Gospel Freedom: The Message of Galatians
Notes
Transcript
Introduction (1:1-5)
Introduction (1:1-5)
May dalawang movies na ni-release nang sabay nitong linggo lang. Magkaibang versions ng history, o interpretation ng history. Alin sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Alin ang pinaniniwalaan mo? Sino ang paniniwalaan mo? At bakit mo paniniwalaan? Dahil lang ba yun ang preferred version mo ng kuwento? O dahil nakumpirma mo na credible at may authority ang source ng kuwentong yun? Ano ang basis ng authority ng source na ‘yan? Yung iba naman walang paki. Ah basta. Movies lang ‘yan! Oo nga naman. Pero naiisip ba natin kung may epekto nga ba sa buhay natin kung anong kuwento o balita ang pinaniniwalaan natin?
Dito sa series natin ng overview ng mga letters ni Paul, ang pinakamahalagang kuwento, at pinakamagandang balita sa lahat, at siguradong totoo ang pinag-uusapan natin. The gospel, ang ebanghelyo, ang mabuting balita ni Cristo. “The Gospel for All of Life,” dahil hindi lang ito basta kuwento o balita, buhay natin ang nakasalalay dito, at buong buhay natin ang binabago nito. Kaya nga kung mapapansin n’yo, yung mga letters ni Paul ay nag-aaddress ng iba’t ibang real life issues sa mga churches at sa mga Christians. Tulad ng napag-aralan natin sa dalawang sulat niya sa Corinthian church.
Itong Galatians ang malamang na unang naisulat niya—hindi chronological yung arrangement ng mga letters ni Paul sa Bible natin. At isinulat niya hindi lang sa isang local church, kundi sa iba’t ibang churches sa Galatia, part ng modern day Turkey. Pakinggan n’yo yung intro ng sulat niya. May mga common elements sa ibang sulat niya tulad ng pagpapakilala kung sino siya, kung sino ang sinulatan at yung pagbati ng “grace and peace.” Pero merong unique elements dito, na magbibigay na ng clue na ito ay tungkol sa totoong gospel na dala-dala niya bilang apostol na itinalaga ng Diyos mismo:
Si Pablo na apostol—hindi mula sa mga tao, o sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at ng Diyos Ama, na muling bumuhay sa kanya mula sa mga patay—at ang lahat ng mga kapatid na kasama ko, Sa mga iglesya ng Galacia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama, at sa ating Panginoong Jesu-Cristo, na nagbigay ng kanyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y kanyang mailigtas mula sa kasalukuyang masamang kapanahunan, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama, sumakanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen
So simula pa lang, may emphasis na kung ano yung gospel na dala-dala niya bilang apostol (kamatayan para sa ating mga kasalanan at muling pagkabuhay ni Jesus), at kung saan nanggaling ang pagiging apostol niya (hindi mula sa tao, kundi mula kay Cristo), at ang layunin at resulta ng ginawa ni Cristo (upang tayo’y iligtas o palayain mula sa kasalanan at kasamaan). Yun naman kasi ang mensahe ng sulat niya at tugon sa malaking problema dito sa mga churches sa Galacia. Ano ba ang problema? At bakit malaki ang problema?
Problem: Meron pa bang ibang gospel? Wala na, isa lang ang gospel! (1:6-10)
Problem: Meron pa bang ibang gospel? Wala na, isa lang ang gospel! (1:6-10)
May pagkakahawig ang mensahe ng Galatians at Romans, mas maikli nga lang, tungkol sa heart of the gospel na justification by grace alone through faith alone in Christ alone. Pero dito sa Galatians, iba ang tono ni Pablo. Hindi lang dahil siya ang nagpreach ng gospel dito, unlike sa churches Rome, kundi dahil napakadelikado ng sitwasyon nila. Sabi niya, “I am astonished...” (1:6). “O hangal na mga taga-Galacia! Sino ang gumayuma sa inyo” (3:1 AB)? “Tingnan ninyo kung sa gaano kalalaking mga titik sumusulat ako sa inyo sa pamamagitan ng aking sariling kamay” (6:11 AB)! Mabigat ang tono ng pananalita niya. Bakit? Kasi merong mga tinatawag na mga Judaizers na pinipilit silang i-circumcise (6:12), hindi naman sila mga Judio. May naririnig silang ibang version ng “gospel.” Ginugulo sila, at binabaluktot ng mga ito ang gospel (1:7). E malinaw na malinaw naman ang gospel na pinreach ni Paul sa kanila, “Sa harapan ng inyong mga mata ay hayagang ipinakita si Jesu-Cristo na ipinako sa krus” (3:1 AB)! Buti sana kung nanindigan sila at sinabi sa mga false teachers na ‘to na, “Teka lang, hindi ‘yan ang totoong gospel!” Pero hindi. Kaya nga nagtataka si Pablo “na napakabilis ninyong iniwan siya na tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo at bumaling kayo sa ibang ebanghelyo” (1:6). Kapag ibang gospel na ang pinaniwalaan mo, yun ay paglayo rin sa Diyos at kay Cristo. Hindi mo pwedeng sabihin na ang mahalaga “close” naman kayo ni Jesus, kahit na mali naman yung gospel na pinaniniwalaan mo. You cannot separate the person of Christ from the message and work of Christ.
Kaya nga mahalaga na we get the gospel right. Meron pa bang ibang gospel? Sabi ni Paul, wala namang ibang gospel, isa lang (1:7). So, if you get the gospel wrong, everything else in your life will go wrong. Buhay natin ang nakasalalay rito. Kaya nga very strong yung condemnation niya sa mga nagtuturo ng false gospel. Sabi niya, “Subalit kahit kami, o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa aming ipinangaral sa inyo, ay hayaan siyang sumpain (anathema)! Gaya ng aming sinabi noong una, at muli kong sinasabi ngayon, kung ang sinuman ay mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba kaysa inyong tinanggap na ay hayaan siyang sumpain (anathema)” (1:8-9 AB). Dalawang beses na anathema, o parang “go to hell!”, kasi napakaseryoso ng isyu na ‘to.
Wala na ngang thanksgiving section si Paul sa letter na ‘to, buti pa sa 1 Corinthians meron. Kahit malaki ang problema nila, marami pa ring kasalanan, pero wala naman silang danger of departing from the gospel. Inconsistent sa application ng gospel, yes. Nakakalimutan ang gospel, yes. Pero hindi pa iiwanan. Di tulad dito sa Galacia. Delikado talaga. Kaya ganito ang tono niya. Hindi niya ito ginagawa para lang kampihan ulit siya ng mga believers doon, ginagawa niya ito bilang “alipin ni Cristo” na ang hangad higit sa lahat ay ang “pagsang-ayon” ng Diyos at hindi ng tao (1:10). Pero siyempre, hangad din niya ang pagsang-ayon ng mga taga-Galacia, kasi buhay nila ang nakasalalay rito. Kaya sabi ni Paul later on sa kanila, “Minamahal kong mga anak, hanggaʼt hindi nakikita sa inyo ang buhay ni Cristo, maghihirap akong parang isang babaeng nanganganak. Kung maaari lang sana, makapunta na ako riyan at makausap kayo nang maayos dahil nag-aalala ako ng labis sa inyo” (4:19-20 ASD)! Ganito ang tono ni Pablo hindi dahil sa galit sa kanila, kundi dahil sa pagmamahal sa kanila, ayaw niyang sila’y mapahamak.
Kaya nga laging pinipreach ang gospel dito sa church. Kaya nga tinatanong namin kayo sa members interview, what is the gospel?, to make sure na tama yung pinaniniwalaan n’yo, at para mas maturuan namin kayo. So ngayon, wala naman tayo dun sa danger na tulad nitong sa Galacia. We praise God for that. Pero paano kung dumating ang oras na ‘yon? May dumating na nagtuturo dito pero ibang gospel? O kaya makapunta ka sa ibang church, ibang gospel pala ang itinuturo? Ano ang gagawin mo? Sabi ni Mark Dever: “When a new message does not match the original, regardless of the identity of the messenger you throw it out” (The Message of the New Testament, 217). Pastor man ninyo. O isang anghel. O kahit sino na nakakita raw ng vision from God. Bawat isang member ng church ay may responsibilidad na protektahan ang gospel preaching sa church.
Authority: Saan galing ang gospel na ‘to? Mula sa Diyos, hindi galing sa tao. (1:11-2:14)
Authority: Saan galing ang gospel na ‘to? Mula sa Diyos, hindi galing sa tao. (1:11-2:14)
Sa dinami-rami ng mga mensahe at mga balita na kumakalat, paano mo malalaman kung ano ang totoo? Mahalaga ang credibility ng nagsulat o nagsasalita. Meron ba siyang authority na dapat paniwalaan? Yun ang layunin ni Pablo dito sa Galatians 1:11 hanggang 2:14. Kasi nga itong mga false teachers, mga Judaizers, sinasabi na gawa-gawa lang ni Pablo yung “gospel” niya, o galing lang sa iilang mga apostol. Yung gospel version daw nila ang dapat paniwalaan. Kaya ipinaalam o ipinaalala sa kanila ni Pablo na ang gospel niya ay hindi mula sa kanya o sa kaninumang tao, kundi mula sa Diyos. “Sapagkat nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyo na aking ipinangaral ay hindi ayon sa tao. Sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, o itinuro man sa akin, kundi sa pamamagitan ng pahayag ni Jesu-Cristo” (1:11-12 AB).
At ito rin ang dahilan kung bakit ganito ang pakilala niya sa sarili niya sa simula ng sulat, “Si Pablo na apostol—hindi mula sa mga tao, o sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at ng Diyos Ama...” (1:1 AB). Ang pagiging apostol niya ay by commission of the Lord Jesus himself, noong nagpakita sa kanya ang Panginoon habang papunta siya sa Damascus (Acts 9). Alam naman nila dati na siya ang masugid na tagausig ng church at dahil sa kanyang zeal sa Judaism at sa tradisyon nito ay tinangka niyang sirain ang church (Gal. 1:13-14). Pero dahil sa biyaya ng Diyos, na pumili sa kanya bago pa siya ipanganak (actually, from eternity past!), niloob ng Diyos na “ipahayag ang kanyang Anak” kay Pablo (vv. 15-16). Dito nagsimula yung “revelation of Jesus Christ” na tinutukoy niya sa Galatians 1:12. Si Cristo mismo ang nagsabi sa kanya, “sapagkat sa layuning ito nagpakita ako sa iyo, upang italaga kang lingkod at maging saksi sa mga bagay na nakita mo sa akin at sa mga bagay na ipapakita ko pa sa iyo” (Acts 26:16). O ayon kay Pablo, “in order that I might preach him among the Gentiles” (Gal. 1:16). Kung galing mismo kay Cristo ang pagiging apostol ni Pablo, ibig sabihin, galing mismo kay Cristo yung mensahe ng gospel na itinuturo niya. At kung gayon, bakit mo hindi paniniwalaan ang sinasabi niya? Bakit mo nga naman babaluktutin o paniniwalaan ang ibang versions nito?
Ngayon, to stress na hindi ito mula sa tao, nagbigay siya ng testimony at sinabi niyang hindi siya nagsisinungaling sa ikinukuwento niya (1:20). Hindi tulad ng iba na binabago ang kuwento para paboran sila ng tao, o maging popular sila sa mga tao, o makapagyabang sa sarili nilang accomplishments (6:13). Hindi papuri ng tao ang hangad niya, kundi ang mabigyan ng kaluguran ang Diyos nang higit sa lahat. Yun ang ibig sabihin ng pagiging “alipin ni Cristo” (1:10).
So bilang apostol ni Cristo, he’s not representing himself, o ibang apostol, o ibang tao. He’s representing Christ! Kaya nga pagkatapos magpakita sa kanya ang Panginoon, hindi siya muna kumonsulta sa ibang tao, hindi siya pumunta sa mga apostol sa Jerusalem. Tatlong taon siyang nag-stay muna sa Arabia at bumalik sa Damascus (1:16-17). Saka lang siya pumunta sa Jerusalem at nakipag-usap kay apostol Pedro (1:18). Nung nagsimula siya ng misyon niya sa mga Hentil saka nabalita sa church sa Jerusalem na siya rin ay preacher na ng gospel. Dahil sa gawa ng Diyos sa pamamagitan niya—amazing conversion siyempre! walang ibang makagagawa kundi ang Diyos!—“they glorified God because of me” (1:24), sabi ni Paul.
Dahil siya ay apostol ni Cristo, yung gospel na dala-dala niya ay kapareho lang din ng gospel na itinuturo ng iba pang mga apostol ni Cristo na nauna sa kanya. Kinuwento niya dito sa simula ng chapter 2, malamang, yung nangyari dun sa council of Jerusalem na isinulat ni Luke sa Acts 15. Nangyari ito probably 49 AD, 17 years after ng conversion ni Paul (14 years sa Gal. 2:1, plus 3 years sa 1:18). Kasama niya noon sina Barnabas at Titus, na isang Greek (so, Gentile siya, hindi Judio) (2:3). Pumunta pa naman siya sa Jerusalem para mapag-usapan yung issue na yung gospel na pinipreach niya sa mga Gentiles ay pareho lang din ng gospel na pinipreach ng ibang mga apostol sa mga Jews. Kaso merong ibang tao, mga “false brothers secretly brought it” (v. 4). Ito marahil yung mga Judaizers. Ang gusto nila itong si Titus, at iba pang Gentile converts, ay magpa-circumcise din, gawin din silang mga Judio basically, or submit them sa old covenant (Mosaic Law). Sabi ni Paul, No way! Bakit di siya nagkumpromiso? Kasi gospel ang nakasalalay dito. “So that the truth of the gospel might be preserved for you” (AB, “manatili sa inyo,” (v. 6). Hindi kailangan na tuliin ang mga Gentiles for them to be part of God’s community. Ang gospel ay hindi tungkol sa kung ano ang dapat nating gawin, kundi tungkol kay Cristo at sa ginawa niya sa krus para sa atin.
So, ang gospel ni Pablo ay parehas ng gospel ni Pedro, dahil iisa ang pinagmulan nito, si Cristo mismo (v. 7). Itong gospel na ‘to ay ipinagkatiwala sa kanila at sa atin para mapangalagaan, maprotektahan, at maipangaral. Dahil si Pablo ay apostol ni Cristo, ang highest allegiance at deepest commitment niya ay nasa gospel ni Cristo, wala sa sinumang tao. Kaya kahit si apostol Pedro mismo ay sinaway niya nung isang beses na nagkita sila sa Antioch, isang Gentile city. “Harap-harapan ko siyang sinaway sapagkat maling-mali ang kanyang ginagawa” (2:11 MBB). Hala, bakit naman? Gospel issue kasi. Nakita kasi ni Pablo “na hindi sila lumalakad nang matuwid sa katotohanan ng ebanghelyo” (2:14 AB). Si Pedro kasi ay kumakain noon kasama ang mga Gentile believers, so mga kapatid na ‘to kay Cristo, they were sharing a family meal kumbaga. Pero dumating ang ilang mga lalaki, yung mga Judaizers marahil na tinatawag na “circumcision party” (v. 12). Nung makita sila ni Pedro, nilayuan na niya yung mga kasama niyang Gentiles, pati yung ibang kasama ni Pedro ganun din ang ginawa, pati nga raw itong si Barnabas na kasama ni Paul. Sabi ni Paul, hypocrisy yun (v. 13). Hindi yun ayon sa gospel. Ang misyon ng gospel ay hindi gawing Judio ang mga Hentil, but to convert them to Christ.
Ano ang point ng section na ‘to? Ipakita na yung authority ni Pablo, yung pinanggalingan ng gospel na itinuturo niya ay si Cristo mismo. Galing sa Diyos, hindi sa tao. Pareho ito ng gospel ng mga apostol ni Cristo. Kaya nga kung meron mang gospel na salungat dito, hindi dapat pakinggan. O kung meron mang gawain na hindi ayon dito, dapat sawayin.
Theology: Ano ang mensahe ng gospel na ‘to? Itinuring tayong matuwid (justified) sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. (2:15-3:24)
Theology: Ano ang mensahe ng gospel na ‘to? Itinuring tayong matuwid (justified) sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. (2:15-3:24)
Kaya mahalaga na na alam natin kung ano ang mensahe ng gospel na ‘to. Ano yun? Simula 2:15, tatalakayin ni Pablo yung heart of the gospel na yun, yung justification by faith alone—na itinuring tayong matuwid ng Diyos (justified) sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan.
...alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kaming mga Judio ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus para maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. (2:16-17 ASD)
Yung circumcision ay kasali dun sa pagsunod sa kautusan. Malinaw dito sa sinasabi ni Paul na hindi pwedeng yun ang maging basis or ground of our justification before God. Makasalanan tayo. Wala tayong magagawa sa sarili natin para maging acceptable sa Diyos. Hindi ang pagsisimba, o pagka-quiet time, o pagbibigay ng malaking offerings, o pagpaparami ng disciples, o pagiging good parents. By faith we believe na sapat ang ginawa ni Cristo sa krus para sa atin. Hindi kailangan at imposibleng dagdagan ng kaunting performance natin yung it-is-finished work of Christ. Para kay Paul, yun ang ibig sabihin ng “grace of God,” “dahil kung maituturing na matuwid ang tao sa pamamagitan ng Kautusan, walang saysay ang pagkamatay ni Cristo" (2:21)!
Malinaw ‘yan, pati sa mga Galatians. Kaya nga sinabihan sila ni Paul na “foolish” dalawang beses sa verses 1 at 3 ng chapter 3. Para bang ang dali nilang nakalimot. Kaya nag-appeal si Paul sa personal experience nila to prove his point sa 3:1-5. Nung tinanggap n’yo ba ang Holy Spirit, dahil ba yun sa pagsunod n’yo sa kautusan? O dahil sa sumampalataya kayo sa gospel na narinig n’yo? Alam n’yo ang sagot! Nagsimula kayo sa pamamagitan ng Espiritu, pero ngayon sa tingin n’yo ba’y makapagpapatuloy kayo sa pamamagitan ng sarili n’yong gawa? Alam n’yo ang sagot! Di ba’t kahangalan ‘yan? Para kay Pablo, ang buhay Kristiyano ay ganito: “the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me” (2:20).
Siyempre mas mahalaga kay Paul na mag-appeal sa testimony ng Scripture para patunayan yung justification by faith alone. May pagkakamali kasi sa pagkakaintindi nila ng function ng law. Hindi ito kailanman dinisenyo ng Diyos para maging basis ng justification. Ginamit niya si Abraham na halimbawa. Wala pa yung Mosaic Law nun! Yung gospel hindi lang sa New Testament, sa Genesis 12 pa lang sa promise ng Diyos kay Abraham, “In you shall all the nations be blessed,” may pahiwatig na “God would justify the Gentiles by faith” (Gal. 3:8). Hindi pagpapala ang dala ng kautusan kundi sumpa, bakit? Kasi hindi naman natin talaga masusunod! “Sapagkat ang lahat na umaasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat (sa Deut. 27:26), ‘Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa lahat ng bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan’” (Gal. 3:10 AB). Then sa v. 11, binanggit niya yung Habakkuk 2:4 para patunayan na “no one is justified before God by the law.” Paano raw? “The righteous shall live by faith.” Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, napuputol ang sumpa na para sa atin, at iniuugnay tayo sa pagpapala na ipinangako kay Abraham dahil inako na ni Jesus ang sumpa na nararapat sa atin. “Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us” (v. 13). At blessing ang tinanggap natin dahil siya lang ang nakasunod sa kautusan perfectly, yes, perfectly! So in Christ, we have his perfect righteousness.
Then, sa verses 15-29 ay ipinaliwanag niya kung para saan ang kautusan. Hindi para kontrahin ang mga pangako ng Diyos (v. 21). Hindi para maging paraan para dumating sa atin ang pagpapala ng Diyos, hindi paraan para magbigay sa atin ng buhay at kaligtasan. No. May mabuting layunin ang Diyos sa kautusan. “Because of transgressions,” sabi niya sa v. 19. Ibig sabihin, para i-expose ang mga kasalanan natin (see Rom. 3:19-20), para ma-realize na bilanggo tayo ng kasalanan, “upang ang ipinangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo ay maibigay sa mga sumasampalataya” (Gal. 3:22 AB). Ang kautusan ay nagsisilbing “guardian” na ang layunin ay dalhin tayo palapit kay Cristo na siyang tanging lunas sa mga kasalanan natin, “in order that we might be justified by faith” (v. 24).
Ito ang gospel na paulit-ulit na pinipreach sa church na ‘to. Ito ba yung gospel na naririnig mo, na pinaniniwalaan mo, na pinanghahawakan mo, na dedepensahan mo, na ipinapamuhay mo? Naniniwala ka ba na itinuring ka ng Diyos na matuwid, na tinanggap ka niya, o hanggang ngayon ay alipin ka pa rin ng maling gospel na nagsasabing magiging katanggap-tanggap ka lang sa Diyos kung mapatutunayan mong karapat-dapat ka dahil sa mga pagsunod mo? Kung ganun, nakakalimutan mo hindi lang kung ano ang ginawa ni Cristo kundi kung sino ka na ngayon dahil kay Cristo.
Identity: Sino ka na ngayon dahil sa gospel na ‘to? Malaya ka na, hindi ka na alipin. (3:25-4:31)
Identity: Sino ka na ngayon dahil sa gospel na ‘to? Malaya ka na, hindi ka na alipin. (3:25-4:31)
Yung identity natin ay nakatali kay Cristo, “I have been crucified with Christ” (2:20), sabi ni Paul. At dahil by faith ay nakakabit tayo kay Cristo, at ito ang ituturo sa atin ng baptism natin (3:27), ibig sabihin, ang identity natin ay hindi na nakakabit sa kung anong lahi ang pinanggalingan natin (Jew or Gentile?), kung ano ang social o economic status natin, o kung ano ang gender natin (babae o lalaki?), “for you are all one in Christ Jesus” (v. 28). May isang identity. Tayo ay mga anak ng Diyos (v. 26), mga tagapagmana (v. 29). Ito ang dahilan kaya naparito ang Anak ng Diyos, para palayain tayo sa pagkakaalipin, para makatawag na tayo sa Diyos na, “Ama.” Hindi na tayo alipin, tayo ay malaya na, tayo ay mga anak na ng Diyos (4:4-7).
Kaya pinagalitan sila ni Paul sa vv. 8-11 kasi namumuhay sila na para bang hindi pa sila malaya, na para bang gusto pa nila ulit maging mga alipin. Ito yung ikinagagalit niya sa mga Judaizers, yung intensyon nila “para sirain ang kalayaang natamo natin kay Cristo Jesus, at gawin ulit tayong alipin” (2:4 ASD). Yung sigasig nila ay “hindi para sa mabuting layunin” (4:17 AB). Kaya dito sa section na ‘to, verses 12-20 ay ibinuhos niya ang puso niya para sa kanila at tinawag silang “my little children,” dahil nga siya ang nagpreach ng gospel sa kanila. Ikinumpara niya ang sarili niya na parang babaeng manganganak na hindi tumitigil kakaire kahit na masakit, hanggang kailan? “Until Christ is formed in you” (v. 19)!
Ito ang dahilan kung lagi niyang ipinapaalala ang gospel sa kanila. Kasi meron na silang gospel amnesia. Kaya ipinapaalala rin niya yung identity nila na nakakabit kay Cristo, kasi meron din silang identity amnesia. Wag mong kalimutan kung sino si Cristo. Wag mong kalimutan kung sino ka na ngayon dahil kay Cristo. Eto yung point niya sa vv. 21-31 kung bakit niya ginamit in a figurative way yung significant na redemptive-historical event sa life ni Abraham. Si Ishmael—“born according ot the flesh” (gawa ng tao!) yung anak ni Abraham kay Hagar, yung “slave woman.” Si Isaac naman—“born through promise” (gawa ng Diyos!) yung anak niya kay Sarah, yung “free woman” (vv. 22-23). Ano ang koneksiyon nito sa atin? Through Christ tayo rin ay “children of promise…born according to the Spirit…[children] of the free woman” (vv. 28-31). Dahil sa gospel, dahil sa ginawa ni Cristo, malaya ka na! Yan ang identity mo. Wag na wag na wag mong kakalimutan. Bakit? May epekto ba ‘to sa buhay natin?
Life: Ano ang kinalaman sa buhay ng gospel na ‘to? Mamuhay ayon sa kalayaang tinanggap natin—kalayaan sa pagsunod sa Diyos at paggawa ng mabuti, hindi kalayaan na gumawa ng kasalanan. (5:1-6:10)
Life: Ano ang kinalaman sa buhay ng gospel na ‘to? Mamuhay ayon sa kalayaang tinanggap natin—kalayaan sa pagsunod sa Diyos at paggawa ng mabuti, hindi kalayaan na gumawa ng kasalanan. (5:1-6:10)
Ito ang huling tatalakayin ni Pablo sa sulat niya. Kung ano ang pinaniniwalaan mo, yun ay magdudulot ng pagbabago kung paano ka mamuhay. Kung naniniwala ka na pinalaya ka na ni Cristo, na malaya ka na, so? “Para sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo; kaya’t magpakatatag kayo at huwag pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin” (5:1 Dahil kung ipipilit mo na kailangan ang circumcision o anumang religious ritual o anumang pagsunod sa kautusan para maging katanggap-tanggap sa Diyos, ibig sabihin, binabalewala mo ang gawa ni Cristo sa krus. Ibig sabihin, you don’t really trust Christ for your salvation. “Kayo'y hiwalay kay Cristo...nahulog kayo mula sa biyaya” (5:4 AB). So yung bungad na exhortation dito ni Paul ay “stand firm,” yun bang wag patitinag, wag maniniwala sa maling gospel. Pero lilinawin din niya na hindi lang ito (yung getting the gospel right) basta tungkol sa tamang paniniwala. Ang solusyon sa legalism (law-ism) o pagtitiwala sa kautusan ng mga Judaizers ay hindi lang mere intellectualism tungkol sa gospel. Hindi rin antinomianism (anti-law) o pagbabalewala sa kautusan na para bang wala nang halaga ang pagsunod sa Diyos. Malaya na nga tayo, pero hindi ibig sabihin na malaya na tayo na gawin kung ano lang ang gusto nating gawin (5:13). Kung ganun ang pag-iisip natin at magiging lifestyle natin, sabi ni Pablo, hindi tayo magmamana ng kaharian ng Diyos (6:21). So anong freedom yun?
Freedom to live by the Spirit. Binabago tayo ng gospel para hindi na sa sarili natin at sa gawa natin tayo magtiwala. Na hindi na rin sariling desires ang sinusunod natin. Malaya na tayo na magtiwala sa pangunguna at kapangyarihan ng Espiritu sa buhay natin. Oo nga’t totoo yung tension at conflict sa atin (Spirit vs sinful desires) pero dahil nasa atin na ang Holy Spirit, and he is more powerful kesa sa mga sinful desires na nasa atin pa, so we can “walk by the Spirit…[be] led by the Spirit…[bear] the fruit of the Spirit…live by the Spirit…keep in step with the Spirit...” (vv. 16-25).
Freedom to love. Oo nga’t balewala ang circumcision dahil sa natapos nang ginawa ni Cristo, pero hindi ibig sabihing ang faith natin ay wala ring ginagawa! Ito ay “faith working through love” (5:6). Eto yung kalayaan na meron tayo: “through love serve one another” (5:13). Malaya na tayo na hindi lang sarili ang isipin natin. Isipin natin yung mga kapatid natin na nahuhulog sa kasalanan at kailangang paalalahanan (6:1). Malaya na tayo na hindi lang sariling problema ang intindihin, pati na rin yung mga burdens ng iba tulungan natin sila sa prayer and encouragement (v. 2). Malaya na tayo na hindi lang basta maging tagapakinig lang sa mga teachers sa church, o maging tagatanggap lang ng ministry nila, kundi i-share din sa kanila ang mga blessings na tinatanggap natin (v. 6). Malaya na tayo na gumawa ng mabuti para sa iba, lalo na sa mga kapamilya natin sa church (v. 10). Nakakapagod magmahal, nakakapagod maglingkod, pero kung alam mo yung gospel na mismong Anak ng Diyos ang nagmahal sa ‘yo at nagbigay ng sarili niyang buhay para sa ‘yo (2:20), bakit ka magsasawa at aayaw sa pagtulong sa mga kapatid mo kay Cristo? Ito ang klase ng buhay na nakaranas ng kalayaan na bunga ng sakripisyo ni Cristo sa krus. This is gospel freedom.
Conclusion (6:11-18)
Conclusion (6:11-18)
Sa bandang huli, gustong bigyang-diin ni Pablo dito na hindi lang ito tungkol sa kung ano ang pinaniniwalaan mo sa isip mo o head knowledge. It is deeper. Itong gospel issue na ‘to ay issue tungkol sa kung nasaan ang pagmamalaki mo, where is your boasting? Sinabi sa huli ni Paul na itong mga Judaizers hindi naman talaga sila concerned sa pagsunod sa kautusan, at pagtulong sa mga Galatians na makasunod sa kautusan. No. It is about boasting in themselves. Ang gusto nila ay maipagmalaki ang sarili nila, ang achievements nila, ang accomplishments nila. In the end, it is about them, “that they may boast in your flesh” (6:13). Pero ang totoong gospel nagtatanggal ng yabang sa sarili natin! The gospel destroys self-boasting. The gospel changes our boasting. Inilalagay sa tamang lugar. At ang tamang lugar na yun ay ang krus ni Cristo. Ito ang conviction ni Paul, “But far be it from me to boast except in the cross of our Lord Jesus Christ, by which the world has been crucified to me, and I to the world” (6:14). Si Cristo at ang kanyang ginawa sa krus ang lahat-lahat sa kanya, “I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me” (2:20). Si Cristo rin ba at ang kanyang ginawa sa krus ang ipinagmamalaki natin, ang lahat-lahat sa atin, ang ipinangangaral natin sa iba?