v. 4). Nagpakilala siya. At ang pangalan niya ay higit sa lahat ng pangalan. Wala nang ibang Diyos maliban sa kanya. Hindi si Allah. Hindi si Buddha. Hindi ang milyung-milyong mga dios ng mga Hindus. Not sex, money or popularity. God is glorious! “He has done gloriously” (v. 5). Lahat ng kanyang ginawa ay mabuti. Ang kanyang kadakilaan at kabutihan ay nararapat ibalita sa buong mundo. God is gracious! “Great in your midst is the Holy One of Israel” (v. 6). Holy One, kinatatakutan yan ng mga makasalanan, ng Israel, ni Isaiah (Isa. 6). Tepok lahat ng lalapit sa kanya. But God is gracious. Pinili niyang manirahan sa ating mga makasalanan. At wala na tayong takot na lumapit sa kanya dahil kay Jesus na umako ng parusa, ng galit, ng kamatayang nararapat para sa atin. God is great! God is glorious! God is gracious! You still need more reasons for missions?
Isaiah 12:6 (Calvin Is): We have no other happiness than to have God dwelling in the midst of us. But for this, our life would be wretched and unhappy, though we should have abundance of other blessings and of every kind of riches.
Heartbeat for the Nations
Heartbeat for the Nations
At pansinin n’yo na ang verses 4-6 ay hindi nagbibigay ng utos for us to go to the nations. This is our song to each other. Sinasabi natin sa isa’t isa, “Let us go the nations. Let us pray for the nations. Let us give to the nations. Let us send people to the nations. Because God deserves it.” We have a big God. Maliit man o malaki ang iyong iglesia, it doesn’t matter. Minsan merong isang conference, may isang speaker na galing sa isang mega-church, tens of thousands ang members, billion ang worth ng church building nila. Tinanong ng isang participant, “Ano ang involvement ng church n’yo sa global missions?” Sagot niya, “Our focus is to reach professionals in the marketplace.” Nakakalungkot. Marami pa rin ang unreached not because they are unreachable. But because the Church is disobedient. Paano tayo magiging obedient? If we will grow deeper into the gospel. There is no other way.
The End
The End
And one day, God promised na matatapos ang misyong ito. Kung tayong lahat na bahagi ng big church o ng small church, magtutulungan, para ipakilala ang Diyos na ating sinasamba sa lahat ng lahi. Tutuparin ng Diyos iyan. His mission will not fail. “And this gospel of the kingdom will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come” (Matt. 24:14). Babalik si Jesus. Bawat lahi, bawat wika, bawat bansa, titipunin sa harap ng Panginoong Jesus. Makikita natin siya nang mukhaan. And our hearts will be filled with joy inexpressible and full of glory. Sasabihin niya sa atin. “It is finished! I am the Alpha and the Omega—the Beginning and the End. To all who are thirsty I will give freely from the springs of the water of life” (Rev. 21:6 NLT). And with joy we will drink deeply from the fountains of salvation…with all the nations…for all eternity. Oh how we long for that day!!!
Conclusion
Conclusion
Makikita natin siya nang mukhaan. Makikilala natin siya nang lubos sa araw na yun. Magiging lubos din ang pagtitiwala at pagsunod natin sa kanya. But we don’t have to wait sa araw na yun bago maranasan yun. Ngayon pa lang, tingnan na natin siya, kilalanin na natin siya, tulungan natin ang bawat isa na makilala siya at sumunod sa kanya.
Worship gathering
Discipleship
Counseling
Church discipline
Missions
Everything all about Jesus. Church all about Jesus - ang makilala siya nang lubusan at sumunod sa kanya nang lubusan.