Sermon Tone Analysis

Overall tone of the sermon

This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.06UNLIKELY
Disgust
0.06UNLIKELY
Fear
0.09UNLIKELY
Joy
0.49UNLIKELY
Sadness
0.49UNLIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.02UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.39UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.17UNLIKELY

Tone of specific sentences

Tones
Emotion
Anger
Disgust
Fear
Joy
Sadness
Language
Analytical
Confident
Tentative
Social Tendencies
Openness
Conscientiousness
Extraversion
Agreeableness
Emotional Range
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Balik Tayo kay Lord
Ang iba sa atin ay matagal nang Christians, ang iba ay bago pa lang.
Pero alam nating lahat based on our experiences, na napakasarap ng merong malapit na relasyon sa Panginoon.
Hindi tayo mapapabuti, alam natin ‘yan, kung malayo tayo kay Lord.
Lalo na yung iba nating members na nadalaw ng mga pastors nitong nakaraan lang.
Ang tagal nang hindi nakaattend sa church.
Konektado yun sa relationship natin kay Lord, kasi nga every Sunday we come to worship God together.
Yung iba nahihiya na na bumalik, “Tatanggapin pa kaya ako ng church?
Tatanggapin pa kaya ako ni Lord?” Lalo na kung naging makamundo at nalulong sa isang kasalanan nang matagal na panahon.
O kahit na tayo na regular na dumadalo.
Nakakagawa pa rin ng kasalanan, “Patatawarin pa kaya ako ni Lord?
Ang feeling ko ang dumi-dumi ko na, pano ‘yan?” O nagiging ritwal na lang ang church at ministry, “Maibabalik pa kaya ang dating init ko sa Panginoon?”
Meron ba tayong pag-asa?
Gaano man tayo nalayo sa Panginoon, lalo na kung ikaw ay hindi pa Christian at namumuhay talaga na lihis sa kalooban ng Diyos, obvious man ang paglayo mo o hindi masyadong halata, merong good news for all of us.
“Balik Tayo kay Lord” ang magiging tema ng tatlong sermons natin sa tatlo sa mga minor prophets—Haggai, Zechariah, Malachi.
Three overview sermons’yan.
Zechariah muna ngayon.
Next week, Malachi.
Then, Haggai.
Tapos ay four-part sermon series sa Haggai.
Yung three books na ‘yan ay last three books ng Old Testament.
Sila ang magsasara nito, at siyang malapit naman sa New Testament.
Bakit “Balik Tayo kay Lord”?
Post-exilic prophets ang tawag sa kanila.
Nagministeryo kasi sila sa mga Judio noong panahong bumalik na sila sa Jerusalem pagkatapos ng 70 years of exile o pagkakabihag.
Nagbalik na sila sa lupain na bigay sa kanila ng Diyos, pero hindi ibig sabihin na bumalik na sila kay Lord.
Hindi pa rin ang Diyos, at ang mga bagay na may kinalaman sa kaharian ng Diyos ang prayoridad nila.
They were not seeking first the kingdom of God and his righteousness (Matt.
6:33).
Pakinggan n’yo yung paulit-ulit na emphasis ng three books na ito sa repentance o pagbabalik-loob sa Diyos:
“Tama ba na naninirahan kayo sa mga magaganda at maaayos na bahay ngunit wasak na wasak naman ang aking Templo?
Hindi ba ninyo napapansin ang mga nangyayari sa inyo?” (Hag.
1:4-5 MBB).
“Consider your ways,” that’s a call for self-examination na dapat mauwi sa pagsisisi at pagbalik sa gawain ng Panginoon.
“‘Tulad ng inyong mga ninuno, tumalikod kayo at sinuway ninyo ang aking mga kautusan.
Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo,’ sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Itinatanong ninyo, “Paano kami manunumbalik sa inyo?”’” (Mal.
3:7).
Dapat ding itanong natin ‘yan.
“Matindi ang galit ko sa inyong mga ninuno.
Kaya magbalik-loob na kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo” (Zech.
1:3 ASD).
The Message of Zechariah
Kaisa si prophet Zechariah sa panawagang ito sa mga Judio.
Ito naman ang atas ng Diyos sa mga prophets.
Hindi lang para mag-prophesy about the future, kundi ipahayag rin kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kasalukuyan nilang paglabag sa Diyos, ano ang kahihinatnan nito, at kung paanong dapat silang mag-balik-loob sa Diyos.
Kasabayan ni Zechariah si Haggai.
Pareho silang nagsimula sa ikalawang taon ng paghahari ni King Darius of Persia (Hag 1:1, Zech 1:1, 520 BC).
Si King Cyrus ang hari na ginamit ng Diyos para makabalik na ang mga Judio simula 538 BC.
Pagbalik nila, agad-agad ring nasimulan ang pagtatayo ng templo na winasak ng mga Babylonians 70 years ago.
Pero nahinto yung rebuilding project nung pundasyon pa lang ang nailalagay dahil sa mga “opposition from the outside and discouragement from within” (Reformation Study Bible) (Ezra 4:1-4).
Dahil sa ganitong problema kaya ipinadala ng Diyos sina Haggai at Zechariah (Ezra 5:1).
Hindi rin naging madali ang ministry nila.
Pero noong panahon ni Darius (522-486 BC) muling nahalungkat ang utos noon ni King Cyrus, kaya after almost 17 years na pagkakahinto ay nag-resume ang rebuilding ng temple, at natapos sa loob ng apat na taon noong 516 BC.
Pero wag nating iisipin na ito ay primarily tungkol sa isang building project.
Mahalaga yung temple, siyempre.
Pero dapat nating marealize na it is more about rebuilding God’s people.
Kaya nandun yung call to repentance sa bungad pa lang ng Zechariah (1:1-6).
To accomplish that goal, mahahati sa tatlong major sections itong book na ‘to:
Yung una ay chapters 1-6, tungkol sa mga visions na pinakita ng Diyos kay Zechariah.
Merong walo: (1) four horsemen (Zech 1:7-17); (2) horns and craftsment (Zech 1:18-21); (3) a man with a measuring line (Zech 2:1-13); (4) Joshua the high priest (Zech 3:1-10); (5) a golden lampstand and two olive trees (4:1-14); (6) a flying scroll (5:1-4); (7) a woman in a basket (5:5-11); (8) four chariots (6:1-15).
Medyo challenging pag-aralan yung visions na ‘yan, pero titingnan natin primarily kung ano ang ipinapakita ng Diyos tungkol sa kanya at tungkol sa kalagayan ng puso natin.
Yung ikalawa naman ay sa chapters 7-8, two sermons ‘to (dated Dec. 7, 518 BC).
Prominent dito yung phrase na paulit-ulit, “The word of the Lord came...” (Zech 7:1, 4, 8; 8:1, 18).
Saka yung simula ng mga sinasabi niya, merong divine authority yung message ng prophet, “Thus says the Lord” (Zech.
7:9, 13; 8:2, 4, 6, 7, 9, 11, 14, 19, 20, 23).
Dapat nating pakinggan, paniwalaan at sundin ang mga sinasabi niya.
Yung last section ay yung chapters 9-14.
Heto yung mga oracles or words of judgment: “The oracle of the word of the Lord is against...” (9:1).
Ang tema dito ay tungkol sa paghahari ng Diyos, bagamat hindi makikita yung word na “kingdom of God” dito.
Pero hindi lang ito words of judgment, siksik din ito sa mga pangako ng Diyos sa darating na Messiah, the Good Shepherd.
Call for Repentance
Obviously, wala tayong sapat na oras para pag-aralang lahat ‘yang 14 chapters ng Zechariah.
Pero mag-focus tayo dun sa bungad pa lang nito na call for repentance.
Ito ang mga salita ng Diyos na ipinahatid sa mga Judio sa pamamagitan ng propheta:
“Matindi ang galit ko sa inyong mga ninuno.
Kaya magbalik-loob na kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo.
4 Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno.
Inutusan ko noon ang mga propeta na pagsabihan silang talikuran na nila ang kanilang mga ginagawang masama, ngunit hindi sila nakinig.
Hindi sila sumunod sa akin.
5 Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na.
6 Ngunit nangyari sa inyong mga ninuno ang aking mga sinabi at mga babala sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta.
Kaya nagsisi sila at sinabi, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoong Makapangyarihan ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’”
Zech 1:3-6 ASD
Itong message of repentance ay siyang ring tema ng mensahe ng huli sa mga prophets sa Old Covenant na si John the Baptist, “Repent, for the kingdom of heaven is at hand” (Matt.
3:2).
At siyang tema rin ng prophetic ministry ni Christ, ang pinaka- at siyang fulfillment ng mga propeta, “Repent, for the kingdom of heaven is at hand” (Mat 4:17); “The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand; repent and believe in the gospel” (Mark 1:15).
Karaniwan kapag repentance o pagsisisi ang pinag-uusapan, negative ang dating sa atin kasi ang focus natin ay yung pinagsisisihang maling ginawa.
Kasama yung pagtalikod sa maling gawa siyempre.
Ito ang mensahe ng Diyos hindi lang sa mga Judio na bumalik sa Jerusalem, kundi dating-dati pa sa mga ninuno nila: “talikuran na nila ang kanilang mga ginagawang masama” / “return from your evil ways and from your evil deeds” (Zech.
1:4).
Hindi lang change of behavior ang pinag-uusapan dito, kundi pati change of heart attitude.
So, hindi lang negative aspect ang repentance.
Hindi lang return from, kasali rin yung return to: Ito yung sabi ng Diyos sa kanila, “Return to me,” “Magbalik-loob na kayo sa akin” (v.
3).
Ang gandang salin niyan sa Tagalog, “balik-loob.”
Tungkol ito sa mas internal, mas fundamental na pagpapanumbalik o restoration ng relasyon natin sa Panginoon.
Wag daw nilang tularan ang mga ninuno nila.
Hindi sila nakinig sa Diyos.
Kaya ayun, asan na sila?
Patay na.
Napahamak na.
Gusto n’yo bang tumulad sa kanila?
O yung iba naman nagsisisi lang kasi merong negative consequences.
Nasa huli ang pagsisisi, kapag napahamak na, kapag nasaktan na.
Pero totoong pagsisisi ba yun?
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9