Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.07UNLIKELY
Disgust
0.08UNLIKELY
Fear
0.11UNLIKELY
Joy
0.53LIKELY
Sadness
0.53LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.13UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.03UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.35UNLIKELY
Agreeableness
0.63LIKELY
Emotional Range
0.22UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction: “The Secret of the Burning Heart”
Noong medyo bata pa ko, mahilig ako sa mga youth camps.
Taun-taon yan.
It’s a great spiritual experience for me.
Habang nasa camp at mga ilang linggo pagkatapos, talaga namang mainit na mainit ako sa Panginoon.
Masipag sa paglilingkod.
Laging may Quiet Time with God.
Kaso, lumalamig ulit.
Oo, active pa rin sa ministry, pero I don’t feel as close to God as he wants me to be.
Nangyayari din iyan kahit nagpapastor na ko.
I think this is one of the problems sa Christian life natin.
Para bang naghihintay tayo ng mga emotional hypes tulad ng youth camp, o Worship Night, o every Sunday na worship experience.
Oo nga’t nakakatulong ang mga yan para mag-init tayo sa Diyos.
Pero paano ang araw-araw na experiences natin.
Pag nasa bahay na, sa trabaho o sa school?
Ang init na pansamantalang naramdaman natin, lumalamig, natatabunan ng kaabalahan at mga alalahanin sa buhay.
Kailangang matutunan natin ang tinatawag ni Oswald Chambers na “secret of the burning heart.”
Sabi niya:
We need to learn this secret of the burning heart.
Suddenly Jesus appears to us, fires are set ablaze, and we are given wonderful visions; but then we must learn to maintain the secret of the burning heart— a heart that can go through anything.
It is the simple, dreary day, with its commonplace duties and people, that smothers the burning heart— unless we have learned the secret of abiding in Jesus.
(Oswald Chambers)
Mananatiling mainit ang puso natin kung tayo ay nananatili malapit kay Jesus.
Sabi niya sa John 15:4, “Abide in me.”
At mananatili tayo sa kanya kung nananatili at palagi natin napapakinggan ang kanyang mga salita, “my words abide in you” (v. 7).
May init na naramdaman ang dalawang disciples ni Jesus na naglalakad patungong Emmaus mula sa Jerusalem, araw ng Linggo, nang mabalitang muling nabuhay si Jesus.
Nakasulat ito sa Luke 24:13-35.
Nagpakita sa kanila si Jesus.
Noong una, hindi nila nakilala.
Pero nang nakilala na nila at pagkatapos ay nawala na sa paningin nila, sabi nila sa isa’t isa,
“Did not our hearts burn within us while he talked to us on the road, while he opened to us the Scriptures” (v.
32)?
Ordinaryong araw para sa kanila.
Hindi pa nila naiintindihang mabuti noon kung gaano ka-espesyal ang mga nangyari.
Naglalakad sila.
Nagkukuwentuhan.
Pero nag-init ang puso nila.
Sa Tagalog translation, “magandang pakiramdam.”
Pero higit pa doon.
Yun bang parang init na nararamdaman mo kapag nagagalit ka, o init na nararamdaman mo kapag nadidikit ang katawan mo sa asawa mo.
Fire.
Intense emotion.
Mainit na relasyon kay Jesus ang naranasan ng dalawang disciples na ‘to.
At ang nais ng Diyos hindi lang para sa kanila kundi para sa lahat sa ating mga disciples ng Panginoon.
Paano nangyari iyon sa kanila?
“While he opened to us the Scriptures.”
Salita ng Diyos ang kailangan.
Hindi lang basta buksan ang Bibliya at basahin, kundi intindihin, namnamin, at sa pamamagitan nito ay mas ma-in love sa Panginoong Jesus.
Oo nga’t flattered ako kapag may nag-aaffirm sa inyo na malinaw n’yong naririnig ang salita ng Diyos, mas nakikilala n’yo si Jesus, naaantig ang puso n’yo, nag-iinit kayo sa Panginoon every Sunday.
Pero ayaw naman ng Diyos na every Sunday lang iyan.
Dapat every day.
At hindi lang ako ang mag-aaral ng Salita ng Diyos.
Tuturuan ko din kayo kung paano pag-aralan ito sa sarili n’yo.
Dapat tama ang approach natin sa pag-aaral nito.
Dito sa kuwento natin ngayon, nasa dulo na tayo ng Gospel of Luke.
Marami tayong matututunan sa kuwentong ito.
But I just want to highlight kung anong approach dapat natin every time na magbabasa tayo ng Bibliya.
I. (Setting/Beginning of Story) The Initiative of Jesus (vv.
13-15)
Verses 13-14, nangyari ‘to Linggo ng umaga siguro o sa hapon.
Kapag Sunday, special sa atin.
Pero sa kanila, ordinary lang.
First day of the week.
Katatapos lang ng Sabbath at higit pa doon, yung annual Passover Feast.
Parang Jan. 2 sa atin, katatapos lang ng holiday season.
Ordinary day na ulit.
Dalawa sa mga disciples ni Jesus nag-uusap.
Hindi mga apostol malamang.
Ang isa ay si Cleopas (v.
18), pero ang isa di pinangalanan.
Mga ordinaryong tao lang.
Nag-uusap, nagkukuwentuhan tungkol sa nangyari.
Nang ipako si Jesus sa krus at mabalitang muling nabuhay.
Parang ordinaryong kuwentuhan lang.
But something extraordinary happened.
“While they were talking and discussing together, Jesus himself drew near and went with them” (v.
15).
Si Jesus ang nag-initiate nito.
At kapag si Jesus na ang nasa eksena, walang ordinary dun.
At ito ang gusto ni Jesus.
Hindi siya etsa-puwera.
Madalas nakakaligtaan natin siya kapag busy na.
So may paanyaya siya sa atin.
Jesus invites us to intimacy.
Gusto niyang lumapit sa atin.
He wants to spend time with us.
Yan ang calling niya sa mga disciples niya.
Yan ang nakita nating halimbawa ni Mary na kapatid ni Martha, sa pag-upo niya sa paanan ni Jesus at sa pakikinig sa kanyang salita (10:38-42).
Yan ang dahilan kung bakit namatay si Jesus.
“For Christ also suffered once for sins, the righteous for the unrighteous, that he might bring us to God” (1 Pe 3:18).
Anong kinalaman nito sa Bible reading mo?
Everyday, gusto ng Diyos makipag-date sa iyo, solohin ka.
So, bantayan mo ang oras mo sa kanya.
Gawin mo man sa umaga, sa tanghali o sa gabi, guard that time.
It’s a special time with God.
At kapag nagbasa ka na ng Bible, hindi lang para icheck ang reading plan mo.
Your goal is to have communion with God.
To go deeper in your intimacy with Jesus.
II.
(Problem Introduced) The Problem of Recognition (v.
16)
Ang kaso, kapag nagbabasa tayo may problema ang mata natin.
Hindi 20/20 ang vision natin.
May mga oras na di natin maintindihan.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9