Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.06UNLIKELY
Disgust
0.07UNLIKELY
Fear
0.09UNLIKELY
Joy
0.52LIKELY
Sadness
0.52LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0.17UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.38UNLIKELY
Agreeableness
0.62LIKELY
Emotional Range
0.2UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
Tapos na tayo sa mga sulat ni Paul sa mga churches, from Romans to 2 Thessalonians last week.
Simula ngayon ay yung four letters niya sa mga individuals, dalawa kay Timothy, at tig-isa kina Titus at Philemon.
Yung 1-2 Timothy at Titus ay usually tinatawag na Pastoral Epistles dahil ito ay addressed sa mga pastors at may kinalaman sa ministry nila sa mga churches—sa Ephesus kay Timothy, sa Crete kay Titus.
Although isinulat ito primarily sa mga individuals—“Mula kay Pablo…Kay Timoteo…” (1 Tim.
1:1-2 MBB)—pero malinaw na ito rin ay para sa benefit ng buong church.
Pansinin n’yo yung benediction sa dulo, “Grace be with you” (6:21).
Hindi obvious sa English yung “you” kung singular o plural, pero sa original ‘yan ay plural.
Malinaw sa Tagalog, “Sumainyo nawa ang biyaya” (AB).
Pareho din ang ending sa 2 Timothy.
Sa Titus ganun din, “Grace be with you all” (Tit.
3:15).
Ito ay salita ng Diyos (through the inspired pen of the apostle Paul) hindi lang kay Timothy, hindi lang sa church nila noon, kundi maging sa church natin ngayon.
Problema: Merong mga lumilihis at lilihis pa sa tamang doktrina.
(1:3-7; 4:1-3; 6:3-5, 10, 21)
Bagamat personal letter kay Timothy, meron pa ring problem na ina-address sa church nila—at mahalaga yung role ni Timothy as a young pastor (maybe in his 30s) to address that.
Problema ito noon, problema pa rin ngayon.
Ano’ng problema?
Merong mga lumilihis at meron pang mga lilihis sa tamang doktrina.
Kaya nakiusap si Paul kay Timothy na magstay pa sa Ephesus—bagamat bago siya mapunta dun ay kasa-kasama siya ni Paul sa mga missionary journeys niya—upang “atasan ang ilang tao na huwag magturo ng ibang aral” (heterodidaskaleo) (1:3 AB).
Iba at taliwas sa turo ni Pablo, a different version of the gospel na gaya ng naging problema sa Galatia.
So, merong mga false teachers sa church.
“Lumihis” (1:4 AB) o “tumalikod” (MBB) sila dun sa duty nila as elders na magturo ng tamang doktrina at “bumaling sa walang kabuluhang pag-uusap” (AB).
Delikado kung magpapatuloy ang ganito, tulad ng nangyari kina Hymenaeus at Alexander na “ang pananampalataya nila ay natulad sa isang barkong nawasak” (1:19-20 MBB).
A tragic end kung mangyayari sa ibang mga members at elders natin.
At posibleng mangyari ‘yan tulad ng nangyayari sa ibang mga churches.
“...sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya.
Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo” (4:1-2).
May mga members nga sila nun na mga biyuda na “bumaling at sumunod na kay Satanas” (5:15 AB).
May mga mayayaman at naghahangad na yumaman na “nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian” (6:10 MBB).
Mula simula, hanggang dulo ng sulat ni Paul, yung dangers ng maling doktrina ang isa sa mga major concerns niya.
Dahil dito, “may mga nalihis na sa pananampalataya” (6:21).
At dahil sa malaking problemang ito, na maaari rin nating harapin, heto ang paalala ni Pablo, na siyang tema ng buong sulat niya...
Tema: Ipinagkatiwala sa atin ang gospel, kaya naman tayo at ang church natin ay dapat na manatiling tapat na ito’y iniingatan — pinaniniwalaan, ipinamumuhay, at itinuturo sa iba.
(1:11, 12, 18; 6:20)
Ito ang errors ng mga false teachers at yung mga nagpatangay sa katuruan nila—hindi sila naging tapat sa “gospel” na sinasabi nilang tinanggap nila.
Pinag-aksayahan nila ng lakas at panahon yung mga usaping wala namang katuturan sa halip na yung tinatawag ni Paul na “stewardship from God that is by faith” (1:4).
Eto yung tamang katuruan—yung gospel doctrine—na dapat nating ingatan.
Ito yung “sound doctrine” o healthy doctrine “in accordance with the gospel of the glory of the blessed God with which I have been entrusted” (1:10-11).
Ipinagkatiwala ito kay Paul na “apostle of Christ Jesus by command of God our Savior” (1:1).
Ito ang utos o tagubilin sa kanya ng Diyos, “appointing me to his service” (1:12).
At kung ano itong ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, hindi pwedeng sa kanya lang, kaya inatas din niya kay Timothy: “Timoteo, anak ko, ang mga bagay na ito'y itinatagubilin ko sa iyo ayon sa mga pahayag na sinabi tungkol sa iyo upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipaglaban kang mabuti, taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi” (1:18-19 MBB).
Tawag sa kanya ni Paul, “my child.”
Sa simula pa nga lang ng sulat, “To Timothy, my true child in the faith...” (1:2).
Hindi naman si Paul ang nagshare sa kanya ng gospel.
Si Timothy kasi ay taga-Lystra, isang Roman colony sa province of Galatia.
Ang tatay niya ay hindi Judio, pero ang nanay niya ay isang Judio (Acts 16:1).
Malamang non-Christian tatay niya, pero sincere believers ang nanay at lola niya (2 Tim.
1:5), na mula pa pagkabata niya ay tinuruan na siya ng Scriptures na nakaimpluwensiya sa kanya para maging Christian (2 Tim.
3:14-15).
Na-meet ni Paul si Timothy sa Lystra, at pagkatapos ay isinama na siya sa mga missionary journeys niya hanggang maitalaga siya na pastor sa Ephesus.
Madalas rin siyang mababanggit ni Paul sa ibang mga sulat niya.
Makikita natin dito yung close relationship na meron sila, at yung influence ni Paul sa kanya sa pagdidisciple.
Hanggang sa dulo ng sulat niya kay Timothy, consistent yung message niya, “O Timothy, guard the deposit entrusted to you” (6:20).
Ano yung “deposit” na ipinagkatiwala sa kanya at dapat niyang ingatan?
None other than the gospel—yung “sound doctrine” na paulit-ulit na binabanggit ni Paul sa sulat niya.
This is gospel stewardship, o stewarding the gospel.
Tinanggap ni Paul.
Tinanggap ni Timothy.
Tinanggap ng Ephesian church.
Tinanggap nating lahat.
We are all stewards of the gospel.
Galing sa Diyos.
Kayamanan na galing sa Diyos.
Hindi pwedeng basta-basta lang ang pagtrato natin dito.
Dapat ingatan, dapat pahalagahan.
Paano?
Paniwalaang mabuti, at wag patatangay sa mga maling aral.
Ipamuhay na mabuti, at wag lilihis sa kalooban ng Diyos.
At ituro sa iba, at wag titigil hangga’t may mga tao pa na hindi lubos na naniniwala dito.
Makikita natin maya-maya how crucial ang role ng lahat ng church members, lalong-lalo na ang mga church leaders, in stewarding the gospel.
Pero bago yun, dapat maging malinaw muna kung ano itong “gospel” na ‘to?
Ano ang gospel na ipinagkatiwala sa atin?
The gospel of God (1:11, 16-17)
He is “God our Savior” (1:1).
Yung gospel na ‘to ay “the gospel of the glory of the blessed (or, happy!) God” (1:11).
Yung gospel na ‘to ay good news na galing sa Diyos, this is so good, so beautiful na walang ibang makakaisip ng ganitong plano para tayo’y maligtas maliban sa Diyos.
Kaya naman siya lang ang tumanggap ng papuri dahil dito, soli Deo gloria: “To the King of the ages, immortal, invisible, the only God, be honor and glory forever and ever.
Amen” (1:16-17).
The gospel for sinners (1:12-13, 15)
Lalong mas kumikinang ang kaluwalhatian ng Diyos, lalong mas nadidisplay ang kanyang “perfect patience” (1:16), mas lalong tumatamis ang good news ng gospel kung naalala natin ang kalagayan natin dati at naeexpose ang lalim ng kasalanan natin laban sa Diyos.
Tulad ni Paul, alam niya na tinawag siyang maging apostol not because he is deserving or worthy.
Pero itinuring siyang karapat-dapat ng Diyos: “kahit na noong una ako'y isang lapastangan, mang-uusig at mang-aalipusta” (1:13 AB).
Itinuturing niya ang sarili niya na isa sa “mga makasalanan” at “pinakamasama” sa lahat ng mga makasalanan (1:15 MBB).
The gospel of Jesus Christ (1:14-15; 2:3-6)
Mas gumaganda ang Magandang Balita kung naaalala natin palagi (at aaminin natin!) ang kapangitan at kabahuan ng kasalanan natin.
Mas naa-amaze tayo sa grace ng Panginoon kung nakikita natin kung gaano tayo ka-undeserving ng kaligtasan (1:14).
“Totoo ang pahayag na ito at dapat paniwalaan ng lahat: Si Cristo Jesus ay dumating sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (1:15 MBB); “The saying is trustworthy and deserving of full acceptance, that Christ Jesus came into the world to save sinners.”
Itong formula na ‘to: “The saying is trustworthy and deserving of full acceptance...” ay matatagpuan in a number of places sa pastoral epistles (see 1 Tim.
3:1; 4:9; 2 Tim.
2:11; Tit.
3:8).
Nag-iindicate ito kung gaano kahalaga ang gospel doctrine at ang application nito sa buhay ng isang Kristiyano at sa buong church.
The gospel of Jesus Christ is the most treasured possession na meron tayo.
Ingatan natin ‘to.
Pahalagahan natin ‘to.
It is “deserving of full acceptance,” not rejection, not half-hearted acceptance.
Baka meron sa inyo na hanggang ngayon ay hindi pa ito tinatanggap at pinaniniwalaan?
The gospel that is to be received by faith (1:14, 16)
“Pinasagana sa akin ang kagandahang-loob ng ating Panginoon at ipinagkaloob niya sa akin ang pananampalataya at pag-ibig na natatagpuan sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus” (1:14 MBB).
Ang mga “sasampalataya” kay Cristo ay “bibigyan ng buhay na walang hanggan” (1:16).
You cannot be a faithful steward of the gospel kung in the first place ay wala ka pa namang “faith” in Christ.
The gospel that is to be proclaimed to all people (1:1; 2:7; 3:16)
At dahil marami pa ang mga tao na hanggang ngayon ay wala pa ring “faith” sa Panginoong Jesus, kaya kailangan nating ituro ito sa lahat.
Yun ang essence ng stewardship na tinanggap ni Paul bilang “apostle”—sugo siya bilang messenger o ambassador ng gospel na ‘to sa mga taong hind pa nakakakilala kay Cristo.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9