Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.08UNLIKELY
Disgust
0.1UNLIKELY
Fear
0.1UNLIKELY
Joy
0.18UNLIKELY
Sadness
0.53LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.17UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.04UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.37UNLIKELY
Agreeableness
0.62LIKELY
Emotional Range
0.21UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Gospel: Deeper + Higher + Wider
What is the gospel?
Ito ang magandang balita na ginawa ng Diyos ang hindi natin magagawa nang ipadala niya ang kanyang Anak na si Jesus – namuhay na matuwid, pinatay sa krus at itinuring na isang makasalanan para akuin ang parusang nararapat sa atin at tayo naman ay maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya, sa ikatlong araw ay muling nabuhay ay nagtagumpay laban sa kamatayan.
Sa pamamagitan niya meron tayong bagong buhay, bagong relasyon sa Diyos, at bagong misyon sa buhay.
If you really believe the gospel, it will change the way you live.
Hangga’t lumalalim ang pagkakabaon ng gospel sa puso natin (deeper), tumataas naman ang antas ng init ng pagsamba natin sa iisang Diyos (higher), at mas tumitindi ang hangarin sa puso natin na mas malawak ang maabot ng gospel na ‘to sa buong mundo (wider).
The Woman’s Life-Changing Encounter with Jesus (4:28-30)
This pattern is very evident sa kuwentong pinag-aaralan natin this month about Jesus’ encounter with the Samaritan woman.
Taga Samaria, itinuturing ng mga Judio na second class, at hindi kabilang sa covenant promise ng Diyos kay Abraham.
Ayaw makitungo ng mga Judio sa kanila.
Iniiwasan.
Isang babae pa.
Inferior human beings ang tingin sa kanila ng mga lalaki.
Akala ng maraming lalaki, ang mga babae ay para lang paglingkuran sila na para bang mga alila, at gamitin silang sex objects at their pleasure.
Naranasan ng babaeng ito na magmahal, pero ilang beses na nasaktan.
Five failed marriages and naexperience niya.
Namatayan marahil ng asawa o iniwanan o hiniwalayan.
O maaaring siya ang nagtaksil at sumama sa ibang lalaki.
Para na rin siguro siyang naging prostitute.
At hindi pa nadala.
May kinakasama na naman siyang isang lalaki na hindi niya asawa.
Nakagapos siya sa kasalanang sekswal, tadtad ng sugat ang puso niya, balot na balot siya ng kahihiyan bilang isang immoral Samaritan woman.
But Jesus found her.
Hindi nagkataon lang.
Sinadya talaga ni Jesus na pumunta sa Samaria.
This is
Not a chance encounter but a work of divine providence
Nakilala niya si Jesus na tubig na papawi sa kauhawaan niya sa pagmamahal at kapanatagan at kahalagahan sa buhay na di maibibigay ng sinumang lalaki (o kahit sa kapwa babae pa) o anumang bagay sa mundong ito.
Si Jesus ang tubig na nagbibigay buhay.
Sa pamamagitan niya, natutunan ng babaeng ito ang essence ng tunay na pagsamba sa iisang Diyos sa espiritu at katotohanan.
Dumating na ang pinakahihintay niyang Tagapagligtas.
Naniwala siya, nagtiwala, sumunod.
Binago ang buhay niya.
Binago rin ang misyon niya sa buhay.
New life, new mission: “Come, see...” (v.
29)
Paano ko nasabi yun?
Dumating ang mga disciples ni Jesus.
Umalis naman itong babae at iniwanan yung dala niyang water jar at pumunta sa kabayanan (v.
28).
Pumunta siya sa balon para mag-igib ng tubig, she left satisfied with her encounter with the Living Water.
Hindi na siya taga-igib ng tubig, tagapagbalita na siya sa pagdating ni Cristo.
Sabi niya sa mga kababayan niyang Samaritans, “Come, see a man who told me all that I ever din.
Can this be the Christ” (v.
29)?
Nagtatanong siya hindi dahil hindi pa niya alam.
Naniniwala na siya.
Wala pang ibang kumausap sa kanya na tulad ni Jesus.
Walang nakakaalam ng buong kuwento ng buhay niya maliban kay Jesus.
At sa kabila ng mga kasalanan niya, wala pang ibang nakipag-usap sa kanya na tulad ni Jesus.
Kaya gusto niyang makilala din siya ng iba.
“The gospel comes to us in order that it might run through us….The gospel is personal, but it is not private” (Scotty Smith).
This gospel is so good, hindi pwedeng hindi ikuwento sa iba.
Dahil sa invitation ng babaeng ito, kahit notorious pa ang reputation niya, sumama ang mga tao sa kanya para makita kung tama ang balita niya o baka naman fake news (v.
30).
Dinagsa si Jesus ng maraming tao.
Ganun din naman dapat tayo.
Gusto rin nating dagsain si Jesus ng maraming tao.
Gusto rin nating makilala siya ng maraming tao.
Gusto rin nating sambahin siya ng maraming tao.
Gusto rin nating ang mga taong adik sa kasalanan ay maranasan ang kalayaan nang nakay Cristo.
Gusto rin nating ang mga uhaw at gutom tulad natin ay matikman ang sarap at mabusog sa nag-uumapaw na pag-ibig niya sa atin.
Kung fake news ‘yan, wag mong ishare.
Pero kung totoo ‘yan, good news ‘yan, and the best news ever, dapat ishare, hindi lang basta tingnan o pakinggan o panoorin, hindi lang i-like o pusuan o mapa-wow, hindi lang magcomment ng, “Amen” o “Ang galing talaga ni Lord,” kundi i-share sa mga friends, kahit sa mga hindi friends, sabihin nating, “Si Jesus lang talaga ang sapat para sa lahat.”
The Self-Centeredness of the Disciples of Jesus (4:27, 30-33)
Not a high view of Jesus, but a high view of themselves (v.
27)
Para sa lahat.
Hindi pa ito tanggap ng mga Jewish disciples ni Jesus.
Pagkatapos nilang magtakeout sa Jollibee, bumalik na sila kay Jesus para makapaglunch na sila.
Nadatnan nila si Jesus na nakikipag-usap sa babae.
“They marveled…” (v.
27).
Hindi ito yung humanga sila kay Jesus.
This is negative.
Nagtaka sila, nagulat sila, naiskandalo sila.
They did not expect ang isang Judio makipag-usap sa Samaritan, isang lalaki sa isang babae, isang matuwid na tao sa isang makasalanan.
Not that they have a high view of Jesus, but a high view of themselves.
Pero di naman nila ma-voice out yung iniisip nila.
Pero itong si John, author ng Gospel of John, isa sa labindalawa, alam niya ang nasa isip nila, “Ano kaya ang pakay nito?” “Bakit kaya siya nakikipag-usap sa kanya?”
Alam niya kasi pinag-uusapan nila ito, o ganyan din ang iniisip niya.
Di man nila sabihin, alam ni Jesus ang laman ng puso nila, tulad ng pagkakaalam ni Jesus sa puso ng babaeng ito.
Alam din ni Jesus ang lagay ng puso natin.
Bagamat we confess his name and worship him, “Jesus, you are my Savior,” deep in our hearts we still fail to believe na si Jesus ay hindi lang Tagapagligtas natin; si Jesus ay Tagapagligtas din nila.
A preoccupation with the physical (v.
31)
Itong self-centeredness sa heart natin ay lalo pang nagagatungan ng preoccupation natin sa mga araw-araw na pangangailangan nating pisikal.
Tulad ng pagkain.
Di man lang nila naalok ng pagkain o pinansin man lang yung babaeng kausap ni Jesus.
Inintay muna nilang umalis ang babae, saka nilabas nila yung Chicken Joy at sinabi kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.”
Probably ayaw munang kumain ni Jesus, o ayaw na niyang kumain.
Kaya paulit-ulit siyang sinasabihan ng mga disciples niya, “were urging him” (v.
31).
Wala namang masama sa pagkain.
Kailangan naman talaga natin ‘yun.
Wala namang masamang maglaba, kailangan din naman natin yun.
Wala namang masamang magtrabaho, makipag-date, o mamasyal, o magshopping, o magpatayo ng bahay.
Pero kung ang isip natin doon na nakafocus, if we are too preoccupied by the things of this world, we become negligent of greater spiritual realities.
Kung ang ambisyon na natin ay makuha ang mga hinahanap ng puso natin sa pamamagitan ng mga relasyon o possessions na meron tayo sa mundong ito, para itong fire extinguisher sa puso natin for gospel ambition.
And as we talked about last week, these good things become “god” or idols.
The need to be awakened to greater spiritual realities (v.
32)
Kaya sagot ni Jesus sa kanila, “Meron akong pagkain na hindi ninyo alam” (v.
32).
O hindi n’yo pa naiintindihan kahit alam na ninyo.
Tinuturuan na tayo ng Diyos ng mga greater spiritual realities about his kingdom, about his mission, about his global purposes, materyal na bagay pa rin ang nasa isip natin, pansarili pa rin ang iniisip natin.
Tulad ng mga disciples na ‘to, nagbulung-bulungan pa sa isa’t isa, “Meron na kayang nagdeliver ng Chicken McDo sa kanya?
Baka ayaw na niya ‘tong Jollibee” (v.
33).
Nakalulungkot na maraming tao ang dumadagsa sa mga worship services sa mga churches pero sarili lang iniisip.
Kung ano ang makukuha nila, hindi kung ano ang maibibigay nila para maabot pa ang maraming tao ng mabuting balita.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9