Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.07UNLIKELY
Disgust
0.07UNLIKELY
Fear
0.12UNLIKELY
Joy
0.17UNLIKELY
Sadness
0.57LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.17UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.41UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.18UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
Lahat tayo ay prone sa discouragements.
Although kapag nadidiscourage tayo, minsan hirap tayong aminin.
Kapag may nangumusta sa ‘yo, karaniwan nating sagot, “Okay lang.”
Pero aminin natin, may mga panahon na pinanghihinaan tayo ng loob.
Yun bang parang ayaw mo na, parang gusto mo nang sumuko.
Maaaring may kinalaman sa struggle mo sa kasalanan, yun bang parang ginawa mo na ang lahat ng mga attempts to overcome your habitual sins, pero parang defeated pa rin.
Ayoko na, pagod na ko, sasabihin mo siguro.
O kaya naman kapag sa ministry sa church.
Marami ka nang naitulong o nai-contribute sa ministry o sa mga projects o sa pagdidisciple, pero parang walang nakapansin, parang walang naging epekto, o may nasabi pang negatibo sa ginawa mo, hindi ba’t nakapanghihina ng loob?
Dahil prone tayo sa discouragements kaya mahalaga para sa atin na pag-aralan itong sulat ni Paul sa 1 Thessalonians.
Actually, very encouraging yung tone ng letter na ‘to.
Ilang beses na sasabihin ni Paul na naencourage siya sa kanila, at ineencourage sila ni Paul, at dapat patuloy nilang iencourage ang bawat isa.
Makikita natin ‘yan maya-maya.
Pinaniniwalaan ng karamihan na ito ang una o ikawalang sulat ni Pablo.
Posibleng nauna ang Galatians.
Mababasa natin sa Acts 17:1-9 yung konting detalye ng missionary trip niya sa Thessalonica.
Nung nasa Corinth na siya, sandali pa lang siyang nawawala ay sumulat agad siya sa mga believers sa Thessalonica dahil masaya siya sa mga nababalitaan niya tungkol sa kanila.
Pero hindi ibig sabihin na okay ang lahat.
Meron pa ring mga difficulties sa mga circumstances na posibleng maging source of discouragement ni Paul sa ministry.
Anu-ano ang mga posibleng maging sanhi ng discouragement natin?
Anu-ano yun?
At mahalagang makita natin ‘to kasi sometimes we assume na hindi nadidiscourage ang pastor ninyo.
Meron din.
Alam ng asawa ko yan! Heto ang ilang posibleng maging dahilan:
Kapag parang walang bunga ang ministry (3:5; 2:1).
Yun bang sa dami-dami na ng mga ginawa mong efforts sa ministry, at pagsisikap na maging biblically faithful sa calling na bigay ni Lord, parang walang bunga.
Sa halip na madagdagan ang members, nabawasan pa.
Kapag may mga under discipline na non-responsive sa admonition ng mga elders.
Kapag parang walang epekto yung preaching.
Si Pablo rin nag-aalala na baka mawalan ng kabuluhan yung labors niya sa ministry, kaya gusto niyang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila.
“Nag-aalala ako na baka natukso na kayo ng diyablo, at kung magkagayo'y mawawalan ng kabuluhan ang aming pagpapagal” (3:5 MBB).
But, of course, alam ni Pablo na mismong ang mga believers sa church na yun ang makapagpapatunay “na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo” (2:1).
Posibleng maging source of discouragement kapag parang walang bunga ang mga efforts natin sa ministry, pero hindi kailangang maging discouraging.
Kapag maraming paghihirap sa ministry (2:2).
Mahirap naman talaga ang ministry.
Mahirap maging misyonero.
Sinabi ni Paul sa sulat niya na bago pa man siya makarating sa kanila, alam na nila na nung nasa Philippi sila ay katakut-takot na persecutions na yung naexperience nila—binugbog sila, ikinulong, nilait, pinalayas sa city nila (2:2; nasa Acts 16 ang story niyan).
Hindi palaging #SarapMagpastor, kadalasan din #HirapMagpastor.
Posible akong madiscourage pag may ganitong mga difficulties, hindi man tulad ng persecutions na naranasan ni Paul pero kung may mga problems sa finances, sa relationships, o emotional stress sa ministry.
Pero hindi kailangang mauwi sa discouragement ang mga ‘yan.
Pwedeng umayaw na si Paul pagkatapos sa Philippi, pero nagtuloy pa siya sa isa pang city sa Macedonia, yung Thessalonica.
Na sa kabila ng mga hirap na naranasan niya na pwedeng makahadlang sa pagpapatuloy niya sa ministry, sabi niya, “binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita” (2:2).
Kapag may mga kumukuwestiyon sa motibo mo sa ministry (2:3-6).
Ito marahil ang pinakamahirap para kay Paul.
Kaya mapapansin n’yo sa sulat niya na sobrang personal yung mga inexpress niya dito.
This letter “reveals so much of Paul’s mind and heart” (Expositor’s 11:229).
Kasi posible na kakaalis pa lang niya ay meron nang mga tao na sinisiraan siya sa kanila.
Na magaling lang silang magsalita pero mga manloloko lang pala, mga scammers.
Para bang yung mga pastors ngayon na hinihingan lang ng pera yung mga members nila at nagiging effective dahil mahusay silang mambola.
Kaya depensa ni Paul sa sarili niya, “Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang layunin, o sa hangad na manlinlang” (2:3).
Sinasabi naman ng iba people-pleasers lang itong sila Paul.
Kaya response niya, “We speak, not to please man, but to please God who tests our hearts” (2:4); “Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman” (2:6).
Hindi rin pera lang ang habol nila gaya ng accusations ng iba, “Alam ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman.
Saksi namin ang Diyos” (2:5).
Posibleng maging discouraging kapag may mga false accusations na ganyan, pero hindi nagpapatinag si Paul.
Tatlo pa lang ‘yan.
Sa isang article ni Greg Smith, “Pastors are Quiet Quitting the Church,” na bagamat marami ngang pastors ang nagreresign sa church, marami rin ang hindi man nagresign pero wala nang gana, parang trabaho na lang, at gagawin na lang kung ano ang expected sa kanila.
What reasons?
Maaaring dahil kulang ang binibigay na financial support, o dahil dinidiscourage sila ng church na magkaroon ng vacation time, o dahil sa walang tigil na mga criticisms, o dahil wala nang espasyo na binibigay sa kanila for their own personal growth.
But of course, tulad ng sabi ko kanina sa simula, discouragement is a shared experience, leader ka man ng church o ordinary member ka ng church.
Maraming posibleng dahilan para madiscourage ka, pero hindi kailangang lahat ‘yan ay mauwi sa discouragement.
Possible, but not certain ang discouragement dahil merong mga paraan na ginagamit ang Diyos para ibigay sa atin yung encouragement na kailangan natin.
God’s solution sa discouragement ay hindi palaging yung alisin ang source or cause of discouragement natin, but to give us the grace we need to encourage us na magpatuloy hanggang sa dulo—hanggang sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus.
At isa sa usual means na ginagamit niya ay ang church encouraging one another.
Napakahalagang ministry ang encouragement
Kaya naman napakahalagang ministry ang ministry of encouragement sa church.
Hindi natin usually naiisip ‘to na isang ministry.
Wala naman tayong program na ganito.
O walang “deacon of encouragement ministry.”
We need a change of mindset sa ganitong ministry.
Sabi ni Murray Harris, “Encouragement is one of the most important ministries in the church of the New Testament.”
Several times natin itong makikita sa mga letters ni Paul, lalo na dito sa dalang sulat niya sa Thessalonica:
“For you know how, like a father with his children, we exhorted each one of you and encouraged you...” (2:11-12)
“Therefore encourage one another with these words.”
(4:18)
“Therefore encourage one another and build one another up, just as you are doing.”
(5:11)
“And we urge you, brothers...encourage the fainthearted...” (5:14)
Binanggit ni Ray Ortlund sa kanyang article na “The Surprising Ministry of Encouragement,” na yung salita na usually isinasalin na encourage o pagpapalakas ng loob ay maaaring mangahulugan din na “to comfort, cheer up, console, speak in a friendly manner.”
“Throughout, encouragement is about the life-giving power of our shared beliefs and our shared life in the Lord.”
Sabi pa niya, “Encouragement is what the gospel feels like as it moves from one believer to another.”
Ang mga pastors/elders ang nagli-lead ng ministry of encouragement sa mga members.
Ang mga members ay may ministry of encouragement din sa mga church leaders.
Itong encouragement ay ministry natin sa isa’t isa.
You don’t have an option to sign up sa ministry of encouragement.
We are all in this ministry.
Ang tanong na lang, are you doing this ministry well or not?
Paano nae-encourage ng mga pastors/elders ang mga church members?
Kapag ibinabahagi ang purong gospel (2:2-5).
Kaming mga pastor ay tulad ni Paul na “entrusted with the gospel” (2:4).
Ito kasi ang kailangan ng tao para maligtas.
Hindi gospel-gospelan lang, hindi matamis na salita lang (v.
5), hindi prosperity gospel, kundi yung puro.
Walang halo.
Why?
The strength you need comes from the gospel (see Rom. 16:25).
Kapag ibinabahagi ang buong buhay (2:8-9).
Hindi lang “gospel” ang ibinabahagi namin sa inyo.
Our ministry is self-giving.
Naririto kami sa ganitong ministry hindi dahil sa expectation ng matatanggap namin galing sa inyo, kundi sa hangarin na maibigay ang aming sarili sa inyo.
Kaya ikinumpara ni Pablo ang sarili niya, and all ministers of the gospel, sa isang nanay.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9