Gospel Stewardship: The Message of 1 Timothy

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 197 views
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Introduction

Tapos na tayo sa mga sulat ni Paul sa mga churches, from Romans to 2 Thessalonians last week. Simula ngayon ay yung four letters niya sa mga individuals, dalawa kay Timothy, at tig-isa kina Titus at Philemon. Yung 1-2 Timothy at Titus ay usually tinatawag na Pastoral Epistles dahil ito ay addressed sa mga pastors at may kinalaman sa ministry nila sa mga churches—sa Ephesus kay Timothy, sa Crete kay Titus. Although isinulat ito primarily sa mga individuals—“Mula kay Pablo…Kay Timoteo…” (1 Tim. 1:1-2 MBB)—pero malinaw na ito rin ay para sa benefit ng buong church. Pansinin n’yo yung benediction sa dulo, “Grace be with you” (6:21). Hindi obvious sa English yung “you” kung singular o plural, pero sa original ‘yan ay plural. Malinaw sa Tagalog, “Sumainyo nawa ang biyaya” (AB). Pareho din ang ending sa 2 Timothy. Sa Titus ganun din, “Grace be with you all” (Tit. 3:15). Ito ay salita ng Diyos (through the inspired pen of the apostle Paul) hindi lang kay Timothy, hindi lang sa church nila noon, kundi maging sa church natin ngayon.
Problema: Merong mga lumilihis at lilihis pa sa tamang doktrina. (1:3-7; 4:1-3; 6:3-5, 10, 21)
Bagamat personal letter kay Timothy, meron pa ring problem na ina-address sa church nila—at mahalaga yung role ni Timothy as a young pastor (maybe in his 30s) to address that. Problema ito noon, problema pa rin ngayon. Ano’ng problema? Merong mga lumilihis at meron pang mga lilihis sa tamang doktrina. Kaya nakiusap si Paul kay Timothy na magstay pa sa Ephesus—bagamat bago siya mapunta dun ay kasa-kasama siya ni Paul sa mga missionary journeys niya—upang “atasan ang ilang tao na huwag magturo ng ibang aral” (heterodidaskaleo) (1:3 AB). Iba at taliwas sa turo ni Pablo, a different version of the gospel na gaya ng naging problema sa Galatia. So, merong mga false teachers sa church. “Lumihis” (1:4 AB) o “tumalikod” (MBB) sila dun sa duty nila as elders na magturo ng tamang doktrina at “bumaling sa walang kabuluhang pag-uusap” (AB). Delikado kung magpapatuloy ang ganito, tulad ng nangyari kina Hymenaeus at Alexander na “ang pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak” (1:19-20 MBB). A tragic end kung mangyayari sa ibang mga members at elders natin.
At posibleng mangyari ‘yan tulad ng nangyayari sa ibang mga churches. “...sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo” (4:1-2). May mga members nga sila nun na mga biyuda na “bumaling at sumunod na kay Satanas” (5:15 AB). May mga mayayaman at naghahangad na yumaman na “nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian” (6:10 MBB). Mula simula, hanggang dulo ng sulat ni Paul, yung dangers ng maling doktrina ang isa sa mga major concerns niya. Dahil dito, “may mga nalihis na sa pananampalataya” (6:21). At dahil sa malaking problemang ito, na maaari rin nating harapin, heto ang paalala ni Pablo, na siyang tema ng buong sulat niya...
Tema: Ipinagkatiwala sa atin ang gospel, kaya naman tayo at ang church natin ay dapat na manatiling tapat na ito’y iniingatan — pinaniniwalaan, ipinamumuhay, at itinuturo sa iba. (1:11, 12, 18; 6:20)
Ito ang errors ng mga false teachers at yung mga nagpatangay sa katuruan nila—hindi sila naging tapat sa “gospel” na sinasabi nilang tinanggap nila. Pinag-aksayahan nila ng lakas at panahon yung mga usaping wala namang katuturan sa halip na yung tinatawag ni Paul na “stewardship from God that is by faith” (1:4). Eto yung tamang katuruan—yung gospel doctrine—na dapat nating ingatan. Ito yung “sound doctrine” o healthy doctrine “in accordance with the gospel of the glory of the blessed God with which I have been entrusted” (1:10-11). Ipinagkatiwala ito kay Paul na “apostle of Christ Jesus by command of God our Savior” (1:1). Ito ang utos o tagubilin sa kanya ng Diyos, “appointing me to his service” (1:12).
At kung ano itong ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, hindi pwedeng sa kanya lang, kaya inatas din niya kay Timothy: “Timoteo, anak ko, ang mga bagay na ito'y itinatagubilin ko sa iyo ayon sa mga pahayag na sinabi tungkol sa iyo upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipaglaban kang mabuti, taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi” (1:18-19 MBB). Tawag sa kanya ni Paul, “my child.” Sa simula pa nga lang ng sulat, “To Timothy, my true child in the faith...” (1:2). Hindi naman si Paul ang nagshare sa kanya ng gospel. Si Timothy kasi ay taga-Lystra, isang Roman colony sa province of Galatia. Ang tatay niya ay hindi Judio, pero ang nanay niya ay isang Judio (Acts 16:1). Malamang non-Christian tatay niya, pero sincere believers ang nanay at lola niya (2 Tim. 1:5), na mula pa pagkabata niya ay tinuruan na siya ng Scriptures na nakaimpluwensiya sa kanya para maging Christian (2 Tim. 3:14-15). Na-meet ni Paul si Timothy sa Lystra, at pagkatapos ay isinama na siya sa mga missionary journeys niya hanggang maitalaga siya na pastor sa Ephesus. Madalas rin siyang mababanggit ni Paul sa ibang mga sulat niya. Makikita natin dito yung close relationship na meron sila, at yung influence ni Paul sa kanya sa pagdidisciple.
Hanggang sa dulo ng sulat niya kay Timothy, consistent yung message niya, “O Timothy, guard the deposit entrusted to you” (6:20). Ano yung “deposit” na ipinagkatiwala sa kanya at dapat niyang ingatan? None other than the gospel—yung “sound doctrine” na paulit-ulit na binabanggit ni Paul sa sulat niya. This is gospel stewardship, o stewarding the gospel. Tinanggap ni Paul. Tinanggap ni Timothy. Tinanggap ng Ephesian church. Tinanggap nating lahat. We are all stewards of the gospel. Galing sa Diyos. Kayamanan na galing sa Diyos. Hindi pwedeng basta-basta lang ang pagtrato natin dito. Dapat ingatan, dapat pahalagahan. Paano? Paniwalaang mabuti, at wag patatangay sa mga maling aral. Ipamuhay na mabuti, at wag lilihis sa kalooban ng Diyos. At ituro sa iba, at wag titigil hangga’t may mga tao pa na hindi lubos na naniniwala dito. Makikita natin maya-maya how crucial ang role ng lahat ng church members, lalong-lalo na ang mga church leaders, in stewarding the gospel.
Pero bago yun, dapat maging malinaw muna kung ano itong “gospel” na ‘to?

Ano ang gospel na ipinagkatiwala sa atin?

The gospel of God (1:11, 16-17)
He is “God our Savior” (1:1). Yung gospel na ‘to ay “the gospel of the glory of the blessed (or, happy!) God” (1:11). Yung gospel na ‘to ay good news na galing sa Diyos, this is so good, so beautiful na walang ibang makakaisip ng ganitong plano para tayo’y maligtas maliban sa Diyos. Kaya naman siya lang ang tumanggap ng papuri dahil dito, soli Deo gloria: “To the King of the ages, immortal, invisible, the only God, be honor and glory forever and ever. Amen” (1:16-17).
The gospel for sinners (1:12-13, 15)
Lalong mas kumikinang ang kaluwalhatian ng Diyos, lalong mas nadidisplay ang kanyang “perfect patience” (1:16), mas lalong tumatamis ang good news ng gospel kung naalala natin ang kalagayan natin dati at naeexpose ang lalim ng kasalanan natin laban sa Diyos. Tulad ni Paul, alam niya na tinawag siyang maging apostol not because he is deserving or worthy. Pero itinuring siyang karapat-dapat ng Diyos: “kahit na noong una ako'y isang lapastangan, mang-uusig at mang-aalipusta” (1:13 AB). Itinuturing niya ang sarili niya na isa sa “mga makasalanan” at “pinakamasama” sa lahat ng mga makasalanan (1:15 MBB).
The gospel of Jesus Christ (1:14-15; 2:3-6)
Mas gumaganda ang Magandang Balita kung naaalala natin palagi (at aaminin natin!) ang kapangitan at kabahuan ng kasalanan natin. Mas naa-amaze tayo sa grace ng Panginoon kung nakikita natin kung gaano tayo ka-undeserving ng kaligtasan (1:14). “Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (1:15 MBB); “The saying is trustworthy and deserving of full acceptance, that Christ Jesus came into the world to save sinners.” Itong formula na ‘to: “The saying is trustworthy and deserving of full acceptance...” ay matatagpuan in a number of places sa pastoral epistles (see 1 Tim. 3:1; 4:9; 2 Tim. 2:11; Tit. 3:8). Nag-iindicate ito kung gaano kahalaga ang gospel doctrine at ang application nito sa buhay ng isang Kristiyano at sa buong church. The gospel of Jesus Christ is the most treasured possession na meron tayo. Ingatan natin ‘to. Pahalagahan natin ‘to. It is “deserving of full acceptance,” not rejection, not half-hearted acceptance. Baka meron sa inyo na hanggang ngayon ay hindi pa ito tinatanggap at pinaniniwalaan?
The gospel that is to be received by faith (1:14, 16)
“Pinasagana sa akin ang kagandahang-loob ng ating Panginoon at ipinagkaloob niya sa akin ang pananampalataya at pag-ibig na natatagpuan sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (1:14 MBB). Ang mga “sasampalataya” kay Cristo ay “bibigyan ng buhay na walang hanggan” (1:16). You cannot be a faithful steward of the gospel kung in the first place ay wala ka pa namang “faith” in Christ.
The gospel that is to be proclaimed to all people (1:1; 2:7; 3:16)
At dahil marami pa ang mga tao na hanggang ngayon ay wala pa ring “faith” sa Panginoong Jesus, kaya kailangan nating ituro ito sa lahat. Yun ang essence ng stewardship na tinanggap ni Paul bilang “apostle”—sugo siya bilang messenger o ambassador ng gospel na ‘to sa mga taong hind pa nakakakilala kay Cristo. “Dahil dito, ako'y pinili upang maging mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at katotohanan para sa mga Hentil” (2:7). Malinaw rin ito sa isang creedal statement ng church noon o yung tinatawag ni Paul na “the mystery of godliness” (3:16): “Siya'y nahayag sa anyong tao (the incarnation of Christ), pinatunayang matuwid ng Espiritu (the resurrection of Christ), at nakita ng mga anghel (the ascension of Christ). Ipinangaral sa mga bansa, pinaniwalaan sa sanlibutan, at itinaas sa kaluwalhatian” (MBB). The church is an unfaithful steward of the gospel kung naririnig nga sa loob ang gospel, pero hindi naman lumalabas, not going out to the nations. Ang gospel stewardship ay may kinalaman sa Great Commission of making disciples of all nations (Matt. 28:19-20). Ibinigay ito sa lahat ng mga baptized members of the church. Sa lahat, but especially sa mga church leaders.

Ang mga church leaders bilang mabuting katiwala ng gospel.

Ang mga church leaders ay pinagkalooban ng authority ng Diyos na pangunahan ang church. Kaakibat nito ang responsibility na ingatan, pangalagaan, o i-steward ang gospel. Tulad ng ginawa ni Pablo, ganito rin ang tagubilin niya kay Timoteo, na ang mga church leaders na kagaya niya—especially the church elders. Ano ang ginagawa ng mga church leaders bilang mabuting katiwala ng gospel?
Sinasaway ang mga nagtuturo ng maling aral. (1:3-11)
May God-given authority si Timothy na “utusan ang ilang tao diyan (sa Ephesian church) na huwag magturo ng maling aral” (1:3 MBB). Maybe mga elders nila, o yung mga dayo na false teachers, gaya ng warning ni Paul na posibleng mangyari at nangyayari na nga (Acts 20:29-30). As leading pastor ng church, katuwang ang iba pang mga pastors/elders, I take primary responsibility na sawayin ang sinuman na magtuturo ng taliwas sa “sound doctrine” (1 Tim. 1:10-11), at sabihan din kayo kung meron kayong pinakikinggan sa social media o sa YouTube na mga teachers na taliwas sa gospel ang itinuturo. Pero para mas malaman ng church kung ano ang tama, hindi lang kung ano ang mali, kami ay…
Nagtuturo ng tamang doktrina at tamang pamumuhay. (4:6-7, 11, 13; 5:7; 6:2-3)
Sabi ni Paul kay Timothy, “Kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging mabuting lingkod ni Cristo Jesus” (4:6 MBB), “being trained in the words of the faith and of the good doctrine that you have followed.” Kailangan ang mga pastor ninyo ay sanay, babad, at fluent sa gospel. “Ituro mo’t ipatupad ang lahat ng ito,” sabi pa ni Paul kay Timothy (4:11). We do it primarily—although not exclusively—sa public reading and preaching of the Word every Sunday. “Iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao, sa pangangaral at sa pagtuturo (4:13). Hindi lang sa preaching, kundi maging sa personal na pakikipag-usap sa mga members ng church (5:7). “Teach and urge these things” (6:2). Hindi lang tamang doktrina ang ituturo, kundi yung buhay na nakakabit sa tamang doktrinang ito, “teaching that accords with godliness” (6:3). Ang pagtuturo ng ganitong kabanalan na kaakibat ng tamang aral ay hindi lang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan rin ng mabuting halimbawa.
Nagpapakita ng halimbawa ng lumalagong kabanalan. (4:7, 12, 14-16; 6:11-12)
Kaya nga ang mga pastor ay hindi lang kailangang sanay sa hermeneutics, sa homiletics, sa theology, at sa teaching. Yung iba nga ay pinag-aaksayahan pa ng oras ang pakikipag-argumento sa social media. “Rather, train yourself for godliness” (4:7). Hindi lang magturo (v. 11), kundi “sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay” (v. 12). Of course, we are not perfectly holy. Nagkakasala pa rin kami, but we hope na nakikita n’yo na we’re making progress sa aming spiritual maturity: “Practice these things, immerse yourself in them, so that all may see your progress. Keep a close watch on yourself and on the teaching. Persist in this, for by so doing you will save both yourself and your hearers” (4:15-16). Napakahalaga na binabantayan natin ang sarili natin. We can believe and teach all the right doctrines, pero kung hindi naman totoo ang pananampalataya natin at walang nakikitang ebidensiya na totoo nga ito, we are in great danger. Kaligtasan natin ang nakasalalay rito. I’m not saying na we are saved by our godliness. Pinag-usapan nga natin yung gospel kanina! Pero kung nagpapatuloy tayo sa kasalanan, our soul is in grave danger. Kaya nga sinabi ni Paul na i-rebuke ang nagpapatuloy sa kasalanan, lalo na kapag pastors ng church (5:20). Hindi lang kami ang mapapahamak, buong church madadamay kung hindi namin babantayan ang doktrinang itinuturo namin at ang buhay na ipinamumuhay namin.
Pastors/Elders (3:1-7; 5:22)
Kaya nga sinabihan ni Paul si Timothy na ‘wag magmadali sa pagtatalaga ng mga leaders ng church, especially those who will serve as elders/pastors (5:22). Hindi rin dapat bagong convert pa lang (3:6). Baka kasi madisgrasya dahil sa pride. It takes time para mas maging malalim sa gospel ang isang believer. Hindi pwedeng madaliin yung kakayanan na magturo. Sa listahan ng mga qualifications ng “overseers” (galing sa salita na pinagmulan ng bishop, episkopos, pero ginagamit natin interchangeably with pastors and elders, unlike sa panahon ngayon na iba-iba. Ang pastor ay elder. Ang elder ay pastor. Bishop rin!) hindi lang kakayahan sa pagtuturo ang binanggit, mahalaga yun siyempre, pero mas pinahalagahan ang karakter na dapat makita sa isang Kristiyanong lalaki dahil part of our ministry ay yung pagpapakita ng mabuting halimbawa sa ugali, sa relasyon sa ibang tao, sa relasyon sa asawa, sa pagpapalaki sa mga anak (3:1-7).
Deacons (3:8-13)
Ganun din sa mga deacons bilang mga church leaders din (3:8-13). Katuwang din ‘yan ng mga elders. Ang kaibahan lang hindi required ang “able to teach” sa kanila bagamat ang iba ay nakakatuwang din sa pagtuturo. Elders lead the ministry. Deacons facilitate the ministry. Pero dapat ay matibay rin ang kapit sa gospel doctrine, “They must hold the mystery of the faith with a clear conscience” (v. 9).
Leaders and members (5:1-2)
Ipinapakita rin ang mabuting halimbawang ito sa relasyon ng mga leaders sa kanilang mga members. Oo nga’t sinabihan ni Paul si Timothy na wag hayaang hamakin ninuman ang kanyang kabataan (4:12) dahil meron siyang authority na galing sa Diyos, pero hindi yun justification para abusuhin niya ang awtoridad na meron siya at basta-basta na lang itrato ang ibang miyembro. “Do not rebuke an older man but encourage him as you would a father, younger men as brothers, older women as mothers, younger women as sisters, in all purity” (5:1-2). Isang pamilya tayo, we are God’s household (4:15). Kaming mga leaders as head stewards of this household ay merong responsibilidad na ipakita sa inyo ang magandang halimbawa sa relasyon natin sa bawat isa. Kaya kung nakikita n’yo ito sa inyong mga leaders, sabihin n’yo sa kanila kung paano kayo naeencourage sa halimbawa nila. Kung meron mang kaming pagkukulang, pwede n’yo naman din kaming pagsabihan, at lalo na ay maipagpray so we can be more faithful stewards of the gospel—na lumalalim ang paghawak namin dito, mas lumalago kami sa application nito at mas nagiging masipag kami sa pagtuturo nito sa iba.

Ang mga church members bilang mabuting katiwala ng gospel.

Pero wag na wag n’yong iisipin na ang stewarding of the gospel ay sole responsibility ng mga leaders ng church. No. We take primary responsibility, but it is a responsibility shared with the whole church. Isang pamilya tayo ng Diyos. Balikan natin yung purpose statement niya sa 1 Tim. 3:15, “if I delay, you may know how one ought to behave in the household of God, which is the church of the living God, a pillar and buttress of the truth.” Ang identity ng church ay “pillar and buttress of the truth.” Pinanghahawakan natin yung truth about the gospel, yung sound doctrine. Ipinagtatanggol. Binibigyang patunay sa buhay natin—sa loob man o sa labas ng mga gatherings natin as a church. There is a kind of behavior na faithful stewarding of the gospel. Mahalaga sa bawat miyembro how you conduct yourself sa church.
Prayer (2:1-7)
When we pray, hindi lang puro sa sarili natin ang pinagpepray natin. Natural naman yun. Pero when we are stewards of the gospel, ipinagpepray natin ang “lahat ng tao” (2:1 MBB), o lahat ng klase ng tao. Ordinaryong mamamayan man ‘yan o yung mga namumuno sa gobyerno (2:2), we pray for them na hindi lang maging “maayos” ang buhay nila o ang pamamalakad nila sa gobyerno, kundi makakilala sila kay Cristo. Kung wala naman talagang ibang tagapagligtas maliban kay Jesus. “Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas. Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito” (vv. 3-4). Ano ang magbabago sa prayer life ng church natin kung iniisip natin how we can be faithful stewards of the gospel?
Men and women in worship (2:8-15)
Pero hindi lang ito tungkol sa “what” we pray for, but how we pray, o ano yung attitude na dala-dala natin sa prayer. Kaya sinabi rin ni Pablo na ang mga lalaki ay “manalangin nang may malinis na puso, walang sama ng loob at galit sa kapwa” (v. 8). Sa mga babae naman, yung modesty at humble submission. Modesty sa pananamit dahil mas mahalaga hindi yung maging attractive kayo in front of other people, kundi magkaroon ng karakter na sumasalamin sa gospel na pinaniniwalaan natin (vv. 9-10). At humble submission sa leadership na bigay ng Diyos sa mga qualified men sa church—sa mga elders. “Ang mga babae ay dapat matuto nang tahimik at nagpapasakop. Hindi ko pinapayagan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki, kundi dapat silang manahimik” (vv. 11-12). Hindi ibig sabihing bawal magsalita sa lahat ng pagkakataon, pero sa context ng teaching and preaching as authoritative function sa assembly ng buong church na idinesenyo ng Diyos sa mga qualified men. Eto ang isang reason why we practice male eldership sa church (unlike other churches!). We believe, tulad ng argument ni Paul sa creation order na tinangkang sirain ng ahas sa Garden of Eden (vv. 13-14), na ang ganitong practice ay consistent sa biblical theology ng Scripture. Kaya kapag ang mga lalaki at mga babae sa church ay nag-uugali at gumagawa nang ayon dito, we become good stewards of the gospel.
Caring for widows (5:3-16)
Nangyayari rin ito kapag pinahahalagahan natin yung hindi karaniwang napapahalagahan sa church. Tulad ng mga widows. Yes, itinuturing natin silang kapamilya rin. Aalagaan natin sila. Pero kung meron silang mga kapamilya na pwedeng mag-alaga sa kanila at Christians din naman sila ang unang dapat mag-alaga sa kanila. They steward the gospel by caring for them, “let them first learn to show godliness to their own household” (5:4). Kung masipag ka nga sa ministry sa church, pero kailangan ka ng magulang mo sa bahay at hindi ka tumutulong sa kanila, kahit sabihin mo pang passionate ka for gospel ministry, hindi kapani-paniwala yun. Sabi nga ni Paul, “But if anyone does not provide for his relatives, and especially for members of his household, he has denied the faith and is worse than an unbeliever” (5:8). Hindi ka lang parang unbeliever, sabi niya, mas malala ka pa. Grabe pala no?
Nagbigay rin ng instructions si Paul sa mga widows mismo (vv. 9-16), na sila rin ay merong responsibility to steward the gospel. Paano? Wag makinig sa mga false teachers, panghawakan ang gospel doctrine, at wag lumihis sa pananampalataya tulad marahil ng ilan sa kanila na na-influence ng mga false teachers at sumunod na kay Satanas (v. 15).
Honoring pastors/elders (5:17-18)
Church members also steward the gospel well kapag maganda ang pagtrato nila sa mga leading stewards of the gospel sa church—ang mga pastors/elders. “Ang mga matatandang pinuno ng iglesya na mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran, lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos” (v. 17). Mas ginaganahan, mas sumisigla, mas naeencourage ang mga leaders kapag nakikita at nararamdaman nilang pinapahalagahan ng mga members ang trabaho nila. The whole church benefits sa ganitong good relationship na meron ang mga elders at mga members ng church. Kaya ipagpatuloy ninyo ang pagpapasakop, pagsunod, pakikinig, at pagsuporta sa mga elders ng church. Kapag ganyan ang ginagawa n’yo, you are really doing well as a steward of the gospel.
Church discipline (5:19-25)
Pansinin natin ang mga mabubuting ginagawa ng mga leaders at members ng church (v. 25). At yung mga kasalanan din pansinin natin, kaya merong church discipline. We steward the gospel kung sinasaway natin, especially kung mga elders yan!, ang nagtuturo at namumuhay nang lihis sa gospel at sa sound doctrine.
Masters and slaves (6:1-2)
Dito naman ay ang relasyon ng masters and slaves. Wala na ngang slavery sa panahon natin pero nagpapakita pa rin ito ng gospel motivations na dapat meron tayo sa pagtrato natin sa iba (especially those who are in authority over us). Kung non-Christian sila, ano ang motivation bakit natin sila igagalang kahit hindi sila kagalang-galang? “Upang walang masabing masama laban sa pangalan ng Diyos at sa ating aral” (6:1). For the sake of the gospel and the glory of God. Kung Christian naman ang superior natin, mas dapat pa nga nating pagbutihin dahil siya ay kapamilya. His benefit is your benefit also kasi nga we are members of one body. For the sake of the gospel pa rin. Sa loob man ng church o sa labas ng church, we steward the gospel when we behave in ways na nagrereflect ng gospel na pinaniniwalaan natin.
The rich (6:6-10, 17-19)
Sa panghuli, Paul talks about our attitude sa pera. Particular sa mga mayayaman, pero para sa lahat ‘to. Hindi pera ang problema, yung “love of money” kasi ang problema (v. 10). Idol ito ng marami na nagiging dahilan kung bakit ang iba ay nalalayo na sa pananampalataya at sa halip na mapaayos ang buhay—kasi akala nila pera ang solusyon sa mga problema nila—lalo pang napapasama. Kaya mahalaga yung contentment, “Godliness with contentment is great gain” (6:10). It reflects the gospel well kasi sa pamamagitan nito, kapag hindi tayo nagiging sakim, at kuntento tayo, at generous tayo at ready to share sa iba yung mga resources na galing sa Diyos (v. 18), ano ang sinasabi nito about the gospel? Ang pag-asa natin ay nasa Diyos, ang lahat ng ito ay galing sa Diyos, ang kayamanan natin ay wala sa mundong ito kundi nasa relasyon na meron tayo kay Cristo (vv. 17-19).

Conclusion

Nakita mo na kung ano ang pinupunto ni Pablo hindi lang para kay Timothy kundi para sa church nila at sa lahat ng mga churches? Kasi lahat ng church ay “household of God…church of the living God, a pillar and buttress of the truth” (3:15). Ang faithfulness ng isang church ay nasusukat kung paano natin iniingatan as stewards yung “the truth” na yun—yung gospel message. Sabi ni Ray Ortlund sa The Gospel: How the Church Portrays the Beauty of Christ, “A faithful church holds the gospel up for everyone to see and firms the gospel up as credible and solid” (p. 75). In other words, itinuturo natin ang gospel para makita ng lahat kung sino si Cristo—lahat ng nasa church, lahat ng wala pa sa church. At hindi lang itinuturo, we live in such a way—sa loob ng church at sa labas ng church—na makikita ng mga tao kung sino si Cristo at bakit siya lang ang tunay na Tagapagligtas at kung paanong yung gospel na yun ay “power of God for salvation to everyone who believes” (Rom. 1:16).
Yung closing statement ni Paul, “O Timothy, guard the deposit entrusted to you” (6:10), hindi lang ‘yan para kay Timothy. Para sa buong church. Meron tayong collective responsibility to guard the integrity of the gospel. Pastor Derick, steward the gospel well. Church elders, steward the gospel well. Church deacons, steward the gospel well. All church members—mga kabataan, students, mga young professionals, singles, husbands, fathers, wives, mothers, widows, widowers, single parents, business people—steward the gospel well. At kung hindi ka pa member ng church, the first thing you need to do is to ask paano magiging member of this church family at makatuwang sa gospel ministry.
At para sa mga members, now ask yourself this question:
Ano ang ginagawa mo at gagawin mo bilang miyembro ng “household of God, which is the church of the living God, a pillar and buttress of the truth” (3:15)?
Related Media
See more
Related Sermons
See more