Part 2 - Treasuring Christ in Our Worship
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
Introduction: Going Deeper into the Gospel (4:19)
Introduction: Going Deeper into the Gospel (4:19)
A life of daily repentance
Growing deeper in our knowledge of Christ
Ang nangyayari sa atin every Sunday, and it happens last Sunday and it will happen today, nagpapakilala ang Diyos sa atin through Jesus in his Word. It is a work of the Spirit in our hearts. Binubuksan niya ang mata ng ating mga puso para makita natin na siya lang talaga ang “fountain of living water” and that we must drink from no other well than the gospel. Kahit matagal kang magbabad sa gospel, di mo pa rin mararating ang dulo nito. There is always more God has in store for us. Pero tulad ng sinabi ko last week, kailangan nating aminin ang lalim ng sugat sa puso natin, ang lalim ng pagkakabaon natin sa kasalanan, at ang lalim ng pangangailangan natin sa Panginoong Jesus. Saka pa lang natin mararanasan ang lalim ng pag-ibig at kasapatan niya para sa atin. That is what going deeper into the gospel means.
At habang lumalalim tayo, tumataas naman ang pagtingin, pagkilala at pagsamba natin sa Diyos na nahayag sa pagdating ni Jesus. And for many of us, it will take some time para magkaroon tayo ng higher appreciation, adoration and affection for Jesus. Tulad ng babae sa kuwento sa John chapter 4. Noon pa lang naman niya nakilala si Jesus. Hindi pa Lord and Savior. Sa verse 19, “Sir” ang tawag niya, o mister, o ginoo. “Sir, I perceive that you are a prophet.” Teorya niya lang naman yun, pakiwari, based sa naobserbahan niya kay Jesus na may alam sa buhay niya. Pero hindi pa niya lubos na kilala si Jesus. He is talking to God made flesh. Ang kausap niya not just a prophet but the Prophet, the Priest, the King, the Way, the Truth, and the Life. Hindi lang alam ang ilang bahagi ng buhay niya, but everything.
Ang pagkilala kay Jesus ay isang proseso. Eternity is not even enough to get to know him. Unti-unti nagpapakilala siya sa atin. Pero ang iba sa inyo, tulad ng babaeng ito, hindi pa rin talaga siya kilala. Hindi mo pa rin inaamin na siya ang kailangan mo, siya ang Tagapagligtas mo, siya ang Hari ng buhay mo. O kung Christian ka na, but you still struggle in trusting him. Addicted ka pa sa iba’t ibang kasalanan. Somehow you still believe na yung hinahanap ng puso mo ay matatagpuan mo nang hiwalay kay Cristo. But tulad ng approach ni Jesus sa babaeng ito, he was so patient, compassionate, and inviting us to bring all our sins, our addictions, our pains, our doubts, para mas makilala siya.
Ang gospel ay hindi parang swimming pool. Kahit Olympic size pa ‘yan, maaabot mo ang ilalim. It is like a deep ocean, God is inviting us to go deeper and not be afraid anuman ang makita mo sa puso mo, pagkat doon mo rin mararanasan na si Jesus ay sapat-sapat para sa ‘yo. At kapag nakita mo yun, naranasan mo yun, your heart will rise higher in worship of the one true and living God.
Worship Matters (4:20)
Worship Matters (4:20)
Heart issues are worship issues.
Pero usually, kapag mga heart issues na ang pinag-uusapan, we tend to avoid that kind of discussion. We don’t want to go there. Tulad ng babaeing ito, ibinaling niya ang topic sa worship. Pag-usapan na lang natin ang history. Pag-usapan na lang natin ang doktrina nito. Sabi niya kay Jesus, “Our fathers worshiped on this mountain…” (v. 20). Tinuturing din naman kasi ng mga Samaritans na galing sila kay Abraham at Jacob, na nagtayo din naman ng altar sa Mt. Gerizim sa Samaria para sumamba kay Yahweh. Pero itong babaeng ito, main concern lang naman niya na wag nang pag-usapan ang lovelife niya. Pero Jesus is so wise, gagamitin niya yung to point out the real problem. Gusto mong pag-usapan ang worship issue at hindi ang heart or sin issue mo, okay, fine. Your heart issue is really a worship issue.
Ang kasalanang sexual mo man ay adultery, premarital sex, homosexuality, porn addiction, lustful thoughts, you are worshiping another person (real or imaginary) to satisfy yung pleasure or craving for approval and acceptance na hinahanap ng puso mo, na sa Diyos mo lang matatagpuan, sa Diyos mo lang dapat hanapin. Tulad ng sabi ni Paul, we “exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator, who is blessed forever! Amen” (Rom. 1:25).
Hindi lang mga “images” ang nagiging “idols” natin, kundi yung relasyon parang kapit-linta na hindi mabitawan kahit mali, kahit yung drugs or food or alcohol, kahit yung reputasyon natin na ayaw nating marumihan kaya nagsisinungaling, kahit yung pera na ipinagdadamot at ipinagyayabang, kahit yung work or ministry performance na pinaghuhugutan mo ng approval o affirmation na hinahanap mo. You see, everything in life, everything in your heart is a worship issue. Everyday there is a battle raging in our hearts kung sino ang luluhuran natin, kung sino ang kikilalanin nating “diyos” natin, kung ano ang magiging sentro ng buhay natin.
So, mahalagang usapin ang pagsamba, dapat tama ang pagkaunawa natin tungkol dito, dapat mabago ang puso natin sa pagsamba. Dito rin naman umikot ang usapan ng babae at ni Jesus. Yung word na worship from Greek word na proskuneo 2x sa v. 20, once sa v. 21, 2x sa v. 22, 3x sa v. 23, 2x sa v. 24, karaniwan verb form, once yung sa noun for na “worshiper.” Literally, ang meaning nito ay pagyukod o yung custom sa panahon nila na pagyukod sa lupa in front of someone they consider as king or god, hinahalikan pa ang paa o laylayan ng damit, “to express in attitude or gesture one’s complete dependence on or submission to a high authority figure” (BDAG). In this passage, Jesus is using it in a figurative or spiritual sense, na ang essence ng tunay na pagsamba ay hindi sa posture ng katawan natin, but the posture of our heart, na ineexpress naman din sa mga bodily postures.
Ang main issue na dapat nating matutunan sa worship ay yung sagot sa tanong na “Sino ang dapat sambahin?” at “Paano siya dapat sambahin?” hindi “Saan dapat sumamba?”
Question of less importance: “Where should we worship?”
Ito kasi ang point of discussion na sinimulan nitong babae, “Our fathers worshiped on this mountain, but you say that in Jerusalem is the place where people ought to worship” (v. 20). Ang mga Samaritans kasi, because they consider themselves separate sa mga Jews in terms of religion, sa Mt. Gerizim ang place of worship. Meron silang altar doon for burnt offerings. Meron ding temple. At kahit nasira na yung temple, tuloy pa rin ang mga worship sacrifices. Ang mga Judio naman ay sa Jerusalem. Nandun yung temple na designated by God na maging center ng worship at prayers nila. Pero temporal necessity lang yung temple na yun, until dumating ang Panginoong Jesus.
Saan ba dapat sumamba? Ang mga Muslims may sagot diyan. Ang mga Buddhists ganoon din. Pati Roman Catholics big deal din ang place of worship, sa simbahan. Kahit tayo namang mga evangelicals, ang iba pag walang church building, wala pang church, wala pang place na magworship. O kaya naman okay lang na hindi magworship Monday to Saturday, basta makaattend ng church pag Sunday. Ang iba naman, walang commitment sa isang local church, kung saan-saan umaattend. May halaga naman din ang lugar at araw na inilalaan sa pagsamba, pero wag nating iisiping yun ang pinakamahalaga. Dahil kapag ganun, nililimitahan natin ang pagsamba sa loob ng simbahan kapag araw ng linggo. We forget na merong questions na mas dapat nating sagutin regarding worship: Sino ang dapat sambahin? Paano siya dapat sambahin?
Most important questions: “Whom should we worship?” and “How should we worship him?”
Whom Should We Worship? (4:21-23)
Whom Should We Worship? (4:21-23)
Jesus said to her, “Woman, believe me, the hour is coming when neither on this mountain nor in Jerusalem will you worship the Father. You worship what you do not know; we worship what we know, for salvation is from the Jews” (vv. 21-22).
“Woman, believe me, the hour is coming...” (v. 21)
Change is coming pagdating sa pagsamba. Historically, yes. Dahil sa pagdating ni Jesus, dumating din ang kapalit ng templo. Prior sa story natin, merong story about Jesus’ cleansing of the temple John 2:13-22. Nagalit si Jesus dahil ginagawang business area ang temple. Sabi niya, “This is my Father’s house.” Ang bahay ng Diyos ay para sa pagsamba, hindi para sa negosyo. Zeal for the worship of God consumes the heart of Jesus. Nagalit din naman ang mga Judio sa ginawa ni Jesus at tinanong siya kung ano ang sign na ibibigay niya para patunayang may authority siya over the temple. Sagot ni Jesus, “Destroy this temple, and in three days I will raise it up.” Natawa lang siguro sila at sinabing, “46 years ang inabot para maayos ang lahat sa temple na ‘to!” But he was referring to his body as the temple. Ang presensya ng Diyos ay nakay Jesus. After his resurrection, naalala ng mga disciples niya ang sinabi niyang ito at naniwala sila.
Yun din ang sabi niya sa babae, “Woman, believe me…” Historically, change has come sa pagsamba na hindi na nakasentro sa templo sa Jerusalem, kundi sa Templo na si Cristo. But personally, dumating na ba ang pagbabago sa puso mo tungkol sa pagsamba? If you don’t believe in Jesus, all your worship is in vain. Magtatalon ka pa o mag-iiyak sa pagsamba.
“…when neither on this mountain nor in Jerusalem will you worship the Father.” (v. 21)
The coming of Jesus is to shift our focus not on the place of worship but on the Person of worship. Our focus must not be on the place, or program, or projection on screen, or pastor, but on God who alone is and must be the object of our worship. The Father. Ang layunin ng pagparito ni Jesus ay ilapit tayo sa pagsamba sa Ama. Jesus is the new place of worship.
“You worship what you do not know; we worship what we know.” (v. 22)
Knowing God matters. Knowing the true God matters. Worship is not just a matter of sincerity of heart, but of the truth. All other religions are worshipping false versions of God. They may be sincere, but sincerely wrong. Only Christianity is worshipping the true God revealed in Jesus. At kung kilala mo siya, this does not just mean mere head knowledge, but a relationship of trust and intimacy. Kung kanino ka nagtitiwala para sa buhay mo, siya ang sinasamba mo.
“For salvation is from the Jews.” (v. 22)
Mahalaga ang role ng mga Judio sa plano ng Diyos na iligtas ang mga tao sa iba’t ibang lahi para madala sa pagsamba sa kanya. Sa mga Jews ibinigay ang Scripture. Ang mga propeta sa kanila nagmula. Ang Messiah sa kanila nanggaling.
“But the hour is coming, and is now here...” (v. 23)
Kanina sinabi lang niya, the hour is coming. Ngayon mas specific na. Dumating na. Dahil dumating na si Jesus! Hindi lang si Jesus ang “sino” ng pagsamba. Siya din ang “paano” ng pagsamba. He is both object and means of worship. Kung hindi ang Diyos at Ama ng Panginoong Jesus ang sinasamba mo, you are worshiping a false God. Kung hindi sa pamamagitan ni Jesus ang pagsamba mo, your worship cannot be acceptable to God.
How Should We Worship? (4:23-24)
How Should We Worship? (4:23-24)
“But the hour is coming, and is now here, when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for the Father is seeking such people to worship him. God is spirit, and those who worship him must worship in spirit and truth” (vv. 23-24).
“When the true worshipers...” (v. 23)
Ibig sabihin merong false worshipers. Merong wrong way of worship. Hindi pwedeng kung ano na lang. Lahat naman kasi sumasamba. Pero ang iba, walang kabuluhan ang pagsamba. Tulad ng mga religious people sa panahon ni Jesus, sabi niya quoting Isaiah 29:13, “‘This people honors me with their lips, but their heart is far from me; in vain do they worship me, teaching as doctrines the commandments of men.'” (Matt. 15:8-9). In vain, Greek mater, to no purpose, for nothing. Kung hindi mo kilala si Jesus, kung hindi siya ang Savior mo, what you do here will be for nothing, what you do in life will be for nothing. Bakit mahalaga ang “true worship”?
“…for the Father is seeking such people to worship him.” (v. 23)
Siya ang magsasabi kung paano siya sambahin. Maaaring tama ang object of worship mo, like Israel, pero sa maling paraan. We worship not according to your preference. Paano sumamba? Kakanta ba? Tatayo? Papalakpak? Sasayaw? May drums ba? Hymns ba o contemporary? Tahimik ba o maingay. Masaya o solemn. May choir ba o may band? May liturgy ba o as the Spirit leads? Wrong questions!!! Wrong answers!!!
Paano sumamba ayon sa tamang pagkakilala sa Diyos? That’s the right question. And the right answer? Galing kay Jesus. Will worship the Father in spirit and truth…those who worship him must worship in spirit and truth.
Worship “in spirit” (vv. 23-24)
Bakit? Because God is spirit. No body, no object in all the universe can represent him. That is why making images for worship is an abomination to God. Hindi siya confined by space and time. Focus tayo masyado sa external or physical matters sa worship. Saturday or Sunday? Morning or afternoon? Sa bahay o sa church building? But it doesn’t matter, kung ang puso natin ay not engaged sa puso ng Diyos. “This people honors me with their lips, but their heart is far from me.”
Puso ng tao ang mahalaga sa pagsamba, hindi ang galaw ng katawan o tono ng boses natin sa pagkanta. Anumang expressions natin ay dapat maging overflow ng pusong sumasamba sa Diyos. Worship is an inner reality, something our eyes cannot see or our ears cannot hear. It is not about what we say, not about the technology we used, not about the sound system, the instruments or the postures, but what music our heart is playing, what posture our heart is displaying. Ang pinakamahalaga sa pagsamba ay ang mga bagay na di nakikita ng ating mga mata o naririnig ng ating mga tainga. God looks at the humility and honesty of our hearts. God listens to the praises and sorrows of our hearts. Yun ang mahalaga.
Mahalaga na meron tayong regenerate hearts. A non-Christian cannot truly worship God. Because we need the Spirit to truly worship God who is spirit. Kung tayo ay nakay Cristo, the Spirit is in us. We are God’s temple now. We worship in the power of the Spirit, nakadepende sa kapangyarihan niya, ginagabayan ng presensiya niya. We must be humble enough to say, “Hindi ako makasasamba sa sarili ko, kailangan ko ang Espiritu ng Diyos.”
Worship in spirit means: Worship directed to God, who is spirit, through a heart transformed by God and reliant on the Holy Spirit.
Worship “in truth” (vv. 23-24)
Meaning, we must worship the one and only true God. Siya lang, wala nang iba. Kaya unang-una sa 10 Commandments ay: “You shall have no other gods before me.” Dahil wala namang ibang diyos maliban sa kanya. Lahat ng kinikilalang diyos ng ibang relihiyon ay peke, hindi tunay. All the idols we cling to as a substitute for God are nothing. Umaasa lang tayo sa wala kung ipinagpapalit natin ang Diyos sa iba.
Worship in truth, ibig sabihin din ay pagsamba ayon sa katotohanang galing sa Bibliya, the Word of God. Dito nagpapakilala kung sino ang Diyos, ano ang plano niya, ano ang utos niya, ano ang pangako niya. Kaya crucial sa worship ang Bible readying, studying, meditation and preaching. We cannot worship God without his Word. We naturally believe lies about him, that is why we worship idols. We naturally believe the false promises of idols. Kailangang mapalitan ‘yan ng katotohanan ng mga pangako ng Diyos. Those promises are ultimately fulfilled in Jesus.
Worship in truth means worshiping the God who reveals himself in Jesus. Jesus is the Truth. Ang Salita na nagkatawang-tao. Kung ang pagsamba ay hindi nakasentro kay Cristo, hindi gospel-shaped, hindi yan worship in truth. Sa pagtataas natin sa karangalan ng Diyos, sa pag-amin natin sa ating mga kasalanan, sa pag-alala natin sa ginawa ni Cristo, at sa panalangin natin para magkaroon ng pagbabago sa buhay natin at ng ibang tao, lahat ‘yan ay nakasentro kay Cristo.
Worship in truth means: Worship is directed to the one and only true God, according to the truth of his Word, through his Son Jesus.
Jesus is Infinitely Better (4:25-26)
Jesus is Infinitely Better (4:25-26)
We need Jesus to teach us the way to worship. (v. 25)
Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kahit itong babaeng kausap niya. Hindi lesson about marriage, sexuality or relationships ang primary need niya. But worship. Walang ibang makapagtuturo sa kanya nito maliban kay Cristo. Alam niya yun kaya sabi niya, “I know that Messiah is coming (he who is called Christ). When he comes, he will tell us all things” (v. 25). Ang hindi pa lang niya alam, kausap na niya ang hinihintay niyang darating. Kumplikado ang buhay ng babaeng ito. Sugatan ang puso niya. Lulong sa kasalanang sekswal. Puno ng kahihiyan. Baluktot ang pananaw tungkol sa pagsamba at tunay na relihiyon.
Tulad din natin. Alam nating kailangan natin ng Tagapagligtas. Ng Messiah. Ng Cristo. Ng Haring mamamahala sa buhay nating kapahamakan ang patutunguhan kung sarili natin ang masusunod. Nasubukan na nating maghahal at maghangad ng pagmamahal. Pero nasaktan tayo. Paulit-ulit na nasasaktan dahil walang anuman, walang sinuman sa mundong ito ang sapat na tutugon sa kailangan ng puso natin. Hindi ang sinumang lalaki o babae o pera o pagiging sikat. Nothing is enough. No other savior will satisfy us. No other savior will give us “all things” we need to know, we need to have, we need in life.
Jesus teaches us not just the way to worship. He tells us, “I am the Way.” (v. 26)
Sabi niya sa babae. “I who speak to you am he” (4:26). Ako ang hinihintay mo. Sa Griyego, ego eimi. I am. Isa ito sa marami pang gagamitin niya sa Gospel of John para tukuyin ang sarili niya na walang iba kundi si Yahweh, ang tunay na Diyos. Na naging Tunay na Tao. At naparito para maging Tunay at Nag-iisang Tagapamagitan sa Diyos at sa tao. Sa tao na makasalanan. Sa tao na di makalalapit sa banal na Diyos nang hindi mamamatay.
Psa. 24:3-4 “Who shall ascend the hill of the Lord? And who shall stand in his holy place? He who has clean hands and a pure heart, who does not lift up his soul to what is false and does not swear deceitfully.” Good luck sa iyo kung makalalapit ka sa Diyos. No chance of survival. Matuwid ba ang pamumuhay mo? Malinis ba ang puso mo? Di ka ba nagsisinungaling? Sa dami ng kasalanan natin, sa kahalayan na nasa puso natin, sa pagpapanggap at takot na ipahayag ang totoo sa atin, wala ni isa man sa atin ang makalalapit sa kanya. Wala.
Sa pamamagitan lang ng awa ng Diyos na nakay Cristo. Not because we are worthy, but because of his mercy. Hindi tayo makaaakyat sa kinaroroonan ng Diyos para sumamba. Pero ang Diyos na mismo ang bumaba para abutin tayo. Through Jesus. Si Jesus lang ang matuwid. Si Jesus lang ang may malinis na puso. Si Jesus lang ang nagsasabi ng totoo. Pero sa kabila noon, ipinako siya sa krus at pinatay, itinuring na parang kriminal, itinuring na marumi ang puso, itinuring na sinungaling. Para ano? Para akuin ang lahat ng ating kasalanan, kahalayan at kasinungalingan at maituring tayong ganap na matuwid sa harapan ng Diyos. Dahil sa awa niya makalalapit na tayo ngayon sa kanya.
Conclusion: Repentance, Worship, and Treasuring Christ
Conclusion: Repentance, Worship, and Treasuring Christ
Dahil lumalalim (deeper) ang pagkilala natin sa awa ng Diyos sa ating mga makasalanan, tumataas (higher) ang pagtingin at pagsamba natin sa kanya. I can preach with all my might over and over again. But if your heart is still trusting in your idols, you will not bow down in worship.
Ang mga idols na ‘yan ang nakahahadlang sa atin sa totoo at mainit na pagsamba. We need to make a decision – habang binabaon ng Espiritu ang ebanghelyo sa ating puso – na talikuran at wasakin ang mga diyus-diyosang natitira sa puso natin. Hindi lang kalimutan. Kapag nalungkot ka, maaalala mo ulit yan. Hindi lang itago. Kapag nangailangan ka, hahalungkatin mo na naman ‘yan. Kundi wasakin, sirain, durugin.
At masabi mong Jesus is better, infinitely better than sexual pleasures, money and material possessions, success and popularity, and all the other idols we are clinging to for security, significance and satisfaction. Si Jesus ay mas mainam, higit na mainam kaysa sa lahat ng mga diyus-diyosang kinakapitan mo para magbigay sa iyo ng kasiyahan, kapanatagan at kahalagahan sa buhay. Hangga’t hindi ‘yan ang tinitibok ng puso mo, you are not yet worshiping God.