Sermon Tone Analysis
Overall tone of the sermon
This automated analysis scores the text on the likely presence of emotional, language, and social tones. There are no right or wrong scores; this is just an indication of tones readers or listeners may pick up from the text.
A score of 0.5 or higher indicates the tone is likely present.
Emotion Tone
Anger
0.07UNLIKELY
Disgust
0.07UNLIKELY
Fear
0.09UNLIKELY
Joy
0.17UNLIKELY
Sadness
0.55LIKELY
Language Tone
Analytical
0UNLIKELY
Confident
0.03UNLIKELY
Tentative
0UNLIKELY
Social Tone
Openness
0.06UNLIKELY
Conscientiousness
0.13UNLIKELY
Extraversion
0.42UNLIKELY
Agreeableness
0.61LIKELY
Emotional Range
0.18UNLIKELY
Tone of specific sentences
Tones
Emotion
Language
Social Tendencies
Anger
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9
Introduction: Masarap at Mahirap Maging Kristiyano
Maraming mga maling akala ang maraming mga Christians sa aming mga pastor.
Akala ng iba, kapag pastor, masarap ang buhay.
Siyempre, sabi nila, ‘yang mga pastor ay malakas ang faith, malapit kay Lord, talagang pinagpapala ‘yan ng Panginoon.
Akala ng iba, marami ring pera ang mga pastor.
Yung iba, oo.
Pero marami ang hindi.
Akala ng iba, kapag may financial problem ka, pwede kang lumapit kay pastor.
Yung iba akala na kapag pastor, maraming strengths ‘yan, at para bang wala nang weaknesses at mga struggles.
Well, akala lang yun.
Kasi ang totoo, oo nga’t masarap magpastor, pero mahirap din.
Kaya nga kapag babasahin mo ‘tong sulat ni Pablo sa 2 Corinthians, talagang mababasag ang mga maling akala na ito sa mga Christian leaders, na para bang kami ay mga super-Christians.
No. Kung marami kayong mga struggles, sufferings and weaknesses, kami rin naman.
Pakinggan n’yo si Paul sa sulat niya:
Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia.
Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami.
(1:8)
Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig.
Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa.
Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan.
Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok.
(4:8-9)
Naranasan naming maparangalan at ipahiya, ang laitin at papurihan.
Kami'y itinuring na sinungaling, gayong totoo naman ang aming sinasabi; hindi kinikilala, gayong kami'y kinikilala ng marami; itinuturing na patay na, ngunit buháy naman; pinaparusahan kami, subalit hindi pinapatay.
Ang tingin sa amin ay nalulungkot, gayong kami'y laging nagagalak; mga dukha, ngunit marami kaming pinapayaman; mga walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.
(6:8-10)
Sa chapter 11 (11:23-29) meron din siyang sinabi (Hindi lang ito description na partikular sa Christian ministry.
Ito rin ay para sa pangkalahatang experience ng buhay Kristiyano.
Oo, masarap maging Kristiyano.
Pero mahirap din.
Ganito rin ang experience ni Paul sa mga taga-Corinto.
Last week, nung pinag-aralan natin ang 1 Corinthians, nabanggit ko na na si Pablo ang nagpasimula ng church dito.
Pero nung nasa Ephesus siya, nabalitaan niya yung mga problems sa church kaya sumulat siya.
Actually, second letter na niya itong 1 Corinthians sa kanila.
And then, some time later, dumalaw siya sa kanila, maybe to personally address yung mga nagiging problems tungkol sa divisions at discipline cases sa church.
Pero hindi naging maganda ang resulta nito.
“Painful visit” ang description niya dun (2:1).
Siguro nakarinig siya ng masasakit na salita laban sa kanya.
Hindi naging maganda ang responses nila sa naging personal visit niya.
Pagkatapos nun, sumulat ulit siya sa kanila.
Ito yung tinatawag na “severe letter” niya (7:8, “I made you grieve with my letter…you were grieved”), pero wala tayong kopya nito.
Ang puso ko'y puno ng kalungkutan at pag-aalala nang sulatan ko kayo, at maraming luha ang tumulo habang sinusulat ko iyon.
Sumulat ako sa inyo hindi upang kayo'y dulutan ng kalungkutan kundi upang ipadama kung gaano kalaki ang aking pagmamahal sa inyo.
(2:4)
Pero dito sa 2 Corinthians (so pang-apat na sulat na?), ine-express niya na natutuwa siya sa kanila kasi maganda na yung response nila.
Meron nang “repentance” (7:9).
Ito yung joy and comfort na ie-express ni Paul na meron siya at affirmation ng fruit of the gospel sa buhay nila, sa chapters 1-7.
Sa chapters 8-9 naman ay may kinalaman sa paghahanda sa kanila sa pagpapatuloy ng collection ng tulong pinansiyal para sa mga kapatid na naghihirap sa Jerusalem, na nabanggit niya na rin sa 1 Corinthians 16:1-4.
Sa chapters 10-13 naman ay ang patuloy na pagdepensa ni Paul sa sarili niya at sa pagiging apostle niya dahil sa paratang ng mga tinatawag na mga “super-apostles.”
So, ang sulat na ‘to, na isinulat niya habang siya ay nasa Macedonia (kasama si Titus), ay preparation sa mga taga-Corinto para sa kanyang ikatlong pagbisita sa kanila (12:14; 13:1).
Ayaw niya na rin kasing maulit yung painful experiences sa huling pagbisita niya (2:1).
Kaya brutally honest din ang pag-express ni Paul ng mga emotions niya dito.
Hindi niya itatago, hindi niya ipalalabas na okay siya para masabi lang na okay siya.
Mga taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo.
Binuksan namin ang aming puso sa inyo.
Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin.
Kinakausap ko kayo bilang mga anak, buksan naman ninyo sa amin ang inyong puso, tulad ng ginagawa namin sa inyo.
(6:11-13)
Yes, very personal.
May ina-address siya na mga specific problems at issues sa relasyon niya sa church.
But it doesn’t mean na parang nakiki-tsismis lang tayo pag babasahin natin ang sulat na ‘to, na para bang, “Teka, isyu nila ‘to a, ano naman ang kinalaman natin diyan?
Tingnan n’yo yung bungad ng sulat niya, para raw kanino?
“Para sa iglesya ng Diyos sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya” (1:1).
Hindi lang para sa isang church sa isang siyudad, kundi para sa buong probinsiya.
Kasi merong mga gustong sabihin sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng sulat na ‘to.
Na yung power of the gospel ay hindi lang para sa isang partikular na lugar, hindi lang sa punto na ito ng history, o sa kultura nila.
Kundi para rin sa atin ngayon.
In fact, highlighted dito yung counter-cultural at anti-“prosperity gospel” na message.
Kasi para sa marami ngayon, magkakaroon ka lang ng joy and comfort kapag nawala na ang mga paghihirap mo sa buhay, magiging masagana lang ang buhay mo kapag natapos na ang kahirapan, magiging malakas ka lang kung mao-overcome mo na ang mga weaknesses mo.
But the gospel gives us comfort and joy sa gitna at hindi pagkatapos ng mga afflictions, abundance and generosity kahit na hirap tayo financially, at strength in our weaknesses.
Isa-isahin natin yung tatlong ‘yan sa tatlong major sections ng letter na ‘to kung paano nangyayari yung ganitong gospel-driven and supernatural joy, comfort, abundance, and strength kahit di pa matapos-tapos ang mga hirap na dinaranas natin sa buhay Kristiyano.
The Grace of Joy and Comfort in Extreme Afflictions (Chapters 1-7)
Sinabi ko na sa simula pa lang na walang exempted kung kahirapan o afflictions ang pag-uusapan.
Kahit matagal ka nang Christian, kahit pastor ka, hindi ka pa graduate diyan.
Kung bago ka pa lang na Christian, ganun din.
Kaya nga matapos banggitin ni Pablo ang tungkol sa kanilang “mga kapighatian…aming paghihirap” (1:4-5), sinabi rin niya na “kahati kayo sa aming kahirapan” (v. 7).
“Kahati” o kabahagi, galing yun sa salitang koinonia na usually translated na fellowship.
E tayo ngayon kapag “fellowship” ang babaw ng naiisip natin.
Pero itong deep bond na meron tayong mga Christians ay hindi lang naman dahil pare-pareho tayong naghihirap.
Bahagi ito ng karanasan natin bilang isang pamilya.
Remember yung sa 1 Corinthians?
“If one member suffers, all suffer together” (1 Cor.
12:26).
Pamilya kasi.
Magkakapatid kasi.
So, saan o kanino nanggagaling yung kaaliwan na kailangan natin sa gitna nitong walang katapusang mga kahirapan na nararanasan natin?
Yun ang bungad ni Pablo sa sulat niya, “Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan” (2 Cor.
1:3).
Sa Diyos nanggagaling.
Hindi sa pera, hindi sa asawa o sa ibang tao, hindi sa magandang kalagayan sa buhay.
Kung naghihirap tayo as Christians, “dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo” (v. 5).
Eto rin ang encouragement ni Paul sa kanila, “Kaya't matibay ang aming pag-asa para sa inyo, sapagkat alam naming kung paanong kahati kayo sa aming kahirapan, magiging kahati rin kayo sa aming kaaliwan” (v. 7).
Hindi ito ganoon kadali kay Paul na sabihin.
Kasi nga meron siyang mga pains na dahil din sa mga taga-Corinto.
Tingnan n’yo yung simula ng chapter 2, puro pain, pain, pain yung binabanggit niya diyan.
E kung ganun experience niya sa huling pagbisita niya sa kanila, madali ba na magplano siya na bumisita ulit?
Siyempre kung ako ‘yan, magdadalawang-isip ako.
Pero ang sabi niya, “Ako ba'y nagdadalawang-isip nang balakin ko ito?
Ako ba'y nagpaplanong tulad ng mga taga-sanlibutan, na nagsasabi ng “Oo” at pagkatapos ay hindi naman pala” (1:17)?
Saan nanggagaling ang ganitong kumpiyansa ni Pablo?
Sa katapatan ng Diyos na napatunayan sa gospel.
Kung paanong ang Diyos ay tapat, gayundin ang aming salita sa inyo ay “Oo” kung “Oo” at “Hindi” kung “Hindi”.
19 Ang Anak ng Diyos, na si Jesu-Cristo, na ipinangaral namin nina Silvano at Timoteo, ay hindi “Oo” at “Hindi” dahil lagi siyang “Oo,” 20 sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”.
Dahil dito, nakakasagot tayo ng “Amen” sa pamamagitan niya para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
21 Ang Diyos ang nagpapatibay sa amin at sa inyo sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo, at siya rin ang humirang sa amin.
22 Nilagyan niya kami ng kanyang tatak at pinagkalooban ng kanyang Espiritu bilang patunay na tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako.
(1:18-22)
Marami ang mga paghihirap mo? Marami rin ang tulong ng Diyos sa ‘yo.
< .5
.5 - .6
.6 - .7
.7 - .8
.8 - .9
> .9