Exposition of Luke 24:13-35
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
Introduction: “The Secret of the Burning Heart”
Introduction: “The Secret of the Burning Heart”
Noong medyo bata pa ko, mahilig ako sa mga youth camps. Taun-taon yan. It’s a great spiritual experience for me. Habang nasa camp at mga ilang linggo pagkatapos, talaga namang mainit na mainit ako sa Panginoon. Masipag sa paglilingkod. Laging may Quiet Time with God. Kaso, lumalamig ulit. Oo, active pa rin sa ministry, pero I don’t feel as close to God as he wants me to be. Nangyayari din iyan kahit nagpapastor na ko.
I think this is one of the problems sa Christian life natin. Para bang naghihintay tayo ng mga emotional hypes tulad ng youth camp, o Worship Night, o every Sunday na worship experience. Oo nga’t nakakatulong ang mga yan para mag-init tayo sa Diyos. Pero paano ang araw-araw na experiences natin. Pag nasa bahay na, sa trabaho o sa school? Ang init na pansamantalang naramdaman natin, lumalamig, natatabunan ng kaabalahan at mga alalahanin sa buhay.
Kailangang matutunan natin ang tinatawag ni Oswald Chambers na “secret of the burning heart.” Sabi niya:
We need to learn this secret of the burning heart. Suddenly Jesus appears to us, fires are set ablaze, and we are given wonderful visions; but then we must learn to maintain the secret of the burning heart— a heart that can go through anything. It is the simple, dreary day, with its commonplace duties and people, that smothers the burning heart— unless we have learned the secret of abiding in Jesus. (Oswald Chambers)
Mananatiling mainit ang puso natin kung tayo ay nananatili malapit kay Jesus. Sabi niya sa John 15:4, “Abide in me.” At mananatili tayo sa kanya kung nananatili at palagi natin napapakinggan ang kanyang mga salita, “my words abide in you” (v. 7).
May init na naramdaman ang dalawang disciples ni Jesus na naglalakad patungong Emmaus mula sa Jerusalem, araw ng Linggo, nang mabalitang muling nabuhay si Jesus. Nakasulat ito sa Luke 24:13-35. Nagpakita sa kanila si Jesus. Noong una, hindi nila nakilala. Pero nang nakilala na nila at pagkatapos ay nawala na sa paningin nila, sabi nila sa isa’t isa,
“Did not our hearts burn within us while he talked to us on the road, while he opened to us the Scriptures” (v. 32)?
Ordinaryong araw para sa kanila. Hindi pa nila naiintindihang mabuti noon kung gaano ka-espesyal ang mga nangyari. Naglalakad sila. Nagkukuwentuhan. Pero nag-init ang puso nila. Sa Tagalog translation, “magandang pakiramdam.” Pero higit pa doon. Yun bang parang init na nararamdaman mo kapag nagagalit ka, o init na nararamdaman mo kapag nadidikit ang katawan mo sa asawa mo. Fire. Intense emotion. Mainit na relasyon kay Jesus ang naranasan ng dalawang disciples na ‘to.
At ang nais ng Diyos hindi lang para sa kanila kundi para sa lahat sa ating mga disciples ng Panginoon. Paano nangyari iyon sa kanila? “While he opened to us the Scriptures.” Salita ng Diyos ang kailangan. Hindi lang basta buksan ang Bibliya at basahin, kundi intindihin, namnamin, at sa pamamagitan nito ay mas ma-in love sa Panginoong Jesus. Oo nga’t flattered ako kapag may nag-aaffirm sa inyo na malinaw n’yong naririnig ang salita ng Diyos, mas nakikilala n’yo si Jesus, naaantig ang puso n’yo, nag-iinit kayo sa Panginoon every Sunday. Pero ayaw naman ng Diyos na every Sunday lang iyan. Dapat every day. At hindi lang ako ang mag-aaral ng Salita ng Diyos. Tuturuan ko din kayo kung paano pag-aralan ito sa sarili n’yo.
Dapat tama ang approach natin sa pag-aaral nito. Dito sa kuwento natin ngayon, nasa dulo na tayo ng Gospel of Luke. Marami tayong matututunan sa kuwentong ito. But I just want to highlight kung anong approach dapat natin every time na magbabasa tayo ng Bibliya.
I. (Setting/Beginning of Story) The Initiative of Jesus (vv. 13-15)
I. (Setting/Beginning of Story) The Initiative of Jesus (vv. 13-15)
Verses 13-14, nangyari ‘to Linggo ng umaga siguro o sa hapon. Kapag Sunday, special sa atin. Pero sa kanila, ordinary lang. First day of the week. Katatapos lang ng Sabbath at higit pa doon, yung annual Passover Feast. Parang Jan. 2 sa atin, katatapos lang ng holiday season. Ordinary day na ulit. Dalawa sa mga disciples ni Jesus nag-uusap. Hindi mga apostol malamang. Ang isa ay si Cleopas (v. 18), pero ang isa di pinangalanan. Mga ordinaryong tao lang. Nag-uusap, nagkukuwentuhan tungkol sa nangyari. Nang ipako si Jesus sa krus at mabalitang muling nabuhay. Parang ordinaryong kuwentuhan lang. But something extraordinary happened. “While they were talking and discussing together, Jesus himself drew near and went with them” (v. 15).
Si Jesus ang nag-initiate nito. At kapag si Jesus na ang nasa eksena, walang ordinary dun. At ito ang gusto ni Jesus. Hindi siya etsa-puwera. Madalas nakakaligtaan natin siya kapag busy na. So may paanyaya siya sa atin. Jesus invites us to intimacy. Gusto niyang lumapit sa atin. He wants to spend time with us. Yan ang calling niya sa mga disciples niya. Yan ang nakita nating halimbawa ni Mary na kapatid ni Martha, sa pag-upo niya sa paanan ni Jesus at sa pakikinig sa kanyang salita (10:38-42). Yan ang dahilan kung bakit namatay si Jesus. “For Christ also suffered once for sins, the righteous for the unrighteous, that he might bring us to God” (1 Pe 3:18).
Anong kinalaman nito sa Bible reading mo? Everyday, gusto ng Diyos makipag-date sa iyo, solohin ka. So, bantayan mo ang oras mo sa kanya. Gawin mo man sa umaga, sa tanghali o sa gabi, guard that time. It’s a special time with God. At kapag nagbasa ka na ng Bible, hindi lang para icheck ang reading plan mo. Your goal is to have communion with God. To go deeper in your intimacy with Jesus.
II. (Problem Introduced) The Problem of Recognition (v. 16)
II. (Problem Introduced) The Problem of Recognition (v. 16)
Ang kaso, kapag nagbabasa tayo may problema ang mata natin. Hindi 20/20 ang vision natin. May mga oras na di natin maintindihan. Hindi natin makita kung paano nagpapakilala ang Diyos sa atin. Yan din ang problema ng dalawang lalaking ito sa kuwento. Nagpakita sa kanila si Jesus, nakipag-usap, kaso? Verse 16, “But their eyes were kept from recognizing him.” Hindi dahil malabo ang mata nila at wala silang salamin. Hindi rin dahil nagpa-facial surgery si Jesus. This was a supernatural work of God. It was God who keep them from seeing. Ganoon din nang ikuwento ni Jesus dati sa kanila ang tungkol sa mangyayari sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, di nila maintindihan ang sinasabi ni Jesus (9:45; 18:34). Sinadya ito ng Diyos para ipakita sa atin na kailangan natin ang tulong niya, na siya lang ang makapagbubukas ng mata natin para mas makilala natin siya.
Sabi ni Jesus sa isang prayer niya, “…you have hidden these things from the wise and understanding and revealed them to little children; yes, Father, for such was your gracious will…no one knows the Son except the Father, and no one knows the Father except the Son and anyone to whom the Son chooses to reveal him” (Mt 11:25-27). Ang Diyos ang magbibigay ng paningin sa atin, ng espirituwal na pag-unawa para mas makilala natin siya at maintindihan ang kanyang salita. Sa Luke 24:31, ipinagkaloob ito sa kanila ng Diyos, “And their eyes were opened, and they recognized him.”
Noong wala pa rin tayo sa Panginoong Jesus, di pa natin siya nakikita nang malinaw. Pero ngayon, we now behold the glory of the Lord, dahil ang Diyos ang nagbigay ng liwanag sa atin (2 Cor. 3:18; 4:4, 6). Pero limited pa rin ang wisdom natin pagdating sa Bible reading. Minsan lumalabo ang mata natin. We need fresh eyes to see Jesus. So, bago ka magbasa ng Bible, ipagpray mo, “Lord, open my eyes, that I may behold wondrous things out of your law” (Ps 119:18).
III. (Rising Tension) The Centrality of the Gospel (vv. 17-24)
III. (Rising Tension) The Centrality of the Gospel (vv. 17-24)
Kung ganyan ang hihilingin natin sa kanya, siguradong ibibigay niya. Kasi gusto n’yang maunawaan natin ang kanyang salita. Kaya sa usapan ng dalawang lalaking ito, nakialam na siya, para bang nakikiusyoso. Sabi niya sa kanila, “Anong pinag-uusapan n’yo” (v. 17)? At napahinto sila, ang mukha ay malungkot. Kasi nga naman, ang inaasahan nilang Mesias na magliligtas sa kanila sa mga Romano ay patay na (v. 21). Para bang mga taong nag-uusap nang malaglag na ang Ginebra, o nung ma-KO si Pacquiao ni Marquez. Sagot naman ng isa, si Cleopas, v. 18, “Ano ka ba? Hindi mo alam ang nangyari? Bali-balita nga sa lahat, ikaw lang yata ang walang TV o radyo sa bahay, hindi mo alam.” Well, paraphrase ko lang iyon. Nagtanong pa si Jesus, “Ano iyon?” Kunwari lang hindi niya alam. Mahalaga ang sagot nila dito, importante sa gustong ituro sa atin ng Panginoon tungkol sa kanyang sarili. This is the gospel!
Jesus as God-Man (v. 19)
Jesus as God-Man (v. 19)
Kaso hindi pa nila lubos kilala si Jesus. Sabi ni Cleopas, v. 19, “Concerning Jesus of Nazareth, a man who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people.” Yes, toong tao siya, totoong propeta siya dahil sa mga turo niya galing sa Diyos at mga himalang ginagawa niya. But he was much more than this! He was the only sinless man, ang nag-iisang taong kinalugdan ng Diyos ang lahat ng kanyang ginawa. Hindi lang siya tao, siya ay Diyos!
His Death (vv. 20-21)
His Death (vv. 20-21)
Alam nila ang nangyari kay Jesus, pero di pa lubos na naiintindihan ang ibig sabihin nito para buhay nila. “Our chief priests and rulers delivered him up to be condemned to death, and crucified him” (v. 20). Oo nga’t ipinapatay siya, pero wala siyang kasalanan, wala kahit isa. At plano itong lahat ng Diyos na mangyari. Kala nila nadiskaril na ang inaasahan nila. “…we had hoped that he was the one to redeem Israel” (v. 21). Hoped, past tense. Para bang nawala ang pag-asa nila nang mamatay siya. Akala kasi nila they needed a political savior, ang di pa nila alam, dumating si Jesus to rescue them from their sins. At hindi lang kailangan nilang umasa, kundi kailangan nilang magtiwala sa kanya. Dahil hindi lang siya namatay, kundi muling nabuhay.
His Resurrection (vv. 22-24)
His Resurrection (vv. 22-24)
Sinabi nila kay Jesus ang mga nangyari noong araw na iyon. Na hindi makita ang katawan ni Jesus. Di pa sila makapaniwala sa nangyari. Pero totoong nabuhay si Jesus! There’s an empty grave! Ang ebidensya nasa harapan nila.
This is the gospel. Good news. Si Jesus – Diyos na totoo, taong totoo, nag-iisang tagapamagitan natin sa Diyos (1 Tim 2:5). Kung magbabasa ka ng Bibliya, alam mo dapat ang nasa sentro ng Salita ng Diyos. This is the center, the gospel. Wag mong kakalimutan iyan. Di ka gagraduate diyan. You stand in it, you hold fast to it (1 Cor. 15:1-2). Not just entrance into the Kingdom, but remaining in the Kingdom. Not just getting us to heaven, but helping us walk here on heart. Not just to be saved from the penalty of sin, but in being saved from the power of sin. So, preach the gospel to yourself everyday.
IV. (Climax) The Problem of Unbelief (v. 25)
IV. (Climax) The Problem of Unbelief (v. 25)
Kasi, nakakalimutan natin iyan araw-araw. Nakakalimutan nating, “It is finished,” gawa-gawa tayo ng gawa para pagtrabahuhan ang acceptance and love na nasa atin na dahil kay Cristo. Nakakalimutan natin na ang identity natin ay nakay Cristo na – hindi sa dami ng pera natin o sa posisyon sa trabaho o sa accomplishments o sa ganda ng profile natin. Nakakalimutan natin ang mga pangako ng Diyos, promises flowing from the gospel, nag-aalala tayo sa mangyayari bukas. We have a heart problem. We do not believe the gospel enough.
Sabi ni Jesus sa dalawa, “O foolish ones, and slow of heart to believe all that the prophets have spoken” (v. 25)! This is more than just an intellectual problem. Kung magbabasa sila ng Scripture, selective. Kulang ang pang-unawa nila, dahil kulang ang pananampalataya nila. This is an invitation to believe in the gospel. This is an invitation to expose our hearts before God – na marami tayong mga idols, na marami tayong pinahahalagahan na mga bagay “infinitely smaller than Jesus.” Ito ay paanyaya sa atin na sa tuwing magbabasa tayo ng Bibliya, ituring natin ito na “sharper than any two-edged sword…discerning the thoughts and intentions of the heart.” Na hindi lang basahin kundi hayaang magpenetrate sa heart natin. Na sabihin natin sa Diyos, “I believe. Help my unbelief.”
Tandaan natin, “The gospel is the power of God for salvation to everyone who believes” (Rom 1:16). Not just past, but present and future salvation. Ang panawagan sa atin ay hindi lang to believe the gospel once, but everyday.
V. (Resolution) The Gospel as Key to Interpreting Scripture (vv. 26-27)
V. (Resolution) The Gospel as Key to Interpreting Scripture (vv. 26-27)
Pero paano naman natin babasahin ang mga passages na walang explicit reference to Jesus at sa kanyang ginawa para sa atin? Dugtong ni Jesus sa verse 26, “Was it not necessary that the Christ should suffer these things and enter into his glory?” Ang nangyari kay Jesus ay katuparan ng plano ng Diyos na nakasulat sa Old Testament. Kaya ang ginawa ni Jesus? Verse 27, “And beginning with Moses and all the Prophets, he interpreted to them in all the Scriptures the things concerning himself.” Ang “Moses and all the Prophets” ay tumutukoy sa buong OT, tulad din ng sabi niya sa verse 44 later on sa mga disciples niya, “…everything written about me in the Law of Moses and the Prophets and the Psalms must be fulfilled.” Anong point nito? Na hindi lang ilang mga verses sa OT ang tumutukoy sa pagdating ni Jesus. Buong OT, mula Genesis hanggang Malachi ay paghahanda sa pagdating niya.
Ibig sabihin, kung OT man ang babasahin natin, we must learn to ask gospel-centered questions. Kung mga kuwento ang babasahin mo, tulad ng Genesis, ang tanong ay hindi lang, “Anong moral lesson dito?” o “Paano natin tutularan si Abraham?” kundi, “Paano nagpapakilala ang Diyos dito? (Si Jesus ay Diyos, di ba?); Paano nakikita ang kasalanan ng tao? (Pero si Jesus ay tao, pero walang kasalanan.); Paano ipinapakita dito na kailangan natin ng Tagapagligtas? (Si Jesus lang iyon!)”
Kung Law naman, o mga Kautusan, tulad ng sa Exodus-Leviticus-Numbers-Deuteronomy. Ang tanong ay hindi, “Paano ko ‘to susunding lahat?” kundi “Paano ako hindi nakasunod dito? Paanong si Jesus lang ang nakatupad nito – as my substitute?”
Kung mga sacrifices at rituals tulad ng sa Leviticus, ang tanong ay hindi, “Anong sakripisyo ang iaalay ko sa Diyos?” kundi, “Paanong si Jesus ang naging sacrifice para sa katubusan ko mula sa aking mga kasalanan?
Ilan lang ito sa mga dapat nating tandaan. Pero para masanay tayo, simulan na nating sanayin ang sarili natin: look for Jesus in all Scripture, na maging gospel-centered sa pagbabasa natin ng Bibliya. Ibig sabihin, ang focus ay hindi kung ano ang ginawa natin o gagawin natin, kundi kung ano na ang ginawa ng Diyos para sa atin sa pamamagitan ni Jesus at kung ano ang ipinangako pa niyang gagawin para sa atin.
VI. (Outcome) Seeing and Savoring Jesus (vv. 28-32)
VI. (Outcome) Seeing and Savoring Jesus (vv. 28-32)
At kung ganito ang magiging practice natin, you will not only see Jesus but savor him. Not just know him, but taste the sweetness of his grace. At dahil in love na in love ka sa kanya, you will want more, hindi ka magsasawa, hindi magiging boring ang Bible reading mo.
Nang marinig ng dalawang disciples si Jesus na ikuwento sa kanila kung paanong ang “Story of God” ay nakaturo palagi sa kanya, they want more. Anong nangyari sa verses 28-30? Pinilit nila si Jesus na tumuloy sa isang bahay at mag-overnight. Magkasalo silang kumain. Hindi lang kumakain. Masaya. Busog sa salita ng Diyos. Enjoying fellowship with Jesus! At sa mga oras na iyon, verses 31-32, “And their eyes were opened, and they recognized him. And he vanished from their sight. They said to each other, ‘Did not our hearts burn within us while he talked to us on the road, while he opened to us the Scriptures?'”
Solve na solve sila. Kasi si Jesus iyon. Our heart is created for Jesus. Once you know and tasted him, you will want more. Parang nang makakain ka ng masarap, next time ulit. Nang mag-enjoy ka sa isang basketball game, next time ulit. Once you enjoy reading the Bible at umiinit ang puso mo para sa Panginoon, hahanap-hanapin mo, maaaddict ka. We want more and more of him! At hindi niya tayo bibiguin. Ang pera bibiguin ka. Ang boyfriend o asawa mo, ma-bobrokenhearted ka. Pero si Jesus, no way! We can find our heart’s greatest and only satisfaction in him.
VII. (Ending) Helping Others See and Savor Jesus (vv. 33-35)
VII. (Ending) Helping Others See and Savor Jesus (vv. 33-35)
Kapag masarap ang natikman mong pagkain, sasabihin mo sa iba, “Try mo rin.” Kapag may napanood kang bad movie, tapos tanungin ka, “Maganda ba?” Sabi mo, “Hmmm…” Kung maganda naman, “Grabe, super, panoorin mo rin! Sulit!” At kapag inaraw-araw natin ang pagkain ng Salita ng Diyos at nasiyahan tayo (sigurado iyon), at kapag inaraw-araw nating masdan si Jesus at alalahanin kung sino siya at ano ang gawa niya para sa atin at nasiyahan tayo (tiyak din iyon), di mo mapipigilang sabihin sa iba. Kaya itong dalawang disciples niya, hinanap ang mga apostol at iba pang disciples ni Jesus at sinabi sa kanila, “‘The Lord has risen indeed, and has appeared to Simon!’ Then they told what had happened on the road, and how he was known to them in the breaking of the bread” (vv. 34-35).
Ikinuwento nila na totoong nabuhay si Jesus, na nakita nila, na naunawaan na nilang ang buong Kasulatan ay nagtuturo tungkol sa kanyang pagdating at gagawin, na nakasalo nila si Jesus, na naenjoy nila si Jesus. At yan din ang ginagawa ko ngayon, sinasabi ko sa inyo. At yan din ang gagawin ninyo sa mga kasama n’yo sa bahay, sa trabaho, sa eskuwelahan, sa preaching and ministry sa church. We will not stop talking about Jesus and help others see and savor Jesus.
Conclusion: Gospel-Centered Bible Reading and Preaching
Conclusion: Gospel-Centered Bible Reading and Preaching
Ganito ang practices ng Bible reading. Hindi lang Bible reading, but gospel-centered Bible reading. Binabasa natin ang Bibliya at isinasabuhay – na ang layunin ay masilayan ang kagandahan ni Jesus at ang tamis ng kanyang pagmamahal sa atin.
Pero siyempre, hindi mangyayari ‘to kung di ka magcocommit sa regular, araw-araw na personal Bible reading. Anong oras mo gagawin? 5am? o 10pm? Para sa akin, the best pa rin ang first hour in the morning. Gaano kahaba? Sa iba sa inyo 20 minutes o 45 minutes. Ako, I commit to one hour. Then, consider it your “date” with the Lord. Hindi minamadali. Ineenjoy. Then, practice focusing on the gospel and then respond in prayer to God.
And I pray, sa pagdating ng mga araw, kapag nakikinig kayo sa mga sermons ko, masabi ninyo hindi lang ganito, “Wow, pastor, nabless ako. Mahusay talaga kayo, maganda ang paliwanag, mas nakilala ko ang Panginoong Jesus”; kundi ganito, “Pastor, nabasa ko din iyan. Nakita ko rin ang mga nakita mo tungkol kay Jesus! Mas lalo akong naiinlove sa kanya.” May God cause it to happen in this church. Na ang puso natin ay mas lalong uminit sa pagmamahal sa Panginoon habang mas lumalalim tayo sa kanyang mga Salita.