Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.08UNLIKELY
Disgust
0.1UNLIKELY
Fear
0.1UNLIKELY
Joy
0.54LIKELY
Sadness
0.54LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.06UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.4UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.17UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
Politics is about power.
Masama ba yun?
Not necessarily.
Kung gagamitin naman natin yung “power” or position of authority na meron tayo for the good of others—pulitiko ka man, o tatay/nanay, o manager, o Sunday School teacher, o pastor—that’s good.
Pero dahil sa makasalanang kalagayan ng puso natin, we tend to use power to serve our own agenda—para mas maitanyag ang pangalan natin, o para sa iba, para magpayaman, para kontrolin ang maraming tao at maging sunud-sunuran sa gusto niya.
Simula pa sa Garden of Eden, problema na ang pride ng tao, na gustong alisin sa trono ang Diyos at iluklok ang sarili in his place.
Ah, hindi pala diyan ang simula.
Mula pa sa pagrerebelde ni Lucifer (Satanas), na nais higitan ang Diyos.
Nung isang araw, sabi nga ni Pangulong Duterte, marami raw siyang isasama sa impiyerno, at papalitan daw niya si Satanas.
What kind of nonsense and arrogance from the mouth of the highest official sa bansa natin!
Yung pride naman talaga nasa puso nating lahat.
Kahit sa ating mga ordinaryong mamamayan.
Parang yung puso ng King of Tyre: “Your heart is proud…you make your heart like the heart of a god” (Ezek.
28:2, 6, 17).
At kapag merong mga ganyang hari, o presidente man, prone pa rin tayo na tingnan, tingalain, at pagtiwalaan sila na para bang sa kanila nakasalalay ang security natin.
O kaya, sa kabilang banda naman, maaaring kinatatakutan ng ilan, tulad ng mga Judio sa Babylon, na para bang talunan na ang kanilang Diyos at Hari na si Yahweh.
Baka nag-hashtag na sila #SwitchToNebu.
Ang dali sa atin na ibaling ang paningin natin palayo sa Diyos as our only source of security in this world.
Dahil alam ng Diyos na hindi ‘yan makakabuti sa kanyang mga anak, gagawin niya ang lahat ng magagawa niya—and he is Almighty God!—para magkaroon tayo ng tamang pagkakilala sa sarili natin at sa mga taong tinitingala natin, at tamang pagkakilala naman sa Diyos, to turn our eyes away from human kings to God our Savior-King.
Sa pagsubaybay natin sa mga naunang chapters ng Daniel, nakita natin na si King Nebuchadnezzar ay very prominent dito, na gagamitin ng Diyos to demonstrate kung ano ang magagawa niya at ano ang gagawin niya para sa kanyang mga anak.
Sa chapter 1, siya yung victorious king na sumakop sa Jerusalem, para bang si Yahweh ang talunan dahil winasak ang kanyang templo.
Pero hindi sunud-sunuran si Daniel at ang tatlo niyang friends sa lahat ng gusto niya.
Sa chapter 2, nagkaroon siya ng panaginip, merong malaking rebulto, siya yung ulong ginto, pero may mga papalit sa kanya, para makita niya na merong Diyos na nagtatanggal sa mga hari at nagluluklok sa kanila: “he removes kings and sets up kings” (2:21).
Tanging ang kaharian lang ng Diyos ang hindi mawawasak at hindi magwawakas (2:44).
Nagkaroon siya ng “bahagyang” pagkakilala sa Diyos.
Sabi niya kay Daniel, “Truly, your God is God of gods and Lord of kings” (2:47).
Pero ang taas-taas pa rin ng tingin niya sa sarili niya.
Gumawa siya ng rebultong ginto, ayaw niyang ulo lang ang ginto.
Gusto niya siya lang ang hari forever.
Inutusan niya ang mga taong sumamba sa rebulto.
Sabi nina Shadrach, Meshach, at Abednego, “No way.”
Ipinatapon sila sa pugon para sunugin.
Iniligtas sila ng Diyos.
Nakita yun ng hari.
Sabi niya tungkol sa Diyos nila, “…there is no other god who is able to rescue in this way” (3:29).
Theme: God’s Kingdom Lasts Forever (Dan.
4:1-3)
Heto na yung huling kuwento tungkol kay Nebuchadnezzar.
Sa susunod na chapter, iba na ang king.
At nagsimula itong chapter 4 sa ending ng story.
Ibang-iba yung mood niya dito kung ikukumpara sa chapter 3, marahil ay 20 years na ang nakalipas, na kung mag-utos siya sa kaharian niya talagang haring-hari.
Dito sa vv.
1-3, ganito ang bungad ng pahayag niya sa kaharian niya: “Si Nebukadnezar na hari, sa lahat ng bayan, mga bansa, at wika na naninirahan sa buong lupa: Nawa'y sumagana sa inyo ang kapayapaan!
Inaakala kong mabuting ipahayag ang mga tanda at mga kababalaghang ginawa para sa akin ng Kataas-taasang Diyos” (vv.
1-2).
Sa chapter 3 nag-utos siya na sambahin ang rebultong ginawa niya.
Dito naman personal testimony kung paanong nagbago ang pagkakilala niya sa Diyos.
“Kataas-taasang Diyos” ang tawag niya.
At hindi ito tumutukoy sa experience nina Shadrach, Meshach at Abednego ng iligtas sila ng Diyos sa apoy.
Ito ay personal experience ng hari, “ginawa para sa akin,” what “God has done for me.”
Napakalaking pagbabago!
Try to imagine kung ang presidente natin na nagsasalita ng masasama laban sa Diyos, isang araw ay maglalabas ng presidential proclamation na ang laman ay puro papuri tungkol sa Diyos!
Sounds impossible?
Look what happened to Nebuchadnezzar!
Hindi lang ito personal testimony, ito rin ay isang song na heto yung chorus: “How great are his signs, how mighty his wonders!
His kingdom is an everlasting kingdom, and his dominion endures from generation to generation” (Dan.
4:3).
Ang laman ng song na ito ay nagpapakita ng pagbabago sa pagkilala niya sa sarili niya at sa Diyos.
Ang lahat ng kaharian sa mundo, including Nebuchadnezzar’s kingdom, gaano man ito kalawak at ka-makapangyarihan ay limitado pa rin.
Limitado ang sakop, limitado ang panahon, limitado ang kontrol sa takbo ng kasaysayan.
Pero ang Diyos?
He is “the Most High God.” Lahat ng ginagawa niya ay dakila at kamangha-mangha—hindi lang nakikita at kinikilala ng iba.
Ang kanyang kaharian—walang katapusan.
Ang kanyang kapangyarihan—walang hangganan.
Ang panunungkulan ng isang presidente—kahit pa yung mga naging diktador sa kasaysayan—ay panandalian lang, may katapusan, may hangganan, may limitasyon.
Itong “chorus” na ‘to na inawit ni Nebuchadnezzar ay siyang paulit-ulit na refrain dito sa chapter na ‘to—and actually, sa buong book of Daniel:
Sabi ng watcher sa panaginip ng hari: “to the end that the living may know that the Most High rules the kingdom of men and gives it to whom he will and sets over it the lowliest of men” (v.
17).
Sabi ni Daniel sa hari tungkol sa interpretation ng panaginip niya: “...till you know that the Most High rules the kingdom of men and gives it to whom he will...from the time that you know that Heaven rules” (vv.
25-26).
Sabi ng angel sa kanya, nung natupad na yung panaginip niya: “...until you know that the Most High rules the kingdom of men and gives it to whom he will” (v.
32).
Yan ang purpose ng Diyos for Nebuchadnezzar, for God’s people na nasa Babylon, and for God’s people sa panahon natin ngayon, yung awitin din natin nang paulit-ulit itong chorus na inawit ng hari hindi lang sa v. 3, kundi pati sa dulo, v. 34, “...his dominion is an everlasting dominion, and his kingdom endures from generation to generation.”
Paulit-ulit hindi lang sa chapter na ‘to, kundi maging sa buong book of Daniel, and actually sa buong Bibliya, kasi palagi tayong nakakalimot.
Ang dali sa atin ang tumingin sa mga pulitiko o sa ibang taong mayaman o may kapangyarihan o sa mga tinitingala natin sa church at lalo na sa sarili nating mga accomplishments at achievements.
We are naturally and sinfully prideful, at meron tayong misplaced trust sa tao sa halip na sa Diyos.
Ano ang ginagawa ng Diyos para maibaling ang paningin natin patungo sa kanya?
At magtataka tayo kung ano nga ba ang ginawa ng Diyos kay Nebuchadnezzar na ubod sa pagiging arogante para siya’y magpakumbaba at kilalanin ang paghahari ng Diyos?
Totoo nga kayang “the king’s heart is a stream of water in the hand of the Lord; he turns it wherever he will” (Prov.
21:1)?
Paanong ang pusong mapagmataas ay magiging mapagpakumbaba?
The King’s Second Dream (Dan.
4:4-18)
Sa kaso ni Nebuchadnezzar, gumamit siya ng isang panaginip.
Ikalawang panaginip na ‘to.
Yung una ay sa Daniel 2 kung saan ginamit ni Lord yun para mai-promote si Daniel dahil sa kakayahan niyang magpaliwanag ng panaginip ng hari.
Yung unang panaginip ay tungkol sa isang malaking rebulto na ang ulo ay gold, tapos ang dibdib ay silver, tapos ang hita ay bronze, at ang paa ay clay, na tumutukoy paglipas ng panahon na mababago ang mga naghahari sa mundo, na eventually ay paghaharian siyempre ng kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.
Kung yung dream na yun ay “sweeping” in terms of historical significance, ito namang second dream ay mas personal kay Nebuchadnezzar.
Heto ang personal testimony niya sa nangyari:
4 “Akong si Nebucadnezar ay panatag at masaganang namumuhay sa aking palasyo.
5 Minsan, nagkaroon ako ng isang nakakatakot na panaginip at mga nakakasindak na pangitain habang natutulog.
(MBB)
Simula pa lang, binubuwag na ng Diyos yung kanyang false sense of security.
Saka nandun yung pagkabagabag kapag meron kang mga bagay na hindi alam.
It humbles the proud in heart.
Patuloy pa niya:
6 Kaya, ipinatawag ko ang mga tagapayo ng Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang panaginip na iyon.
7 Dumating naman ang mga salamangkero, mga enkantador, mga astrologo at mga manghuhula.
Sinabi ko sa kanila ang aking panaginip ngunit hindi nila ito maipaliwanag.
Hindi tulad ng unang panaginip niya, na hindi niya sinabi kung ano yun, dito sinabi na niya.
Maybe dahil sobrang troubled na siya.
Lalo pa’t hindi ito maipaliwanag ng mga tauhan niya.
Merong sense of urgency.
Pero alam naman niyang si Daniel ang pinakamahusay in terms of interpreting his dream.
Subok na niya yan nung una.
8 Ang kahuli-hulihang nagpunta sa akin ay si Daniel na pinangalanan kong Beltesazar, ayon sa pangalan ng aking diyos sapagkat sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos.
At inilahad ko sa kanya ang aking panaginip.
Ang sabi ko: 9 Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at alam mo ang lahat ng hiwaga.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9