Gospel Encouragement: The Message of 1 Thessalonians
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
Introduction
Introduction
Lahat tayo ay prone sa discouragements. Although kapag nadidiscourage tayo, minsan hirap tayong aminin. Kapag may nangumusta sa ‘yo, karaniwan nating sagot, “Okay lang.” Pero aminin natin, may mga panahon na pinanghihinaan tayo ng loob. Yun bang parang ayaw mo na, parang gusto mo nang sumuko. Maaaring may kinalaman sa struggle mo sa kasalanan, yun bang parang ginawa mo na ang lahat ng mga attempts to overcome your habitual sins, pero parang defeated pa rin. Ayoko na, pagod na ko, sasabihin mo siguro. O kaya naman kapag sa ministry sa church. Marami ka nang naitulong o nai-contribute sa ministry o sa mga projects o sa pagdidisciple, pero parang walang nakapansin, parang walang naging epekto, o may nasabi pang negatibo sa ginawa mo, hindi ba’t nakapanghihina ng loob?
Dahil prone tayo sa discouragements kaya mahalaga para sa atin na pag-aralan itong sulat ni Paul sa 1 Thessalonians. Actually, very encouraging yung tone ng letter na ‘to. Ilang beses na sasabihin ni Paul na naencourage siya sa kanila, at ineencourage sila ni Paul, at dapat patuloy nilang iencourage ang bawat isa. Makikita natin ‘yan maya-maya.
Pinaniniwalaan ng karamihan na ito ang una o ikawalang sulat ni Pablo. Posibleng nauna ang Galatians. Mababasa natin sa Acts 17:1-9 yung konting detalye ng missionary trip niya sa Thessalonica. Nung nasa Corinth na siya, sandali pa lang siyang nawawala ay sumulat agad siya sa mga believers sa Thessalonica dahil masaya siya sa mga nababalitaan niya tungkol sa kanila. Pero hindi ibig sabihin na okay ang lahat. Meron pa ring mga difficulties sa mga circumstances na posibleng maging source of discouragement ni Paul sa ministry.
Anu-ano ang mga posibleng maging sanhi ng discouragement natin?
Anu-ano ang mga posibleng maging sanhi ng discouragement natin?
Anu-ano yun? At mahalagang makita natin ‘to kasi sometimes we assume na hindi nadidiscourage ang pastor ninyo. Meron din. Alam ng asawa ko yan! Heto ang ilang posibleng maging dahilan:
Kapag parang walang bunga ang ministry (3:5; 2:1).
Yun bang sa dami-dami na ng mga ginawa mong efforts sa ministry, at pagsisikap na maging biblically faithful sa calling na bigay ni Lord, parang walang bunga. Sa halip na madagdagan ang members, nabawasan pa. Kapag may mga under discipline na non-responsive sa admonition ng mga elders. Kapag parang walang epekto yung preaching. Si Pablo rin nag-aalala na baka mawalan ng kabuluhan yung labors niya sa ministry, kaya gusto niyang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila. “Nag-aalala ako na baka natukso na kayo ng diyablo, at kung magkagayo'y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal” (3:5 MBB). But, of course, alam ni Pablo na mismong ang mga believers sa church na yun ang makapagpapatunay “na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo” (2:1). Posibleng maging source of discouragement kapag parang walang bunga ang mga efforts natin sa ministry, pero hindi kailangang maging discouraging.
Kapag maraming paghihirap sa ministry (2:2).
Mahirap naman talaga ang ministry. Mahirap maging misyonero. Sinabi ni Paul sa sulat niya na bago pa man siya makarating sa kanila, alam na nila na nung nasa Philippi sila ay katakut-takot na persecutions na yung naexperience nila—binugbog sila, ikinulong, nilait, pinalayas sa city nila (2:2; nasa Acts 16 ang story niyan). Hindi palaging #SarapMagpastor, kadalasan din #HirapMagpastor. Posible akong madiscourage pag may ganitong mga difficulties, hindi man tulad ng persecutions na naranasan ni Paul pero kung may mga problems sa finances, sa relationships, o emotional stress sa ministry. Pero hindi kailangang mauwi sa discouragement ang mga ‘yan. Pwedeng umayaw na si Paul pagkatapos sa Philippi, pero nagtuloy pa siya sa isa pang city sa Macedonia, yung Thessalonica. Na sa kabila ng mga hirap na naranasan niya na pwedeng makahadlang sa pagpapatuloy niya sa ministry, sabi niya, “binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita” (2:2).
Kapag may mga kumukuwestiyon sa motibo mo sa ministry (2:3-6).
Ito marahil ang pinakamahirap para kay Paul. Kaya mapapansin n’yo sa sulat niya na sobrang personal yung mga inexpress niya dito. This letter “reveals so much of Paul’s mind and heart” (Expositor’s 11:229). Kasi posible na kakaalis pa lang niya ay meron nang mga tao na sinisiraan siya sa kanila. Na magaling lang silang magsalita pero mga manloloko lang pala, mga scammers. Para bang yung mga pastors ngayon na hinihingan lang ng pera yung mga members nila at nagiging effective dahil mahusay silang mambola. Kaya depensa ni Paul sa sarili niya, “Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang layunin, o sa hangad na manlinlang” (2:3). Sinasabi naman ng iba people-pleasers lang itong sila Paul. Kaya response niya, “We speak, not to please man, but to please God who tests our hearts” (2:4); “Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman” (2:6). Hindi rin pera lang ang habol nila gaya ng accusations ng iba, “Alam ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. Saksi namin ang Diyos” (2:5). Posibleng maging discouraging kapag may mga false accusations na ganyan, pero hindi nagpapatinag si Paul.
Tatlo pa lang ‘yan. Sa isang article ni Greg Smith, “Pastors are Quiet Quitting the Church,” na bagamat marami ngang pastors ang nagreresign sa church, marami rin ang hindi man nagresign pero wala nang gana, parang trabaho na lang, at gagawin na lang kung ano ang expected sa kanila. What reasons? Maaaring dahil kulang ang binibigay na financial support, o dahil dinidiscourage sila ng church na magkaroon ng vacation time, o dahil sa walang tigil na mga criticisms, o dahil wala nang espasyo na binibigay sa kanila for their own personal growth.
But of course, tulad ng sabi ko kanina sa simula, discouragement is a shared experience, leader ka man ng church o ordinary member ka ng church. Maraming posibleng dahilan para madiscourage ka, pero hindi kailangang lahat ‘yan ay mauwi sa discouragement. Possible, but not certain ang discouragement dahil merong mga paraan na ginagamit ang Diyos para ibigay sa atin yung encouragement na kailangan natin. God’s solution sa discouragement ay hindi palaging yung alisin ang source or cause of discouragement natin, but to give us the grace we need to encourage us na magpatuloy hanggang sa dulo—hanggang sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus. At isa sa usual means na ginagamit niya ay ang church encouraging one another.
Napakahalagang ministry ang encouragement
Napakahalagang ministry ang encouragement
Kaya naman napakahalagang ministry ang ministry of encouragement sa church. Hindi natin usually naiisip ‘to na isang ministry. Wala naman tayong program na ganito. O walang “deacon of encouragement ministry.” We need a change of mindset sa ganitong ministry. Sabi ni Murray Harris, “Encouragement is one of the most important ministries in the church of the New Testament.” Several times natin itong makikita sa mga letters ni Paul, lalo na dito sa dalang sulat niya sa Thessalonica:
“For you know how, like a father with his children, we exhorted each one of you and encouraged you...” (2:11-12)
“Therefore encourage one another with these words.” (4:18)
“Therefore encourage one another and build one another up, just as you are doing.” (5:11)
“And we urge you, brothers...encourage the fainthearted...” (5:14)
Binanggit ni Ray Ortlund sa kanyang article na “The Surprising Ministry of Encouragement,” na yung salita na usually isinasalin na encourage o pagpapalakas ng loob ay maaaring mangahulugan din na “to comfort, cheer up, console, speak in a friendly manner.” “Throughout, encouragement is about the life-giving power of our shared beliefs and our shared life in the Lord.” Sabi pa niya, “Encouragement is what the gospel feels like as it moves from one believer to another.” Ang mga pastors/elders ang nagli-lead ng ministry of encouragement sa mga members. Ang mga members ay may ministry of encouragement din sa mga church leaders. Itong encouragement ay ministry natin sa isa’t isa. You don’t have an option to sign up sa ministry of encouragement. We are all in this ministry. Ang tanong na lang, are you doing this ministry well or not?
Paano nae-encourage ng mga pastors/elders ang mga church members?
Paano nae-encourage ng mga pastors/elders ang mga church members?
Kapag ibinabahagi ang purong gospel (2:2-5).
Kaming mga pastor ay tulad ni Paul na “entrusted with the gospel” (2:4). Ito kasi ang kailangan ng tao para maligtas. Hindi gospel-gospelan lang, hindi matamis na salita lang (v. 5), hindi prosperity gospel, kundi yung puro. Walang halo. Why? The strength you need comes from the gospel (see Rom. 16:25).
Kapag ibinabahagi ang buong buhay (2:8-9).
Hindi lang “gospel” ang ibinabahagi namin sa inyo. Our ministry is self-giving. Naririto kami sa ganitong ministry hindi dahil sa expectation ng matatanggap namin galing sa inyo, kundi sa hangarin na maibigay ang aming sarili sa inyo. Kaya ikinumpara ni Pablo ang sarili niya, and all ministers of the gospel, sa isang nanay. Ang iniisip ng nanay sa pag-aalaga sa kanyang anak ay hindi yung maisusukli ng anak sa kanya paglaki niya, kundi ito ay bunsod ng pagmamahal niya sa kanyang anak. “But we were gentle among you, like a nursing mother taking care of her own children. So, being affectionately desirous of you, we were ready to share with you not only the gospel of God but also our own selves, because you had become very dear to us” (2:7-8). Kaya dadalawin namin kayo, iimbitahin namin kayo sa bahay namin, we will be friends to some of you. We invited Luis and Jelly last week, they stayed four hours. We just share stories to each other. Nagsasalu-salo tayo hindi lang sa pagkain kundi sa kuwento at buhay ng bawat isa sa atin.
Kapag nagpapakita ng magandang halimbawa (2:10).
At kapag napapalapit ang relasyon natin sa isa’t isa, mas nakikilala n’yo kami. Kapag madadalaw kayo sa bahay namin, makikita n’yo kung paano kami makitungo sa asawa namin, sa mga anak namin, and we will share to you some stories. And hopefully maging maganda kaming halimbawa sa inyo na pwede n’yong tularan. Hind lang kung paano maging pastor, kundi paano maging asawa, paano maging tatay, paano maging kaibigan, paano maging isang Kristiyano na lumalago na katulad ni Cristo. Kaya sabi ni Paul sa kanila, “Saksi ang Diyos at saksi rin namin kayo, kung paanong naging dalisay, matuwid, at walang kapintasan ang aming pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya” (2:10). We are far from perfect. Baka nga may mabalitaan kayo na imperfections and weaknesses namin na baka maging discouraging sa inyo. Pero sana’y nakikita ninyo kung paano ang salita ng Diyos ay makapangyarihang bumabago sa buhay namin. At itong mga salitang ito ang sinisikap din naming ituro sa inyo.
Kapag matiyagang nagtuturo kung paano mamuhay nang nakalulugod sa Diyos (2:11-12; 3:1-4; 4:1-12; 5:12-22).
Meron kaming God-given authority as elders ng church na dapat naming gamitin para sa ikabubuti ninyo. At makakabuti sa inyo yung palagiang pagtuturo kung paano mamuhay bilang tagasunod ni Cristo. Unlike sa ibang sulat ni Paul tulad ng Romans, Ephesians, at Colossians na yung mga instructions sa Christian living ay nakareserve sa last part after exposition ng gospel, dito sa sulat ni Paul sa 1 Thessalonians ay sprinkled all throughout. Hindi lang siya isang apostol sa kanila, siya ay isang parang tatay na pinapangaralan at tinuturuan ang anak para maging responsable sa buhay. “Tulad ng alam ninyo, kami'y naging parang ama sa bawat isa sa inyo. Pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at inatasan na mamuhay nang kalugud-lugod sa paningin ng Diyos na tumawag sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian” (2:11-12).
Heto pa: “Kaya nga, mga kapatid, isa pang bagay ang ipinapakiusap namin at ipinapayo sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Sana'y lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong pamumuhay ngayon, sang-ayon sa inyong natutunan sa amin, upang kayo'y maging kalugud-lugod sa Diyos. Alam naman ninyo kung ano ang mga katuruang ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Jesus” (4:1-2). The goal of our teaching? Para matulungan kayo na mamuhay ng buhay na kalugud-lugod sa Diyos. Ano ang kalooban ng Diyos? Na tayo’y “maging banal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan” (4:3). “Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan” (4:7). Kaya kung pinagsasabihan kayo ng mga elders ng church na wag makipagrelasyon sa unbelievers, na iwasan ang premarital sex, na makipag-usap sa amin if you’re struggling sa porn, o may problema sa relasyon n’yong mag-asawa, wag n’yong isiping pinanghihimasukan namin basta-basta ang buhay n’yo. We care to you like a father to his children. Hindi ba kayo natutuwa na meron kayong mga spiritual fathers na nag-aalaga sa inyo at may pakialam kung paano kayo mamuhay?
Sandali lang naman yung time ni Paul sa kanila noon. So marami pa siyang hindi naituro sa kanila, na siyang itinuturo niya naman sa pamamagitan ng dalawang sulat niya. Pero bago pa siya sumulat, noong nasa Athens siya ay ipinadala niya si Timothy sa kanila (kaya kasama siya saka si Silas sa pagbati ni Paul, 1:1). Para ano? “Upang patatagin kayo at palakasin ang inyong loob alang-alang sa inyong pananampalataya” (3:2). Dahil nga mahalaga ang roles ng mga tagapagturo sa church—tulad ng ginagawa ko, at hindi lang ako, pati ang ibang mga elders at ibang church leaders na nakakatuwang sa pagtuturo— kaya sinabi rin ni Paul sa kanila na “igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain” (5:12-13)
I hope na nae-encourage kayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga elders ninyo (at ng iba pang church leaders) na nagbabahagi sa inyo ng buong gospel, nagbabahagi sa inyo ng kanilang buong buhay, na nagpapakita ng magandang halimbawa sa inyo, at nagtuturo kung paano kayo makapamumuhay nang nakalulugod sa Diyos.
Paano nae-encourage ng mga church members ang mga pastors/elders?
Paano nae-encourage ng mga church members ang mga pastors/elders?
We elders lead in the ministry of encouragement. Pero kayo rin ay nagiging malaking encouragement naman sa amin. Sa anu-anong paraan?
Kapag tinatanggap ang turo bilang salita ng Diyos (2:13).
Sinisikap naming ituro sa inyo hindi ang sarili naming opinyon, kundi kung ano ang sinasabi ng salita ng Diyos. Kaya encouraging sa amin kapag nakikinig kayo sa itinuturo namin at nasasabik na pakinggan kung ano ang sinasabi ng Diyos—at hindi yung postura na walang interes sa salita ng Diyos. Ganito ang sabi ni Paul sa kanila, “Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap bilang salita ng tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos...” (2:13). Tulad kapag meron sa inyo lalapit sa preacher after ng worship service, “Salamat po pastor, busog na busog po ako sa salita ng Diyos ngayon. Salamat at ipinakita n’yo sa amin kung sino si Cristo, ipinaalala kung ano ang ginawa niya, at tinuturuan kami kung paano tumugon sa kanyang salita.” That is greatly encouraging to hear. Pero alam n’yo ba na meron pang mas encouraging dun? Kapag ang salita ng Diyos ay nakikita naming bumabago sa buhay ninyo. Kaya karugtong ng sinabi ni Paul, “…at ang bisa nito’y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya.” Very encouraging na makita na hindi nawawalan ng kabuluhan ang preaching of the gospel—na hindi lang ito puro salita, kundi evident ang “kapangyarihan ng Espiritu Santo” (1:5). Hindi sa pamamagitan ng mga miraculous healings o kung anu-anong “manifestations” o “emotional experiences” kundi sa pamamagitan ng bungang nakikita sa buhay ng bawat isa sa inyo.
Kapag may nakikitang bunga ng pananampalataya, pag-ibig at pag-asa (1:2-10).
Ito naman ang laman ng pagpapasalamat ni Paul sa simula ng sulat niya. “Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin. Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa dahil sa inyong pananampalataya, ang inyong pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo” (1:2-3). Hindi lang yung basta sinabi mong believer ka at nagpa-baptize ka, kundi nakikita yung “gawa dahil sa inyong pananampalataya.” Yung merong pruweba na ikaw nga ay “pinili ng Diyos” (v. 4).
Hindi lang din yung sinasabi mong you love the church, pero sa actions na pinapakita mo andun yung “labor of love” (1:3). Very encouraging kay Paul na hindi na sila kailangang pagsabihan pa tungkol sa pagmamahal sa isa’t isa: “Tungkol naman sa pag-ibig na dapat iukol sa mga kapatid, hindi na kailangang paalalahanan pa kayo dahil itinuro na sa inyo ng Diyos kung paano kayo magmahalan. At ito na nga ang ginagawa ninyo sa mga kapatid sa buong Macedonia. Gayunman, ipinapakiusap pa rin namin sa inyo, mga kapatid, na pag-ibayuhin pa ninyo ang inyong pag-ibig” (4:9-10). Sabi ni Paul, “You already love one another. Obvious! So, do it more and more!”
Hindi lang yung nakakanta mo yung “Christ Our Hope in Life and Death” at narerecite yung sagot sa first question sa Heidelberg Catechism, “What is your only comfort in life and death?” o sa New City Catechism, “What is your only hope in life and death?” Kundi yung evident talaga yung “steadfastness of hope in our Lord Jesus Christ” (1:3) sa buhay n’yo. Sa kabila ng “napakaraming paghihirap, tinanggap ninyo ang salita ng Diyos nang may kagalakan” (1:6). Marami kayong pwedeng idahilan para hindi pumunta dito, pero nandito kayo at masaya na nakikinig ng salita ng Diyos! At sa hirap ng buhay ngayon, mas lalo pa kayong nasasabik sa pagbabalik ng Panginoong Jesus (1:10). Tingnan n’yo ang effect nito kay Paul, “Nabubuhayan kami ng loob kapag kayo’y nananatiling matatag sa pananampalataya” (3:8). Literally, “Nabubuhay kami...” (AB); “For now we live, if you are standing fast in the Lord” (ESV). Yung nananatili kayo kay Cristo hanggang ngayon, kahit may mga times na gusto mo nang mag-give up, seeing that is not just encouraging for us, but life-giving.
Kapag tumutulad sa magandang halimbawa at nagiging magandang halimbawa na rin sa iba (2:14; 1:6-7).
Natutuwa si Paul dahil hindi lang sila basta nakikinig sa turo niya, kundi dahil “sinundan ninyo ang aming halimbawa at ang halimbawa ng Panginoon” (1:6 MBB). Pati yung suffering for the gospel sinundan nila! Napakaencouraging sa isang nagdidisciple kapag ang dinidisciple niya ay nagiging katulad din niya (at ni Cristo siyempre!). Encouraging na mabalitaan tulad sa fellowship ng mga pastoral training students namin kahapon na sila ay mas nagiging diligent din sa pag-aaral at pagtuturo ng salita ng Diyos tulad ng itinuturo at minomodelo namin sa kanila. At lalong mas encouraging kapag nabalitaan namin na kayo na ang tinutularang halimbawa ng iba. It is like our labors are multiplied in the lives of others sa pamamagitan n’yo. “Kaya't naging huwaran kayo ng mga mananampalataya sa Macedonia at Acaya, sapagkat hindi lamang ang salita ng Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo. Ang inyong pananampalataya sa Diyos ay nabalita rin sa lahat ng dako” (1:7-8). Naencourage ako ng marinig ko ang prayer ng anak ko sa prayer meeting last Friday. Naencourage ako pag narinig kong magpreach ang mga younger preachers na nakasentro kay Cristo. So sweet to hear. So beautiful to see.
I hope by now mas lalo ninyong nakikita kung gaano kahalaga yung ministry of encouragement. Lahat tayo naka-signup na dito. We elders lead in this ministry. Lahat kayo you participate in this ministry.
Paano nakakonekta ang encouragement sa gospel at sa muling pagbabalik ni Jesus (4:13-18; 5:1-11)?
Paano nakakonekta ang encouragement sa gospel at sa muling pagbabalik ni Jesus (4:13-18; 5:1-11)?
Klaro na rin sana na we cannot be effective encouragers without the gospel. Hindi lang ito tungkol sa mga positive words like, “Kaya mo ‘yan! Just think positive.” Empty rin yun kung wala si Cristo. Kaya nga ang definition ni Ray Ortlund ay ito, “Encouragement is what the gospel feels like as it moves from one believer to another.” Kaya nga isa sa highlight ng sulat na ito ni Paul ay hindi lang yung aspect ng gospel tungkol sa natapos ng ginawa ni Cristo—yung kanyang death and resurrection. Merong special emphasis sa future aspect ng gospel—yung muling pagbabalik ni Cristo. Nakakonekta rin naman itong past and future aspect ng gospel. Sigurado tayo na babalik si Cristo dahil siya ay muling binuhay ng Diyos (1:10; 4:14). Throughout this letter andun yung anticipation ni Paul, at gusto niyang maging anticipation din nila, sa muling pagbabalik ni Jesus (1:10; 2:19; 3:13; 4:15; 5:23).
Ano naman ang kinalaman nitong second coming ni Cristo sa ministry of encouragement? Merong dalawang major sections dito tungkol sa eschatology o yung doktrina tungkol sa mga mangyayari sa huling araw (eschaton). Yung una ay sa 4:13-18, “ang mga katotohanan tungkol sa mga namatay na” (v. 13). Yung ikalawa ay sa 5:1-11, “tungkol sa oras at mga panahon” (v. 1 AB), “the day of the Lord” (v. 2). Now, eto yung mga topics sa eschatology na karaniwan ay pinagtatalunan ng iba, di napagkakasunduan yung mga detalye, at nakalilito pa sa iba—kapag pinag-uusapan yung tungkol sa rapture, millenium, tribulation, kung meron ba niyan talaga, kung ano ang mauuna, kung ano ang mangyayari sa Israel. I’m not saying hindi mahalagang pag-usapan. At baka nga pag-usapan natin yung ibang details niyan sa 2 Thessalonians.
Pero at this point, gusto ko muna makita n’yo kung paanong yung mga mangyayari sa future ay hindi natin dapat ikalito, ikamot ng ulo, o ikatakot. Pero kung wala ka kay Cristo, dapat lang na matakot ka. There is wrath to come. Nakakatakot yun. And you need a rescuer. His name is Jesus. Wala nang iba. If you are in Christ, kung ang tiwala mo ay nasa kanya, these words are deeply encouraging. Kaya nga sa dulo ng dalawang sections na yun sabi ni Paul, “Therefore encourage one another with these words…Therefore encourage one another” (4:18; 5:11). Baka kasi nalulungkot sila sa mga kasama nilang namatay na na para bang wala nang pag-asa (4:13). Hindi ba’t encouraging na marinig na sila ay muling bubuhayin ng Diyos na tulad ni Jesus (4:14, 16) sa kanyang muling pagbabalik? At kung madatnan tayong buhay sa araw na yun, isasama rin tayo at makakasama natin ang Panginoon magpakailanman (4:17). Oo nga’t magiging mahirap ang mga araw bago yun (5:2-8), pero tandaan natin na “hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito” (5:9-10). So, we encourage one another by reminding each other, lalo na sa panahong hirap na hirap ang mga kapatid mo kay Cristo at parang gusto nang sumuko, “Si Cristo na muling babalik ang tangi nating pag-asa sa buhay at sa kamatayan, our hope in life and death.”
Paano natin ie-encourage ang bawat isa?
Paano natin ie-encourage ang bawat isa?
With that in mind, let me end with some concluding practical applications kung paano pa natin mas mae-encourage ang bawat isa.
Ibabad natin ang isa’t isa sa mga katotohanan ng Salita ng Diyos (4:18; 5:27).
Minsan hirap na hirap tayo kung ano ang sasabihin sa isang tao na nadidiscouraged. Nag-aalala pa tayo baka sa halip na makatulong ay makasama pa. Heto na ang salita ng Diyos, sapat at makapangyarihan. Mas kailangan natin ang salita ng Diyos kaysa salita ng tao. Hindi lang ito salita ni Paul, merong apostolic authority na galing sa Diyos, kaya tinatanggap natin na salita ng Panginoon (2:13). Kaya sabi ni Paul, “Encourage one another with these words” (4:18). Kaya sabi ni Paul sa kanila na tiyakin na basahin ang sulat niya sa lahat ng mga kapatid sa Panginoon (5:27). So, ibabad natin o i-marinate ang isa’t isa sa mga salita ng Diyos para mas maging malasa at matikman natin ang sarap ng encouragement na galing sa Diyos.
Ikuwento natin sa isa’t isa kung paanong ang buhay natin ay binabago ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos (1:9; 3:5-6).
Na-encourage si Paul kasi merong “nagbabalita” at “nagsasabi” tungkol sa faith ng mga Thessalonians (1:9). Yan ang mainam na pagma-Marites. Tinanong ni Paul si Timothy kung ano ang latest sa kanila, sinabi naman ni Timothy yung good news about them (3:5-6). Mas naencourage si Paul kasi merong nagkuwento sa kanya. E paano kung hindi niya nabalitaan? Kaya wag tayong maging maramot sa pagkukuwento ng ginagawa ng Diyos sa buhay natin at sa buhay ng mga kapatid natin. Magkuwentuhan tayo hindi lang ng kung anu-ano kundi ng kung paanong ang buhay natin at buhay ng iba ay binabago ng salita ng Diyos. Dahil kay Timothy, nasabik ang mga Thessalonians na makita si Paul, nasabik si Paul na makita sila (3:6), para mas lalo pa silang ma-encourage. So...
Magpakita ka (2:17-20; 3:9-10; 5:26).
Wag kang absent ng absent sa mga gatherings. Gusto mong maencourage at maka-encourage? Just show up. Mas masaya si Paul kapag makita sila “face to face” (2:17). Yun lagi ang prayer niya, “that we may see you face to face” (3:10). How can you “greet all the brothers with a holy kiss (greetings nila nun yun!) (5:26) kung hindi ka magpapakita? Di ba’t naexperience natin na hindi ganun ka-encouraging na makita ang mga kapatid natin sa Zoom kung ikukumpara sa makita natin sila nang mukhaan! Wag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin, make sure na kapag may gathering ang church as much as possible ay nandyan ka (Heb. 10:24-25). You want to maximize encouragement sa ‘yo at sa iba? Sabihin mo sa katabi mo, “Wag kang aabsent ha!”
Ipanalangin natin ang bawat isa (1:2; 3:10-13; 5:23-25, 28)
Tulad ng ginagawa ni Paul all throughout this letter. Sinasabi niya sa kanila na ipinagpepray niya sila “constantly” (1:2) and “most earnestly” (3:10). At ipinagpray sila ni Paul sa letter niya na mas patatagin pa sila ng Diyos (3:13) at pabanalin hanggang sa pagbabalik ni Cristo (5:23). Bakit mahalaga ‘to? Kasi human encouragement will always fall short. May pagkakataon hindi tayo nae-encourage sa church o sa nangyayari sa church. Pero sa pananalangin, we remind each other na tapat ang tumawag sa atin (5:24). He is “the God of endurance and encouragement” (Rom. 15:5). That is why we keep praying for each other. Kaming mga elders nagsisikap na ipanalangin kayo araw-araw, during our elders meeting, kapag magkita kami ni Ptr. Marlon sa church office. So we all pray for one another. Gamitin natin ang members directory na prayer book. At sabihin natin sa iba na ipinagpepray natin sila. Naghihintay ako ng may magsasabi sa akin, “Pastor, I prayed for you.” You need to realize how encouraging for me to hear those simple words. After worship service, lapit kayo sa amin, pagpray namin kayo. Pagpray natin ang bawat isa right here right now.
Napakahalaga ng ministry of encouragement. Sabi nga ni Ray Ortlund, wala pang nagdusa dahil sa sobra-sobrang encouragement na nareceive niya, “I have never met anyone suffering from too much encouragement in Christ.” Wag nating ipagdamot ang ministeryong ito sa isa’t isa.