Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.07UNLIKELY
Disgust
0.07UNLIKELY
Fear
0.1UNLIKELY
Joy
0.53LIKELY
Sadness
0.53LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.07UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.4UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.19UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction (1:1-9)
Meron tayong ongoing membership classes.
Siyempre, karaniwan magaganda ang maririnig ng mga participants tungkol sa church natin.
Tapos may nakausap pa ako na member ng ibang church na kinukumbinsi ko na lumipat ng church kasi hindi maayos ang doctrines and practices dun.
Pero siyempre, ayoko naman na magbigay ng impression na lahat ng nangyayari sa church natin ay maganda.
We are far from perfect.
May mga messiness din sa church na ‘to.
Tanungin n’yo ang experiences ng mga matagal nang mga members.
Pero bakit tayo nananatili dito?
Because of the gospel.
We see and experience the power of the gospel at work sa church natin.
Kaya kahit anong church ay makakarelate talaga dito sa sulat ni Paul sa 1 Corinthians.
We already spent 34 weeks sa letter na ‘to, pero ngayon magbibigay lang ako ng overview ng message dito ni Paul kung paanong ang gospel ay bumubuo at humuhubog sa church bilang isang community.
Nakasulat sa Acts 18 na si Paul ang nagplant ng church dito.
Nagspend siya ng 18 months sa Corinth.
At pagkatapos naman ay three years sa Ephesus.
At habang nasa Ephesus siya dun siya nakikipag-correspondence sa kanila.
May nababalitaan siyang mga problema.
Actually meron pa siyang naunang sulat bago ang 1 Corinthians (0 corinthians?), pero wala tayong kopya nito.
So anu-anong problema?
Merong problema sa relasyon nila, may divisions, may mga conflicts, may problema sa pagdidisiplina, sa sexual immorality, sa kawalang kaayusan sa mga worship gatherings nila, sa pagpractice ng mga spiritual gifts, meron pride, meron ding doctrinal misunderstandings.
Sounds like many churches today, no?
So kung babasahin natin ‘to, magbibigay ito ng encouragement sa atin, sa church natin, na ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay hindi nakadepende sa performance natin.
Saan nakadepende?
Kay Cristo at sa gospel niya.
Kaya kung may ganito karaming mga problems sa church, ano ang solusyon?
Not to try hard na mas maging maayos as if nakadepende sa atin ang solusyon, but to get rooted, to stay anchored in the gospel and our identity in Christ.
Kaya mula sa simula hanggang dulo, ipapaalala sa kanila ni Paul ang gospel.
“The word of the cross” (1:18) sa simula pa lang.
Tapos pagdating sa chapter 15, “Now I would remind you…of the gospel I preached to you...” Mahalagang ipaalala over and over again, katulad ng sermon natin sa Romans, dahil ang kapangyarihan ng gospel ay hindi lang sa past aspect of our salvation (justification), kundi pati na rin sa kasalukuyan (sanctification, “by which you are being saved, v. 2, present tense ‘yan).
Kaya sa simula pa lang ng sulat niya (1:1-10), kahit na maraming problems sa church, nagpapasalamat pa rin si Paul sa Diyos para sa kanila.
Tinawag pa silang “sanctified in Christ Jesus…called to be saints” (v. 2, also 6:11).
Ganyan rin ang status natin na katulad nila ay tumatawag sa Panginoon not because we are worthy, kundi dahil kailangan natin siya.
Kaya ang sulat na ito ay para rin sa atin.
Isa-isahin natin ngayon ang limang major sections ng sulat na ‘to na tumatalakay sa iba’t ibang issues at problems sa church at tingnan natin kung paanong ang gospel ang solusyon sa mga katulad na problema rin sa church natin, and in fact, kahit ano pang problema ‘yan.
Unity: How the Gospel Heals Divisions in the Church (1:10-4:21)
Ang unang problema ay may kinalaman sa kawalan nila ng pagkakaisa.
Meron kasing mga divisions, mga pag-aaway na nabalitaan si Paul (1:11).
Merong mas loyal kay Paul, yung iba kay Apollos, yung iba kay Pedro, yung iba kay Cristo (v.
12).
How does it manifest sa church natin?
Baka minsan tingin ng iba na ako lang o si Ptr.
Marlon ang pastor ninyo at yung ibang mga elders ay hindi.
Or meron lang kayo na grupo na mas gustong samahan at sa iba ay ayaw n’yong makisama.
Ano ang sabi ni Paul na dapat gawin?
Heto ang appeal niya: magkasundo kayo, magkaisa kayo, magkaroon ng isang pag-iisip at isang layunin (v.
10).
Paano mangyayari yun?
Madali ba yun lalo na kung meron tayong iba’t ibang preferences, personality, backgrounds, opinions?
Humanly impossible.
Ang susi?
Si Cristo.
Kaya ang apela ni Pablo sa kanila ay “by the name of our Lord Jesus Christ” (v.
10).
Then sa v. 13 sinabi niya na hindi hati si Cristo, hindi si Pablo ang pinako sa krus, hindi sa pangalan ni Pablo sila nabautismuhan.
We have one Lord, one gospel, one baptism (Eph.
4:4-6).
Yan ang basis ng unity natin.
The gospel is powerful hindi lang para iligtas tayo kundi para pagkaisahin ang church.
Tulad ng napag-aralan natin sa Romans, ganito rin dito, consistent si Pablo: “The word of the cross (or the gospel)…is the power of God” (1 Cor.
1:18; see Rom. 1:16).
Si Cristo ang laman ng gospel na ‘yan: “we preach Christ crucified...Christ the power of God and the wisdom of God” (1:23-24).
Bakit nga naman natin ipagmamalaki ang sarili natin o ibang tao, e pinili naman tayong iligtas ng Diyos not because of us but because of Christ, “who became to us wisdom from God, righteousness and sanctification and redemption” (1:30).
Hindi tao ang pinakamahalaga kay Paul at sa preaching niya, “For I decided to know nothing among you except Jesus Christ and him crucified” (2:2).
So kung gospel ang sentro ng preaching ni Paul, dapat ito rin ang sentro ng pakikinggan natin.
Hindi ito maiintindihan ng mga non-believers (the natural person, 2:14).
Pero maiintindihan natin through the Holy Spirit (2:10).
“We have the mind of Christ” (v.
16).
At kung si Cristo ang nasa isip mo, at ang isip mo ay tulad ni Cristo, ano ang puwang ng pagkakahati-hati sa church?
Pero para tayong mga unbelievers na wala ang Holy Spirit kung nagkakampi-kampihan pa rin (3:4).
Pero dapat baguhin natin ang pagtingin sa mga leaders ng church, sa ministry, at sa church.
Sabi ni Paul, “For we are God’s fellow workers.
You are God’s field, God’s building” (3:9) God, God, God.
Kung hindi sa Diyos nakafocus, kung sa tao ang focus, talagang magkakaproblema ang church.
Wala tayong ibang pundasyon maliban kay Cristo (v.
11).
Yung identity natin ay nakatali sa gospel, “God’s temple” ang church (v.
16).
Kung sa Diyos ‘yan, hindi dapat sirain sa pamamagitan ng paghahati-hati.
Ano raw ang ugat nitong mga divisions na ‘to?
Pride in men and human accomplishments.
The gospel strikes our pride.
Ang layunin ng gospel ay ito— “so that no human being might boast in the presence of God” (1:29).
Then sa v. 31, quoting Jer.
9:23-24, “Let the one who boasts, boast in the Lord.”
Pati dito sa chapter 3, sinabi ni Paul na wala dapat yabangan, wala ring inggitian, walang “sana all, sana all.”
Bakit?
E sa ‘yo na nga ang lahat!
“...ang lahat (all things) ay para sa inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat (all) ng itoy para sa inyo” (3:21-22).
Ganyan ang approach ni Paul sa ministry.
Hindi nakasentro sa kanya.
Siya, at ang iba pang leaders ng church ay hindi magkakakumpetensiya, dapat tingnan natin na “servants of Christ and stewards of the mysteries of God” (4:1).
Papuri at parangal mula sa Diyos ang mahalaga, hindi sa tao (v.
5).
Oo, instrumental si Paul sa kanila, na parang naging ama nila na naglapit kay Cristo, pero nangyari pa rin yun “through the gospel” (v.
15).
Hindi siya arogante na tulad ng iba (vv.
18-19).
Purity: How the Gospel Helps Us Pursue Holiness as a Church (5:1-7:40)
Hindi tulad ng mga taga-Corinto, “And you are arrogant!”
(5:2); “Your boasting is not good” (v. 6).
Pride talaga ang root problem dito sa church.
Nabalitaan kasi ni Paul na merong sexual immorality na hindi nila dinidisiplina, masahol pa raw sila sa mga unbelievers sa Corinth na kilala na sa sexual promiscuity dahil sa culture nila.
Meron daw lalaki na ang kinakasama ay ang asawa ng tatay niya, or step-mother niya!
So dito sa section na ‘to (chapters 5-7), tatalakayin niya ang tungkol sa purity o pursuit of holiness sa church.
Ano raw ang dapat nilang gawin dun sa member na nagkakasala?
Hindi dapat i-tolerate.
Hindi ibig sabihin ng gospel at pagiging centered sa gospel ay okay na ang kasalanan.
Pinatawad na, yes, pero binabago tayo ng Panginoon in repentance, faith and obedience.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9