The importance of God's Word (The Parable of the Seed)
The Parables of Jesus (for Bible study) • Sermon • Submitted
0 ratings
· 49 viewsThe Parable of the Seed
Notes
Transcript
Mark 4:1-9 (c.f. Matthew 13:1-9 Luke 8:4-8)
Mark 4:1-9 (c.f. Matthew 13:1-9 Luke 8:4-8)
4 Muling nagturo si Jesus sa tabi ng lawa. Napakaraming tao ang nagtipon sa palibot niya, kaya't sumakay siya sa isang bangkang nasa lawa at naupo roon. Ang mga tao nama'y nasa dalampasigan.2 Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya sa kanila, 3 “Makinig kayo! May isang manghahasik ang lumabas upang maghasik ng binhi. 4 Sa kanyang paghahasik ang ilang binhi ay nahulog sa tabing daan. Dumating ang mga ibon at kinain ito. 5 May mga binhi namang nahulog sa batuhang may manipis na lupa. Agad sumibol ang mga binhi sapagkat ang lupa ay hindi malalim. 6 Nang sumikat ang araw, nalanta at natuyo ang mga pananim, dahil walang gaanong ugat.7 May mga binhi namang nalaglag sa tinikan. Lumago ang mga tinik at sinakal ang binhing tumubo kaya't hindi namunga. 8 Ang ibang binhi ay nalaglag sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito, lumago at namunga nang marami—may tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tig-isandaan.” 9 Sinabi ni Jesus, “Ang may pandinig ay makinig.” (Mark 4:1-9, Filipino Standard Version/FSV)
Discussion Questions:
1. Saan hinahalintulad ng Panginoong Hesus ang apat na klase ng lupa?
2. Saan hinahalintulad ng Panginoong Hesus ang binhi o seed?
3. Saan hinahalintulad ng Panginoong Hesus yung manghahasik?
4. Ano ang meron yung pang-apat na siya lang ang natatanging tumubo, lumaki at namunga?
5. Ano ang halaga ng Salita ng Diyos?