Gospel Comfort: The Message of 2 Corinthians

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 207 views
Notes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Introduction: Masarap at Mahirap Maging Kristiyano

Maraming mga maling akala ang maraming mga Christians sa aming mga pastor. Akala ng iba, kapag pastor, masarap ang buhay. Siyempre, sabi nila, ‘yang mga pastor ay malakas ang faith, malapit kay Lord, talagang pinagpapala ‘yan ng Panginoon. Akala ng iba, marami ring pera ang mga pastor. Yung iba, oo. Pero marami ang hindi. Akala ng iba, kapag may financial problem ka, pwede kang lumapit kay pastor. Yung iba akala na kapag pastor, maraming strengths ‘yan, at para bang wala nang weaknesses at mga struggles. Well, akala lang yun. Kasi ang totoo, oo nga’t masarap magpastor, pero mahirap din.
Kaya nga kapag babasahin mo ‘tong sulat ni Pablo sa 2 Corinthians, talagang mababasag ang mga maling akala na ito sa mga Christian leaders, na para bang kami ay mga super-Christians. No. Kung marami kayong mga struggles, sufferings and weaknesses, kami rin naman. Pakinggan n’yo si Paul sa sulat niya:
Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. (1:8)
Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. (4:8-9)
Naranasan naming maparangalan at ipahiya, ang laitin at papurihan. Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; hindi kinikilala, gayong kami'y kinikilala ng marami; itinuturing na patay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi pinapatay. Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong kami'y laging nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman; mga walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay. (6:8-10)
Sa chapter 11 (11:23-29) meron din siyang sinabi (Hindi lang ito description na partikular sa Christian ministry. Ito rin ay para sa pangkalahatang experience ng buhay Kristiyano. Oo, masarap maging Kristiyano. Pero mahirap din. Ganito rin ang experience ni Paul sa mga taga-Corinto. Last week, nung pinag-aralan natin ang 1 Corinthians, nabanggit ko na na si Pablo ang nagpasimula ng church dito. Pero nung nasa Ephesus siya, nabalitaan niya yung mga problems sa church kaya sumulat siya. Actually, second letter na niya itong 1 Corinthians sa kanila. And then, some time later, dumalaw siya sa kanila, maybe to personally address yung mga nagiging problems tungkol sa divisions at discipline cases sa church. Pero hindi naging maganda ang resulta nito. “Painful visit” ang description niya dun (2:1). Siguro nakarinig siya ng masasakit na salita laban sa kanya. Hindi naging maganda ang responses nila sa naging personal visit niya. Pagkatapos nun, sumulat ulit siya sa kanila. Ito yung tinatawag na “severe letter” niya (7:8, “I made you grieve with my letter…you were grieved”), pero wala tayong kopya nito.
Ang puso ko'y puno ng kalungkutan at pag-aalala nang sulatan ko kayo, at maraming luha ang tumulo habang sinusulat ko iyon. Sumulat ako sa inyo hindi upang kayo'y dulutan ng kalungkutan kundi upang ipadama kung gaano kalaki ang aking pagmamahal sa inyo. (2:4)
Pero dito sa 2 Corinthians (so pang-apat na sulat na?), ine-express niya na natutuwa siya sa kanila kasi maganda na yung response nila. Meron nang “repentance” (7:9). Ito yung joy and comfort na ie-express ni Paul na meron siya at affirmation ng fruit of the gospel sa buhay nila, sa chapters 1-7. Sa chapters 8-9 naman ay may kinalaman sa paghahanda sa kanila sa pagpapatuloy ng collection ng tulong pinansiyal para sa mga kapatid na naghihirap sa Jerusalem, na nabanggit niya na rin sa 1 Corinthians 16:1-4. Sa chapters 10-13 naman ay ang patuloy na pagdepensa ni Paul sa sarili niya at sa pagiging apostle niya dahil sa paratang ng mga tinatawag na mga “super-apostles.” So, ang sulat na ‘to, na isinulat niya habang siya ay nasa Macedonia (kasama si Titus), ay preparation sa mga taga-Corinto para sa kanyang ikatlong pagbisita sa kanila (12:14; 13:1). Ayaw niya na rin kasing maulit yung painful experiences sa huling pagbisita niya (2:1). Kaya brutally honest din ang pag-express ni Paul ng mga emotions niya dito. Hindi niya itatago, hindi niya ipalalabas na okay siya para masabi lang na okay siya.
Mga taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Binuksan namin ang aming puso sa inyo. Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin. Kinakausap ko kayo bilang mga anak, buksan naman ninyo sa amin ang inyong puso, tulad ng ginagawa namin sa inyo. (6:11-13)
Yes, very personal. May ina-address siya na mga specific problems at issues sa relasyon niya sa church. But it doesn’t mean na parang nakiki-tsismis lang tayo pag babasahin natin ang sulat na ‘to, na para bang, “Teka, isyu nila ‘to a, ano naman ang kinalaman natin diyan? Tingnan n’yo yung bungad ng sulat niya, para raw kanino? “Para sa iglesya ng Diyos sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya” (1:1). Hindi lang para sa isang church sa isang siyudad, kundi para sa buong probinsiya. Kasi merong mga gustong sabihin sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng sulat na ‘to. Na yung power of the gospel ay hindi lang para sa isang partikular na lugar, hindi lang sa punto na ito ng history, o sa kultura nila. Kundi para rin sa atin ngayon.
In fact, highlighted dito yung counter-cultural at anti-“prosperity gospel” na message. Kasi para sa marami ngayon, magkakaroon ka lang ng joy and comfort kapag nawala na ang mga paghihirap mo sa buhay, magiging masagana lang ang buhay mo kapag natapos na ang kahirapan, magiging malakas ka lang kung mao-overcome mo na ang mga weaknesses mo. But the gospel gives us comfort and joy sa gitna at hindi pagkatapos ng mga afflictions, abundance and generosity kahit na hirap tayo financially, at strength in our weaknesses. Isa-isahin natin yung tatlong ‘yan sa tatlong major sections ng letter na ‘to kung paano nangyayari yung ganitong gospel-driven and supernatural joy, comfort, abundance, and strength kahit di pa matapos-tapos ang mga hirap na dinaranas natin sa buhay Kristiyano.

The Grace of Joy and Comfort in Extreme Afflictions (Chapters 1-7)

Sinabi ko na sa simula pa lang na walang exempted kung kahirapan o afflictions ang pag-uusapan. Kahit matagal ka nang Christian, kahit pastor ka, hindi ka pa graduate diyan. Kung bago ka pa lang na Christian, ganun din. Kaya nga matapos banggitin ni Pablo ang tungkol sa kanilang “mga kapighatian…aming paghihirap” (1:4-5), sinabi rin niya na “kahati kayo sa aming kahirapan” (v. 7). “Kahati” o kabahagi, galing yun sa salitang koinonia na usually translated na fellowship. E tayo ngayon kapag “fellowship” ang babaw ng naiisip natin. Pero itong deep bond na meron tayong mga Christians ay hindi lang naman dahil pare-pareho tayong naghihirap. Bahagi ito ng karanasan natin bilang isang pamilya. Remember yung sa 1 Corinthians? “If one member suffers, all suffer together” (1 Cor. 12:26). Pamilya kasi. Magkakapatid kasi.
So, saan o kanino nanggagaling yung kaaliwan na kailangan natin sa gitna nitong walang katapusang mga kahirapan na nararanasan natin? Yun ang bungad ni Pablo sa sulat niya, “Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan” (2 Cor. 1:3). Sa Diyos nanggagaling. Hindi sa pera, hindi sa asawa o sa ibang tao, hindi sa magandang kalagayan sa buhay. Kung naghihirap tayo as Christians, “dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo” (v. 5). Eto rin ang encouragement ni Paul sa kanila, “Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan” (v. 7).
Hindi ito ganoon kadali kay Paul na sabihin. Kasi nga meron siyang mga pains na dahil din sa mga taga-Corinto. Tingnan n’yo yung simula ng chapter 2, puro pain, pain, pain yung binabanggit niya diyan. E kung ganun experience niya sa huling pagbisita niya sa kanila, madali ba na magplano siya na bumisita ulit? Siyempre kung ako ‘yan, magdadalawang-isip ako. Pero ang sabi niya, “Ako ba'y nagdadalawang-isip nang balakin ko ito? Ako ba'y nagpaplanong tulad ng mga taga-sanlibutan, na nagsasabi ng “Oo” at pagkatapos ay hindi naman pala” (1:17)? Saan nanggagaling ang ganitong kumpiyansa ni Pablo? Sa katapatan ng Diyos na napatunayan sa gospel.
Kung paanong ang Diyos ay tapat, gayundin ang aming salita sa inyo ay “Oo” kung “Oo” at “Hindi” kung “Hindi”. 19 Ang Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo, na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo” at “Hindi” dahil lagi siyang “Oo,” 20 sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. Dahil dito, nakakasagot tayo ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos. 21 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin. 22 Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako. (1:18-22)
Marami ang mga paghihirap mo? Marami rin ang tulong ng Diyos sa ‘yo. Anak ka ng Diyos, nakipag-isa ka kay Cristo, tinatakan ka ng Espiritu. Alalahanin mo ‘yan.
Tapat ang Diyos. Makapangyarihan ang gospel. Kaya kapag makita mo ‘yan na kumikilos sa tao in bringing them to repentance, nagbibigay din ito ng comfort and joy in the midst of afflictions. Tulad nung binanggit niya sa 2:6-8, na posibleng tumutukoy dun sa dinisiplina nila na sinabi ni Paul sa 1 Corinthians 5. Kaya sabi ni Paul, “Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya'y mahal pa rin ninyo” (2:7-8). Masakit ang pagdidisiplina pero kagalakan din ang dulot nito para sa church—para kay Paul at para sa kanila (1:24; 2:3).
Kahit nga yung “severe letter” na tinukoy ni Paul na nakapagbigay ng kalungkutan sa kanila, ay naging kasiyahan ni Paul, hindi dahil nalungkot sila, kundi dahil yun ang naging paraan para pagsisihan nila at talikuran ang pagkakasala nila: “Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para akayin kayo na pagsisihan at talikuran ang inyong pagkakasala, kaya't hindi kayo napinsala dahil sa amin” (7:9). Masaya si Pablo, naging kaaliwan niya yung very positive response nila sa letter ni Paul, “Kaya't ang ginawa ninyo ay nagdulot sa amin ng malaking kaaliwan” (7:13). Napakalaking joy sa isang pastor na makita ang pagbabalik-loob ng isang taong nagkasala at dinisiplina! Sulit lahat ng pagod, ng oras at ng iyak! Ang pagdating ni Titus sa Macedonia ay naging kagalakan din ni Paul, “Subalit ang Diyos na umaaliw sa naghihinagpis ay nagbigay-aliw sa amin sa pagdating ni Tito” (7:6). Pati yung pagtanggap nila kay Titus, ikinatuwa ni Paul, “Maging ang pag-aliw ninyo sa kanya ay nakaaliw din sa amin” (7:7): “Labis akong nagagalak dahil kayo'y lubos kong mapagkakatiwalaan” (7:16).
Nakita n’yo yung dynamics dito? Sa dami ng paghihirap natin, ang Diyos ang nagbibigay ng kaaliwan sa atin. Gawa ito ng gospel sa buhay natin. At ginagamit ng Diyos ang mga kapatid natin kay Cristo—mga elders, deacons, members ng church—for our comfort. Hindi ba’t ganun yung sinabi niya sa simula pa lang, “Kapag naaaliw kami, kayo ma'y naaaliw rin at lumalakas upang inyong matiis ang mga kapighatiang dinaranas ninyo tulad namin” (1:6).
Mahirap ang ministry. Sabi nga ni Paul, ito ay matter of life and death (2:16). “Who is sufficient for these things?” (v. 16), tanong niya. Hindi tayo magkakaroon ng kumpiyansa sa sarili natin, o kahit sa mga nasa church, although natutuwa si Paul sa Corinthian church dahil sila ang maituturing na “letter of recommendation” niya (3:2). Pero, ultimately, ang kumpiyansa natin ay nasa Diyos. “Our sufficiency is from God” (3:5).
So, kung ang kumpiyansa natin ay nasa Diyos, dapat kumpiyansa din tayo sa salita ng Diyos. Hindi pwede yung kapag nahihirapan na tayo sa pagtuturo ng salita ng Diyos sa iba ay iibahin na natin yung message natin, o gagamitin natin ito for our personal advantage. Kaya sabi ni Paul na hindi sila tumutulad sa iba na “kinakalakal ang salita ng Diyos. Sa halip…ay buong katapatan kaming nangangaral” (2:17). Hindi nanloloko ng tao, hindi pinipilipit ang salita ng Diyos, kundi hayag itong ipapangaral (4:2). Ganito ba ang nakikita ninyo sa ministry ng inyong mga pastor? Ganito ba ang conviction natin sa ministry of preaching the Word?
Nasa ganitong ministry tayo dahil sa habag ng Diyos. Kung tutuusin nga, sabi ni Paul, higit na mainam ang kalagayan natin ngayon sa “new covenant” kesa sa “old covenant.” Kahit ikumpara mo pa kay Moises na kapag bababa siya ng bundok ay hindi makatingin sa kanya ang mga tao dahil nagniningning ang mukha niya. Pero yung “ministry of the Spirit” ay merong higit na glory (3:7-8). When we preach the gospel, we preach not ourselves but Christ (4:5). Kasi si Cristo ang dapat nilang makita, ang kiningningan ni Cristo: “the light of the gospel of the glory of Christ…the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ” (4:4, 6). Oo, hindi lahat nakakakita sa liwanag na ‘to. Kaya nga, we rely on the Holy Spirit sa preaching (3:16-18; 4:6). Kaya nga sinisikap nating mahikayat sila palapit kay Cristo (5:11). Paano natin gagawin? Yung iba nakikipag-relasyon pa sa mga unbelievers to the point na nakukumpromiso yung conviction at identity natin na nakay Cristo. Kapag sinaway mo dahil may boyfriend o mag-aasawa ng unbeliever, “Pastor, dadalhin ko naman siya kay Lord.” Bakit, marunong ka pa ba sa Diyos? Ang sabi niya, “Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo” (6:14-15)?
So paano nga? Hindi sa paggawa ng kung ano-anong gimmicks or tricks para ma-manipulate sila na mag-convert. No, no, no. But by remembering na tayo ay mga ambassadors (5:20). Ang gagawin natin kung ano ang gusto ng nagsugo sa atin. Sasabihin natin kung ano ang mensahe na gusto ng Diyos na sabihin natin. And this is the gospel: “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pakikipag-isa natin sa kanya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos (5:21). We give our lives for that message, kahit mahirap pa ang maging kapalit nito.
Hindi tayo pinanghihinaan ng loob, at hindi dapat panghinaan ng loob. “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita (yung mga light momentary afflictions natin ngayon), ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita (yung eternal weight of glory na naghihintay sa atin)” (4:17-18). Walang katulad yun! Ito ang nagbibigay ng lakas ng loob sa atin sa mga panahong pinanghihinaan tayo ng loob (5:6, 8).
Hindi ko alam eksakto kung anong paghihirap ang pinagdaraanan mo ngayon sa buhay at sa ministry. Pero ang alam ko, eksakto, sigurado, merong kagalakan at kaaliwan na nanggagaling sa Diyos. Kasali yan sa pangakong pagpapala na dulot ng ginawa ni Cristo sa krus para sa atin.

The Grace of Abundance in Extreme Poverty (Chapters 8-9)

Mahalaga itong alalahanin kasi posible rin na dahil sa tindi ng mga paghihirap natin, baka makahadlang ito para mas makapagbigay tayo ng oras, lakas, at resources in doing the ministry. Baka sasabihin mo, “Ay, saka na lang, medyo hirap ngayon, medyo gipit, medyo busy. Saka na lang kapag nakaluwag-luwag na.” Kaya mahalaga itong two chapters sa second section ng letter ni Paul—chapters 8-9. Kasi kung maaalala n’yo sa 1 Corinthians 16, nagbigay si Paul ng instruction tungkol sa paghahanda na dapat nilang gawin para sa koleksyon ng relief efforts para sa mga naghihirap sa Jerusalem. E di ba’t maraming nangyari after several months, at baka maapektuhan ang ganitong ministry dahil sa mga naging relationship problems nila. Kaya pagkatapos ng sulat na ‘to, may ipapadala pa siya sa kanila “upang maihanda ang tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan” (9:5).
Dito sa chapters na ‘to, inihahanda sila ni Paul para sa pagpapatuloy ng collection ng tulong na yun para sa church sa Jerusalem. Na yung sacrificial at generous na tulong sa iba ay hindi nakadepende kung mayaman tayo o maginhawa ang buhay natin ngayon. Binanggit niya na example ang mga taga-Macedonia, na nasaksihan niya na sa kabila ng matinding kahirapan at paghihikahos nila (extreme poverty), “masayang-masaya pa rin sila at bukás ang palad sa pagbibigay. Sila'y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa” (8:2-3). Nagulat si Paul, kasi beyond yun sa expectation nila. Kasi tayo minsan nahihiya sa mga medyo naghihirap, “Ah, okay lang na wag muna kayong mag-ambas sa relief project natin, kapag nakaluwag-luwag na kayo.” Pero itong mga taga-Macedonia, sila pa ang nagmamakaawa na makatulong sila (8:4). Pambihira!
Eto ang halimbawang dapat tularan ng mga taga-Corinto. Sabi ni Paul, “Masagana kayo sa lahat ng bagay: sa pananampalataya, sa pagpapahayag, sa kaalaman, sa kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin. Sikapin ninyong maging masagana rin sa pagkakawanggawang ito” (8:7). Sa ESV, “See that you excel in this act of grace also.”
Tingnan n’yo, pambihira ito, pero posible. Ang ganitong pagbibigay ay “act of grace” (also 8:19) Posible lang talaga sa biyaya ng Diyos. At ito ang ginagawa ng gospel sa puso natin. Na yung abundance of joy and generosity natin ay hindi nakadepende sa circumstances sa buhay. Because of the gospel, pinalaya na tayo ng Diyos sa pagiging self-centered at self-focused na kahit na mahirap ang buhay, gagawin pa rin natin ang lahat ng magagawa natin (at higit pa talaga sa kaya natin, by grace lang talaga) para makatulong sa iba. “For you know the grace of our Lord Jesus Christ, that though he was rich, yet for your sake he became poor, so that you by his poverty might become rich” (2 Cor 8:9).
Ang gospel ay nagpapalaya, nagtutulak, at nag-eengganyo sa atin na maging generous. Ang puso natin sa pagbibigay ay nagpapatunay naman, proof, na totoo ngang the gospel is at work sa heart natin. Kaya intentional si Paul na i-oversee, at bigyan sila ng instructions sa giving, hindi ito para sa sarili niyang benefit. Hindi nga niya ginagawang negosyo ang ministry na tulad ng iba! Ito ay para sa mga taga-Corinto, para magkaroon sila ng greater assurance na genuine ang pananampalataya nila na ang bunga ay ang pagmamahal sa mga kapatid kay Cristo.
At hindi lang proof na genuine ang faith nila. Paraan din ito ng Diyos para mas i-strengthen pa nga ang faith nila. Kasi, sa oras na gipit ka, tapos tutulong ka pa sa iba, kailangan mo talagang kapitan ang mga pangako ng Diyos na hindi ka pababayaan, at lahat ng kailangan mo ay ipagkakaloob niya hindi lang para sa ‘yo, kundi para mas makatulong ka pa sa iba. At makikita mo, hindi pala ito tungkol sa generosity mo, kundi sa generosity ng Diyos.
Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa kanyang pasya, maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa...Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. (9:6-8, 11)
Ang tanong sa atin: kapag giving at ministry ang pinag-uusapan, mas nagfofocus ka ba sa mga dahilan mo na mahirap ang buhay, kapos ka, gipit ka, o sa higit na dahilan na meron ka na sagana ang pagpapala ng Diyos sa yo dahil kay Cristo?

The Grace of Strength in Extreme Weakness (Chapters 10-13)

This is especially difficult, personally, para kay Paul, katulad ng makikita natin sa huling four chapters ng letter niya. Meron kasing mga kalaban si Paul. Yung tinatawag na mga “super-apostles” (12:11): “Sinasabi ng ilan na sa mga sulat ko lamang ako matapang, ngunit kapag kaharap nama'y mahina at ang mga salita'y walang kuwenta” (10:10). Mas impressive ang personalities ng mga tao na ‘to kumpara kay Paul na hindi “pleasing” ang personality. Grabe, sakit no? Kasi integrity issue na ‘yan. Kaya ipagtatanggol niya ang sarili niya. At para siyang hangal na magmamalaki rin na tulad nila. Pero hindi sarili niyang reputasyon ang pinakamahalaga sa kanya. Sasabihin niya na ang mga taong ito ay "mga huwad na apostol, madadayang manggagawa at nagpapanggap na mga apostol ni Cristo” (11:13). Siya yung totoong apostol (12:12). Hindi ito payabangan o pataasan ng ere. The gospel is at stake here. Kasi ang ipinag-aalala niya, baka itong mga believers sa Corinth ang matangay ng maling katuruan nila, madala sa galing ng mga ito na magsalita, “baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo” (11:3). Para sa kapakanan nila. Hindi aabusuhin ni Paul ang authority na bigay sa kanya ng Diyos. Magsasalita siya sa kanila “by the meekness and gentleness of Christ” (10:1). Kasi alam niya na ang authority na meron siya na galing sa Diyos ay para magpatibay at hindi makapanira (13:10).
Paulit-ulit yung “boasting” sa section na ‘to. Meron na rin sa mga naunang chapters, pero mas prominent dito. Pero hindi ito yung boasting na para lang sa sarili niya. But for the sake of the gospel. For the sake of his brothers and sisters. Hindi about self-love, kundi bilang pagmamahal sa kanila (12:19). “I will most gladly spend and be spent for your souls. If I love you more, am I to be loved less” (12:15)? Balewala naman yung pagmamalaki niya sa sarili niya kung hindi siya aprubado sa Diyos (10:18). Kaya alam ni Paul yung limitations and boundaries ng boasting niya. Tulad ng sinabi na niya sa 1 Cor. 1:31, inulit niya dito, “Let the one who boasts, boast in the Lord” (2 Cor. 10:17).
Aminado naman si Paul sa mga weaknesses niya (11:29). Sabi pa nga niya, “I am nothing” (12:11). Sabi pa niya, “If I must boast, I will boast of the things that show my weakness” (11:30; also 12:1, 5). Bakit? Ipinaliwanag niya yung ibinigay sa kanya ng Diyos na “thorn in the flesh” para hindi siya matuksong magmalaki tungkol sa “surpassing greatness of the revelations,” yung vision na ipinakita sa kanya ng Diyos na para bang sobrang espesyal niya kumpara sa iba. Hindi natin alam exactly kung ano itong “thorn in the flesh”—pwedeng isang physical weakness ni Paul, o struggle sa kasalanan, o sakit, o anupaman. Pero malinaw kung ano ang purpose nito bakit ibinigay ng Diyos: “upang hindi ako magyabang…nang sa gayo’y hindi ako maging palalo” (12:7).
Kaya kahit magpray siya na tanggalin yung thorn in the flesh na yun sa kanya, ang sabi ni Lord, “No.” Hiniling niya ulit, sagot ulit, “No.” For the third time, hiniling niya ulit, “No” ulit ang sagot. Pero a very gracious “no.” Ganito ang sabi sa kanya: “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.” Kung sapat nga naman ang biyaya ng Diyos sa gitna ng kanyang mga kahinaan, heto ang conclusion niya, “Therefore I will boast all the more gladly of my weaknesses, so that the power of Christ may rest upon me. For the sake of Christ, then, I am content with weaknesses, insults, hardships, persecutions, and calamities. For when I am weak, then I am strong” (12:9-10).

Conclusion: How God is Glorified in Our Afflictions and Weaknesses

Itong two verses na ‘to ay susi para matutunan natin ang nasa puso ni Pablo sa pag-deal sa mga issues dito sa church sa Corinth. Ang nagbigay sa kanya ng “thorn in the flesh” ay ang Diyos. Although siyempre ginagamit yun ni Satanas para i-harass si Paul. So yung question na gusto kong sagutin sa huling bahagi ng mensaheng ito ay ito: Kung ang Diyos, sa kanyang providential plan para sa kanyang mga anak, ang nagkakaloob at nagtatakda ng kahinaang ito, mga kahirapan, mga kapighatian, bakit niya ito ginagawa? Ultimately, siyempre alam natin na ang sagot diyan ay “for the glory of God.” At secondarily, siyempre, para sa ikabubuti natin tulad ng nakita natin na “graces” ng Diyos na comfort, joy, abundance, and strength sa gitna ng ganitong mga karanasan at hindi pagkatapos. So, ang next question, “Paano nago-glorify ang Diyos sa mga kahinaan at kahirapan natin?”
Hindi sadista ang Diyos. Pero sa kahinaan natin, sabi ni Paul, nahahayag ang kapangyarihan ng Diyos (12:9). Kung mahina ka, saan ka nga naman huhugot ng lakas maliban sa Diyos? Bakit hinayaan ng Diyos yung hirap na dinanas ni Pablo sa Asia na halos ikamatay niya? Para tanggalin ang self-reliance sa puso natin, “upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay” (1:9). Kanino ka huhugot ng saklolo kung mamamatay ka na? E di sa Diyos na nagbibigay at sumasagip ng buhay. Salamat sa Diyos (1:11)! Bakit tayo binibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kakayanin sa sarili natin? Para magtiwala tayo sa kanya, na kakayanin natin through his help. We get the help we need. God gets the glory he deserves.
Bakit ipinagkatiwala sa atin ng Diyos itong glorious message of the gospel, sa atin na mahihina at marurupok, na para tayong merong “treasure in jars of clay”? “To show that the surpassing power belongs to God and not to us” (4:7). Saan ka ba naman huhugot ng maipagmamalaki kung maging maganda ang resulta ng preaching of the gospel? Wala. “Let the one who boasts, boast in the Lord” (10:17). Paano nago-glorify ang Diyos sa generous giving natin sa kabila ng hirap na pinagdadaanan natin? Saan ba naman tayo huhugot ng maibibigay natin, e di sa Diyos din na siyang pinanggagalingan ng mga nasa bulsa natin? Makikita ng mga tao yung “di-masukat na kagandahang-loob ng Diyos” (9:14), at sasabihin nating lahat, “Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay” (9:15)!
So, ano ang mensahe ng Diyos sa sulat ni Paul sa 2 Corinthians para sa atin? May kagalakan at kaaliwan na galing sa Diyos, biyaya ng Diyos dahil kay Cristo, sa gitna ng ating matinding kapighatian. May kasaganaan na galing sa Diyos, biyaya ng Diyos dahil kay Cristo, sa gitna ng ating matinding kahirapan. May kalakasan at kapangyarihan na galing sa Diyos, biyaya ng Diyos dahil kay Cristo, sa gitna ng ating matinding kahinaan. At ang lahat ng ito ay para mag-umapaw ang pagpupuri, pagpapasalamat, at pagluwalhati sa Diyos.
Related Media
See more
Related Sermons
See more