Part 5 - The End of Human Kingdom

Politics and the Kingdom of God  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 24 views
Notes
Transcript

Introduction

Bukod sa “kamay” natin na bahagi ng katawan natin, karaniwan din nating ginagamit ang “kamay” bilang metaphor o para tukuyin ang kapangyarihan o authority. At siyempre, meron itong political implications. Kahit nanginginig pa ang kamay mo sa pag-shade sa number ng kandidatong iboboto mo, lalo na kung first time voter ka, pero nararamdaman mo na merong kang “power” na mailagay sa pwesto yung mga taong gusto mo. Although sometimes, we feel na parang yung isang boto natin ay powerless, or insignificant lalo na kung natalo ang kandidato natin. At kung power lang ang pag-uusapan, talagang ang laking “power” ang ibinigay ng mga botante sa nanalong presidente. Nasa kanyang mga kamay ngayon ang malaking kapangyarihan, but not all-powerful kasi meron pang ibang sangay ang ating pamahalaan. At nasa demokrasya tayo, na tintawag nating rule of the people. Pero sobrang laki ng power na meron siya.
Kung isa ka sa 31 million daw na bumoto sa kanya, maaaring ganito ang response mo, “Nasa kanyang kamay ang kinabukasan ng ating bansa. Nasa mabuting kamay ang ating bansa. Kaya, umaasa ako sa kanya.” Or, “Nasa kanyang kamay ang kinabukasan ng ating bansa. Magiging mapang-abuso ang kanyang kamay sa pamamahala. Nakakatakot ang haharapin natin sa kanya.” Which is which? Honestly, I don’t know.
Pero whatever happens, alam nating wala sa kanyang mga kamay ultimately ang buhay natin. Maging siya ay nasa kamay ng Diyos. “He removes kings and sets up kings” (Dan. 2:21). Kamay ng Diyos ang naglalagay, kamay ng Diyos ang nagtatanggal. On one level, mga botante ang naglagay kay Duterte, at ngayon ay kay Marcos. Pero sa isang banda, kamay ng Diyos, God’s sovereign hand, ang kumikilos. Maaaring hindi natin masagot yung big question na Why, pero it is great comfort for us to know na hawak-hawak niya ang lahat ng bagay sa kasaysayan.
Was this truth comforting for the Jews in Babylon during the time of Daniel? Definitely. Kasi nandun yung fear nila sa kamay ni Nebuchadnezzar na sumakop sa kanila. Pero tulad ng nakita natin sa chapter 4, kayang-kaya siyang ibagsak ng Diyos, at ang Diyos din ang nagtaas ulit sa kanya. May factor din yung response ng hari sa gawa ng Diyos. Kung mananatili ba siyang mayabang o magpapakumbaba. Kasi, “God opposes the proud, gives grace to the humble" (1 Pet. 5:5-6; Jas 4:6, 10; Prov. 3:34). O tulad ng sabi ni Jesus sa Matthew 23:12 “Whoever exalts himself will be humbled, and whoever humbles himself will be exalted.”
May nagtanong sa ‘kin last week kung si Nebuchadnezzar daw ba ay saved o isa sa mga elect sa Old Testament. Honestly, I don’t know. Hindi naman yun ang point ng story. Ang primary focus ay hindi kung paano natin siya gagayahin sa response niya, kundi paano natin titingnan ang makapangyarihang kamay ng Diyos na kumikilos sa kaharian ng tao. Narecognized niya yun. Sa chapter 1, ang Diyos ang nagbibigay ng karunungan (1:17). Nakita niya ‘yan kina Daniel at sa mga kaibigan niya (v. 20). Sa chapter 2, sabi ng hari kay Daniel, “Truly, your God is God of gods and Lord of kings, and a revealer of mysteries” (2:47). Sa chapter 3, sinabi niya kina Shadrach, Meshach at Abednego na walang ibang diyos maliban sa kanilang Diyos ang makapagliligtas sa paraang ginawa niya (3:29). Sa chapter 4, umawit ng papuri ang hari sa Diyos: “His dominion is an everlasting dominion, and his kingdom endures from generation to generation” (4:34). Oo, itinaas siya ng Diyos, pero may katapusan rin. Namatay na siya. Iba na ang hari sa chapter 5, na magpapakita na naman na totoo ang lesson na natutunan ng hari sa dulo ng chapter 4, “Those who walk in pride he is able to humble” (4:37).
Wala masyadong pinagkaiba yung lesson ng chapters 4 and 5. Parehong mayabang yung dalawang hari. Pero magkaiba yung pamamaraan ng Diyos para turuan sila. At magkaiba rin ang responses nila. At magkaiba rin ang ending. Actually, we need this over and over again, hanggang hindi pa natin lubos na kinikilala ang kamay na Diyos na siyang may hawak ng lahat.

The king’s party (5:1-4)

Isang verse lang ang pagitan, bungad nitong chapter 5 ay si King Belshazzar na ang hari ng Babylon (v. 1). Hindi na si Nebuchadnezzar. Pero mahabang panahon ang lumipas pagkatapos ng events ng chapter 4. More than 20 years. So si Daniel ay nasa 80s na during this time. Si Belshazzar daw ay father ni Nebuchadnezzar (vv. 2, 11, 13, 18). Pero ang problema, wala namang anak si Nebuchadnezzar na ganito ang pangalan. Ang pumalit nga sa kanya ay isang usurper sa throne, si Nabonidus. At itong si Belshazzar ay anak ni Nabonidus. Sa events ng chapter 5, most likely raw ay maysakit si Nabonidus, at naka-sick leave sa pagiging hari, kaya king-in-charge ang anak niya (see Wallace, The Message of Daniel, pp. 86-87). So yung “father” niya si Nebuchadnezzar ay nangangahulugang hindi biological father, kundi predecessor o hari na nauna sa kanya. Hindi chronological accuracy ang concern ng passage natin. Pero isa itong literary device na inilagay side-by-side si Nebuchadnezzar (chap. 4) kay Belshazzar (chap. 5) for the sake of comparison or contrast. Meron silang pagkakatulad, meron ding malaking pagkakaiba sa nangyari sa kanila.
Sabi ni Wallace, “The intention is to illustrate in the most vivid way possible that the Word which gives life to one can also bring death to another, and that the form of the Word of God in each case is different” (p. 87). So, as we listen to the Word of God today through this story, dalangin ko na magbigay ito ng buhay sa bawat isa sa atin, at hindi tayo matulad sa kinahantungan ni Belshazzar sa ending ng story. Pero bago natin tingnan ang ending, simulan muna natin sa umpisa.
Ito kasing si Belshazzar, walang kamalay-malay na last day na niya pala (hindi pa nga siya official na hari na papalit sa tatay niya) at last day na pala ng kingdom of Babylon, aba’y nagpa-party pa. Nag-organize ng isang malakihang piyesta (“great feast,” 5:1 ESV). Imbitado ang isang libong mga opisyales ng Babylon. VIPs ang nasa guest list, mga elite, hindi yung mga nasa laylayan ng lipunan. Tapos nag-iinuman sila. Nang matikman niya yung alak, inutusan niya ang mga tauhan niya na kunin ang mga tasa o inuminan na gawa sa silver and gold na nasamsam noong panahon ni Nebuchadnezzar galing sa templo sa Jerusalem (5:2, going back to Dan 1:2). Magtatagayan sila, cheers, gamit ang mga inuminang yun. Ganun nga ang ginawa nila. Nag-inuman sila gamit yun. Kasama ang mga asawa niya, mga concubines, at mga VIPs ng Babylon.
Hindi lang ito basta party-party. This is blasphemy. Ang mga kagamitang iyon ay “holy,” dahil yun ay gamit sa templo, the holy temple, na tinawag dito na “house of God in Jerusalem.” Hindi dahil inherently holy yung mga cups na yun, kundi dahil “set apart” for God’s purposes para sa pagsamba ng mga Judio. So yung party-party nila, naging acts of blasphemy, at idolatry rin. Dahil habang nag-iinuman sila, habang nilalapastangan nila ang Diyos ng Israel, ang pinupuri naman nila ay ang “mga diyos na ginto, pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato” (v. 4 Ang Biblia). Hindi lang ito kasalanan ng isang naghahari-harian, kundi ng isang libong mga taong ipinagpalit ang katotohanan tungkol sa Diyos sa kasinungalingan at sumamba at naglingkod sa mga bagay na nilikha ng Diyos kaysa sa Diyos na lumikha sa kanila (Rom. 1:25).
Sa pride ni Belshazzar, ito ay show of force na para pang meron siyang superiority sa Diyos. Habang hawak-hawak niya sa kamay niya ang mga kasangkapan ng templo ng Diyos, akala niya’y hawak-hawak niya sa kanyang mga kamay ang Diyos ng Israel. Para sa mga Judio na nasa Babylon, o maging kapag bumalik na sila sa Jerusalem pero makitang sira-sira ang templo, nakalulungkot, nakapanlulumo. Bakit? Wala nang templo. Wala nang pagsamba. Nasaan na ang Diyos? Talunan ba siya? O baka binitiwan na niya tayo at ipinaubaya sa kamay ng hari ng Babylon?
Tayo na nao-overwhelm ng mga pangyayari sa pulitika sa bansa natin (o anumang gawa ng ibang tao o ng kaaway sa buhay natin), baka pinagdududahan na natin ang kamay ng Diyos na may hawak-hawak sa buhay natin at sa bansa natin. Tandaan nating magsabwatan man ang lahat ng mga hari’t may kapangyarihan sa buong mundo laban sa Diyos (Psa. 2:1-2), walang makapananaig sa mga kamay ng Diyos na may hawak sa atin.

The writing on the wall (5:5-9)

Isang daliri nga lang ng Diyos ay kaya na niyang ibagsak ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo. Habang nag-iinuman sila, ang hari siguro’y nalalasing na, biglang merong lumitaw na mga daliri ng kamay ng isang tao na sumulat ng ilang mga salita sa pader ng palasyo. Kitang-kita yun ng hari (v. 5). Alam niyang hindi ilusyon lang o dahil lasing lang siya. Namutla siya, nangatog ang mga tuhod niya, at nalugmok dahil sa sobrang takot (v. 6). Pasigaw niyang ipinatawag ang mga wise men, mga magicians, at mga astrologers sa kingdom niya (v. 7). Sabi niya, “Ang sinumang makabasa ng nakasulat na iyan at makapagpaliwanag ng kahulugan ay bibihisan ko ng maharlikang damit at pasusuotan ko ng gintong kwintas. At siyaʼy magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian” (v. 7 ASD). Ganun din si Nebuchadnezzar sa panaginip niya, natakot siya at ipinatawag ang mga wise men. Dito naman “writing on the wall,” at hindi panaginip. Hindi lang siya ang nakakita. Marami ring iba. Tulad din kay Nebuchadnezzar, wala ni isa man sa mga wise men ng hari ang makabasa at makapagpaliwanag kung ano ang nakasulat sa pader (v. 8). Kaya lalo pang natakot at namutla ang hari, samantalang yung mga bisita niya ay nawalan na ng ganang magparty at nalito na rin kung ano ang nangyayari (v. 9).
Ah, hawak-hawak ng Diyos sa kanyang mga kamay maging ang mga taong ginagamit ang kapangyarihang bigay sa kanila ng Diyos para lapastanganin ang kanyang pangalan. At sa kapangyarihan ng kanyang mga kamay, may gagamitin din siya para iparating sa atin ang mensaheng gusto niyang iparating.

Daniel’s interpretation (5:10-28)

Queen suggested Daniel (5:10-12). Kay Belshazzar ay si Daniel pa rin katulad ng kay Nebuchadnezzar. Pero malamang hindi siya kilala ng hari. O baka dahil retired na siya from public service dahil matanda na siya. Pero kilala siya ng queen, or queen mother, yung asawa ni Nabonidus, mother naman ni Belshazzar. Heto ang sabi niya nang mabalitaan niya yung kaguluhang nangyayari dun sa banquet hall,
Mabuhay ang Mahal na Hari! Huwag kang matakot o mag-alala, 11 dahil may isang tao sa iyong kaharian na nasa kanya ang espiritu ng banal na mga dios. Noong panahon ng iyong amang (or predecessor) si Haring Nebucadnezar, ang taong ito ay nagpamalas ng kanyang karunungan tulad sa karunungan ng mga dios. Ginawa siya ng iyong ama na pinuno ng mga salamangkero, engkantador, manghuhula, at mga astrologo. 12 Siya ay si Daniel na pinangalanan ng hari na Belteshazar (katunog pa ng pangalan ni Belshazzar!). May pambihira siyang kakayahan at karunungan. Marunong siyang magbigay-kahulugan sa mga panaginip, magpaliwanag ng mga bugtong, at lumutas ng mahihirap na mga problema. Kaya ipatawag mo siya at ipapaliwanag niya ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa pader. (vv. 10-12 ASD)
Ang mga nasa kapangyarihan tulad ng hari, hindi sila all-powerful. Ang Diyos ang all-powerful at siya ang nagbibigay ng kapangyarihan sa sinuman sa pamahalaan. Ang mga matatalino tulad ng mga wise men, hindi sila all-wise. Ang Diyos ang perfect in knowledge and wisdom, at siya ang nagbibigay sa atin ng karunungang kailangan natin para gamitin hindi sa pansariling kapakinabangan lang, kundi para makapaglingkod sa pamilya, sa church, at sa bayan. Wag tayong aasta na para bang tayo ang nangangailangan sa gobyerno. In a way, yes. Pero kung tutuusin, sila na mga nasa gobyerno, kasama ang ating pangulo na hindi kumikilala kay Cristo, sila ang may kailangan sa atin. Dahil nasa atin ang kapangyarihan at karunungan na kailangan nila, walang iba kundi si Cristo (Rom. 1:16; 1 Cor. 1:30).
The king’s offer to Daniel (5:13-16). Kailangan ng hari si Daniel. Ipinatawag siya. Pumunta siya. Sabi ng hari sa kanya, inulit lang ang sinabi ng queen mother, at yung tungkol sa writing on the wall, yung reward na ibibigay niya, at yung fact na walang makapagpaliwanag nito sa kanya:
Ikaw pala si Daniel na isa sa mga bihag na Judio na dinala rito ng aking ama mula sa Juda. 14 Nabalitaan kong ang espiritu ng mga dios ay nasa iyo at mayroon kang pambihirang kakayahan at karunungan. 15 Ipinatawag ko na ang marurunong, pati na ang mga engkantador, para ipabasa at ipaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyon sa pader, pero hindi nila ito nagawa. 16 Nabalitaan kong marunong kang magpaliwanag ng kahulugan ng mga pangyayari at kaya mo ring lutasin ang mabibigat na mga problema. Kung mababasa mo at maipapaliwanag ang kahulugan ng nakasulat na iyan, pabibihisan kita ng maharlikang damit at pasusuotan ng gintong kwintas. At gagawin kitang pangatlong pinakamataas na pinuno sa aking kaharian. (vv. 13-16 ASD)
Daniel’s speech (5:17-28)
Reward refused (v. 17). Ganda ng offer—honor, high position sa gobyerno, properties. Very tempting. Si Nebuchadnezzar din may mga ganyang offers sa unang dream niya (2:6). Pero hindi naglilingkod si Daniel sa gobyerno ng Babylon para lang sa mga ganyang rewards. Tutal, matanda na siya, ano ba naman ang mapapala natin kung magkakaroon tayo niyan, pero mawawala rin naman ‘yan agad-agad. Isa pa, hindi siya sa kamay ng hari umaasa. Kaya tinanggihan niya. Sabi niya sa hari, “Mahal na Hari, huwag na po ninyo akong bigyan ng regalo; ibigay nʼyo na lamang sa iba. Pero babasahin ko pa rin para sa inyo ang nakasulat sa pader at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito” (v. 17).
Nebu’s humility (vv. 18-21)
Mahal na Hari, ang inyong amang si Nebucadnezar ay ginawang hari ng Kataas-taasang Dios. Naging makapangyarihan siya at pinarangalan. (Dahil ba sa sarili niyang kagagawan?) 19 Dahil sa kapangyarihang ibinigay ng Dios sa kanya, ang mga tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi at wika ay natakot sa kanya. Nagagawa niyang patayin ang sinumang gusto niyang patayin. At nagagawa rin niyang huwag patayin ang gusto niyang huwag patayin. (Nasa kamay niya ang buhay ng mga tao!) Itinataas niya sa tungkulin ang gusto niyang itaas, at ibinababa niya sa tungkulin ang gusto niyang ibaba. 20 (Ang problema, tulad natin, tulad ni Belshazzar...) Pero siya ay naging mayabang at nagmataas, kaya pinaalis siya sa kanyang tungkulin bilang hari, 21 at itinaboy mula sa mga tao. Naging isip-hayop siya. Tumira siya kasama ng mga asnong-gubat at kumain ng damo na parang baka. Palaging basa ng hamog ang kanyang katawan. Ganoon ang kanyang kalagayan hanggang kilalanin niya na ang Kataas-taasang Dios ang siyang may kapangyarihan sa mga kaharian ng mga tao at maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin. (vv. 18-21 ASD)
Oo, ibinagsak siya ng Diyos dahil sa kayabangan niya. Pero sa bandang huli, nagpakababa siya, kinilala niya ang paghahari ng Diyos, kaya ibinalik sa kanya ng Diyos ang kanyang kaharian. Ang nagpapakataas ay ibinabagsak ng Diyos. Ang nagpapakababa ay itinataas ng Diyos. Alam natin ‘yan. Itinuro ng Panginoong Jesus ‘yan. Pero nagtataka pa rin tayo bakit kung sino pa yung masasama sila pa yung nasa kapangyarihan; kung sino pa yung lumalapastangan sa pangalan ng Diyos, sila pa yung mataas ang popularity ratings; kung sino pa ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan, sila pa yung parang maginhawa ang buhay. Bakit ganun? Nasaan na ang mga kamay ng Diyos na dapat pumalo sa kanila?
King rebuked (vv. 22-23)
At ikaw, Haring Belshazar na anak niya, kahit na alam mo ang lahat ng ito, hindi ka pa rin nagpakumbaba (alam mo na ang kasalanan ng ama mo, tinularan mo pa!), 23 sa halip itinuring mong mas mataas ka kaysa sa Panginoon. Ipinakuha mo ang mga tasang mula sa templo ng Dios at ginamit ninyong inuman ng iyong marangal na mga bisita, mga asawa, at iba pang mga asawang alipin. Maliban diyan, sumamba ka pa sa mga dios-diosang gawa sa pilak, ginto, tanso, bakal, kahoy, at bato. Itoʼy mga dios na hindi nakakakita, hindi nakakarinig, at hindi nakakaunawa. Ngunit hindi mo man lang pinuri ang Dios na siyang may hawak ng iyong buhay at nakakaalam ng iyong landas na dadaanan. (vv. 22-23 ASD).
Writing interpreted (vv. 24-28)
Ang Mene (katunog ng Aramaic, “binilang” o “numbered”) ay nangangahulugan na bilang na ng Dios ang natitirang araw ng paghahari mo, dahil wawakasan na niya ito. 27 Ang Tekel (katunog ng Aramaic, “tinimbang” o “weighed”) ay nangangahulugan na tinimbang ka ng Dios at napatunayang ikaw ay nagkulang. 28 Ang Parsin (ang singular form ay Peres, na katunog ng Aramaic, “nahati” o “divided” at “Persia”) ay nangangahulugan na ang kaharian moʼy mahahati at ibibigay sa Media at Persia. (vv. 26-28 ASD)

The king’s death (5:29-31)

Ano ang nangyari? Itong si Belshazzar, hindi natin alam kung ano ang nasa isip. Kung naintindihan ba niya yung mga sinabi ni Daniel, kung naniwala ba siya, o baka lasing na lasing na hindi lang sa alak kundi sa kanyang kapangyarihan at kahibangan. Pero tinupad naman niya yung pangako niya kay Daniel, kahit tinanggihan nito, binihisan ng marangyang dami, nilagyan ng kuwintas ng gawa sa ginto, at in-appoint na third ruler of the kingdom (v. 29). Itinaas siya, pero ang hari ay ibinagsak ng Diyos. Kani-kanina lang party-party sila. Pero nung gabi ring iyon, pinatay siya (v. 30). Meron sigurong tao na pumatay sa kanya. Pero sa bandang huli, ito ay gawa ng kamay ng Diyos, kamay na humahatol sa sinumang nagmamataas. Tinanggal niya ang hari sa kanyang trono. Nilusob sila ng mga Persians. Katapusan na rin ng kaharian ng Babylon—katuparan ng panaginip ni Nebuchadnezzar sa chapter 2. Ang ulong ginto (Babylon) ay pinalitan ng dibdib na silver (Medo-Persian). Kaybilis ng mga pangyayari. Sa v. 1, si Belshazzar ang king. Dito naman sa dulo, v. 31, “Ang kanyang kaharian ay kinuha ni Dario, hari ng Media na noo'y animnapu't dalawang taon na” (MBB). Ang Diyos ang kumuha at nagbigay kay Darius. “He removes kings and sets up kings” (Dan. 2:21).
Wala nga sa kamay ng hari ang sarili niyang buhay. Ang kaharian din wala sa kanyang mga kamay. Ang mga Judio na nasa Babylon wala rin sa kanyang mga kamay. Ang Diyos, ang mga kamay ng Diyos, ang kapangyarihan ng Diyos, ang may hawak at nagpapanatili ng buhay natin. Kamay rin niya ang may hawak ng bago nating presidente. Kamay rin niya ang may hawak sa pamilya natin, sa bansa natin, sa kinabukasan natin, sa kasaysayan natin, sa lahat-lahat sa atin. Ganito rin naman ang sinabi ko sa dulo ng sermon last week. Parehas lang ang salita ng Diyos, pero iba ang paraan, iba ang kuwento ngayon. Parehas kasi parehas pa rin ang problema ng kayabangan sa puso natin. Parehas din ang problema na sa halip na sa Diyos natin ihawak ang mga kamay natin, mas inaaasa pa natin sa mga taong nasa kapangyarihan sa gobyerno.
Parehas na problema. Parehas na solusyon, walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo. Kanina ko pa ginagamit ang “kamay ng Diyos.” Pero wag n’yong isiping literal na merong pisikal na kamay ang Diyos. Anthropomorphism yun, ibig sabihin, salita na ginagamit tungkol sa Diyos at inilalarawan ng pisikal na bahagi ng katawan ng tao. Ang Diyos ay Espiritu. Ang mga kamay niya ay tumutukoy sa kapangyarihan niyang may hawak-hawak sa buhay natin at sa lahat-lahat, kasama itong magulong pulitika sa bansa natin. Pero ang Diyos na Espiritu ay nagkatawang-tao.
Related Media
See more
Related Sermons
See more