Gospel Joy: The Message of Philippians

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 154 views
Notes
Transcript

Introduction: Kapag mahirap ang buhay Kristiyano, ano ang nagiging tugon mo?

Mahirap ang buhay. Wala sigurong matinong tao ang kokontra sa statement na ‘yan. Obvious na ‘yan. Kahit tayong mga Kristiyano ay hindi exempted diyan. Kaya nga hindi natin sinasabi sa mga non-Christians when we share the gospel, or sa mga kapatid natin na bagong baptized last week, na kapag nakay Cristo ka na, giginhawa na ang buhay mo, mawawala na ang mga problema mo. No. Mas malaki pa nga ang posibilidad na mas maging mahirap ang buhay mo.
Yes. Dito sa pag-aaralan natin sa sulat ni Pablo sa mga taga-Filipos, mapapansin natin na paulit-ulit na binabanggit ni Paul, at alam ng mga Philippians yung sitwasyon niya, na siya ay nakakulong habang sinusulat niya ito (1:7, 13, 17). Ganun din ang sitwasyon niya nang isulat niya ang Ephesians at Colossians. Nakabilanggo siya hindi dahil sa kasalanang ginawa niya. Sabi niya, “Ako’y nabilanggo dahil sa pagsunod ko kay Cristo” (1:13 MBB). Mahirap ang buhay Kristiyano, kahit gaano ka pa katapat sa pagsunod kay Cristo at pangangaral ng mabuting balita ni Cristo. Walang exempted. Ito ay itinalaga ng Diyos sa bawat isang Kristiyano. Katunayan, “grace” o gift o regalo ang tawag ni Pablo sa Christian sufferings. Hindi lang para sa kanya, kundi para rin sa mga taga-Filipos, “Sapagkat sa inyo’y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang manampalataya sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang sa kanya” (1:29 AB).
So, ang pinag-uusapan dito ay hindi lang tungkol sa hirap ng buhay natin sa araw-araw, tulad ng pagtaas ng bilihin, o pagkakasakit, o hirap ng pagpapaaral o pagpapalaki sa mga anak, o conflicts ng mag-asawa, na tulad din ng nararanasan ng mga non-Christians. More specifically, ito ay may kinalaman sa mga difficulties na nararanasan ng isang Kristiyano na direct result ng kanyang pagsunod kay Cristo. Tulad ng pagkakabilanggo ni Paul, tulad ng persecutions na nararanasan ng mga Christians noon, tulad ng hirap sa pag-deal sa mga false teachers, tulad di magandang pagtrato sa iyo ng ibang tao dahil sa pagiging Kristiyano mo.
Kapag nangyari ang mga iyan, kapag naharap tayo sa mga ganyang sitwasyon, paano tayo karaniwang tumutugon? To be honest, may mga panahon na nagrereklamo tayo, “Kung kelan pa naman ako naging tapat sa pagbibigay at paglilingkod, tapos ganito pa ang nangyari!” O kung pinili mong magresign sa trabaho dahil nakakaapekto sa pagdalo mo sa Sunday worship, pwedeng maging anxious ka, “Naku, paano na yung mga kailangang bayaran na monthly bills?” O nalulungkot, o nawawalan siguro ng pag-asa. O kapag hirap na hirap na baka hindi na maging motivated na magpatuloy sa pagsunod, “Hindi pala sulit ang sumunod kay Cristo. Di bale na lang.” Or baka you become prideful, “Hindi ito ang deserving ko. I deserve better.” O baka matakot ka sa pwedeng gawin ng mga nasa position of authority tulad ng gobyerno o ng boss mo o ng asawa mong unbeliever.
Dahil we are prone na maging negatibo ang tugon sa mga sufferings natin, kaya nagbigay si Pablo ng ilang mga instructions na hindi dapat ganito ang maging responses ng mga Philippian Christians sa nabalitaan nilang kalagayan ni Paul at sa nararanasan nilang hirap sa pagsunod kay Cristo, kahit hindi man ganun kagrabe ng karanasan ni Paul. Sabi ni Paul sa kanila, at sa atin din:
“...sa anuman ay huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway” (1:28 AB).
“Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas” (2:3).
“Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan” (2:4).
“Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang reklamo at pagtatalo” (2:14 MBB).
“Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay” (4:6 AB).
Very straightforward ‘yan. Hindi na kailangan ng maraming paliwanag.
Kung ‘yan ang mga di dapat na maging tugon natin, ano ngayon ang dapat?

Ano dapat? “Rejoice.”

Basahin n’yo mula simula hanggang dulo ng sulat na ‘to, ito ang makikita n’yong nangingibabaw na tema sa sulat niya. Kasi paulit-ulit niyang binanggit yung mga salitang joy, rejoice, at glad. At hindi ito madali na ibato lang sa kanila yung mga salitang ito na para bang all is well sa buhay nila. Alam ni Pablo yung hirap na pinagdaraanan nila. Alam din nila yung hirap na pinagdaraanan ni Pablo. So hindi words na basta-basta lang bibigkasin na para bang sasabihan mo siya, “Hello, Paul. Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” Because we know na hindi madali na maranasan ang kagakalan sa oras ng kahirapan. Mas natural sa atin ang kalungkutan, kabalisahan, pag-aalinlangan. Pero dapat makita natin na napakabuti ng Diyos na iniutos niya na magalak tayo dahil ito ang gusto niya para sa atin na maranasan natin hindi pagkatapos ng mga kahirapan kundi sa gitna mismo ng kahirapan. And it is not impossible for us to experience this kind of joy dahil sisiguraduhin ng Diyos na yung gusto niya na gawin natin at maranasan natin ay magagawa natin at mararanasan natin. Ganyan kabuti ang Diyos.
Kaya sinabi sa kanila ni Paul, (this is a command, take note), hindi lang basta “Rejoice.” Ang sabi niya, “Rejoice in the Lord” (3:1). Posible ba ‘yan? Yes. Kung ikaw ay nasa Panginoon at ang kasiyahan mo ay nakatali hindi sa anumang bagay na meron ka ngayon na kapag mawala sa ‘yo ay talagang malulungkot ka na, kundi sa Panginoon na siyang nakatali sa ‘yo at kahit kailan ay hindi mawawala sa ‘yo. Rejoice, hindi lang sa panahon na nararanasan mo ang mga blessings ng Panginoon, kundi sa bawat sitwasyon, kahit na may mga sufferings. Inulit pa niya, “Rejoice in the Lord always; again I will say, rejoice” (4:4). Kahit paulit-ulit siya sa mga sasabihin niya, hindi iyon “kaabalahan” para sa kanya, dahil ito naman ay para sa kanilang “kapakanan” (3:1 MBB).
Yung “rejoicing” na yun ay hindi madali para sa kanila. Hindi rin madali para sa atin. Hindi rin madali para kay Paul. Nakakulong na nga siya, pero may mga tao pa rin na gusto pa siyang lalong pahirapan sa kulungan (1:17). Alam din niya na any moment pwede siyang patayin (2:17). Pero sinabi pa rin niya sa kanila na kapag nagpe-pray siya para sa kanila nararamdaman niya na yun ay “may kagalakan” (1:4 AB). Kahit na nakakulong siya, nasasabi pa rin niya na, “In that I rejoice. Yes, and I will rejoice” (v. 18). Yung sinabi niya sa kanilang “rejoice always” hindi lang yun utos sa kanila, yun ay nakikita rin sa buhay ni Paul. At yung joy na nararanasan niya ay hindi lang maliit o kaunting kagalakan, but mega-joy!—“I rejoiced in the Lord greatly...” (4:10).
Kaya naman sumulat si Paul sa kanila, at umaasa siya na makakalaya pa siya at makakabisita ulit sa kanila, para saan daw? “For your progress and joy in the faith” (1:25). Sila mismo ang turing sa kanila ni Paul ay “my joy and crown” (4:1). Kaya nga kung magrespond sila positively sa sulat niyang ito, malulubos ang kagalakan ni Pablo (2:2). Kahit alam niyang any moment pwede na siyang mamatay, hindi pa rin nawawala yung basis of his joy. Kaya sinasabi niya na ganun din sana ang maging response ng mga Philippians sa kalagayan niya at anumang sufferings na mararanasan nila dahil sa pagsunod kay Cristo. “I am glad and rejoice with you all. Likewise you also should be glad and rejoice with me” (2:17-18). Ang gusto kasi ni Paul ay tularan nila ang halimbawa ni Pablo (3:17). Kung paanong ang kagalakan niya ay nasa Panginoon sa gitna ng hirap na dinaranas niya, gayundin nais niyang maranasan nila (maranasan natin) ang kagalakang nasa Panginoon sa gitna ng hirap na dinaranas natin at daranasin pa natin.
Sinabi ko na kanina na kung sa atin lang, imposible yung ganitong rejoicing. Kasi ang karaniwang akala natin, mapapalitan lang ng kagalakan yung kalungkutan natin kapag mababago na ang circumstances natin sa buhay. Kung malungkot ka dahil wala kang pera, o wala ka pang anak, o wala ka pang asawa, o hindi hindi ka pa napromote, o hindi pa tumitino ang asawa mo, akala natin na mararanasan lang natin ang kagalakan kapag may pera na tayo, o nagkaanak na, o nagkaasawa na, o kapag napromote na, o kapag tumino na ang asawa. Pero ang sinasabi dito ni Pablo ay posible na maranasan natin yung kagalakang iyon “lagi” o “always” (4:4), “sa bawat bagay at sa lahat ng bagay” (4:12 AB), “in any and every circumstance.” Ibig sabihin, yung joy na ito ay hindi nakatali sa kalagayan niya sa buhay. Sabi niya, “Natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap” (4:12 MBB).
Ikaw, gusto mo rin bang matutunang kung ano itong “sikreto” na ‘to?

Saan nakatali ang ganitong kagalakan?

Sagutin natin yung tanong na, “Saan nakatali ang ganitong kagalakan?” Ang short answer dito ay “in the Lord”—nakatali kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus para sa atin. Hindi magbabago yun. That is gospel joy. Tingnan natin ang tatlong pangunahing bagay na paulit-ulit na makikita natin all throughout this letter—yung tatlong aspeto nitong kagalakang nakatali sa gospel.

#1: Our partnership in the gospel

The gospel binds us together. So kahit ano pa ang mangyari sa buhay ng bawat isa sa atin, may dulot na kagalakan yung tinutukoy ni Paul tungkol sa relasyon niya sa mga taga-Filipos, “your partnership in the gospel from the first day until now” (1:5). Yung “partnership” (AB, “pakikiisa”; MBB, “pakikibahagi”) ay galing sa koinonia na karaniwang tinatranslate natin na fellowship. It is a deep bond we share with other Christians, na posible lang dahil sa gospel.
Tulad nina “Paul and Timothy” (1:1), na siyang kasama sa introduction ni Paul. Hindi man niya kasama sa kulungan, pero siya yung inaasahan ni Paul na ipadadala sa kanila as soon as possible para naman magdala ng balita sa kanya tungkol sa kanila (2:19, 23). Unang nakita ni Paul si Timothy sa Lystra, disciple na siya noon (Acts 16:1-3). Kung mababasa n’yo yung mga sulat niya kay Timothy (1-2 Timothy) mapapansin n’yo yung deep bond na meron sila na para bang tatay sa kanyang anak, na binanggit din niya dito sa Phil. 2:22, “Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama.” Mataas ang commendation ni Paul sa kanya, na wala daw katulad si Timothy kung genuine concern sa kapakanan nila ang pag-uusapan (Phil. 2:20). Subok na ang kanyang katapatan sa pagsunod kay Cristo (v. 21). Sabi pa ni Paul tungkol sa kanya, “He has served (douleo, slaved) with me in the gospel” (v. 22), ibig sabihin, buong buhay niya ay nakalaan at nakatali na sa ebanghelyo ni Cristo. That’s a great joy for Paul.
Aside from Timothy, makikita rin natin itong partnership in the gospel kay Epaphroditus na nais din ni Paul na ipadala sa kanila. Itinuturing siya ni Paul na “my brother and fellow worker and fellow soldier, and your messenger and minister to my need” (v. 25). Nag-alala si Epaphroditus nang mabalitaan ng mga Philippians na nagkasakit siya, at muntik na ngang mamatay (vv. 26-27). At bakit gusto ni Paul na siya’y ipadala sa kanila? For their joy, “sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan” (v. 28). Malungkot si Paul hindi dahil sa sarili niyang kalagayan kundi dahil sa pag-aalala o concern sa kalagayan ng mga taga-Filipos, na parang isang magulang na nag-aalala kapag maysakit ang kanyang anak. Nakita n’yo yung partnership in the gospel evident dito kay Epaphroditus at sa mga taga-Filipos? Kaya sabi ni Paul sa kanila, “Kaya tanggapin ninyo siya sa Panginoon nang buong galak; at ang gayong mga tao ay parangalan ninyo, sapagkat dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nabingit siya sa kamatayan, na isinusuong sa panganib ang kanyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin” (vv. 29-30 AB). Si Epaphroditus ay kagalakan para kay Paul at para sa mga taga-Filipos dahil sa common bond na meron sila sa gospel.
At siyempre yung directly na tinutukoy ni Paul at pinasasalamatan niya sa Diyos ay yung mga taga-Filipos mismo. Bakit daw “with joy” ang prayer ni Paul para sa kanila? “Because of your partnership in the gospel from the first day until now” (1:5). Yung first day na yun simula pa kay Lydia na first convert ni Paul sa Philippi (Acts 16:11-15). Kahit na binugbog at kinulong sina Paul at Silas doon (vv. 16-24), naging occasion naman yun para sa conversion ng Philippian jailer at ng kanyang buong pamilya (vv. 25-34). At dun nagsimula yung church sa Philippi, at nagkaroon na rin sila ng mga elders at deacons. Kaya naka-address ang sulat niya na ganito: “To all the saints…with the overseers (bishops, or elders/pastors) and deacons” (1:1). Buong church, all members, lahat ng elders, lahat ng deacons ay ka-partner ni Paul sa gospel ministry.
Kaya nga nung may nabalitaan siyang conflict sa pagitan nina Euodia at Syntyche, na dinescribe ni Paul na nagtrabaho “side by side with me in the gospel” (4:3) at partners talaga in the gospel, nakiusap siya sa kanila na magkasundo “in the Lord” (4:2), at tulungan din naman sila ng church na magkaayos. Kung partners tayong lahat in the gospel, gagawin natin ang lahat ng magagawa natin para matulungan ang bawat isa na magkaayos.
Hindi ito yung partnership na parang sa business. This is deeply personal. Kaya sabi niya sa kanila, “I hold you in my heart, for you are all partakers (synkoinonos) with me of grace, both in my imprisonment and in the defense and confirmation of the gospel” (v. 7). Tinawag niya sila, “my beloved” (2:12), “my brothers, whom I love and long for, my joy and crown…my beloved” (4:1). Partner talaga ang turing din ng mga taga-Filipos kay Pablo, “It was kind of you to share (sygkoinoneo) my trouble” (4:14). Kaya meron silang special place sa puso ni Pablo, merong special bond, “And you Philippians yourselves know that in the beginning of the gospel, when I left Macedonia, no church entered into partnership (koinoneo) with me in giving and receiving, except you only” (4:15).
Now, bakit mahalaga na ipaalala ito ni Pablo sa kanila—itong partnership in the gospel? Ano ang kinalaman nito sa “joy” ng mga taga-Filipos? Kasi kung nakafocus sila sa kalagayan ni Pablo, maaaring ma-overwhelm sila ng sorrow. Pero kung alam nila kung paano ginagamit ng Diyos yung mga sufferings ni Paul “to advance the gospel” (1:12), magiging masaya sila kung yung gospel din na yun ang mahalaga sa kanila nang higit sa lahat. Kaya sabi ni Paul, “Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita” (1:12 MBB). Gusto kong malaman n’yo yan, sabi ni Paul. Hindi nahadlangan ng pagkakulong ko ang cause of the gospel. Marami pa nga ang na-inspire at mas naging matapang sa preaching of the gospel dahil sa nangyari sa kanya. Yung iba siyempre motivated by love (v. 16), pero meron ding iba na hindi maganda ang motibo. Pero para kay Pablo, ah basta, ang pinakamahalaga ay ang maipangaral si Cristo, “Ikinagagalak ko na si Cristo ay naipapangaral” (v. 18 MBB). Kung sa gospel at sa misyon na maipangaral ang mabuting balita ni Cristo nakakabit ang kagalakan natin, then we have a lot of reasons to rejoice kahit na mahirap ang sumunod kay Cristo.
If our sufferings advance the gospel, then we must embrace that calling. Wag nating lalayuan, wag nating iiwasan. If suffering for Christ maximizes our joy in Christ, then we must embrace suffering as part of our calling. Kaya sinabi ni Paul sa kanila, “Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon sa Magandang Balita ni Cristo” (v. 27 MBB). Yan ba ang layunin natin sa buhay natin? Hindi yung magpayaman, hindi yung magpasikat, hindi yung maging kumportable ang buhay, kundi maging “worthy of the gospel of Christ.” Yan din dapat ang basis ng unity natin as a church, “naninindigan sa iisang diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang Balita” (v. 27 MBB). Kung confirmation ng salvation natin itong sufferings na dinaranas natin (v. 28), hindi ba’t magdudulot yun ng kagakalan sa puso natin? Kung ang mga paghihirap natin “alang-alang kay Cristo” (v. 29 MBB) ay kaloob o regalo na galing sa Diyos, hindi ba’t dapat na masaya tayong ipagpasalamat anumang nangyayari sa buhay natin? Suffering is a blessing, kung yung suffering na yun ay for the sake of the gospel. No amount of suffering can rob us of our joy kung yung joy na yun ay nakatali sa gospel at sa relasyon natin sa bawat isa as partners in the gospel.

#2: Our hope of future glory

Yung pangalawa namang tinatalian ng kagalakan natin kaya posible na we rejoice always sa anumang kalagayan sa buhay, gaano man kahirap, ay yung hope na meron tayo na nakakabit sa pangako ng Diyos. Ito yung confidence ni Paul, hindi lang para sa sarili niya, kundi para sa mga Philippians din, “Ako’y panatag sa bagay na ito (ESV, “I am sure of this”), na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa ay siyang magtatapos nito hanggang sa araw ni Jesu-Cristo” (1:6 AB). Nasa Diyos at sa gawa ng Diyos at sa faithfulness ng Diyos na tapusin ang sinimulan niya ang kumpiyansa ni Paul. Ito rin yung gusto ni Paul na maging basis ng confidence and joy nila.
Mahalaga sa pagdidisciple ang pagse-set ng good examples. Kung gusto mong matutunan ng mga dinidisciple mo kung paano yung “rejoicing always,” mahalaga na you model that to them. Pero alam ni Paul na hindi siya ang pinaka-halimbawa na kailangan ng mga taga-Filipos. Kung joy ang pag-uusapan, wala nang mas hihigit pa kay Cristo. At ang nais niya para sa atin, why he’s speaking his words to us right now through the pens of the apostle Paul, ay ito: “that my joy may be in you, and that your joy may be full” (John 15:11). How can we have the joy of Christ? Sabi ni Pablo sa kanila na lubusin ang kagalakan niya by “being of the same mind…of one mind” (Phil. 2:2). Merong pag-iisip na tulad ng kay Cristo (v. 5). We cannot have his joy if we do not possess Christ-like humility (vv. 3-4). Hindi naman talaga tayo magiging masaya kung sariling interes ang una natin iisipin.
So, in vv. 6-11, ipinaalala ni Paul sa kanila yung ginawa ni Cristo. The gospel of Jesus motivates us to be humble like Christ, at sa gayon ay maranasan natin ang joy na katulad ng kay Cristo.
Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. (vv. 6-8 MBB)
Lahat ng hirap na ‘to tiniis niya para tubusin tayo sa kasalanan. This is the gospel. Paano itong napagtiisan ni Cristo? Sabi sa Hebrews, “for the joy that was set before him [he] endured the cross” (Heb. 12:2). At ganun nga ang ginawa ng Diyos sa kanya, from humiliation to exaltation, from suffering to glory:
Dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. (Phil. 2:9-11 MBB)
At ang good news para sa atin ay ito: kung nakikibahagi tayo sa kanyang mga sufferings (“share his sufferings,” koinonia, 3:10), makakaasa tayo na we will also share in the glories of his resurrection (v. 11). Single-minded yung focus ni Paul, na nakatingin siya hindi sa kasalukuyan niyang mahirap na kalagayan o yung mga nakaraang mga naranasan niya. “But one thing I do: forgetting what lies behind and straining forward to what lies ahead, I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ Jesus” (1:13-14). So ganun din ang sinabi niya sa kanila, for the sake of their joy in Christ, na wag nilang i-set yung isip nila sa mga makamundong bagay tulad ng mga unbelievers na ang future na naghihintay sa kanila ay eternal destruction in hell (3:19). Bakit ka mag-iisip na tulad nila, bakit ang isip mo naka-focus sa mga bagay na tulad nila? You have a different future, far greater, infinitely more beautiful kesa sa anumang magandang bagay na mae-enjoy natin sa mundong ito. Ipinapaalala ni Paul sa atin na ang “citizenship” natin ay nasa langit, at “mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo, na siyang magbabago ng ating hamak na katawan upang maging katulad ng katawan ng kanyang kaluwalhatian” (vv. 20-21 AB).
Merong future glory na inaasahan ang bawat isa na nakay Cristo. Kung dito nakakabit ang kagalakan mo, at siguradong-sigurado ito dahil tapat ang Diyos na nangako nito and he is all-powerful and sovereign to make sure na mangyayari ‘to at walang makahahadlang sa kanya, then, sino o ano ang makaaagaw ng kagalakang meron ka kay Cristo? Which brings us to our last point...

#3: The all-satisfying treasure we have in Christ

Yung kagalakang iyon ay nakatali kay Cristo—the all-satisfying treasure we have in Christ. Hindi lang “joy” ang paulit-ulit na salita o idea dito sa Philippians. Hindi lang “partnership in the gospel.” Sa lahat ng ito ay nangingibabaw si Cristo. Paul keeps talking about Christ. In just four short chapters, merong almost 60 references sa pangalan ni “Jesus, Christ.” Hindi naman nakapagtataka kasi siya ay slave of Christ, pag-aari ni Cristo. Nakabilanggo para kay Cristo (1:13). Walang ibang iniisip kundi ang maparangalan si Cristo, even or especially in his sufferings: “that…now as always Christ will be honored (magnified, megaluno) in my body, whether by life or by death” (1:20). To make Christ look great in his life, para makita ng iba kung sino talaga si Cristo, kung gaano siya kadakila at kamangha-mangha. Ang buhay niya ay si Cristo, kaya nasasabi niya, “For to me to live is Christ, and to die is gain” (1:21). Bakit niya ikalulungkot kung mamamatay siya? Yun ay malaking kapakinabangan sa kanya at hindi kalugihan dahil ang ibig sabihin nun ay makakasama na niya si Cristo. Kaya, for him, to “be with Christ” is “far better” (1:23). Walang katulad ang makilala at makasama si Cristo.
Yun naman ay dahil wala talagang katulad si Cristo. Kaya tayo na mga tagasunod ni Cristo siya lang naman talaga ang maipagmamalaki at kung ano ang ginawa niya sa krus para sa atin. We “glory in Christ Jesus” (3:3). Hindi sa sarili at sa mga gawa natin ang kumpiyansa natin. Kahit sinabi ni Paul na may maipagmamalaki siya sa sarili niya kasi impressive yung resume niya kung pagiging relihiyoso at deboto ang pag-uusapan. Pero ang sabi niya, “But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ. Indeed, I count everything as loss because of the surpassing worth of knowing Christ Jesus my Lord. For his sake I have suffered the loss of all things and count them as rubbish, in order that I may gain Christ” (3:7-8). Kung ikukumpara kay Cristo, lahat ng bagay na meron siya ay walang halaga—basura! Kaya mawala man ang lahat-lahat sa atin, kung yun naman ang paraan ng Diyos para marealize natin na si Jesus ang lahat-lahat sa atin, walang katumbas ang kagalakang mararanasan natin dahil walang katumbas ang halaga ni Cristo!
Kaya nga ang command sa atin ay hindi lang “rejoice” but “rejoice in the Lord” (3:1; 4:4) dahil hindi naman natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan nang hiwalay kay Cristo. He alone is all-satisfying. “Delight yourself in the Lord” (Psa. 37:4). “In your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore” (16:11). Hindi kill-joy ang Panginoon, he is your highest joy!

Conclusion: Be serious in your pursuit of joy in Christ.

Imposible ba na maranasan natin ang tunay na kagalakan sa gitna ng kahirapan na nararanasan natin sa pagsunod kay Cristo? Imposible kung itinatali natin yung kagalakan natin sa mga bagay sa mundong ito na maglalaho rin—tulad ng pera, tulad ng asawa, tulad ng anak, tulad ng magandang reputasyon, tulad ng mababait na mga kaibigan. Pero kung yun ay nakatali kay Cristo at sa kanyang ginawa para sa atin, at sa katiyakan ng pangako ng Diyos, posible na makasunod tayo sa utos na “rejoice in the Lord always,” dahil yung joy natin ay nakatali kay Cristo na kailanman ay hindi mawawala o maglalaho sa buhay natin.
Posible, pero mahirap pa rin. We will still struggle to find that joy. Kaya nga sabi ni Paul, “Work out your own salvation with fear and trembling” (2:12). Hindi ibig sabihin na ang kaligtasan natin ay nakadepende sa effort natin. Pero nagpapaalala sa atin na for us to experience yung fullness of this salvation, kasama yung joy na nais ng Diyos na maranasan natin, hindi pwedeng wala tayong gagawin. Kung gusto natin ma-maximize yung joy na yun, kailangang seryosohin natin: Be serious in your pursuit of joy in Christ. Hindi natin usually pinagsasama yung salitang “serious” at yung salitang “joy.” Pero sa Christian life, pwedeng pagsamahin ‘yan, “serious joy.” Seryoso kasi ang nakasalalay dito. Hindi ito biruan lang o tawanan lang o entertainment lang na sandaling andyan, pero mamaya wala na. Seryoso ‘to kasi, if your joy is not in Christ then you will be miserable for all eternity.
Oo may gagawin tayo to take that pursuit of joy seriously. Seseryosohin natin ang pagbabasa ng Bibliya, ang pananalangin, ang pagdalo sa mga gatherings ng church, ang pagdidisciple, ang pakikibahagi sa ministry—para maexpose tayo lalo sa gospel. Pero ang encouragement sa atin ay yung pangako ng Diyos na may gagawin siya to make sure na mararanasan natin yung maximum joy in Christ:
“For it is God who works in you, both to will and to work for his good pleasure” (2:13).
“I can do all things through him who strengthens me” (4:13). Hindi ‘yan pangako na mananalo ka sa basketball, o papasa sa exam. Kundi yung pangako na posibleng maging masaya ka at makuntento ka anuman ang maranasan mo dahil kay Cristo na nagpapalakas sa atin—not physically, but spiritually.
“And my God will supply every need of yours according to his riches in glory in Christ Jesus. To our God and Father be glory forever and ever. Amen” (4:19-20). Bakit ka mag-aalala kung ang Diyos naman pala ang bahala sa lahat ng kailangan mo?
So? Mga kapatid kay Cristo, “Rejoice in the Lord always.” Uulitin ko, “Rejoice in the Lord.”
Related Media
See more
Related Sermons
See more