Gospel Hope: The Message of 2 Thessalonians

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 74 views
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Introduction: Theology to Life

Problema natin ngayon: disconnecting life and theology
Isa sa mga burdens ng sermon series natin sa mga sulat ni apostle Paul ay hindi lang para magkaroon ng overview ng content ng mga letters niya. Kasama yun, pero mas importante na makita natin yung connection ng gospel doctrine sa buhay natin, the gospel for life. Actually, for all of life. Problema kasi natin ngayon yung disconnecting life and theology. Mapapansin din natin sa mga sulat niya na binibigyan ‘yan ng emphasis. May mga issues kasi bawat church, at may mga gustong i-address si Paul sa mga sulat niya sa kanila. May kailangang itama, may kailangang ipaalala, may kailangang ituro kung paanong yung gospel doctrine ay nakaugnay, bumabago, at humuhubog sa pamumuhay natin sa araw-araw, at sa relationship natin with God, sa family, sa church, at sa society.
Problema ng mga taga-Tesalonica noon
Mga occasional letters ‘to, so ibig sabihin ay may nag-udyok kay Paul na sumulat. Posibleng to express yung mga encouraging things na naririnig niya tungkol sa church nila, tulad ng sa 1 Thessalonians na pinag-aralan natin last week, na ine-encourage sila ni Paul na ipagpatuloy yung magandang nasimulan nila—to grow in faith, in love and be steadfast in hope sa kabila ng mga persecutions and afflictions na nararanasan nila.
Pwede rin namang merong issue o problema na kailangang ayusin. Yung sulat kasi ni Paul sa 1 Thessalonians ay binanggit niya na yung pag-eencourage nila sa isa’t isa ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa bawat isa ng tamang doktrina tungkol sa muling pagbabalik ni Jesus, o yung tinatawag na “day of the Lord” (1 Thess. 5:2). Prominent theme din ito sa ilang mga prophets (Jer. 46:10; Ezek. 30:3; Joel 1:15; 2:1, 11, 31; 3:14; Amos 5:18-20).
Akala nila ay dumating na ang “day of the Lord” (2:1-2)
Kaso yung iba sa church ang akala ay dumating na yung “day of the Lord.” Hindi ko alam kung ano ang nagbunsod sa kanila para ganun ang paniwalaan. May fake news siguro. O nabasa nila sa Facebook. O may nag-Marites sa kanila, “Mare alam mo ba, sabi ni apostle Paul...” E wala naman siyang sinabing ganun. Siyempre mag-aalala ‘yan, “Naku, bakit hindi natin nabalitaan? Hindi tayo kasama, ganun?” Kaya halos ilang weeks or months lang siguro ay sumulat na ulit si Paul sa kanila pagkatapos ng 1 Thessalonians, may followup letter agad (sometime 50-51 AD). Meron pa yang parang signature as dulo ng sulat niya to authenticate na sa kanya talaga ito nanggaling. Ganito ang sabi ni Paul tungkol sa problema nila:
Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. (2 Thess. 2:1-2 MBB).
Sabi nga ni Paul na yung pagdating ni Christ ay “like a thief in the night” (1 Thess. 5:2; echoing Jesus’ teaching sa Matthew 24:43). Hindi inaasahan ng marami ang pagdating niya at marami ang mabibigla. Pero kapag dumating siya, hindi pa-secret lang. “…when the Lord Jesus is revealed from heaven with his mighty angels in flaming fire” (1 Thess. 1:7-8). Kaya nga revelation (Gk. apokalupsis) ang tawag sa pagdating niya, ibig sabihin makikita ng lahat.
Ang ilan ay “ayaw magtrabaho” (3:10-11)
Kaya nga gusto niyang i-clarify yung teaching tungkol sa second coming ni Christ. Hindi lang dahil for the sake of knowledge, na at least alam nila. Kundi may epekto kasi ito sa buhay nila ngayon. Kaya nga sinabi niya sa kanila yung tungkol sa eschatology sa first letter niya at ang conclusion niya ay ito, “Therefore encourage one another with these words” (1 Thess. 4:18). Ang katotohanan ay nag-eencourage, lalo na in times of sufferings and difficulties. Ito ang nagbibigay sa atin ng pag-asa na magpatuloy. Kaya nga natutuwa si Paul na mabalitaan yung tungkol sa kanilang “pagtitiis at pananampalataya, sa gitna ng mga pag-uusig at mga kahirapang dinaranas” nila (2 Thess. 1:4). Ang kaso, merong ginagawang dahilan yung pagbabalik ni Cristo—kung dumating na o malapit na malapit na—para hindi na sila magtrabaho. Sabi ni Paul:
Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, “Ang ayaw magtrabaho ay hindi dapat kumain.” Binanggit namin ito dahil nabalitaan naming may ilan sa inyong ayaw magtrabaho, at walang inaatupag kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. (3:10-11)
Sinasabi nila siguro, “What’s the point na magtrabaho pa kung bumalik na pala o pabalik na ang Panginoon”? Problema na nga ito noon pa sa kanila. “Pagsabihan ninyo ang mga tamad,” sabi niya sa unang sulat (1 Thess. 5:14). Mas lalo pang naging problema dahil sa maling paniniwala tungkol sa “day of the Lord.” So, may konekyon ang theology sa buhay natin. Hind pwedeng magkahiwalay.
Structure ng 2 Tesalonica
Mapapansin natin ‘yan sa major structure ng letter ni Paul.
Greetings & Thanks (1:1-4)
Eschatology: Ano ang tamang katuruan tungkol sa huling araw? (1:5-2:11; also 1 Tes. 4:13-5:11)
Life: Ano ang tamang pamumuhay na nakaugnay dito? (2:13-3:15)
Benediction and Closing (3:16-18)
Mahalaga ang tamang pagkakaunawa natin sa eschatology (katuruan tungkol sa mga mangyayari sa huling araw) sa pamumuhay natin ngayon.

Eschatology: Anu-ano ang mga mangyayari sa huling araw?

Kaya mahalaga na matutunan din natin kung ano ang itinuturo dito ni Paul (kasama yung ilan sa 1 Thessalonians) tungkol sa kung anu-ano ang mga mangyayari sa huling araw. Para mas maging comprehensive at mas systematic ang treatment ng ganitong pag-aaral, kailangang tingnan mo pa ang ilang mga prophetic books sa Old Testament tulad ng Daniel 7-12, o ilang parts ng Isaiah, at sa Revelation siyempre. Pero that’s not the goal of our sermon today. Dun lang muna tayo sa malinaw na makikita sa sulat dito ni Paul, at posible na hindi masatisfy ang mga tanong natin na related sa second coming, dahil merong mga detalye na hindi naman din ganun kalinaw at baka mauwi lang tayo sa mga unnecessary speculations. At kung magkagayon ay makadistract pa sa goal ni Paul sa letter na ‘to. Anong goal? Yung i-encourage ang mga Christians na dumaraan sa mga matinding persecutions and afflictions para mas maging mapagtiis at mas tumibay ang pag-asa natin na nakakabit kay Cristo at sa kanyang pagbabalik.
Pero bago ang mismong pagbabalik ni Cristo, lilinawin ni Paul na meron munang mangyayari. At itinuro na ito ni Paul sa kanila noon pang andun siya sa kanila: “Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama pa ninyo” (2:5). So, wag n’yong isiping itong eschatology ay para sa mga mature Christians lang, o sa mga theology students sa pastoral training. Para ito sa lahat. So, ano raw ang mangyayari muna?
Ang pagdating ng “rebellion” (o apostasy) at ng “man of lawlessness” (2 Tes. 2:3-11)
Hindi tama na sabihing dumating na ang day of the Lord kung hindi pa naman lumilitaw itong binabanggit niya na “rebellion” at “man of lawlessness”: “Let no one deceive you in any way. For that day will not come, unless the rebellion comes first, and the man of lawlessness is revealed, the son of destruction” (2:3). Yung “rebellion” ay galing sa salitang apostasia, o yung apostasy, yung falling away. “Paghihimagsik” (MBB), “pagtalikod” (AB) ang salin sa Tagalog. May nangyayari namang mga ganyan ngayon. Pero ito ay mas malawakan at mas maramihan pa. Maaaring tumukoy ito sa “falling away” ng marami na kabilang sa church o mga nagsasabing Christian sila (1 Tim. 4:1; 2 Tim. 3:1-9; Jude 17-19), o sa apostasy ng mga Judio, o sa worldwide na paghihimagsik laban sa Diyos (Reformation Study Bible notes). Yes, we’re praying for revival and mass conversion, pero iexpect rin natin na bago ang pagbabalik ni Jesus, maraming maghahayag ng tahasang pagtalikod nila sa Diyos.
Yun namang “man of lawlessness” marami ring mga haka-haka noon pa kung sino ‘to. Sabi ng iba ito daw yung anti-Christ sa Revelation, na posibleng yung Pope or Bishop of Rome, o isang global political leader. Sa ngayon, di pa natin alam. Pero when he is “revealed” magiging obvious sa atin kung sino talaga yun. Tinawag din siyang “son of destruction” marahil dahil sa gagawin niyang panloloko, paninira, at pagpatay, tulad ng gawa ng Diyablo. So he comes and possesses the power of Satan sa mga gagawin niya. “The coming of the lawless one is by the activity of Satan with all power and false signs and wonders, and with all wicked deception...” (2 Thess. 2:9-10). Hindi lahat ng himala ay galing sa Diyos. Wag tayong madaling magpapaloko sa mga so-called “miracle workers.”
Tulad rin ni Satanas, tatangkain niyang agawin ang trono ng Diyos. “Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos” (2 Thess. 2:4). Akala ng iba yung “Templo ng Diyos” dito ay tumutukoy sa itatayong future temple sa Jerusalem (na nawasak noon pang 70 AD). Sabi naman ng iba, ito ay tumutukoy sa church. Most likely, ito ay figurative way of saying ng ipinaliwanag din ni Paul, “proclaiming himself to be God.”
Darating muna ang “man of lawlessness.” Pero hindi pa siya dumarating ngayon. Kasi meron pang pumipigil sa kanya. At alam nila kung ano o sino yun. “And you know what is restraining him now so that he may be revealed in his time. For the mystery of lawlessness is already at work. Only he who now restrains it will do so until he is out of the way” (vv. 6-7). Alam nila, pero hindi natin alam exactly. Sasabihin ng iba, yung church yung restrainer na yun. Sabi naman ng iba, yun ang Holy Spirit. Pero ano man yun exactly, alam nating ang Diyos ang nasa likod ng pagpigil na yun. Walang mangyayaring anumang without God’s providential permission. Sa araw na itinakda ng Diyos, “And then the lawless one will be revealed” (v. 8). Shortly after that, ayan na, eto siyempre ang pinakaaabangan natin...
Ang pagdating ni Jesus (“the day of the Lord”) (1 Tes. 4:15, 16; 5:2; 2 Tes. 2:2, 8; 1:7, 10)
Hindi silent ang pagdating niya. Oo nga’t “like a thief in the night” (1 Thess. 5:2) siyempre hindi naman mag-iingay ‘yan, hindi iaannounce na “hello! andito na ko!” Pero ang point nun ay yung pagdating na hindi inaasahan. Sa pagdating niya, “The Lord himself will descend from heaven with a cry of command, with the voice of an archangel, and with the sound of the trumpet of God” (1 Thess. 4:16). May mag-aanounce ng pagdating niya. Makikita ng lahat ang pagdating niya. “…when the Lord Jesus is revealed from heaven with his mighty angels in flaming fire” (2 Thess. 1:7). He will come in spectacular fashion. Hindi tulad ng silent at humble first coming niya. This one is different. Makikita natin at kamamanghaan natin ang makikita natin na nagniningning at nag-aalab na kagandahan at kamahalan niya. “He comes on that day to be glorified in his saints, and to be marveled at among all who have believed...” (1:10). Ganito ang magiging reaksyon natin sa araw na yun dahil sa araw na ito ay mararanasan natin nang lubos...
Ang pagliligtas sa atin ng Diyos (“the resurrection” & “rapture”) (1 Tes. 4:16, 17; 5:9, 10)
At kinabibilangan ito ng dalawang mahalagang events. Yung isa ay yung “the resurrection.” “And the dead in Christ will rise first” (1 Thess. 4:16). Eto yung mga tinutukoy na “those who have fallen asleep” (vv. 14-15). Hindi tulad ng pinaniniwalaan ng iba na tinatawag na “soul sleep.” Na kapag namatay raw ang isang tao, ang katawan siyempre mabubulok, pero yung kaluluwa ay parang matutulog lang habang hinihintay yung resurrection. No, there is clear evidence sa Scripture na kapag tayo ay namatay, yung kaluluwa natin ay diretso sa presensiya ng Diyos sa langit, consciously awake at hindi natutulog. Yung “fallen asleep” dito ay isang euphemism tungkol sa mga namatay na (tulad ng salin sa MBB). Tulad ng pagtulog, ang kamatayan ay pansamantala lang. Meron kasing resurrection tulad ng kay Cristo na siyang una sa mga muling nabuhay (1:10). Napag-aralan na natin nang detalyado itong resurrection of the dead sa sermon natin sa 1 Corinthians 15, at sa part ng Apostles’ Creed na “the resurrection of the dead and the life everlasting.”
Paano naman kung madatnan tayong buhay pa sa pagbabalik ni Cristo. Ito naman yung tinatawag na “rapture” of the saints na nakasulat sa 1 Thessalonians 4:17, “Then we who are alive, who are left, will be caught up (titipunin o aagawin, Gk. harpazo, Latin rapturo) together with them in the clouds to meet the Lord in the air, and so we will always be with the Lord.” Dito nanggaling yung itinuturo ng mga dispensationalists na ira-rapture ang mga believers, dadalhin sa presensiya ng Diyos, bago ang seven-year tribulation sa buong mundo, at saka pa lamang yung second coming ni Cristo. Popularized din ito sa mga movies at novels noon tulad Left Behind series.
Pero walang binigay si Paul dito na enough details para ma-satisfy yung “cravings” natin sa mga detalyadong paliwanag tungkol sa kung anu-ano ang sunud-sunod na mga events sa end times. Tandaan natin na ang presentation dito ni Paul ay “pastoral,” para i-encourage yung mga Christians tungkol sa mga mahal nila sa buhay na nauna nang namatay. Ang pinaka-point dito ay sabihing patay ka man o buhay sa second coming ni Cristo, lahat bubuhayin, lahat makakasama ni Cristo, walang maiiwan. “So we will always be with the Lord” (4:18). Yun ang pinakamahalaga sa lahat, hindi yung maging preoccupied tayo sa mga tiny details ng second coming ni Christ. For us to be with Christ forever, that is far better kaysa sa buhay natin ngayon. Better for us na mga nakay Cristo. Maraming paghihirap ang titiisin natin hanggang sa bumalik si Cristo, pero makatarungan ang Diyos, at itatama niya ang lahat balang araw (1:4-5). Ang second coming ni Cristo para sa atin ay nagpapaalala na “the best is yet to come.” For unbelievers, it is a far different story, “the worst is yet to come.”
Ang hatol ng kaparusahan sa mga masasama (2 Tes. 1:6-9; 2:8, 10-12)
Ano ang mangyayari sa kanila sa araw na yun?
Gagawin ng Diyos ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo...Parurusahan ang lahat ng hindi kumikilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Panginoong Jesus. Magdurusa sila ng walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan. Mangyayari ito sa Araw ng kanyang pagparito (1:6-10)
Klaro ito, straight from the pens of the apostle Paul, inspired word of God. Ang hindi kumikilala kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus ay tatanggap ng parusa mula sa Diyos sa araw na yun. Hindi lang light and temporary punishment. Severe and eternal. Hindi ito kayang tanggapin ng mga tao ngayon na ang liit ng tingin sa kasalanan nila, ang liit ng tingin sa kabanalan ng Diyos, distorted ang view about the love of God. Kaya nga ang daming negative reactions yung sinabi ni Joyce Pring sa interview sa kanya kung saan daw ba mapupunta yung mga non-believers. Sabi lang niya, ito rin sabi ni Paul, na kung di ka magtitiwala kay Cristo, you’re going to hell, suffering eternal punishment away from the presence of God.
Kung wala ka kay Cristo, meron ka talagang dapat ikatakot. Pero kung ikaw ay nakay Cristo, you don’t need to fear anything, gaano man kahirap yung mga mangyayari sa hinaharap leading to the coming of Christ. Kahit gaano pa ka-powerful itong “man of lawlessness,” no match ‘yan sa kapangyarihan ng Panginoong Jesus. “And then the lawless one will be revealed, whom the Lord Jesus will kill with the breath of his mouth and bring to nothing by the appearance of his coming” (2:8).
So, ang tanungin mo muna ngayon, hindi yung ano ang mangyayari sa mga babies na namatay, o kapag mentally incapacitated, o yung mga di naabot ng gospel. Pag-uusapan din natin ‘yan. Pero ngayon, ask yourself first, ano ang mangyayari sa ‘yo sa araw na yun? Ang concern natin ay hindi yung mga exact details ng mga events o chronology ng mga mangyayari sa araw na yun. Pero ikaw? Ano ang mangyayari sa ‘yo? Narinig mo ang gospel? Do you believe the gospel with all your heart? Si Cristo ba ang pinagtitiwalaan mong Tagapagligtas? Siyempre, kung alam din natin kung ano ang mangyayari sa mga unbelievers, this should move us to compassion and do everything na magagawa natin para ipreach ang gospel sa kanila, at makibahagi sa pagpapalaganap ng gospel sa buong mundo.
Sa discussion na ‘to tungkol sa eschatology, may pinakamahalagang tanong kaysa sa ano ang mga mangyayari, o kung kailan ito mangyayari, o kung paano ito mangyayari. Mas mahalaga sa lahat ang “sino”:

“The Lord is our salvation”: Sino ang ating Diyos na Tagapagligtas?

The Lord is our salvation. Yes, alam natin ‘yan. Pero kailangang ipaalala sa atin na siya ang pinakamahalaga sa lahat. In the beginning God, in the end God. He is the Alpha and Omega. So, kung pagliligtas ang pag-uusapan, kung second coming ni Cristo ang pag-uusapan, hindi ibig sabihin na siya lang yung “savior,” apart from the Father and the Holy Spirit. Dapat tingnan natin nang mas malawak pa ang pagliligtas sa atin ng Diyos.
Ang Diyos Ama ang nagplano (planned) ng kaligtasan natin (2 Tes. 2:13; 3:5)
“Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang pagkalooban ng kaligtasan” (2 Thess. 2:13). Pag-ibig ng Diyos ang dahilan kung bakit tayo piniling iligtas ng Diyos.
Ang Diyos Anak ang nagsakatuparan (accomplished) ng kaligtasan natin (1 Tes. 5:9)
Pag-ibig ng Diyos ang nagtulak sa Diyos para ipadala ang kanyang Anak para sa atin (John 3:16). “Hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Tes. 5:9). Inako na ni Jesus ang poot na yun, yung eternity in hell na nararapat sa atin ay pinagdusahan na ni Jesus nang ialay niya ang sarili niya na handog sa krus para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin.
Ang Diyos Espiritu ang naglapat (applied) ng kaligtasan natin (2 Tes. 2:13)
Hindi automatic na dahil namatay si Jesus sa krus ay wala nang impiyerno at wala nang magdurusa dun. Hindi naman tinanggap ng lahat ng tao ang kaligtasan. Ibinigay sa atin sa pamamagitan ng Holy Spirit through faith in Jesus. “Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng inyong pananalig sa katotohanan” (2 Tes. 2:13).
Ang Diyos—Ama, Anak, Espiritu—ang titiyak na malulubos ang kaligtasan natin (2 Tes. 2:14; 3:3)
Ang pag-asa natin na magpapatuloy tayong sumasampalataya, hanggang sa araw na malulubos ang kaligtasan natin sa second coming ni Cristo, anuman ang mangyari, gaano man kahirap, ay hindi nakatali sa tibay ng pananampalataya natin. Ito ay nakatali sa Diyos—Ama, Anak, Espiritu. Ang pagkakatawag ng Diyos sa atin ay hindi lang sa simula kundi hanggang sa katapusan (2:14). As long as God is faithful—ibig sabihin, that will be for all eternity. God cannot be unfaithful. “...the Lord is faithful. He will establish you and guard you against the evil one” (3:3). Ito ang confidence ni Paul for them—hindi dahil growing in faith sila, kundi dahil laging faithful ang Diyos.

Life: Anu-ano ang dapat nating maging tugon?

Kung ang atensyon natin ay nakatuon sa Diyos, sa ginawa ni Cristo, at sa gagawin pa ng Diyos sa muling pagbabalik niya, may epekto ito—malaki ang epekto nito!—sa buhay natin. Yung theology, specifically yung eschatology, ay may connection sa life natin ngayon. Anong koneksyon? Anong tugon natin dito?
Matiyagang maghintay (1 Tes. 5:6; 2 Tes. 1:4).
“Kaya nga, kailangang tayo'y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip, at di tulad ng iba” (1 Tes. 5:6). Hindi literal na bawal matulog! Kailangan din magpahinga siyempre. Pero ang ibig sabihin dito na pagiging gising ay yung parang watchman o guard on duty, nakabantay palagi. Matiyaga sa paghihintay sa pagdating ni Cristo. Hindi passive waiting. But active waiting. Meron tayong ginagawa, lumalaban sa kasalanan, pinalalakas ang pananampalataya natin kay Cristo sa haba at dami ng mga pagtitiis na kailangan nating danasin. Ang daming temptations to be preoccupied sa mga bagay sa mundong ito. Sabi ni Mark Dever sa sermon niya sa 2 Thessalonians:
I doubt that many of us struggle with being lopsided by giving too much attention to the next life. But many of us have stopped waiting, like the Thessalonian Christians.
We stop waiting in a number of ways. Our faith in the next life slips into faith in this one. Striving for spiritual health is replaced by striving for good stewardship of our physical bodies. Visions of God are replaced by visions of our earthly future, or our children’s future. The hope of heaven is replaced by the hope of the good life. Desire for our Creator God is replaced by desires for creatures.
Unbelief can creep in and gain the upper hand so easily. One begins by believing in this age as well as the next. Concentrating on this age rather than the next. Emphasizing this age rather than the next. Being concerned with this age rather than the next. Thinking less of the next. Deemphasizing the next. Questioning the next. Ignoring the next. Forgetting the next. Eventually, denying the next. (The Message of the New Testament, 335)
Manatili sa katotohanan (2:15).
Kaya mahalagang maging matatag at nananatili sa katotohanan. Ngayon pa nga lang ang dami nang naniniwala sa mga kasinungalingan. Pagdating pa ng “man of lawlessness,” lalong kakalat ang mga pandaraya para marami ang malinlang, kakatuwaan pa ang paggawa ng masama, na siya namang ikapapahamak ng marami (2:10-11). Paano tayong hindi mapapahamak? Kung mananatili tayo sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Sabi ni Paul sa kanila, “So then, brothers and sisters, stand firm and hold to the traditions you were taught, whether by what we said or what we wrote” (2:15 CSB). Kaya mahalaga na nakikinig ng sermons every Sunday, umaattend ng mga equipping classes, nagjo-join ng mga Bible study groups, nag-aaral ng Bible doctrines, nagbabasa ng mga sound theology books. Wag tayong paloloko sa mga maling katuruan.
Magtrabahong mabuti (3:6-15; 1:11).
Dahil sa maling paniniwala nila, kaya ayaw nang magtrabaho ng ilan sa kanila. Basahin natin ang sabi ni Pablo sa kanila:
Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at ayaw sumunod sa mga turo na ibinigay namin sa inyo. Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami naging tamad nang kami'y kasama pa ninyo. Hindi kami nakikain kaninuman nang walang bayad. Nagtrabaho kami araw-gabi upang hindi makabigat kaninuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong tulong, kundi upang kayo'y bigyan ng halimbawang dapat tularan. Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, “Ang ayaw magtrabaho ay hindi dapat kumain.”
Binanggit namin ito dahil nabalitaan naming may ilan sa inyong ayaw magtrabaho, at walang inaatupag kundi ang makialam sa buhay ng may buhay. Sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, mahigpit naming iniuutos sa mga taong ito na sila'y maghanapbuhay nang maayos at huwag umasa sa iba.
Mga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti. Maaaring mayroon sa inyo diyan na hindi susunod sa sinasabi namin sa sulat na ito. Kung magkagayon, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa kanya, upang siya'y mapahiya. Ngunit huwag naman ninyo siyang ituring na kaaway; sa halip, pagsabihan ninyo siya bilang kapwa mananampalataya. (3:6-15 MBB)
Yung mga “ayaw” magtrabaho ang sinasabihan dito. Hindi yung hindi kayang magtrabaho. Bakit? Kasi hindi yun ayon sa turo at halimbawa nila Pablo. Ang trabaho ay hindi consequence ng kasalanan. Sa Garden of Eden pa lang may trabaho na na ibinigay kina Adan at Eba. Yung hirap sa pagtatrabaho ang epekto ng kasalanan. Kaya kung tayo ay inaabangan ang pagbabalik ni Cristo, hindi ito excuse para tumigil sa pagtatrabaho. Motivation pa nga! Yung trabaho natin—kahit may times na bored ka, o hirap na hirap ka, o ang liit ng sweldo mo, o di naaappreciate ng iba, o napipilitan ka lang na gawin—hindi ‘yan mawawalan ng kabuluhan. Your labor is not in vain—trabaho man sa pag-aaral, sa opisina, sa palengke, sa bahay, sa ministry sa church, sa pagtulong sa iba. Wag tayong magsawa sa pagtatrabaho para sa ikabubuti ng iba, para sa karangalan ng Panginoon. Hindi ‘yan masasayang.
Kaya tulungan natin ang bawat isa sa church. Pagsabihan ang tamad, ang mga palaging umaabsent sa gatherings, yung walang involvement sa ministries at discipleship sa church, yung mga laro lang ng laro o tambay lang ng tambay at sinasayang ang oras at lakas at talento na bigay ng Panginoon. Dahil muling babalik si Cristo, mas maging masipag tayo sa pagtitipon-tipon natin (Heb. 10:24-25), sa pag-eencourage sa bawat isa, sa pagdidisciple, sa pagse-share ng Story of God sa mga unbelievers. Kung ang pag-asa natin sa buhay, at sa darating na buhay ay nakakabit kay Cristo at sa kanyang muling pagbabalik, mas magiging masipag pa tayo kaysa sa mga taong ang pag-asa ay nakakabit sa mga bagay sa mundong ito. Kaya ang tanong:

Conclusion: Saan nakakabit ang pag-asa mo?

Kay Cristo ba at sa kanyang muling pagbabalik? O sa ibang tao? Sa asawa mo? O sa iba pa? Sa pera? Sa trabaho? Sa pagkilala sa ‘yo ng tao? Mga tanong na napakahalagang sagutin ng bawat isa sa atin. Mga bata, ano ang pinakasasabikan n’yong mangyari, makuha o dumating? Mga kabataan, ano ang nagbibigay sa inyo ng kasiyahan? Bawat isa sa atin, saan nakakabit ang pag-asa mo? Dalangin ko na maging totoo sa puso ng bawat isa sa atin yung kinanta natin kanina, “Christ Our Hope in Life and Death.” Si Cristo na muling babalik para makasama natin for thousands of thousands of years in eternity.
Related Media
See more
Related Sermons
See more