Gospel Riches: The Message of Ephesians
Notes
Transcript
Introduction: Feeling Walang-wala o Hinang-hina?
Introduction: Feeling Walang-wala o Hinang-hina?
Tayong mga Christians, merong mga seasons sa buhay natin na feeling natin ay walang-wala tayo o hinang-hina tayo. O baka yung iba sa inyo ganito ang pakiramdam. Kung maliit nga lang naman ang kinikita mo, o baka wala kang trabaho, feeling mo walang-wala talaga. O kaya kung bata ka pa, may gusto kang makuha o hinihiling mo sa parents mo ayaw naman ibigay, feeling mo ipinagkakait sa ‘yo yun, at wala ka namang magawa. O baka kapag may sakit ka, o kahit walang sakit pero meron kang gustong gawin, o ma-accomplish, pero hindi mo naman magawa, o pumalpak naman ang ginawa mo. Feeling mo hindi mo kaya. At ganun din sa spiritual life natin. May panahon na feeling natin parang hindi tayo bini-bless ni Lord. May panahon na parang sobrang defeated ka ng mga kasalanan, at you feel powerless pagdating sa mga temptations na kinahaharap mo.
Walang-wala o hinang-hina? Nararamdaman natin ‘yan, pero hindi ‘yan nakatugma sa realidad ng buhay Kristiyano. Bakit kaya ganun? Kasi nakakalimutan natin kung sino ang Diyos natin, kung ano ang ginawa ni Cristo para sa atin, kung sino na tayo ngayon dahil kay Cristo, kung ano ang buhay na inilatag sa atin ng Diyos ngayon, at kung ano ang buhay na naghihintay sa atin sa pagbabalik ni Cristo. We are easily forgetful of the gospel.
Pero hindi si Pablo, kung ang sulat niya dito sa Ephesians ang pagbabatayan natin. Nasa kulungan siya sa Roma nang isulat niya ‘to—pati ang Philippians at Colossians. Nagdurusa siya sa kulungan (3:13), “isang bilanggo dahil sa Panginoon” (4:1 MBB), “an ambassador in chains” (6:20). Kung ikaw nga naman ang nakakulong, feeling mo walang-wala ka, hinang-hina ka, wala kang magagawa. Pero hindi dun sa circumstances niya ang focus ni Pablo. Hindi niya nakakalimutan ang gospel at ang pagkakatawag sa kanya ng Diyos. Sabi niya sa:
Tungkol sa ebanghelyong ito ako'y naging lingkod ayon sa kaloob ng biyaya ng Diyos na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kanyang kapangyarihan. Bagaman ako ang pinakahamak sa lahat ng mga banal, ang biyayang ito ay ibinigay sa akin upang ipangaral sa mga Hentil ang mga di-masukat na mga kayamanan ni Cristo. (Efeso 3:7–8 AB)
Dahil sa biyaya ng Diyos, pambihirang kapangyarihan ang nasa kanya, di masukat na kayamanan ang nasa kanya. Hindi siya walang-wala at hinang-hina. Siya ay lubos na pinagpala ng Diyos. Hindi lang si Pablo. Pati ang mga taga-Efeso.
Hindi natin alam eksakto kung ano ang problema o isyu (kung meorn man!) na nag-udyok kay Pablo na isulat ang mga isinulat niya dito. Pero kung babalikan natin yung mga tatlong taon na ministry niya sa Ephesus sa Acts 19, magkakaroon tayo ng mas malalim na appreciation kung bakit ganito yung mga temang nakapaloob sa letter niya. Kadarating lang niya dun, tapos nagpreach na siya ng gospel. Nabaptize una yung labindalawang lalaki. Pinagpray niya, tapos tinanggap nila yung Holy Spirit at nagsimula nang magsalita sa ibang lenggwahe, obvious demonstration of power (19:1-7). Tapos for the next three months, matapang siyang nagsasalita sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos (v. 8). Sa loob ng halos three years na ministry niya dun, maraming Jews and Greeks ang nakarinig ng word of God at naconvert (v. 10). At “gumawa ang Diyos ng mga pambihirang himala sa pamamagitan ni Pablo” (v. 11 MBB). Maraming napagaling, maraming napalayas na mga demonyo. Marami ang nakabalita, Jews and Gentiles, natakot sila, at nagpuri sa pangalan ng Panginoong Jesus (v. 17). Pati nga yung mga nagpa-practice ng magic arts, sinunog yung mga magic books nila na ang halaga ay milyun-milyon! “Sa ganitong makapangyarihang paraan ay lumaganap at nagtagumpay ang salita ng Panginoon” (v. 20 MBB). Pero siyempre maraming kumokontra. Apektado ang business nila, at may political implications ‘yan. Pero kahit na magsigawan sila at sabihing, “Great is Artemis of the Ephesians!” (v. 34), wala pa ring ibang diyos na mas dadakila sa pangalan ni Jesus.
Nakita nila ang kapangyarihan ng Diyos sa pagpapahayag ng mabuting balita ni Cristo. Kaya kahit na mawalan sila, malugi, o gulpihin ng mga powerful people, alam nila ang kayamanan at kapangyarihan na taglay nila dahil kay Cristo. Pero siyempre, may mga panahong baka makalimutan ito, o kaya maging ordinaryo na lang. Tulad natin. Baka nakakalimutan natin kung gaano kagrande ang pagpapalang bigay sa atin ng Diyos. Baka sa pagtagal natin sa buhay Kristiyano yung mga “heavenly” realities ay nagiging parang maliit na bagay na lang. Kaya naman dito sa sulat ni Pablo ay ipapaalala sa atin ang kayamanan at kapangyarihang taglay natin dahil sa kaligtasang ipinagkaloob sa atin ng Diyos (chapters 1-3), at anong klaseng buhay ang naaayon sa pagkakatawag sa atin ng Diyos (chapters 4-6).
Very neat ang structure ng letter na ito ni Pablo. Yung first half ay tinatawag usually na gospel indicatives, ini-indicate o ipinapahayag kung sino ang Diyos at ano ang ginawa niya para sa atin. Wala kang makikita rito na utos na kailangan nating gawin. Ang focus ay sa gawa ng Diyos hindi sa gawa natin (2:8-9). At yung second half naman, magsisimula ‘yan sa “therefore” o “kaya nga” (4:1). Ibig sabihin, dahil sa gospel indicatives na nauna, heto ang mga gospel imperatives, o yung mga utos na dapat nating sundin, mga bagay na dapat nating gawin, bilang tugon na naaayon sa ginawa ng Diyos para sa atin. Ito yung gospel-centered life. Yung gawa natin ay tugon sa gawa ng Diyos para sa atin—bunga o resulta, hindi batayan o dahilan o basehan ng pagliligtas sa atin ng Diyos. Wag nating pagbabaligtarin. Yun ang isyu at naging problema sa Galatians na nakita natin last week. Di naman malamang ito isyu dito sa Ephesus, para kailangan pa ring ipaalala at baka nakakalimot o kaya naman ay lumiliit ang tingin sa gospel.
I. Gospel Indicatives: Ang Yaman ng Pagpapalang Tinanggap Natin (chapters 1-3)
I. Gospel Indicatives: Ang Yaman ng Pagpapalang Tinanggap Natin (chapters 1-3)
Kaya napakaganda nitong first three chapters ng Ephesians. Talagang hitik na hitik sa gospel realities, reminder at celebration na rin ng gospel riches na meron tayo bilang mga Kristiyano. Pagkatapos ang pagpapakilala at pagbati, ganito ang pasok agad ng sulat niya, “Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan” (1:3 AB).
A. Gaano karami ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos? Hindi lang iilan, hindi lang marami, kundi lahat at limpak-limpak! (1:7; 2:7; 3:8)
A. Gaano karami ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Diyos? Hindi lang iilan, hindi lang marami, kundi lahat at limpak-limpak! (1:7; 2:7; 3:8)
“Every spiritual blessing” ay nasa atin na! Let that sink in! You are already rich beyond what you can imagine! Ito ang tinutukoy ni Paul na “kayamanan ng kanyang biyaya” (1:7 AB), “di-masukat na kayamanan ng kanyang biyaya” (2:7 AB), “mga di-masukat na mga kayamanan ni Cristo” (3:8 AB). Walang Kristiyanong dukha, spiritually speaking. Lahat ng Kristiyano ay pinagpala.
B. Karapat-dapat ba tayo sa mga pagpapalang ito? Hindi tayo karapat-dapat dahil sa ating kasalanan; ito ay biyaya ng Diyos na hindi natin nararapat na tanggapin. (2:1-3)
B. Karapat-dapat ba tayo sa mga pagpapalang ito? Hindi tayo karapat-dapat dahil sa ating kasalanan; ito ay biyaya ng Diyos na hindi natin nararapat na tanggapin. (2:1-3)
Paano nga tayo magiging deserving kung ganito ang description sa atin sa 2:1-3 noong tayo ay wala pa kay Cristo:
Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim kayo sa pinuno ng mga kapangyarihan sa himpapawid, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw pasakop sa Diyos. Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa pagnanasa ng ating laman, at sumusunod sa mga hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos. (2:1-3 MBB)
Ganyan ang kalagayan nating lahat, apart from the grace of God. Kaya nga yung mga pagpapalang tinanggap natin ay “grace” kasi totally undeserved. Poot at parusa ng Diyos ang nararapat sa atin. Pero ano ang tinanggap natin? Pagpapala ng Diyos.
C. Ano ang nag-udyok sa Diyos para tayo ay pagpalain nang ganito? Wala sa anumang katangian natin, kundi dahil lang sa pag-ibig, awa, at kagandahang-loob ng Diyos. (2:4-5)
C. Ano ang nag-udyok sa Diyos para tayo ay pagpalain nang ganito? Wala sa anumang katangian natin, kundi dahil lang sa pag-ibig, awa, at kagandahang-loob ng Diyos. (2:4-5)
Dahil ba mas mabuti ang kalooban mo kaya ka pinagpala ng Diyos nang limpak-limpak? Hindi nga, di ba? Ang dahilan wala sa ‘yo. Ang dahilan nasa Diyos! “Ngunit ang Diyos, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa atin, maging noong tayo'y mga patay sa pamamagitan ng ating mga pagsuway, binuhay niya tayo kay Cristo—sa pamamagitan ng biyaya kayo'y naligtas” (2:4-5 AB). Mayaman ang awa at biyaya ng Diyos. Dakila ang pag-ibig ng Diyos. Hindi ba’t dapat ay obvious yun kung nakikita natin kung gaano kalaki ang kasalanan natin sa Diyos? Ang lahat ng pagpapalang tinatamasa natin ngayon ay mabuting regalo na galing sa Diyos, “kaloob ng Diyos” (2:9). Hindi ito suweldo na pinagtrabahuhan mo. Hindi dahil mas magaling ka kaysa sa iba.
Lahat ng ito ay galing sa Diyos. Dahil lang sa awa ng Diyos. Greetings pa lang ni Paul yun na ang itinuturo, “Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo” (1:2 AB). At kapag sinabi nating mula sa Diyos, wag nating isiping God the Father lang. Think of God as Trinity. Ang pag-ibig ng Diyos ay pag-ibig ng Ama, Anak at Espiritu. Ang biyaya ng Diyos ay biyaya ng Ama, Anak at Espiritu. Ang pagliligtas sa atin ng Diyos ay gawa ng bawat isang persona sa Trinity. Tinatawag ito ng mga theologians na “inseparable operations.” Ang gawa ng isang persona ay gawa ng lahat ng persona. Pero, meron ding emphasis sa Bibliya na merong partikular na aspeto ng kaligtasan natin ang mas nakakabit at mas identified sa isang persona. Ganito yung makikita natin sa susunod.
D. Anu-ano ang mga pagpapalang ito na tinanggap natin? Pinili tayo ng Diyos Ama, tinubos ng Diyos Anak, at tinatakan ng Diyos Espiritu. (1:3-14)
D. Anu-ano ang mga pagpapalang ito na tinanggap natin? Pinili tayo ng Diyos Ama, tinubos ng Diyos Anak, at tinatakan ng Diyos Espiritu. (1:3-14)
Ang Diyos Ama ang nagplano ng kaligtasan natin from eternity past. “Bago pa likhain ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya...Dahil sa pag-ibig ng Diyos, pinili (predestined) niya tayo upang maging anak niya” (1:4-5 MBB). Hindi ka maliligtas kung hindi pinili ng Diyos na iligtas ka. Kasi wala ka namang magagawa para iligtas ang sarili mo, at ayaw mo rin namang lumapit sa Diyos dahil nga patay ka dahil sa kasalanan. Ang election o pagpili ng Diyos sa ‘yo ay nakabatay sa malayang pagpapasya niya (sovereign will of God). “Ayon sa kanyang layunin at kalooban” (v. 5 MBB). Tayo ay “pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban” (v. 11 MBB). Walang obligasyon ang Diyos na iligtas ka. Pag-ibig ng Diyos ang nag-udyok sa kanya kung bakit niya tayo pinili, hindi dahil kaibig-ibig tayo. Ganyan ang pagliligtas ng Diyos kay Pablo, at yung pagkatawag sa kanya bilang apostol, “ayon sa kalooban ng Diyos” (v. 1 MBB). Ang plano ng Diyos para sa church ay “alinsunod sa kanyang layunin bago pa man likhain ang sanlibutan” (3:11 MBB).
Ang Diyos Anak ang nagsakatuparan ng plano ng Diyos Ama. The Father planned our salvation. The Son accomplished our redemption. Siya ang tumubos sa atin. “Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob na ibinuhos niya sa atin” (1:7-8 MBB). “Subalit ngayon ay na kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay malayo, ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo” (2:13 AB). Yung “blood of Christ” ay shorthand sa ginawa ni Cristo—yung buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay niya—to secure and purchase our redemption.
Yung Holy Spirit naman ang naglapat sa atin (sa ngayon!), o nag-apply ng redemption accomplished by Christ (in history) and planned by the Father (from eternity). Narinig natin at naintindihan ang gospel, yung “salita ng katotohanan” (1:13), dahil ipinaunawa ito ng Holy Spirit sa atin (1:17). Bagamat tayo ay spiritually dead, sa kapangyarihan ng Espiritu, God “made us alive” (2:5). Ito yung tinatawag na “regeneration” or “new birth.” Ipinagkaloob sa atin ng Diyos yung gift of faith (2:8), at sumampalataya tayo kay Cristo. Ito yung “conversion.” Ipinagkaloob sa atin ang Holy Spirit na siyang naging “tatak” na pagmamay-ari tayo ng Diyos at “katibayan” na nasa atin na ang kaligtasan at makakamit natin ang lahat-lahat sa ipinangakong pagpapala ng Diyos hanggang sa dulo (1:13-14). The Spirit guarantees our salvation.
At sa bandang huli, dapat nating marealize na ang kaligtasan natin ay hindi lang gawa ng Ama, Anak at Espiritu. Ang Diyos mismo—the Father, the Son, and the Spirit—ang “pinaka” sa lahat ng pagpapalang tinanggap natin mula sa Diyos. Ibinigay ng Diyos ang Diyos para sa atin. Could you think of a blessing greater than that?
E. Paano napasaatin ang mga pagpapalang ito? Hindi dahil sa anumang ginawa natin, kundi dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya kanya. (1:3-14; 2:4-8)
E. Paano napasaatin ang mga pagpapalang ito? Hindi dahil sa anumang ginawa natin, kundi dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya kanya. (1:3-14; 2:4-8)
Oo, nung narinig natin ang gospel, sumampalataya tayo kay Cristo (1:13). Naligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya (2:8). Pero minsan ay tingin natin na “faith” ang contribution natin sa salvation. No! Faith is only the instrument kung paanong tinanggap natin ang kaloob ng Diyos, yung pagliligtas na si Cristo ang maygawa. Faith unites us to Christ, the source of God’s blessings to us. Kaya nga paulit-ulit si Pablo na binibigyang diin na pinagpala tayo ng Diyos “in Christ” (1:3). Pinili tayo ng Diyos “in him” (v. 4). Itinuring tayong anak ng Diyos “through Jesus Christ” (v. 5). May redemption “in him” (v. 7). Tumanggap tayo ng inheritance “in him” (v. 11). Tinatakan tayo ng Holy Spirit “in him” (v. 13). Binuhay tayong muli “together with Christ…with him”; inupo tayo sa kalangitan “with him” (2:6). Naranasan natin ang biyaya ng Diyos “in Christ Jesus” (v. 7). Tayo ngayon ay new creation “in Christ Jesus” (v. 10). Inilapit tayo at makakalapit tayo sa Diyos “in Christ Jesus” (v. 13), “through him” (v. 18). Kaya nga siya yung “cornerstone” ng church (v. 20). Tanggalin mo si Cristo, everything ay guguho!
In Christ. With Christ. Paulit-ulit ‘yan, to emphasize na outside of Christ, walang salvation. Outside of Christ, walang pagpapala. Outside of Christ, walang buhay. Outside of Christ, kaawa-awa ang kalagayan mo. Ang tanong ay hindi, Nasa loob ka ba ng simbahan? kundi, Are you in Christ? Do you believe in Christ? Meron pa bang mas importanteng tanong ang dapat mong sagutin ngayon kaysa sa tanong na ‘to?
F. Gaano kalaki ang sakop ng pagpapalang ito sa plano ng Diyos? Hindi pansarili lang, kundi para sa buong iglesya, kasama ang lahat ng bagay ng nilikha ng Diyos. (1:10; 2:11-22; 3:1-6)
F. Gaano kalaki ang sakop ng pagpapalang ito sa plano ng Diyos? Hindi pansarili lang, kundi para sa buong iglesya, kasama ang lahat ng bagay ng nilikha ng Diyos. (1:10; 2:11-22; 3:1-6)
Kapag blessing ang pinag-uusapan, ang utak natin karaniwan pa rin earthly, material, physical blessings. Tinuturuan tayo dito ni Pablo na tingnan ang mga pagpapalang iyon na higit na mas malaki sa karaniwang inaasahan o iniisip natin—spiritual, heavenly, immeasurable, incomprehensible! At hindi lang ito para sa atin individually. Karaniwan kasi masyadong “personal” ang pananaw natin sa salvation. Nakakalimutan natin ang laki ng sakop ng plano ng Diyos. “Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo” (1:10 MBB). Hindi lang mga tao, kundi buong nilikha ng Diyos.
At sa ngayon, siyempre, merong special focus sa church tulad ng church sa Ephesus na tinawag ni Paul na “saints…faithful in Christ Jesus” (1:1). Maliit din ang tingin natin sa church. Pero tinawag ito ni Paul na “siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay” (1:23 MBB). Binubuo ito ng mga Judio at mga Hentil na nagkakaisa sa iisang pananampalataya kay Cristo, one identity in Christ na Trinitarian pa rin—pamilya ng Diyos, katawan ni Cristo, templo ng Espiritu (2:19-22). Hindi natin lubos na nauunawaan kung gaano kalaking kayamanan ang nasa atin because we belong to this church. Kaya tinatawag ito ni Paul na “mystery” (3:6), na siya namang ipinahayag sa atin ng Diyos through the gospel. Ito ang limpak-limpak na yaman na tinanggap natin dahil sa pagpapala at pagliligtas ng Diyos sa atin.
II. Gospel Imperatives: Ang Buhay na Ayon sa Pagkakatawag sa Atin ng Diyos (chapters 4-6)
II. Gospel Imperatives: Ang Buhay na Ayon sa Pagkakatawag sa Atin ng Diyos (chapters 4-6)
Ngayon naman, tingnan natin kung ano ang klase ng buhay ang nais ng Diyos na ipamuhay ng lahat ng iniligtas, pinagpala, o tinawag ng Diyos para maging kanya. May pahiwatig na ‘yan bahagya sa first three chapters. Para saan daw tayo pinili ng Diyos? “Upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya.” (1:4 MBB). Hindi tayo iniligtas ng Diyos dahil sa mabuting gawa natin, pero, “Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos (workmanship, from Greek poiema, sounds like poem, merong artistic design ang Diyos sa pagliligtas sa atin), at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin” (2:10 MBB). Ito naman ang mas dinetalye niya sa mga “imperatives” o exhortations sa last three chapters na ang simula ay ganito, “I therefore, a prisoner for the Lord, urge you to walk in a manner worthy of the calling to which you have been called” (4:1). Hindi tayo karapat-dapat, alam natin ‘yan, pero ang nais ng Diyos sa atin na mga iniligtas niya ay mamuhay sa paraang naaayon sa pagkakatawag niya sa atin. In light of the gospel riches na tinanggap natin...
Ano ang klase ng buhay na ayon sa pagkakatawag sa atin ng Diyos?
Ano ang klase ng buhay na ayon sa pagkakatawag sa atin ng Diyos?
Siyempre wala tayong time para pag-aralan lahat ng mga utos o imperatives, yung mga dapat nating gawin sa three chapters na ‘to. So, ang gagawin ko, ipapakita ko sa inyo yung ginagawa dito ni Paul na hindi lang siya basta nagbibigay ng mga utos, “Gawin mo ‘to, Gawin mo ‘to.” Sinisigurado niya na bawat utos ay nakaangkla sa gospel realities ng chapters 1-3. At dahil prone tayo na makalimutan agad yung gospel, naka-spread out pa rin yung mga gospel motivations na ‘yan sa chapters 4-6. Akala kasi natin kaya nating sundin ang mga utos ng Diyos sa sarili natin. Paalala ito na ang mabuting gawa natin ay palaging bunga o resulta o motivated dapat ng mabuting gawa ng Diyos sa atin in the gospel of Jesus.
A. May pagkakaisa sa church bilang isang katawan ni Cristo (4:1-16)
A. May pagkakaisa sa church bilang isang katawan ni Cristo (4:1-16)
Yung pagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa sa church (4:3) ay hindi madali siyempre, lalo na kung magkakaiba ang nasa loob ng church. Sa Ephesus meron Jews and Gentiles na historically speaking ay talagang hiwalay na hiwalay ‘yan! Tayo rin naman dito, kahit pare-parehong lahi, pero magkakaiba pa rin! Ano ang susi sa pagkakaisa? Remember the gospel! Meron lang isang katawan ni Cristo, isang Espiritu, isang pag-asa, isang pananampalataya, isang bautismo, isang Diyos (4:4-6)! At dahil isang katawan lang tayo ni Cristo, gagawin natin ang lahat ng magagawa natin ayon sa ipinagkaloob na spiritual gifts at roles natin sa ministry—elders man, o deacons, o members ng church—"for building up the body of Christ” (v. 12), para bawat isa ay lumago sa pagkakilala at pagkakatulad kay Cristo (vv. 15-16).
B. May paglaban sa kasalanan at pamumuhay sa kabanalan bilang mga tinubos ni Cristo (4:17-5:5)
B. May paglaban sa kasalanan at pamumuhay sa kabanalan bilang mga tinubos ni Cristo (4:17-5:5)
Ang prominenteng larawan sa section na ‘to ay yung “put off/put on” o parang maruming damit yung mga kasalanan na huhubarin at papalitan ng bago at magandang dami ng mga katangiang tulad ni Cristo. Hindi na yung “old self” ng dati nating buhay tulad ng kahalayan, kasakiman at kasinungalingan. Kundi yung “new self”—“bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan” (4:24 MBB). Anong motivation? Kasi “natutunan” n’yo na si Cristo (v. 20), yung “katotohanan” na nakay Cristo (v. 21). Bakit sa halip na galit sa nagkasala sa atin ay gantihan natin ng pagpapatawad, kabaitan at pag-ibig? Gospel motivations: “gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo” (v. 32 AB); “gaya ng mga anak na minamahal” (5:1 AB); “gaya ng pag-ibig ni Cristo sa atin at ibinigay ang kanyang sarili para sa atin” (v. 2 AB).
C. May karunungan sa pamumuhay sa mundong ito na puno ng kasamaan (5:6-21)
C. May karunungan sa pamumuhay sa mundong ito na puno ng kasamaan (5:6-21)
“Look carefully then how you walk, not as unwise but as wise” (5:15). Wag daw makipag-partner sa mga makasalanan at mga gawa nila (vv. 7, 11). Ang gospel motivation ay tungkol sa identity natin kay Cristo. Kung nakay Cristo na tayo, united to Christ, hindi na tayo dapat kumabit sa gawa ng kadiliman. Kasi, “you are light in the Lord…children of light” (v. 8). Nasayo ang liwanag ni Cristo (v. 14).
D. May pag-ibig at pagpapasakop sa relasyon sa ibang tao, lalo na sa pamilya (5:22-6:9)
D. May pag-ibig at pagpapasakop sa relasyon sa ibang tao, lalo na sa pamilya (5:22-6:9)
Yung marriage, tulad ng gospel, ay “mystery” rin (v. 32). Hindi dahil marami kang hindi maintindihan sa asawa mo! Kundi dahil sumasalamin ito ng gospel realities, tungkol sa relasyon ni Cristo at ng church. Mahirap sa babae ang magpasakop sa asawa. Ano ang motivation? “As to the Lord” (v. 22). Si Cristo pa rin, dahil siya ang head at Savior ng church (v. 23). Mahirap sa lalaki na mahalin ang kanyang asawa. Ano ang gospel motivation? “As Christ loved the church and gave himself up for her” (v. 25). Ganun din sa pagsunod ng anak sa parents, “in the Lord” (6:1), at sa parenting “in the discipine and instruction of the Lord” (v. 4). Yung ganitong Christ-centered perspective ay binanggit din ni Paul sa relationship ng slaves sa kanilang masters, “as you would Christ…as bondservants of Christ…as to the Lord” (vv. 5-7).
E. May kalakasan at katatagan sa paglaban sa gawa ng kadiliman (6:10-20)
E. May kalakasan at katatagan sa paglaban sa gawa ng kadiliman (6:10-20)
Dito naman sa panghuling instruction ni Paul (“Finally...” 6:10), very significant sa context sa Ephesus sa spiritual warfare. Sa atin ngayon, para bang maraming tao hindi na aware na merong “spiritual forces of evil in the heavenly places” (v. 12), tulad ni Satan at ng mga evil spirits. Kaya nga madali sa atin ang mahulog sa mga tukso ng kaaway. Ano ang susi para malabanan natin ito at maging matatag? “Be strong in the Lord and in the strength of his might” (v. 10). Gospel pa rin ang sandata na kailangan natin sa labang ito: “belt of truth…breastplate of righteousness…gospel of peace…shield of faith...the word of God” (vv. 14-17).
I hope na nakita n’yo sa letter na ‘to ni Paul na ang mga utos tungkol sa kung paano tayo mamuhay ay nakakabit, nakaugat, nakaangkla, motivated, grounded, empowered by gospel realities. Dahil sa kayamanan ng biyaya na tinanggap natin mula sa Diyos sa pakikipag-isa natin kay Cristo, mamuhay tayo ayon sa nararapat sa mataas na pagkakatawag sa atin ng Diyos.
III. God’s Purposes in the Gospel
III. God’s Purposes in the Gospel
Mula pa sa pag-aaral natin ng Romans, nakita na natin na oo nga’t ang gospel ay good news para sa atin, hindi ito primarily tungkol sa atin. Hindi tayo ang puno’t dulo ng gospel. At very consistent si Paul para i-emphasize kung ano ang ugat at layunin ng Diyos sa yaman ng pagpapala na ipinagkaloob niya sa atin.
Para saan ang lahat ng pagpapalang tinanggap natin sa pagliligtas ng Diyos? Para sa karangalan niya, para maipahayag sa lahat ang yaman ng kanyang biyaya, karunungan, at kapangyarihan. (1:6, 12, 14; 2:7; 3:10, 20-21)
Para saan ang lahat ng pagpapalang tinanggap natin sa pagliligtas ng Diyos? Para sa karangalan niya, para maipahayag sa lahat ang yaman ng kanyang biyaya, karunungan, at kapangyarihan. (1:6, 12, 14; 2:7; 3:10, 20-21)
Yung 1:3-14 ay isang napakahabang sentence sa original Greek, na para bang hindi matapos-tapos na pagpupuri ni Paul sa istorya ng pagliligtas ng Diyos: “This is my story. This is my song. Praising my savior all the day long.” Ano ba ang layunin kung bakit tayo pinili ng Diyos para maging mga anak niya? “Para sa ikapupuri ng kanyang maluwalhating biyaya” (1:6 AB). Ano ang layunin kung bakit tayo tinubos ni Cristo? “Upang tayo na unang umasa kay Cristo ay mabuhay upang purihin ang kanyang kaluwalhatian” (1:12 AB). Ano ang layunin ng pagtiyak sa atin ng Espiritu na mararating natin ang dulo ng kaligtasan natin? “Sa ikapupuri ng kanyang kaluwalhatian” (1:14 AB). Ibinuhos sa atin ang pagpapala ng kanyang biyaya not to display our worth (wala naman tayong halaga sa sarili natin!), but to display who he is: “upang kanyang maipakita sa mga panahong darating ang di-masukat na kayamanan ng kanyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (2:7 AB).
Actually, hindi lang para maipakita sa mga tao sa mundo, kundi maging sa mga anghel. Yan ang grand purpose niya para sa church: “upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipaalam ngayon sa mga pinuno at sa mga kapamahalaan sa sangkalangitan ang iba't ibang anyo ng karunungan ng Diyos” (3:10 AB). So hindi lang itong mundong ito ang “theater of God’s glory,” ayon kay John Calvin; in fact, all of his creation ay isang teatro para i-display o i-showcase ang kayamanan, kahabagan, karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Hanggang kailan? For thousands and thousands of years in eternity, “to him be glory in the church and in Christ Jesus throughout all generations, forever and ever. Amen” (3:21).
Concluding Applications
Concluding Applications
Kung ganito pala ang yaman ng kaligtasan at buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos, at ang layunin ng Diyos para dito, ano ngayon ang dapat nating gawin bilang tugon?
1. Alalahanin mo. (2:11)
1. Alalahanin mo. (2:11)
Kaya nga sabi ni Paul, “Alalahanin ninyo...” (2:11). Ang alin? Yung kalagayan n’yo dati—walang-wala, mahinang-mahina (hindi pala, patay!), malayo sa Diyos. At kung ano na ang meron kayo ngayon dahil kay Cristo. Napakalaking pagkakaiba, di ba? Kaya nga pinagbabasa kayo ng Bible everyday, para maalala n’yo yung gospel riches na yun. Kaya nga dapat every Sunday nandito ka sa church, at hindi sa bahay lang o kung saan-saan na naaya ka ng kaibigan mo, para maalala kung sino ka dahil kay Cristo. That is why we engage in active discipleship sa church, para matulungan ang bawat isa sa pag-alala, dahil napakadali nating makalimot.
2. Ipagpasalamat mo. (1:3)
2. Ipagpasalamat mo. (1:3)
Tulad ni Paul, bungad ng sulat niya ay pagpapahayag na nagpupuri siya sa Diyos (1:3) dahil sa laki ng ginawa ng Diyos at tinanggap niyang mga pagpapala galing sa Diyos. Tama nga na ipagpasalamat mo yung mga material blessings tulad kapag magpe-pray ka before meal. Pero maliit na bagay yun kumpara sa sangkaterbang nakahain sa ‘yo na mga spiritual blessings in Christ. Kelan ka huling beses na nagpasalamat sa biyayang tinanggap mo sa pagliligtas sa ‘yo ng Diyos? Kung di ka nagpapasalamat, yun ay dahil nakakalimutan mo yung mga bagay na yun. O kaya naman ay maliit na bagay lang ang tingin mo sa mga yun. O kaya naman ay feeling mo deserving ka ng mga blessings na yun. So...
3. Ipanalangin mo. (1:15-23; 3:14-21)
3. Ipanalangin mo. (1:15-23; 3:14-21)
Tulad ni Paul sa 1:15-23 at 3:14-21. Ipinagpray niya yung mga believers maunawaan kung gaano kalaking kayamanan at kapngyarihan ang meron na sila ngayon: “upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa sa kanyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kanyang pamana sa mga banal, at kung ano ang di-masukat na kadakilaan ng kanyang kapangyarihan sa atin na sumasampalataya, ayon sa paggawa ng kapangyarihan ng kanyang lakas” (1:18-19 AB); “that according to the riches of his glory he may grant you to be strengthened with power” (3:16). Para maunawaan natin kung ano na ang meron tayo ngayon, sa halip na magfocus sa kung ano ang wala sa atin ngayon.
Ito rin ang panalangin ko sa bawat isa sa inyo ngayon, to have “the eyes of your hearts enlightened” (1:18). Kung wala ka pa kay Cristo, and you are bored sa mahabang litanya na ‘to tungkol sa mabuting balita ni Cristo, dalangin ko na ibukas niya ang puso mo para makita mo kung ano ang ganda at matikman kung ano ang tamis ng nakay Jesus. At kung ikaw ay nakay Cristo na, and you are prone to forget the riches of your salvation, dalangin ko na patuloy na maging maliwanag sa isip at puso mo kung gaano ka kayaman at pinagpala dahil kay Cristo.