Part 3 - Treasuring Christ in Our Witness

Treasuring Christ  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 38 views
Notes
Transcript
Handout
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Gospel: Deeper + Higher + Wider

What is the gospel?
Ito ang magandang balita na ginawa ng Diyos ang hindi natin magagawa nang ipadala niya ang kanyang Anak na si Jesus – namuhay na matuwid, pinatay sa krus at itinuring na isang makasalanan para akuin ang parusang nararapat sa atin at tayo naman ay maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya, sa ikatlong araw ay muling nabuhay ay nagtagumpay laban sa kamatayan. Sa pamamagitan niya meron tayong bagong buhay, bagong relasyon sa Diyos, at bagong misyon sa buhay.
If you really believe the gospel, it will change the way you live.
Hangga’t lumalalim ang pagkakabaon ng gospel sa puso natin (deeper), tumataas naman ang antas ng init ng pagsamba natin sa iisang Diyos (higher), at mas tumitindi ang hangarin sa puso natin na mas malawak ang maabot ng gospel na ‘to sa buong mundo (wider).

The Woman’s Life-Changing Encounter with Jesus (4:28-30)

This pattern is very evident sa kuwentong pinag-aaralan natin this month about Jesus’ encounter with the Samaritan woman. Taga Samaria, itinuturing ng mga Judio na second class, at hindi kabilang sa covenant promise ng Diyos kay Abraham. Ayaw makitungo ng mga Judio sa kanila. Iniiwasan. Isang babae pa. Inferior human beings ang tingin sa kanila ng mga lalaki. Akala ng maraming lalaki, ang mga babae ay para lang paglingkuran sila na para bang mga alila, at gamitin silang sex objects at their pleasure. Naranasan ng babaeng ito na magmahal, pero ilang beses na nasaktan. Five failed marriages and naexperience niya. Namatayan marahil ng asawa o iniwanan o hiniwalayan. O maaaring siya ang nagtaksil at sumama sa ibang lalaki. Para na rin siguro siyang naging prostitute. At hindi pa nadala. May kinakasama na naman siyang isang lalaki na hindi niya asawa. Nakagapos siya sa kasalanang sekswal, tadtad ng sugat ang puso niya, balot na balot siya ng kahihiyan bilang isang immoral Samaritan woman.
But Jesus found her. Hindi nagkataon lang. Sinadya talaga ni Jesus na pumunta sa Samaria. This is
Not a chance encounter but a work of divine providence
Nakilala niya si Jesus na tubig na papawi sa kauhawaan niya sa pagmamahal at kapanatagan at kahalagahan sa buhay na di maibibigay ng sinumang lalaki (o kahit sa kapwa babae pa) o anumang bagay sa mundong ito. Si Jesus ang tubig na nagbibigay buhay. Sa pamamagitan niya, natutunan ng babaeng ito ang essence ng tunay na pagsamba sa iisang Diyos sa espiritu at katotohanan. Dumating na ang pinakahihintay niyang Tagapagligtas. Naniwala siya, nagtiwala, sumunod. Binago ang buhay niya. Binago rin ang misyon niya sa buhay.
New life, new mission: “Come, see...” (v. 29)
Paano ko nasabi yun? Dumating ang mga disciples ni Jesus. Umalis naman itong babae at iniwanan yung dala niyang water jar at pumunta sa kabayanan (v. 28). Pumunta siya sa balon para mag-igib ng tubig, she left satisfied with her encounter with the Living Water. Hindi na siya taga-igib ng tubig, tagapagbalita na siya sa pagdating ni Cristo. Sabi niya sa mga kababayan niyang Samaritans, “Come, see a man who told me all that I ever din. Can this be the Christ” (v. 29)? Nagtatanong siya hindi dahil hindi pa niya alam. Naniniwala na siya. Wala pang ibang kumausap sa kanya na tulad ni Jesus. Walang nakakaalam ng buong kuwento ng buhay niya maliban kay Jesus. At sa kabila ng mga kasalanan niya, wala pang ibang nakipag-usap sa kanya na tulad ni Jesus. Kaya gusto niyang makilala din siya ng iba.
“The gospel comes to us in order that it might run through us….The gospel is personal, but it is not private” (Scotty Smith).
This gospel is so good, hindi pwedeng hindi ikuwento sa iba.
Dahil sa invitation ng babaeng ito, kahit notorious pa ang reputation niya, sumama ang mga tao sa kanya para makita kung tama ang balita niya o baka naman fake news (v. 30). Dinagsa si Jesus ng maraming tao. Ganun din naman dapat tayo. Gusto rin nating dagsain si Jesus ng maraming tao. Gusto rin nating makilala siya ng maraming tao. Gusto rin nating sambahin siya ng maraming tao. Gusto rin nating ang mga taong adik sa kasalanan ay maranasan ang kalayaan nang nakay Cristo. Gusto rin nating ang mga uhaw at gutom tulad natin ay matikman ang sarap at mabusog sa nag-uumapaw na pag-ibig niya sa atin.
Kung fake news ‘yan, wag mong ishare. Pero kung totoo ‘yan, good news ‘yan, and the best news ever, dapat ishare, hindi lang basta tingnan o pakinggan o panoorin, hindi lang i-like o pusuan o mapa-wow, hindi lang magcomment ng, “Amen” o “Ang galing talaga ni Lord,” kundi i-share sa mga friends, kahit sa mga hindi friends, sabihin nating, “Si Jesus lang talaga ang sapat para sa lahat.”

The Self-Centeredness of the Disciples of Jesus (4:27, 30-33)

Not a high view of Jesus, but a high view of themselves (v. 27)
Para sa lahat. Hindi pa ito tanggap ng mga Jewish disciples ni Jesus. Pagkatapos nilang magtakeout sa Jollibee, bumalik na sila kay Jesus para makapaglunch na sila. Nadatnan nila si Jesus na nakikipag-usap sa babae. “They marveled…” (v. 27). Hindi ito yung humanga sila kay Jesus. This is negative. Nagtaka sila, nagulat sila, naiskandalo sila. They did not expect ang isang Judio makipag-usap sa Samaritan, isang lalaki sa isang babae, isang matuwid na tao sa isang makasalanan. Not that they have a high view of Jesus, but a high view of themselves.
Pero di naman nila ma-voice out yung iniisip nila. Pero itong si John, author ng Gospel of John, isa sa labindalawa, alam niya ang nasa isip nila, “Ano kaya ang pakay nito?” “Bakit kaya siya nakikipag-usap sa kanya?” Alam niya kasi pinag-uusapan nila ito, o ganyan din ang iniisip niya. Di man nila sabihin, alam ni Jesus ang laman ng puso nila, tulad ng pagkakaalam ni Jesus sa puso ng babaeng ito. Alam din ni Jesus ang lagay ng puso natin. Bagamat we confess his name and worship him, “Jesus, you are my Savior,” deep in our hearts we still fail to believe na si Jesus ay hindi lang Tagapagligtas natin; si Jesus ay Tagapagligtas din nila.
A preoccupation with the physical (v. 31)
Itong self-centeredness sa heart natin ay lalo pang nagagatungan ng preoccupation natin sa mga araw-araw na pangangailangan nating pisikal. Tulad ng pagkain. Di man lang nila naalok ng pagkain o pinansin man lang yung babaeng kausap ni Jesus. Inintay muna nilang umalis ang babae, saka nilabas nila yung Chicken Joy at sinabi kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.” Probably ayaw munang kumain ni Jesus, o ayaw na niyang kumain. Kaya paulit-ulit siyang sinasabihan ng mga disciples niya, “were urging him” (v. 31).
Wala namang masama sa pagkain. Kailangan naman talaga natin ‘yun. Wala namang masamang maglaba, kailangan din naman natin yun. Wala namang masamang magtrabaho, makipag-date, o mamasyal, o magshopping, o magpatayo ng bahay. Pero kung ang isip natin doon na nakafocus, if we are too preoccupied by the things of this world, we become negligent of greater spiritual realities. Kung ang ambisyon na natin ay makuha ang mga hinahanap ng puso natin sa pamamagitan ng mga relasyon o possessions na meron tayo sa mundong ito, para itong fire extinguisher sa puso natin for gospel ambition. And as we talked about last week, these good things become “god” or idols.
The need to be awakened to greater spiritual realities (v. 32)
Kaya sagot ni Jesus sa kanila, “Meron akong pagkain na hindi ninyo alam” (v. 32). O hindi n’yo pa naiintindihan kahit alam na ninyo. Tinuturuan na tayo ng Diyos ng mga greater spiritual realities about his kingdom, about his mission, about his global purposes, materyal na bagay pa rin ang nasa isip natin, pansarili pa rin ang iniisip natin. Tulad ng mga disciples na ‘to, nagbulung-bulungan pa sa isa’t isa, “Meron na kayang nagdeliver ng Chicken McDo sa kanya? Baka ayaw na niya ‘tong Jollibee” (v. 33).
Nakalulungkot na maraming tao ang dumadagsa sa mga worship services sa mga churches pero sarili lang iniisip. Kung ano ang makukuha nila, hindi kung ano ang maibibigay nila para maabot pa ang maraming tao ng mabuting balita. Kung isa ka sa mga taong ganyan, hirap na hirap kang magbigay nang mas malaki sa tithes and offering, hirap na hirap kang maglaan ng time, hirap na hirap kang gawing available ang sarili to serve in our church ministries, maybe hindi mo pa ganoon kakilala si Jesus, maybe you the gospel is not yet planted deep in your hearts.

The Mission of Jesus is Our Mission (4:34-38)

We all need Jesus to teach us kung ano ang misyon niya sa pagdating sa mundong ito at siyang misyon din natin bilang mga tagasunod niya. Sabi niya sa mga disciples niya, “”My food is to do the will of him who sent me and to accomplish his work. 35 Do you not say, ‘There are yet four months, then comes the harvest’? Look, I tell you, lift up your eyes, and see that the fields are white for harvest. 36 Already the one who reaps is receiving wages and gathering fruit for eternal life, so that sower and reaper may rejoice together. 37 For here the saying holds true, ‘One sows and another reaps.’ 38 I sent you to reap that for which you did not labor. Others have labored, and you have entered into their labor” (vv. 34-38).
Kailangan nating alalahanin ang laki ng puso ni Jesus. Sabi niya,
The great heart of Jesus: “My food is to do the will of him who sent me and to accomplish his work” (v. 34).
Hindi lang niya isang beses sinabi ‘to. Tingnan n’yo rin ang John 5:30, 36; 6:38, yun talaga ang desire ng puso niya. Ang pagkain ang nagbibigay sa atin ng lakas, sigla, at kasiyahan sa buhay. Kay Jesus, ang lakas niya, ang kasiyahan niya, ang masidhing nais niya ay sundin at tapusin ang misyong ibinigay sa kanya ng Ama na nagsugo sa kanya. Oo bilang tao, nagugutom siya, nauuhaw, merong physical needs. Pero lahat ng iyon ay nakapailalim sa karangalan, kaharian at kalooban ng Diyos na unang-una sa lahat, tulad ng araw-araw na pagkain natin (see Lord’s Prayer in Matthew 6:9-13). Ang pagliligtas sa mga taong makasalanan tulad ng babaeng ito, tulad nating lahat, ay hindi trabaho para sa kanya, ito ay kagalakan, not mere duty, but joy and pleasure.
Kailangan din nating alalahanin ang laki ng pangangailangan ng mundo. Sabi ni Jesus,
The great need of the world: “Look, I tell you you, lift up your eyes, and see that the fields are white for harvest” (v. 35).
Tapos na ang paghihintay sa Messiah. Dumating na siya. This is now the time of salvation. Ang daming tao na nangangailangan sa Panginoong Jesu-Cristo, but we are so preoccupied with our own needs, with our own ambition. Billions are on their way to hell, thousands of people groups are yet to be reached with the gospel, at ang iniisip ng maraming Cristiano ay kung anu-anong mga kailangan nila araw-araw. Not that those needs are not important. They are. Pero ang espirituwal na pangangailangan ng mga kamag-anak, kaibigan, katrabaho, kababayan, at kapwa natin na wala pa kay Cristo ay higit na malaki.
The great reward: “…so that sower and reaper may rejoice together” (vv. 36-38)
Kailangan nating alalahanin na lahat ng disciples ni Jesus ay bahagi ng misyong ito. Yung binabanggit niyang “sowers” dito sa vv. 36-38 ay malamang na tumutukoy sa mga nauna na na mga propeta hanggang kay John the Baptist na nagprepare ng way sa pagdating ni Jesus. Yung mga “reapers” or harvesters naman ay yung mga disciples na ni Jesus. We are one in this mission. “I sent you to reap,” Greek apostello, we are sent on a mission with the authority of Jesus to proclaim the gospel to all nations. To bring God’s promised blessing to the nations. Minsan tingin natin dito hard work. Oo maraming sacrifices – time, money, effort – ang gagawin. Pero marami na ang naghirap para dito. Marami nang buhay ang inialay para dito. Jesus paid it all. It is finished! Dahil namatay siya sa krus at muling nabuhay. Siya ang gumawa ng hard work. Ang gagawin na lang natin ay “go and tell” the good news at sabihin sa mga tao, “Come and see Jesus” tulad ng ginawa ng babae.
Kailangan nating alalahanin ang laki ng gantimpalang nakalaan sa sinumang makikibahagi sa misyong ito. Kaya binanggit niya yung “wages”, yung “fruit for eternal life,” yung “rejoice together” sa v. 36, para ipaalala sa kanila na anumang mawala sa atin, anumang isacrifice natin na oras, pera, o worldly pleasures, higit pa ang matatanggap natin na joy and satisfaction when we experience the presence and power of Jesus in participating in his mission. Ibang saya ang mararanasan mo kung makita mo ang mga taong nakarinig ng mabuting balita dahil sa iyo ay lumapit sa Panginoon, sumunod sa kanya, at naging bahagi na rin ng misyong ito. Buong kalangitan ay nagdiriwang sa isa man lang na makasalanan – tulad ng babaeng ito – na magbabalik loob sa Panginoon (Luke 15). And we get to share in the joy of heaven if we share the good news to others and partner with those who share the good news to others.
Gusto kong maintindihan n’yo kung bakit I’m trying so hard to get you on board sa gospel ambition na ‘to of making disciples and planting churches. I’m doing this for your joy. For our joy as a church family.

The Samaritans’ Response to Jesus (4:39-42)

The power of the gospel for salvation (vv. 39-41)
Hindi ka ba magiging masaya bilang tagasunod ni Jesus kung mabalitaan mo na ganito ang naging resulta ng pakikibahagi mo sa misyon. “Many Samaritans from that town believed in him” (v. 39). Ano ang dahilan? “Because of the woman’s testimony, ‘He told me all that I ever did.'” Dahil merong isang babae na nagkuwento tungkol kay Jesus, sa sinabi niya at sa ginawa niya para sa kanya. Ito naman ang purpose ni John sa pagsulat ng Gospel na ‘to, “but these are written that you may believe that Jesus is the Crist, the Son of God, and that by believing you may have life in his name” (20:31). Yan din naman ang dahilan bakit ko ikinuwento sa inyo kung sino si Jesus at ano ang ginawa niya, the gospel story, para kayo rin ay mas makilala n’yo si Jesus, mas magtiwala kay Jesus at mas sumunod kay Jesus. At kasama sa pagsunod na yun ay ang pagkukuwento nyo rin sa iba para sila rin ay magtiwala kay Jesus.
Na wala nang patumpik-tumpik pa, wala nang mga excuses pa. Itong babae, same day nang makilala niya si Jesus. Di muna niya sinabing, saka na lang pag ayos na ang buhay ko, pag wala na kong kasalanan, pag okay na ang reputasyon ko, pag sigurado na ako, pag may training na ako, pag may pera na ako, pag matanda na ako. No. If you really believe the gospel, you will tell the gospel to others. Ganito rin itong mga Samaritans. Pinakiusapan pa nila si Jesus na magstay sa kanila, two days din yun (v. 40). Para mas makilala pa nila si Jesus. Para mas marami pa ang makakilala sa kanya. “And many more believed because of his word” (v. 41).
Many more. Yan din ang desire ng puso natin sa disciplemaking at church planting. We want to bring the gospel wider because we want many more to follow Jesus and find life in his name. Many more sa loob ng bahay natin, many more sa mga kamag-anak at kapitbahay natin, many more sa eskuwelahan o workplace ninyo, many more sa barangay natin, many more sa bayan natin, many more sa bansa natin, many more sa ibang mga lahi.
Jesus the only Savior of the world (v. 42)
Because we believe kung ano rin ang pinaniniwalaan nitong mga Samaritan believers: “We know that this is indeed the Savior of the world” (v. 42). The Savior of the world. Siya lang talaga, wala nang iba. Wala nang ibang daan patungo sa Ama maliban sa kanya (14:6). Wala nang ibang paraan para maligtas ang tao maliban sa kanya (Acts 2:42). No other name. Si Jesus lang ang tanging pag-asa ng buong mundo. Buong mundo, hindi lang mga Judio, hindi lang mga Samaritano, hindi lang mga Pilipino, buong mundo.

Conclusion: A Gospel Ambition

Ganya kalaki ang ating gospel ambition. This is a global ambition. Missions is big. Pero para makasunod tayo, we have to start with one. Tulad ni Jesus na naglaan ng oras para sa isang babae. Para sa taong ito, sino ang isang tao na ipapanalangin mong mabuti para mabahaginan ng mabuting balita at makakilala sa Panginoon? Simula sa taong ito, saang church planting team ka makikilahok at tutulong? Tulad ng babae na nagsimula sa isang bayan sa Samaria (Sychar). Anong unreached people group ang ipapanalangin mo o mga missionaries or organizations na susuportahan mo to bring the gospel to them? Tulad ni Kuya Jorge sa Muslims sa Taguig, ni Ate Malou sa mga Maranao sa Iligan, ni ate Lisa sa mga tribal peoples sa GenSan, ni kuya Joseph sa mga Muslims sa South Cotabato, o ni ate Judith sa mga Buddhists sa Thailand, o ni Jean sa Japan. Or maybe, ikaw mismo ang gusto ng Diyos na pumunta sa kanila? Because we believe that Jesus “is indeed the Savior of the world.”
Anuman ang kalagayan mo ngayon, anuman ang problemang kinakaharap mo, anuman ang mga excuses na palagi mong sinasabi, don’t delay obedience in bringing this gospel wider into the world. We already have the gospel. That gospel alone is enough for the needs of the world.
Related Media
See more
Related Sermons
See more