Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.09UNLIKELY
Disgust
0.09UNLIKELY
Fear
0.09UNLIKELY
Joy
0.15UNLIKELY
Sadness
0.53LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0UNLIKELY
Tentative
0.03UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.05UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.41UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.17UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction
This political season is a test of our faith as Christians.
Mainit ang mga usaping pulitika.
Sabi nga ng isang kilala kong pastor, wala pa tayo sa point ng maturity kung political theology ang pag-uusapan.
Ako rin naman.
Kailangang maging maingat kung ano ang hindi dapat sabihin, kung ano ang dapat sabihin, at kung sa paanong paraan dapat sabihin.
Sa init ng mga usaping pulitika, even among us Christians na hindi nagkakasundo at nagkakaintindihan sa mga issues na ‘yan, nasusubok talaga tayo.
At may pagkakataon na bumabagsak.
Nakakalimutan natin na itong pagsubok na ito ay isa ring pagkakataon na ipakita sa maraming tao—lalo na sa mga non-Christians—kung sino ang Diyos na sinasamba at pinagtitiwalaan natin.
Kaso nga, bumabagsak tayo kung pagpapakilala sa Diyos ang pag-uusapan.
Ano ang ugat na sanhi nitong failure natin to represent who our God is in the political arena?
Hindi lang naman dahil kulang at marami tayong hindi alam sa mga bagay-bagay sa mga kandidato at mga issues na may kinalaman sila.
Totoo ‘yan, pero ang pinaka-problema natin ay ang maling pagkakilala sa Diyos, o maliit na pagkakilala sa Diyos, o pagkalimot kung sino ang Diyos na nakilala na natin.
Ang totoo, we don’t have a political problem; we have a worship problem.
Tulad ni King Nebuchadnezzar ng Babylon.
Dahil hari, powerful ‘yan, mayaman, popular, parang nasa kanya na ang lahat.
Except, hindi niya kilala kung sino ang Diyos.
ang Diyos na kilala ni Daniel at ng tatlo niyang dabarkads.
Sabi nga niya tungkol sa Diyos niya, “Siya ang nagbabago ng mga panahon at mga kapanahunan; siya’y nag-aalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari (ESV, sets up kings)” (Dan.
2:21 AB).
Dahil sa paliwanag ni Daniel sa panaginip ng hari, nagkaroon siya ng “konting” pagkakilala sa Diyos.
Sabi ng hari kay Daniel, “Tunay na ang inyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, at Panginoon ng mga hari” (Dan.
2:47).
Isa lamang sa maraming mga diyos, polytheist pa rin.
Ni hindi pa nga #1 ang Diyos sa kanya.
Marami pa siyang ibang diyos, at baka siya pa nga ang #1.
Setting Up Idols (Dan.
3:1-7)
Nakilala lang niya nang “konti” ang Diyos, pero siya gusto niyang ipakilalang mabuti kung sino siya.
Ano ang ginawa niya?
Gumawa siya ng isang rebultong ginto na 27 meters ang taas, at kulang 3 meters ang lapad (Dan.
3:1).
Try to imagine kung gaano kataas ‘yan, at purong ginto ‘yan.
Itinayo niya ‘yan sa plains of Dura, sa province of Babylon (v. 1).
Hindi ba’t ang panaginip niya (sa chap.
2) ay isang malaking rebulto rin?
Pero ang ulo lang ang gawa sa purong ginto, yung iba ay gawa sa silver, bronze, at clay.
Na ang ibig sabihin ay merong ibang kaharian na papalit sa kanya.
Pero ang gusto niya, siya lang “forever.”
No, no, no.
Kingdom of God lang ang mananatiling nakatayo “forever” (2:44).
Itong ginawa niya ay clearly a defiance of the dream given to him by God.
Ayaw niya na may ibang “diyos” na magtatayo ng kanyang kaharian.
Gusto niya siya ang magtatayo.
“Itinayo niya ito...” (ESV, “He set it up...”)—paulit-ulit ‘yan sa buong chapter 3 (vv.
2, 3, 5, 7, 12, 14, 18), in stark contrast, direct contradiction, an act of rebellion against God who “sets up kings” (2:21).
Parang tore ng Babel sa Gen. 11.
Sa halip na kumalat sila tulad ng nais ng Diyos, nagkaisa sila sa pagrerebelde sa Diyos.
Gumawa ng tore abot langit daw, “Let us make a name for ourselves” (Gen.
11:4).
Sa halip na pangalan ng Diyos ang maitaas, ibang pangalan ang gusto nating sambahin.
Yan ang masamang hangarin ng mga kandidato, although hindi lahat, na para bang sila ay diyos.
Sinasamba rin ng mga tao.
Sa rally ni VP Leni sa Malolos, yung nasa malapit sa kanya, hinalikan ang paa niya at nagkrus.
We are all prone to make idols out of politicians.
At ang pinaka- sa mga idols natin ay ang sarili natin.
We are Nebuchadnezzar.
Pagkatayo ng rebultong ginto, merong dedication ceremony (Dan.
3:2).
Pinapunta niya ang mga VIPs, mga matataas na opisyal ng kanyang gobyerno—“mga tagapangasiwa ng lalawigan, mga kinatawan, mga gobernador, mga ingat-yaman, mga tagapayo, mga hukom, at ang lahat ng mga pinuno ng mga lalawigan.”
At pumunta nga sila sa dedication ceremony, masunurin ‘yan sa hari siyempre, tumayo sa harapan ng rebulto itong (inulit na naman kung sinu-sino sila) “mga tagapangasiwa ng lalawigan, mga kinatawan, mga gobernador, mga hukom, ang mga ingat-yaman, mga tagapayo, mga pinuno at lahat ng pinuno ng mga lalawigan” (v.
3).
At naging malinaw na itong ipinatayo niyang rebulto ay hindi lang isang monumento para maalala siya ng mga tao kapag wala na siya.
He’s inviting, no, commanding everyone to worship him!
Heto ang utos, presidential, no, kingly decree sa “lahat ng mga bayan, mga bansa, at mga wika”: kapag narinig daw nila ang iba’t ibang musical instruments na tumutugtog na, ano ang gagawin, dapat nilang gawin?
“Kayo’y magpapatirapa at sasamba sa rebultong ginto na ipinatayo” ng hari (vv.
4-5).
At hindi pwedeng sumuway na walang kaparusahan: “Sinumang hindi magpatirapa at sumamba ay kaagad na ihahagis sa gitna ng hurno ng nagniningas na apoy” (v. 6).
Hindi hamak na mas “mainit” ito kaysa sa pulitika sa panahong ito.
Ngayon mainit lang ang awayan, sagutan, bangayan ng mga magkakatunggaling supporters ng mga magkakatunggaling kandidato.
Pero dito, kapag sumuway ka sa utos ng hari, itatapon ka talaga sa apoy, “burning fiery furnace.”
Anong gagawin mo kung ikaw ang nandun?
Natural, siyempre ayaw naman nating mamatay sa apoy.
Gagawin natin ang lahat ng gagawin natin para iligtas ang sarili natin.
Hindi lang dahil gusto nila ang hari, at sunud-sunuran sila, buhay din naman kasi nila ang nakasalalay.
So ano ang ginawa nila?
Kaya't sa oras na iyon, nang marinig ng lahat ng mga bayan ang tunog ng tambuli, plauta, alpa, sambuko, salterio, at ng iba pang mga panugtog, ang lahat ng bayan, mga bansa, at mga wika, ay nagpatirapa at nagsisamba sa rebultong ginto na itinayo ng haring si Nebukadnezar (v. 7).
Sumunod at sumamba, hindi sa tunay na Diyos, kundi sa diyos-diyosan.
Ikinalat na nga ng Diyos ang mga tao (“peoples, nations, and languages”) sa panahon ng tore ng Babel.
At dito naman sa Babylon (Babel!) tinitipon ulit sila ni Nebuchadnezzar para magkaisa sa pagsamba sa rebulto.
Hindi lahat ng pagkakaisa ay maganda.
Ang pagkakaisa para magrebelde sa Diyos ay dapat itakwil ng bawat isang sumasamba sa tunay na Diyos.
Hindi tayo dapat nakikisama sa ganyang klaseng pagkakaisa.
Madaling “makiisa” sa klase ng pulitika sa mundong ito.
Pero baka natatangay ka na ng agos ng mundo.
Baka nakikitulad ka na sa kanila na sinasamba ang kandidato, bulag na sa katotohanan, kahit kasinungalingan pinaniniwalaan, kahit kasamaan pinapanigan.
Masarap naman talaga sa pakiramdam ang pakikiisa, yung maraming kasama, pare-pareho kayong may tinitingala na akala n’yo ay makapagliligtas sa inyo at makapagbibigay ng kailangan ninyo.
Akala mo inililigtas mo ang sarili mo, pero napag-isipan mo na ba na itong pagsamba sa diyos-diyosan ay ikapapahamak mo? Sabi nga ni Jesus, “Whoever would save his life will lose it...” (Matt.
16:25).
Kung ikaw ang magliligtas sa sarili mo, mapapahamak ka.
Akala mo makakatakas ka sa apoy, but you will be thrown in the fires of hell, “apoy na walang katapusan…sa impiyerno ng apoy” (Matt.
18:8-9), a fire far worse than Nebuchadnezzar’s burning fiery furnace.
Heto yung buong verse sa Matthew 16:25 “For whoever would save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it.”
Handa ka ba na mawalan ng mga kaibigan, na masiraan ng pangalan, na dumanas ng maraming kahirapan, at maging mawalan ng sariling buhay alang-alang sa pagsamba sa Diyos at pagsunod kay Cristo?
Unflinching Devotion (Dan.
3:8-18)
Tulad ng tatlong mga kaibigan ni Daniel na sina Hananiah, Mishael, at Azariah, na mas kilala na sa Babylonian names nila—Shadrach, Meshach, Abednego.
Parang Gomburza (hindi Mahoja!).
Wala sa eksena si Daniel, malamang ay nasa palasyo ng hari.
Prominente dito sa story na ‘to yung tatlong kaibigan niya na matatapang.
Mula simula walang kumpromiso.
Kahit utos ng hari susuwayin kung ito ay paglabag sa utos ng Diyos.
May limit ang submission natin sa governing authorities.
We are subject to a higher authority.
We are citizens of the kingdom of God, yun ang primary identity and allegiance natin.
Meron ngang nakakita sa kanila na sinuway nila ang utos ng hari.
Pero malamang ay may vindictive agenda na yung mga ito, at hindi dahil lang sa allegiance nila sa hari.
That is why they “maliciously accused the Jews” (v.
8).
Heto ang sumbong nila sa hari, ipinaalalang mabuti ang utos niya, at ang parusang nararapat, baka siguro feeling nila may special favor ang hari sa kanila:
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9